Followers

Friday, October 19, 2012

A DILEMMA OF LOVE: Chapter 4

Title: A Dilemma of Love
 Author: Menalipo Ultramar 
 Email Add: condenadoka123@yahoo.com

------------------------------------------------------
Pasensya na pala sa masyadong matagal na update nito, naging busy na kasi eh. actually natapos ko na ang Chapter 4 and 5 nito, kaso yung nacorrupt sa hindi malamang dahilan ang Chapter 4 habang ang Chapter 5 naman eh na-delete ko at na-isave. Galing no, so brilliant. Mukhang nasa akin ang kalooban ng langit...
Nahiya naman ako kay Kuya Mike. Maraming salamat po pala at pinayagan mo akong makapagpost dito. Salamat din po at hindi mo po ako blinock kahit na ang tagal na ng update ko XD. Maraming, maraming salamat mo talaga!!!!
Plinano ko na talagang makapagpost ng tatlong chapters at a time, alam ko kasing may tendency na maging boring yung ibang chapter ( yung iba nga lang ba, o lahat XD), like yung Chapter 2. Pero kailangan ko yung Chapter 2 para maipakita kung gaano kavulnerable si Fonse. At mukhang itong Chapter 4 eh ganoon din. Pero sisikapin kong tapusin yung Chapter 5 and 6 hanggang Linggo XD
Pero sa ngayon, heto muna ang Chapter 4 ng A Dilemma of Love...
------------------------------------

“And by the way, hindi lahat ng ruler, straight. Yung iba, bendable.”
Hindi ko na tinapos yung pagkain ko ng 'malinamnam' na chicken roll sa canteen. Pumunta na lang ako sa cafeteria ng campus at umorder ng coffee shake. At hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Chong. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong nangyayari sa akin. Gusto ko nga ba talagang makipag-sex sa kapwa ko lalaki? Fuck, ang sagwang pakinggan, ang saklap tanggapin! Shit! Tsaka teka, naisip niyang kaya ako nagpapapansin sa kanya kasi gusto ko lang ng may makokopyahan ng sagot, na kaya ako nagpapapansin sa kanya kasi isa akong malaking epal, na gusto kong nakukuha ang atensiyon ng lahat ng tao sa mundo dahil gwapo ako, na kaya ako nagpapansin sa kanya kasi gusto ko siyang maka-sex, pero...
”...bakit hindi niya naisip na kaya ako nagpapapansin sa kanya kasi gusto ko talaga siya...”
Fuck!!
”Sir... Siiiiiiiir, yung in-order niyo pong coffee shake, Siiiiiirrrr...”
“Ah? Ah...ah..ah, sige pakilagay na lang diyan. Thank you, thank you na rin...”
Wala sa plano kong umorder ng shake, mas lalo namang uminom ng kape sa katanghaliang tapat, pero kailangan ko ng excuse para makapag-stay ng matagal sa cafeteria na iyon. Kailangan ko ng isang tahimik na lugar para makapag-isip, para makapag-recover, para tanungin ang sarili ko kung ako pa nga ba si Carl Alfonse Santiago, para alisin sa utak ko si Chong at yung mga pinagsasabi niya. Siguro kung hindi ko ginalit si Chong, kung hindi ko siya ningitian ng mapang-akit, baka kasama ko siya ngayon sa cafeteria at naghahalakhakan kami, saka ko lang noon magugustuhan ang coffee shake sa katanghaliang tapat. Teka, kaya nga ako naghahanap ng tahimik na lugar para kalimutan si Chong eh, okay. Pero linsyak...
...Puno yung cafeteria!!!
Walang hindi na-occupy na mesa at upuan sa cafeteria noong mga oras na iyon. Puro tawanan ng mga magkakaibigan, kwentuhan ng mga magbabarkada, kulitan ng mga waiter at waitress, at lambingan ng mga magkasintahan ang maririnig mo sa loob, tila isang higanteng sapal sa mukha ko na nag-iisa lang ako. Buhay na buhay yung cafeteria, tanging yung pwesto ko lang ang walang ingay na nagagawa, tanging yung katapat ko lang na upuan ang walang nakaupo, at tanging ako lang ang mistulang walang buhay sa masiglang lugar na iyon. Nakakainggit tuloy, kasi habang yung mga taong nakapaligid sa akin ay may mga ngiti sa labi, ako naman ay walang magawa kundi haluin ng haluin yung coffee shake na inorder ko.
”Siguro kung kasama ko si Chong ngayon, ang saya-saya ko siguro...”
Fuck ulit!!!
Ano kayang ginagawa ni Chong ngayon? Pinagtatawanan kaya niya ako? Pinagtatawanan kaya niya ako dahil nanalo siya? Tae, nakita niya kanina kung gaano ako kahina. Sobrang yabang kasi eh. Minsan kailangan ko talagang tanggapin na hindi lahat ng bagay sa mundo, eh, makukuha ko, at kung bagay nga hindi ko makukuha, tao pa kaya. Tama si Chong, hindi lang ako ang tanging gwapo sa mundong ito, kaya wala akong karapatan na angkinin ang atensiyon ng lahat ng tao. Hindi lahat ng tao mabibighani sa mukha ko, hindi lang naman kagwapuhan ang meron sa mundong ito eh. Kaya simula ngayon, dapat humble na ako, HUMBLE.
Mukhang hindi na nga ako si Carl Alfonse Santiago.
“Pwede bang maki-upo?” sambit ng isang lalaki sa ipit at parang paos na boses.
Nagulat ako. Nakatunganga ‘kong tiningnan kung sino ang nagsalitang yun, at nakita ko ang isang lalaking medyo maliit at mukhang nasa 40’s na, may dalang plato ng leche flan at coffee shake, gandang combination! Saka ko naalalang siya pala ang professor ko sa Basic Geodetic Engineering, si Sir Villacruel.
“Ah...sir, ano po? Ah, sige...sige, upo po...” ang sambit ko na naguguluhan. At hindi man masyadong halata na naguguluhan ako.
”Sigurado ka ba?” ang sabi niya sa tila nang-aasar at sarkastikong tono. Tae lang, ganoon lang ba talaga ako kadaling basahin? Para lang ba akong isang libro na kahit sinuman ay mababasa ako kahit na hindi siya magbuhos ng effort?
”Ser, paano niyo naman naisip yan, eh close tayo eh, upo na po kayo...” saka ko siya binigyan ng pamatay na ngiti.
Saka siya umupo sa harap ko at inilapag sa mesa ang mga dala niya ng buong pag-iingat.
Ang hinhin lang. Ibang hinhin eh. Parang nang-aakit, nakakadiri. Hindi kaya pagsamantalahan ako ng matandang ’to? Parang si Chong ang nakikita ko, pero ang pangit sa kanya. Yung pagkahinhin ni Chong, eh, karespe-respetong tingnan, pero yung inaasal ngayon ni Sir Villacruel, eh yung pagkahinhin na gusto mo siyang suntukin, parang bakla, baklang-bakla. Kay Chong bagay tingnan, pero sa kanya, ang sagwa, pilit na pilit. Kunsabagay, hinala na rin naman talaga namin nila Fred, eh bakla itong si Sir Villacruel. Nahahalata rin kasi namin sa gestures niya kapag nagdidiscuss siya. Kadalasan, makikita mo siyang iniikot-ikot ang nakaharap niyang palad sa amin habang nagsasalita, at nagsasalita siya sa boses na impit na impit, halatang kulang sa testosterone, boses pambinabae.
Isang beses nga na nagklase kami, yung isang oras na period namin eh inubos niya sa thirty minutes sa discussion ng field work namin, habang yung natitirang thirty minutes eh inubos niya sa pakikipagkwentuhan sa aming apat nila Fred, Lem, at Brix. Hanep sa special treatment, ang landi lang. Si Chong tsaka yung mga ka-grupo niya naka-alis na para kumuha ng instrument na gagamitin, pero yung grupo namin eh nasa loob pa rin ng room at nakikinig sa kanya. Kunsabagay, kaya naman kasi siya nakipagkwentuhan sa amin kasi tinanong ko siya kung talagang lumulublob sila sa ilog na kasing-lalim ng isang tao kapag nagsusurvey sila, hindi ko naman kasi inakalang magreresulta yun sa isang epiko. Tsaka napansin rin namin na may singsing siyang suot sa pang-apat na daliri ng kaliwa niyang kamay. Kung tama ako, wedding ring yun. Hindi ko nga alam kung accessory lang niya iyon, o baka ikinakasal na talaga siya. Pero hindi rin ako sigurado kung ikinasal siya sa babae, o ikinasal siya sa lalaki. Habang tumatagal talaga ang mundo, lalo itong gumugulo. Dati lalaki at babae lang ang nagpapakasal. Dati magkaroon ka lang ng anak at asawang babae, isa ka ng tunay na lalaki. Pero ngayon, ikinakasal na maski dalawang lalaki, maski dalawang babae, maski isang tao o puno o hayop, though ancient practice na ito. Ngayon, hindi ibig sabihin na may anak ka, eh tunay kang lalaki, hindi ibig sabihin na may asawa kang napakaganda at seksing babae, eh straight ka. At ngayon, isa ang buhay ko sa mga nanganganib na maging magulo.
”Uy, inumin mo na yang coffee shake mo. Kanina mo pa hinahalo yan, natutunaw na ’no...” ang sabi niya sa malambot na tinig.
Natauhan ako, nakakahiya tuloy. Halos fifteen minutes ko na pa lang hinahalo yung shake, halos fifteen minutes na pala akong nananahimik, at halos fifteen minutes ko na siyang hindi kinausap. Baka bawasan niya yung grade ko sa BasGeo, kailangan ko siyang i-entertain.
”Ah...ah? Ah, opo. Bagsak po kasi yung grade ko sa Statics, hindi ko po alam kung paano ko babawiin. Baka pwede niyo nga po akong tulungan...” saka ako nagpacute sa kanya. Totoong bagsak ang grade ko sa Statics, at totoong isa yung malaking problema, pero hindi Statics ang nasa isip ko ngayon. Hindi niya alam na ang iniisip ko ay kung bakla siya, hindi niya alam na ang sanhi ng malaking kalituhan ko ay si Chong, si Chong, at si Chong.
”Teka, anong sinasabi mo? Hindi ko naman tinanong kung anong iniisip mo eh?”
Nalintikan na.
”Halatang may iniisip kang iba...”
”Ay, ganon po ba, pasensiya na po kayo, pinaproblema ko po talaga yung Statics eh. Major ko po kasi yun, kaya sana po kahit sulsol lang kay Sir Cruz...”
”Ay, talaga. Pero parang hindi naman...” saka niya isinubo ng pagkahinhinhin ang kutsara niyang may leche flan na sinabayan pa niya ng papungay-pungay ng mata.
Tae. Anong gustong ipahiwatig ng matandang ’to? Na may nalalaman siyang isang bagay na alam kong hindi niya dapat malaman, pero nalaman niya at alam niyang ikakamatay ko kapag nalaman kong nalaman niya? Ano yun, pre!!! Teka, gagamitin ba ng matandang to ang nalalaman niya para pagsamantalahan ako? Ganoon ba kalaking bagay yun para gawin niyang panakot sa akin para paligayahin ko siya? Ano ba talaga yun?!  Anong ibig sabihin ng papungay-pungay niya ng mata, at ng pagkahinhin-hinhin niyang pagsubo ng leche flan? Leche talaga, oo!! Kailangan kong uminom ng tubig, kinakabahan ako. Kinakabahan ako. Teka, hindi kaya...
”Hindi naman kaya yung pinagsisigaw mo sa hallway kanina ang gumugulo sa iyo...”
Nabilaukan ako.
”Waiter, WAITER!! Pahinging tubig!! PAHINGING TUBIG!!”
Dumating ang waiter na may dalang baso at isang pitsel, saka ako pinainom ni Sir Villacruel ng tubig. Hanep sa thoughfulness, halatang may gustong gawing mahalay sa akin. Natigilan ang lahat ng tao sa cafeteria, lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa akin, saglit na tumigil ang mundo. Congratulations to me! What an achievement, dalawang beses kong napatigil ang mundo ng maraming tao sa iisang araw! Ang cute ko talaga...
“Wahahaha!!!! WAHAHAHAHA!!!!”
Bigla ba namang tumawa, kung hindi ba naman siya nang-iinsulto. Pasalamat siya, inuubo pa ako kaya hindi pa ako makapagsalita. At pasalamat din ako, kasi inuubo pa ako at hindi ko pa kailangang magsalita. Baka mas lalo akong mahuli kapag nagsalita pa ako. Kaso parang in-affirm ko na rin na yung nangyari nga kanina sa hallway ang iniiisip ko nang maubo ako. Pahamak talaga ’tong bibig na ’to, oo. Pahamak talagang ’tong lalamunan na ’to, oo.
”Ser, pwedeng ’wag na nating pag-usapan yung nangyari kanina...” ang sinabi ko sa kanya sa mababang boses. Talagang binabaan ko ang boses ko, talagang ginawa ko itong seryoso. Kailangan kong ipakita na kapag hindi siya tumigil, baka mapainom ko sa kanya sa loob ng isang minuto ang coffee shake ko na halos labinlimang minuto kong hinahalo. Kailangan kong ipakita na kapag hindi hindi siya tumigil, baka pumasok siya sa susunod niyang klase ng may nangingitim na kaliwang mata. Kailangan kong ipakita na hindi niya pwedeng ganun-ganunin ang isang heartthrob na kagaya ko. Pero hanggang pagpapahiwatig lang ako. Professor pa rin naman siya at ayokong mauwi sa Guidance Office, mamaya ma-expel pa ako, at hindi ko na makita si Chong, bibigyan ko pa siya ng pabor dahil ayaw naman talaga niya ako makita. Tsaka hindi naman alam ni Sir Villacruel na kay Chong ko sinabi yung mga salitang yun, hindi niya alam at hinding-hindi niya malalaman.
”Eh, si CHONG ayaw mong pag-usapan?”
 “Seeerrrrrrr...” napalitan ng pagsusumamo ang seryoso kong boses kanina. Bwisit, alam niya, ALAM NIYA! Anong gagawin ko? Paano kung kumalat sa campus, paano kung marating kina Fred, paano kung makarating kina Mama at Papa? Nakasalalay ngayon sa kamay ng matandang ’to ang kapalaran ko. Ang tsimoso pa man sin ng matandang ’to, parang hindi lalaki. Teka, hindi naman talaga siya lalaki eh. Hindi nga ba?
”Kayo ah, akala niyo hindi ko nalalaman, ikaw...ah, ah? Ano nga bang pangalan mo?”
”Carl...Carl Alfonse Santiago...Ser...”
”Ah, oo, Carl. Akala mo hindi ko alam yung mga pinagkakalat niyong tsimis tungkol sa akin. Kayo ng kakambal mo, kayo yung pasimuno ng pagkakalat na bakla ako eh. Alam mo iho, hindi ako bakla. Hindi porke’t ipit at maliit yung boses ko eh bakla na ako. Eh may anak ako eh, paano ako magiging bakla?”
Hindi ko alam kung bakit niya idinepensa sa akin na hindi siya isang bakla. Diba sabi nga nila, the more na ipinagtatanggol mo ang sarili mo, the more na guilty ka. Pero parang hindi ko rin maii-aaply sa sitwasyon na ito ang paniniwalang iyon, parang karapatan pa rin niyang ipagtanggol ang sarili niya, lalo na sa harap ng kapwa niya engineer. O sige, future engineer na lang. Mahirap maging bakla, solely. At mas lalong mahirap maging bakla kapag engineer ka. Okay lang sana kung industrial engineer ka, tutal kadalasan na managerial jobs ang napupunta sa kanila, okay lang na maging bakla. Pero papaano kung Geodetic Engineer ka at bakla ka? Paano mo pakikisamahan ang mga katrabaho mong mga tunay na lalaki? Paano ka makikisakay sa pakikisama na mga tunay lang na lalaki ang makaka-intindi?
”Pero ser, hindi naman ibig sabihin na kapag may anak ka, eh, hindi ka na bakla...”
Natigilan siya, siguro naisip niyang tama ako. Nawala ang angas niya. Saka siya tila nag-isip at tumingin sa akin na parang napahiya. Napangiti na lang ako, tama naman talaga ako eh. Kaso, biglang tumulis ang tingin niya sa akin, parang may masamang binabalak, parang may ibubuwelta sa akin. Saka siya bumuwelo uli, at biglang ibinalik ang mayabang niyang pagkilos.
”Ah hindi kahit na, hindi rin naman ibig sabihin na kapag wala kang anak, eh bakla ka na. Tingnan mo, ipinagkakalat niyong bakla ako, tapos ikaw naman pala tong bakla. Lakas mong maka-trip, Chong...”
”Ser, teka, ser ah. Anong sinasabi niyo? Hindi ako bakla, hindi ba halata. Lalaking-lalaki to.” sabay pagpalo ko pa ng clenched fist ko sa dibdib ko. Lalaki naman talaga ako eh.
”Okay...lalaking-lalaking. Kaya pala...kaya pala may gusto kay Chong...”
Nawala kaagad ang yabang ko.
”Ser,  kapag sinabi mo bang gusto mo ang isang tao, ibig sabihin lang ba noon eh gusto mo siyang makarelasyon? Syempre hindi naman ser diba. Pwede namang gusto mo yung ugali niya. Pwede ring gusto mo siya kasi parehas kayo ng mga hilig, o di kaya gusto mo siyang maging kaibigan. Pwedeng gusto mo siya kasi interested ka sa personality niya. Pwede ring napapangiti at nababago niya ang mundo mo. O di kaya naman, kaya gusto mo siya kasi gusto mo siyang laging nakikita, at gusto mo siyang laging ka...” Napatigil ako. Saka ko narealize na kinocontradict ko na ang sarili ko. Bopols talaga.
”Ka?” ang sambit niyang may ngiti sa labi.
”...ka...kasama...”
”OH, I SEE. Talaga nga namang walang lamang malisya yung mga sinabi mo. I don’t smell anything fishy at all...”
Nakahinga ako ng maluwag. Salamat!
”...yun ay kung ang sa isang babae mo sinasabi ’yang mga ’yan...”
Bopols lang. Bopols! Pero kailangan kong humirit uli.
”Ano ba kayo ser! So ang ibig niyong sabihin si Alexander the Great, na halos makasakop sa buong mundo, eh isang bakla kasi gusto niyang laging kasama si Hephaestion? Na si Sherlock Holmes, eh, isa ring bakla kasi lagi niyang kasama si Dr. Watson? O tingnan niyo ser, hindi naman diba...” sinabayan ko pa ang pagsasalita ko ng pagkumpas-kumpas ng kamay para magmukha akong kapani-paniwala. Kailangang makita sa mukha ko na alam ko ang sinasabi ko, kahit na hindi, kahit na alam kong hilaw ang katwiran ko. Kailangan ko ring patunayan na hindi pagmamahal ang sinabi kong pagkagusto kay Chong. Kailangan kong patunayan na lalaki ako.
”Sa case ni Alexander the Great, malaki ang chance na baka bakla nga siya. Si Sherlock Holmes naman, siguro homosexual tendencies lang. Hindi naman kailangan maging bakla ka eh, sapat na ang kakarampot na homosexual tendency para magkagusto ka sa kapwa mo lalaki, ang eventually, ma-in love ka sa kapwa mo lalaki...”
At napunta ako sa dead end ng isang maze na hindi ko ginustong pasukan.
"Diba, tama ako...Chong," sabay ngisi niya na tila nang-iinis. Hindi pala tila, talagang nang-iinis. "Kaya huwag na huwag kang papalulong kay Chong, huwag na huwag. Habang maaga pa, gawin mo na ang lahat para putulin yan. Iwasan mo siya. Kung ayaw mong mabago ang mundo mo at may mga bagay na mawala sa iyo, solusyunan mo na yan..."
Tama si sir, hindi ko pwedeng hayaang magpatuloy sa puso ko ang yung ganito. Kapag ipinagpatuloy ko ito, maaaring mawala sa akin ang mga kaibigan ko, ang mga girlfriend ko, ang pamilya ko. Pero paano ko aalisin ang isang bagay na nagbibigay sa akin ng saya? Bakit ko sosolusyunan ang isang bagay na bumubuo sa akin?
"...yun ay kung gusto mo ngang solusyunan yan..."
Napaka-encouraging talaga ni Sir. Superb!
”Huwag kang magagalit ah, pero namolestiya ka ba noong bata ka?”
Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko na lang siya nang may pagkalito, nang may lungkot. Gusto ko sana siyang sagutin na narining ko na kanina ang tanong niyang iyon kanina, mula sa isang taong hindi ko inaakalang siya pang magtatanong sa akin.
”Alam mo kasi, wala mang buhay, pero ang bahay, parang tao rin. Civil ka diba, dapat alam mo na sa pundasyon ng isang bahay nakasasalay ang lahat ng ukol dito. Kahit na anong ganda ng interior ng bahay, kahit na anong ganda ng pinturang ginamit mo, walang silbi ang lahat ng iyon kapag palpak ang foundation. Kapag matibay ang pundasyon ng isang bahay, alam mo na ang magiging reaksiyon niyon sa mga lindol, bagyo, at sa lahat ng uri ng kalamidad. Pero kapag mahina ang pundasyon ng bahay, kahit na point-something lang yung lindol, giba kaagad yun. At sinong gusto ng madaling magiba na bahay? Lahat ng tao gusto ng mga bagay na mas nagtatagal. Wala tayong magagawa kundi gibain ang bahay na iyon mula sa mismong pundasyon nito. Ngayon kung namolestiya ka noong bata ka, habang buhay na iyong nakatatak sa isipan mo, magiging parte na ito ng pundasyon mo. Bilang tao, ang isipan mo ang pinaka-pundasyon mo. At paano mo gigibain ang isipan mo? Magkaka-amnesia ka?”
Oo nga ano! Tama siya, tamang-tama! Kapag nagka-amnesia ako, tapos na lahat ng problema ko tungkol kay Chong, lahat ng tungkol sa lecheng pagkagusto ko sa kanya. Baka sakaling lumipat pa kami ng lugar kapag na-aksidente ako. Yahoong-yahoo! Pero teka, paano ako magkaka-amnesia? Magpapabundol ba ako? Tatalon ba ako sa mataas na building? Ibangga ko kaya yung kotse ni Papa? Eh kung manood kaya ako ng massacre films ng ma-trauma ako? Pero teka, parang kabaong ang denominator ng lahat ng iyan eh. Tapos kung hindi pa maging successful, mabuburyong lang ako sa hospital. Kung manonood naman ako ng mga massacre films, baka hindi naman trauma ang kahinatnan ko, baka ako pa ang maging serial killer. Tae!!! Paano ba!!!!
”Pero kahit na magka-amnesia ka, posible pa rin bumalik yung ala-ala mo...”
Oo nga naman, may tama siya.
”Kaya habang maaga, huwag na huwag kang papalulong kay Chong. Huwag na huwag talaga. Okay lang sanang maging bakla kung pangit ka eh, okay lang sana kung mukha kang aso, o di kaya kabayo, na katulad ko...” bigla siyang tumigil. Mukhang naisip niyang parang inamin na rin niyang bakla nga siya. Nakayuko ko na lang siyang ningitian at saka ako tumingin sa kanya. Nakita kong tila naguluhan siya, siguro umiisip siya na pambawi.
”Ah, nasaan na ba tayo? Ah, teka, kalimutan na lang natin. Ah, hindi, oo nga pala, okay lang sana kung pangit ka eh, pero yung may ganyang kagwapong mukha, ’yang mukha na ’yan na halos lahat ng babae sa mundo, eh magkakandarapa, tapos sasayangin mo lang.”
”Ser, eh ano pong gagawin ko?”
”Sa tingin ko, wala...”
”Ha?  Wala?” Ang haba ng nilitanya niya, tapos ang sasabihin niyang solusyon eh wala. Hanep sa alright.
”Wala nga. Eh parang ayaw mo namang iwasan si Chong eh. Tsaka kung iba ang tinanong mo, siguro ang sasabihin nila sa iyo eh kailangan mo lang tanggapin ang lahat ng bagay at saka ka magmove-on. Pero paano mo matatanggap ang isang bagay na halos sariwa pa sa utak mo, isang bagay na halos kagaganap palang? Paano mo matatanggap ang isang bagay na kapag naiisip mo eh parang kahapon lang nangyari? Imposibleng matanggap mo yun ng madalian. Kung tatanggapin mo yun ngayon, magiging pwersado, at walang patutunguhan ang mga bagay na minamadali. The more you force it, the faker it becomes. Tsaka iniiwasan ka rin naman ni Chong eh, kaya ano pang magagawa mo. Let nature take its course. Kung lalaki ka, lalaki ka. Mamaya kapag pinuwersa kitang tanggapin yan, mas matindi ang balik sa’yo, makita na lang kitang chumuchupa ng ari ng iba..." pagkasabi na pagkasabi niya niyon eh nabulunan ako. Puta, sisipsip ng ari ng iba ang gwapong katulad ko!
"O, ayan na naman eh. Uminom ka ng tubig. Tingnan mo, ni hindi ka pa nga sanay makarinig ng bagay na ganyan. Kapag naging kayo ni Chong, hindi mo na lang maririnig yan, gagawin niyo pa ‘yan. Kaya wag kang papalulong kay Chong, seryoso ako..."
Biglang naging seryoso ang tono niya.
"Kung alam mo lang kung gaano kahirap maging bakla, oh umibig sa kapwa mo lalaki, hindi mo na ako hihintaying sabihin pa ang mga ito, dahil ikaw na mismo ang lalayo mula rito..."
Kahit na sino hindi maitatanggi na galing sa puso ang mga salitang iyon. Kahit na sino hindi maitatanggi na puno ang hirap ang pagkakasabi noon. Oo, inamin na rin niyang bakla siya, pero hindi ko siya mainsulto sa mga oras na iyon. Ako na nga itong pinagmamalasakitan niya tapos iinsultuhin ko pa siya. Gusto lang naman niya akong balaan mula sa kung anong papasukin ko, sa hirap na maaari kong danasin. Siguro talagang mahirap ang ganito. Kunsabagay, kung sa loob- loob ko nga, nahihirapan na akong tanggapin ang lahat, paano pa kaya ang mga tao sa paligid ko na walang ibang iniisip na tama kundi ang pinaniniwalaan nilang tama.
"Tama na naman ako no, Chong..." sabay ngisi. Mukhang nanggu-goodtime talaga ang taong ito. Kanina, halos magdrama, tapos ngingiti ngayon.
Pero sa kabila ng lahat ng babala na mga iyon, may isang bagay na hindi ko basta-basta mai-alis ang gustong kumawala mula sa dibdib, isang damdamin na alam kong magbabago ng buhay ko ang gustong sabihin ng mga labi ko. Alam kong risky, alam kong walang kasiguraduhan, pero aalalahanin mo pa ba ang lahat ng iyon kung alam mong ang kapalit ng lahat ng iyon eh kaligayahan.
“Pero, ser...paano kung...” ang sambit ko ng nakayuko, hindi mapakali at nag-aalangan.
“Paano kung...”
“Paano kung...paano kung gus...to ko...”
“...gusto mong?”
“...talagang makasama si Chong?”
At mula sa bibig ko lumabas ang mga salitang hindi ko inaakalang lalabas mula dito.
“Tsk, tsk, tsk, malala ka na talaga. Sabi ko sa’yo ‘wag kang papalulong eh...” ang sabi niya habang umiiling.  Bakas na bakas sa tinig niya ang panghihinayang, panghihinayang siguro sa mga babala niya sa akin, o ‘di kaya eh panghihinayang sa akin. Pero bakit ako hindi nanghihinayang? Siguro dapat naiisip ko ngayon kung anong kahihinatnan ng pangarap nila Mama at Papa na magkaroon kaming apat na magkakapatid ng sarili naming mga pamilya, lalo na kaming tatlong lalaki na inaasahang magpapatuloy ng apelyido namin. Siguro dapat iniisip ko ang lahat ng bagay na mawawala sa akin, maaaring sila Mama at Papa, maaaring sila Fred at yung barkada, maaaring ang normal kong buhay. Pero hindi sila ang talagang pumupuno sa isipan ko ngayon. Si Chong, si Chong, siya ang pumupuno sa isipan ko ngayon.
Parang bata na lamang akong yumuko ng makita ko ang tila hindi pagsang-ayon sa mukha ni Sir Villacruel. Siguro nga hanggang dito na lang ang lahat, wala na akong magagawa. Kailangan kong isipin ang nararamdaman ni Chong, tutal ayaw naman niya akong makita. Pero paano ako? Habambuhay na lang ba kaming mag-iiwasan? Hanggang sa daydreaming ko na lang ba siya makakasama? Habambuhay ko na lang bang maiisip kung ano sanang nangyari sa amin kung hindi ako sumuko?
“Gusto mo tulungan kita?” ang sabi niya sa masiglang tinig.
Bigla kong tiningnan si Sir, at nakita ko sa mukha niya ang saya. Abot tainga yung ngiti niya. Joke, exaggeration yun. Bipolar yata ‘tong tao na ‘to. Hayop sa trip!
“Ser, kanina ayaw niyo, tapos ngayon tutulungan niyo ako? Tumira kayo no?”
“Ah, ayaw mo. Edi sige...” saka tumayo mula sa upuan niya.
“Ser, teka, wala namana kong sinabing ayaw ko eh. Ang sinasabi ko lang, bakit nagbago yung isip niyo?”
“Naisip ko kasi na masyado pala akong nag-aalala sa buhay niyo, eh buhay niyo naman yan. Ang pakialamero ko talaga. Oo, mahirap, marami talagang mawawala sa iyo. Pero malay mo, kapag nakuha mo si Chong, maging doble pa ang pagkukulang na mapunan niya,” ang sabi niyang nakangiti. Ningitian ko rin siya, hindi dahin ningitan niya ako, pero dahil natuwa ako sa mga sinabi niya.
“Pero papaano Sir, eh grabe maka-iwas si Chong?”
“A-kong-ba-ha-la...” ang sabi niya sa mabagal na tono, parang nagmamayabang lang, nagmamagaling na kaya niyang solusyunan ang problema ko.
“Parang kaduda-duda, Ser...”
“Wala ka talagang tiwala sa akin. Kung hindi mo naaalala, ako ang prof mo sa Basic Geodetic Engineering Laboratory, tandaan mo ‘yan.”
Wala akong naisagot sa kanya kundi pagtatanong sa aking mukha.
“Basta, akong bahala. I assure you, hindi ka na maiiwasan ni Chong dahil sa pinaplano ko. Basta, abangan mo bukas...”
Natapos ang araw ng klase nang si Chong ang nasa utak ko. Maski sa pagpunta ko sa bahay, si Chong ang nasa isip ko. Nauna akong umuwi kay Fred, buti na lang at hindi masyadong nagtagal at umuwi na rin siya. Hindi rin niya sinabi na hindi ako pumasok sa mga klase ko, kung hindi, baka mahalata nila ako. Pero duda akong hindi nahalata ni Fred ang kalituhan sa mga kilos ko. Dati, pagka-uwi, maglalaro lang kami ng X-box, pero hindi ko magawang maglaro ngayon, masyadong maraming gumugulo sa isip ko para maglaro. Baka kapag lagi pa akong talo sa kanya, eh tanungin niya pa ako kung anong nangyayari sa akin.
Kung pwede ko lang sanang sabihin na si Chong ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Ano kayang iniisip ni Chong ngayon? Iniisip nga kaya niya ako katulad ng pag-iisip ko sa kanya. Ngayong araw, nabago ang buong pagkakakilala ko sa kanya. Hindi ko tuloy masabi kung nachachallenge lang talaga ako sa kanya...Hay! Kanina halos aminin ko halos mahal ko na si Chong, tapos ngayon, sasabihin kong nachachallenge lang ako. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko, ang gulo. Basta gusto ko siyang masama. Bahala na ang iba, basta gusto ko siyang makasama.
At mukhang si Chong ang paniginip ko ngayong gabi.
------------------------------------------------------------------------
”Okay, class. Wala tayong gagawin ngayon, para makapaghanda na rin kayo para bukas.” ang sabi ni Sir Villacruel. Nakakapanibago lang, dati, kapag nagdidiscuss siya, parang siya lang ang yung mga tao sa harapan ang nagkaka-intindihan. Pero ngayon, halos punuin niya ng tinig niya ang buong kwarto, parang sinasadya niyang marinig ng lahat ang sasabihin niya.
”Sandali, anong meron bukas?” ang tanong ko kay Fred.
”Tado, bukas na yung field work sa Pangasinan, nakalimutan mo?”
Linsyak, oo nga pala. Teka, hindi kaya ito yung sinasabi ni Sir na plano niya? Eto na ba yun?
”Pero ilang reminders muna, bago ko kayo idismiss. Di bale, tatlong araw tayo doon, Thursday, Friday, at Saturday.”
”Ser, bakit hindi na lang natin sagarin hanggang Sunday?” ang tanong ni Lemuel.
”Sige, pwede ka namang magpaiwan doon eh, basta may parental consent...”
Nagtawanan ang buong klase. Pero hindi ko magawang tumawa, nakatuon ang mata ko kay Chong, simula pa nang pumasok ako sa kwartong yun. Pero hindi sumagi ang tingin niya sa akin, kahit isang beses. Siguro iniiwasan talaga niyang magkatinginan kami. Pero hindi rin naman ako sigurado, kaya patagilid ko pa rin siyang tinitingnan. Panatag na panatag siya, minsan tumatawa kapag tumatawa rin ang mga kagrupo niya, pero bigla rin siyang tatahimik na parang walang nangyari. Nakikinig siya sa sinasabi ni Sir habang papungay-pungay ang mata.
”Hindi ko na kailangang sabihin kung anong mga dadalhin ninyo no. Basic necessities, damit, toothbrush, toothpaste, etc. okay. Kahit hindi na kayo magdala ng pagkain, kasi may malapit naman doong grocery store. Kumpleto na rin naman yung gamit sa tutuluyan natin, including stove, kaya no worries. Siguro magdala na lang kayo ng kawali, plato, tsaka utensils.”
Sandali, eh nasaan yung sinasabi ni Sir na plano niya para magkalapit kami ni Chong? Eto na ba talaga yun?  Paano kami magkakalapit, eh, magkahiwalay nga kami ng grupo. Group 2 kami nila Fred, habang si Chong naman, eh, Group 4. Paano yun? Adik ba si Sir?
”And lastly, dahil sa twenty sections kayo all-in-all, kahit hindi sapat sa inyong lahat yung instruments, ipagmemerge natin yung ibang groups...”
Wow, eto na yun! Eto na yata yun! Hindi ko na natiis na tingnan ng diretso si Chong mula sa kinauupuan niya. Nagbago siya ng postura. Ngayon, tinakpan niya ang kanyang bibig ng kanyang naka-steeple na mga kamay, habang ito’y nakapatong sa mesa. Napalitan ng matulis at galit na tingin ang kanina’y papungay-pungay niyang mata. Hindi na panatag si Chong ngayon, bakas mo sa kanya ang tensiyon. Kung dati’y makikita mo sa kanya na tila kalkulado niya ang lahat ng bagay, ngayon, nakita kong tila nawalan siya ng kontrol sa lahat ng bagay.
”At dahil anim naman kayong groups sa section na ito, di bale, tigdadalawang grupo na lang kayong magmemerge. At para madalian na at wala ng cheche-bureche, ako na ang nagdecide kung sino ang magme-merge. To start with, Group 1 and 5, magiging Group L kayo...”
Shit! Eto na nga iyon. Kung tama ang hula ko, plano ni Sir na gawin kaming magka-grupo ni Chong! Tama ba ako? Tama ba? Yahoo!
”...Group 4 and Group 2, kayo ang magiging Group M, which leads us to Group 3 and 6 being Group N...” saka niya ibinaling sa akin ang kanyang tingin na sinabayan pa niya ng ngiti.
Napangiti rin ako sa kanya. Sino bang hindi mapapangiti sa ganoong sitwasyon? Ka-grupo ko na si Chong, YAHOO! Tingin na puno ng pasasalamat ang isinukli ko kay Sir, saka niya ibinaling ang kanyang tingin kay Chong, pero biglang nawala ang ngiti sa labi niya, at parang napalitan ng takot. Dali-dali rin niyang iniiwas ang kanyang tingin.
Nagtaka ako, kaya nilingon ko si Chong. Nakita ko ang matulis niyang tingin kay Sir Villacruel. Matulis na ang tingin niya kanina, pero mas naging matalas ngayon, tila nag-aapoy. Sinamahan pa iyon ng kanyang nakakunot na noo. Alam kong maaari niyang ibaling sa akin ang tingin na iyon, pero wala akong pakialam. Basta ang alam ko ngayon, magka-grupo na kami, makakasama ko na si Chong.
Ngunit tila natigilan ako nang bigla niyang inalis ang kamay niya sa kanyang bibig, nang patango siyang ngumiti na tila nanakot at tila nagpapakita ng pangil, at nang itinaas niya ang kanyang kilay na sinabayan ng pailaim niyang pandidilat ng sobrang talim na tingin.
”Is that it? Talaga bang napakahina mo para humingi pa ng tulong sa ibang tao? At talaga bang sinusubukan mo ako...”
Ngunit hindi naalis ang tingin ko sa kanya. Para akong hinihypnotize noong mga oras na iyon. Tiningnan ko na lang siya ng may pagtatanong, kung ano ba talaga ang gusto niya? Gusto niya ako pero ayaw niya sa akin? Ganoon ba talaga ang gusto niya?
”...edi magsubukan tayo...”
Hindi siya nagsalita, walang tunog na lumabas mula sa kanyang bibig. Pero yung ang naramdaman kong sinasabi ng nakakatakot na asal niyang iyon. Parang iyon ang ipinahihiwatig ng nag-aapoy niyang mata.

2 comments:

  1. Finally!may chapter 4 na!grabe..daming dilemma ni Fonse haha!nakakaaliw talaga mga banat..pati si sir Villacruel! :D

    Ano na naman kayang batuhan ng salita mangyayari kay Fonse at Chong??chapter 5 na! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Delima....Dilemma XD
      May ganoon talaga sa Chapter 5, kaso wala pa ako sa espiritu XD

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails