Labintatlong kwento ng pag-ibig, pag-asa at pag-iisa na tumatalakay sa buhay ng isang bading. Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa bawat kilos at galaw ng isang modernong bakla sa panahon ngayon, mga kwentong magpapatibok ng puso ng mambabasa, magpapaisip at magbibigay tuwa literal man o metaporikal. Bagamat ang mga karakter, hindi man laging tama sa mata ng lipunan, ay nagagawa pa ring gumalaw ayon sa sariling kagustuhan ng walang ibang inaapakan.
Inihahandog ng libtong ito ang...
Twenty Eight
by: Bx
Ang buhay ay parang isang bus ride. Minsan mabilis at kung minsan ay mabagal. Minsan ay natatapat tayo sa pangit na ordinary bus na talaga namang nagpapahirap sa atin sa byahe. Minsan naman ay masaya tayong natatapat sa air-conditioned bus at naaenjoy natin ito. Habang tayo ay patuloy na bumabagtas sa kalsada ng buhay ay makakaranas tayo ng mga lubak sa daanan na makakapagpabagal sa ating pag-usad. Sa kabila ng magulo at mabakong byaheng ito ay
makakasabay natin ang ilan pang pasahero na di-kalaunan ay magiging parte na ng ating buhay. Pero paano kung kailangan mo ng bumaba dahil nandyan na ang rutang inaasam mo? Iiwan mo ba sila o lalagpasan mo ang babaan para lang makasama sila hanggang sa dulo ng terminal?
abangan...
No comments:
Post a Comment