Followers

Monday, October 1, 2012

ANNOUNCEMENT PARA SA MGA INTERESADONG MAGING INVESTOR-PARTNERS NG MSOB BOOKS (BUSINESS)


Nais ko pong i-announce na ang MSOB ay gagawin pong isang venture kung saan ang linya ng business ay ang mag-produce, magmarket, at magbenta ng mga books/nobela na katulad ng Precious Hearts Romance ngunit may genre na M2M.

Ako po ang main writer sa mga nobelang ipapasalibro bagamat magpublish din ang MSOB ng mga likha ng mga piling MSOB authors na may potensyal at nagpapakita ng kagalingan sa pagsusulat.

Sa ngayon ay may business permit na po ang MSOB Books bagamat ang libro ko pa lamang ay ang “Idol Ko Si Sir”. At dahil sa kapos sa invetment (dahil may mga obligasyon ako sa taong ito 2012 until later of 2013) hindi masyadong naka-galaw ang MSOB. May isang tao pa lang ang MSOB, isang courier pa lang, on-call pa at walang opisina.

Ngunit kung may sapat lamang sanang capital at may willing maki-partner, siguro ay nakapagsimula na akong magpublish na naman sa sunod kong mga nobela at mga akda ng iba pang piling MSOB writers.

Kaya sa kasalukuyan ay nakabinbin lamang ang aking mga gawa dahil sa kakulangan ng capital. Kung kaya ay ang “Idol Ko Si Sir” pa lamang ang napapaikot ko sa mga National Bookstores sa ngayon.

Bale para sa mga interesado, heto po ang proseso ng business:

1) Mag-produce ng books (ako ang main writer at isasali ang mga piling MSOB writers)

2) Magpa-print sa mga printing press na makakapagbigay ng murang cost (Wala pa kasing sariling printing press ang MSOB)

3. Ibenta ng MSOB ang books sa opisina/shop nito at sa National Bookstores (at piling mga bookstores).
    Pwede ring mag-benta through e-books.

Ang mga paggagamitan ng capital investment ay:

1) Rental para sa opisina/shop

2) Office equipment kagaya ng mesa, cabinets, racks, computer, printer, bond paper, ballpens, pencils, stapler, etc...

3) Pasweldo para sa magdala nito (na may background sa computer at pag edit), laiason/courier at pamasahe sa pagdeliver sa mga outlets ng book stores. Ang mga target na emplyedo ay editor/s, courier, web designer/site Admin.

4) Pagpapa-print ng libro, kasama na ang registration ng copyrights, ISBN, etc.

para sa mga interesado ay maaari po lamang na mag email sa getmybox@hotmail.com

Maraming salamat po.

-Mikejuha-

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails