Followers

Friday, October 26, 2012

Way Back Into Love (Chapter 26)






Way Back Into Love


Chapter 26









By Rogue Mercado



Contact me at: roguemercado@gmail.com




____________________________________________________________________________



Magang-maga ang kanyang mga mata ng makarating sa Barangay Del Pilar ng Angeles, Pampanga. Isa ito sa pinakadulong barangay ng kanilang lugar. When everybody seems distraught on the idea na nawawala si Adrian Dela Riva, dito siya nagkubli. May isang subdivision na nakalatag doon kung saan isa itong pinaka eksklusibong tirahan ng mga may pangalan o di naman kaya ay may kaya sa Angeles. Sariwang sariwa pa ang nangyari ilang buwan na ang nakakaraan.


Nagising siya kasama ng isang lalaking hindi man lang niya kilala. Sa hula niya ay nasa hospital siya ng mga panahong iyon. Nang tingnan niya ang kanyang katawan ay parehas silang walang saplot ng estrangherong lalaki. Pinili niyang bumaba sa kanyang kinahihigaan. Nang itukod niya ang kanyang kanang kamay ay bigla itong kumirot. Nakita niya ang benda sa kanyang bahaging ito. 


Pinagmasdan niya ang kabuuan ng silid. Nang dumako ang kanyang mga mata sa sahig ay nakita niya ang nagkalat na mga damit. Nakita niyang may isang kasuotan na sa hinuha niya ay pang hospital at ang ilan naman ay isang shot at isang sando na parehong kulay itim. Mas pinili niya ang huling nakita dahil parang nadagdagan ang lakas niya sa kulay na na namanlas ng kanyang mga mata.


Maya-maya pa ay umalis siya sa kinaroroonan. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya alam kung sino siya. Hindi niya alam kung bakit naroon siya. Ang mahinang paglalakad niya ay waring bumilis ng bumilis hanggang sa namalayan niyang tumatakbo na pala siya. Sa pagtakbo niyang iyon ay iba-ibang imahe ang rumerehistro sa kanyang utak. Isang bangkay na sunog na tinatawag niyang "Mama"... Isang lalaking hinahabol niya ngunit ipinagtulakan lamg siya... Mga tawa at bulong na hindi niya alam kung saan nangagaling.


Nakalabas siya ng hospital ng hatinggabi na rin na iyon at nagpaling linga siya sa paligid. Waring mas ligtas ang malawak na lugar na nadatnan niya. Sa di kalayuan ay may nakita siyang usok. Sinugod niya ito. Nagsilayuan ang mga tao ng dumating siyang parang galit na galit. Winasak niya ang nasabing lugar. Sigaw siya ng sigaw ng "Mama.. ililigtas ko kayo". Nang tuluyan niyang tapakan ang sunog ay napansin niyang lapnos ang balat ng kanyang mga paa. Ngunit hindi matutumbasan ng sakit nito ang sakit na nararamdaman niya. Na unti-unting pumapatay sa kanya


"Hoy bakit sinira mo ang ihawan namin!!!"


"Loko to ah!! Sino ka ba bata!?"


"Padampot niyo na yan!!"


"Hoy boy!  Hindi mo ba alam na pwede ka naming ipapulis!!'


"Ay naku pati ba naman tong tindahan ng barbeqeu eh kailangang sirain?"



"Pinatay niyo ang Mama ko!!! Pinatay niyo siya!!!" sigaw siya ng sigaw na halos mapatid ang mga ugat sa kanyang leeg. Ang bawat palahaw niya ay may kaakibat na sakit at luha. Panaghoy na hindi niya alam kung saan nangagaling ngunit kailangan niyang ilabas.


Ilang sandali ay namalayan niyang uminit ang kanyang kanang pisngi. Binigyan pala siya ng isang suntok ng isang nakatambay dito. Maya-maya pa ay naging dalawa ang isa, hanggang sa tatlo... apat... lima.. Limang tao ang pinagtulong-tulungan siya. Minumura siya habang binibigwasan ng suntok. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang mga ito. Bigla lamang itong natigil ng may sumigaw sa di kalayuan.


Nagsitakbuhan naman ang mga sumuntok sa kanya at iniwanan siyang latang-lata. Wala na ulit siyang lakas. Ngunit mas nagustuhan niyang masaktan siya sa ganoong paraan. Dahil lubhang masakit ang mga sugat na hindi nakikita ng mga mata. Naramdaman niyang may bumuhat sa duguan niyang  katawan. Iyon lamang ang nararamdaman niya at nilukob ng kadiliman ang kanyang paningin.



Marahan siyang kumatok sa pintong nasa harapan niya. Ang tanging dala niya lang ay ang kanyang cellphone at ang suot niya kanina. Hindi na siya nagabala pa na kunin ang mga maleta niya sa compartment ng kotse ni Red. Nakarinig siya ng ilang kaluskos na nagmumula sa loob. Buti naman at may tao na. Ibig sabihin nito ay nakauwi na si Max.



Ilang segundo lang ang kanyang hinintay at nang bumukas ang pinto ay iniluwa nito ang lalaking tinutukoy ng kanyang ala-ala. 


"Jude is that you?" gulat na tanong ng lalaki


Walang salitang gustong lumabas sa kanyang bibig. Ni pagtango ng ulo ay hindi niya magawa. Waring naubos ang lakas niya kakaiyak sa taxi kanina. Hindi na nga niya alam kung nagbayad ba siya o sobra ang naibayad niya. Ang tanging alam niya lang sa pagkakataon na iyon ay gusto niyang makalayo kay Red.


Inalalayan siya nito na makapasok sa loob ng bahay. Pinaupo siya nito sa sopa na nasa living area. 


"Sandali kukuha lang ako ng tubig" 



Panandalian siyang naiwang magisa habang nagtungo ang lalaki sa kusina. Sandaling nilibot ng kanyang paningin ang bahay. Ito ang nagsilbing kanlungan niya ng mga panahong 'ginagamot' siya. Dito niya nakilala kung sino si Adrian. Dito niya nakilala kung sino ang mga taong naging kaakibat ng buhay nito. Dito rin niya napagtanto kung ano ang nangyari dito ilang buwan na ang nakakaraan. 


Mula sa pagpapakilalang iyon ay may isang taong nagdesisyon na mabuhay. Mabuhay para pumatay. Dahil dun niya lang nararamdaman na walang kayang manakit sa kanya. Na walang taong makakagawa sa kanya ng mga nangyari sa kakilala niyang si Adrian.



Bumalik ang lalaking na may dala-dalang tubig. Hindi pa man ito naabot sa kanya ay siya na mismo ang kumuha para inumin iyon. Ilang lagok lang ay naramdaman niyang bumaba na sa kanyang tiyan ang lamig ng tubig. Waring pinuno ulit nito ang kakulangang naganap ng siya ay umiyak ng umiyak kanina.


"Jude ayos ka lang ba?" tanong muli nito sa kanya.




He stared at this guy. He was in his early 30's. Ang taong tumulong sa kanya at nagluwal sa kanyang pagkatao. He was a psychiatrist. And his name is Max Albano.



"Max... gusto ko lang magpahinga please..." pagsusumamo niya dito. Hindi pa siya handang ipaliwanag ang lahat. Hindi niya rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanya.


"Sige.. aalalayan na kita pataas" 


"Hindi.. kaya ko na... gigising na lang ako mamaya.. I hope we could talk" 


"Certainly Jude... I'll stay awake" paninigurado naman nito sa kanya. 


Pinilit niyang tumayo kahit na ayaw sumunod ng mga paa niya sa kanyang utak. Animo'y hirap na hirap siya ng araw na iyon. Gusto niyang humanap ng makakapitan. 




"So that's him" pukaw ng isang boses mula sa likuran ni Max.


Awtomatiko naman siyang napalingon at nakita ang kanyang kapatid. Sa katunayan ay kakauwi lang nila galing Manila. Semestral Break na ng kanyang nakababatang kapatid. Habang siya naman ay natapos na ang kanyang appointment. 


"Yeah.. his name is Jude.. Nasabi ko na sa iyo diba?" sagot niya sa kapatid


"Jude? Wow.. what a great name for a murderer" sarkastikong sagot nito sa kanya at tuluyan nitong ibinagsak ang katawan sa sopa.


"Pwede bang hinaan mo ang boses mo Arthur? Kararating lang nung tao... Can you at least shut up kung wala kang magandang sasabihin"


"Kuya... binalaan na kita tungkol dito... You exercised psychohypnotheraphy sa isang taong hindi mo obligasyong tulungan. You know, I cant believe na kinargo mo ang isang tao dahil lang sa awa."


"This conversation is not going anywhere... magpahinga ka na.. " saway niya sa kapatid


"Kuya... sisirain mo ang reputasyon mo sa psychiatric arena. Ano na lang ang sasabihin ng mga kasama mo kapag nalaman nilang ginamot mo ang isang tao para pumatay? Kuya... I also took psychiatry dahil idolo kita.. But what you just did... only proves that I made the wrong decision" pambabalewala nito sa kanya


Biglang nagdilim ang paningin niya at dali-dali niya itong sinugod at kinwelyuhan. Napansin niyang kahit ang kanyang kapatid ay nabigla rin sa ginawa niya.


"Ano? Sasaktan mo ko? Impluwensiya din ba niya ito sa iyo Kuya? Nalason na ng taong iyon ang utak mo" singhal pa rin ng kapatid niya kahit nahihirapan na itong huminga sa ginagawa niya.


Bigla naman siyang natauhan sa sinabi nito at naihilamos ang kamay sa kanyang mukha. Lubha ng kumplikado ang sitwasyon. Kung tutuusin ay hindi niya ito masisisi sa mga sinabi nito. May punto si Arthur.. may mali siyang nagawa. Ngunit iyon na lang ang tangi niyang paraan para mailigtas si Adrian... naibulong niya sa sarili.


"Bakit hindi ka makasagot Kuya?" matigas pa ring paguusisa ng kapatid niya sa kanya


"Oo!... oo nagkamali ako.. pero iyon lang ang tanging paraan Art.. Iyon lang ang paraan para maisalba ko siya sa suicidal tendency niya... Kailangan kong pumili Art... mahirap din sa akin ang desisyon na iyon. But tell me...  would I save someone who already lost hope to live or someone who choose to live in his own ways.. Art wala ng pag-asang mabuhay si Adrian.. Kung siya ang pinili kong maging dominante.. lagi ko na lang siyang itutulak sa wheel chair at parang lantang gulay na sasaksakan ng suwero.. While Jude.. he is determined to live.. at kung ano man ang ginagawa niya.. that is his mechanism to overcome the pain that Adrian is bringing to him" 


"The end doesnt justify the means kuya.. so what now? Tatanga na lang tayo dito habang alam natin ang katotohanan behind those murder crimes na nangyayari sa Pampanga.. Kuya, you created a criminal"


"No Art... the people who made him that way created the monster inside him.. Sa mundong ito mahirap na magpakabait.,. especially when the people around provokes the demon inside you"


"And you think what you did really cured him? You know that hypnosis is not enough.. Sa tingin mo ba tuluyan mo ng nabura si Adrian sa pagkatao ni Jude? It is not a 100% guarantee Kuya. Ang taong may multiple personality disorder ay maaring makaranas ng pagpapalit palit ng katauhan kahit na nagamot siya ng hypnosis. MPD itself is very vague. There's no exact cure on this. Nakadepende sa tao kung magagamot siya. MPD is the psychiatric version of cancer."



"Just stop this non sense argument.. Maayos din ang lahat. I know what Im doing at huwag mo kong papangunahan sa mga desisyon ko because I dont need second opinion. Im a psychiatrist and I know my field better than you are"


"This is not just about being a good Samaritan Is it? ... May iba pa bang dahilan kaya ginawa mo ito Kuya? Hindi naman siguro tama ang hinala ko na may gusto ka sa kanya"


Natahimik siya.


Hindi niya alam kung psychiatrist nga ba talaga ang kapatid niya o isang psychic. Dahil eksakto ang nabasang damdamin nito sa damdamin nya. Sa kawalan ng masasabi ay ang kapatid na lang niya ang nagsalita ng nagsalita.


"I just hope na magising ka na sa katotohanan kuya.. You cant have the best of both worlds... Hindi por que nagawa mong manipulahin ang isip ng isang tao ay kaya mo ring manipulahin ang puso nito." huling pangungusap ng kanyang kapatid at narinig na lang niya ang mga mabibigat na yabag nito palayo sa kanya.


It was a bad idea na isama ang kanyang kapatid sa pagbakasyon dito sa bahay nila sa Pampanga. But its too late. Ayaw naman niya kasing pumili sa dalawa. He wants to spend time with his brother as much as he terribly miss Jude na gustong-gusto na niya itong makita. Nagaalala na siya rito lalo na sa tuwing binabalita nito kung sino ang bago nitong napatay. But all he can do is to silently listen and push him to do so. Dahil isa iyon sa mga proseso na kailangan upang mabura ng tuluyan si Adrian. Biglang bumalik ang sa kanyang gunita ang mga pangyayari... Sa kanilang pinakahuling sesyon.



"Adrian ito si Max.. Naririnig mo ba ako?" tanong niya ng masiguradong boses na lamang niya ang nangingibabaw sa utak nito.


Kasalukuyan silang nasa isang espesyal na kuwarto. Wala itong kagamit-gamit at napipinturahan ng purong puti. Sa gitna ay matatagpuan lamang ang isang bangkong pahalang na yari sa bakal. Nakahiga dito si Adrian na malapit na ring mawala kung magiging matagumpay ang pinakahuli nilang sesyon. Maya-maya pa ay sumagot na ito sa katanungan niya


"Oo naririnig kita" malumanay na sagot nito habang nakahiga pa rin at nakapikit


"Ano ang gagawin mo kung bibigyan kita ng kutsilyo ngayon?" 


"Gusto ko ng tapusin ang paghihirap ko... Gusto ko ng mamatay"


"Gusto mo na bang mamatay?"


"Akin na ang kutsilyo... Parang awa mo na... Kailangan ako ng nanay.. Susundan ko na siya.. Sila ni Papa" nagsimula na namang umiyak ang pasyente niya


"Sige mangyayari iyan ngunit bago ang lahat may gusto akong ipakilala sa iyo"


Nakita niyang tumango lamang si Adrian.


"Gusto kong pumikit ka at sa pagpitik ng aking kamay. Makikilala mo siya"


Pinakiramdaman niya si Adrian kung nagawa ba nito ang pinapagawa niya. Nang masiguradong nakapikit ito ng mariin. Bigla niyang ipinitk ang kanyang kamay at nakita niyang nagmulat bigla ang mata nito na parang nagising sa pagkakatulog.


"Adrian naririnig mo pa ba ako?"


"Hindi ako si Adrian" malamig na sagot nito sa kanya


"Kung ganun sino ka?"


"Ako si Jude... Jude Dela Riva"


"Nasaan na si Adrian?"


"Mas pinili niyang mamatay... Pinili ko namang patuloy na mabuhay"


Lihim siyang napangiti ng marinig ang sinabi nito. Isa lang ang ibig sabihin noon. Nagtagumpay ang pagpapalit nito ng katauhan. 



"Kung bibigyan kita ng kutsilyo ngayon ano ang gagawin mo?"


"Papatayin ko ang mga taong nanakit kay Adrian"


Napangiti siyang muli. 





Akala ni Jude ay makakatulog siya kanina ng tuluyan siyang makapasok sa kanyang silid. Ngunit nagkamali siya. Dahil ng siya ay mapagisa muli ay bumuhos na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Wala na ang mga ala-alang pilit na bumabalik. Ang tanging paulit-ulit sa kanyang memorya ay mga sinabi ni Red bago sya nagtatakbong palayo.


"Moks aalis ka na ba talaga?"


"Pipigilan mo ba ako?"


"Magpapapapigil ka ba?"


Nakapa niya ang kanyang bulsa. Naroon pa rin ang larawan na nakuha nila sa photo booth. Pinagmasdan niya muli ang hitsura nito.  Nakangiti ito sa harap ng kamera habang yakap-yakap siya. nang akalain niyang mukha itong katawa-tawa sa suot na batman costume ay naging kabaliktaran naman nito ang epekto sa kanya. Pinagmasdan niya rin ang kanyang hitsura sa larawan. Bigla siyang namagneto sa napagtanto. Siya pa rin si Jude Dela Riva sa larawan. Ang kaibahan nga lang ay ang salamin na dating suot suot ni Adrian. 


Ngayon ay mas komportable na niyang bangitin ang pangalang Adrian. Hindi kaya mas komportable na rin siyang tawaging Adrian? bulong niya sa sarili. Hindi niya alam ang sgaot sa sariling katanungan. Napabuntong hininga siya at napagdesisyunan niyang kunin ang cellphone na nasa kabilang bulsa.


Habang idina-dial ang numero ay lumapit rin siya sa ng dahan-dahan sa salamin. Narinig niyang sumagot ang kabilang linya. Hindi niya rin alam kung bakit niya kailangang tawagan ang taong iyon. Ngunit naramadaman niyang kailangan niya. Sa wakas ay sumagot ang taong nasa kabilang linya.


"Hello?" tanong ng boses lalaki sa kanya


"Hello Jake" wika niya 




"Doc what's the result?" nagaalalang tanong ni Sabrina sa duktor na kaharap niya


Gabi siyang nagpunta sa kanilang family doctor at sa sarili nilang hospital. She still wants the appointment to be discreet. Ayaw niya ring gumawa ng eskandalo o tsismis. 


"Im afraid the result is not yet that sure hija"


"What do you mean Doc?"


"Tatapatin na kita hija.. mababa ang tsansa mo na mabuntis.."


"You dont mean that I am infertile right?"


"Can i ask you what's your idea of fertility?"


"Im feeling horny that day doc... hindi ako pwedeng magkamali.,.. I know that Im fertile"


Bahagya namang napatawa ang duktor sa sinabi niya. Mas lalo naman siyang nanggagalaiti ng makita ang reaksyon nito.


"Hija.. that's the traditional way of confirming whether or not you are fertile...  I will run some tests and will keep you posted pero tatapatin kita na mababa ang tsansa mo na mabuntis"


"Punyeta kang duktor ka!!!! Wala kang silbi...!" bigla niyang naibulalas sa sobrang galit.


"Hija.. Im doing my best... By the way alam ba ng mga magulang mo tungkol dito?"


"Dont tell them you asshole dahil oras na malaman nila itong pagkonsulta ko sa iyo.. without even confirming if I am indeed pregnant or what.. Ipapasesante kitang walang kwenta kang duktor ka!!!"


Lumabas siya ng kuwarto nito at tulirong pumunta sa unang CR na nakita niya. Hindi niya na alam ang gagawin. Napakapit siya sa lababo ng CR at namalayan niyang nagsisimula ng tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakipagkalas na sa kanya si Red at ngayon.. hindi pa sigurado kung mabubuntis siya. Isang sanggol lang ang kailangan niya para mabalik uli si Red sa kanya ngunit wala pa rin palang kasiguruhan ang tsansang iyon. 



"No!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw niya sa loob ng CR. 


Buti na lamang ay walang nakarinig sa kanya dahil sa magisa lamang siya doon. Para siyang tanga na pumapalahaw sa iyak. She cant stand the fact na nawala ang lahat ng pinanghahawakan niya ng parang bula. She cant stand the fact na hindi mapupunta si Red sa kanya. Biglang tumimo ang isang ideya sa kanyang isip.


Nanginginig na kinuha niya ang kanyang cellphone. Tatawagan niya ang ang kaisa-isang tao na makakatulong sa kanya.





Ibinaba ni Jake ang cellphone matapos ng ilang minuto na kausap ang tao sa kabilang linya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig.


"Hello?" pupungas-pungas na tanong niya sa taong nasa kabilang linya. Wala lang siyang ginawa kundi matulog. Hindi pa rin siya makagalaw ng maayos dahil paulit-ulit sa kanyang utak ang nangyari sa Glifonea's


"Hello Jake?"


Bigla siyang napabalikwas ng makilala ang boses na nasa kabilang linya. Walang duda na boses iyon ni Adrian.... Jude.. Iyon nga pala ang gusto nito itawag sa kanya.


"Im sorry" mahina at halos pabulong niyang tugon dito.


Wala siyang maapuhap na mga salita. Gustuhin man niyang magpaliwanag dito ay hindi niya magawa dahil siya at siya pa rin anglalabas na may kasalanan. Gusto niyang aminin na noong una ay nakipagsabwatan lamang siya kay Sabrina at diring-diri siya rito at ginamit niya lamang ito para maging popular noong high school sila. Gusto niyang aminin na ang babaw niya para saktan ito. Gusto niyang aminin na siya ang sumabotahe sa performance nito sa NASUDI auditions. Gusto niyang aminin na si Sabrina ang may pakana ng lahat. Higit sa lahat gusto niyang aminin na nahulog na siya rito ng makilala niya kung sino nga ba si Adrian.


"Wala na yun"


Nagulat siya sa sagot nito. Pinapatawad ba siya nito? Maya-maya pa ay narinig niya itong magsalita muli ng namayani ang ilang segundo ng katahimikan.


"Jake.. hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin.... pero gusto kong lumaya.. lumaya sa anumang sakit na nararamdaman ko.. mahirap man na ibigay sa iyo to pero buong puso kong ibibigay ang pagpapatawad ko dahil kailangan... kailangan nating lumaya sa sakit na umaalipin sa ating dalawa"


Narinig niyang umiyak ito. Parehas na iyak na narinig niya ng ito pa si Adrian. Noong gusto pa nitong matawag na Adrian.


"Jude... sorry... naging mahina ako..." hindi niya rin namalayan na pumapatak na ang luha sa kanyang mga mata. Parang may isang malaking tinik na nabunot sa kanyang dibdib ng marinig ang mga sinabi nito.


Naalala niya ang mga panahon na yakap niya si Adrian. Na yakap niya yung taong sobrang bait, sobrang lambing at sobrang inosente. Those eyeglasses that became a trademark. Ang malamlam nitong mata. Hindi siya makapaniwala na pinagpalit niya ito sa kasakitan.


"I have to go Jake.. nasabi ko na ang gusto kong sabihin.. See you at the Enchanted Ball then" wika nito sa kanya


Akma na siguro nitong ibababa ang cellphone ng mabilis niya itong pinigil.


"Jude sandali!!!" pigil niya rito


"Ano iyon Jake?" mahinahon namang tanong sa kanya nito


Sasabihin niya ba? Sasabihin niya ba na si Sabrina ang pumatay sa Ina nito. Tila may bara sa kanyang lalamunan na iba ang namutawi sa kanyang bibig na taliwas sa kanyang iniisip.


"Ah wala.. and yeah.. see you at the enchanted ball Jude" 


Sa unang pagkakataon ay narinig niya itong tumawa. Napangiti na rin siya. Ngunit mas lalo siyang napangiti sa sinabi nito bago ito nawala sa linya.


"Sige Jake... and by the way its not Jude anymore... its Adrian"


Parang panaginip ang lahat. Ilang araw siyang naglasing matapos ang pangyayari sa Glifonea's. Matapos na umalis si Adrian sa restaurant. Akala niya ay mapapatawad siya  ni Adrian sa ginawa niyang sorpresa. Akala niya na noong araw na iyon ay magagawang lumambot ni Adrian sa sorpresa niya. Ngunit nagkamali siya. Mismong araw na rin na iyon ay nakita niya kung gaano kagalit si Adrian. Kung gaano kagalit si Jude. Nakita niya sa kanyang harapan ang epekto ng ginawa nila kay Adrian. 



Matapos ang pagkatulala sa bilis ng pangyayari ay kinuha niya ulit ang cellphone. Adrian deserves the truth kaya kailangan niyang malaman ang buong katotohanan sa sunog. Ngunit naputol ang pagdial niya ng numero ng makatanggap uli siya ng tawag. 


Si Sabrina.


"Bakit ka napatawag?" galit niyang singhal agad dito


"Jake please... you should help me on this" nagsusumamong boses nito.


Hindi niya man ito nakikita ay alam niyang umiiyak ito. Base sa pag-garalgal ng boses nito ay tiyak niyang umiiyak ito.


"Ano bang dahilan at napatawag ka" galit niya pa ring wika rito


Sabrina is Sabrina. Sa ilang buwang pagsasama nila mapausapan lang ito o sa kama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Alam niya na kung paano maglaro ang isang Sabrina Malvarosa. Maaring inaartehan lamang siya nito para mapapayag siya ng gawin uli ang isang pabor


"Jake... I need Red back... please help me.. I promise na ibabalik ko rin sa iyo si Adrian.. o kahit ano.. name your price.. please help me!" 


Sa tono nito ay halatang desperada na ito sa tulog niya. Hindi siya sanay na lumalapit ito ng ganoon. Noong mga nakaraang panahon ay siya ang laging nakikusap at iilan lamang sa mga ito ang pinagbbigyan ni Sabrina. Dahil sa bawat pagtulong nito ay may kalakip na kapalit.


"No... tapos na ako sa mga laro mo Sabrina.. mula ngayon ay pinuputol ko na ang ugnayan na meron tayo" mariin niya wika dito


Biglang-bigla ay nabago ang tono ng boses nito. Ang kaninang nagmamaka-awa ay bumalik sa pagiging mapagmataas.


"Hayop ka!! Pagkatapos kitang tulungan sa naabot mo ngayon at matapos kong ipagamit ang katawan ko sa iyo gagaguhin mo ko... Sa ayaw mo at sa gusto kailangan mo kong tulungan dahil kung hindi ay malalaman nila na ikaw ang pumatay sa nanay ni Adrian"


Bigla naman nagpantig ang tainga niya at sinalubong na rin niya ang galit nito


"Hindi sabrina... Ikaw.. Ikaw ang pumatay sa nanay ni Adrian. May recording ako ng huling tawag na inamin mo na ikaw ang pumatay sa nanay ni Adrian. This is not your game anymore Sabrina... Kasama ka na rin sa mga manlalaro ng larong ginawa mo and your game will be over soon.. trust me malalaman nila Red at Adrian ang lahat-lahat.."


Bago niya pinindot ang End Button ay narinig niyang nagsisisigaw ito sa kabilang linya.




Pasado alas dos ng maguumaga na ng makarating si Karma sa Angeles. Maari naman sanang ipagpabukas ang biyahe niya ngunit kailangan niyang magmadali. Hindi na niya nagugustuhan ang mga nababalitaan. Tumawag siya kanina sa bahay nila at ang kasamabahay nila ang nakasagot, wala daw ang kaniyang Mama at may pinuntahan daw itong meeting. Samantalang, wala rin daw si Red dahil kasama nito Jude.


Napabuntong hininga siya ng maalala ulit ang pangalang Jude. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan o magalala sa isiping magkasama ang kanyang kapatid at si Jude. Ngunit ang dahilan ng kanyang pagpunta sa Manila ay para kay Adrian.


Kumatok siya sa pinto ng kanilang bahay. Maya-maya pa ay binuksan ito ng kanilang kasambahay.


"Nasaan si Mama?" tanong niya kaagad


"Wala pa po ... pinasabi niya po na baka bukas ng umaga na raw po siya makauwi"


"Ganun ba.. Si Red? Nandito na ba siya?"


"Ah opo nasa kusina... pero mukhang lasing ata nung makarating..kaya pinagtimpla ko po muna ng kape.... Hindi na rin po niya kasama si Jude nung umuwi sila"


"Sige ako na ang bahala sa kanya.. Pwede bang paki-akyat na lang tong maleta ko sa kuwarto"


"Oho sige po.."


Kinuha na ng kasambahay ang maleta niya at maya-maya pa ay nawala na ito sa kanyang paningin. Agad niyang tinahak ang kusina at gaya ng nasabi ng kasambahay ay nandun nga si Red. Kaharap nito ang laptop at isang tasa na batay sa nasabi ni manang ay kapeng ipinainom nito.


Magulo ang buhok nito habang magang-maga ang mga mata. Kahit di man nito sabihin ay halatang nanggaling ito sa pagiyak.


Umupo siya kaharap nito at pagkatapos ay nakita niyang nag-angat ito ng ulo.


"Kumusta na?" malumanay niyang tanong sa kapatid.


"Nandyan ka na pala ate" maikling sagot nito. Waring wala ito sa tamang mood para makipagusap sa kanya.


Tumayo siya mula sa kinauupuan at pinuntahan ito. Nang tuluyan siyang makalapit dito ay nakita niyang nakabukas ang facebook account nito. Ngunit ang pangalang "Jude Dela Riva" ang nakita niya.


"Kumusta na siya?" tanong ulit niya rito. Hindi siya sigurado kung tama bang tanungin niya si Red tungkol kay Adrian.


"Ate bakit.. bakit nagkaganun si Adrian? Ate hirap na hirap na ko... hindi ko alam kung anong gagawin ko..."


"Nakilala mo na ba si Jude?" tanong niya rito at humakbang siya ng kaunti palayo


"Pati ba naman ikaw ate? bakit kailangan niyong ituring na dalawang tao si Adrian at Jude? Diba iisa lang sila? Bakit kailangan sabihin ni Adrian na iba siya na si Jude at wala na ang dating Adrian.. ate gulong gulo na ko"


Pinagmasdan niya ang kapatid. Naawa siya sa kalagayan nito. Wala man itong dinaramdam na kung ano sa pisikal ngunit alam niyang anumang sandali ay susuko na rin ito sa nararamdaman para kay Adrian. Huminga siya ng malalim at nagtanong muli.


"Sinasabi ba ni Jude na kilala niya si Adrian?"


"Hindi ko maintindihan bakit kailngang ituring ni Jude na ibang tao si Adrian"


"That's a good sign" 


"How can you even call it a good sign ate?" galit nitong tanong sa kanya


Bago niya sagutin ang tanong nito ay kinuha niya ang folder na nasa kanyang shoulder bag. Files ito ni Adrian mula ng obserbahan niya ito sa bahay nila at ang patuloy na developments nito.


"You need to see this" wika niya kay Red sabay abot sa itim na folder.



Kinuha ni Red ang itim na folder na iniabot ng ate niya sa kanya. Kung ito ba ang magiging susi para maintindihan niya ang lahat ay kailangan niyang matuklasan kung ano ang nasa loob ng folder na iyon.


Nang mabuksa niya ang folder ay tumambad sa kanya ang dalawang larawan ni Adrian. Ang bawat larawan ay may kanya-kanyang impormasyon na nakalakip.




Patient's full name: Adrian Jude Dela Riva
Mental Illness: Dissociative identity disorder (DID)
Degree: Severe


Alters:


Adrian Dela Riva

-Claiming that his father dies of cancer and her mother died in a fire
-Claiming that his boyfriend broke up with him
-Suicidal








Jude Dela Riva

-Claiming that his father died when he was seven and her mother died because of an arson
-Capable of Murder





"Hindi ko lubos akalain na ang isang pinaka kontrobersyal na paksa ng sikolohiya ay maaring mangyari sa totoong buhay. Akala ko hindi totoo. Tulad ng karamihan ay maniniwala lang din ako kapag nakita mismo ng dalawang mata ko. Ngunit totoo.. totoo ang sakit na DID. Commonly known as Multiple Personality Disorder" paliwanag ng Ate Karma niya sa kanya


Tila naumid ang dila niya sa kanyang narinig. Hindi niya alam ang isasagot. Pamilyar siya sa sakit na iyon. Ngunit hindi niya alam na ang taong pinakamamahal niya ay ang taong dadapuan ng ganitong sakit.


"In most cases, nagsisimula ang DID sa isang traumatic experience. Noong una, buong akala ko ay isa lamang normal na kaso lamang ito ng Post Traumatic Stress.. ngunit nagkamali ako.. ng isa-isahin ko ang mga pangyayari batay sa kwento ni Adrian. Doon ko lubos na naintindihan na lubhang masakit ang napagdaanan niya. He is madly inlove with someone and he finds out na buong buhay niya ay pinaikot lamang pala siya. Hindi pa man siya nakaka-recover sa pangyayaring naganap sa restaurant ay nasunog ang kanilang bahay. Nasunog ang mga ala-ala ng kanyang ama na hindi niya nakasama ng matagal. At kasabay nito ay nasunog ng buhay ang kanyang Ina. Sinong anak ang makakasimura na makita ang kanyang ina na nalapnos ng apoy o natusta. Kahit ako... hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko kapag mangyari sa akin iyo o sa Mama....



...Hindi kinaya ni Adrian ang sakit. Ang sunod sunod na sakit.. Sa araw araw na inoobserbahan ko siya ay tila nawalan siya ng lakas. Hanggang sa nawalan siya ng ganang kumain. Hanggang sa kahit pagkilos ng katawan o pagsasalita ay hindi niya na nagawa. Iyon ang mga panahon na kailangan na siyang mag wheel chair. Walang pisikal na karamdaman si Adrian noon ngunit dahil lahat ng bahagi ng katawan ay kunektado sa nervous system ng isang tao at pag napagdesisyunan ng utak na huwag mag-function ay hindi gagalaw kahit anong parte ng katawan natin.. Kaya para siyang lantang gulay na nakasalampak sa wheel chair...."



Mariin pa rin siyang nakinig sa kanyang Ate habang pinipilit na pagkasyahin lahat ng impormasyon sa kanyang utak.



"Akala ko rin ay wala ng pag-asa ngunit isang araw na may ginugupit ako sa kuwarto kung saan siya natutulog ay nakita ko sa unang pagkakataon na humakbang papalapit sa akin si Adrian. namangha ako sa nakita. Kinuha niya ang gunting sa akin at nagulat na lamang ako ng akma niya akong sasaksakin. Nang binanggit ko ang pangalan niya at sinabing itigil niya ang kanyang ginagawa. Doon ko narinig na sinabi niyang 'Jude' ang pangalan at hindi 'Adrian'.. Bilang depensa sa nangyari ay nasaksak ko ang gunting sa bandang pulso niya... Iyon ang panahon na dinala ko siya sa hospital.....



....I thought of bringing him to a mental asylum that time but it wont do good. Hindi magagamot si Adrian doon at  mahirap din para sa isang tao na may DID ang isama sa mga ibang mga baliw. Iniisip ko ang mga consequences na maaring mangyari kapag biglang lumabas si Jude at patayin ang unang taong makita niya. I also felt sorry dahil kulang ang kakayahan ko bilang psychiatrist na gamutin si Adrian. I was never familiar of DID until I diagnosed Adrian"



"Bakit ganoong pagkatao ang lumabas kay Adrian?" bigla niyang tanong na lubusang maunawaan ang lahat.



"Kinailangan ni Adrian si Jude dahil sumuko ng mabuhay si Adrian.. si Jude ang nabuhay para sa kanya.. It was his way of coping up with the stress and pain he felt. Noong una akala ko it is only a borderline personality disorder commonly referred as black and white thinking but no... may kakayahan ang nabuong personalidad ni Adrian na si Jude na tumagal sa katawan ni Adrian. And it was clear na pwedeng siya na ang tuluyang mabuhay at mawala ng tuluyan si Adrian....


...Napakaseryoso ng kasong ito lalo na at alam kong may kinalaman si Adrian o Jude sa patayang nabalitaan ko mula sa NorthEast... Hindi madaling patunayan sa korte na may DID si Adrian kung sakali mang makulong siya pag nalaman ng lahat siya ang nasa likod ng patayang naganap"


"Alam mo rin ate?" hindi makapaniwalang tanong niya


"Yeah.. I also thought of telling this to you over the phone but no... sa tingin ko naman ay hindi ka sasaktan ni Jude. Kung meron mang tanging tao na magpapa-alala kay Jude na siya si Adrian ay ikaw yun Red and I know that it's a good idea na masama kayo"


"Ano ang gamot sa DID? P..p..paano na si Adrian tuluyan ba siyang mawawala? Kailangan bang mawala ni Jude para mabuhay uli si Adrian?" sunod sunod niyang tanong


"Hindi kailangang mawala ni Jude.. dahil naging parte na siya ng pagkatao ni Adrian. Well, in fact matagal na siyang parte ng pagkatao ni Adrian. It just took him a painful break up and an arson to unleash that particular side. Everybody has that dark side nagkataon nga lang na literal na nahati sa dalawa si Adrian. His alters are literally the angel and the devil. Hindi kailangang mawala ng isang katauhan niya. Kailangan lang pagisahin silang muli... Kailangan lang nilang ipakilala sa isa't isa. At higit sa lahat kailangan matutunan ni Jude mula kay Adrian ang magpatawad unang una sa lahat ay ang pagpapatawad sa sarili...


...Sadly ng mga panahong iyon, hindi ko pa alam ang gagawin ko kaya wala akong nagawa para makontrol ang dalawang katauhan ni Adrian. Kulang pa ang kakayahan ko kaya nagpasya akong pumunta ng Manila para magkaroon ng pagsisiyasat at masuring pagaaral sa DID at Hypnosis na isa sa pinaka epektibong paraan para magamot ang pasyenteng may DID. Of course, it cant guarantee a total cure pero iyon ang huling pag-asa para mapagisa si Jude at si Adrian"


"Ano ang nangyari sa pagpunta mo sa Maynila ate? Nagawa mo ba ang ipinunta mo doon?"


Tumango ang kanyang ate na siya naman niyang ikinagalak. Isa lang ibig sabihin nito. Magagamot na si Adrian. Mapagiisa na sila ni Jude. Nakinig naman siya sa mga susunod pa nitong sasabihin.



"I went to Manila to study hypnosis I was introduced to this young professor. His name is Dr. Max Albano.."



Itutuloy...

14 comments:

  1. Wow...

    Super bilib ako...
    Nice author..

    ReplyDelete
  2. Nice! Ang gandang chapter.

    Anyway sana pakantahin mo si Adrian ng song ni kelly clarkson ulit. Darkside.

    Bagay na bagay!

    ReplyDelete
  3. whew!andaming revelations!wow!

    hands down sayo Rogue for a very nice story..ayan na karma ni Sabrina!
    and yeah Darkside ni Kelly Clarkson really suits for this :))

    ReplyDelete
  4. hayzzzzzz bitin,ganda nang chapter na ito,

    ReplyDelete
  5. hindi pa makaconect sa prolouge....hehehe nice

    ReplyDelete
  6. WoW...galing mo talaga author..hindi lang basta story lang tong likha mo kundi may natututunan ka din..

    ReplyDelete
  7. so this explains everything.... :)) i can understand why matagal ang posting kasi mabusisi ang details ng kwento at sitwasyon ni Adrian/Jude... and I really really like it :3 this is really good and it keeps on getting interesting :)) though I still fear na baka lumala pa lalo ang sakit ni Adrian/Jude kasi sa pakikialam ni Sabrina and Jake.... kasi mej malayo pa tayo sa happenings ng prologue and yung mga foreshadowings ni Jude at Sabrina :)) (I still remember them). I would respect kung anong man ang gagawin ni Sir Author for the ending, but as one of the reader whom wishes for happy endings after bloddy and rocky conflicts, pleaaaasseeee.... let things end well for Adrian and Red :3 (hihi.. kulit ko much with this last line, paulit-ulit) :)):)):)) :3

    ReplyDelete
  8. So now it will be a battle between the Mentor and Student of Psychiatry...

    Ang galing namn talga...

    ReplyDelete
  9. Grabiti! Hahaha. Dami kong natutunan dito. Magagamit ko din ito balang araw. Chos!. :D Tagapampanga pala sila, kaya pala. Hehe. taga dun din ako. Wala lang share lang. :P

    ReplyDelete
  10. WOW...amazing story,,ang ganda tlga,,,,panu na yan si jude qng mala2man nila na isa xang murderer????naka2bitin naman tong chapter na to,,,cant wait..

    ReplyDelete
  11. wow...next chapter na...hehhe wala ako masabi eh...hehehe

    ReplyDelete
  12. Wow parang Dr. Jekyll and Mr. Hyde lang ang peg. NOw the story is getting more interesting. Can't wait for the next chapter. Hopefully by tomorrow Mr. Author. ;) I'm so loving the story. It thrills me alot!

    ReplyDelete
  13. i like the story super exciting sana wala nang mapatay c jude..kasi ayoko talagang may patayan pero i really love the story (sana poh mr author wag nyo pong hayaang mpatay si jake or c red bet ko poh and dalawa eh kahit sino poh sakanila ang makatuluyan ni adrian ok lng poh choss....feeling ko ako si adrian pareho kmi ng name heheheheh)

    more power poh ky mr author<3

    ReplyDelete
  14. atlast im back....
    thanks nice one....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails