Followers

Saturday, October 27, 2012

Piso [7]



Ang Pagbabago
by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com
blog: http://justynstories.blogspot.com/


Tila ang kalasingan ko noon ay nawala sa nakita ko. Ibang iba ito noong ito ay aking iniwan. Pagbukas ko ng pinto ay animoy wala ako sa sariling tirahan. Luminis ito, gumanda, halos lahat ay nakaayos na sa kanilang pwesto. Kung dati ay mukha itong dinaanan ng bagyo lagi, ngayon para akong may pitong katulong. Malinis. Maaliwalas. Maayos. 



Umupo ako pagkatapos kong pumasok ng bahay. Pati ang inuupuan ko ay iba na ang ayos nito. Itinama kung saan dapat nakapwesto, pati ang cover nito napalitan na din. Nakakapanibago.

Siguro'y narinig ni Jay ang pagpasok ko kaya naman tumawag ito mula sa banyo kung saan siya naliligo. "Jose...ikaw na ba yan?"sigaw niya mula sa banyo.

"Parang di ko 'to bahay ahh. Ikaw lang ang gumawa ng lahat ng ito?" Tanong ko sa kanyang may boses ng pagkamangha at kalasingan. Tawa lang naman ang nakuha kong tugon mula sa kanya.

Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng bahay habang ako ay nakaupo. Hindi pa rin ako makapaniwalang siya lang mag-isa ang gumawa ng lahat ng ito. Nakakapanibago talaga.

Habang abala naman ang mata ko sa pagkamangha sa kanyang ginawa ay biglang bumukas ang pinto ng banyo na malapit lang sa sala kung saan ako nakaupo. Paglabas ni Jay ay hindi ko maiwasan hindi humanga sa ganda ng kanyang katawan. Nakatapis lang ito ng tualyang lumabas ng banyo. Napatitig ako sa kanya. Nadarang. May kung anong init ang gumapang sa aking buong katauhan. Hindi ko alam kung bakit, kung nahuhulog na ba ang loob ko sa kanya o dala lang iyon ng kalasingan. Napatulala lang ako habang pinagmamasdan siya.

"Ohh natulala ka dyan?"tanong nito sa akin ng may pagtataka.

"Ahh-ee wala. Ang galing ng ginawa mo. Nahihiya tuloy ako."

"Yun ba? wala yun. Wala din kasi akong magawa dito kaya naglinis na lang ako."

"Kumain ka na ba?" dagdag pa nito. Hindi na niya ako pinaghintay pang makasagot. "Sandali lang, iiinit ko lang yung niluto ko kanina. Alam kong magugustuhan mo 'tong niluto ko. Paborito mo 'to e" sabi niya at dumerederetso na sa kusina na hindi man lang nakakapagbihis. Sunod tingin ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Ewan ko ba pero tila nang-aakit siya sa kanyang mga galaw o ako lang itong naaakit lang talaga sadya. Ang maganda nitong pustura habang tualya lang ang nakatakip dito ay talaga namang nakakapang-init. Napalunok ako ng sarili kong laway ng hindi sinasadya.

Habang ako ay nakatitig sa kanya ay ramdam ko ang pagkapagod at pamimigat ng aking mga mata. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako habang hinihintay ang iniinit niyang pagkain para sa akin.

Ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mga mata ang nagpagising sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit may tumatamang sinag ng araw sa aking kinahihigaan. Ang naaalala ko lang kasi ay nakahiga ako sa sofa at naghihintay na matapos si Jay. Laking pagtataka ko noong nasa kwarto ko na pala ako. "Panong nandito na ako sa sarili kong kwarto?"tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang paligid. At noong tingnan ko ang aking suot na damit ay iba na din ito. Hindi ko man lang namalayang napalitan na ako ng damit sa sobrang kalasingan.

Habang kinakapa ko ang aking sarili ay bigla namang pumasok sa kwarto ko si Jay. Nakangiti itong nakatingin sa akin.

"Gising ka na pala. Good Morning!"magiliw nitong bati sa akin at nagbitaw ng pilyong ngiti.

"Panong?.."tanong ko na lang na pinutol din niya agad.

"Panong napunta ka dito sa kwarto? Simple lang, binuhat kita. Ang bigat mo nga e. Panong iba na ang damit mo? Pinalitan ko. Pinunasan na rin kita ng katawan at binihisan  para guminhawa ang pakiramdam mo at derederetso na ang tulog mo. Sobrang lasing ka na kasi. Ang daya mo nga e. Hindi mo na hinintay yung iniinit kong pagkain."


Tumingin lang ako sa kanya. Tatanungin ko na sana siya kung may nangyari sa aming dalawa sa sobrang kalasingan ko ngunit tila nabasa agad nito ang nasa aking isipan. "'wag kang mag-alala. Hindi ko pinagsamantalahan ang kalasingan mo."sabi nitong may pilyong mga ngiti. Kinapa ko ang aking sarili kung may nangyari sa amin ni Jay ngunit wala. Alam ko sa sarili ko kung may gumalaw sa akin o wala kahit lasing pa ako ngunit wala, kaya naman naniniwala talaga ako sa sinasabi niyang hindi nga niya ako pinagsamantalahan.

"Bakit ata parang bihis na bihis ka? Saan ang lakad mo?" paglilihis ko naman sa usapan.

Para naman itong binuhusan ng malamig na tubig at tumingin sa kanyang relo. "Sa trabaho." Sagot niya at nagmamadaling lumabas ng kwarto. "Yung pagkain mo nga pala nakahain na sa lamesa. Kumain ka na lang." pasigaw na pagpapaalala pa niya sa akin habang nagmamadaling lumabas ng bahay.

"Ingat." pahabol ko naman dito. Tumingin muli siya sa akin at ngumiti.

Habang nang-iisa ako sa bahay ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkabagot na biglang tumama sa akin. Ewan ko ba pero bigla kong naisipang maghanap hanap ng matinong mapagkakakitaan. Ngunit paano? Wala naman akong pinag-aralan upang makahanap ng matinong trabaho. Lalo na ngayon, kahit simpleng trabaho lang ay kinakailangang nakapagtapos ka dahil maaarte na ngayon ang mga establishimentong nagtatayo ng kanilang negosyo. Hindi ka basta basta makakapasok kapag wala kang pinag-aralan. Minsan nga ay pahirapan pa din kahit na may pinag-aralan ka. Lalo na sa katulad kong hindi man lang nakatapos ng elementarya.

Bigla namang sumagi sa akin ang sinabi ng akin ng aking masugid na costumer. "Kapag may kailangan ka, huwag kang mahihiyang lumapit sa akin." Ngunit nahihiya akong lapitan siya dahil napakalaking tulong na naibigay na niya sa akin. Halos siya na nga ang bumubuhay sa akin dahil sa mga binibigay niya. Buti na nga lang at hindi ko siya napapatay gaya ng iba. Siguro dahil na rin hindi ako ang tumatrabaho kundi siya. Siya lang ang lahat na gumagawa at nakahiga lang ako. Hindi pa nangyayari sa amin ang eksena kung saan sakto sa kung paano pinatay si Zaldy.

Bumuntong hininga muna ako habang nakatitig sa kanyang numero. Nagdadalawang isip pa rin ako kung idederetso ko ang plano ko.

"Bakit ko nga ba ito ginagawa?" tanong ko sa sarili. Siguro nga ito lang talaga ang dapat na ginawa ko simula pa lang noong una, na magpakatino-tino ako, na ayusin ko ang buhay ko. Dahil wala din naman akong ginagawa. Buong maghapon nakatunganga lang. Kung hindi naman nakatunganga ay nasa labas at nakikipaglaklakan. Nagpapakalango lango. Sinusubukang magpakalunod sa alak. Sinusubukang malampasan nito ang pait na nararamdaman ng puso ko.

Di ko alam kung bakit, pero ngayon, desidido na akong magbago at magpakatino-tino. Dahil alam ko. Iyon din ang gusto para sa akin ni Zaldy.

"Hello." bulalas ko matapos sagutin ang aking tawag ng nasa kabilang linya.

"Papaaaahhh!"pasigaw nitong sagot sa akin. Sa tono nito ay alam mong miss na miss na ako nito. "Ang daya mo. Hindi ka sumipot nung nakaraan ha. hmp!"tamputampuhan pa nito.

"Pasensya ka na. Naging abala lang ako nun."

"Ahh. Okay lang yun. Ano, kelan ka ba pwede?" Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil nga sa balak kong ihinto na ang ganito.

"Hello. Andyan ka pa ba?"

"O-oo. Andito pa ako. Ano e. Ahhm"

"Ano yun? Diba sabi ko naman sayo na kapag may kailangan ka, huwag kang mahihiya sakin? Ano na yun? Kelangan mo ba ng pera? Magkano?"derederetso niyang sabi sa akin.

"Ahh hindi naman pera ang kailangan ko e"

"E ano?

"Pwede mo ba akong tulungang maghanap ng trabaho? 'yung matinong trabaho? Gusto ko na kasing ihinto yung ganito. Nadudumihan na rin ako sa sarili ko."

"Ouch! pano na 'ko nyan papa? Di na kita matitikman? huhuhu"

"Pero siguro mas maganda nga 'yang naisip mo. Di bale bukas pumunta ka dito. Ako ang bahala sayo. Irerekumenda kita. Malakas ka sakin e"

"Okay sige. Salamat. Salamat talaga."

Matapos ibaba ang tawag ay may naisipan akong gawin. Naligo na ako at nagbihis ng damit. Nagpunta ako sa palengke upang makabili ng mga rekado. Balak kong ipagluto naman si Jay. Balak kong pagdating niya ay may nakahanda ng pagkain para sa kanya. Alam kong magtataka iyon dahil siya lagi itong gumagawa sa akin niyon ngunit ngayong pagkakataong ito ay ako naman. Ako naman ang magluluto ng masarap para sa kanya. Kahit man lang sa ganitong bagay mabawas bawasan man lang ang utang na loob ko sa mga ginagawa niya para sa akin.

Matapos kong mamili ay umuwi agad ako't ihinanda ko na ang lulutuin ko. Ginagawa ko iyon habang may ngiti sa aking mga labi; habang magaan ang aking pakiramdam. Halos kapareho nito ang silga na aking naramdaman noong una naming monthsary ni Zaldy. Yun bang excited ka para sa sorpresa mo sa kanya. Yung tipong inihanda mo ang lahat para mapasaya siya. Sarap ng pakiramdam habang naglalaro sa aking isipan ang gulat na reaksyon ni Jay pagkatapos makita ang aking niluluto.

Matapos kong magluto ay naligo ulit ako. Dahil hapon pa lang at walang magawa ay nanood muna ako ng tv habang hinihintay siyang dumating. Halos wala din akong matipuhang panoorin kaya pinatay ko na lang ang tv at naghalungkat ng librong mababasa. Kinuha ko ang librong "Idol ko si Sir" ni Michael Juha. pagbuklat ko ng pahina nito ay may biglang nahulog na larawan namin ni Zaldy. Napakasigla namin sa larawang iyon. Napakasarap tingnan. Napakasarap balikbalikan ang ala-alang kasakasama ko pa siya. Ngunit hanggang ala-ala na lang siya dahil tanggap ko na sa sarili kong hindi na talaga siya kailanman magbabalik pa.

Pinulot ko ang larawang nahulog sa sahig. Tiningnan ko ito't tila kinakausap. "Ito na ang simula ng pagbabago ko Zaldy. Para sa 'yo, higit sa lahat para sa sarili ko. Diba ito ang gusto mo? Ang maging payapa ako? ang maging masaya?". Habang kinakausap ang litratong hawak ko ay pumatak bigla ang luha sa aking mga mata. Alam ko dahil sa kasiyahan iyon na sa wakas ay tanggap ko na rin na wala na siya. Na hindi na siya magbabalik. Na nagbabago na ang buhay ko. Na pilit ko ng binabago. Na may tumutulong sa akin sa pagbabagong iyon. Si Jay.

Habang biglang sumingit sa aking alaala si Jay ay sabay naman nitong pasok sa pinto. "Andyan ka na pala." masigla kong bati dito. Hindi ko na siya pinaghintay pang makasagot. "Saglit lang, iinitin ko lang ang niluto ko para makakain na tayo." sabi ko sa kanya ng may ngiti habang ibinalik ko ang larawang hawakhawak ko kanina sa librong kinuha ko.

"Parang linya ko yan ahh. Kakapanibago ata."

Tumawa na lang ako sa kanyang mga sinabi. Umakyat na siya upang makapagbihis ng damit at ako naman ay tumungo na sa kusina upang initin ang niluto ko para sa kanya.

Habang iniinit ko ang pagkain ay hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala siya. "Hmmn sarap naman ata nyan." sabi niya sa aking likuran habang sinisilip ang aking ginagawa.

"Oo, masarap 'to. Espesyal e."

"Para saan?"

"Pasasalamat ko para sa 'yo."

"Ahh. nakakapanibago ha."

Patapos na ako sa aking ginagawa at nakita ko naman siyang kukuha ng platong pinagkainan namin. Pinatay ko na ang niluluto ko at hinabol ko sya. Pina upo sa upuang nasa hapagkainan. "Umupo ka lang dyan. Ako na ang bahala."

Laking pagtataka naman nito sa aking ginawa. At napatitig na lang sa akin ng may pagtatanong. Nginitian ko  lang siya. Inayos ko na ang lamesa upang makakain na kami. Habang nasa hapag ay hindi maiwasang tanungin ni Jay sa akin ang totoong dahilan ng mga ginagawa ko. "Sabihin mo nga sakin ang totoo kung bakit mo 'to ginagawa?"

"Wala. Gusto ko lang talaga magpasalamat sa'yo. at isa pa may ibabalita ako sayo."

"Ano yun?"

"Maghahanap na ako ng matinong mapagtatrabahuhan."

"Anong trabaho naman yun?"

"Kahit ano basta desente. Hindi yung ganito."

Nakita ko siyang ngumiti. "Gusto mo tulungan kita? Mahirap na ngayon makahanap ng trabaho kung hindi ka magaling magbenta ng sarili mo." bigla naman siyang napatahimik sa huli niyang sinabi. "A-ang ibig kong sabihin ay mahirap na makakuha ng matinong trabaho kung hindi mo kayang ipresenta ng maayos ang sarili mo."

"Yun nga e. Alam mo naman diba na wala akong pinag-aralan? Pano na ako nyan makakakuha ng trabaho?"malungkot kong sagot dito.

"Wag kang mag-alala. Tutulungan kita."

At iyon nga ang ginawa namin. Matapos naming kumain ay tinulungan niya akong gawin ang bio-data ko. Tapos nagkunwari siya na siya ang mag-iinterview sa akin sa trabahong pag-aaplayan ko. Pursigido akong matuto sa bawat detalyeng binibigay niya sa akin. Lahat ng iyon ay pilit kong isinisiksik sa aking isip upang pagdating sa aktwal na interview ko ay hindi na ako kabahan. Hindi man ako tapos sa pag-aaral ay mabilis ko namang makukuha ang kanyang mga sinasabi sa akin. Halos maghahating gabi na din kaming natapos at napagpasyahan ng matulog.

"Salamat Zaldy. Salamat Jay. Salamat Panginoon." Masigla kong pagkausap sa hangin habang ako ay nakahiga. Ipinikit ko na ang mga mata ko ng may ngiti sa mga labi.

Maaga akong nagising noon. Ngunit mas maaga sa akin si Jay at nagluluto na ng almusal ng madatnan ko ito sa kusina. "Good Morning! Aga natin ngayon ah." bati sa akin niya. "Good Morning din. Ngayon na kasi ang interview ko e."

"Ha?! Ang bilis naman ata. Akala ko maghahanap ka pa lang?"

"E-ee di ko na nasabi sayo kagabi na may nagrekomenda sakin."tila nahihiya ko pang sabi sa kanya.

"Ahh. Okay lang yun. May tiwala naman akong matatanggap ka e. Kahit basics lang tinuro ko sayo. Madali kang matuto. Isa pa, malakas ang karisma mo kaya alam kong matatanggap ka."

Tumawa ako sa huli niyang sinabi. Tumungo na ako sa banyo upang makaligo na habang si Jay naman ay tinatapos ang niluluto niyang almusal. Matapos kong maligo ay nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Nagbihis muna ako bago kumain.

Napanganga naman si Jay noong makita niya ako matapos kong magbihis. Sa pustura ko ay hindi mo masasabing wala talaga akong pinag-aralan. Simple lang iyong polo-shirt ngunit alam ko sa angking kakisigan ay tiyak na mapapalingon ka talaga.

"Gwapo natin ah."

"Syempre naman"

Matapos naming kumain ay nagpaalam na ako dito. Dahil aplekante pa lang ako ay maaga akong pumunta sa building na pag-aaplayan ko na itinext sa akin ng aking kustumer.

Kabado ako habang nakapilang nakaupo at naghihintay na matawag ang pangalan ko. Ngunit lahat ng kaba ay nawala ng maala-ala ko ang mga turo sa akin ni Jay. Huminga ako ng malalim. Madaming positibong bagay ang ngayong nagsasalimbayan sa aking isipan. Syempre dahil malakas ang backer ko, dahil sa mga bagay na itinuro sa akin ni Jay at syempre ang pagpupursige at determinasyon kong magbago.

Natawag na din ako sa wakas at natapos na ang interview sa akin. At ang resulta....Pasado ako!. Bumalik na daw lang ako bukas para makapagsimula na.

Matapos sabihin sa akin iyon ay masaya akong naglakad palabas ng silid kung saan ako ininterview. Tiyak na matutuwa nito si Jay sa ibabalita ko. Apura akong naglalakad palabas ng biglang may napansin ako. Si Zaldy. Alam kong namamalikmata lang ako. Alam kong hindi siya iyon. Kita ko siyang papasok ng building na pinag-aplayan ko habang ako naman ay papalabas. Napahinto akong bigla kahit pa man alam kong hindi talaga iyon si Zaldy. Dahil wala na siya. "Para sa iyo tong pagbabago ko mahal. Para sa atin. Para sa akin."sabi ko sa sarili habang nakapikit ang mga mata. Pagmulat ko ay wala na siya kaya naglakad na ako deretso palabas.



Itutuloy...

2 comments:

  1. wow.. kakabitin.. tagal ko hinintay pag labas ng chapter na toh.. ehe.. salamat MSOB..

    ReplyDelete
  2. malik-mata o katotohanan?
    guni-guni o realidad?
    tsk!
    mpaglaro ka ingkong, malikot ka mgkwento, mhrap arukin kung anu ba tlaga ang kahahantungan haha
    nice :))

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails