Followers

Friday, October 5, 2012

Way Back Into Love (Chapter 16)






Way Back Into Love


Chapter 16





By Rogue Mercado




Contact me at: roguemercado@gmail.com







____________________________________________________________________________





"Ikaw? Huwag mong sabihing ipoposas mo na naman ako?" singhal niya sa lalaking kaharap. 



"Sinabi mo pa!" masayang tugon nito sa kanya sabay hablot sa dalawang kamay niya papunta sa kanyang likuran.



Parang may sariling isip naman ang kanyang tuhod at paa at buong puwersa niyang ginamit ito para puntiryahin ang pagitan ng hita nito. Nagawa niyang sumakyod patalikod. 



"Aray!!! Aw.. Aw.!!!" sigaw ng lalaking muntik na mangposas sa kanya. Halos mangiyak-ngiyak ito sa sakit.



Mabilis naman siyang tumakbo para takasan ito. Ngunit sinalubong siya ng isa pang lalaki at pinigil siyang maka-alpas. Sipa siya ng sipa habang yakap-yakap siya nito. Dumating pa ang ibang mga kasama nito at hinawakan ang dalawang paa niya. Kalaunan ay hindi na siya nakapalag. Iba-iba na kasing mukha ang umawat sa katawan niya. Kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang magpa-posas sa mga lalaking nakasuot ng kulay pink. 



"Walang hiya pinahirapan ka ata Lloyd!" sigawa ng isa sa mga estrangherong lalaki


"Haha Oo nga. Tang Ina.. Hindi naman to ganun kahirap posasan noon. Ngayon eh naninipa na" tugon naman ng lalaking nagngangalang Lloyd


"Eh parang iba naman kasi yung nakuha natin ngayon. Diba nung last year eh yung may nakasuot ng eyeglasses yung pinosan natin? Eh bampira naman ata tong nahuli natin eh" biro ng isa



"Positive ako. Siya rin yun. Na confirm ko na rin dun sa papakasalan niya" sagot uli ng kaparehong boses na tinatawag ng mga lalaking Lloyd.



Ngunit hindi na siya interesado sa lalaking iyon. Mas interesado na siya sa huling sinabi nito. "Positive ako. Siya rin yun. Na confirm ko na rin dun sa papakasalan niya" 



It cant be! sigaw niya sa sarili. Hatak-hatak na siya ngayon ng nagkukumpulang lalaki.



"You better remove this assholes!"



"whoah! Masyadong palaban to Pres! Eh dati rati parang lalampa lampa lang to ah"


"That's why in demand siya ngayon" sagot uli ng pamilyar na boses.



Medyo nakakalayo na sila ngayon. Sa di maipaliwanag na dahilan ay nagiging pamilyar sa kanya ang lahat ng pangyayari. Mga lalaking nakasuot ng kulay Pink... ang pagposas sa kanya... ang kanyang piring at ang pangalang Lloyd. Hindi niya siguro kakayanin kung malaman niyang ang Lloyd na ito ay walang iba kundi si Lloyd Dela Cruz, ang Presidente ng BABAYLAN.



Bigla silang tumigil ilang minuto ang lumipas. Naramdaman niyang medyo nangalay din ang kanyang mga paa. Napansin niya ring hindi na halos nagiimikan ang mga lalaki na nagbitbit sa kanya papunta sa lugar na iyon. Ilang sandali pa ay biglang naging sibrang tahimik ng kapaligiran. Alam niyang may mga tao sa paligid ngunit ang mga ito ay waring nagkasundo na itikon ang kani-kanilang mga bibig. Lumulukob ang malamig na hangin sa kanyang balat. 



Maya-maya pa ay naramdaman niyang may lumapit na mga kamay sa posas na nakakabit sa kanya. At pagkatapos nito ay naramdaman niyang naghiwalay na ang mga kamay niyang pinagkabit nito. Sinamantala naman iya ang pagkakataon na hubarin ang piring na nakatakip sa kanyang mga mata.



Para siyang binuhusan ng isang baldeng yelo sa nakita.



Ang lugar ay napapalibutan ng balloons na kulay pink. Nasa isang garden sila kung saan halatang nagset up rin ng mga artificial na halaman na nagbubulaklak ng pink roses. Nakita niya ring maraming tao ang nanonood. At karamihan sa kanila ay nakasuot ng kulay pink na T-shirt. Kasalukuyan siyang nakatayo sa pinakadulo ng Red Carpet at ng tanawin niya ng diretso ang kulay pulang tela na nakalatag sa hardin ay nakita niya ang isang lalaki na nakasuot rin ng kulay pink na T-shirt. Binasa naman niya ang nakasulat sa damit nito:



"Will You Marry Me Moks?"



Tinitigan niya sa mata ang lalaki. Nakita niya ang sobrang galak sa mga mata nito. Na para bang sabik na sabik nna makita siya. Ngunit kabaliktaran naman iyon ng nararamdaman niya. Parang bigla-bigla ay gustong sumakit ng ulo niya ngunit may isang puwersa sa kanyang katawan na nagsasabing kailangan niyang sumunod sa agos ng mga pangyayari. Mula sa dulo ng nakalatag na tela ay pinagmasdan niya ang susunod na gagawin nito. Nakita niyang may hawak hawak itong isang tangkay ng rosas na kulay pink at sa kabilang kamay naman nito ay isang mikropono. Nakita niyang sumunod na inilagay nito ang mikropono sa tapat ng bibig nito at nagsimulang pumailanlang ang musika. Pamilyar ang musikang iyon.




"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, 
I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on " 




"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, 
I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind" 



Sa unang pagkanta nito ay parang nahipnotismo siya sa boses nito. Parang may sariling buhay ang kanyang mga paa na nagsimulang humakbang papalapit dito. Nagpatuloy pa rin ito sa pagkanta.



"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. Ooo hooow "



"I've been watching but the stars refuse to shine,I've been searching but I just don't see the signs, I know that it's out there, There's gotta be something for my soul somewhere"



"I've been looking for someone to she'd some light, Not somebody just to get me through the night, I could use some direction, And I'm open to your suggestions. "



"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love."




Sa wakas ay nakarating na siya sa harap nito. Ngayon ay magkatapat na sila ng lalaking kumakanta. Nakatitig pa rin siya sa mga nito. Unti-unti ay bumalik uli ang mga ala-alang pilit na niyang ibinaon.






"Tang ina nyo makawala lang ako dito! lagot kayo sa akin!" boses na ito ng ibang lalaki. Siguro ay gayan rin niya ay basta na lang hinuli tio at piniringan. Tanging mga halakhakan naman ang sinagot ng mga taong sa tingin niya ay nakapalibot sa kanila.





"Easy man! if you dont want this to be hard for both of you and would like to get out of this you need to finish the ceremony" boses ulit ito ng lalaking nagposas sa kanya. Waring kinakausap nito ang lalaking sumigaw kanina.




"So if you want to see what we have prepared for both of you, you can help each other to remove the scarf" pagpapatuloy ng lalaki kanina at iginiya ang mga kamay nila sa isa't isa. Nahahawakan na niya ngayon ang panyong nakapiring sa isang lalaki at ganun din ito sa kanya. Lumakas ang pagtibok ng dibdib niya.



Syet ano ba tong pinasok ko? sigaw ng isip niya. Kanina pa nga siya natuturete kung sino ang lalaking kaharap niya. At dahan dahan ay ibinababa na ng estrangherong lalaki ang panyong nakatabing sa mata niya. Kaya napilitan na rin siyang gumalaw para tanggalin ang panyo na nakatakip sa mata ng kaharap niya. Kasabay nito ay biglang pumailanlang ang isang kanta sa background:




Its a Colbie Caillat Song.



Take time to realize.... that your warmth is crashing down on in


Take time to realize.... that I am on your side didnt I, Didnt i tell you?



At unti-unti ay naaninag na niya ang misteryosng lalaking papakasalan niya.









"Moks?" pagkumpirma ni Red sa kanya.



"Moks?" sabay niyang tanong



Ilang minuto rin silang tulala sa isa't isa habang ang mga tao ay nakapalibot sa kanila ay nagkakantiyawan. Lahat ng mga ito ay naka suot ng t-shirt na kulay Pink na may kanya-kanyang tagline lahat ay patungkol sa Gender Equality. Sa harap nila ay isang munting altar at may isang pekeng pari na nakangiti sa kanilang dalawa. Habang patuloym pa rin ang musikang maririnig sa kapaligiran.




If you just realize what I just realized....



Then we'd be perfect for each other...


And we'll never find another ....


Just realize what I just realized ...



We'd never have to wonder if we missed out on each other now...




Lumapit ang lalaking sa tingin niya ay may pakana ng lahat at ibinigay ang bouquet ng rosas kay Red.



"O pre ano pang hinihintay mo, ibigay mo na sa kanya" kantiyaw ng lalaki kay Red.



Dahan dahanng ibinigay ni Red ang bulaklak sa kanya. Naguguluhan man sa nararamdaman ay tinaggap niya ito. 



"O Red anong masasabi mo kay Adrian" bungad ulit ng lalaki.



Kinuha ni Red ang microphone at nagsimulang magsalita.




"Ahm.... Moks.. Hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay ang araw na to. Kahit alam kong pagkatapos nito masasaktan lang din ako" pagtatapos nito.




Namumula ang mga mata ni Red na nakatingin sa kanya samantalang hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsigaw sa sobrang kilig.





"Ok guys, so before we proceed again Im Lloyd Dela Cruz and welcome to Pink Party!" basag ng lalaki sa kanyang pagbabalik tanaw at ito rin and nagtangkang iposas ang kanyang mga kamay. Hindi nga siya nagkamali. Ito nga ang Presidente ng BABAYLAN. Parang naging kasalukuyan ang nakaraan.



"...Alam naman natin na bilang tradisyon ng BABAYLAN ay nagsasagawa tayo taon-taon ng mock wedding so let's welcome again Adrian Dela Riva and Red Antonio.. Father please proceed" pagpapatuloy ng lalaki at sabay pagbibigay senyales sa pekeng pari na nasa harapan nila.



Hindi pa rin mapalis sa mukha ni Red ang ngiti hanggang kanina. May isang boses mula sa kanyang ulo ang naguudyok na yakapin ito ngunit mas pinili niyang huwag magpadala sa bugso ng damdamin. Jude Dela Riva is a master of his emotions. Hindi dapat siya nagpapadala sa mga ka-corny-han na nagaganap.



"Before I start this ceremony, Gustong kong malaman kung may nasasagasaan ba tayong tao dito? At kung sino man ang tutol ay maari ng magsalita at humakbang palapit dito' panimula ng pari na parang totoong kasal ang magaganap.



Awtomatikong nagbalik ulit sa kanyang ala-ala ang naganap ilang buwan na angnakakaraan ng marinig niya sa kauna-unahang pagkakataon ang tanong na iyon.



"Before I start this ceremony, Gustong kong malaman kung may nasasagasaan ba tayong tao dito? At kung sino man ang tutol ay maari ng magsalita at humakbang palapit dito' panimula ng pari na parang totoong kasal ang magaganap.




"Ako!" sigaw ng isang lalaki.





At unti-unting naaaninag ni Adrian ang taong tumatakbo papalapit sa altar.




Si Jake.



Lumingon siya sa bulwagan. May sandaling katahimikan ng matapos ang tanong ng pekeng pari. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na napalitan ng kaunting pagkabalisa ang ngiti ni Red kanina. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan na may humarang sa kunwa-kunwariang kasal na iyon. Not even Jake Marcos. This time ang mismong ang ikakasal ang pipigil sa sarili niyang kasal.



"Ako!" matigas niyang tugon


Nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid. Hindi inaasahan siguro inaasahan  ng mga ito na siya mismo ang puputol sa kasiyahang nagaganap. Nakita niya ang reaksyon ni Red na biglang nadismaya sa sinabi niya. 



"Ahm maari ko bang matanong kung bakit mo gustong pigilin ang okasyong inihanda namin para sa iyo?" tanong ng pekeng pari



"Wala kayong pakialam sa desisyon ko. Kung gusto niyo palang magsagawa ng kalokohanng to eh di sana kumuha kayo ng pakalat-kalat na bakla dito sa campus ng gusto ng mga pink balloons at gustong makasal sa lalaking nakasuot ng Pink na T-shirt. You are all making me sick" pagkatapos niyang sabihin ito ay kumaripas siya ng takbo.



Hindi na siya nagtangkang lumingon pa dahil alam niyang napahiya ang lahat ng nag-organize ng naturang event. Sa abot ng kanyang makakaya ay ginamit niya ang buong lakas para makaalis sa lugar na iyon.



Natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang open ground na bahagi ng kanilang eskwelahan. Walang masyadong tao dito. Napatungo siya at hapong hapo na hinabol ang hininga. Nahawakan na niya ang magkabilang tuhod para suportahan ang sariling katawan.



"Moks" mahinang tugon ng isang boses sa likod niya.


Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Bagaman alam na niya kung sino ang nagmamayari nito ay nagulat pa rin siya ng makita itong pagod na pagod rin at hinahabol ang hininga. Siguro ay tumakbo rin ito at tinangka siyang sundan kanina. Dangan nga lamang at hindi niya ito napansin dahil siguro na rin sa determinasyon niyang makalayo lang sa lugar na iyon. Napilitan siyang harapin ito.



"Ikaw na naman? Kung kukumbinsihin mo ako na bumalik doon. Please lang wala akong panahon sa kadramahan niyong lahat"



"May hindi ka ba nagustuhan Moks? Pasensya ka na.. Yun lang kasi yung naisip kong magandang preparasyon sa pagkikita natin ulit" paliwanag nito



"So ikaw ang tao sa likod ng lahat ng iyon. Wow.. eh para ka palang bali eh.. Pink? Anong tingin mo sa akin? Kikay na gustong maglaro ng barbie doll? Kung sana halloween party yung pinuntahan ko kanina baka natuwa pa ko"



"Isa na kasi ako sa mga officer ng BABAYLAN Moks. I ask them a favor na baka pwedeng gawing espesyal ang pagkikita natin muli"



"I really dont care about any updates in your life"



Biglang niyang nakita na parang mas nanghina si Red sa sinabi niya. Ngunit kailangan niyang magpakatatag. Ayaw niyang masilip nito ang kahit konting awa o konsensya niya sa katawan.



"Moks" mahinang tawag nito uli sa kanya


"Can you stop calling me that name? Para kang nagtatawag ng aso. May pangalan ako. My name is Jude Dela Riva"


Tipid itong ngumiti sa sinabi niya. Pagkatapos ay unti-unting humakbang papalapit sa kanya. Nang magkatapat silang muli ay nagsalita ulit ito.



"Sige... Jude Dela Riva naniniwala ka pa ba sa fairytale?"


Ngumiti siya ng mapakla sa tanong nito pagkatapos ay agad siyang sumagot "Alam mo ba kung gaano katanga si Ariel ng little mermaid para ipagpalit ang boses niya para lang sa lalaki? Kung ako sa kanya hinding hindi ko ipagpapalit ni kapirasong pag-aari ko para lang sa isang lalaki. Dahil parang inalay ko ang buong daigdig ko sa isang tao hindi ako planong isama sa mundong pinapangarap niya..Sa totoong buhay walang kalabasang nagiging kalesa. Walang prince charming na kayang buhayin ang isang patay sa pamamagitan lamang ng isang halik. Walang prinsipeng magtitiyagang maghanap sa prinsesang nawawala para isukat ang krystal na sapatos. Dahil sa totoong buhay purong kasinungalingan lang ang happy ending."




Natahimik ito sa sinabi niya habang hinahabol naman niya ang kanyang hininga pagkatapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon kay Red. Kapwa sila nagtititigan. Waring nagsusukatan sa sasabihin ng isa't isa. Matapos ang sandali ay ito naman ang nagsalita.



"Gusto ko lang malaman mo na noong nagising ako sa hospital ng magisa, hindi ako tumigil sa paghahanap... dahil nung nawala ka, doon ko lang naramdaman na parang unti-unti nawasak ang mundong pinapangarap ko kasama ka. Noong naniniwala  pa ang Adrian na kilala ko sa fairytale. Pasikreto kong pinapangarap sa isip ko na sana kasama ko siya sa kalabasang nagiging kalesa. Na sana ako yung prince charming niya na bubuhay sa kanya sa sandaling mawalan siya ng pag-asang mabuhay. Matiyaga akong naghanap sa iyo Moks. Pero siguro ngayong nakita kita at sinabi mo na ang mga iyan titigil na rin akong maniwala sa happy ending at harapin ang katotohanan na nagiba na ang Moks na nakilala ko"



Para siyang sinasaksak sa mga salitang binitiwan nito. Ngunit hindi siya natinag. Hindi siya umiyak. Pinagmasdan niya lamang itong nakatitig rin sa kanya ng mariin.



"Nasa impyerno na ang mundo ko ngayon wala na sa mga librong puno ng kasinungalingan. Utang na loob huwag kang magpakatanga" at pagkatapos noon ay tinalikuran niya ito.



Nakakailang hakbang siya ng bigla itong nagsalitang muli.



"Moks!" tawag nito sa kanya.



Sa halip na lumingon sa kinatatayuan nito ay tumigil lang siya sa paglalakad. Ngunit nakatalikod pa rin siya dito



"Gusto ko lang malaman mo na kahit saan impyerno ka pa pumunta.. Susundan kita.. At tama ka nga siguro ...All this time... tanga talaga ako ako.. Pero mas madaling maging tanga kaysa ang mawala ka Moks"



Napapikit siya ng mariin. Parang isang nakakabinging tunog na nagpaulit-ulit ang huling sinabi nito sa kanya. Pero mas madaling maging tanga kaysa ang mawala ka... Pero mas madaling maging tanga kaysa ang mawala ka... Pero mas madaling maging tanga kaysa ang mawala ka..



Ilang saglit pa ay narinig niyang humakbang na rin ito palayo sa kanya.






"Hello" bungad ni Sabrina sa kausap sa kabilang linya



"Sab.. si Jake to"


"Diba sinabi ko huwag ka ng tumawag.. tapos na yung mga plano natin... Huwag mong sabihing hayok na hayok ka pa rin sa katawan ko hanggang ngayon"



"Hindi iyan ang itinawag ko" mariin nitong tanggi



"Eh ano? Jake you need to stop acting like a freak ok? Bakit parang tarantang taranta ka? You better make this call fast. Nag che-check ako online ng mga resorta na pwede naming puntahan ni Red.. so you see Im kinda busy"



"May copy ka ba ng LAPMPARA DAILY?"


"Meron bakit?"



"Pumunta ka sa Entertainment Section dali"


"Ayaw ko nga.. Eh puro mukha mo lang makikita ko dun eh"


"Just do it!" utos nito sa kanya



Kinuha niya ang school paper sa kanyang mesa. At pumunta sa Entertainment Section.



"The newest Adam Lambert on the block... Eh parang ikaw naman to" binasa niya ang headline


"Pagmasdan mong mabuti"



Pinagmasdang mabuti ni Sabrina ang mukha sa dyaryo. At ng mahagilap ang kamukha nito sa kanyang memorya ay para siyang tuod na hindi makapagsalita o makagalaw.



"Adrian returned Sabrina... And he is hunting me down"



Pinindot ni Sabrina ang End Button.



"No!!!!!!!!!!!!!!!!!!! No!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"  sigaw niya at ibinatikal ang hawak na cellphone.




Itutuloy...











8 comments:

  1. :)) taray naman ni Jude.... no... ang bangis :))
    hay.... i dunno if Jude's return is good thing or a bad thing but whatever is happening is making me more thrilled everytime I read and excited for the next chapter :3
    magahanda-handa na ang mga nagkasala pero sa mga naghahabol at umiibig, he'd better do everything he can to get his way back into love >_<

    ReplyDelete
  2. ANG BAGSIK!! lakas maka KONTRABIDA effect ni jude...wahahaha go go go jude ipakita mo sa kanila kung sinu si JUDE DELA RIVA...wahahha pero kawawa naman si Red...

    pero anyways..mghanda na si SABRINANG BRUHA hahahaha

    next chapter please...hehe

    ReplyDelete
  3. ayan away na.. wag mo na ulit patatalunin si Adrian Mister Author.. hehehe

    ReplyDelete
  4. wow! sulit ang pagbabasa ko! haha... :D! ang sipag ni author! sana tuloy tuloy ang everyday update! :D!.. i like judes role! :]!
    i love red! hahaha.. sya lang ang nakakapagbara sa mga sinasabi ni jude! hahah ;] ang love nga naman! parang kahoy maraming butas! :]
    i hate sabrina and stupid JAKE! selfish in the world ever!..

    keep it up! :D!

    ReplyDelete
  5. well its time to pay the consequences sabrina....tnx.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails