Author: Menalipo Ultramar
Email: condenadoka123@yahoo.com
------------------------------------------------------------
Haaaayyyyyyy!!!! Sa wakas, natapos ko ng tapusin ang dalawang chapter na natapos ko. XD Sorry din at delayed ito ng isang araw. Malay ko nga kung matapos ko yung Chapter 6 bukas (I doubt it).
Sa mga nahihirapan imaginin kung paanong kumilos si Chong, imaginin niyo na lang si Mishil ng Queen Seon Deok, pero masculine ng konti. Sila, si Mishil at Claude Frollo ang peg ko kay Chong XD.
Kung makakwento ako parang ang taas ng reads ng kwentong 'to XD. Way ko na rin to para magcomment kayo. Alam kong konti lang sa mga nagvieview ang nakakatapos ng isang chapter (pwera lang siguro sa Chapter 1 and Chapter 3), kaya kung natapos niya yung isang chapter, magcomment naman po kayo. Hindi niyo lang alam kung anong saya ang nidudulot ng mga comments niyo. Yung comments niyo ang gasolina ng mga writers para magtrabaho XD. Kaya start commenting, kahit simpleng "nice," "nicer," o di kaya "I LOVE YOU AUTHOR." Joke, kahit criticisms, welcome, para doon sa mga hindi nakakatapos.
Ang dami kong nilitanya. Di eto na yun, ang Chapter 5 ng A Dilemma of Love...
------------------------------------------------------------------------
“According to research, reading trivias can suppress
the hormone responsible for making us fall in love.”
Maaga kaming dinismiss ni Sir Villacruel, para daw
makabili na rin kami ng dapat naming dalhin sa Pangasinan. At mukhang marami
ngang pumunta na sa grocery store para makabili ng mga gamit base na rin sa mga
narinig ko. Halatang-halata sa kanila yung excitement, kitang-kita mo yung
tuwa. Maski sila Fred kaagad na umalis para daw pumunta grocery store, actually
inaya nga nila akong sumama. Pero nagpa-iwan na lang ako, tutal bibili rin
naman sila, pinasabay ko na lang yung akin. Tsaka imposibleng bumili ng mga
kailangan ng maaga ‘yung mga iyon. Duda ko magdo-DOTA lang yung mga iyon, at
ayaw kong mabalahura na naman ng kakarinig ng pangalan ni...
Ano kayang ginagawa ni Chong ngayon? Galit ba talaga
siya? Galit ba siya sa ginawa ko? Teka, ginawa ko, eh si Sir Villacruel yung
may pakana noon. Baka isipin niya talagang plinano ko ‘tong mga ito. Haaay!
Parang wala ring saysay na magigiging magka-group kami kung galit siya, iiwas
at iiwas pa rin yun eh. Ano kayang mangyayari sa Pangasinan? Dapat ko bang
asahan na mangyari ang mga bagay na dapat kong asahan, o ang dapat kong asahan
eh yung mga mangyayaring hindi ko inaasahan? Teka, eh may mangyayari nga ba
talaga? Mangyayari nga ba talagang makakasama ko si Chong?
Haaay, Chong! Bakit ka ba laging nandoon kahit na wala
ka? Bakit ba wala ka kahit na nandoon ka?
Ang init ng umaga na iyon. Talagang mapapaso sa sobrang
init yung balat mo kahit na isang minuto ka pa lang sa ilalim ng araw. Kahit na
parang bumabawi ang hangin dahil sa lakas ng pag-ihip nito, hindi pa rin niya
maaalis sa utak mo yung sikat ng araw. Buti na nga lang at hindi kami
pinag-survey ni Sir Villacruel, kundi nagkandahirap-hirap na naman kami sa
pagsipat sa theodolite at sa pagbitbit ng payong. Kaso napahaba naman ang
vacant ko. Ayaw ko namang sumama kila Fred, minsan nakakasawa na ring laro ng
laro, yung ay kung tama akong naglaro nga lang sila. Kaya wala akong nagawa
kundi pumunta sa isa sa mga sikat na puntahan sa campus kapag mainit ang araw –
sa library.
Bihira lang akong pumunta sa library. But when I do it,
I don’t touch any single book. Mas functional naman kasi talaga ang library
kapag ginagawa itong lugar ng kwentuhan, lugar ng tambayan, at lugar ng tulugan
ng mga estudyante. Nagkakasilbi lang ang mga libro sa library at hindi lang
sila nagiging decorations kapag examination period, lalo na kapag Finals kung
saan ang mga estudyante eh nagagahol na sa oras para sa mga term papers nila.
Bihira talagang maging library ang library, lalo na para sa mga estudyanteng
bobo at nag-aaral lang para mag-aral.
Pero hindi para kay Chong.
Araw-araw sa library ang taong ‘yun, para ngang sa
library na siya nakatira eh, lalo na noong mga earlier years namin. Kapag
nagkakasabay kami papalabas ng campus, hinding-hindi pwede na hindi siya liliko
para pumunta sa library, ang sarap pa man din sana niyang ayaing kumain sa
labas. Kapag napipilitan kaming pumunta sa library para gawin yung mga
pinapagawa ng mga professor na absent, hinding-hindi rin pwedeng hindi namin
siya makita ni Fred. Kung hindi siya nagpapractice magsolve ng problems, mga English
novels o di kaya eh psychological books ang binabasa niya. Siguro may kakambal
din siya, pero libro nga lang.
At dahil sa maaga nga kaming nadismiss, finufill ko ang
isa sa mga tungkulin ng library, ang maging isa siyang tulugan. Haaay, kaantok!
Eto talaga ang ayaw ko sa early dismissal, lalo na kapag umaga pa yung klase na
yun, imbis na nakahilata ka pa sa kama mo, eto’t nasa library ka’t pinipilit
mong matulog sa hindi komportableng posisyon. Pero hindi rin ako makatulog eh,
kapag sinusubukan kong ipikit ang mga mata ko, yung nanlilisik na mga mata ni
Chong ang nakikita ko. Bakit ba kasi ganoon yung tao na yun? Gusto niya ako,
gusto ko siya, the feeling is mutual, edi dapat kami na! Yung gwapong lalaki na
mga ‘yung lumalapit sa kanya, hindi pa siya bumigay. Hindi naman kaya plano
talaga niyang magpahard-to-get para lalo akong mabaliw sa kanya? Pero parang
sobrang pahard-to-get naman niyon, parang gusto niya na akong ilibing sa
impyerno sa mga tingin niya. Haaaayy, Chong!!!! Mas matindi ka talaga sa kahit
anong Statics problem.
Kaya naglibot-libot na lang ako sa library, baka
makahanap na rin ako ng libro na interesenteng basahin. Matagal na rin kasi
akong hindi nakakabasa ng libro. Nung high school, oo, kaya nga ako naging
salutatorian dahil sa pagkahilig ko sa libro. Pero ngayong nasa college na ako
at Civil Engineering pa ang kinuha kong kurso, hindi na papasang mga English
novels at trivia books ang binabasa mo. Kailangan na palaging Mathematics books
ang hawak at binabasa mo, at hindi sasapat ang basta pagbabasa nito, kailangan
mong magkaroon ng 100 gazillion neurons para maintindihan mo ang mga concepts
doon. Oo, tama, at sa sobrang daming required na neurons noon, wala kang
magagawa kundi gawing unan ang makapal na librong yon.
At katulad ng dati, hindi yun ang kaso para kay Chong.
Minsan nga tatlo-tatlo pa yung libro sa mesa niya. Kaya hindi na rin
nakakapagtaka kung nakakaperfect siya ng mga tests, at mga Mathematics tests
yun, mind you. At hindi lang yun nagtatapos sa library, nage-extend hanggang sa
hallway ng Engineering Building ang paghawak niya ng libro. Pero mga malilit na
libro na lang yung mga binabasa niya, isa sa mga nasilip ko eh libro ni Bob
Ong, yung isa naman ang pangit ng cover, siguro history book yun. Isa rin sa
napansin ko sa kanya eh ang hindi niya pagpasok sa classroom hanggang wala yung
prof, lalo na kapag mga unang araw ng pasok. Kung bakit, isang malaking
misteryo. Kunsabagay, isa naman talagang misteryo si Chong, isang malaking
misteryo.
At ngayon, isa na namang malaking misteryo ang
pagkakakita ko kay Chong sa library. Kapag ganito kasing araw, magkasabay
silang kakain ni Jenilyn sa kung saan man nila gusto. At as usual, kahit saan
sila kumain, mapupuno yun ng tawanan, tawanan, at tawanan. Hindi ko yulot alam
kung nagseselos ako kay Chong, dahil kasama niya si Jenilyn, o nagseselos ako
kay Jenilyn, dahil kasama niya si Chong.
Dali-dali akong nagtago sa likod ng isa sa mga
bookshelf. Syempre, kapag nakita ako nun, iiwas at iiwas yun. Sakto naman dahil
papatayo na pala siya, dala ang tatlong makakapal na libro ng Mechanics, siguro
isosoli niya ang mga iyon. Pero mula sa malayo, nakita kong iniwan niya yung
mga gamit niya sa mesa, baka babalik pa siya.
Dahan-dahan at buong ingat akong naglakad. Siniguro
kong walang magagawang ingay ang bawat hakbang ko. Para akong gago na halos
magtip-toe papunta sa mesa niya. Matalas ang pandama ng taong iyon eh, tingnan
mo nga lang siya ng palihim, mahuhuli ka niya. Baka sumilip siya kapag narinig
niyang may taong papalapit sa gamit niya. Buti na lang at wala pang masyadong
tao sa library, kung hindi, nakakita sila ng isang gwapong lalaki na parang
nagbaballet. Masabihan pa nila akong baliw.
Apat na bagay lang ang nakita ko sa mesa niya: ballpen,
calculator, binder, at trivia book. Kung hindi mo siya kakilala at titingnan mo
ang mga gamit niya, walang kang makikitang kakaiba. Ordinary looking. Pero
dahil sadyang pakialamero ako ng may gamit ng may gamit, at kay Chong pa ang
mga gamit ‘yun, sinubukan kong maghanap ng mga kakaibang bagay doon. Imposibleng
wala akong makita, si Chong pa.
Inuna ko yung binder niyang color sky blue. Pagkabukas
na pagkabukas ko pa lang sa cover, nakita ko na ang hinahanap ko...
Picture ng hubo’t hubad na babae, parang galing pa nga
sa FHM eh. Hayop sa dating!
Joke. May nakalagay na class picture sa plastic na
ipitan ng binder. Parang bago pa yung litrato, walang katupi-tupi at
kalukot-lukot, pwera na lang sa mga gilid nito na medyo nasira na. Siguro, kung
ako ang naglagay ng picture sa binder ko, malamang nagmukha na yung gamit na
tissue paper. Ayaw ko sanang tanggalin sa pagkakalagay yung mga gamit niya para
hindi niya mahalatang may nangi-alam doon, kaso hindi ko na napigilan ang
sarili ko ng makita ko siya sa class picture. Kinuha ko yung notebook at saka
ko inilapit sa aking mata yung litrato. Nakangiti siya. Nakangiti ng ubod saya,
malayong-malayo sa nakikita kong Chong na walang reaction sa mukha o di naman
kaya ay nakasalubong ang kilay. Mukha ngang stolen yung class picture eh,
nahuli kasi na iwinagayway niya pababa yung panyo niya, siguro may balak siyang
takpan na mukha at kaya siya nakangiti. Kaso bago pa siya makapanakip, nagflash
na yung camera, at yung matamis niyang ngiti ang nakuha ng camera.
Wala akong magawa kundi mapangiti na rin sa pagkakakita
ko sa picture niyang iyon. Pero may tanong din na pumasok sa isip ko, anong
nangyari sa kanya? Bakit ang saya-saya niya noong high school siya, tapos
naging masungit siya ngayong college? Kunsabagay, lagi naman siyang nakatawa
kapag kasama niya si Jenilyn at yung mga ka-grupo niya sa Geodetic Lab. Pero
anong meron sa high school life niya at nag-ipit pa siya ng class picture nila
sa binder niya for almost 3 years? Ganoon ba ka-unforgettable para sa kanya
‘yun? Anong meron sa mga taong yun? Wala ba sa akin yung bagay na iyon kahit na
gusto niya ako at gusto ko siya?
Nakita ko rin si Jenilyn sa class picture niya.
Actually, maraming magagandang babae sa batch nila, pero kay Chong nakakatutok
ang tingin ko. Hindi ko mai-alis ang mga mata ko sa ngiti niya, sa ngiti na
kahit minsan yata eh hindi ako ang naging dahilan. Nakaka-inis. Nakaka-inggit.
Halos sing-kwenta sila doon sa picture na iyon, pero sa ngiti lang niya ako
halos napatitig. Well, almost...
Nawala ang ngiti ko ng makita ko yung lalaking katabi
niya sa picture. Hindi naman talaga niya katabi si Chong, pero papatabi pa
lang. Base sa picture, akma niyang kikilitiin si Chong, kaso nagflash na yung
camera. Hanep rin kung makangiti, parang tuwang-tuwa siya na kikilitiin niya si
Chong, para siyang nasa langit. Landi. Akala mo naman may binatbat sa itsura
ko. May itsurang lalaki. Oo, tama, may itsura lang, kasi mas lamang pa rin ako.
Pero sige, sige na, gwapo na. Maputi rin, pero mas maputi ako, pero parang mas
maputi siya. Pero pandak, pandak na pandak, hindi talaga maitatanggi yun. Kaya
over-all, mas gwapo pa rin ako. Kaso parang wala namang pakinabang yung
kalamangan ko sa kanya. Siya nakasama na niya si Chong, nakasama na puro ngiti
ang nasa labi. Ako, nakasama ko na rin naman siya, kaso puro matutulis na
tingin ang nakikita ko kapag kaharap ko siya.
Teka, nagseselos ba ako sa lalaking ito?
Para makita ko ng mabuti yung mukha ng epal na lalaking
‘yun, inalis ko sa ipitan nito yung picture. Pero may naka-ipit pa palang bagay
sa likod nito: isang green specialty paper na may marble design at kasing-laki
ng litrato. Halatang hindi ginamitan na gunting yung papel ng hatiin ito, pero
pwera sa gilid na iyon, wala ng ibang sira yung papel. Halatang bago lang,
parang kakalagay nga lang eh. At may nakasulat rin sa papel, talagang technical
pen pa yung ginamit na pansulat. At ng tinangka kong basahin yung nasa papel,
kaso, nagulat ako...
...Alibata yung nakasulat sa papel...
“Kakaiba talaga ‘tong tao na ito. Hindi kaya may sakit
na sa utak iyon?”
Ano ba iyong nakasulat sa papel na ‘yon? Ganoon ba
talaga iyon kahalaga at para walang makaintindi, eh, kailangan nakasulat pa sa
Alibata? Bakit kailangang walang makaintindi sa mga iyon? Hindi kaya password
iyon ng Facebook account niya? O ‘di naman kaya alien messages? Tutal naman
bago yung papel, hindi kaya...hindi kaya tungkol sa akin yun? Wow, hanep sa
alright! Ang lakas talaga ng karisma ko, pre! Pero teka, hindi kaya orasyon ito
ng pang-gagayuma? Hindi kaya dahil dito kaya hindi siya maalis sa isip ko at
kahit na nilalayuan niya ako, eh lapit pa rin ako ng lapit sa kanya?
Kung ganoon nga iyon, ang gwapo ko talaga...
Ibinalik ko sa ipitan yung class picture at yung papel.
Baka kasi magulat na lang ako at nasa harap ko na pala si Chong. Sinikap ko
talagang maibalik yung mga iyon sa dati nilang kinalagyan, na para bang walang
nangi-alam doon, kahit hindi ko naman talaga tinandaan kung papaano nakalagay
ang mga iyon.
Sunod ko namang pinagdiskitahan yung trivia book. Wala
ring kakaiba, pwera sa plastic cover nito na parang bago at kakalagay pa lang.
Actually, mukha ngang sa bangketa pa nabili yung libro eh, sa mga bangketa na
bentahan din ng Abakada workbook. Maski yung cover ang pangit, napaka-simple,
simpleng white at green na hinahati ng orange na banner. Halatang halata na hindi
kilala yung publisher. Tapos kulay brown pa yung mga pages, hindi dahil sa
kalumaan, bagong-bago pa yung libro eh, pero dahil talagang brown yung papel
niya. Parang packaging ng pandesal.
Pero, hindi ako nadiscourage ng pagkapangit-pangit na
librong iyon. Ganoon naman talaga ako eh. Hindi tumitingin sa panlabas na anyo,
kahit na ubod ako ng gwapo. Flinip ko yung pages, hindi ko na kayang isa-isahin
pa yung mga pahina at alam kong mabobore lang ako. Kaso wala pa rin akong
makita kahit ang konti na lang ng pages na piniflip ko. Wala ba talaga akong
makikita sa libro na ito?
Hanggang sa makakita ko ng page na may naka-ipit na
scratch paper.
Page 324 yun, halos papatapos na talaga yung libro. May
dalawang lines doon na nakahighlight ng red ink. Red ink sa brown paper, red at
brown, hanep sa combination, parang hindi yata siya galit sa trivia na iyon.
Masakit man sa mata, pero binasa ko pa rin yung naka-highlight na trivia.
“According to research...reading trivias can
sup...press the hormone...responsible for making us fall...in...”
“...love...”
Saktong-saktong kong nabasa yung salitang “love” ng may
biglang humablot ng ubod lakas sa libro.
Si Chong!!!
Dali-dali niyang inilagay sa mesa yung tatlong bagong
libro na dala niya. Saka niya inipit ang calculator at ballpen niya sa binder
na pinaibabawan niya nung trivia book. Ginagawa niya iyon ng walang reaksiyon
sa mukha, ng walang inis o galit na mababakas sa mukha niya. Saka siya umalis
na hindi man lang ako sinabihan ng kahit isa salita. Naglakad siya ng kalmante,
panatag, at may buong pag-iingat.
Kahit na naka-alis na siya, nakatutulala pa rin ako.
Nagulat ako, gulat na gulat. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko.
Nakatunganga akong sinusundan siya ng tingin habang pababa sa hagdan patungong
second floor ng library. Sabi ko na nga ba, mahuhuli niya ako, mahuhuli at
mahuhuli niya ako, tigas kasi ng ulo eh. Pero hindi ko inaakalang sa ganoon
pang pagkakataon! Kunsabagay, hindi mo naman talaga masasabi kung anong
maaaring gawin ni Chong...
Teka, ano bang pinagiisip ko!!! Kailangan ko muna
siyang sundan!!!
Mabilis akong naglakad papunta sa second floor ng
library. Gusto ko na sanang tumakbo, kaso hindi pwede. Library pa rin yun,
kapag tumakbo ako, baka maabutan ko talaga si Chong dahil itinapon na ako ng
librarian pababa ng building, pero baka sa hospital na ang uwi ko. Kaya
naglakad na lang ako ng napakabilis. Pero kahit anong binilis ng lakad ko, wala
pa rin akong nakitang Chong sa second floor. Ang nakita ko, mahabang pila,
napakahabang pila ng mga tao sa baggage counter. Edi dapat nandito pa si Chong
kasi ang haba ng pila, pero wala talaga eh, wala. Siguro saka lang dumami yung
mga tao sa pila nung nag-iinternalize ako at nagrereflect sa pangingi-alam ko
ng gamit ni Chong. Ang swerte ko talaga!
Kaya hindi na lang ako nakipila, hindi ko muna kinuha
yung gamit ko, bahala na kung masita akong nang-iiwan ng gamit sa baggage
counter. Pagkalabas ko sa salaming pintuan ng library, saka ko nakitang pababa
ng hagdan si Chong. Kaso nakita rin niya ako, at bigla niyang binilisan ang
pagbaba niya ng hagdan. Bihira talagang mag-elevator ang taong iyon, para ngang
hindi talaga siya nag-eelevator eh.
Gusto ko na sanang mag-elevator non, kaso marami ring
taong nag-aabang na makasakay sa elevator. Bwisit! Kung kailan naman kailangan
kong maging mabilis saka sila haharang sa elevator! Wala akong nagawa kundi
maghagdan na rin, pero wala na akong
nakitang Chong na pababa ng hagdan, ang bilis talaga ng taong iyon!
Pagkalabas na pagkalabas ko ng building, sumalubong sa
akin ang daan-daang estudyante na papalabas ng campus. Mapahigh-school,
college, members ng faculty ng mga colleges, at mga utility persons ng campus,
nag-uumpukan na papalabas ng gate. Pero wala akong paki sa kanila. Si Chong ang
hinahanap ng mga mata ko! Kailangan kong mahanap si Chong!
Eh papaano ko siya makikita sa pulutong ng ganito
karaming tao? Para akong naghahanap ng karayom sa seven hectares ng palayan, o
‘di kaya singsing sa isang infinity pool, o ‘di kaya isang bato sa isang
sinkhole. Ang baba ng probabilty, pakshet! At habang papunta ako sa kaliwang
daan ng library, yung mga tao naman eh papunta sa kanan, papalabas ng university.
Kamusta naman?
Maaabutan ko pa kaya si Chong? Kahit sorry lang sana,
kahit sorry lang. Ayaw ko namang mag-field work kami ng galit sa isa’t isa.
Hindi pala, siya lang ang galit. Paano yun, mag-iiwasan na naman kami ng three
days, tapos ka-group ko pa siya? Mawawalan ng saysay yung effort ni Sir
Villacruel. Tarantadao kasi eh, ang paki-alamero. Ngayon, baka lalo pa siyang
mapalayo sa akin dahil sa ginawa ko.
At mula sa malayo, nakita ko ang isang taong naglalakad
ng panatag, may pag-iingat, at may buong pag-galang. Isang taong mistulang
naglalakad nang hindi sumasayad ang paa sa lupa...
Si Chong!!!
Binilisan ko lalo ang lakad
ko habang tinitingnan ko siyang naglalakad ng napaka-ingat mula sa pulutong ng
mga taong walang iniisip kundi makalabas ng campus. Napakahinhin. Napakapayapa.
Napakagandang pagmasdan. Parang siyang ballerina na sumasayaw habang iniiwasan
ang pagsagi at pagbangga ng kahit sino. At habang parang nagiging musika ang
ingay ng tao sa mistulang pagsayaw niya, tila sumasabay din sa kanya ang
kanyang body bag na ginawang saliw ng tugtugin ang kanyang galaw.
Tuwang-tuwa akong pagmasdan
si Chong sa ganoong kalagayan, tuwang-tuwa. At tuwang-tuwa rin ang mga tao sa
paligid ko sa kakatapak, kakabangga, kakahambalos sa akin. Bwisit.
Pero kahit na halos mabuwal
ako dahil sa pagiging careless nilang banggain ang isang heartthrob na katulad
ko, nasundan pa rin ng mga mata ko kung nasaan si Chong. Kailangan ko pang
bilisan lalo, kailangan ko siyang maabutan, kailangan ko siyang maka-usap. At
wakas, malapit na ako kay Chong. Tinangka kong abutin ang kamay niya para
mapigilan siya, kaso...
...bigla siyang lumingon at
nakita ako...
Naunsiyami tuloy ang balak
ko. Bigla niyang binilisan ang paglakad niya. Talagang ayaw niyang maabutan ko
siya, talagang gusto niyang lumayo sa akin. Pero hindi ako papayag, kahit ano
gagawin ko para maabutan ko siya, kahit na ano gagawin ko para makasama ko
siya.
Mukhang didiretso siya ng
Engineering Building. Siguro magkikita na sila ni Jenilyn para kumain sa
canteen. Tae paano yun, paano ko siya makaka-usap kung kakain silang magkasama
ni Jenilyn. Hindi ko naman pwedeng tanungin si Chong sa harap ni Jenilyn ng “Uy, Chong, gusto
kita, gusto mo ako, o edi tayo na dapat?” o ‘di kaya “What will become of us,
Chong?” Ayoko ko kayang malaman ni Jenilyn na may gusto ako sa kapwa ko lalaki,
type ko pa man din siya. Teka, bakit nga naman hindi ako pwedeng sumabay sa
kanila ng pagkain? Hindi ko naman kailangang sabihin na harap nilang dalawa na
gusto ko si Chong eh. Kaso, iiwas at iiwas pa rin si Chong eh, baka humindi
siya. Pero hindi siya pwedeng humindi, hinding-hindi. Kapag humindi siya,
mahahalata ni Jenilyn, na may nagaganap sa aming dalawa. Teka, big deal ba
iyon, eh, baka alam naman ni Jenilyn na bakla si Chong. Pero kahit na alam
naman ni Jenilyn na bakla si Chong, ibang usapan pa rin kapag nalaman mong ang
kaibigan mong lalaki eh may kalandian ring kapwa lalaki.
Teka, eh parang ako ang
nanlalandi kay Chong eh...
“Uy, Chong, sorry na...sorry
na po...” ang pagsusumamo ko sa kanya nang halos magkatabi na lang kaming
naglalakad. Kahit kasi magkatabi na kami sa hallway na iyon, hindi pa rin siya
tumigil sa paglalakad, ni hindi man lang niya iniharap sa akin ang mukha niya.
Nakataas pa rin ang noo niya habang payapang naglalakad, parang ipinapamukha
niya sa akin na siyang naririnig na kumakausap sa kanya, na walang gwapong
nilalang ang nakiki-usap na tumigil siya sa paglalakad, na walang isang Carl
Alfonse Santiago ang halos matisod sa kakapigil sa kanya. Kahit na gumapang ako
papunta sa kanya, kahit na kagatin ko siya, kahit na lumindol pa, wala siyang
paki. Great!
“Uy, Chong, mag-usap muna
tayo sandali...Sorry na, na-curious lang naman ako sa mga gamit mo eh. Sorry
na...”
Nagpatuloy pa rin siyang
maglakad.
“Chong, sorry na. Ayoko naman
ng ganito. Magkagrupo kaya tayo sa field work, mag-iiwasan na lang ba tayo?
Paano yung sa Pangasinan?”
Nanatiling nakataas ang
kanyang noo.
"Chong, saglit lang,
sorry na talaga. Gusto ko lang talagang mag-sorry. Kausapin mo na ako, sorry na
nga eh...."
Nagpatuloy siya sa paglalakad ng panatag,
may pag-iingat, at buong pag-galang.
“Chong, sige na, kausapin mo
na ako. Ang arte mo naman eh. Diba sabi ko nga gusto rin kita, oh, ano pang
ikinakagalit mo...”
“STOP PESTERING ME!!!!!”
Halos nagkatapat na ang aming
mga mukha ng bigla siyang lumingon, halos magkatapat na ang aming mga labi.
Parang yung mga eksena sa teledrama kapag aksidenteng magkakatapat ng mukha
yung mga bida. Sa mukha ko, makikita ang pagkagulat. Nasa mismong harap ngayon
ng mukha ko ang taong gumugulo palagi sa isip ko kapag gabi, ang taong halos
sumira sa katinuan ko, ang taong nagpabago sa buhay ko at sa puso ko. Pero sa
mukha niya mababakas ang galit, ang inis. Nasa mismong harap ngayon ng mukha
niya ang taong nakapagpasigaw sa kanya sa gitna ng maraming tao, ang taong
walang idinulot sa kanya kundi sakit ng ulo, ang taong gusto niya.
Nawala ang payapang Chong na
dati kong kilala. Kung dati para siyang manghuhulang tila alam ang lahat ng
nagaganap sa paligid niya, ngayon, para siyang karaniwang tao na nagalit dahil
nawalan siya ng kontrol sa paligid niya. Kitang-kita yun sa pagsigaw niya sa
akin, sa pagsigaw niya sa akin sa harap ng maraming tao.
Bigla na lang tuloy akong
napangisi.
Napangiti ako hindi dahil
nakakatawa siya. Napangiti ako dahil nakita ko ang isang parte ng pagkatao ni
Chong. Nakita kong hindi rin siya kaiba sa akin, na katulad ko marunong din
siyang magalit. Kung tutuusin, dapat binigyan ko na siya ng sarkastikong ngiti
dahil napasuko ko siya, napatunayan kong walang taong makakatiis sa karisma ko.
Pero hindi ko nagawa, at hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko, sa
pagkakataon na iyon, napangiti ako ni Chong.
“Haha,” ang pigil kong
pagtawa.
Saka siya natauhan ng makita
niyang nagsitigil ang mga taong nakapaligid sa amin. Halos lahat ng mga mata ay
sa amin nakatutok. Saka siya pumikit ng dahan-dahan, kinagat ang kanyang mga
labi, at dahan-dahan ring itinuon ang kanyang ulo sa kanyang kanan sabay ng
malalim niyang paghinga. Lalo akong napangiti ng makita ko siyang ginagawa ang
mga iyon. Mukha siyang bata,parang batang nagtatampo, ang cute-cute, sobrang
cute. Pipisilin ko na sana yung pisngi niya kaso bigla niyang itinuon sa akin
ang kanyang ulo at tiningnan ako ng sobra, sobrang sama...
Saka siya tumalikod mula sa
akin, pero hindi siya kaagad naglakad. Huminto muna siya. Isa, dalawa, o tatlo
yatang segundo. Siguro kinakalma pa niya ang sarili niya. Saka siya naglakad,
naglakad ng panatag, ng may pag-galang, at ng may buong pag-iingat.
Pero hindi ko siya sinundan
kaagad. Naglalaro pa rin sa isipan ko ang ginawa niya kanina. Hindi ko tuloy
alam kung ganoon talaga siya o sadyang bwisit lang talaga ako sa buhay niya.
Hindi mo talaga masasabi ang pwedeng gawin ng taong ito. Napaka-unpredictable.
Thrilling. Exciting...
...Lalo tuloy akong
nacha-challenge....
Teka, anong bang pinag-iisip
ko, kailangan ko pa siyang sundan!
Sinundan ko siya hanggang sa
dulo ng hallway, kaso hindi ko siya nakita. Tinuloy ko na yung paglalakad ko
hanggang sa Engineering Building, pero wala pa rin. Tsaka ang laki kaya ng
Engineering Building, tapos ilang floors pa ‘yun. Ano yun, manghuhula na lang
ako kung saang floor ko mahahanap si Chong? Haay, Chong, nasaan ka!!! Saan kita
susundan mula sa dalawang magkatapat na daan dito sa harap ko? Mukhang nakalayo
na siya, kung ano-ano kasi ang pinag-iisip eh. Eh kung hinablot ko na kaagad
yung kamay niya noon tumigil siya, edi sana nakapag-usap na kami. Bwisit! Ang
gago!
Pero may biglang humablot ng
sobrang lakas sa braso ko.
Parang gusto na niyang
mahiwalay ‘yung braso ko mula sa balikat ko sa pagkakahila niyang iyon.
Sinabayan pa ‘yun ng mabilis niyang paglakad. Kung hindi ka susunod sa kanya,
malamang may makita ka nang dugong umaagos sa floor. Hindi lang unpredictable,
di lang exciting, di lang thrilling, sadista pa.
Eh saan naman kaya ako
dadalhin ng Chong na ito? Parang walang katao-tao yung lugar na pagdadalhan sa
akin nito ah. Hindi kaya...hindi kaya sa comfort room ako dalhin nito? Hindi
kaya may karumal-dumal na gawin sa akin ang taong ito? Mag-sesex kami? Wow,
hanep sa alright! Sa wakas, napasuko ko na talaga siya! Talagang isinuko na
niya ang bandera niya. Edi sinong unang sumuko? Sinong nakasikil kanino? Ang
gwapo mo Fonse, sobrang gwapo mo!
Pero wala akong nakitang mga
urinals sa pinagdalhan niya sa akin. Green benches, mga green benches na
semento, mga green benches na walang katao-tao ang nakita ko sa pinagdalhan
niya akin. Ang romantic talagang pumili ng taong ito ng lugar ng date. Sa
susunod nga, ako na ang pipili ng lugar. Pero, teka. Wohoho! Hindi lang pala
unpredictable ang taong ito, exhibitionist pa. Gusto talaga niyang dito namin
gawin yung bagay na ‘yun, dito sa open spaces? Wohoho, exciting. Kalibog!
"Doon ka umupo sa kabilang gilid..." ang
kalmante niyang sinabi sa akin ng akma na akong uupo sa kanyang tabi. Woah,
gusto talaga niyang maging mahirap ang lahat ng
mga bagay. Pati pagpapaligaya niya sa akin, gusto niyang maging mahirap.
Paano niya ako ibloblowjob sa lugar na maaaring makita ng lahat? Woohoho, mas
nakakatakot, mas mapanganib, mas masarap! Mas nakaka-excite tuloy lalo. Exhibitionist
ka pala Chong ah...
Bring it on, baby!
Pero walang nangyari.
Isang minuto...
Nakatuon lang sa akin ang mga mata niya, nakakatitig
lang sa akin ang mga malamlam niyang mata. Minsan, kukurap siya, kukurap siya
ng dahan-dahan, ng panatag, ng may buong pag-iingat. Para niya akong sinusuri
sa mga tingin na iyon, para niyang hinihigop ang lakas ko sa mga titig niyang
iyon.
Dalawang minuto...
Wala akong nagawa kundi ibaba na lang ang aking tingin.
Alam kong dapat ko rin siyang tingnan, dapat ko siyang kausapin, pero hindi ko
magawa. At hindi ko alam kung bakit. Para akong batang paslit na hindi makatingin
sa mata ng kanyang nanay dahil may nagawa itong kasalanan. Siguro nga may
nagawa akong kasalanan kay Chong, siguro masyado na nga itong ginagawa ko.
Kailangan ko na yatang tumigil, kailangan ko na siyang lubayan. Pero titigilan
mo ba ang mga bagay na bumago sa buhay mo? Lulubayan mo ba ang isang tao na
nakakapagpaligaya sa iyo?
Tatlong minuto...
Nanatiling nakakatitig sa akin si Chong, nanatiling
nakatuon sa akin ang malamlam at malamig niyang tingin. Nasa harap ko na naman
ngayon ang Chong na nagpahiya sa akin sa canteen, ang Chong na pilit akong
iniiwasan at sinisikil, ang Chong na umamin sa aking gusto niya ako.
"Bakit mo ako gusto?" ang bigla niyang
pagbasag sa tatlong minutong nabalot ng katahimikan.
See, exhibitionist talaga ang taong ito. Exhibitionist
kung magtanong.
“Ha?” Ang totoo, narinig ko ang tanong niya, pero
kailangan kong makasiguro na ‘yun nga ang tanong niya. Sino ba naman kasing
hindi magugulat sa tanong na ganoon, mas lalo naman sa sitwasyon ko. Ni hindi
pa nga kami at halos magtayo siya ng Great Wall of China sa pagitan namin para
maiwasan lang niya ako, tapos tatanungin niya ako ng ganoong tanong.
Tsaka kailangan kong mag-isip ng sagot, ng sagot na
magpapakilig sa kanya, ng sagot na magiging dahilan para makuha ko siya, ng
sagot na magiging dahilan ng pagkalaglag ng brief niya.
“Bakit mo ako nagustuhan? What made you like a person
like me?” ang sambit niya sabay ng pagkunot ng kanyang noo.
“Ah, ah...ah,” Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko
alam. Ano bang dahilan ang pwedeng kong ibigay na makakapagpalambot kaagad ng
puso niya? Meron bang ganoon sa katulad niyang halos kumain ng tao kapag
tingnan ka? Kailangan kong galingan sumagot, nakasalalay dito ang kagustuhan
kong makasama si Chong, ang kagustuhan kong mapasuko siya, at ang kinabukasan
namin ni Chong.
Teka, ano bang “kinabukasan namin ni Chong” ang iniisip
ko?
“Ano?”
Pero wala pa rin akong maisagot. Ang tanging nagawa ko
na lang ay ang ibaba ang tingin kong nagtatanong sa sagot na gusto niyang
makita. Saka ko nakita ang magkahawak niyang kamay, tila nanginginig, tila
nagtitimpi, parang kamay na kahit anong oras eh handang sumalpak sa mukha ko.
Kailangan ko na ng sagot!!!
“Ah, kase, ano eh...uhmmm...” ang pautal-utal kong
sagot. Bwisit talaga, lagi na lang akong napapahiya sa harap niya. Para tuloy
pakiramdam ko, utak ipis ang tingin niya sa akin.
Nakakunot pa rin ang kanyang noo na sinabayan pa ng
nakunit din niyang kilay. Kita-kita mo sa mukha niya ang unti-unting pag-alis
ng kapanatagan habang patagal ng patagal ang paghihintay niya sa aking sagot. OO
NGA ANO!! Bakit hindi ko kaagad naisip yun? Pero sigurado ba akong kakagatin
niya iyon? Parang hindi eh...Pero kailangan kong sumugal, kapag hindi pa ako
sumagot, baka makita ko na talagang umaapoy ang mata niya. Baka dumapo pa sa pogi
kong mukha yung kamao niya. Sige, ‘yun na lang ang isasagot ko...
“Ah, Chong...Kasi...” Pakshit naman! Dapat with
confidence eh, nasaan yung diskarte ko sa mga babae! Dapat sabihin ko ito ng
nagpapacute, nandoon yung trick eh. Kahit na corny yung dahilan, basta mukha
kang gwapo, bibigay kaagad kahit sinong babae...
Eh, hindi naman babae si Chong, eh.
“Pwede, walang mga dahilan na ‘Because you made me smile everyday and you made me
feel all the happiness in life there is,’ na ‘Because you showed me the real
meaning of LOVE and you made me feel it,’ at lalo nang ‘Your presence in my
life gave a new dimension to my existence.’ Ha, pwede?”
Parang yung mga yun ang sasabihin ko sana eh. Verbatim.
Word per Word.
Fuck.
Nanitili pa ring nakakunot ang kanyang noo at ang
kanyang kilay. Pero ngayon, nakalitaw na ang kanyang mga ngipin, parang hayop
na handang sagpangin ang prey niya. Nakangiti siya na parang nagtitimpi, na
parang naguguluhan, na parang nawawalan ng pasensya. Nakatitig pa rin siya sa
akin na parang gusto akong pigain, habang lalong humihigpit ang pagkakahawak
niya sa kanyang mga kamay. Kailangan ko na talagang sumagot, mamumuro na ako sa
kanya.
At wala na akong nagawa kundi ibigay sa kanya ang karaniwang sagot sa
kanyang taong.
“Ah kase...”
“Kase ano?”
“Uhmmmm...”
Alam kong pwede pa ring magfail. Per anong choice ko!
This is a matter of life and death! Baka umuwi akong may kalmot sa mukha. Tsaka,
bihira lang na hindi gumana ‘tong diskarte na ito. Kapag tinanong ako ng mga
babae ko ng ganitong tanong, hindi pwedeng hindi sila magblublush kapag
isinagot ko sa kanila to. Kaya susugalan ko na. nakakasalalay dito ang matagal
ko ng kagustuhang makasama si Chong...
“Kasi...”
“So aabutin tayo ng sembreak dito sa kakasabi mo ng
kase...”
“Ah hindi...Ah, kase nga...”
“Kasi nga ano?”
“Kasi...”
Wala na akong choice, kailangan ko na talagang
sabihin...
“Kasi...wala...”
Kitang-kita mo ang tila panghihina niya. Para siyang
nanlumo sa narinig niya. Biglang nawala ang pagkakunot na kanyang noo at kilay,
kasabay na pagkawala ng bangis ng kanyang ngiti kanina. Ang mga mata niyang
kanina’y nag-aapoy ay napalitan ng kaamuan at pagtatanong. Sabi ko na nga ba
eh, no fail talaga ang dahilan na ‘to. Yahoo! Napaamo ko na si Chong! Akin na
siya! Makakasama ko na siya!
“Ano kamo?”
“Gusto kita...kasi...walang dahilan...bigla na lang
yung nasabi ng puso ko. Chong, hindi mo naman maipapaliwanag ang nararamdaman
ng puso eh..”
“...TALAGA?”
“Oo, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko sa’yo to.
Hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko napapasaya mo ako, kapag nandiyan ka,
para ako...”
“HINDI PWEDENG WALA!!! PAANO MO SOSOLUSYUNAN ANG ISANG
BAGAY NG HINDI MO NALALAMAN ANG DAHILAN!!!”
Nasa harap ko ngayon ang isang Chong na hindi ko nakita noon.
Isang Chong na hindi kalkulado ang mundo, isang Chong na walang mababakas na
pag-iingat, isang Chong na hindi panatag.
At ngayon nabago ng buo ang pagkakakilala ko sa taong
siya ring nagpabago sa pagkakakilala ko sa aking sarili.
Haaay... ang ganda at astig ng kwentong 'to!! Pulido ang pagkakalahad, 'yung tipong mai-imagine mo ang mga eksena. Chong is mysterious pero I'm amazed how persistent Fonse is. Tama nga naman s'ya, mahal mo ang isang tao sa walang kadahilanan. Ang alam mo lang napapangiti ka at lagi mo s'yang hinahanap.
ReplyDeleteThis story is worth reading. So far, 10/10 ang score ko. Sana lang may character model sina chong at fonse.......
Keep it up author!!!!
I'm thinking of using photos of kang ji hwan ang gong yoo sa lie to me tsaka big eh, kaso hindi ba ako macocopyright infringement noon? XD
DeleteAuthor, I suggest dapat pinoy ang character model ni chong. Kase based sa description mo sa kanya, isa s'yang tipikal na pinoy-looking at mas gwapo si Fonse.
DeleteSana talaga maganda ang magiging takbo ng story like PARAFFLE NA PAG-IBIG (despite the unfavorable ending) kasi 'yun ang favorite story ko dito hehehehhehe...
I salute you for being able to give distinctions sa dalawang bida. This proves how clever you are as a writer..
Again, keep it up!!! thank you for making a story like this..... ^^
Wow, maraming salamat!! MARAMING, MARAMING, SALAMAT!!! May tama ka nga naman XD. Kaso mukhang mahihirapan ako nito kung hahanap talaga ako ng character model na pinoy...XD
Deleteha ha ha, natameme ang heart throb kuno. . . bakit nga kaya ganun, habol ka ng habol pero pag nanjan na natatameme ka?
ReplyDeletei sooo love this story..ang galing talaga ng pagkakasulat..kudos sayo Mr.Ultramar!
ReplyDeletekaaliw si Fonse pag nagdi dilemma na!hahaha!pati si Chong ume echo na sa tenga ko :D
Chong...
DeleteChong...
CHONG....
Maraming salamat!!!
and yes,tama si anonymous..pag mahal mo ang isang tao wala ka talagang maapuhap na dahilan..simple,kasi mahal mo :))
ReplyDeleteI agree. Ang galing ng pagkakasulat, parang naiimagine ko lahat ng eksena.
ReplyDeleteI specifically used point of view ng isang tao 'yung gagamitin ko para maipakita ko talaga ng detailed yung bawat eksena. Kaso, pondering about it, parang loophole siya sa kuwento, to think na wala naman talagang ganoon ka observant na tao, pwera na lang kung detective ka XD
Delete