By: INARO
Salamat po sa lahat ng readres ng story ko. Gusto ko lang
po sana humingi ng paumanhin sa mga naguguluhan sa story at nabibitin. Sorry po.
Sana ma-enjoy niyo po itong next chapter na pinaghirapan ko po talaga.
Salamat kila
kuya mike at dark ken for giving me an opportunity to write in their blogs. At salamat
kila Ericka, patryckjr, caranchou, Darkboy13, robert_mendoza at sa mga
anonymous readers natin. Feel free po na mag comment kahit good or bad pa yan
ayos lang.
Sit back,
relax and spread your love guys!!!!
--------------------------------------------------
LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 5
January 2010, 4:30pm
Muntikan
na akong mabulunan sa kinakain kong cake dahil sa kwento ni Jek-jek. Ang
Anthony na boardmate slash roomate niya ay si Sir Ton-ton pala niya na
supervisor slash trainor rin pala niya.
“Small
world diba?...” natatawang sabi ni Jek-jek
“Jek-jek
naman wag mong bitinin sa ere yung kwento, ano na?...anong nangyari nung makita
mo si Ton-ton sa pinto?....” pagpapatuloy ko sa kwento niya.
Hindi ko
akalain na makikinig ako ng husto sa mga sinasabi niya. Halos makalimutan ko na
nga ang dahilan kung bakit ako nag out ng maaga sa work at tumambay sa mall na
iyon. Ayoko munang isipin ang problema ko, gusto ko magfocus sa kwento ni Jek-jek.
“Atat
naman ito masyado… ngiting-ngiti si Sir Ton-ton nung pumasok siya sa loob ng
boarding house…”
I don’t
know why, but suddenly he continue his story with a glow in his eyes….
--------------------------------------------------
March 2006, 8:00pm, Monday
Ngiting-ngiti si Sir Ton-ton nung
pumasok siya sa loob ng boarding house. Gulat naman ang makikita sa muhka ng
mga kaboardmate ko na sila King, Noel, Andrew at Jay-ar. Samantala huminto
naman ang mundo ko sa nagyayari. Halos hindi ako matinag sa aking kinauupuan.
Natatabingan
ako nila Andrew at Jay-ar kaya hindi pa napapansin ni Sir Ton-ton na nandun din
ako sa loob ng boarding house. Hindi ako makapag-isip ng gagawin. Hindi ko alam
kung magtatago ba ako o dali-daling tatakbo sa kwarto para hindi niya ako
makita. Hindi ako makapaniwala na ang Anthony na boardmate at roomate ko ay si
Sir Ton-ton pala na Supervisor ko at trainor ko.
Napansin ko na biglang
lumapit si King kay Sir Ton-ton.
“Pinsan!!!!...” tawag ni King
kay Sir Ton-ton at sinabayan pa niya ito ng yakap at panggigigil. Mukhang close
nga talaga ang mag-pinsan.
“Oh anong nagyari sayo
pinsan?...hehe sobra mo naman ata akong na-miss” nagtatakang sabi ni Sir
Ton-ton.
“Masaya lang ako pinsan kasi
after 2 weeks nakabalik ka na ulit hehe…pati nga sila Noel, Andrew at Jay-ar
na-miss ka rin…diba guys?” baling naman ni King sa iba pa naming kaboardmate.
“Oo Ton-ton na-miss ka
namin.” Sabay-sabay namang tugon ng tatlo.
Lahat sila ay biglang niyakap
at kunwaring hinahalik-halikan pa si Sir Ton-ton. Samantalang ako ay parang
tuod na hindi gumagalaw sa aking pwesto. Pinapanood ko lang sila. Ang saya-saya
nilang tingnan. Halatang marami na silang pinagsamahan. Ibang-ibang Ton-ton
naman ang nakikita ko kumpara sa Ton-ton na nakilala ko sa Pizza Resto. Galak
na galak din itong nakikipagbiruan sa mga kaibigan. Nakisakay na lang si Sir
Ton-ton sa drama ng mga kaboardmate namin, marahil kilala rin niya ang mga ito
sa pagiging kolokoy.
“Teka nga, pinagtritripan
niyo ba ako?..hehe kakaiba ata ang mga kinikilos niyo.” Tanong ni Sir Ton-ton
habang pinipilit na kumawala sa pagkakayakap ng mga kabordmate ko.
“Ito naman, Masaya lang
talaga kami na nakabalik ka na.” si Andrew.
“Oo nga, kamusta naman ang
bakasyon mo?” tanong naman ni Noel.
“Yung pasalubong namin nasaan
na?” sunod naman na tanong ni Jay-ar.
“Pinsan halika dun tayo
magkwentuhan sa kwarto namin ni Noel..” sabi naman ni King sabay hila Kay Sir
Ton-ton papunta sa kwarto niya.
Alam ko ginugulo lang nila si
Sir Ton-ton para hindi mapansin nito na nandun ako. Hinila nila ng hinila sa
braso si Sir Ton-ton pero nanlaban ito.
“Ang kukulit niyo talaga, bukas
na tayo magkwentuhan, pagod na ako at-……” napatigil si Sir Ton-ton sa
pagsasalita ng akmang didiretso na ito pa-akyat ng hagdan papunta sa kwarto
namin ng magawi ang tingin niya sa kinauupuan ko.
Pati na rin ang mga kolokoy
ay napatingin na rin sa akin. Samantalang ako naman ay hindi maisip kung ano ba
ang dapat gawin. Ang masayahing Sir Ton-ton na bumungad sa amin kanina pagpasok
ng bahay ay biglang nagsalubong ang kilay.
“Hi?!...” napapangiwi kong
bati sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko samantalang kaninang
umaga sa Pizza Resto ay kulang na lang murahin ko siya sa sobrang inis.
Kung babasahin mo ang
ekspresyon ng mukha naman ni Sir Ton-ton ay isang malaking Question mark ang
mababasa mo. Binalingan niya ang mga kasama namin sa bahay na may mga tanong sa
kaniyang mga mata.
“Si Jek-jek…. Roomate mo.”
Napapangiting sabi ni King.
Lalo pang naningkit ang mga
mata ni Sir Ton-ton. Siguro kung nakamamatay lang ang kaniyang tingin ay kanina
pa ako bumulagta sa sahig. At ilang minuto pa ang lumipas naganap ang World War
3 sa loob ng boarding house.
March 2006, 9:30pm, Monday
Sobrang gulo ng bahay. Halos
hindi ko na maalala ang iba pang detalye sa mga oras na iyon. Hawak ako sa
magkabilang braso nila Andrew at Jay-ar, samantalang sila King at Noel ay hawak
naman si Sir Ton-ton.
Hindi ko
akalain na ang simpleng aksidente at pagkaka-bunggo ko kay Sir Ton-ton ay aabot
sa sigawan at suntukan. Pareho kaming may black eye at sabog ang labi matapos
ang pakikipagbunuan sa isa’t-isa. Pati sila King, Noel, Andrew at Jay-ar ay
humihingal dahil sa pang-aawat sa amin.
Sobrang taas
ng pride ni Sir Ton-ton, hindi ko alam kung bakit galit na galit ito sa akin.
Kahit ilang beses ata akong mag-sorry ay hindi niya tatanggapin. Kung tutuusin
napaka simple lang naman ng problema namin pinalaki na lang niya ng pinalaki.
“Lumayas
ka…” panduduro pa sa akin ni Sir Ton-ton.
“Alam mo
pikon na pikon na ako sayo eh, kanina sa Pizza resto pinalalayas mo rin ako
tapos palalayasin mo rin ako dito?....aba ang O.A mo naman ata magalit bossing.”
Nagnggigil kong sabi habang pinapahid ang dugo sa gilid ng aking mga labi.
“Hindi
kita gusto….” Paninigaw pa ni Sir Ton-ton sa akin.
Ewan ko
kung bakit, parang sobrang bigat sa damdamin ang huling mga salitang sinabi
niya sa akin. Noong una na ikwento sa akin nila King ang tungkol kay Anthony ay
galak na galak pa ako na makilala ito. Akala ko magkakasundo kami sa maraming
bagay. Nanghihinayang ako na hindi man lang ako binigyan ni Sir Ton-ton ng isa
pang chance para maging kaibigan niya.
Napayuko
ako at pilit na kumawala sa pagkakahawak sa akin ni Andrew at Jay-ar. Hindi ko
napigilan ang mga luhang unti-unting umagos sa aking mga mata.
“Hindi ko
naman pinipilit ang sarili ko na gustuhin mo…. Ang sa akin lang, tao akong
humihingi ng tawad sa ano mang pagkakamali ko sayo, at sana bilang tao
mapatawad mo ako. Hindi ako perpekto Sir Ton-ton hangga’t maari ayoko ng
kaaway. Ayoko ng magulong buhay, pero tulad nga ng una kong sinabi, hindi kita
pipilitin na gustuhin at pakisamahan ako…” matapos kong sabihin yun ay dali-dali
akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto namin ni Sir Ton-ton.
“Jek-jek…”
Narinig
ko pang tinawag ako nila Andrew pero hindi na ako lumingon. Ayokong makita nila
ang pag-iyak ko sa mga oras na iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili, hindi
naman ako iyakin dati. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sobra akong
nalulungkot sa nagyayari. Inisip ko na lang na isa ito sa mga kailangan kong
i-adjust sa bago kong pamumuhay.
Pagpasok
sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama. Hindi na ako nag-abala pang kumain ng
hapunan, maglinis ng katawan o magpalit man lang ng damit. Sobra-sobra na ang
dinanas kong pagod sa araw na iyon. Gusto ko na rin matulog upang makalimutan
ang kung ano man ang problema sa pagitan namin ni Sir Ton-ton. Bago makatulog
ng tuluyan ay nagdasal muna ako sa Poong Maykapal.
“Lord,
nagpapasalamat po ako sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob niyo sa akin,
patawarin niyo po sana ako sa mga kasalan ko at sa mga kasalanang magagawa ko
pa sa hinaharap. Lord, gabayan niyo po sana ako sa mga taong gustong manakit sa
akin. Ipakita niyo po sa akin ang tamang landas upang maiwasan ko ang
magka-sala sa inyo. Lord, sana po pag-gising ko bukas okay na ang lahat.
Salamat po. Ito ay dinadalangin ko sa ngalan ng iyong anak na si Jesus. Amen.”
Saktong
pagpikit ng aking mga mata ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto namin ni
Sir Ton-ton. Hindi na ako nag abalang dumilat pa, baka sigawan lang ako ulit
nito at magbangayan lang kami. Pagod na ako, ayoko ng away. Nakikiramdam ako sa
mga kilos niya. Narinig kong binuksan niya ang cabinet upang magbihis siguro.
Makatapos
niyang magbihis ay nakarinig ako ng ingay sa kama niya marahil ay humiga na
siya. Kahit nakapikit na ang aking mga mata ay hindi ko magawang matulog.
Naririnig ko ang mahihinang buntong-hininga ni Sir Ton-ton sa kabilang kama.
Marahil, tulad ko ay hindi rin ito makatulog. Maya-maya pa ay narinig ko na
lang ang isang awitin na siguro ay nanggagaling sa cellphone ni Sir Ton-ton.
Naaalala mo pa ba
Ang ating unang pagkikita
Noo'y wala pang nadama
Ngunit ngayo'y nagbago na
Dati 'di naisip
Na ikaw ay iibigin
'Di ko pa napapansin
Na sayo'y may pagtingin
Ngunit ngayon sinta biglang nagbago
Ang puso ko'y nagmamahal umiibig sa'yo
Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka
Ikaw lang pala
Dati 'di naisip
Na ikaw ay iibigin
'Di ko pa napapansin
Na sayo'y may pagtingin
Ngunit ngayon sinta biglang nagbago
Ang puso ko'y nagmamahal umiibig sa'yo
Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka
Ikaw lang pala ang pag-ibig na inilaan sa puso ko
At magmula ngayo'y hindi magbabago itong dadamdamin ko
Batid ko na mahal kita
Ikaw pala ang iibigin ko
Kay tagal nang naghintay sa'yp
Mahal ko
Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka
Ikaw lang pala ang pag-ibig na inilaan sa puso ko
At magmula ngayo'y hindi magbabago itong dadamdamin ko
Batid ko na mahal kita
Ikaw lang pala
Nakiramdam ako ng mabuti
matapos ang magandang kantang iyon, hanggang sa narinig kong nagsalita si Sir
Ton-ton.
“I’m
sorry……..” mga katagang hindi ko malilimutan na sinabi ni Sir Ton-ton. Mahina
man ang pagkakabigkas niya pero damang-dama ko ang sinseridad nito.
-itutuloy
,nakakatuwa ..nakakakilig ..sobrang nakaka ..kaso nakakabitin ..hakhak paki habaan po next time Mr. Author ..nice story po ..keep it up.
ReplyDeleteHindi talaga ako mahilig mag-comment, pero napapakoment dahil dito. Ang ganda!
ReplyDelete