Followers

Thursday, October 18, 2012

LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 6




By: INARO


            Medyo sinipag po akong magsulat ngayong week na ito kaya heto po ang chapter 6 na pinost ko ng maaga para pos a inyo. Pasensya na po sa mga nabibitin every chapters kaya naman naisipan kong habaan ng unti itong chapter 6 hehe.


            Gusto ko po sanang magpasalamat kila  kuya mike at dark ken for giving me an opportunity to write in their blogs. At salamat kila Ericka, patryckjr, caranchou, Darkboy13, robert_mendoza , iChaenix, Frostking, diumar, ThiSisMe at sa mga anonymous readers natin... sa inyo po ako humugot ng inspirasyon na pagandahin ang story ko kaya wag po kayong magsawang mag comment mapa good or bad reactions man ayos lang po yan.


            So guys sit back, relax and spread your love. 

--------------------------------------------------

LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 6


January 2010, 4:35pm



            Parang may kakaiba sa kwento ni Jek-jek, kasi napansin ko sa tuwing mababanggit nito ang pangalan ni Ton-ton parang kumikislap ang mga mata niya kasabay ang isang matamis na ngiti. Parang alam ko na kung saan patungo ang kwento niya.


            “Ahm…Jek-jek muhka atang espesyal sayo ang Ton-ton na yan..” pahaging ko sa kaniya dahil hnd ko masabi ng diretso sa ang hinala ko.


            Ngumiti nanaman si Jek-jek na para bang tinugon ang hinala ko. Sa pagkakakilala ko sa kaniya noong high school mapili ito sa mga kinakaibigan niya lalo na sa mga babae kasi halos lahat ng babaeng kinakaibigan ay umiibig sa kaniya. Grumadweyt nga kami na wala man lang itong nakarelasyon.


            “His my first love….. Inaro, I’am gay..” nakangiting pag-amin ni Jek-jek.


            Sobra akong nagulat sa rebelasyon niya. Ni sa hinagap hindi ko nakakitaan ng kabaklaan si Jek-jek. Sa kilos o sa salita man hindi mo mahahalata na kasapi pala ito ng federasyon. Andami tuloy tanong ang pumasok sa isip ko.


            “Anong nangyari Jek-jek?....anong nangyari sa mahigit na tatlong taon na nawala ka?” ang naitanong ko sa kaniya.


            His first love and their love story continue….

--------------------------------------------------

March 2006, 10:00 pm, Monday


            “I’m sorry…” mga katagang hindi ko malilimutan na sinabi ni Sir Ton-ton. Mahina man ito pero ramdam ko ang sinseridad.


            Napadilat tuloy ako ng mata, noong una ay inisip ko lang na baka mali ako ng rinig na baka hindi si Sir Ton-ton ang nagsasalita.


            “I’m sorry…” mahinang sabi at pag-ulit ni Sir Ton-ton.


            Doon ko nakumpirma siya ang nagsasalita. Tama ang naririnig ko at hindi ako nabibingi. Mula sa pagkakahiga ay bigla akong tumayo sa higaan upang balingan si Sir Ton-ton at tanggapin ang sorry nito.


            “Wala po yun bo-…” ngunit napahinto ako sa pagsasalita. Alam ko sa mga oras na iyun ay pulang-pula na ang mukha ko sa hiya.


            Nakahiga pala si Sir Ton-ton habang yakap-yakap nito ang nasira kong bag niya at kinakausap. Napatitig sa akin si Sir Ton-ton na magkasalubong pa rin ang kilay.


            “Ano yun?..” iritadong tanong niya sa akin. Naistorbo ko ata ang pakikipag one on one niya sa pobreng bag kaya hayun at nagsusungit nanaman.


            “Ah….eh…..wala…” ang nahihiya kong sabi. Hindi ako maka-isip ng palusot dahil sa sobrang hiya. Agad-agad akong bumalik sa kama at humiga patalikod sa direksyon ng kama ni Sir Ton-ton.


            “Hayz…ano bang nasa isip mo Jek-jek… assuming ka masyado.” Paninisi ko sa aking sarili. Hindi ko naman kasi akalain na yung pagsosorry ni Sir Ton-ton ay para sa bag.


            Pinilit ko na makatulog kahit na ginugulo ni Sir Ton-ton ang buong diwa ko. Sa buong magdamag ilang beses akong pagising-gising sa hindi ko malamang dahilan. At sa tuwing magigising ako ay pinagmamasdan ko si Sir Ton-ton na mahimbing naman na natutulog.



March 2006, 7:10 am, Tuesday



            Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Hindi nga pala ako nakakain ng hapunan kagabi kaya ganun na lang ang gutom ko pagkagising. Bumaba ako sa sala at naabutan ko na nag-aalmusal sila King at Noel. Matapos ko silang batiin ng good morning ay dumiretso na ako sa kusina para magtimpla ng kape at nagluto ng instant noodles.


            Pagkatapos ko magluto ay sumabay na ako kila King at Noel na kumain sa sala.


            “Jek-jek pasensya ka na nga pala sa pinsan ko.” pagbubukas ng topic ni King.


            “Ok lang, wala sa akin yun..” nakangiti kong tugon sa kaniya.


            “Mabait naman si Ton-ton eh, siguro masyado lang niyang  dinamdam yung pagkakasira mo doon sa bag niya….” Sabi ni King.


            Bigla naman akong nagtaka sa sinabi ni King.


            “Ha?....bakit ano bang meron sa bag niya?..”


            “May sentimental value kasi yun kay Ton-ton..” si Noel.


            “Anong sentimental value?..” pagtatanong ko pa.


            “Yung bag kasi na yun ang huling regalo ng tatay ni Ton-ton sa kaniya bago ito namatay…” pagkwento ni King.


            Hindi ko akalain na ganoon pala kahalaga kay Sir Ton-ton ang bag niya. Kaya siguro ito humuhingi ng sorry sa bag kagabi ay dahil nasira ito.


            “At saka alam mo naman kung gaano kasinop at ka-alaga sa gamit si Ton-ton, hanggat maari ayaw niyang may nasisira o nawawala sa mga ito..” dagdag pa ni Noel.


            “Bakit nga pala nagbakasyon si Sir Ton-ton?..” inosente kong tanong kila King at Noel sabay higop ng mainit na kape.


            Sa nakita kong reaksyon sa dalawa ay tila nagdadalawang isip pa ang mga ito kung sasabihin ba sa akin ang dahilan.


            “Okay lang kung ayaw niyong sabihin sa akin…” pag-agap ko sa aking tanong.


            “Ayos lang Jek-jek, basta kung ano man ang malalaman mo huwag mo na lang mababanggit kay Ton-ton ah…” sabi ni King. Tumango ako bilang pagtugon sa sinabi niya.


            “Sobrang malapit iyang pinsan ko sa kaniyang ama. Iniidilo nga niya ito sa lahat ng bagay. Sobrang bait at walang bisyo, kaya lang noong nakaraang taon ay nagkasakit ang ama ni Ton-ton. Nang mapacheck-up nila ito ay malala na pala ang sakit. At noong nakaraang buwan nga ay namatay ang ama niya. Sobrang na depressed si Ton-ton, halos gabi-gabi umiinom ito ng alak at laging nagwawala. Dati kaya pa niyang magpasensiya pero ngayon kahit sa simpleng pagkakamali madali ng mag-init ang ulo niya. Pati nga trabaho niya na apektuhan ng matindi. Kaya naman nag decide ang management ng Pizza Resto na tanggalin si Ton-ton pero hindi pumayag ang manager niyo dahil napakagaling nga naman na supervisor si pinsan. Ang naging resulta, napagpasyahan na lang na bigyan ng two weeks vacation ito. Sa nakita naming sigla ni Ton-ton kagabi mukhang kahit paano ay nakatulong ang bakasyon niya para makapagmove-on sa kamatayan ng ama niya.” Mahabang kwento ni King.


            Sa mga nalaman ko ngayon parang unti-unting nawala ang anumang inis o galit ko kay Sir Ton-ton.


Napatango nalang ako sa mga sinabi nila. Bigla akong nakonsensya sa nangyari sa bag. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang pagkadisgusto sa akin ni Sir Ton-ton. Hindi pala talaga sapat ang paghingi ng tawad, kailangan ko makaisip ng paraan upang makabawi man lang sa kaniya at sa bag.


            Pagkatapos ko mag almusal ay gumayak na ako para sa trabaho. Paalis na ako ng boarding house ng magising si Sir Ton-ton. Tulad ko ay namamaga rin ang mukha niya dahil sa naganap na suntukan kagabi.



March 2006, 9:30am, Tuesday



10am ang pasok ko sa Pizza Resto, samantala 11am pa ang pasok ni Sir Ton-ton. Nangako ako kay Ma’am Akiko na hindi na ako mala-late. Sa ngayon, medyo bad shhot ako sa maganda naming manager kaya kailangan kong magsipag sa trabaho at magpa-impress.


            Nakarating ako sa restaurant, tatlumpong minuto bago ang duty ko. Matapos kong magpalit ng uniform ay agad-agad akong tumungo sa kusina ng Pizza Resto. Tulad kahapon ay nag-observe lang ako habang hinihintay ko ang trainor ko, si Sir Ton-ton.


            Paminsan-minsan ay tumutulong din ako sa mga crewmates namin kapag marami ang order. Busog na busog ang aking mga mata sa mga nakikita ko sa loob ng kusina. Hindi ko nga akalain na mapapasok ako sa ganitong trabaho. Nakakatuwa talagang pagmasdan ang mga crewmates ko kasi mababanaag sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa kanilang ginagawa.


            “Uy Jek-jek, tawag ka sa office ni Ma’am…” tawag sa akin ni Dimples.


            Si Dimples ang isa sa mga masasabi kong ka-close ko na sa Restaurant. Napakabait niya, isa siya sa mga tumutulong sa akin sa mga bagay-bagay na hindi ko alam sa Pizza Resto.


            “Bakit daw Dimples?...” tanong ko sa kaniya.


            “Hindi ko alam eh, pero kausap niya ngayon si Sir Ton-ton..” sagot ni Dimples.


            “Ganun ba, sige salamat…”


            “Ayos lang…ahm…ang cute mo pala kapag may black eye…uso ba yan? Si Sir Ton-ton kasi meron din ahaha..” pagpansin ni Dimples sa aking mukha.


            “Hehehe…nadulas kasi ako sa hagdan…” pagsisinungaling ko sa kaniya.


            “Kawawa naman yung hagdan ahahaha..” pagbibiro pa ni Dimples na talagang ikinangiti ko ng sobra.


            “Hanep, sa hagdan ka pa talaga naawa.” Tampo-tampuhan ko namang sabi.


            “Joke lang, ito naman…hehehe… sige na pumunta ka na sa office.” Natatawa na ring sabi ni Dimples.


            “Sige..” paalam ko sa kaniya.


            Umalis ako sa station namin at dumiretso sa office. Hindi ko namalayan ang oras, dumating na pala si Sir Ton-ton.


            “Sana naman hindi na magsungit sa akin si bossing..” bulong kong hiling sa aking sarili habang palapit ako ng palapit sa office.


            Pagdating sa tapat ng office ni Ma’am Akiko ay kumatok ako agad at pumasok. Pagbungad ko pa lang sa loob ng kwarto ay todo ngiti si Ma’am Akiko pagkakita sa akin pero kabaligtaran naman noon ang makikita kay Sir Ton-ton, walang emosyon ito, hindi nakangiti pero hindi rin nakasimangot.


            “Good morning po Ma’am…Sir..” bati ko sa dalawa. Umupo ako sa harap ng lamesa ni Ma’am Akiko paharap naman sa kinauupuan ni Sir Ton-ton.


            “Good morning din Jek-jek..” nakangiti pa rin si Ma’am Akiko. Wala naman akong nakuhang tugon mula kay Sir Ton-ton.


            “Oh well, I presume you already know each other better as I can see in your face…ahaha..” pagbibiro ni Ma’am Akiko.


            Napayuko naman ako bigla sa sinabi nito. Siguradong may ideya na si Ma’am Akiko kung bakit may black eye at maga ang mukha namin ni Sir Ton-ton.


            “Balita ko magka-roomate na kayo sa boarding house…” dagdag pa ni Ma’am Akiko.


            “Po?..” gulat kong sabi.


            “Sino naman nagsabi sa iyo niyan?..” gulat din na tanong ni Sir Ton-ton.


            “Sa pinsan mo…kay King..” sagot ni Ma’am Akiko na hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi.


            “Kay king?!!..” sabay naming tugon ni Sir Ton-ton.


            “Kilala ni Ma’am si King?..hmmm” sa isip ko lang.


            “Relax guys ok?... ka-txt ko si King kagabi he told me everything, tawa nga ako ng tawa sa kuwento niya..” pahayag ni Ma’am Akiko. Napapailing na lang si Sir Ton-ton sa narinig.


            “Anyway, gusto ko lang sana i-remind na hangga’t maaari ay cease fire muna kayo kapag nandito sa Resto, ist that clear Jek-jek?..” baling sa akin ni Ma’am


            “Yes Ma’am…” sagot ko.


            “How about you babe, is that clear?...” baling naman ni Ma’am Akiko kay Sir Ton-ton.


            “Teka…. Ano raw?... babe?” tanong ko sa aking isip.


            “I heard you babe…” sagot naman ni Sir Ton-ton.


            Sa sagot ni Sir Ton-ton, nakumpirma kong may relasyon sila ni Ma’am Akiko. Kaya pala kilala ni Ma’am Akiko si King dahil nobyo niya ang pinsan nito. Bagay na bagay silang dalawa. Isang gwapo at isang maganda, perfect couple kung baga. Pero sa isang banda, hindi ko malaman kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang.


            “Alright then, back to work guys…” pagkuwan ay sabi ni Ma’am Akiko.


            Tumayo at naglakad ako palabas ng office na para bang kay bigat ng damdamin ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman, para akong nalulungkot sa hindi malaman na dahilan. Ang weird. Gayunpaman nag-focus pa rin ako sa mga tinuturo sa akin ni Sir Ton-ton  sa kusina. Mula sa preparation, cooking, garnishing at serving ng food ay itinuro niya sa akin.


            Sa buong araw ng duty namin hindi man lang nag-abalang makipagkwentuhan sa akin si Sir Ton-ton. Kahit sa iba ko pang crewmates kapag binabati siya ay wala itong reaksyon. Pero hindi ako nagpa-epekto sa kasupladuhan ni Sir Ton-ton dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay makabawi sa kaniya at sa nasira kong bag.


            Nauna na akong umuwi kay Sir Ton-ton matapos ang duty ko. Pagdating sa boarding house ay dumiretso na ako sa kwarto at nahiga sa kama. Marahil sa sobrang pagod ay agad akong nakatulog.           


             Hindi ko makita ang daan dahil  sa mga luhang nag-uunahang lumabas sa aking mga mata. Nakakakilabot ang katahimakan ng gabi, tanging paghikbi at kalampag ng tibok ng aking puso ang aking naririnig. Napakadilim, sa sobrang dilim halos madapa na ako sa aking pagtakbo. Oo, tumatakbo ako sa mga oras na iyon na hindi alam ang patutunguhan.



            Isang lalaki ang humahabol sa akin na may hawak na patalim. Nakakatakot ang kaniyang anyo na tila sinapian ng dimonyo. Ang mga mata ay nanlilisik sa sobrang galit. Galit na galit ito na parang gusto akong katayin tulad sa isang baboy ramo at himay-himayin ang aking kalamnan.



            Sobrang gulo ng pangyayari, hindi ko siya kilala at hindi ko rin maintindihan kung bakit ibig niya akong patayin.



            Pumasok ako sa madilim na eskinita. Huli na ng malaman kong wala na pala akong lulusutan doon. Naabutan ako ng lalaki at palapit na ito ng palapit sa kinatatayuan ko. Natuliro ako sa mga oras na iyon. Gustuhin ko man lumaban ngunit siguradong ako lang din ang mahihirapan. Lumingon ako sa paligid upang makahanp ng kahit katiting na pag-asa ngunit bigo ako. Napaluhod ako at pilit na kinausap ang lalaki. Hindi ko na pinansin ang magkahalong luha at sipon sa aking mukha. Nagmakaawa ako sa kaniya ngunit tila nabingi na ang lalaki.



            Nanlaki ang mga mata ko sa takot ng akmang itutulos na niya sa akin ang patalim.


            “ HUWAAAAAAAG!!!!!” sigaw ko sa katahimikan ng gabi.


            Isa.


            Dalawa.


            Tatlo.



            Hindi ko  na mabilang kung ilang beses bumaon sa aking katawan ang patalim na hawak niya. Napahandusay ako sa eskinitang iyon na puno ng sarili kong dugo. Ilang minuto pa ang lumipas at unti-unting nilamon ng kadiliman ang aking kamalayan.



            Patay na ba ako? Hindi ko alam. Basta nagising na lang ako ng dahil sa isang halik.








-itutuloy



2 comments:

  1. ,nananaginip si Jek jek ..palagay ko si ton ton ang nagligtas kay jekjek mula sa lalaking sumaksak sakanya, yun ung hindi alam ni jekjek, at yun ang magiging daan para mapatunayang mahal sya nito..hakhak mukhang mahaba haba pa to ..keep it up Mr. Author ,

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails