By: INARO
Email: avanon1988@gmail.com
Ito na po
ang chapter 3 ng Love At First Kiss, gusto ko po sana magpasalamat sa mga
nagbabasa ng story ko pasensya na kayo kung medyo matagal ang posting pero
starting this week every Monday na po ang update ko. pasensiya na sa late
update sa kadahilanang ang dating 8 hours ko na duty ay naging 12 hours na.
upang makabawi magkasunod ko na pong ipo-post itong chapter 3 at chapter 4.
Sorry po talaga!
Sana po
mag enjoy kayo, so guys sit back, relax and spread your love!
--------------------------------------------------
LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 3
January 2010, 4:20pm
Kakaiba
ata ang mood swing ng kabarkada ko. Kasi nung nagsimula siyang magkwento,
kalungkutan ang nakikita ko sa mga mata niya pero ngayon halos buhay na buhay
siya habang sinasalaysay niya ang paglipat niya sa boarding house.
“Ayos ka
lang ba Jek-jek? Hehe masyado ka atang masaya ngaun ah sa part ng kwento mo na
yan.” Sabi ko.
“Hehehe
may naalala lang ako hehe..” natutuwang sabi naman ni Jek-jek.
“Oh teka
masyado mo akong binibitin eh, ano na nangyari?” naguguluhan kong tanong kay
Jek-jek.
“Ito
naman masyadong atat, eh di hayun, kinabukasan bumangon ako ng natataranta…”
pagpapatuloy ni Jek-jek sa kwento niya.
And his
story continued….
--------------------------------------------------
March 2006, 8:45am, Monday
Kinabukasan
bumangon ako ng natataranta dahil hindi ko alam kung anong oras na. Medyo tirik
na ang araw at mainit na ang sinag nito na pumapasok sa bintana ng kwarto. Walang
orasan ang boarding house at wala rin naman akong cellphone para tingnan ang
oras. Dali-dali akong lumabas ng silid at pinuntahan ko ang kwarto nila Andrew.
Noong una
ay nahihiya pa akong kumatok baka kasi maistorbo ko ang tulog nila.
“Andrew……Andrew….Andrew…”
tawag ko kay Andrew habang kumakatok ako sa pintuan nila.
Lumipas ang
mga ilang minuto ay bumukas rin ang pinto at pupungas-pungas pang lumabas si
Andrew.
“Oh
Jek-jek….bakit anong problema mo?” tanong ni Andrew habang nagkakamot ng ulo.
“Ahm
Andrew pasensya ka na ah, kasi…a-ano….eh…anong o-ras na ba?” nahihiya kong
tanong sa kaniya.
“Haysus
akala ko naman may nasusunog na, teka at titingnan ko lang..” sagot naman ni
Andrew.
Bumalik sa loob ng silid si
Andrew at hindi naman ito nagtagal at binalikan ako agad.
“8:45 pa
lang Jek-jek..” sabi ni Andrew.
Nagulat
ako at nagmamadali akong umakyat sa kwarto at kinuha ang gamit ko sa pagligo.
Nakalimutan ko na magpasalamat kay Andrew pero babawi na lang ako sa susunod
dahil kung hindi ko bibilisan ang kilos ko ay siguradong male-late ako sa unang
araw ng trabaho ko.
10am, yan
ang sinabi ni Ma’am Akiko sa akin na oras ng pasok ko. Ayokong magkaroon ng bad
impression sa kaniya kaya hangga’t maaari ay ayokong ma late. Hay halos isang
oras pa naman ang biyahe papunta sa mall kung saan naroon ang Pizza Resto. Kung
minamalas nga naman, napuyat kasi ako kagabi dahil paputol-putol ang tulog ko
gawa ng namamahay pa ako sa boarding house na iyon.
Binilisan
ko ang pagliligo at pagbibihis. Hindi na ako kumain ng almusal. Dahil sa
pagmamadali ko ay nakagagawa na pala ako ng ingay sa loob ng bahay kung kaya
nagising na rin ang mga ka-boardmate ko at lahat sila ay naguguluhan sa mga
kilos ko.
“Hoy
Jek-jek bakit ba para kang nagmamadali? May hinahabol ka bang flight abroad?”
pagbibiro ni Noel.
“Naku
pasensiya na kayo at naistorbo ko ang pagtulog niyo, kasi male-late na ako sa
trabaho ko, eh unang oraw ko pa naman ngayon.” Hingi ko ng pasensiya sa kanila.
“Ganun ba
eh bilisan mo na nga…tsk tsk bad shots ka sigurado niyan sa boss mo.” Si
Jay-ar.
“Pasensya
na talaga, sige mauna na ako sa inyo.” Dire-diretso ako sa pintuan at bago pa
ako makalabas ng bahay ay tinawag pa ako ni King.
“Teka
muna Jek-jek saan ka ba nagwowowrk?” tanong ni King sa akin.
“Sa Pizza
Resto sa SuperMall.”
“Ha?...eh
doon…”
Hindi ko
na narinig ang iba pang sasabihin ni King dahil nakalabas na ako ng boarding
house at tumatakbo akong pumunta sa paradahan sa may kanto lang malapit sa
boarding house. Ngunit pagdating ko roon ay ka-aalis lang ng jeep at naghintay
pako ng ilang minuto bago may dumating na pabiyaheng SuperMall. Agad-agad akong
sumakay at hindi rin naman nagtagal ay umandar din ang jeep.
Nasa
kalagitnaan na kami ng biyahe ng biglang huminto ang jeep. Nagtaka kami bakit
biglang huminto ito gayung wala naman bababa sa lugar na iyon.
“Manong
wala naman pumara ah…” ang sabi ko sa mamang driver
“Naku eh
pasensiya na kayo, nasiraan kasi ang jeep ko. Baka matagalan pa ito lipat na
lang po kayo sa ibang jeep at ibabalik ko na lang ang mga bayad niyo.” Pagpapaumanhin
ng mamang driver.
Wala
akong nagawa kundi ang bumaba at mag-abang ng jeep. Ngunit walang jeep ang
dumaraan hays kung mamalasin ka nga naman eh isang bagsakan, sunod-sunod, hindi
naman Biyernes trese ngayon. Wala akong nagawa kundi ang sumakay ng tricycle at
talagang inutusan ko pa ang driver na bilisan.
Hindi ko
alam kung anong oras na ako dumating sa SuperMall pero ang alam ko lang na
sigurado ay late na ako. Tumakbo ako ng tumakbo, wala na akong pakialam sa mga
taong nakakasalubong ko, ngunit ng malapit na ako sa puwesto ng Pizza Resto ay
nadulas ako at sa hindi sinasadyang pangyayari ay sumubsob ako sa lalaking nasa
harapan ko.
Kablaaaagggg!
Napahiga
ako sa ibabaw ng lalaki at ito naman ay napayakap sa akin. Buti na lang may
bitbit ito sa likod niya ng malaking bagpack na nahigaan naman niya.
Nagkatitigan kami at ang mga umuusisa sa amin ay tinititigan din kami. Sa
sobrang taranta ko ay tumayo ako agad at nilahad ko ang aking kamay upang
tulungan ang lalaking nakabangga ko. Ngunit hindi niya tinugon ang pagtulong
ko. Hihingi na sana ako ng sorry ng bigla itong nagsalita at talagang sinigawan
pa ako.
“Ano
ba?!!!!! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo? Bulag ka ba?!!!!!” sigaw ng
lalaki. Halata sa gwapong muhka nito ang pagka-irita at galit sa akin.
“Naku
bossing pasensiya na nagmamadali kasi ako.” Sabi ko sa lalaki.
“Eh paano
yan nagmamadali rin ako atsaka paano na itong bag ko nasira na, sa susunod kasi
wag kang tatanga-tanga.” Sigaw pa rin ng lalake.
Nasira ko
pala ang bag niya, ang dami ko ng atraso sa lalaking ito. Hindi ko na pinatulan
ang pagsisigaw niya dahil aminado naman ako na kasalan ko ang nangyari.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa mall kaya todo effort talaga ako sa
paghingi ng dispensa sa kaniya.
“Naku
boss, wala po akong pambayad diyan mag-uumpisa pa lang ako sa trabaho ngayon.”
“Ganun
ba, alam mo kung ako ang magiging boss mo tatanggalin kita agad.”
“Sorry
talaga bossing, babawi na lang ako sa susunod na magkita tayo.” Yun na lang ang
nasabi ko sa lalaki at tinalikuran ko na ito agad upang tunguhin ang Pizza
Resto.
“Ulol!
Kapag nakita pa kita ulit babalatan kita ng buhay!” sigaw pa rin ng lalaki
habang papalayo na ako sa kaniya.
Napapa-iling
na lang ako habang naglalakad ng mabilis. Hays ano bang nagyayari sa akin nakadisgrasya
pa ako ng tao. Di bale kung sakali na makita ko ulit siya babawi na lang ako.
Sabi ko sa sarili ko.
10:30am
Pagdating
na pagdating ko sa Pizza Resto ay pumasok ako agad sa opisina ni Ma’am Akiko.
Naabutan ko itong nagbabasa ng mga papel sa ibabaw ng mesa niya. Sobrang kaba
ko dahil siguradong magagalit din sa akin ang magandang manager na ito sa
sobrang pagka-late ko. Hindi pa man ako nag-uumpisa sa trabaho late na ako agad
ng 30 minutes.
“Ma’am
pasensiya na po kayo kung medyo na-late ako.” Quota na ako sa araw na iyon sa
pagpapaumanhin.
“It’s
okay Jek-jek kasi yung magtuturo sa iyo eh wala pa rin naman, male-late din.
Mamaya pagdating na pagdating niya ay ipapakiilala kita agad sa kaniya upang
maturuan ka.” Mahabang litanya ni Ma’am Akiko.
“Ganun po
ba, pasensya na talaga kayo Ma’am” nahihiya kong sabi kay Ma’am Akiko
“Basta sa
susunod wag mo na uulitin ito ah, because our company don’t tolerate such
tardiness. Naiintindihan mo ba Jek-jek?” nakangiting sabi ni Ma’am Akiko.
“Opo,
hindi na po mauulit.” Nawala na ang kaba ko dahil hindi naman siya nagalit sa
akin. Masuwerte pa rin pala ako kahit paano dahil nakahanap ako ng boss na
mabait na maganda pa.
“Sige na,
magbihis ka na ng uniform mo at dumiretso ka sa kitchen at mag observe ka muna
habang wala pa ang trainor mo. Iapapatawag na lang kita sa oras na dumating
siya.” Yun ang huling bilin sa akin ni Ma’am Akiko.
Nagbihis
ako sa crew room, parang pang-chef uniform ang suot ko may toque pang kasama.
Tingin ko tuloy sa sarili ko ay parang ang galing-galing ko sa kusina. Hindi
naman sa pagmamayabang pero marunong naman ako magluto. Sabi nga ng mga suki namin
sa carinderia nila Tita Dely ay napakasarap ko raw magluto. Wala akong formal
training pagdating sa pagluluto pero noong kapag nagluluto ang aking inay ay
lagi akong nakikialam sa mga ginagawa niya sa kusina kaya siguro nahilig ako sa
pagluluto.
Pero
ngayon ang pangunahing putahe sa resto na iyon ay Pizza. Wala akong ideya sa
pagluluto nito kaya napakagandang experience para sa akin ang magtrabaho rito
dahil kahit paano ay dagdag kaalaman para sa akin ang anumang ituturo ng
trainor ko.
Dumiretso
ako sa kusina upang mag-observe. Medyo abala ang mga kitchen staff sa pagluluto
ng kung anu-ano. sobra akong nag e-enjoy sa aking nakikita dahil parang ang
saya-saya nila sa mga ginagawa nila. Kaniya-kaniya sila ng station, may
in-charge sa pasta, sa desserts at sa pizza meron pa ngang dishwasher na
in-charge naman sa kalinisan ng buong kitchen. Kahit medyo mainit sa loob ng
kusina dahil sa malaking oven na nasa gitna ay hindi mababakas sa mga muhka ng
mga crew doon ang init at pagod.
Makalipas
ang isang oras ay pinatawag na ako ni Ma’am Akiko para ipakilala sa akin ang
sinasabi niyang trainor ko. Malapit na ako sa pintuan ng opisina ng hindi sinasadya
ay narinig ko ang boses ni Ma’am Akiko at ng isang lalaki na parang pamilyar sa
akin. Nagkibit-balikat na lang ako at iwinaksi ko sa isipan ang gumugulo sa
isip ko.
Ewan ko
bakit parang kabang-kaba ako at pinagpapawisan ng malamig ng kumatok ako sa
pinto ng opisina.
“Ma’am
Akiko si Jek-jek po ito.” Sabi ko sabay katok sa pinto.
“Please
come in Jek-jek.” Utos naman ni Ma’am Akiko.
Pumasok
na ako at napansin ko ang isang lalaki na nakaupo patalikod sa direksyon ko.
Matapos ko isara ang pinto ay agad akong ipinakilala ni Ma’am Akiko sa kausap
niyang lalaki.
“Jek-jek
this is your Sir Ton-ton, your trainor, and Ton-ton this is Jek-jek your
trainee.” Pagpapakilala ni Ma’am Akiko sa aming dalawa.
Dahan-dahang
tumayo ang lalaking pinakilala sa akin na magiging trainor ko na Sir Ton-ton
ang pangalan. Ewan ko ba bakit parang huminto ang oras habang paharap ito sa
akin. Ng mapagmasdan ko na siya ng maagi ay pikit-dilat at ilang kurap pa ang
ginawa ko. Hindi ako makapaniwala sa taong kaharap ko ngayon. At sa mismong
oras na iyon pareho pa kaming napasigaw ni Sir Ton-ton.
“Ikaaaaaaaawww???!!!!!!!!!”
-itutuloy
No comments:
Post a Comment