Kamusta po sa inyong lahat? ^_^
Ayan, una po sa lahat ay salamat sa inyong lahat! ^_^ Nais kong magpasalamat sa pagsubaybay nyo sa aking akda. Nakakatuwang isipin na ang dami sa inyong nagbibigay suporta.
Gusto ko ngayon magpasalamat sa aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^
Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
Blogsite - darkkenstories.blogspot.com
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
Nagulat na lang kami ng may narinig kaming nagsisisigaw mula sa kwarto ni Ryan. Agad kaming nagtatakbo ni Karen. Naabutan naman naming na umiiyak si Ryan at galit nag alit kay Kulas.
“Anong nangyayari dito?!”, pagsigaw ko.
“Umalis ka!!!!!!”, pagsigaw ni Ryan.
“Teka, what’s wrong?! Kulas, ano nangyari dito?”, tarantang usisa ni Karen. Halata naman kay Kulas na di din alam ang nangyayari.
“H-hindi ko alam!!”, tarantang sagot ni Kulas.
“Anong hindi mo alam!! Bat nagalit si Ryan sayo?!!”, sagot naman ni Karen.
Hinila ko palabas ng kwarto si Kulas at pinaupo muna sa sala. Kumuha naman ako ng tubig dahil halata pa din ang pagka shock ni Kulas. Pilit kong tinatanong si Kulas pero tulala lang ito. Hindi nya din daw alam bakit na lang nagalit si Ryan sakanya. Nang humupa naman ang sigawan sa kwarto ni Ryan ay lumabas na din si Karen.
“Nakatulog na ulit si Ryan. Ano bang nangyari…?!”, paguusisa ni Karen.
“H-hindi ko talaga alam. Andre, maniwala ka.”, sagot ni Kulas.
“O-o-k.. Pero baka may nasabi ka na ikinagalit ni Ryan?”, pagsagot ko.
“Teka, teka.. Hon, don’t tell me na sinabi mo kay Ryan ang tungkol kay Larc…?”, kabang tanong ni Karen.
“Of course not!! Bat ko naman gagawin yun!!”, depensa ni Kulas.
“Eh ano nga?!”, medyo inis ko ng tanong.
“I don’t know. Kinamusta ko lang sya kung okay ba sya, tapos sabi nya, okay lang daw sya. Tapos tinanong nya ko kung ano nga ulit pangalan ko. Sabi ko syempre, Kulas. Tapos tinanong nya kung san kami nagkakilala…”
“Oh, tapos?”, tanong naming ni Karen.
“Ta-tapos sabi ko sa school. Nakilala ko sya dahil kay Larc. Dahil parehas kaming basketball player ni Larc… Tapos.. Tapos… OMG. Hindi kaya?!”, tarantang sagot ni Kulas.
“Hindi kaya ano?!”, tarantang tanong ko din. Tumingin sakin si Kulas mata sa mata. Kitang kita ko ang taranta at pagkamangha sa mga mata nya.
“After ko sabihing basketball player ako at barkada ako ni Larc… Do-doon na sya nagalit. Una nakita ko syang parang nag-isip. Tapos nag-iba ichura nya. Yung ichura ng parang nalaglagan ka ng wallet o cellphone. Tapos bigla syang tumingin sakin at doon na nagsisisigaw. Galit na galit, pinapaalis ako.”, sagot ni Kulas.
“What do you mean?”, tanong ni Karen.
“Hindi ko din alam. Pero alam kong hindi permamnent ang amnesia ni Ryan. Doon, nakakasiguro na ako.”, sagot ni Kulas.
“Huh?!”, naguguluhan kong tanong.
“Sigurado ako doon.”, seryosong sagot ni Kulas.
“Paano?!”, tanong ni Karen.
“Ayoko mag assume ha. Pero”siguro” nung sinabi kong tropa ako ni Larc at kapwa basketball player kami………. Baka. Baka lang.. Baka may naalala sya ng di nya sinasadya. Na baka naaalala nya ang mga kagaguhan na ginawa naming sakanya noon.”, sagot ni Kulas.
Nagkatinginan kami ni Karen. Hindi alam kung ano isasagot. Mayroon sa loob ako ang medyo nabuhayan ng loob. Ibig sabihin, may chance nga na maalala pa kami ni Ryan.
“Pare, kung ikwento mo na kaya lahat ngayon sakanya?!”, tanong ni Kulas.
“Hindi. Huwag muna. Hihintayin ko na sya mismo ang magtanong kung anong nangyari.”, seryoso kong sagot.
Nagpaalam na kinahapunan sila Karen at Kulas. Naiwan na lang kami ni Ryan dalawa sa bahay.
Pumasok ako ng kwarto. Nakita ko si Ryan na nakahiga lang. Mukhang nagiisip. Nang makita naman ako ay hindi man lang ito ngumiti.
“Ah, Ryan.. Oras na ng kain. Kain na tayo.”, usal ko. Tumango lang naman ito.
Binuhat ko si Ryan upang iupo sa wheelchair nya. Pagkabuhat ko naman ay dinama ko ang pagkakabuhat ko sakanya. Ito lang uli ang pagkakataon na nahawakan ko sya. Kaya kahit ilang segundo lang ay sinulit ko na.
Dinala ko si Ryan sa lamesa. Hinain ko din ang pagkain para makakain na. Sabay kaming kumain.
Tinitingnan ko lang habang kumakain si Ryan. Hindi ito nagsasalita. Tahimik lang sya. Gusto ko syang kausapin pero sa t’wing gusto ko magsalita ay parang may pumipigil sa loob ko.
“Nagustuhan mo ba ang pagkain?”, pagtatanong ko.
“Oo. Masarap. Ikaw nagluto?”, nahihiya nyang sagot.
“Oo. Ako nagluto nyan para sayo. Pag may gusto kang pagkain, sabihin mo ha. Ipagluluto kita.”, masigla kong sagot.
Hindi sumagot si Ryan. Kumain lang ito at tila may iniisip.
“Pamilyar ang lasa ng luto mo. Ano bang probinsya mo?”, tanong ni Ryan.
“Cavite ang probinsya namin.”
“Ah.. Akala ko kasi… Yung timpla kasi parang sa probinsya namin.”
“Talagang magiging timpla ng inyo yan.”
“Huh? Bakit?”
“Hindi mo man natatandaan pero ikaw ang nagturo sa akin magluto. Kaya siguro nakuha ko ang timpla sa inyo.”, ngiti kong sagot.
Hindi ngumiti si Ryan. Tumango lang ito.
“Busog na ko. Pwede na ba magpahinga?”, medyo malamig na tugon ni Ryan.
“Oo ba. Hintayin mo lang ako sandal, at ililigpit ko lang ito.”, sagot ko.
“Pasensya na ha..”
Pagtapos maghugas ay bumalik na kami sa kwarto ni Ryan.
“Ah, eh.. Ryan…?”, lito kong tanong.
“Bakit?”, tanong din nito.
“Hindi ka ba maliligo?”
“Hah.. Ah eh.”
“Kailangan mo maligo noh. Hindi ka pwede hindi maligo. Baka magkasakit ka nyan. Galing pa din tayo ng hospital kanina.”
“Ah eh.”
Dinala ko si Ryan sa banyo at hinubaran ng tshirt. Natawa naman ako ng bahagya dahil halata ang pagkailang nito. Since hindi pa ito makatayo upang makapunta sa banyo mag-isa ay kailangan ko sya paliguan.
“A..Ako na lang Andre. Kaya ko naman.”, nahihiyang sabi nito.
“Ano ka ba. Nakita ko na naman lahat yan. Ngayon ka pa nahiya.”, pagbibiro ko.
Hindi sya natawa o ngumiti. Para pa nga syang lalo nahiya at nailing. Ako man din ay nailing. I felt like a stranger at isang manyak na naghuhubad sa isang estranghero. Nalungkot ako bigla. Pero part ito ng dapat kong pagdaanan sa sitwasyon ni Ryan. I must bear all of these until his memory comes back.
“Ah.. Ako na lang..”, nahihya nyang sabi sabay pilit na pagtanggal ng tshirt nya magisa.
Wala akong nagawa kundi ang tingnan sya na tanggalin ang tshirt nya magisa. Tinulungan ko sya na tanggaling ang short nya at iniwan lang ang boxers na suot nya at tahimik na pinaliguan sya. Hinayaan kong sabunin nya ang sarili nya sa parteng naiilang syang dampian ng kamay ko.
Nakakalungkot dahil gusto ko syang pagsilbihan mabuti. Pero paano ko magagawa yun kung ang tingin nya sa akin ay isang total stranger? Ni hindi nya maalala ng tama ang pangalan ko.
Matapos makaligo ay hiniga ko na si Ryan sa kama at tumabi na sakanya. Gusto ko syang yakapin dahil sobrang namimis ko na sya. Ngunit pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pagtigilid paharap sakanya.
Nakapatay na ang ilaw at alam kong tulog na si Ryan. Samantalang ako naman ay nakatagilid pa din at nakaharap sakanya. Hindi ako madalaw ng antok ng dahil sa kalungkutang aking nadarama. Sya pa rin naman ang Ryan na aking minamahal pero tila ibang Ryan naman ang tingin nya sa kanyang sarili. Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko.
“Hihintayin kita Ryan…”, pabulong kong sabi.
Nagpatuloy ang ganitong sistema ng magiisang bwan. Kahit pa ngayon na medyo kinakausap kausap na ako ni Ryan kahit papano ay wala pa rin itong natatandaan. Medyo nakakalakad na din ito dahil naging mabilis ang pagrespond nito sa therapy na ginawa sakanya. Total, hindi naman ganun katagal ang pagkakacoma nya.
Mag Iisang bwan na din akong parang umuuwi sa isang bahay na hindi ko matawag na tahanan. May kulang pa din kasi. Hinahanap ko ang Ryan na mahal ko at minamahal din ako.
Simula ng maging okay ng muli si Ryan mag isa sa bahay ay bumalik na akong muli sa trabaho. Total, matagal tagal din akong nawala ay marami ding trabahong dapat asikasuhin. Kahit pa labis ang pagtulong na ginawa ni Aaron sa akin habang nagaalaga kay Ryan ay responsibilidad ko pa rin ang mga ito.
Isang araw ay umuwi ako ng sobrang saya at puno ng excitement.
“Im home…!!”, pagbati ko kay Ryan sabay halik sa noo. Ngumiti lang ito ng bahagya at halata pa din ang pagkailang sa tuwing hinahalikan ko sya o niyayakap.
“Aa-ahh.. Kumain ka na? Maghahain na ko.”,simpleng sagot nito sabay talikod sakin at pumunta sa kusina.
Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa lamesa. Nawala bigla ang saya at excitement na nadarama. Pagkahain ay umupo din ito sa lamesa at sinabayan akong kumain.
“Kamusta araw mo dito sa bahay?”, masigla kong tanong.
“Ok lang.”, simpleng sagot nito. Biglang tumunog ang cellphone nito na agad naman nyang kinuha. Kapansin pansin din naman ang mga ngiti nito ng mabasa ang message.
“Sino nagtext?”, pasimpleng tanong ko. Kahit pa may hula na ako kung sino.
“Ah, si Larc. Ang kulit kasi. Di pa din nagbabago. Kinakamusta ko lang ang araw nya.”, nakangiti nyang tugon habang nakatingin sa cellphone nya at nagrereply.
“ah.. Ganun ba…”, malungkot kong tugon.
Nalungkot akong muli. Ang tagal na kasi nung huling beses na ako ang rason ng mga ngiti nya. Tanggap ko pa sana kung iba, kaso si Larc yun. Ang taong higit na nanakit sakanya ng wala syang kamalay malay.
Ang isa pang masakit doon ay ni hindi man lang nya nakuhang tanungin kung ako ba, kamusta ang araw ko sa trabaho. Mas nauna pa nyang tanungin si Larc.
Mukhang napansin ni Ryan ang lungkot sa tono ng boses ko kaya binaba nito ang telepono sabay tingin sakin. Kita na parang naguiguilty sya sa ichura nya.
“Ah, ikaw pala, kamusta ang trabaho?”, ilang nyang tanong sabay inom ng tubig.
“Pagod. Pero okay na, nakita na kita eh.”, seryoso kong sagot.
“Ah…”, ilang nyang tugon naman.
“Pagtapos mo kumain, iwan mo na lang dyan, ako na magliligpit.”, dagdag nya.
“Hindi na. Ikaw na lang magpahinga. Kaya ko pa naman..”
“Ano ka ba, galing kang trabaho. Kaya ko naman yan.”, sabi nya.
“Ok. Sige, pahinga na ko ha. Pagod eh.”, malungkot kong tugon. Sabay tayo.
“Andre…”, mahina nyang tawag.
“Yes?”, aligaga kong sagot.
Tumayo si Ryan mula sa kinauupuan nya at lumapit sakin. Nagulat na lang ako ng yumakap sya.
“I’m sorry….”, nahihiya nyang sabi.
“Saan?”
“Hindi ko kasi maalala pa rin… Nasasaktan tuloy kita…”
Hindi ako sumagot. Kumalas lang ako sa pagkakayakap nya at hinawakan ang mukha nya gamit ang dalawang kamay ko. Tinitigan ko sya mata sa mata. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Tiningnan nya din ako. Pero ibang iba ang tingin nya. Hindi ko maramdaman sa mga tingin nya ang mga tingin na binibigay nya sa akin noon.
“Sabihin mo lang pag pagod ka na ha…”, malungkot kong sabi. Sabay halik sa mga labi nya. Hindi sya gumalaw. Tumalikod na ako at tinahak ang kwarto.
Pinagpatuloy ko ang pagiyak sa kwarto. Hindi man lang pumasok si Ryan para suyuin ako. Malamang dahil na rin sa pagod ko sa maghapon ay nakatulog na lang pala ako.
Si Ryan…
Isang bwan na ang lumipas. Isang bwan ang nakakaraan ng mangyari ang sinasabi nilang “aksidente” na syang nakapagpagpalimot sa akin sa dalawang taong nakalipas. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala kahit isa.
Hindi din madali para sa akin ang lahat. I’ve been living a life where in may mga taong nakakasalamuha ko na hindi ko kilala ngunit kilala nila ako. At isa pa ay may nasasaktan akong isang tao na dapat ay mahalaga sa buhay ko, Si Andre. Pero paano ko maipapakita sakanya na mahal ko din sya kundi ko sya maalala? Ni hindi ko maramdaman sa sarili ko na mahal ko sya. Mabait sya sakin, kaso sapat na rason ba yun? Lalo na ngayon, na ang alam kong nilalaman ng puso ko ay walang iba kung hindi si Larc…
Kinabukasan ay nagising ako sa tawag ni Andre. Kakaiba ang aura nito ngayon. Maligalig at masayahin ito.
“Good Morning!”, magiliw na bati nito sa akin.
“Good Morning din…”, casual na sagot ko.
“Naghanda na ako ng almusal natin! Tara na at kumain dahil may pupuntahan pa tayo.”, nakangiti nitong sabi.
Nagtataka man ako ay tumayo na ako at bumangon. Medyo nakakalakad na rin ako ng maayos sa ngayon.
Tahimik lang ako habang si Andre naman ay nakatitig sa akin at nakangiti habang kumakain kami ng almusal.
Awkward.
Matapos kumain ay nag ayos na kami para sa sinasabi nyang pupuntahan namin. Mukhang masayang masaya ito habang tinatahak namin ang daan papunta sa lugar na pupuntahan namin.
Maya maya ay tumigil ang sasakyan.
“I’ve been here…”, nasabi ko sa loob loob ko.
Bumaba kami ng sasakyan. Maraming puno, may mga benches, at mga taong naglalakad. Nasa isang parke kami. Tumingin naman sakin si Andre pagkababa. Sa ichura ng tingin nya sa akin, alam ko, ineestima nya kung matatandaan o may natatandaan ba ako sa lugar.
“Anong ginagawa natin dito?”, pagtanong ko.
“Mamamasyal lang.”, ngiti nitong sabi.
Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko. Agad kong kinuha at tiningnan, si Larc. Nangangamusta.
“Ano, tara?”, maligalig pa ding sabi ni Andre.
Naglakad lakad kami sa parke. Pinagmasdan ko ang mga taong na andoon din nung araw na yun. May mga magsyota, mga magkakaibigan, at meron ding mga sol-.. Teka..
Hindi nagsasalita si Andre habang naglalakad kami. Paikot ikot lang kaming naglalakad lakad. Sa hindi ko namang malaman kadahilanan ay kahit pa paulit ulit lang ang nakikita namin ay okay lang sa akin. There is something in this place na panatag ang loob ko. Maliban sa isang spot, t’wing nagagawi kami doon, ay di ko maiwasang bumigat ang pakiramdam. Parang yun yung spot sa lugar na yun kung saan may mali. Parang out of place yung lugar nay un. Pero kung titingnan mo naman ay isang ordinaryong view lang ng isang parke. Hindi ko alam pero parang ang lungkot lungkot doon. Doon sa may isang puno.
Naaliw ako sa parke dahil may mga taong nagrerehearse ng mga sayaw, mga nagmamagic, may mga nagtitinda ng kung ano ano. Nakakatuwang pagmasdan din ang mga batang naglalaro at nagtatakbuhan sa damuhan. Parang walang kaproble problema. Nakakarelax.
Sa pag iikot ikot naming sa buong parke ay may kumuha naman ng atensyon ko. Hindi ko alam ang pakiramdam pero parang magnet na may humihila sa akin papunta sa direksyon na yun.
“Teka…”, biglang sambit ko kay Andre habang naglalakad lakad kami. Nakatingin lang ako doon sa direksyon na pumukaw ng atensyon ko. Dali dali akong naglakad.
Narating ko ang kumuha ng atensyon ko. Nakatitig lang ako. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko. I felt very nostalgic.
“Gusto ko to.”, tanging nasambit ko.
Pagkasabi ko nun ay tumingin ako kay Andre. He looked very happy ngunit namumuo din ang mga luha sa mata nya. Nakatingin sya sakin habang nakangiti at namumugto ang mga mata.
“Oh, sir! Kala ko di kayo bibili ngayon, eh! Kanina ko pa kasi kayo nakikita pero di kayo lumalapit!”, magiliw na sabi ng lalake. Isang manong na nagtitinda ng fishball.
Hindi sumagot si Andre sa sinabi ng manong fishball. Ngumiti lang ito at sinabi ang order namin.
Pagtapos makabili ay umupo kami sa isang bench.
“Okay ka lang ba?”, tanong ni Andre.
“Okay lang. Actually, more than okay. Gusto ko ang lugar na to.”
“Talaga?”, masayang tugon ni Andre.
“Oo. Bat ngayon mo lang ako dinala dito?”, pagbibiro ko sabay subo ng fishball. Ordinary fishball lang, pero bat parang ang sarap sarap sa panlasa ko?
“Masarap ba?”, tanong ni Andre uli.
“OO! Ordinaryong fishball lang naman, pero ang sarap! Kaya naman pala maraming bumibili kay Manong.”, pagtawa ko. Ngumiti muli si Andre.
“Mabuti naman nagustuhan mo.”
Si Andre.
Sa mga naging kaganapan simula ng magpunta kami sa parke na ito ay lumakas ang loob ko na babalik ang ala-ala ni Ryan. Na isang araw matatandaan nya akong muli.
Hinding hindi ko makakalimutan kung paano nya sinabi na “Teka” sabay lakad papunta sa bilihan ng fishball. Somewhere down there, alam ng isip at puso nya yun. Alam ko yun.
“Mabuti naman nagustuhan mo…”, malumanay ngunit masaya kong sabi habang kumakain si Ryan ng fishball. Ang bilis nyang naubos ang kinakain nya.
“Kakain mo ba yan?”, nakangiti nyang tanong habang may sauce pa sa bibig na nakatingin sa fishball ko na hindi ko man lang nagalaw dahil sa pagtitig kay Ryan.
“Sayo na lang.”, nakangiti kong sabi.
“Salamat!!!”, maligalig nyang sagot sabay kuha ng fishball ko.
“Teka…”, pagpigil ko.
Agad kong pinunasan ang sauce na nasa bibig nya. Kapansin pansin naman ang pagkabigla at pamumula nya dahil sa ginawa ko.
“Sa-salamat…?”, nahihiya nyang sabi. Halos matawa naman ako sa loob ko.
“Gusto mo bang malaman kung bat andito tayo ngayon?”, malumanay ngunit medyo seryoso kong tanong.
“Sige ba…!”, sagot nito.
“Pero pag sinabi ko sayo kung bakit, ay kailangan ko na sabihin sayo ang lahat ng nangyari…”, medyo malungkot kong tugon.
Matahimik ng bahagya si Ryan. I sensed sadness and confusion in his eyes.
“Andre…. Hwag na lang muna. Ayoko pa mawala sa isip ko ang pakiramdam na to. Masaya ako ngayon.”, sagot ni Ryan.
“Ayaw mo ba malaman kung ano nangyari?”, seryoso kong tanong.
Tumahimik sandali si Ryan.
Tumingin sa malayo.
Sabay humarap sakin at tiningnan ako sa mata.
“Okay. You may te-…”, sabay hinto ni Ryan. Bigla kasing nagring ang telepono nya.
“Hello? Oh, andito ka na? Ah, osige, basta andito lang kami malapit sa mga.. Hmm.. Basta nakikita ko may mga nagsasayaw na bata. Hah? Oh, sige, bye!”, sabi ni Ryan sa kausap.
“S-sino yun?”, kabang tanong ko.
“Ay, I’m sorry. I hope you don’t mind. Magkikita kasi kami ng kaibigan ko ngayon.”, casual na sagot ni Ryan.
“Sino? Si Karen? Chelsea?”, mas kaba kong tanong.
“There you are.”, sabi ng isang boses. Agad akong napalingon.
“Larc…”
OMG.. this is it.. May the best Man wins.. haba ng Hair...
ReplyDelete