Followers

Tuesday, October 16, 2012

Liham [1]


LIHAM
By: Patrick James Goya Gonzales



 AUTHOR'S NOTE : SALAMAT PO kay KUYA MIKE ! na payagan akong mag post dito sa MSOB . Sa mga mambabasa po sana poy magustuhan ninto ito .SALAMAT !




CHAPTER 1


          ~“Hindi lahat ng pagmamahal nasusuklian, pero darating ang panahon na lahat ng ito’y mapapantayan o mababayaran ng kasiyahan !”~












          “Bakla…bakla… bakla…” paulit ulit na mga salitang umiikot sa aking mga isip. Mga katagang nanggaling mismo sa mga bibig ng aking sariling ama. Napakasakit isipin na sarili mong dugo ang tumatakwil at nanglalait sa iyong pagkatao.





          Bata pa lamang ako nang mamulat sa kamunduhan ng “third sex”. Siguro nasa ikaapat na taon pa ako noon ng aking matuklasan ang aking tunay na katauhan. Sundalo kasi ang ama ko kung kaya’t hindi niya ako matanggap. Gusto kasi niya na ako ang sumunod sa kanyang mga yapak. At dahil ako lang ang kanilang nag iisang anak, kaya ganoon nalang ang pagpupursigi ng aking ama na akoy magka asawa at magkaroon siya ng mga apo.






          Ako nga pala si France Ryle Angelo Natividad Krus o mas kilala sa tawag ng mga malalapit sa akin bilang si Frank. Simple lang akong estudyante na nag aaral sa isang pribadong catholic school. Dito kasi ako pinag aral ng aking ama dahil gusto nila na ako’y magbago at magpakatino. Subalit nagkakamali sila, ditto sa paaralang ito mas naging open ako sa aking sarili at din a kailangang magpapanggap pa.






          Marami rami rin akong naging kaibigan na mga babae. Ngunit mas naging malapit sa akin si Patrick Reyes na itinuring ko na ring isang matalik na kaibigan. Bakla rin siya katulad ko at nagkakasundo kami pagdating sa usapang lalaki. (MGA LALAKI ANG PINAG UUSAPAN) .









          Parati kaming magkasama nitong bestfriend ko. Pagdating sa mga men hunting, glamour2x at kung saan pa. Wala kaming itinatago sa isa’t isa. Sa mga crushes namin at lalong lalo na ang aming mga karanasan sa buhay. Naikwento ko rin sa kanya ang pagbubugbog ng aking ama sa akin, ang kanyang pagmamalupit , ang pagpapahirap sa aking kalooban at ang kanyang pagpupumilit na akoy baguhin.








          “Friend grabe naman yang pudra mo kung makabugbog walang patawad. Natatakot na tuloy akong pumunta sa inyo. Baka kung Makita niya ako jujumbagin rin niya ang byuti ko.” sambit ni Pat na parang nagdedeclamation.


          “Oo nga eh, ewan ko ba sa kanya bat ayaw niya akong tanggapin. Tao rin naman ako ah, kahit na iba ang aking pagkatao may puso rin naman ako na nasasaktan. Porket hindi pa tayo lubusang tanggap sa lipunan ganun nalang yun? Lahat ng gusto niya sinunod ko naman subalit anong magagawa ko kung ganito na talaga ako ?Hayss !” tugon ko na medyo naluluha na dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman.



          “Di bale friend wag kang mag- alala baling araw matatanggpa ka rin niya. Hindi ka naman matitiis nun dahil kahit anong gawin niya, pagbali- baliktarin man niya ang mundo ANAK ka pa rin niya at di magbabago yun !” sabi niya na binigyang diin ang salitang anak.



          “Salamat talaga friend hah. Parati kang nandiyan para sa akin. Satuwing akoy nangangailangan, hindi mo binibigo sa tuwing akoy nalulungkot at namomoblema parati mo akong pinasasaya. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na binigyan niya ako ng isang mabuti at MAGANDANG kaibigan na tulad mo.” sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang kanyang mga kamay.






          Parati na kaming nagkakasama ni Pat at mas napapalapit na kami sa isat isa. Parati niya akong ipinagtatanggol sa mga umaapi sa akin pati na rin sa aking malupit na ama. Ipinaglalaban niya ako sa mga nanglalait sa aming pagkatao. Para ko na nga siyang kapatid eh. Sa tuwing akoy may problema sa kanya ako pumupunta, at sa tuwing akoy nalulungkot palagi niya akong dinadamayan.


          Masaya ako magkasama kami ni Pat. Ang kanyang kadaldalan sa tuwing namamasyal kami sa Mall ,kapag nakakakita siya ng mga gwapong mga lalaki ay palagi siyang tumitili na kung pakikinggan mong mabuti mababasag talaga ang tenga sa lakas at tulius nito. Naging Masaya ako sa tuwing makakasama ko siya. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana…








          “Tay tama na po. Ta yang sakit po…” daing ko sa sobrang sakit ng mga hagupit ng sinturon ng aking ama.


          “Oh heto gusto mo pa? Sige umiyak ka pa, hindi talaga ako titigil hanggat hindi ka nagpapakatino. Bat ba gusto mong maging bakla ? sigaw ni itay sa sobrang galit.


          “ Huhuhu. Tay, hindi ko naman to ginusto eh. Sadya lang talaga na ganito ang binigay sa akin ng Diyos na pagkatao at wala na akong magagawa dun” sagot ko naman sa kanya habang umiiyak at sumisigaw sa sobrang sakit.



          “Anong hindi mo gusto? Ginusto mo yan. Dahil gusto mong bigyan ng kahihiyan ang ating pamilya. Akala naming ng inay mo na magbabago ka na dahil inenroll ka naming sa isang paaralan na may takot sa Diyos ngunit nagkamali kami mas lalo ka pang lumala !” sambit niya habang akoy pinapalo sap wet.


          “AHHHHHHH ! huhuhu. Tay bat ayaw niyo akong tanggapin? Sinusonod ko naman lahat ng gusto niyo ah. Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para na rin maipagmalaki niyo ni nanay !” sabi ko sa kanya na patuloy pa rin ang pagtangis



          “TANGA ! Anak nahihibang ka na ba? Malaking eskandalo at kahihiyan ito para sa ating angkan kung malaman ng mga kapit bahay na BAKLA ang anak ng isang sundalo ! Dahil ba dun sa kaibigan mong bakla kaya ka nagkakaganyan ?” sumbat niya sa akin


          “Walang kinalaman si Pat ditto, mabuti siyang kaibigan. Siya lang ang nakakaintindi sa akin ang nakakaunawa. Itinuring ko na siyang kapatid at sana wag mo siyang idamay ditto”



          “Kalokohan.Simula ngayon ayaw ko nang makikita na magkasama kayo. Ililipat ka na naming ng Inay mo ng paaralan” sabi niyang may awtoridad.










          Nanlumo ako sa aking mga narinig, sobrang bigat ng aking pakiramdam. Hindi ko kayang mawala sa akin ang aking matalik na kaibigan .HINDI ! Ikamamatay ko ito.


          Subalit naging bato na ang puso ng aking ama at wala na nga akong nagawa. Lumipat ako ng eskwelahan , simula nun hindi ko na nakita si Pat. Naging malungkot ang aking huling taon sa hayskul dahil na rin sa pangungulila ko sa isang kaibigan. Namiss ko ang kakulitan, katarayan at lalong lalo na ang kalandian ni Pat. Wala na akong kasamang gumagala, men hunting, kasamang kumakain at pati na rin sa pag uwi ng bahay. Parang nawalan na akong ganang mag aral, wala ng tumutulong sa aking paggawa ng mga assignments at homework, wala nang nagtatanggol sa akin tuwing akoy nilalait.



          Lubos ang poot ang aking naramdaman sa aking ama, na dumating sa puntong hindi ko na siya nirerespeto. Nawalan na akong ganang kumain at nagmumukmok nalang ako sa aking kwarto dahil sa kalungkutan at pakiramdam na nag iisa. Nabalitaan ko nalang na umalis na pala si Pat patungong ibang bansa at dun na nga magcollege. Sobrang bigat talaga ng aking nararamdaman na ang aking nag iisang kaibigan ay nawala at lumisan -----



          Natapos ko ang aking huling taon sa hayskul na puro pasang awa ang mga marka. Dahil na rin saw ala akong ganang mag aral. Nagkaroon ng munting handaan sa aming bahay, maraming nagkakasaya at nag iinuman sa aking mga kamag anak. Lahat sila ay Masaya maliban nalang sa akin.


          Habang sila ay nakakasiyahan ay may nakita akong isang lalaki na ngayon ko pa lamang nakita. Matangkad , Maputi, Gwapo at higit sa lahat Malaki ang katawan. Nakakatakam talaga. Natulala ako sa aking nakita at hindi napansing magkaharap nap ala kami .


         





          “Hai. Baka matunaw ako niyan !” biro niya sa akin


          “Ah. eh.” nahihiya kong sambit


          “Ako nga pala si Edwin Santos. Ikaw ba ang anak nila Sir Ronald at Ma’am Rose ?”



          “Ah oo. Ako nga pala si France Ryle Angelo Natividad Krus. Frank nalng”


         





          Marami kaming napagkwentuhan ni Edwin at mas nakilala ko pa siya ng lubusan. Panganay siya sa dalawang magkakapatid.Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon .18 na siya . Nakatira siya sa probinsiya at lumuwas ditto sa aming lugar upang magpatuloy mag aral at magtrabaho. Napahanga ako sa kanyang kabaitan at kasipagan . Nalaman ko rin na ditto pala siya sa amin magtatrabaho at may misyon daw siya. Napaisip ako kung ano bang misyon yun subalit hindi ko nalng iyon pinansin dahil sa saya ng aking naramdaman dahil may makakasama na ako sa aming bahay hindi lang mabait sobrang pogi pa.


          Napag usapan rin naming na kuya na ang itatawag ko sa kanya dahil matanda siya ng dalawang taon at bunso  ang itatawag niya sa akin.hehe (OH DIBA ! ) Sa kalagitnaan ng aming paghaharutan at pag uusap biglang dumatingang aking mga magulang. Nagimbal talaga ako sa kanilang balita na may kinalaman sa misyon at trabaho ni Kuya Edwin sa amin.



                               Itutuloy----------- :))

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails