Chapter 25
By Rogue Mercado
Contact me at: roguemercado@gmail.com
____________________________________________________________________________
"Hanggang
dito ba naman.. dala-dala mo pa rin yan?" tanong niya kay AJ ng mapansin
ang librong bitbit nito.
Nakita na niya ang
librong iyon noong una nilang pagkikita. Ayon sa bata ay Snow White and the
Seven Dwarves and pamagat nito. Nag-angat naman ito ng mukha sa tanong niya.
"Ah opo kuya
Jude.. ang sarap sarap kasing basahin ng paulit-ulit."
"Adik ka rin sa
fairytales noh?" agaw atensyon sa kanila ni Red. binigyan diin nito ang
sinabi na halatang siya ang pinapatamaan.
"Hindi naman po
Kuya Red... Bale crush ko po kasi yung princess dito si Snow White"
"Ah akala ko pa
naman yung Prince Charming ang crush mo" natatawang wika ni Red sa kanya
Sa sinabi ni Red ay
agad niya itong siniko sa tagiliran habang nakaupo sila kaharap ng bata.
"Aw!! Aray...
Nakakarami ka na ah... Bakit na naman?" tanong sa kanya ni Red.
"Halika nga
dito" utos niya kay Red at nauna na siyang tumayo at nagtungo ng kaunting
distansiya mula sa bata.
"Sanadali lang
AJ ah." narinig niyang wika ni Red sa bata at sumunod sa kanya.
Nang magkasarilinan
sila ay agad naman niya itong kinompronta sa sinabi niya sa bata.
"Ano sa tingin
mo ang sinasabi mo sa bata??" naiirita niyang tanong dito
"Bakit? Its just
a joke. Saka isa pa.. kapag tumagal, mamumulat rin ang batang iyan sa takbo ng
panahon ngayon" paliwanag ni Red
"Anong takbo ng
panahon ngayon?"
"Na hindi masama
na si Prince Charming mainlove sa kapwa niya Prince Charming?"
"And you think
Walt Disney would buy your joke? Red... magpakatotoo ka naman... bata yang
kinakausap natin, you should not influence him with same sex relationships.
Baka mamaya may makarinig pa sa iyo"
"Nagpapakatotoo
ako Jude... hindi ko lang alam sa iyo" matigas na sagot ni Red sa kanya at
iniwan siya sa kinatatayuan.
Nakita niyang nagtungo
muli si Red sa naghihintay ng bata at kinausap ito sandali, maya-maya pa ay
nakita niyang humalik ang bata sa pisngi ni Red na waring nagpapa-alam. Matapos
nito ay namalayan niyang lumapit sa kanya ang bata habang naiwan naman si Red
sa sa kinauupuan, nakita niyang pinagmamasdan silang dalawa nito. Muli naman
siyang umupo para kausapin ang bata.
"Pasensya ka na
sa nasabi ni Kuya Red mo ah.. nagbibiro lang talaga iyon" malambing niyang
wika kay AJ. Minsan hindi niya talaga matantiya ang sarili kung paano siya
nagiging malambing sa harap ng ibang tao. The kid just had a soft spot in his
heart.
"Wala iyon
kuya.. alam niyo po mahal po kayo ni Kuya Red" malambing rin na sagot ni
AJ sa kanya.
"AJ!!! ano na
naman ba tinuro ni Kuya Red mo sa iyo? Ang bata-bata mo pa ah" saway niya
dito ng marinig ang sinabi ng bata.
"Wala naman po
siyang tinuro.. Basta po nung isang araw na pumunta siya sa bahay sabi niya po
crush daw niya yung taong may black dito sa baba ng eyes po... Eh ikaw lang
naman po yung ganun Kuya Jude kaya feeling ko ikaw po yung crush tapos mahal ni
Kuya Red po" mahabang kwento sa kanya ni AJ.
"Mag-gagabi na
diba? Uwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo" pagsasawalang bahala niya sa
sinabi nito
"Mahal niyo rin
po ba si Kuya Red?" biglang tanong ni AJ sa kanya.
Bigla rin siyang
napalunok na tila nauubusan ng laway. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib at
napatingin siya sa kinatatayuan ni Red. Mataman lang itong nakamasid sa kanila
at saka niya binawi ang tingin dito. Hinarap niya ulit si AJ.
"Sinabi ba
talaga iyon ng Kuya Red mo?" paninigurado niya
"Opo sinabi niya
po" magalang na sagot ng bata
"Sasagutin ko
yang tanong mo sa tamang panahon" wika niya sabay inayos ulit ang eyeglass
na suot ng bata.
"Kailan po yung
tamang panahon Kuya Jude? Wag niyo na pong hintayin na guluhin kayo ng witch
Kuya tulad dito sa story"
"Ikaw talagang
bata ka... Ang dami dami mo ng alam eh ang bata-bata mo pa" saway niya
ulit dito.
"Sige po Kuya
Jude aalis na po ako at mag-gagabi na rin" paalam sa kanya ng bata sabay
halik sa pisngi niya.
Unti-unti itong
lumayo hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Nakita naman niyang lumapit
ulit si Red sa kinatatayuan niya at hinawakan uli nito ang kanyang kamay.
"Punta na tayo
sa phot booth?" tanong nito sa kanya
Tumango lang siya at
natagpuan na lang ang sarili na kumakapit na rin sa kamay ni Red. It felt good.
Yung tipong may isang tao na nakahawak sa kamay niya ay parang hinding-hindi
siya iiwan. He slightly shook off his head. Kung ano ang nangyayari at
nararamdaman niya ay malapit ng matapos. Malapit ng gumabi.
Nang makarating sila
ng photo booth ay nakita nilang nakalapag sa may bandang gilid ng sahig ang mga
props na maaaring gamitin ng kung sino mang nais magpapicture.
"Sige.. ikaw na
lang pumili ng props ko... ako na lang pipili nung para sa iyo.. OK ba
yun?"
“May magagawa pa ba ako?” sarkastiko niyang tanong ditto
“Wala hehehe”
Sumimangot lang siya tanda ng kanyang pagkadismaya dito. Nauna na
siyang pumunta sa tambakan ng props at malaya niyang pinagmasdan ang samu’t
saring mga abubot na maaring gamitin sa pagpapakuha ng larawan. Nahagip ng
kanyang mga mata ang isang itim na sungay.
“Batman pala ah” bulong niya sa sarili at ngumiti ng
makahulugan. “On a second thought I think
I’ll enjoy this” natatawa niya pa ring bulong sa sarili
“O anong nginingiti-ngiti mo diyan?” agaw tanong sa kanya ni Red
na kasalukuyang nagbubungkal na rin ng maaring ipasuot sa kanya.
“Oh God wag mo kong papasuotin ng
korona ng prinsesa kundi tatadyakan na talaga kita” wika niya sa sarili ng makitang puro
pambabaeng props ang hinahalungkat ni Red.
Napagpasyahan niyang kunin ang napili niyang props para dito.
Isang itim na kapa at isang sungay na headdress. Batman na batman talaga ito
pag sinuot niya ito.
“Bwahahaha” demonyong tawa ng utak niya ng maging
klaro sa imahinasyon ang postura ni Red sakaling ipasuot niya ito.
Nang bumalik na rin si Red sa kinalalagyan nila kanina ay
pinagmasdan niya kung ano ang dala dala nito ngunit wala siyang nakitang ni
isang bagay na dala nito na maari niyang suotin.
“Anong napili mo para sa akin Moks?”tanong nito sa kanya
“Ito” sagot niya sabay taas sa ere ng kanyang mga bitbit.
“Haha.. Yan tlga ang napili mo ah”
“Yup” nakangiti siya ng makahulugan
“Nice Choice!!” masayang sagot ni Red sa kanya
Ngunit nadismaya naman siya sa reaksyon nito. Akala pa naman niya
ay siya na ang lalabas na panalo. Bakit yata parang mas nagugustuhan pa nito na
ipagduldulan niya ang karakter ni Robin. Akala pa naman niya ay sisimangot ito
o maiinis sa kanya. Dapat pala sana eh wig ng babae na lang ang kinuha niya at
pagmukhain itong si Sadako.
“Ano na? Suot mo na sa akin Moks.”
Nagtungo siya sa harap nito para itali ang kapang itim. Nang
matapos ito ay isinunod naman niya ang headdress ni batman na mga sungay ng
paniki.
“Batman na batman talaga
ako dito Moks ah.. Kailangan ko pa bang ilabas ang brief ko?” natatawang tanong
ni Red sa kanya
“Bastos!!” singhal niya dito
“Alam mo habang tumatagal na kasama kita.. mas lalo kong naaalala
si Adrian sa iyo”
Lumihis lang ang tingin niya pagkarinig sa sinabi nito. Here they
are again. Lagi siyang natatahimik pag binabanggit nito si Adrian.
“Ok so ito napili ko sa iyo Moks” basag ni Red sa katahimikang
namagitan sa kanila. Mula sa bulsa nito ay nakita niyang inilabas nito ang
bagay na ipapasuot nito sa kanya.
It was a simple buggy eyeglasses.
“Ya...Yan?” nauutal niyang tanong
“Oo.. ito lang ipapasuot ko sa iyo” nakangiting wika ni Red sa kanya
Nakapako lang siya sa kanyang kinatatayuan ng ito na ang lumapit
sa kanya. Hinawi nito ng bahagya ang kanyang pulang buhok at isinuot ng
dahan-dahan ang eyeglasses na napili nito para sa kanya.
Napansin niyang bahagya itong natulala sa kanya. Hinaplos nito ang
kanyang mukha na parang inuukit ang bawat detalye ng kanyang pagkatao. Matapos
nito ay dahan-dahang bumaba ang ulo nito para gawaran sya ng isang halik.
“Tapusin na natin to” mariin niyang bulong saka bumitiw sa
pagkakahawak sa mukha niya.
Wala naman itong nagawa kundi mapabuntong hininga na lang at
tinanguan siya. Umupo na ito sa isang bangko at inaya siya na umupo sa
kandungan nito. Hindi na lang siya nagreklamo at nagpaubaya na lamang sa
anumang gusto nito. Yakap siya nito sa baywang.
“Say cheese!” si Red.
Hindi na niya magawang ngumiti sa harap ng kamera. Kahit tipid na
ngiti ay hindi mahagilap ng kanyang bibig. Dahil naguguluhan siya sa mga
nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin sa sitwasyong
namemeligro ang kanyang damdamin.
Natapos din ang pagpapakuha nila ng larawan at hinubad na niya ng
madalian ang eyeglasses na ipanasuot sa kanya ni Red. Nakita niya ring hinubad
na nito ang itim na kapa at ang maskarang ipanasuot naman niya. Sa wakas ay
natapos na rin. Para siyang aatekihin kanina sa sobrang lapit ng mga katawan
nila. Hindi pa man lumalabas ang larawan ay alam niya na kung ano ang reaksyon
ng kanyang mukha. Its either pang semana santa o parang may namatayan. He dont
want to smile.
Nauna ng lumabas si Red sa photo booth at hula niya ay kukunin
nito ang mga nadevelop ng larawan. Sumunod na rin siya palabas. Dalawang
katamtamang kopya ang kinuha nito. Nang mapansin siguro nito na lumabas na rin
siya ay nilingon siya nito.
“Cute ka sana kaso
nakasimangot ka naman.” iiling-iling na sabi ni Red sa kanya
“Its just a picture anyway.” wala sa loob na sagot niya
Inabot nito ang isang kopya sa kanya. Kinuha namn niya ito at pinagmasdan din ng
sariling mga mata ang larawan.
Tama nga ang hula niya nakasimangot siya samantalang nakangiti
naman ng matamis si Red. Gusto niyang ngumiti sa larawang nakikita. It was
really perfect. “A picture of two people
in.....” hindi na niya itinuloy ang naiisip.
“May problema ba Moks?” tanong sa kanya ni Red.
“Ah wala.. wala.. ayos lang ako” matipid niyang sagot dito.
Napasin niyang hawak hawak
pa rin niya ang larawan at pagkatapos ay mabilis niyang inabot dito ang
larawan kay Red.
“O Bakit? Hindi mo ba nagustuhan”
“Ahm hindi.. I thought you will keep this” palusot niya sa tanong
nito
“Meron naman na akong kopya Moks. Bale sa iyo na yan. Keep that as
a souvenir.. Diba sabi ko after this night kung gusto mong umalis hindi na kita
guguluhin? Saka.. Im planning to resign on my post sa NASUDI bale siguro yung
performance sa Enchanted Ball na lang yung last performance ko.. I want to give
you your sanity. Kung nakakagulo lang ako sa iyo.. I think I need to give up..
Kahit na masakit dito” napangiti ng tipid si Red sa kanya.
Gaya ng nauna niyang ginagawa ay hindi siya sumasagot sa mga
sinasabi nito. Kinuha niya ulit ang larawan at isinilid ito sa kanyang bulsa.
Siguro naman dahil tapos gabi na ay uuwi na sila. Everything will
end there. Kapag lumabas na sila ng Fun House ay tapos na ang deal nila. And he
can go back as Jude.
Nakita niyang lumakad na ito na tinatahak ang exit ng peryahan.
Sumunod na lamang siya rito. Nang
makalabas na sila ng Fun house ay naulinigan niya ulit ang kotseng ginamit nila
kanina. Naalala niyang bago sumakay si Red kanina sa kotse ay binitbit na rin
nito ang maleta niya para hindi na raw siya mapagod pang bumalik at tupiin ang
mga ito. At dahil tapos na ang lakad nila marapat lang siguro na huwag na
siyang sumabay pa rito sa kotse.
Una niyang tinungo ang compartment ng kotse at akmang kukunin na
ang kanyang mga gamit.
“Anong ginagawa mo?” tanong sa kanya ni Red.
“Ahm... kukunin na yung gamit ko.. I think it would be proper na
wag na akong sumabay sa iyo sa kotse”
“I got until 11:59 para makasama ka..pwede mo pa ba akong
mapagbigyan.. please?”
Tiningnan niya ito ng matagal.
Sa huli ay tumango na lamang siya para matapos na. Unang pumasok
si Red sa kotse at sumunod naman siya. Nang makapasok ay tiningnan niya orasan
na nasa loob. Alas nuwebe na ng gabi. Ilang oras na lang at matatapos na ang
kabaliwang to.
Hinawakan ni Red ang manibela at maya-maya pa ay namalayan na lang
nila na binabagtas ng sasakyan ang kahabaan ng kalsada papalayo sa perya.
Tiningnan niya ito sa salamin at nakita niyang bumalik na naman ang seryosong
mukha nito. This time nakakunot ang noo nito na para bang ang daming iniisip. He still look good though. puri niya
dito. Ayan na naman siya. Giving a positive note to a guy. Lihim niyang sinaway
ang sarili sa pagbugso ng kanyang damdamin.
“Aalis ka na ba talaga?” biglang tanong ni Red sa kanya. Hindi
siya nito tinitingnan at nasa manibela at daan ang konsentrasyon nito.
“Pipigilan mo ba ko?” he cant believe he just said that.
“Magpapapigil ka ba?” balik tanong ni Red sa kanya
Hindi siya sumagot.
Namayani ang katahimikan matapos ang walang kwenta nilang usapan
kanina. Walang may gustong dumagdag sa usapan nila kanina. Dahil pareho silang
natatakot sa susunod na tanong o sagot ng bawat isa. Katahimikan ang pinaka
madaling paraan para umiwas sa takot na iyon.
Ilang sandali ay pumara si Red sa KTV bar. Nakita niyang
mangilan-ngilan lang ang tao na nasa loob. Nang lingunin niya si Red ay
nakatingin rin ito sa direksyon niya.
“Umiinom ka naman diba? Promise ito na yung huling pupuntahan
natin”
“You cant drive if you’re drunk” mariin niyang tutol dito
“Who cares anyway?” sarkastikong sagot ni Red sa kanya at lumabas
na ito ng kotse.
Iiling-iling na lang siyang sumunod dito at hinabol ang mga
hakbang nito papasok. Nang makapasok sila ay sinuyod ng kanyang mga mata ang
paligid. Kulay pula ang loob ng KTV bar at gaya ng kanyang natanaw ay mangilan
ngilan lang tao na nasa loob. Sa watak watak na mesa ay dalawa o tatlo lamang
ang nagiinuman o ang iba kumakanta sa iisang videoke na nasa harapan.
Napansin niyang nakatayo na lamang siyang magisa sa bukana ng
videoke house na iyon at nakita niya si Red na nakaupo na sa di kalayuang mesa.
Sumunod na lamang siya dito. Nang makaupo ay tumawag ito ng isang waiter na
nasa loob.
“Ano po sa inyo?” bungad ng waiter ng makalapit sa kanila.
“Ahm Coke in....” hindi niya natapos ang sasabihin ng sumingit na
si Red sa kanya
“Bigyan mo kami ng emeplight saka sisig” mariing utos ni Red sa
waiter
“Ok sir” at pagkatapos ay umalis na ang waiter mula sa kanilang
mesa.
“Empelight? Wow... kung hindi ka makapagmaneho mamaya bahala ka sa
buhay mo” sarkastiko niyang sabi rito ng makaalis ang waiter sa kinauupuan nila
“Lagi naman ako ang bahala sa buhay ko Moks..” sarkastiko ring
sagot nito sa kanya
Naputol ang kanilang usapan ng mabilis na dumating ang inorder
nilang pagkain at alak. Umuusok pa ang sisig ng ihain ito sa kanila. Iisa lang
naman ang tagayan na ibinigay sa kanila ng waiter.
“Shoot!...” masayang wika ni Red ng makita ang inilapag ng waiter.
“May order pa po ba kayo Sir?” tanong ng waiter sa kanya
“Ah sige Ok na to..” sagot naman ni Red sa waiter.
Nakita niyang pinuno nito ang tagayan na nasa harapan niya at
nagulat siya ng tuloy-tuloy na nilagok nito ang laman ng tagayan. Pagkatapos ay
kinuha ang kutsara at tumikim ng pulutang sisig.
“Your turn!” excited na abot sa kanya ni Red ng tagayan sa kanya.
Kinuha naman niya ito at naglagay na rin siya ng alak dito. Tuloy
tuloy rin niya itong ininom na parang tubig.
“Hindi ka man lang sumimangot?” namamanghang tanong ni Red sa
kanya
Marahil ang tinutukoy nitong simangot ay kapag nagbabago ang
reaksyon ng mukha ng isang tao kapag umiinom ng alak. Red doesnt know every
details about him after all. Sa kuwarto niya ay may stock siya ng alak na lagi
niyang iniinom pag gabi. Yun lang kasi minsan ang nagpapatulog sa kanya kapag
binibisita siya ng kanyang mga panaginip.
“That liquor wont bring me down” kumpiyansa niyang sagot
Kinuha naman ni Red ang tagayan sa kanya at gaya ng kanina ay
tumungga rin ito ng alak.
“Natatandaan mo nung high school pa tayo? Ako yun unang nagyaya sa
iyo dito sa KTV bar na ito at takot na takot ka noong uminom dahil baka
mapagalitan ka ni Tita...” simula ni Red sa kwento niya hindi na nito
ibinibigay ang tagayan sa kanya at ito na lamang ang inom ng inom sa harapan
niya. Nakatulala naman siyang nakikinig na lamabg dito dahil sa tuwing aagawin
niya ang tagayan ay hindi nito ibinibigay sa kanya.
“..Diba ang inorder natin nun... San Mig light lang sabi ko sa
iyo.. Hindi ka malalasing nito dahil may salitang light.. Hahaha... Dahil may
light... Yung light eh.. yung light... yun
yung hindi nakakalasing...”
Natawa naman siya bigla sa ikinwento nito. Patuloy pa rin siyang
nakinig kahit na namumula na si Red sa sunod sunod na tagay nito nito habang
nagkikwento
“Tapos umorder muna tayo ng dalawang bote ng san mig light...
light... light.. tapos ayaw mo pa kayang uminom nun sabi ko.. naman.. kaya mo
yan Moks!! Ililipad ka na lang ni Batman kapag nalasing ka hahaha.... Ito rin
yung suot natin Moks alala mo? Pero da best ka talaga Moks!!1 Da best!!!....
kasi tinungga mo yung isang bote as in!! Kung alam mo lang kung anong hitsura
mo nun? Para kang si Robin na natatae.. Akala ko nga isusuka mo pero sabi ko..
wag mo isusuka yan... Sayang yung inipon ko para mabilhan ka lang ng isang
boteng san mig wahahaha”
Lasing na nga si Red ngunit natatawa na rin siya kung paano nito
ikwento ang nangyari noong panahon ng highschool sila.
“At umorder pa ko nun ng dalawa pang bote tinungga natin ng sabay
Hahaha.. Tapos ikaw na yung nagsasabi ng... Tama ka Moks... Light lang talaga..
light.... light.. hehehe.. Pulang pula na yung mukha mo nun....” natigil si Red
sa pagkikwento ng bigla siyang sumingit
“Tapos biglang ikaw yung sumuka noon tapos nagalit yung manager
ata nitong KTV tapos kinalkal yung bag natin ng makita nila yung ID natin at
nalamang high school pa lang pala tayo at ang ending sinipa tayo palabas nito”
tuloy tuloy niyang dugtong sa kwento nito at hindi niya namalayang tumatawa na
rin siya. Natigil ang kanyang pagtawa ng mapansing seryoso lang na nakamasid si
Red sa kanya.
“Naaalala mo Moks?” maikling tanong ni Red sa kanya.
“Huh? ah... eh... hindi... hinulaan ko lang.. i mean... wala
naisip ko lang baka... kako ganun yung nangyari sa inyo ni Adrian noon...
hehe..diba?” para siyang timang na naghahanap ng palusot. Hindi niya namalayang
nasasabi niya na pala kung ano ang kanyang naaalala.
Kinuha ni Red ang kanyang kamay at
binitiwan nito ang tagayan na kanina pa nito hawak.
“Moks... magpapigil ka na ...”
Tiningnan niya ang orasan. Malapit ng mag alas dose.. Isa lang ang
ibig sabihin nun. Kailangan na niyang bunalik sa normal tulad ni Cinderella. Na
lahat ng pantasya kasama ng lalaking kaharap niya ngayon ay kailangan ng
maglaho. Dahil mahirap mabuhay sa ilusyon kahit na masakit mabuhay sa
katotohanan.
Binawi niya ang kamay dito tanda ng pagtanggi. Nakita niyang
yumuko lang ito na para bang sumuko na rin sa pagkumbinsi sa kanya. Nasasaktan
siya. Yung ang maliwanag na nararamdaman niya ngayon.
Nabigla siya ng tumayo ito at nagtungo sa isang tao na
kasalukuyang kumakanta. Ngunit mas lalo niyang ikinabigla ng agawin nito ang
mic sa kumakanta at ito na ang nagsimulang kumanta ng awitin na pumapailanlang
sa videoke. Nanigas siya sa kinauupuan sa bilis ng pangyayari. Buti na lamang
at hindi naman nagalit ang inagawan nito ng mikropono. Tutok na tutok ang mga
mata nito sa kanya habang kumakanta.
Because you've gone and left me
Standin' all alone
And I know I've got to face
Tomorrow on my own
But baby
Before I let you go
I want to say I love you...
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby...
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah...
So before I let you go
I want to say I love you...
I wish that it could be
Just like before
I know I could've given you
So much more
Even though you know
I've given you all my love
I miss your smile, I miss your kiss
Each and everyday I reminisce
'Coz baby it's you
That I'm always dreamin' of
Because you've gone and left me
Standin' all alone
And I know I've got to face
Tomorrow on my own
But baby
Before I let you go
I want to say I love you...
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby...
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah...
So before I let you go
I want to say
Hindi niya namalayang umiyak siya sa pinakaunang pagkakataon.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Kung bakit siya ganun
kaapektado. Namalayan niya ang sarili na lumabas ng KTV bar tumakbo palayo.
Umaagos pa rin ang luha niya sa kanyang mga mata.
“Moks.. sandali.. please... tumigil ka na man sa pagtakbo palayo
sa akin kahit sa huling pagkakataon!..” sigaw sa kanya ni Red ng habulin na rin
siya nito.
Para namang may isip ang kanyang mga paa na biglang nagpreno ng
marinig ang boses. Hindi siya lumingon. Nakatalikod lang siya dito habang
hinahabol ang hininga. Parang agos ng dagat na patuloy na humahampas ang mga
luha sa kanyang pisngi.
“Moks ano ba... may nagawa na naman ba ko?” tanong sa kanya ni
Red.
Lumingon na rin siya paharap. Nakita niya itong hapong hapo na rin
kakahabol marahil sa kanya.
“Bakit ang bait mo sa akin? bakit kailangan mong gawin lahat ng to
Red?”
“Dahil ako si Batman at tungkulin niyang iligtas ang kaibigan niya
kapag nakikita niyang naghihirap ito”
“Red.. bakit hindi mo ba maintindihan? Bakit hindi mo maintindihan
na hindi ako si Adrian? Na hindi na ako yung kaibigan mo noon!!” sigaw niya
dito habang patuloy pa rin sa pagiyak.
“Ano nga bang pinagkaiba ni Adrian at Jude?”
“Si Adrian naniniwala pa rin siya sa fairytale.. Si Jude hindi
na.. Si Adrian, madali siyang masaktan...Si Jude hinding hindi siya papayag may
manakit sa kanya...”
“Alam mo dati i used to say to Adrian na ayaw ko siyang nakikitang
umiiyak... kasi masakit din sakin.. pero ngayon na si Jude umiiyak gusto ko pa
siyang paiyakin.. kasi dun ko lang nalalaman yung totoong nararamdaman niya...
Moks hirap na hirap na ko.. magpakatotoo ka naman kahit minsan... Kasi ako
kahit hindi ko maintidihan ang lahat ng nangyayari sa iyo.. Ang naiintindihan
ko lang eh yung parte na mahal na mahal kita Moks... mahal na mahal.. yun
lang...”
Nakita niyang namumula na naman ang mukha ni Red halatang
pinipigil nitong umiyak.
“Paano mo mamahalin ang isang taong sinukuan na ang lahat pati ang
sariling buhay niya?”
“Moks kung pagod ka na... nandito pa naman ako.. nandito pa ko..
pero sana huwag mo naman akong pahirapan kasi alam kong alam mo sa sarili mo na
mahal mo rin ako!!”
“Nahihirapan ka na sa lagay na yan? Red hindi lang ikaw yung
nahihirapan sa sitwasyon na to.. Kasi natatakot ako na pag minahal rin kita.
Parehas tayong magdudusa sa putang inang pagmamahal na yan!!! Kasi pag minahal
din kita pabalik.. Hindi mo lang dapat mahalin si Adrian.. Kailangan mo ring
mahalin si Jude... Kailangan mo ring mahalin ang isang mamamatay tao..”
Parang nagmanhid lahat ng kalamnan niya sa tuloy tuloy na pagluha
at pagbigkas ng kanyang sikreto. Nakita niyang nabigla ito sa huli niyang
binitiwan
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Ako.. ako yung pumatay sa kanila.. ako ang may kagagawan ng
patayan sa loob ng campus”
“Hindi yan totoo Moks”
“Ito ang totoo Red... Ito na ako.. Ito na ang buhay ko.. ngayon
sabihin mo sa akin... mahal mo pa rin ba ako?”
Hindi ito sumagot. Nakita niyang nakatulala si Red sa harapan niya
na lumuluha na rin.
“Moks.. bakit?... bakit nagkaganito?”
“Hindi ko rin alam... pero sa tuwing binabawian ko ng buhay ang
isang tao matapos nilang magpakasawa sa katawan dun ko lang din nararamdaman na
walang kayang manakit sa akin.. Dun ko lang nararamdaman na tao pa rin ako at
ito na ang buhay ko”
“Pero hindi makatao ang ginagawa mo”
“Siguro nga... kaya walang kaluluguran ang pagmamahal na iyan...
dahil hindi na ako ang minahal mo ilang taon na ang nakakaraan”
“Bakit hindi mo ako pinatay ng may mangyari sa atin?”
“Hindi ko alam.. ayaw kong sagutin yang tanong na iyan”
“Moks... maayos pa natin to..”
“Hindi na Red.. wala ka ng dapat ayusin... dahil sira na ang
lahat.. Wag na lang ako ang mahalin mo...Kasi mag kaiba na tayo.. Mas
gugustuhin mong magsakripisyo para sa isang tao.. pero mas gugustuhin kong
pumatay maramdaman ko lang na buhay pa ko”
Dumaan ang isang taxi sa kalsada at agad niya itong pinara. Nang
tingnan niya ang orasan ay alas dose impunto na ng gabi...
Itutuloy...
OMG...
ReplyDeleteSabi ko na nga..
Wow so intense episode... Revelations... pano na kaya ang love story nila.. OMG!!!
ReplyDeletenyaaaaa..... whyyyyy..... why Jude? Whyyyyyyy? Grabe naman itong twist na ito. I guess thing wll be more interesting pa, mayroon pang Enchanted ball, yung away nila ni Sabrina and yung overall kahihinatnan nito... I know mej malayo pa tayo sa mga sinasabi ng happenings ng prologue but i know thewait and the read is all worth it.... >_< stilll please let things end well :3
ReplyDeletewhy why, red wag kalang sumuko kay adrian/jude..... sana happy ending
ReplyDeleteI guess this is not a happy ending. Pero masyadong unrealistic yung character ni Jude na pwede lang mangyari sa movies or dramas but not in real life.
ReplyDeletegrabeeh..naiyak ako sa last scene...sa beforeiletyougo-run-cry-para.ngtaxi-cry scene na yun...huhuhuhu
ReplyDeletewawa naman si adrian..alam ko mahal rin ni jude si red...ayaw nya lang kasi baka mapatay nya si red...haist...
next chapter please...hehehe
i dont know what to say sobrang OMG!!!! scary my patayan pa kasi haissssst..........nxt chapter na po so excited parang heavy drama lng!!!galing ng story kaso... sorry but i dont like patayan kasi ;(
ReplyDeletesad naman... sana ay hindi sya yung murderer..kahit ung other self nya kc yung nagcommit ng crime, sya pa din un.. i cant think of ways para maging happy yung turn out ng love story nila.. bahala ka na Mr. Author..
ReplyDeletehehehehe
wow,.,., grabe tong story na to,., malapit nia ng mapalitan "Ang Kuya kong Crush ng Bayan" sa top 1 favorite list ko,., hahaha. grabe yung story,., astig,.,!!!
ReplyDeleteworth the wait..naaawa na ko sa dalawang to..yung emotions sa chapter na to grabe..ang galing galing talaga ni Rogue!i so love you na talaga hihi ^_^
ReplyDeletehala...
ReplyDeletehmp...hindi ko ma isip na kayang pumatay ni jude.....pero ang ganda talaga ng kwento...sana wag matapos to.....ang ganda ganda kasi....na aadik tuloy ako....nxt chapter na naman ang hihintayin ko...cant wait sa mga mangyayari..huhuhuhu....
ReplyDeletesana sinabi lang ni JUDE/ADRIAN na si yung "murderer" para tuluyan na siyang layuan ni RED. sana si SABRINA na lang ang pumapatay...hehe
ReplyDelete-Ross Magno
how sad naman xa pala ang pumapatay....
ReplyDeletelike his custome like a vampire...really!!!
i ms AJ - so cute nya the way make in the scene,
thanks po....
Can't wait for Chapter 26. Mr. Author
ReplyDeleteAww,sakit naman akala ko pa naman si sab ang nagpapapatay tas si jude lang pala grabe na itu
ReplyDelete