Author: Chris Li
mydenoflions.blogspot.com
Cover Photo By: Erwin Joseph Fernandez
Author's Note:
Hey guys!! Hi Sir Mike, as agreed po ito
po yung latest chapter of my story. Sana po ay magustuhan niyo mga ka-MSOB ito
at mag-iwan po sana kayo ng mga comments, ikagagalak ko po silang basahin.
Muli, ang istoryang
ito ay likha lamang ng imahinasyon at una ko po itong istorya, sana po ay
pagpasensyahan niyo po kung medyo magulo.
Enjoy reading!!
-------Zach
Tulirong-tuliro ang isip ko habang isinasakay ang taong binugbog ni Homer.
Ayokong makakita ng namamatay, ayoko! Ni-recline ko ang passenger seat para
mapahiga ko ito at dali-dali akong pumasok para madala na ito sa ospital.
Ang tanging nagpapanatag sakin ng mga oras na iyon ay ang patuloy nitong
pag-iyak. Senyales na buhay pa ito at nawalan lang ng malay. Halong awa at inis
ang nararamdaman ko parang sa taong ito. Awa, dahil hindi ko alam kung bakit
ito umiiyak habang walang malay; Inis, dahil kasalanan niya kung bakit nasa
alanganin akong sitwasyon ngayon at anytime soon baka makakita nanaman ako ng
naghihingalong tao at mawawalan ng buhay. Diyos
ko, ‘wag naman po!
Pagkarating sa ospital, agad ko itong kinuha at nagsisigaw sa loob ng
emergency. Hinarang ako ng isa sa mga nurse at may kung ano anong tinatanong.
“Sir, kumalma muna kayo at fill-upan niyo ho muna itong
form…”, sabi ng nurse. Nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi niya.
“Ganito ba talaga dito, ha! Can’t you see that WE have an
emergency here at gusto mo pang magfill-up ako kaysa ASI-KA-SU-HIN niyo na
‘tong taong ito bago siya malagutan ng HININGA!, sigaw ko sa kanya, napatanga
ito saglit pati narin ang ibang mga nurses.
Pagkatapos ng scenariong iyon,
one of the nurses brought a stretcher and take the man I was carrying. They
rushed him to the E.R. and left me standing in the middle of the hallway. I
can’t believe what just had happened, I swear I could have fainted dahil sa
kaba at pagkabog ng mabilis ng puso ko.
Pinilit ko ang sarili kong kumalma at naupo sa may waiting area malapit sa E.R.
Iniabot na rin ng nurse na nasigawan ko kanina ang information sheet.
“Miss, sorry kanina… hindi ko na kasi alam gagawin ko eh.”,
napapiling kong sabi.
“Sir, ok lang po yun, mali ko din po, paki fill-upan na
lang po ito Sir”, pilit itong ngumiti sakin, marahil sa takot na masigawan ko
ulit.
“I don’t actually know that person, pwede bang pakikuha na
lang yung personal belongings nya baka may ID doon at ako na bahala sa
expenses.”, pag-amin ko sa kanya.
“Ah… eh sige po Sir, pahiram na lang din po muna ng ID po
ninyo Sir, for our reference na rin po.”, mahinang sambit nito, maarahil talaga
ay takot pa rin ito sakin. Iniabot ko sa kanya ang driver’s license ko at
umalis na ito.
May isang oras din ako naka-upo
at hinihintay kung ano na kalagayan ng misteryosong taong dinala ko dito. Until
now, I couldn’t forget his face, puno ito ng lungkot. Bigla ko ding naalala,
noong binuhat ko ito ay pilit nitong isiniksik ang kanyang sarili sa mga dibdib
at bisig ko. Para itong bata na naghahanap ng kalinga. Nasa ganito akong gunita
ng lumabas ang doctor. Agad akong tumayo para ito ay kausapin.
“Kamusta siya, Doc?”, alala kong tanong.
“It’s been a close call, hijo.”, sagot nito. “Kung nahuli
ka pa siguro ng dating mahihirapan kaming i-revive siya. But now, he is
stabilizing, we’ll transfer him after an hour kapag ok na siya. Kindly go to
the Nurse’s station for the arrangemet you like to do. Excuse me, I have
another surgery to make.”, mahabang paliwanag nito.
“Thank you, Doc”, iniabot ko ang aking dalawang kamay sa
kanyang kanang kamay para mag pasalamat, bago siya umalis.
Whew! Close call? Buti na lang
talaga, sambit ko sa sarili ko. Nagtungo na ko sa counter to pay the bills at
makapag-request ng room na lilipatan niya. I told the nurse to call me kapag
may nangyaring aberya habang wala ako. Kailangan ko na din umuwi at magpahinga
dahil na rin sa may mahalagang presentation ako ng araw ding iyon.
Mag-aalas tres na ng gabi nang
makarating ako sa condominium na tinutuluyan ko. I really feel exhausted kaya
hindi ko na nagawang magpalit pa ng damit. Naka-tulog ako sa sofa kahit na ang
lagkit ng pakiramdam dahil sa pinaghalong pawis at dugo.
“Kuya? Kuya
gumising ka, wag ka naming ganyan oh.”, umiiyak ang isang binatilyo.
“KUYAAAAA! Please
gumising ka. KUYAAAAAAAAAAAAAA!”
Nagising ako sa mapait na bangungot na iyon. Ito na lang palagi ang panaginip
ko sa bawat pipikit ako. Alas Siyete pa lang ng umaga at nag-decide na akong
maligo, dahil wala naman ako kasama sa bahay, malaya kong hinubad ang aking mga
saplot. Nagtungo ako sa banyo at humarap sa salamin. Tinitigan ko ang aking
repleksyon sa salamin.
“Ang gwapo mo talaga, pare kahit puyat ka.”, parang tanga
ako habang pinupuri ang sarili.
Binuksan ko ang dutsa ng shower
at tinimpla ito ayon sa temperaturang gusto ko.Matapos maligo at mag-sipilyo,
tinungo ko na ang aking kwarto at nagbihis ng pambahay. I checked my phone at
dun ko lang napansin na marami pala akong tawag galling sa opisina. I quickly
dialed my secretary’s number.
“Hello, Sherry? Tumatawag kayo sakin? Is there a problem?”,
ganito kasi talaga ako, masyadong worried over things, kaya nga inaasar ako ng
mga pinsan ko na masyado daw akong stiff at seryoso sa lahat ng bagay. Ang
boring ko daw.
“Sir Zach, wala naman problema actually sa atin but, our
client Mr.Chen, cancelled our meeting for today. He already apologized kasi he
needs to be with his son daw. He’s asking you to have it re-sched, important
matter lang talaga.”, maarteng pagpapaalam saking ng secretary ko.
“Ah ganoon ba,sige sabihin mo no problem, we can have our
meeting anytime this week, ipareha mo na lang yung free time naming, is that
clear?”
“Yes Sir, I’ll be on it after this.”
“Alright, thank you Sherry. Bye.”, at pinutol ko na nga ang
linya.
Kabababa ko pa lang ng telepono nung mag-ring ito ulit. Tinignan ko kung sino
ang tumatawag nang ganitong kaaga. It’s Homer. Agad na nag-init ulo ko nung
maalala ko yung nangyari kagabi, kung saan ako naipit.
“Tarantado ka Homer!”, bungad ko agad sa sira ulo kong
pinsan. “Just so you know, dahil sa kagagawan mo eh muntik na kong mag-iwan ng
bangkay sa ospital. Alam mo kung bakit?! Dahil lang naman yung binugbog mo
kagabi eh lamog na lamog na nung dinala ko. Tangna naman, pinsan! Naiintindihan
ko yung pinagdadaanan mo pero yung makapatay ka ng tao na walang kinalaman??
Sobra na ata iyon.”, pasigaw at ubod ng inis kong sinabi sa kanya, mataman lang
ito nakinig bago ito nagsalita.
“Sorry Zach… I know that I’ve put you to a very difficult
situation last night. I’m truly sorry Zach… Kaya nga din ako tumawag sa iyo ng
ganito kaaga dahil sa guilt at para malaman na din kung ano pwede kong gawin.
Zach, please ‘wag mo na ko sigawan I already feel the guilt hindi mo na dapat
dagdagan.”, naramdaman ko naman ang sincerity nito sa paghingi ng tawad and the
way his voice cracks, I know super guilty na nga ito.
“Ok na yung binugbog mo, the doctor said it has been a
close call for that person, but he’s stable na daw. Probably nasa private room
na siya ngayon. Binayaran ko na din yung bill kaya may utang ka sakin!”
“Thanks ‘tol, pwede mo ba ko samahan sa kanya. I will make
an apology and at least explain myself for that kind of behavior na pinakita at
ginawa ko sa kanya.”, malungkot pa rin ang boses nito, batid ko ang
pinagdadaanan ng pinsan ko kaya hindi ko siya tuluyang masisi sa nagawa niya.
“Ok, sunduin mo na lang ako dito, pahinga muna ako dahil
wala pa talaga akong sapat na tulog.”, inilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng
table malapit sa kama ko at nahiga. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit
matulog pero hindi ko nagawa. Naisip kong muli ang itsura ng lalaking niligtas
ko kagabi. Bakit ba ako nahihiwagahan sa kung bakit siya umiiyak. Hindi ko din
makaila na maamo ang mukha nito sa kabila ng mga pasa at bukol nito. Umiling
ako para maiwaksi ang naiisip at pumikit muli at tumuloy matulog.
Kriiiiiiiiiiingggg!
Napabalikwas ako sa tunog ng
doorbell dahil kakapikit ko pa lang. But when I checked the time naka-isang
oras din pala ako natulog. Patuloy sa pag-doorbell ang taong nasa pinto.
“Sandali lang! Nariyan na.”, sigaw ko habang tinutungo ang
pinto.
“Ready?”, It was Homer. He looked at me from heat to toe
kasi hindi pa ko nakabihis. Naka-sando at boxer lang ako that time.
“Diba sabi ko matutulog pa ako.”, pagdepensa ko kahit hindi
pa man ito tinatanong kung bakit hindi pa ako bihis. “Sandali lang at
magbibihis na ako.” Hindi ko alam kung bakit yamot ako nun kahit pa sa byahe at
pagdating sa ospital. Dala na rin siguro ng wala akong tulog and idagdag mo pa
yung stress na dulot ng nangyari nung gabi.
“Miss, saan po ninyo nilipat yung taong dinala ko dito
kagabi?”, I flashed a dashing smile sa nurse na nasa front desk.
“Ah Sir… Kayo po pala, nasa 207 po siya Sir.”, tugon nito
habang namumula. Pamatay naman kasi talaga ang ngiti ko. Hahahaha!
“Ok, thanks… Tara, pinsan sa 207 daw.”
Umakyat na nga kami sa 2nd floor ng ospital, kinabahan ako bigla
kasi baka kung anong gulo na naman ang mangyari. Hayyyy, Mr.Worried talaga ako!
We’ve found the room at may kalalabas pa lang na nurse, kaya naman tinanong ko
na ito.
“Nurse? Gising na po ba siya?”, sabay turo ko sa kwarto
kung saan siya lumabas.
“Opo Sir, bakit po?”, usisa nito sa akin.
“Bibisitahin sana naming siya, kamusta kalagayan niya?”,
what the hell, bakit ako masyadong concern??
“So far, he’s ok although he might require a lot of pain
killers pa rin po since maga pa rin po ang mga pasa nito sa katawan.”
“Ah ok, sige pasok na ka…”, nagulat ako dahil paglingon ko
wala na si HOMER! Kinabahan ako sa kung ano na naman ang gawin nito. Nagmadali
akong tinungo ang pintuan at narinig ko na tila may nagtatalo o sumisigaw kaya
pumasok ako agad.
-------------Mikael
“Ikaw? Ano ginagawa mo dito?!"
Kung mamalasin ka nga naman ito sa harap mo ang dahilan kung bakit ako
nakaratay sa ospital. Pero habang tinitignan ko ang mestisong aroganteng iyon,
something is not right, parang maamo siya ngayon at hindi hambog. Tinitignan
lang ako nito tila ba naghihintay sa sasabihin ko ulit.
“Pumunta ka ba dito para tuluyan ako? Go ahead, I don’t
care”, sarkastiko at pambubuyo kong bato sa kanya. May biglang pumasok na
lalaki, he is tall at hindi katulad ni mestisong arogante ay kayumanggi ito,
matangos ang ilong, tamang kapal ng kilay at malilit na mata. Gwapo siya pero
mukhang worried. Tinignan niya ako at inilipat sa kanyang kasama parang
nagtatanong kung ano nangyayari.
Finally, one of them broke the
silence, kung hindi ako nagkakamali Homer pangalan niya.
“I’m s-sorry…Wala ako sa tamang… katinuan last night.
Napagbuntungan lang kita ng galit ko. Pasensya ka na, ako na bahala sa
kakailanganin mo para gumaling… makabawi man lang sa kasalanan ko sayo.”,
mahinahon ngunit paputol putol ito nagsalita.
Hindi ako umimik, hindi ko
sigurado kung ano ang isasagot dahil blanko ang isipan ko at may inis pa kong
kinikimkim. Nakatingin lang ito sa sahig, hindi ako matignan.
“Ah eh… My name is Zach, ikaw ano pangalan mo? I was the
one who sav…”
“I don’t care who you are.”,pinutol ko ang kanyang
pagsasalita at binigyan sila parehas ng malamig na tingin. Zach’s face changed,
parang inis na nagulat. Then he spoke again.
“Ganun na lang ba yun??Couldn’t you at least thank me! Kasi
AKO lang naman nagtakbo sayo dito at tulirong tuliro utak ko dahil hindi ko
malaman kung ano gagawin ko para mabuhay ka lang. Kung alam ko lang na you will
show me such HOSTILITY instead of being GRATIFIED, sana iniwan na lang kita sa
kalsada!Tara na Homer.”, madiin at puno ng inis ang mga salita nito sakin.
Napahiya ako, siya pala yung
taong bumuhat sa akin at nagtakbo sakin sa ospital. Masyado akong umasa na
sinundan ako ni Kuya Jaime at siya ang nagligtas sa akin.Sobrang nanliit ako sa
sinabi ko sa taong nagligtas sakin. Nasa pintuan na sila nun nang tinawag ko
siya.
“Zach… Thank you. It’s Mikael, Jan Mikael. Sorry… I didn’t
know.”, nahihiya kong tugon sa mga sinabi nito sa akin. Lumingon ito pero hindi
na nagsalita. It was Homer who answered.
“Sige ‘tol, pahinga ka na. Balik na lang kami some other
time. Sorry ulit.”
Umalis na ang mga ito at muli
akong naiwang mag-isa. Ano ba ‘tong ginagawa mo Mikael?! You don’t have to be
harsh sa mga tao dahil sa nasasaktan ka. Umayos ka nga!
“Bakit may aayusin pa ba ko?”, pilit nagtatalo ang kanyang
isipan, naguguluhan at tila mababaliw sa sitwasyon niya ngayon.
Lalo lang ako naawa sa sarili
ko. Walang mapagsidlan ang mga tanong sa utak ko na tila sasabog na lang ito. I
feel so helpless idagdag mo pa na mag-isa ako sa kwartong iyon. Namuo ang mga
luha sa mga mata ko,nang may pumasok. Si Coleen. Dire-diretso lang ito sa mesa
kung saan niya inilagay ang mga pagkain. Masaya ako na nakita ko ang matalik
kong kaibigan. God knows how much I would like to jump off the bed and hug her.
“Kamusta ka Bes? Pasensya na ha natagalan ako, hindi ko
alam kung anong pagkain dapat bilhin eh… Ito bumili na lang ako ng madaling
nguyain at madigest dahil naka-bed rest ka. Papangit katawan mo kapag
nagkabilbil ka!HAHAHAHA”, hindi na talaga ito nagbago, palabiro pa rin ito pero
maalalahanin. Napansin niya sigurong hindi ako umimik kaya naman tumigil ito sa
pagaayos ng pagkain at tinignan ako.
“ Bes?... What’s wrong? May masakit ba?Kailangan mo ng pain
killer, ha? Sandali tatawag ako…!”, natataranta itong nagsalita nang makita ang
luha kong dumadaloy sa aking pisngi. Nabitawan pa nito ang mga pagkain kaya
nahulog ang iba sa sahig. Dali Dali siyang pumunta sa side table para tumawag.
Akmang magda-dial na siya ng pigilan
ko siya at ibinaba na niya ang telepono. Nakita kong may luha na rin ito sa
kanyang mga mata.
“Bes… na-miss kita,” malumanay kong sabi habang hinahaplos
ang pisngi nito. Umupo siya sa kama ko paharap sa akin.
“Mikael… I’m sorry.” , hindi na napigil ang pag-iyak nito.
Hindi ko na din kinaya, kaya agad ko siyang niyakap. “Bes, ano bang nangyari
sayo? Bakit nagkaganito ka?” tanong niya habang patuloy siya sa pag-iyak,
ramdam ko ang pag-aalala niya sakin. Kumalas ako sa pagkakayakap naming dalawa.
“Coleen… ang sakit..ang SAKIT SAKIT ng nararamdaman ko more
than this physical pain.”, pinukpok ko ng pinukpok ang dibdib ko ng kamao ko
dahil gusto ko nang tumigil ang puso ko.
“WALA NA ANG LAHAT SAKIN COLEEN!BAKIT GANUN?!GUSTO KO LANG
NAMAN MAGING MASAYA BAKIT IPINAGKAKAIT SAKIN YUN.”, sobrang sakit ng
nararamdaman ko, pilit akong pinapakalma ni Coleen, pinipigilan niyang saktan
ang aking sarili. She hugged me nung inuuntog ko na ang sarili ko sa headboard
ng kama.
“Shhhhh… Bes naman eh, ayokong nakikitang ganyan. Umiyak ka
pero wag mo na saktan sarili mo, please Bes… nasasaktan din ako. Nandito ako
Bes, hindi ka nag-iisa, alam ko hindi ako ang kailangan mo ngayon pero hayaan
mong tulungan kita sa pag-iyak mo. Narito ako! Pakikinggan kita, wala akong paki-alam
sa kanila basta alam ko tanggap kita at mahal kita Bes, mahalaga ka sakin. Kaya
please, wag mo na saktan sarili mo… nagmamakaawa ako.”, sobrang nadudurog sa
mga oras na yun dahil may nasasaktan din pala ako sa ginagawa ako pero I can’t
help myself sobrang kailangan ko si Kuya Jaime sa buhay ko. Minu-minuto ko siya
nami-miss, gusto ko siya makasama, mahagkan at mayakap ng mahigpit.
“Mahal na mahal ko siya… Hindi ko alam Coleen paano ko
ipagpapatuloy ang buhay ko dahil saan man sulok ako tumingin, sa bawat hininga
ko, sa bawat galaw ng katawan ko si Kuya Jaime nakikita ko, hinahanap-hanap ko…
Paano na ako mabubuhay Coleen!”, buong hinagpis kong ibinaon ang mukha sa
kanyang balikat.mahigpit ko siyang niyakap na parang si Kuya Jaime ang hawak
hawak ko ngayon. Paano ko kakalimutan ang taong nagbigay sakin ng pag-asa na
kailanman hindi na ako mag-iisa…hindi nako magiging Loner.Siya lamang ang gusto
kong tumawag sakin ng “bunso”, siya lang ang gustong humawak sa mga kamay ko
habang natutulog ako. Yayakap sakin pag nilalamig ako sa gabi. Siya lang ang
gusto ko magparamdam sakin ng pagmamahal.
“Kuya Jaime, miss na miss na kita. Bumalik ka na sakin…”
Taray.. dun ka na lang kay Zach.. hmmm
ReplyDeleteYeah! zach is quite alright. Di ko lang po magetz...bakit kya madalas sa mga kwento na nababasa ko dito o sa BOL halos pare-pareho mga names ng Characte. Kung di man Zach e Adrian..bakit ganun? kindly answer..ill wait for it.
ReplyDelete/james banning
Hi James, hindi ko actually napansin na palaging ginagamit ang pangalang zach. Sakin, ginamit ko siya kasi base siya sa isa sa mga kakilala ko. And medyo iba ang dating pag sa scenes. I hope you are enjoying my first story po.. :)
ReplyDeletei go for zach too.. mas dramatic yung entry nya..hehehe
ReplyDelete