Followers

Sunday, September 23, 2012

Way Back Into Love (Chapter 5)






Rogue Mercado's


Way Back Into Love


Chapter 5


Author's Note:  Thank You sa mga patuloy na sumusubaybay sa kwentong ito at sa muli't muli ay humihingi ako ng pasensya sa mga typo errors na inyong nababasa. Minsan, talagang naguulap lang ang mata ko kakabasa at pag-proofread ng aking naisulat.


If you wanrt to contact me, you could email me at:   roguemercado@gmail.com

_____________________________________________________________________________




"Best Wishes!!!" bati sa kanya ng mga estudyanteng nakakasalubong niya nitong umaga.


Marahil ay talagang na-ibroadcast ang nangyaring mock wedding kahapon sa mga plasma TV sa  unibersidad. Ang weird nga lang ng pakiramdam niya dahil sa halip na lumulutang siya sa saya ay may nakakapa siyang lungkot sa puso niya. Ngunit napapangiti pa rin siya tuwing maaalala ang naganap na kasal kahapon, ang palitan nila ng I do, yung pagsuot ng singsing ni Jake sa kanya at ang nakakabinging palakpakan ng mga tao  matapos ang seremonya. Sa audience, marami siyang nakitang umiiyak marahil ay sobrang nakarelate ang mga ito o naantig sa kasal-kasalan. 



Kinuha niya ang cellphone at pumunta sa contacts menu. He wanted to call the number registered as 'Moks'. Ngunit masyadong takot ang kamay niya para pindutin ang call button. Matapos ang nangyari kahapon ay hindi niya alam kung paano haharapin si Red. Gusto niyang sabihin sa sarili na ayos lang ang lahat, straight si Red at alam nitong boyfriend niya si Jake. Normal lang ang nangyari kahapon at alam niyang suportado siya ni Red dito. Ngunit sa tuwing bumabalik sa memorya niya ang anyo ni Red kahapon ay hindi niya maiwaksi ang isang parte ng isipan niya na nagui-guilty sa nangyari.



Napatigil siya sa harap ng isang bulletin board. Ito marahil ang opisina ng BABAYLAN, isang organisasyon sa loob ng kanilang campus na nagtataguyod sa karapatan ng mga Third Sex. Isang state university ang pinasukan nilang pamantasan kaya hindi maikakailang tadtad ng clubs, organizations, fraternities and sorrorities ang naturang unibersidad. Sila rin ang may pasimuno ng Pink Party kahapon at syempre ang nanguna sa mock wedding. Tiningnan niya ang mga larawan sa bulletin board at sa pinaka gitnang parte nito ay ang larawan ng naganap kahapon. The picture was captioned with "Just Married".



Lihim siyang napangiti, sa larawan kasi naka angkas siya sa likod ni Jake na dala-dala ang mga rosas. Ang isang larawan naman ay nakuha ang eksenang nagsusubuan sila ng cake. The moment was perfect. Sinabayan pa ito ng Way Back Into Love na kanilang theme song. Napadako ang kanyang mga mata sa isa pang larawan, dito naman ay katabi nila ang Pangulo ng BABAYLAN, si Lloyd dela Cruz. Siya rin yung lalaking nagposas sa kanilang dalawa ni Red at nagdala sa venue. Naikwento nito sa kanya na sila ang naging subject ng mock wedding dahil nakita sila as perfect subject noong enrollment. Natatandaan niya rin na magkasama sila ni Red na nagpa-enroll dahil hindi nakasama si Jake. Kumanta raw kasi ito sa isang wedding ceremony kaya nagpasama na lang siya kay Red. Ito rin yung panahon na nabigla si Red dahil nagpalista na rin siya sa mga estudyanteng kumuha ng Conservatory of Music, ang buong akala kasi nito ay sa Nursing department siya pupunta. 



Aalis na sana siya sa kinatatayuan niya ng may pares ng mga kamay na tumakip sa kanyang mga mata.



"Ready for the honeymoon?" boses ng isang lalaki.


"Hon?" 



Unti-unting natanggal ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga mata. Pumihit siya paharap sa pinagmulan ng boses at hindi nga siya nagkamali ng hinala.



"Alam na alam mo talaga ang amoy ko no?" tudyo ni Jake sa kanya.


"Hindi kaya ang gaspang lang kasi" pang aasar niya rin dito



"Paanong hindi gagaspang eh nagkaka-kalyo kamay ko pag hinahawakan mo" pang aasar pa rin ni Jake sa kanya.



"Haha. Adik!" sagot niya dito




Tiningnan niya ng maigi ang kamay ni Jake ngunit wala ang singsing na ibinigay niya rito kahapon sa mock wedding. 



"Ahm.. hon.. yung..." hindi niya natapos ang sasabihin habang nakatingin ang mga mata niya sa kamay ni Jake



"Ah yung singsing ba hon? Tinanggal ko kasi bago ako matulog hindi ko naibalik kahapon" depensa ni Jake



"Ah Ok." matipid na sagot niya.



"Hon mamaya ah" si Jake sabay kindat sa kanya.



"Mamaya ka diyan. Kahit kailan Jake talaga.. Hindi ko na gusto ang takbo ng isip mo. Pekeng kasal lang iyon tapos humihingi ka ng honeymooon!" singhal niya dito at tumingin sa malayo. Hindi kasi siya makatingin ng diretso dito.



"Hon, hindi naman yung honeymoon ang tinutukoy ko eh, yung audition natin sa NASUDI" natatawang sagot ni Jake sa kanya.



Pinamulahan siya ng mukha. Nakakainis lang. Bakit ba kasi honeymoon ang iniisip niya? Mamaya na nga pala ang auditions sa NASUDI ang tanyag na music club sa unibersidad. Pangarap kasi ni Jake na makapasok dito dahil na rin sa naging resulta nga mga dating miyembro nito. Ang NASUDI kasi ang nagsisilbing daan para sa mga estudyanteng magaling kumanta na nagbabalak maging propesyunal sa larangang ito. 



"Pero hon pwede rin naman yung iniisip mo" si Jake ulit na nakangiti ng nakakaloko



Before he can react, Jake pinned him on the wall. Kabadong-kabado siya dahil baka may makakita sa kanila sa ganoong ayos.



"Hon...." singhap niya ng makitang halos dikit na dikit na ang katawan at mukha nila sa isa't isa.




Hindi sumagot si Jake ngunit nakita niyang bumababa na ang ulo nito. He closed his eyes waiting for what will happen next ngunit bigla silang nabulabog ng tumunog ang cellphone ni Jake. 



"Im sorry hon have to take this call" wika ni Jake ng bigla itong kumalas sa pagkakaipit sa kanya sa pader.



Tumango lang siya dahil hindi niya alam ang isasagot dito. Nginitian naman siya ni Jake ng makitang parang kabadong kabado pa rin siya. Lumayo ng konti si Jake mula sa kinatatayuan at dumistansiya upang hindi siya marinig ni Adrian.



"Hello?" bungad ni Jake sa kausap


"Its actually extra ordinary when you always say hello even if you know that Im the one calling" sagot ng babae sa kabilang linya.


Naihilamos ni Jake ang kamay sa mukha ng marinig na naman ang boses ng babaeng iyon. Siguro noon, hearing her voice would be divine pero ngayon para itong musika ng kamatayan. 



"What do you want?" iritableng tanong niya dito



"Jake... Jake... dont be too obvious na parang iritado ka sakin pag tumatawag ako. You wont like it if its my turn to be irritated to you"



"Wala akong panahon makipaglaro sa iyo, sabihin mo na ang gusto mong sabihin"



"Ikaw naman bat masyado kang nagmamadali? dati rati you would beg me to stay on the line while we are having... you know... sex on phone" boses uli ng babae na sinabayan pa nito ng demonyong halakhak



"Just tell me what do you want?"



"I always want you to do the same thing. That fag, Adrian. I just want to make sure that you will do the plan as instructed" 



"What if makipagkalas na lang ako sa kanya and why do I need to do all those things?"



"Because you dont have a choice my dear Jake. I want an epic downfall for Adrian. yung tipong mas gugustuhin niyang magpakamatay kaysa ang mabuhay. You.... Breaking up with him is so elementary. Its only 5% of the actual plan. Of course you will need to break up with him nandun na tayo but wouldnt it be sweet kung mawala lahat lahat sa kanya?"



Mas pinili ni Jake na huwag sumagot. He glanced at Adrian. Nakaupo ito at tinitingnan siya. Nang makita nitong lumingon siya ay ngumiti ito. He looks so innocent, so fragile and so vulnerable. The thoughts of seeing him cry makes him weak. Hindi niya alam ang gagawin sakaling umiyak ito.



"Are you still there Jake? Dont worry makukuha mo na yung ultimate dream mo, you will be part of NASUDI, be famous singer in the University and eventually be a famous singer in the country. Diba yun naman ang gusto mo? You will do aaaanything for fame. At saka unfair naman siguro kung mag ba-back out ka sa contract natin. Besides, nakinabang ka na ng husto sa baklang iyon and I also included my body in the deal."



"Ok. I will do whatever you want. Pero wag ngayon please. Nakikiusap ako" nagmamaka-awang sagot ni Jake and he glanced again at Adrian's direction.



"Jake...Jake.. That is the reason why I called. Start the plan. Break the faggot's heart and that's it we're done'



"Please" hopeless niyang sagot



"No. You need to do it now if you dont want me to shatter your dreams to pieces. Remember, NASUDI."



"Ok." tanging naisagot niya



"Good boy. Galingan mo mamaya ah" at sinundan nito ng tawa ng demonyo



And the call ended. Bumalik siya sa kinatatayuan ni Adrian and he cant even dare to look at him straight in the eyes.



"Hon , may problema ba? Namumutla ka ata?" tanong ni Adrian sa kanya



Nagpakawala siya ng buntong hiniga bago sumagot. "Ok lang hon pressured lang siguro mamaya"



"Hindi ka nag iisa hon, pressured din ako eh" simpatiya nito sa kanya



"Hon.." hindi niya naituloy ang sasabihin



Bakit hon?"



"Payakap naman ako oh." wika niya dito



"Dito hon?" nagaalangang sagot ni Adrian sa kanya siguro ay nagaalalang baka may makakita sa kanilang estudyante gayung nasa hallway pa naman sila.



Truth is, wala siyang pakialam. Gusto niya lang tong mayakap sa pagakakataong iyon.



"Please hon" pagsusumamo niya dito.


Agad naman itong tumalima. At niyakap niya ito ng mahigpit.. sobrang higpit na ayaw na niya itong bitawan. Hirap na hirap na siya sa sitwasyon niya.



"Hon" tawag niya ulit dito habang nakayakap ito sa kanya



"Hmm??" si Adrian.



"Wag ka ng maniwala sa fairytale" sagot niya dito



"Bakit naman hon?" malambing nitong tanong sa kanya habang nakayakap pa rin ito.



"Kasi may mga kwentong ang sarap paniwalaan ngunit sobrang layo sa katotohanan" sagot niya



He was praying that Adrian would react violently. Gusto niyang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya and ask him again what's wrong?. Gusto na niyang sabihin lahat-lahat dito. But Adrian did not dare to move, sobrang higpit pa rin ng pagkakayakap nito sa kanya.



"Ang lungkot nga ng ganun noh, yung tipong pagsapit ng alas dose si Cinderella at si Prince Charming natapos ang pagsasayaw dahil kailangan na ni Cinderella na bumalik sa katotohanan" sagot nito sa kanya na tila itinuring lang na isang biro ang sinabi niya kanina



"Sana nga hindi na tumakbo ang oras ngayong yakap kita Hon. Para hindi na bumalik sa katotohanan si Prince Charming at para hindi na niya masaktan si Cinderella." mahinang bulong niya dito



Kumalas ito sa kanya ngunit ang mga mata ni Adrian ay hindi nagtatanong kundi natatawa.



"Hon naman, parang baliktad naman yata yung sinabi mo ah" natatawang sagot ni Adrian.



Nginitian niya ito. It didnt worked. Gusto na niyang sabihin direkta dito na masasaktan lang siya kapag pinagpatuloy pa nitong mahalin siya. Pero wala siyang lakas ng loob para sabihin dito ang lahat dahil alam niya ang magiging kapalit ng pinaplano niyang pagbubulgar.



"Hon? Umiiyak ka ba?" inosenteng tanong nito sa kanya. Marahil ay napansin nitong namumula na ang mata niya. Tila naman may isang bagay na bumabara sa lalamunan niya sa tuwing makikita niya kung gaano kainosente ito magtanong. Sa tuwing maiisip niya kung gaano ito masasaktan pag unti-unting naisakatuparan ang plano.



Niyakap niya ulit si Adrian. Hinimas niya ang buhok nito  at saka hinalikan sa noo.



"Hon. Lagi mo lang tatandaan na Mahaaaal na Mahal na Mahal kita. Sobra." wika niya dito habang mariin na pinipikit ang mata para mapigilan ang luhang nagbabadyang malaglag.



"I love you too hon" marahang sagot ni Adrian sa kanya.


"Sige na hon. Ihahanda ko na yung minus one natin mamaya sa Auditons" 



"Ok hon kita na lang tayo dun" si Adrian.



Pinagmasdan ni Adrian na lumayo si Jake. Napakasuwerte niya talaga dito, paano kasi sinasakyan talaga nito ang kabaliwan niya lalo na kapag paulit-ulit nitong binabanggit ang salitang fairytale. Hindi nga siya makapaniwala na may lalaking kagaya ni Jake na magmamahal sa kanya. Kaya naman ipinangako niya sa sarili na kung anong kurso ang kukunin nito ay yun din ang kukunin niya at kung anong gusto nito ay yun din ang susundin niya. Kaya kinakabahan man ay pipilitin niyang mag-audition sa NASUDI at kung tutuusin ay pagkakataon na rin niya ito para ipakita niya sa ibang tao ang talento sa pagkanta.




Nagpasya siyang maglakad-lakad ultit at maaga pa naman para sa Auditions ng Club, mamayang 10 pa ito at habang alas 7 pa lang ay sasagap muna siya ng preskong hangin at magmumuni-muni. Napiling piece ni Jake ang The Man Who Cant be Moved ng The Script. Bagay naman dito cause Jake has a husky voice. Ngunit kinakabahan man ay naglakas loob na lang siyang piliing kantahin ang Stronger ni Kelly Clarkson. Nagtaka nga rin si Jake kung kaya niyang kantahin iyon ngunit kumpiyansa naman siya boses niya. May narinig rin kasi siya na mas pumapabor ang director ng NASUDI sa mga pop singer.



Nasa malalim siyang pagiisip ng kakantahin niya ng may narinig siyang sumigaw ng pangalan niya.



"Adrian!!!" boses ito ng babae


Napalingon siya sa direksyon ng boses nakita niya si Sabrina at Red na nakaupo sa isang bench. Nagdalawang isip pa siya kung lalapit o hindi lalo na ng makita niya si Red na nakatitig ng seryoso sa kanya. Napagpasyahan na lang niyang lapitan ang dalawa.




"Adrian!" sigaw ni Sabrina ng makalapit siya sa dalawa. Si Sabrina ang long time girlfriend ni Jake at dito na rin ito nag-aaral.



"Oh Musta Sabrina?" sagot niya sa mainit na pagtanggap nito. Sinadya naman niyang huwag munang pansinin si Red.



"Ay naku ito problemado sa Moks mo.. Paano naman kasi kanina pa yata bad trip. buti na lang nakita kita kasi iiwan ko muna yan may mahalaga lang akong lalakarin baka naman sakaling magsalita na mamaya ngayong makakausap ka na" masayang tugon sa kanya ni Sabrina



Si Sabrina siguro ang pinaka maunawaing girlfriend ni Red. Paano naman kasi eh nasasakyan rin nito ang mood swings ni Red. At kahit naba-bad trip minsan si Red eh hindi nito sinasabayan bagkus ay inuunawa nito ang kasintahan. Kaya naman ng ibinalita ni Red na sila na ni Sabrina ay wala siyang patumpik tumpik pa na nag thumbs up dahil alam niyang si Sabrina ang pinaka perpektong girl friend para sa best friend niya at alam niyang magiging masaya ang dalawa.



"Oo sige ba... Teka san ka ba pupunta?" tanong niya kay Sabrina



"May aasikasuhin lang akong importanteng plano" si Sabrina sabay kindat kay Adrian.



"Ok! hehe. Tiyak magugustuhan yan ni Moks" natatawang sagot niya dito. Binalingan niya ulit si Red ngunit hindi man lang ito ngumingiti at seryoso pa ring nakatitig sa kanya.




"Sige Adrian, maiwan muna kita saglit" pagpapa-alam ni Sabrina sa kanya. 



"Sure" tinanguan niya ito



"Bye babe" nagpaalam si Sabrina kay Red at humalik sa pisngi para namang tuod na walang pakiramdam itong si Red



Humakbang papalayo si Sabrina sa dalawa at dinukot ang cellphone.


"Jake.. Do the plan as instructed. The fag is getting on my nerves" at pagkatapos ay ibinaba niya ang cellphone. Nilingon niya ulit ang dalawa at kumaway kay Adrian, she flashed her sweetest smile to her long time rival.



"Smile until you can bitch"  bulong niya sa sarili habang patuloy na ngumingiti sa direksyon nila Adrian.



9 comments:

  1. Ang daming contrabida sa storya na ito..

    ReplyDelete
  2. Sabi na ehh, si Sabrina un. Anu na lang kaya mangyayari kay Adrian??

    Nice Story! :D

    ~embie24

    ReplyDelete
  3. Kawawa nmn yung 3 mjr charters :((

    ReplyDelete
  4. Ang ganda ng story..Ano kaya nangyari kay Adrian para mabaliw si Red?? Di kaya nagpakamatay si Adrian dahil iniwan sya ni Jake tas masyadong nalungkot si Red kaya nawalan sya ng bait??waahhh I cant wait to know the whole story..Naku..aabangan ko to..Update na please..heheheh

    ReplyDelete
  5. OMG si Sabrina pala ang mastermind.. bwisit na babae...

    ReplyDelete
  6. Ang sarap sabunutan ni Sabrina GrRRrRrrrr :-|

    ReplyDelete
  7. I think si adrian ung nabaliw, wawa naman...........tsk.tsk.tsk

    ReplyDelete
  8. ay alam ko na si adrian un nabaliw, at si sabrina un babae n lagi natawag k jake ang master plan ika nga....but i feel parang nhuhulog n din ata si jake kay adrian or awa lng kaya.....kaya lng panu nla pinapakinabangan c adrian.....lets find out, tnx.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails