By: INARO
Una po sa
lahat gusto ko lang mag-sorry sa late update ko gawa po na nagkasakit ako this
past few days and hindi tlga ako makabangon because of dehydration.
Pangalawa
po humuhingi po ako ng tulong para po makahanap ng trabaho abroad please e-mail
me for my resume sa mga may alam po na pwede akong mag-apply. Maraming salamat
po.
Gusto ko po sana magpasalamat kila kuya Mike Juha at Dark Ken for giving me an opportunity
na magsulat sa blog ninyo, salamat mga idol. Salamat na rin sa mga readers ng
story ko namely: Ericka, patryckjr, caranchou, Darkboy13, robert_mendoza, iChaenix,
Frostking, diumar, ThiSisMe, rascal at sa mga anonymous readers maraming
salamat po sa mga comment niyo mapa-good or bad man ayos lang po yun!
So guys
sit back, relax and spread your love.
--------------------------------------------------
LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 7
January 2010, 4:40pm
Ubos na
ang slice cake at espresso ko, pati na rin ang muffins at fruitshake ni
Jek-jek.
“Sleeping
Beauty ikaw ba yan?...” pagbibiro ko sa kaniya.
“Adik….
Ahahaha…” pagtawa niya sa biro ko.
“But
seriously… a kiss?..” tanong ko sa kaniya.
Huminto
sa kakatawa si Jek-jek, bigla itong tumingin sa akin ng seryoso bago ulit
nagsalita.
“Yeah….
That special kiss… wala akong matandaan sa…” pagpapatuloy niya
Jek-jek
continue the story….
--------------------------------------------------
March 2006, 2:00am, Wednesday
Nagising
akong umiiyak at aligaga. Ngunit wala akong matandaan kahit isa sa masamang
panaginip na iyon. Pinilit ko ang sarili na alalahanin ang mga nangyari ngunit
sumakit lang ang ulo ko. Pero hindi ko alam kung bakit, bigla ko na lang
hinawakan ang aking mga labi. Isang eksena ang pumasok sa aking isip. Isang halik,
hinalikan ako sa aking panaginip. Niligtas ako ng halik na iyon mula sa isang
bangungot.
“Sino
kaya siya?....” tanong ko sa aking sarili at nagpakawala ng isang buntong
hininga.
Pinilit
kong balikan ang mga eksena pero wala talaga akong maalala. Napatingin ako sa
buong paligid ng kuwarto hanggang sa nagawi ang mata ko sa kama ni Sir Ton-ton.
Wala siya. Nag-iisa lang ako sa silid na iyon.
Tumayo
ako at lumabas. Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa kusina para uminom. May
ilaw sa bahagi ng boarding house namin na iyon, nagpapahiwatig lang na may tao
sa kusina. Si Sir Ton-ton pala, naabutan ko siyang naghihilamos. Wala itong
damit pang-itas at naka boxer short lang siya.
“Ehem….”pagsamid
ko sa kaniyang likuran.
Nagulat
ito sa aking ginawa. Humarap ito sa akin na parang balisang-balisa. Nanginginig
siya na para bang nahuli sa aktong may ginagawang masama. Nagkatitigan kami,
pagkalito ang nakikita ko sa mga mata niya. Ilang minuto din yun at ako na ang
bumasag sa katahimikan naming dalawa.
“Sorry,
nagulat ba kita?....” pagpapaumanhin ko.
Ngunit
ako naman ang nagulat sa naging tugon niya.
“Sa
susunod wag kang matutulog ng nakatihaya para hindi ka bangungutin..”
pagkatapos niyang magsalita ay dali-dali itong umalis at umakyat na sa aming
kuwarto.
Naiwan
ako sa kusina na litong-lito sa inasta ni Sir Ton-ton. Alam pala nito na
binabangungot ako pero hindi man lang niya ako ginising. Minsan tuloy hindi ko
na maintindihan ang pagiging masungit nito.
Uminom na
ako ng tubig at bumalik sa kuwarto. Nakahiga na si Sir Ton-ton marahil ay
natutulog na ito. Humiga na rin ako at bumalik sa pagkakatulog. Tulad ng sinabi
ni Sir Ton-ton, hindi na ako natulog ng nakatihaya.
Lumipas
ang ilang araw at gabi na paulit-ulit akong binabangungot hanggang sa maalala
ko na ang bawat eksena sa masamang panaginip na iyon. Ang pagtakbo ko, pag-iyak
at pagmamakaawa ko. ang lalaking humahabol sa akin, ang patalim, eskinita at
ang dugo. Ngunit ang lubos na aking pinagtataka ay sa tuwing mapapaginipan ko
ito ay magigising na lang ako sa isang halik sa aking panaginip. At sa bawat
pag-gising ko pinagkikibit-balikat ko na lang ang mga ito.
Lumipas
din ang ilang araw at marami-rami na rin ang natutunan ko kay Sir Ton-ton sa
pagtratrabaho sa Pizza Resto. Walang imikan at walang pakialamanan, yan ang
samahan na meron kaming dalawa. Hindi mo aakalain na iisang bahay at kuwarto
ang aming tinutuluyan. Isang malaking gap ang nabuo sa pagitan naming dalawa.
Sa tuwing tatangkain ko na kausapin o makipagkwentuhan sa kaniya ay bigla itong
iiwas at susupladuhan ako. Kinakausap lang ako ni Sir Ton-ton kapag tungkol sa
trabaho.
At sa mga
ilang araw din na lumipas ay nasaksihan ko rin ang pagmamahalan nila Sir Ton-ton
at Ma’am Akiko. Napakasuwerte nila sa isa’t-isa. Kitang-kita ko ang sweetness
nila, mga simpleng holding hands, yakapan at mga nakaw na halik. Isang taon na
silang may relasyon. Sa loob ng isang taon na iyon, sabi ng mga crewmates ko
hindi man lang nag-away ang supervisor at manager namin. Galing sa mayaman na
pamilya si Ma’am Akiko, ginagalang at tinitingala ang angkan nila, pero hindi
naging hadlang ang mga ito sa relasyon nila ni Sir Ton-ton kahit galing naman
ito sa mahirap na pamilya. Minsan tuloy hindi ko mapigilan ang ma-inggit sa
kanila.
Ngunit
mapagbiro talaga ang tadhana, sa bawat saya ay may katumbas na kalungkutan. Ang
masayang relasyon nila Sir Ton-ton at Ma’am Akiko ay biglang nagbago.
April 2006, 7:00pm, Saturday
Araw ng
Sabado noon, sobra akong napagod sa buong duty ko dahil sa dami ng customer.
Day-off ni Sir Ton-ton. Nakakapanibago ang araw na iyon, dahil noon kahit
day-off siya ay pumupunta pa rin ito sa
restaurant para yayain mag dinner or mag date sila ni Ma’am Akiko pero ni anino
niya hindi ko nakita. Samantala si Ma’am Akiko ay buong araw na nagkulong sa
kaniyang office.
Palabas
na ako ng Pizza Resto ng pinatawag ako ni Ma’am Akiko. Agad naman akong
nagpunta sa kaniyang opisina. Pagpasok ko roon ay bumungad sa akin ang amoy ng
alak sa buong silid. Nakaupo si Ma’am
Akiko sa swivel chair na halatang lasing na ito. Pinaupo niya ako sa
harapan ng lamesa at kinausap ng seryoso. Nagtagal din ako roon ng mga
sampunong minuto bago tuluyang umuwi.
Hindi ako
mapakali sa loob ng jeep na sinasakyan ko dahil sa mga sinabi ni Ma’am Akiko.
Hanggang sa mga oras na iyon ay nakatatak pa rin sa akin ang itsura niya habang
nagsasalita. Wasted, iyon ang nakikita ko.
Nakarating
ako sa boarding house at agad na hinanap si Sir Ton-ton ngunit wala ito.
Tinanong ko ang mga kaboardmate namin ngunit wala din silang alam kung nasaan
si Sir Ton-ton.
Alas-diyes
na ata ng gabi ng dumating si Sir Ton-ton, amoy alak din ito. Agad ko siyang
kinausap dahil talagang nag-aalala ako sa mga nangyayari sa kanila ni Ma’am
Akiko.
“Kanina
pa kita hinihintay….san ka ba galing?..”tanong ko kay Sir Ton-ton
“Wala
kang pakialam….” Asik naman nito sa akin.
“Kinausap
ako ni Ma’am Akiko kanina….” Pagbabalewala ko sa kasungitan niya. Napatingin
naman ito sa akin ng diretso na magkasalubong ang kilay.
“Anong
pinag-usapan niyo?...” seryoso nitong sabi.
“Sabi
niya…” ngunit hindi ko naituloy ang sasabihin ng biglang tumunog ang cellphone
ni Sir Ton-ton. Hinugot niya sa bulsa ang cellphone at agad na sinagot.
Kitang-kita
ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Sir Ton-ton. Magkahalong kaba at
takot ang mababanaag sa maamo niyang mukha.
“Saang
hospital?....” rinig kong tanong niya sa kabilang linya.
“Sige
salamat…” pinutol na ni Sir Ton-ton ang tawag at agad na lumabas ng boarding
house.
Litong-lito
naman ako sa nagyayari hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili na sumusunod
kay Sir Ton-ton. Naabutan ko siyang nag-aabang ng tricycle.
“Ano bang
nangyayari?...” nalilito kong tanong sa kaniya.
Ngunit
hindi niya ako sinagot. Sumakay din ako sa tricycle na pinara niya.
Balisang-balisa naman si Sir Ton-ton. Ramdam ko ang panginginig ng katawan
niya. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating din kami sa hospital na sinabi
ng kausap niya kanina. Hindi ko malaman kung bakit naroon kami sa lugar na
iyon. Dirediretso kami sa emergency room. Nakita namin si Dimples at iba pa
naming mga kasamahan sa trabaho.
“Asan
siya?...” tanong agad ni Sir Ton-ton
“Nasa
loob pa po Sir…” sagot naman ni Dimples.
“Ano ba
ang lagay ng Ma’am niyo?...”
Nagulat
ako. Si Ma’am Akiko pala ang naroon. Sa sobrang kalasingan raw ni Ma’am Akiko
ay na aksidente ito sa pagmamaneho. Pinilt daw nila na wag na itong mag drive
pero matigas daw talaga ang ulo nito. Sobrang bilis daw ng takbo ng kotse niya
at nawalan ito ng preno. Pagsasalaysay ng mga kasama namin sa trabaho.
Hindi ko
akalain na aabot sa ganito. Lahat kami ay hindi mapakali kahihintay sa paglabas
ng doctor. Iba sa mga kasama namin ay pinauuwi na ni Sir Ton-ton dahil maaga pa
ang pasok bukas. Naiwan kaming dalawa. Tahimik.
Makalipas
ang isang oras pa ay lumabas na rin ang doctor mula sa emergency room. Agad
itong sinalubong ni Sor Ton-ton.
“Doc..kamusta
na po siya?...” balisang tanong ni Sir Ton-ton.
“Im sorry
to tell you this but she’s in coma…. Medyo malala ang head injury ng pasyente.
Masyadong nabugbog ang ulo niya dahil sa pagkakabangga. Pero may mas malaking
problema pa dito…” pambibitin ng Doctor.
“Ano po
yun Doc?....” kinakabahang tanong ni Sir Ton-ton. Nakikinig lang ako sa mga
pinag-uusapan nila.
“Tinamaan
ng tubo ang atay ng pasyente at nadamage ito, kailangan siyang dalhin sa
Germany as soon as possible to undergo stem cells or liver transplant….”
Pagbubunyag ng Doctor.
Doon na
parehong tumulo ang luha namin ni Sir Ton-ton, hindi mapakapaniwala na may mga
ganoong pangyayari sa tunay na buhay. Sobra talaga akong naawa sa kalagayan ni
Ma’am Akiko. Kitang-kita ko ang panlulumo sa inasta ni Sir Ton-ton alam kahit
hindi niya sabihin ay naguiguilty siya sa nangyayari.
Ilang oras pa ang lumipas at
dumating na ang pamilya at kamag-anakan ni Ma’am Akiko at agad-agad na
inasikaso ang mga papeles para dalhin si Ma’am Akiko sa Germany. Hindi raw alam
ng mga Doctor kung hanggan kailan aabutin ang recovery nito.
Umuwi kami ni Sir Ton-ton sa
boarding house na pasikat na ang araw. Pareho kaming walang imik at tulala.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kuwarto namin ay agad ko siyang
binalingan.
“Bakit?.... bakit ka
nakipaghiwalay sa kaniya?...” seryoso kong tanong kay Sir Ton-ton.
“She does’nt deserve me….”
Walang emosyon na sabi niya.
“And do you think she
deserves this?.... ang maaksidente at mag-agaw buhay?..” sigaw ko na sa kaniya.
“Gusto ko lang siyang
palayain at maging totoo sa sarili ko…”
“Ang selfish mo, maging totoo
sa sarili mo?... sana nagging totoo ka rink ay Ma’am Akiko, sana sinabi mo sa
kaniya kung bakit ka nakipaghiwalay, sana naman naisip mo na puwedeng mangyari
ang ganito…” paninisi ko sa kaniya.
“Don’t blame me as if you
know everything….”
“ Kahapon bago ako mag-out sa
work kinausap niya ako, sabi niya sabihin ko raw sa’yo na mahal na mahal ka
niya paulit-ulit niyang sinasabi sa akin yun. Sobrang sama ng loob niya dahil
sa isang iglap bigla kang nagbago and worst nakipaghiwalay ka pa sa kaniya… ano
pa?...ano pa ang hindi ko alam?!!!!...”
“It’s none of your business!!...
bakit ka ba nakikialam?....bakit ba ang hilig mong guluhin ang buhay ko..”
pag-sigaw pa niya sa akin. Tuluyan ng umiyak si Sir Ton-ton.
Napatitig ako sa ginawa
niyang pag-iyak. Sobrang hopeless nito.
Nayanig naman ako sa mga huling salitang binitawan niya. Guluhin ang buhay
niya? Hindi ko maisip kung paano ko ba nagulo ang buhay niya.
Hindi ko alam kung bakit
parang may nag-udyok sa akin na lapitan siya at yakapin.
Niyakap ko siya ng mahigpit
upang ipadama sa kaniya na andoon ako para makiramay sa mga pinagdadaanan niya.
Marahil sa pagod ka-iiyak ay nakatulog ito sa aking mga bisig. Ako naman ay
pinagmasdan ang kaniyang mukha.
“Ano bang meron ka at lagi na
lang ganito ang nararamdaman ko sa tuwing ganito ka kalapit sa akin?....bakit
ba hindi ko magawang magalit o magtampo man lang sayo… ano bang meron ka
Ton-ton?” pipi kong tanong sa aking sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas at hindi ko na namalayan na
ako ay nakatulog na kayakap ang taong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
-itutuloy
hay.. kalungkot nmn ng nangyari kay mam akiko..
ReplyDeletengayon lang ako nakapag comment..ang hirap nang nasa ganung sitwasyon ka..but at the end of the day,kailangan mo talagang magpakatotoo sa nararamdaman mo..
ReplyDeleteinaabangan ko talaga to and thanks sa update..hope you are doing fine Mr.author.. :))
OMG.. matagal na din pala xang gusto ni Ton ton? Grabe.. hehehe
ReplyDelete