Followers

Saturday, September 22, 2012

Munting Lihim [13]

By: Mikejuha
Email and fb: getmybox@hotmail.com

Author’s Note:

Unang-una, gusto kong magpasalamat sa mga bumili ng IDOL KO SI SIR sa Central Book Supply noong nakaraang Manila International Book Fair (MIBF), Sep 12 – 16, 2012. Sold out ang lahat ng Idol Ko Si Sir display at marami pa ang naghanap, hindi nakahabol. Anyway, para po sa mga hindi pa nakabili, either you can buy the book at Central Book Supply, heto po ang link ng list of outlets nila. Or, maghintay na lamang po sa release ng book namin sa National Bookstores within this week na po ang target namin. Ngunit puwede rin po kayong bumili ng book dito sa mga outlets ng publisher ko http://central.com.ph/centralbooks/outlets/.

OPPPPSSSS! As of today, Sep 22, may National Bookstores na po kaming nadeliveran ng IDOL KO SI SIR. Heto po ang mga outlets (Sensya na, isang tao lang ang nagdedeliver, wala pa akong mga tao at walang sasakyan :-):

1) Power Books, SM Megamall, Mandaluyong
2) NBS Shangrila Plaza, Mandaluyong
3) POwer Books, Shangrila, Shaw Blvd.
4) NBS, SM Megamall, Mandaluyong
5) NBS, Best Seller Podium, Ortigas Center
6) Best Sellers, Robinsons Galleria, Ortigas
7) NBS Greenhills, Missouri
8) NBS Greenhills, Arcade

Muli, maraming-maraming salamat po. Sobrang inspired po ako sa nakitang suporta ninyo. At dahil d’yan ay ipursige ko na talaga ang pagsasalibro ng iba ko pang akda upang magkaroon kayo ng kopya ng mga ito, at mapipirmahan ko pa kung sakali. :-)

At speaking of book, malapit na po ang release ng aming MSOB anthology book project. Sampong authors, 14 na kuwento sa pinag-iisang libro. Iba’t-ibang emosyon ang ihahatid namin sa inyo sa librong ito: kilig, saya, lungkot, inis, takot, pagkadismaya, pagtitiis, ngunit puno naman ng pagmamahal, pag-asa, at aral sa buhay. At dahil iba’t-ibang writers ang kalahok nito; makikita ninyo ang iba’t-ibang atake ng kanilang pagsusulat. Excited po kaming lahat, sampo ng mga sponsors sa pagrelease nito.

Michael’s Shades Of Blue Anthology: Love, Paranoia, and Hunger” October 14 po ang aming target release. Ang mga writers ay sina Mikejuha, Dalisay, Rovi, Benedict, Kenji, Patrice, Dhenxo, Lui, Jon Dmur (guest writer), Akosiaris (guest writer). At ang aming mga illustrators ay sina Mimi, Joji, Marlon, Mark, at Patrice. Abangan!

At speaking of book pa rin, gusto kong ipaabot, on behalf of the MSOB Anthology Team ang taos-puso naming pasasalamat sa mga donors na kung hindi sa financial support at inspirasyon na ibinigay nila ay hindi kami makapagpursigeng i-materialize ang project na ito. Napakalaking tulong po ang kanilang generosity na ibinahagi sa amin. Isa silang dahilan kung bakit nabuo ang, “Michael’s Shades Of Blue Anthology: Love, Paranoia, and Hunger” Palakpakan po natin ang ating mga sponsors: Mr. Mister. (Ph) Mr. Gazeebo (Ph), Mr. Dadi J (Ph), Mr. Arvin S. Antolin (Twn), Mr. Blue (Can), Mr. Oliver Allorent (Burm), Mr Ric (KSA), Mr. Patryck (Ph), Mr. Neil Cristian Oleriana, Mr. Ian (KSA), and Mr. Anonymous “B” (Ph). Maraming maraming salamat po sa inyo! Kasama po kayo sa aming tagumpay.

Masaya ko rin pong i-announce na ang MSOB ay kasali na naman sa PEBA contest sa taong ito. Eto po ang entry natin, http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search?q=si+angelo. Kailangan ko po ang suporta ninyo sa:

(2) Boto sa poll (ibigay ko ang link later),
(3) Like at kumento sa fb page (later na rin po ang link).

Sana ay ikampanya natin na makasali ang MSOB sa top 10 na entry. Maraming salamat in advance.

Muli, maraming salamat sa inyong suporta at inaasahan po namin, on behalf of MSOB family ang patuloy pa ninyong pagsama sa amin sa aming mga kuwento, adventure, pantasya, pangarap, at pakikibaka sa mundo ng aming imahinasyon.

More power!

-Mikejuha-

-------------------------------------

Alvin


Kuya Andrei


Brix


DISCLAIMER:
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact getmybox@hotmail.com and the item/s in question will be promptly removed.

------------------------------------------------------------------------

“T-tanggapin mo na please...” sambit niya uli, kitang-kita ko ang pamumutla na niya.

Noong una, litong-lito ang aking isip kung ano ang gagawin. Syempre, nagalit ako sa kanya ngunit hindi ko rin akalain na magagawa niyang putulin ang kanyagn daliri nang dahil lamang sa ganoon. At noong nakita ko pa ang malakas na pagtagas ng dugo galing sa kanyang sugat, doon na ako nataranta.

“M-mauubusan ako ng dugo tol. Tanggapin mo na please...” ang pag-ulit niya.

At sa matinding takot ko, dali-dali kong kinuha ang singsing na kanyang inabot. At halos kasabay rin sa pagkakuha ko sa singsing, bumagsak siya sa sahig.

Tarantang ipinasok ko ang singsing sa aking bulsa atsaka tumakbo sa binatana, nagsisigaw, ang boses ay tila sa isang taong halos puputok ang baga sa matinding pagsisigaw. “Itay!!! Itaayyyyyyyyyyy! Saklolo! Saklolo pooooooo! Mga kapitbahay! Saklolooooooo!!! Itayyyyyyyyyyy!!!”

Wala pang sampong segundo ay nakita kong tarantang nagtatakbo nang pumasok sa kuwarto ang itay. “Anong nangyari?!” Ang tanong niya noong nakita si Kuya Andrei na nakabulagta sa sahig at dumadaloy ang maraming dugo sa kanyang naputol na daliri.

“E-ewan ko...” ang nanginginig kong sagot. Syempre, hindi ko naman puwedeng sabihin na ako ang dahilan at baka maungkat ang mga nangyari.

“Hala! Pulutin mo iyang natanggal na daliri. Manghingi ka ng ice sa kapitbahay o sa tindahan at ilagay ang daliri sa isang tabo o baso kasama ang ice!” ang sambit ng itay sabay hablot ng kanyang damit, pinunit ito at ang mga pilas ay ginawang tourniquet sa bandang pulso ni Kuya Andrei. “At tumawag ka na rin ng masasakyan natin, dalhin natin ang kuya mo sa ospital!” dugtong niya habang inaayos ang tourniquet.

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman. Natakot, nanginginig ang kalamanan, nanghihina dahil sa pagkakita ko ng dugo. Ngunit pilit akong tumalima sa iniutos ng itay. Dali-dali kong pinulot ang putol na daliri ni Kuya Andrei at nagmamadaling tumungo sa kusina upang maghanap ng malagyan nito.

Nailagay ko na ang naputol na daliri ni Kuya Andrei sa isang tabo noong siya namang pagpasok ng inay. “Inay... lalagyan daw po ito ng ice!” ang bigla kong pag-abot ng tabo sa kanya at nagtatakbo na akong lumabas ng bahay nang walang pasabi, hindi na hinintay ang isasagot ng nabigla ko ring ina.

“Saan ka pupunta!” ang narinig kong sigaw niya.

“Maghanap po ng masasakyan, dadalhin daw po sa ospital si kuya Andrei!

Maswerte naman at nakahanap ako ng libreng sasakyan; isang jeep ito ng kapitbahay na ang driver ay may kinuha lang sa bahay nila. Inalalayan ng itay si kuya Andrei upang maisakay sa jeep at noong nakasakay na kami, pinaharurot na ito ng driver.

Pinagitnaan namin ng itay si kuya Andrei na pinaupo sa passengers’ seat. At dahil nanghihina siya, niyakap siya ng itay upang hindi malaglag sa kanyang inuupuan. Ako naman ang humahawak sa kanyang kamy na naputulan ngdaliri, itinaas ko ito upang ang dugo ay hindi lalabas sa sugat habang ang inay at hawak-hawak niya ang tabo na naglalaman ng ice at putol na daliri ni Kuya Andrei. May kasama rin naman kaming tatlo pang kapitbahay na tumulong. Nakaupo sila sa kabilang upuan sa passengers’ seat kaharap namin. Walang imik kaming lahat habang mabilis na pumaharurot ang jeep. HIndi ko alam kung ano ang mga nasa isip nila ngunit ako, naghihina dahil sa sobrang takot at nerbiyos.

Iyon na ang huli kong natandaan. Nag-collapse na rin pala ako. Hindi ko na nakayanan pa ang takot sa pagkakita sa daliri ni Kuya Andrei na nakalagay sa tabo, hawak-hawak ng inay, at sa kalagayan ni kuya Andrei na na hinang-hina, may dugong pang dumadaloy sa kanyang kamay na aking hinawakan.

Noong nanumbalik ang aking malay, nasa ospital na ako, nakahiga sa isang kama.

“Kumusta ka na?” ang narinig kong boses.

Nilingon ko ang pinanggalingan noon. Si kuya Andrei. Magkatabi lang pala ang aming kama sa ospital na iyon.

Saglit ko lang siyang tiningnan. Ibinaling ko ang mga mata sa nakalambiting plastic bags sa lagayang movable na tubo sa gilid ng kama niya. Magkatabing nakalaylay ang dextrose at ang isang plastic bag na may lamang pulang liquid. Alam ko, dugo iyon. At alam ko rin na ang mga liquid na iyon ay nakakunekta sa katawan niya sa pamamagitan ng injection na nakatusok sa ugat sa kanyang kamay.

Bigla na naman akong kinilabutan noong nakita ko ang dugo. Takot kasi ako sa dugo; takot pa sa injection. Kapag nakakakita nga lang ako ng duktor na may hawak-hawak na injection, pakiwari ko ay maduduwal na ako. Kaya noong bata pa ako at dadayo ang mga taga health center sa aming eskuwelahan upang tuturukan ang mga estudyante ng anti-rabbis, anti-tetanus, anti-polio o kung anu-ano pang mga anti, ako ang palaging nangunguna sa pagtakbo palabas ng klase.

Agad kong ibinaling ang aking paningin sa kanyang mukha. Noong tiningnan ko siya, pansin ko ang kanyang pamumutla at panghihina. Binitiwan niya ang isang ngiti. “O-ok ka na?” ang tanong niya muli.

Binitiwan ko ang isa ring ngiti para sa kanya. Ngunit noong biglang pumasok sa aking isip ang eksena ng pakikipaghalikan niya sa kanyang babae, agad ko ring binura ang ngiting iyon sa aking mukha. Nilingon ko ang mga nakaupong tao sa kabilang gilid ng kuwarto. Naroon ang aking inay, ang aking itay at ang tatlong mga lalaking kapitbahay na tumulong sa pagkarga kay kuya Andrei na siya na rin daw tumulong sa pagkarga sa akin sa loob ng ospital. “A-anong nangyari nay?” ang tanong ko.

“Bigla kang nawalan ng malay sa loob ng jeep.”

“Ganoon po ba?”

“Oo. Nanginginig ka, namumutla, at iyon na, bumagsak ka na. Mabuti na lang at naagapan ka ng tatlo nating kapitbahay” turo niya sa tatlong lalaking katabi nila.”

“Natakot kasi ako sa dugo inay... at iyong daliri na natanggal.” ang sagot ko.

“Hayyyy naku Alvin. Hindi ka talaga puwedeng maging duktor o nurse.” sambit ng inay.

Na siya ko namang lalo ko pang ikinaiinis. Narinig ko na naman kasi ang salitang nurse, na siyang kahalikan ni kuya Andrei. “Ayoko naman talagang maging nurse eh! Pangit kaya ang trabahong iyan! Lahat din ng nurse ay pangit eh!”

Na siya namang pagpasok ng nurse at narinig ang aking sinabi, “Hindi naman lahat. Hetong kaharap mo, maganda na, mabait pa.” sabay tawa at hawak sa aking braso para sa blood pressure.

Tawanan.

“Ikaw lang yata ang maganda at mabait miss. Iyang iba d’yan puro na pangit.” sabay irap kay kuya Andre na ngumiti ng hilaw.

Pagkatapos sa akin ay kay kuya Andrei naman nagtungo ang nurse. Kinunan niya si kuya ng ng blood pressure, body rempreature at mga detalye sa kalagayan niya.

“Mag-ingat ka d’yan miss. Killer iyan ng mga nurse.” Sambit ko sa nurse. At talagang inaalaska ko siya.

Napatingin naman sa akin si kuya Andrei samantalang humagalpak sa tawa ang mga magulang ko at ang tatlong kapitbahay.

“Ay talaga? Ganyan din ang type kong lalaki, iyong may killer instinct.”

“Huwag ka... kaya iyan naputulan ng daliri eh. Masyadong malikot.”

Tawanan pa rin sila samantalang si kuya Andrei ay nagtimpi lang. Alam niyang galit ako, at may laman ang biro kong iyon.

Noon gnakalabas na ang nurse ay ikinuwento naman ng inay at itay ang mga nangyari habang nawalan ako ng malay-tao. Nalaman ko na muntik nang maubusan ng dugo si kuya Andrei gawa ng hindi pa siya lubusang gumaling sa mga sugat niya na natamo sa engkuwentro ng mga rebelde, dagdagan pa sa dugo na nawala na naman sa pagkaputol ng kanyang daliri. Napag-alamamn ko rin na tinesting ang dugo ni inay, pati ako habang wala pang malay, pati ang aming tatlong kapitbahay kung puwede silang mag-donate ng dugo para kay kuya Andrei. Ngunit ang dugo lang ni itay ang nag-match kung kaya ay si itay ang donor ng dugo para sa kanya.

Napag-alaman ko rin na naidugtong na ang daliring naputol ni kuya Andrei. Inoperahan daw siya kaagad sa pagdating pa lamang namin sa ospital habang buhay pa ang mga tissues sa kanyang sugat at sa naputol na daliri.

Nilingon ko si kuya Andrei, pilit na inangat niya at ipinakita sa akin ang naidugtong nang daliri sa kanyang kamay at nginitian pa ako.

Ngunit hindi ko pinansin ang ngiti niya. Doon ko pa rin ibinaling ang aking mga mata sa kinaroroonan ng itay at inay. “Ok na yata ako nay eh...” sambit ko sabay balikwas sa higaan at tumayo.

“Ah... oo nga. Ang sabi ng duktor kanina na kapag nagkamalay ka na ay puwede ka nang mag-check out dito kung gusto mo.” wika ng inay.

Tuluyan na akong tumayo.

“O, Andrei... gising na si bunso at nakakapagsalita ka na rin. Siguro naman ay mabigyan mo na kami ng linaw kung bakit naputol iyang daliri mo!” at baling sa akin, “Alvin, ano ba talaga ang nangyari?” tanogn ng itay.

Mistula akong binatukan sa narinig natanong ni itay. Napatingin ako kay kuya Andrei. Syempre, alangan namang sabihin ko na dahil nagalit ako na may kahalikan siyang babae kung kaya pinutol niya ang daliri niya noong hindi ko siya pinatawad.

“Eh... ano po nay...” ang pagsingit ni kuya Andrei. “Nagbibiruan lang kami ni bunso tungkol sa patalim na dala ko. E, nadulas ako at nadiin ang patalim sa aking daliri. Kaya iyon na.”

Hindi na ako umimik. Tiningnan ko na lang ang itay at inay kung ano ang kanilang magiging reaksyon. Ngunit sa loob-loob ko lang, hindi ko napigilan ang magmaktol, “Magaling talagang magsinungaling!”

“Kapitan ng sundalo? Nadulas? Naputol ang sariling daliri?” ang sarkastikong tanong ng itay. Ganoon naman kasi sila kapag nagbibiruan ni kuya Andrei. Parang magbarkada lang.

“E, ganoon po talaga ang aksidente tay. Hindi natin malalaman.”

“Kaya ka pala nabaril ng kalaban. Tatanga-tanga ka!”

Tawanan. Napatawa na rin ng hilaw si kuya Andrei. Parang gusto ko pa ngang isingit ang biro ko sa kanya noon na boy scout lang siya; na hindi siya qualified maging sundalo, lalo na sa ranggong kapitan. Ngunit dahil sa inis ko pa rin sa kanya kung kaya ay tahimik na lang ako.

“O sya... dahil maayos na itong si Alvin, babalik na muna kami sa bukid Andrei. May naiwan kaming mga nakatiwangwang na trabaho.”

“Oo Anderei. Alas tres pa naman ng hapon, babalikan namin ng itay ninyo ang palayan. Nabitin ang aming pag-aani, baka may magnakaw sa mga naani na naming palay. Iligpit muna namin iyon atsaka babalik ang itay  mo o di kaya ako ha? Kung hindi mamaya, bukas.”

“S-sige po nay... tay.” ang sagot ni kuya Andrei. “Salamat po sa pagdala ninyo sa akin.”

“Walang ano man. Mag-ingat ka na sa susunod.”

“Opo inay...”

“At ikaw Alvin, alagaan mo ang kuya mo. Bantayan mo ha?”

“Opo nay!”

Noong kami na lang ang naiwan, “H-alika tol... hug mo si kuya.”

“Hug mong sarili mo!” ang pabalang kong sagot.

“Akala ko ba ay napatawad mo na ako?”

“Napilitan lang ako no! May nalalaman ka pang paputol-putol ng daliri...”

“Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Gusto mo tanggalin ko uli itong naidugtong nang daliri? Sige ka...”

“Arrrrrrggghhh!” ang sigaw ko na. “Bakit ka ba ganyan? Gusto mong kapag namatay ka ako naman ang mapagbintangan?”

“Bakit ba hindi mo ako maintindihan?”

“Paano kita maintindihan? Wala kang sinasabi! Lahat ng mga nakakasakit na bagay ay ginawa mo nang patago! Hindi ba maskit iyon? Hindi ba?!!! Sabi mo mahal mo ako ngunit ganoon ang ginawa mo? Fu** you!”

“Halika... lapit ka sa kuya. Mag-usap tayo”

“Ewan ko sa iyo!”

“Sige na please...”

“Bakit ba! Puwede ka namang magsalita kahit nakahiga ka d’yan ah! Hindi naman ako bingi!”

“O sige, ako na lang ang lalapit sa iyo..” sabay tangkang pagbalikwas sa kama. At syempre, kinakailangan pa rin niyang nakahiga dahil patuloy pa rin ng pagpasok ng intravenous na liquid at dugo sa kanyang katawan. Kung kaya napasigaw siya ng, “Arrggghh!”

Kaya wala na akong nagawa kundi ang lumapit. Ngunit binulyawan ko siya. “Bakit ka ba ganyan!!!” sabay hablot ko sa buhok niya sa sobrang pagkainis at gigil na gigil na inumpog ko ito sa unan niya. Kung hindi lang ako galit sa tagpong iyon, siguro ay natawa na ako sa aking inasta. Imagine, sinambunutan ko pa talaga ang pasyenteng hindi pa nakarecover sa opersyon, at nanghihina pa. At feeling ang sarap talaga niyang sakalain, lalo na hindi pa siya nakakagalaw ng maayos. Pakiwari ko ay puwede kong gawin sa kanya ang lahat.

Hindi naman siya nagalit. Napangiwi ang mukha na tila ba nagpapacute lang, umaarteng nasaktan. “Papatayin mo na yata ako eh.

“Talaga! Kung hindi lang alam ng inay at itay na ako ang nagbabantay sa iyo rito, tatabunan ko na ng unan iyang pagmumukha mo para hindi ka na makahinga.

Natawa siya.

“Hindi ako nagbibiro.”

“Ok... sorry.”

“O nandito na ako sa tabi mo, happy ka na? Magsalita ka na! Tagal!”

Nahinto siya., tinitigan ako at seryosong seryoso na ang mukha. Hindi ko alam kung ano ang laman ng kanyang isip.

Wala akong pakialam.

Maya-maya, nagsaltia siya, “Mahal kita tol... pasensya na, hindi ko sinabi sa iyo.”

At doon na lumabas ang emosyong aking tinitimpi na mistulang isang bulkang sasabog. “Mahal mo ako tapos nakikipaghalikan ka sa isang nurse? Sino ba siya? Bakit may singsing siya na katulad nang sa akin? Ang sabi mo, ako lang at ikaw ang may singsing na ganoon, bakit mayroon siya??? Sinungaling ka!”

“Naintindihan kita tol. Alam ko, nasaktan kita. Kung kaya ginawa na ang lahat upang mapatawad mo ako, upang malaman mo na naghirap din ang aking kalooban.”

“Naghirap ang kalooban. Ganyan ba ang naghirap ang kalooban? Nakikipaglandian? Pinaglaruan mo ako! Sinira mo ang buhay ko! Pinaglaruan mo ang pagkatao ko! Simula noong ginawa mo sa akin iyon, hinahanap-hanap na kita! Ikaw lang ang nagturo sa akin ng mga bagay na iyon. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano kita mahalin. Ikaw ang nagturo sa akin na umasa. Tinimpi ko ang lahat. Tinatago-tago ko sa iyo at sa lahat ng mga tao! Iningatan ko ang lihim na pinaggagawa mo sa akin. Ngunit iba ang isinukli mo!” At doon na ako humagulgol.

“Makinig ka kasi sa paliwanag ko tol, please...” sambit niya habang pilit na inabot ng isa niyang kamay ang aking pisngi.

“Ano pa bang paliwanag ang dapat kong marinig?! Kitang-kita ko ang lahat! May iba kang mahal!”

“Kaya nga makinig ka eh... please?”

Tahimik.

Nagsalita siya. “Una... may aaminin ako. Noong bata pa tayo at pinagawa ko sa iyo ang bagay na iyon? Sa iyo ko unang naranasan iyon. Sa iyo ko rin unang naranasan ang halik. Totoo yan. Kaya kahit kailan, kahit ano ang mangyari, mananatili ka sa aking isip. At walang ni ano mang bagay na maaring makabura nito. Unang natikman ko ang mga bagay na iyan... sa iyo. Kaya kung ikaw, hinahanap-hanap mo ako, ganoon din ako tol; hinahanap-hanap ko rin ang mga nangyaring iyon sa atin...” nahinto siya nang sandali. “A-alam ko... mali. Mali ang lahat na iyon na pinapagawa ko sa iyo simula noong bata ka pa. P-patawarin mo ako sa napakalaking pagkakasala ko. Noong panahon na iyon, hindi ko pa naramdaman ang epekto noon sa iyo at sa akin dahil para sa akin, isang bahagi lamang ito ng aking kabataan, ng ating kabataan, ng ating kamusmusan. Ngunit noong nagkita tayong muli, naramdaman ko na. Alam kong naghahanap ka rin, alam kong m-minahal mo na ako. At doon na ako nagsimulang makaramdam ng guilt. Naawa ako sa iyo, lalo na noong hinabol mo ako sa bus at kahit tama lang ang pamasahe mo ay sinundan mo ako, hindi mo na naisip kung makakabalik ka pa ba, kung makakakain ka pa sa kapiranggot na perang natira. Kahit nga ang pagkamahiluhin mo ay nilabanan mo, mahabol mo lang ako. At doon ako tinablan ng awa sa iyo. At simula sa naramdaman kong awa sa iyo, sumibol din ang kakaibang damdamin. Palagi nang sumisingit sa isip ko ang larawan ng mukha mo, lalo na iyong huling eksena ng paglayo natin sa terminal kung saan ay umiiyak ka. At doon ko naramdamang... mahal na rin kita, hindi bilang bunsu-bunsuan, kundi bilang isang kasintahan... Totoo iyan. walang halong biro. Ngunit narealize kong mali pa rin. At ang puno’t-dulo ng lahat ay ginawa kong kamalian sa iyo. Kaya sa puntong iyan ay patawarin mo ako... At tungkol sa nakita mo sa ospital na may kahalikan ako, humihingi rin ako ng patawad. Inaamin ko, mali rin ang ginawa kongiyon. Kung kaya, humuhingi ako ng patawad. At sana ay maintindhian mo. Di ba, wala naman talagang perpektong tao sa mundo? Lahat ay nagkakamali; lahat ay nagkakasala. Unfair naman kung sasabihin mong kung ikaw ang nasa kalagayan ko ay hindi mo magagawa ang isang pagkakamali; Hindi mo kasi naranasan ang maging ako; ang maging nasa katayuan ko, ang dumanas sa hirap na pinagdaanan ko. Kagaya mo, hindi rin kita maaaring sisihin sa mga desisiyon mo sa buhay; dahil ikaw lamang ang nakaranas sa mga pinagdaanan mo; ikaw lamang ang nakakaalam sa tindi ng sakit na naidulot nito sa buhay mo. Ang tanging magagawa ko lamang para sa iyo ay ang intindihin ka, unawain, susuportahan. Kaya sana ay unawain mo rin ako, intindihin. Nagkasala man ako, heto, humihingi ako ng patawad.”

Hindi pa rin ako umimik. Tahimik lang akong nakinig sa kanyang mga sinasabi.

“Noong nagsimula kong maramdaman ang kakaibang damdaming ito sa iyo, matindi ang tama nito sa aking isip. Naguluhan ako sa aking sarili. Kasi, Lalaki ako, ngunit iba ang naramdaman ko. Alam kong mali dahil imbes na ako ang magturo sa iyo sa tamang landas, hindi ko rin nakayanang labanan ang tawag ng aking damdamin. Patuloy kitang ginalaw, at tinuruan pa ng kung anu-ano. Labag ito sa aking konsyensya. Ngunit mas malakas ang hatak ng pagmamahal ko sa iyo. Ito ay sa kabila ng aking pangarap na magkaroon ng pamilya, asawa, anak na siya ko ring pangarap para sa iyo. Hindi ko talaga alam ang aking gagawin tol. Ngunit hinayaan ko lang ang aking sariling pagbigyan ka at ang aking damdamin para sa iyo, iniisip na daratng din ang araw na magsawa ka sa akin, at kaya ko nang labanan ang sariling naramdaman.”

Tahimik.

“Dumating si Ella. Isa siyang sundalong nurse. Alam ko, may pagtingin siya sa akin ngunit hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Isang araw habang nagpapatrol kami sa isang bundok nitong nakaraang tatlong buwan lang, inambush ang aming grupo. Napatay ang lahat ng kasamahan namin, maliban sa aming dalawa. Upang hindi kami mahanap ng mga rebeldeng humabol sa amin, nagtago kami sa isang kuweba. Doon kami nagtagal, may isang linggo. Dahil may kuta pala ang mga rebelde sa paligid at hindi namin alam ang daan pabalik sa aming kampo. Sa ilang araw naming pananatili sa loob ng kuwebang iyon, m-may...” hindi niya naipagpatuloy pa ang kanyang sasabihin. Tiningnan niya ako at nakita ko ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

“A-ano???” ang tanong ko. May kakaibang naramdaman kasi ako sa paghinto niyang iyon. May kaba, may pag-aatubili. May takot na baka hindi ko magustuhan ang sunod niyang sasabihin. Ngunit gusto ko ring makumpirma na sana ay mali ang nasa sip ko.

“...may nangyari sa amin.”

At doon na ako napahagulgol muli. Hindi ko na nakontrol pa ang aking sarili. Parang gusto kong sumigaw, gustong magwala, gusto kong saktan ang aking sarili.

“Noong nakaraang dalawang linggo, na ambush uli kami. Ewan. Siguro malas lang talaga ako. At sa pagkakataong iyon, natamaan ako sa katawan. Si Ella ang sumagip sa buhay ko. Siya ang nakabaril sa rebeldeng tumira sa akin. Kung hindi niya napuruhan ang bumaril sa akin, malamang na patay na ako ngayon. Noong natamaan na ako, si Ella pa rin ang nagdala sa akin sa kaligtasan. Nagtago muli kami sa isang lungga. Nilagyan niya ng bendahe ang aking mga sugat upang kahit papano ay hindi ako maubusan ng dugo. Ngunit dumaloy nang dumaloy pa rin ito. Kung kaya ay napilitan siyang kargahin ako habang kami ay tumatakas. Imagine, babae siya, at kinarga niya ako para lamang mailigatas ang buhay ko. Hindi niya ako iniwan. Ang sabi niya ay either sabay kaming mamamatay o sabay kaming makaligatas na buhay... Hanggang sa nakita kami ng kapwa namin sundalo at iyon na... nadala na ako sa ospital kung saan mo ako dinalaw.”

Hindi ko lubos maisalarawan ang tunay kong naramdaman sa pagkakataong iyon. Naawa sa sarili, may matinding selos, hindi alam kung kanino ako magagalit. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

“Wala kaming commitments tol. Hindi ko siya pinangakuhan ng kung ano bagamat binigyan ko siya ng singsing. Ang sabi ko sa kanya, na isang tao lang ang may nagmamay-ari ng singsing na kagaya niyan maliban sa akin, ang utol ko. Ang utol ko ang pinakasentro ng buhay ko, ang first love ko, ang inspirasyon ko, ang dahilan kung bakit masaya ako sa buhay... at kung bakit ko bibigyan ng singsing na katulad noon si Ella ay dahil gusto kong kahit hindi man kami magkatuluyan, may alaala siya sa akin, na magpaalala rin sa kanya sa iyo. Tinanong niya ako kung bakit; kung ano ba raw ang mayroon sa ating dalawa. Sinagot ko rin siya na wala. Ganyan ko lang kamahal ang utol ko. At lahat ng malalaking desisyon ko sa buhay ay dapat sumang-ayon siya, dahil kung hindi, hindi ko gagawin ang isang bagay. At sabi niyang ang swerte mo raw. At noong umalis ka sa ospital at hinabol ka niya, umiiyak siya noong nakabalik na sa kuwarto ko. Hindi niya sinabing galit ka pero alam ko, naramdaman ko, na nasaktan siya. Gusto niya kasing maging malapit ang kalooban mo sa kanya, na kaibiganin ka, na mas makilala pa niya. Mabait si Ella tol...” Naphinto muli siya. “Nitong nakaraang linggo, sinabi niya sa akin na... b-buntis sya, magtatatlong buwan. Nagbunga ang nangyari sa amin sa kuweba.”

Mistulang tuluyan nang gumuho ang aking mundo sa aking narinig. At lalo pa akong umiyak, humagulgol.

“P-patawarin mo ang kuya tol...”

Hindi ko siya sinagot. Umiyak na lang ako nang umiyak.

“Mahal kita...”

Hindi pa rin ako umimik. Ibinuhos ko ang lahat ng aking saloobin sa aking pag-iya. Natahimik na lang siya. Marahil ay binigyan na lang niya ako ng pagkakataong maipalabas ang lahat ng aking sama ng loob.

Maya-maya, tila nahimasmasan din ako. Tumayo, naghanap ng tissue at pinahid ang naghalong luha at sipon sa aking ilong, mga mata at pisngi. Naisip ko na wala naman akong magawa talaga kundi ang tanggapin ang lahat. Nangyari na iyon at ano pa ba ang puwede kong gawin. “Ganyan naman siguro talaga kapag nasa ganitong klaseng kalagayan. Mahirap ang umibig sa isang lalaki.” Sa isip ko lang.

Bumalik ako sa kinauupuan ko, sa gilid niya at lakas-loob na binitiwan ang masakit na tanong na, “K-kailan mo balak na pakasalan siya?”

Na kalmante rin niyang sinagot ng, “Wala... wala akong ipinangako.”

“Mahal mo ba siya?”

Hindi siya sumagot. Parang lalo pa akong nasaktan kasi, may kakaibang kutob ako na mahal niya ang babae. At ang nasambit ko na lang ay, “Pakasalan mo siya. Kung desisyon ko lang ang hinihintay mo... gusto kong pakasalan mo siya. Hindi kita hahadlangan.” at hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Sobrang sakit kaya ng mga binitiwan kong mga salita. Bagamat parang normal ko lang itong nasabi, parang mga sibat ang mga kataga nito na tumama sa aking puso.

“Ayoko. Kung magpakasal man ako sa kanya, iyon ay dahil sinabi mo nang maluwag sa iyong kalooban. Hindi ganyan na umiiyak ka. Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapakasal sa kanya.”

“Sinabi mo ba iyan dahil naawa ka sa akin? O sinabi mo iyan dahil iyan talaga ang gusto mo?”

“Iyan ang gusto ko. Hindi ako magpapakasal sa kanya.”

Tahimik. Pinagmasdan niya ang aking reaksyon. Kahit papaano, may naramdaman kasi akong tuwa sa kanyang sinabi.

Maya-maya, “Halika... hug na sa kuya. Na-miss kita. Sobra.”

At doon... dahan-dahan ko siyang niyakap. At pagkatapos, tinukod ko ang dalawang kamay ko sa kama sa magkabilang gilid niya at idinampi ko ang aking mga labi sa mga labi niya. Naghalikan kami habang patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata. Alam ko, may kaagaw na ako sa pagmamahal niya.

Sa buong linggo kong pag-uwi sa probinsya, wala akong ginawa kundi ang alagaan si kuya Andrei. Bagamat may kinimkim pa rin akong sama ng loob sa kanya, pilit ko siyang inintindi. Tama naman kasi ang sinabi niya. Hindi ko siya masisisi sa mga pangyayari sa kanyang buhay dahil kailan man, hindi ko naranasang maging siya, hindi ko naranasan ang hirap na pinagdaanan niya, nila ni Ella. At ang nararapat kong gawin na lang ay ang intindihin siya.

Pagkatapos ng isang linggo, bumalik na naman ako sa syudad kung saan ako nag-aaral. At dahil may tatlong linggo pang natira si kuya Andrei sa kanyang bakasyon, sumama siya sa akin sa siyudad. Hindi niya ako pinauwi ng boarding house. Nagrent kami ng isang villa.

Sa unang dalawang linggo ng aming pagsama sa isang villa ay para talaga kaming mag-asawa. Inaalagaan ko siya, ako ang nagluluto para sa aming pagkain, ako ang naglalaba sa aming mga damit. Sobrang saya ko sa aming estado. Para bang “Wow! Ganito ba talaga ang mag-asawa? Sa hirap at ginhawa ay nagsasama?”

At naramdaman ko, masayang-masaya rin si kuya.

Syempre, hindi nawawala sa eksena si Noah na palaging dumadalaw sa amin kasama si Brix na hindi nahihiyang magparamdam kahit nandyan si kuya, at walang kupas pa rin ang panunuyo. Pero nag-lie low muna ako sa kanya kasi, syempre, nand’yan ang kuya kong mahal.

Si Noah naman ay todo pa-charming kay kuya pero natatawa na lang ako. Hindi naman kasi niya alam na taken na si kuya: sa isang nurse, at pansamantala, sa akin.

“Talaga bang nanligaw ang mokong na iyon sa iyo? Panay ang porma eh. Hindi na nahiya na nand’yan ako sa harap nagpi-flirt sa iyo!” sambit ni kuya patungkol kay Brix.

“Ah, si Brix, pinsan ni Noah. Anak mayaman iyon kuya...”

“Kahit pa anak siya ng presidente, wala akong pakialam. Babarilin ko siya kapag may ginawang hindi maganda sa iyo.”

“OA mo! Iyon iyong nagbigay sa amin ng pamasahe upang marating naming ni Noah ang Mindanao no!”

“Kahit sino pa siya, ayaw kong magpaligaw ka sa kanya, o ni kanino mang lalaki.”

“Bakit ikaw...?” hindi ko na lang itinuloy ang aking sasabihin. Ayaw ko kasing mabahiran ng pag-aargumento ang iilang araw na magkasama kami.

Ganyan kami kasaya ni kuya Andrei sa unang dalawang linggo ng aming pagsasama sa villa. At ang kanyang kalagayan ay mabilis ding bumuti. Pati ang kanyang daliring naputol na naidugtong na ay naigagalaw na rin na halos normal na.

Ngunit noong patapos na ang huling lingo niya, doon ko na naramdaman na minsan ay para siyang tulala, malungkot at tila napakalalim ng iniisip. Tinanong ko siya kung ano ang kanyang problema ngunit wala naman daw.

At doon na sumagi sa aking isip na marahil ang dahilan ng kanyang kalungkutan ay si Ella. Alam ko, mahal niya ito at inisip siguro niyang hadlang lamang ako sa pangarap niya; sa pagpapakasal niya sa kanya, lalo na buntis siya at kung hindi sa akin ay matutupad na ang kanyang sinasabing pangarap na magkaroon ng pamilya.

Sobrang lungkot ko. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip, minsan ay nakatulala rin ako sa school. Minsan ay mapaiyak na lang. “Palapit na ang muling pag-alis niya ngunit heto na naman. Masasaktan na naman ako. Ganito na lang ba palagi? Ganito na lang ba ang buhay ko? Palaging nilalayuan, palaging natatakot kung babalik pa siya, palaging nangangamba kung may iba ba siya?” sa isip ko lang.

At nabuo sa aking isip ang isang desisyon.

Madaling araw sa takdang araw ng pag-alis niya, gumawa ako ng sulat habang natutulog pa siya.



“Dear kuya Andrei. Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga magagandang alaalang ibinigay mo sa akin. Alam mo, kahit may galit ako sa iyo dahil sa mga ginawa at itinuturo mo sa akin noong bata pa ako, aaminin ko, wala akong pinagsisihan. Kahit bigyan pa ako ng pagkakatong ibalik ang nakaraan, gusto ko pa ring ikaw ang maging kuya ko at papayag pa rin akong gawin mo pa rin sa akin ang ginawa mo. Di ba sabi mo, wala naman talagang perpektong tao sa mundo. Naniwala ako. Ang lahat ng mga nangyari sa ating nakaraan ay bahagi na ng ating ngayon, ng aking pagiging ako. Marahil kung iba ang kuya ko o iba ang pagtrato ng kuya ko sa akin sa nakaraan, alam ko, may mga mali pa rin doon dahil hindi nga perpekto ang tao. Maaaring isa siyang kuya na nambubugbog sa akin, isang kuya na walang pakialam sa akin, isang kuya na hindi ko maramdaman. At dahil ikaw ang naging kuya ko, sobrang proud ako. Napakaswerte ko na naging kuya kita. Inaaalagaan mo ako, minahal, hindi mo ako pinabayaan. Ang mga bagay na iyan ang tumatak sa aking isip. Kahit sa aking pagtanda, iyang mga magagandang bagay na iyan any palagi kong maaalala sa iyo.

Ngayon, malaki na ako. Sabi mo noong unang pag-alis mo patungo ng Maynila, na ang pag-alis mong iyon ay dahil kailangan mong matuto, hanapin ang mga bagay na makapagbibigay sa iyo ng magandang opotunidad, kaalaman, at pagkakataon sa buhay. At ang dahilan kung bakit hindi pa ako puwedeng umalis sa atin ay dahil katulad pa lang ako sa isang inakay na dapat ay nasa isang pugad lamang, inaalagaan, pinapakain ng mga magulang na ibon kasi… hindi ko pa kayang lumipad at kulang pa ang aking kaalaman sa paglipad sa malalayong lugar. Ngunit kapag lumaki na ako, wala na rin akong choice kundi ang lumisan sa aking pugad, lumipad, lumaya...”

Pareho na tayong malaki, kuya. Mas malawak na ang aking kaalaman. Kaya ko nang tumayong mag-isa, at humarap sa mga hamon sa buhay. Hindi na ako isang inakay na katulad ng sinabi mo. Marunong na akong gumamit sa aking mga pakpak upang maabot ang lugar na gustong kong marating. At... gusto ko na ring lumaya. At ikaw rin, dapat ay makalaya na. Kaya gusto kong pakasalan mo si Ella. Huwag kang mag-alala, maluwag sa aking kalooban ang sinabi kong ito. Aaminin kong masakit, sobrang sakit dahil mahal kita; ikaw ang pinakaunang taong nagpatibok ng aking puso. Ngunit ayaw ko ring maging hadlang sa iyong pangarap at kaligayahan. Ganyan naman talaga kapag tunay mong mahal ang isang tao, nakahandang magpraya... Katulad mo, nagparaya ka sa akin. Lahat ng sakripisyo ay ginawa mo, maipakita lang sa akin kung gaano mo ako kamahal. At ito ang dahilan kung bakit sumagi sa isip ko ang desisyong ito; ayaw ko nang magdusa ka nang dahil lamang sa akin. Sapat na sa akin ang maramdamang mahal mo rin ako, Masaya na ako na nalaman galing sa bibig mo mismo na mahal mo ako. At tama ka... isang araw kapag may pamilya ka na at mga anak, baka magkaroon na rin ako ng sarili kong pamilya at mga anak. Sana ay darating ang araw na iyon. Ngunit pipilitin ko kuya, para sa iyo; para sa sinabi mong pangarap para sa akin.

Kalakip pala rito kuya ang singsing na ibinigay mo sa akin. Isoli ko na sa iyo. Huwag mong isipin na masama ang loob ko sa pagsauli ko niyan. Ang gusto ko lamang ay walang kahati sa puso ang magiging kabiyak mo. Kayong dalawa na lang ang may ganyang klaseng singsing sa mundo. Ang tanging ala-ala ko na lamang sa iyo ay ang ating mga lumang litrato. Iyon iyong una mong pag-alis na pitong taong gulang pa lamang ako at ikaw ay 15. Ang paborito ko ay iyong nakakandong ako sa iyo habang niyayakap mo. At least, sa litratong iyon, masasabi kong aking-akin ka lang. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit “Old Photographs” ang kantang gusto mong theme song natin; dahil ang litrato, sa paglipas ng panahon ay hindi nagbabago, hindi sumusunod sa agos ng panahon, nanatiling salamin ng nakaraan. Doon, akin ka lang. Doon, malaya kitang mahalin... At huwag kang mag-alala, manatiling iingatan ko an gating munting lihim...

Kapag may plano na kayo kuya, i text mo lang sa akin ang petsa ng inyong kasal. Gusto kong ako ang magiging best man mo. Promise, pipilitin kong huwag umiyak...

Ang iyong mahal na bunso, -Alvin-

PS. Sa paborito nating fm station, nagpadala ako ng request ng theme song natin. Marahil ay nasa bus ka na at nagbibiyahe kapag ipinatugtog iyon. Alas 11 ng umaga kasi ang alis mo di ba?” 

Noong natapos na ako sa aking sulat, pinagpag ko ang papel at pinahid. Napatakan kasi ito ng aking mga luha. Pagkatapos, tinupi ko na ito at lihim na isinilid sa bulsa ng kanyang knapsack

Alas 10 ng umaga, nasa terminal na kami. Sa pagkakataong iyon, pilit kong nilakasan ang aking loob at nilabanan ang sarili na huwag umiyak, na huwag magpakitang nalungkot ako. Tila doble ang sakit na aking naramdaman. Masakit na nga ang paglisan niya, mas masakit pa yata ang pagkukunwari.

“Bye bunso...” ang sambit ni kuya Andrei noong papasok na siya sa umaandar nang bus.

“Bye kuya, mag-ingat ka palagi ah!”

“Oo. At ikaw rin. I love you!” sabay smack sa aking bibig, hindi alintana ang mga taong nakapaligid.

“I love you too, kuya”

At noong papasok na siya sa loob, “Kuya! May note ako sa knapsack mo!” sigaw ko. Ibinaba niya ang kanyang knapsack atsaka kinapa ang bulsa nito, at tuluyan nang pumasok.

Eksaktong alas 11 noon gumalis na ang bus. Imbes na dumeretso ako sa boarding house, doon ako pumunta sa plaza. Naupo ako sa bangko sa lilim ng malaking puno ng talisay, nakaharap sa dagat.

Binuksan ko ang fm sa aking cp, at eksaktong, “Let’s hear a message from a certain Alvin Palizo and here it goes, “To my kuya Andrei, salamat sa pagdating ng isang kuya Andrei sa buhay ko. Saan ka man ipadpad ng panahon, hindi ko malilimutan ang mga masasayang alaalang ibinigay mo. Patuloy kitang mamahalin kuya. Ikaw ang lang ang nag-iisang kuya ko, ang nag-iisang mahal ko. I wish you luck, kuya. I wish you love. I wiss you happiness... your Bunso, -Alvin-

“Wow sweet naman ng magkuya!" sambit ng DJ ng FM station. "And here’s your song Alvin for your kuya Andrei –"

Hinugot ko ang aking wallet at binuklat, tinitigan ang paborito kong litrato kung saan nakakandong ako kay kuya Andrei habang yakap-yakap niya ako. Pareho kaming nakangiti, larawan ng isang pagkakataon sa aking buhay kung saan tila pag-aari ko ang mundo.

At habang tumugtog ang kanta, patuloy ko itong tinititigan, pilit na binalikan sa isip ang nakaraan. 


Yesterday I felt the wind blowing 'round my shoulder
Feel like I'm getting older
Still I can't forget your face

Separated by a million miles of ocean
My heart still feels emotion
Even in this lonely place

Old photographs and places I remember
Just like a dying ember
That's burned into my soul
Even though we walk the diamond-studded highways
It's the country lanes and byways
That makes us long for home

Lately I just find my mind has turned to dreamin'
Making plans and scheming
How I'm gonna get back home

But deep down inside I know it's really hopeless
This road I'm on is endless
We climb our mountains all alone

Old photographs and places I remember
Just like a dying ember
That's burned into my soul
Even though we walk the diamond-studded highways
It's the country lanes and byways
That makes us long for home

(Itutuloy)

25 comments:

  1. Sensya na po, maraming typos... spelling errors, hehe. minamadali lang at tinamad nang mag-proofread

    :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Mike, sobrang nakakakaantig ng damdamin ang nobelang ito. Tulad siya ng "Tol I Love You" kung saan may pinaghuhugutang napakatindi at nakapalalim na sugat. Isa pang kinahanga ko dito ay sa lahat ng nabasa kong akdang inilimbag mo, ito ang mayroong pinakamasidhing drama. Sana malimbag rin kasama ng librong ito ang mga nauna mo ng akda gaya ng "Si Utol at ang Chatmate Ko" at ng "Tol... I Love You". Nawa'y sa pagsulat mo ng mas kapanapanabik na mga akda...patuloy na magbigay ng pag-asa, inspirasyon, karunungan at kaliwanag ng isipan para sa sinumang mambabasa. Maraming Salamat!

      Delete
  2. This chapter is the ending of Andrei-Alvin (An-Al)love team. Sa flow ng story, tingin ko no more chance na magkabalikan pa sila.

    Its time for Alvin to move on and start a new life. Kay Brix na lang siya hehehe. Pwede ring ituon na lang niya ang kanyang attention sa kanyang girlfriend at bumuo na rin ng isang pamilya tulad ni Andrei.

    Thanks for update Sir Mike.

    ReplyDelete
  3. sad to say na tama lang ang ginawa ni alvin na mag desisyong bigyang laya ang naramdaman nya para kay andrie... kahit masakit isipin gano man kamahal nya si andrie ay di pede maging sila... may balakid sa kanilang relasyun lalo na at may kaagaw si alvin sa pagmamamahal nya kay andrie yun ay si ella... at may nabuong isang munting anghel... at ang munting anghel na yun ang makapagbigay ng pangarap ni andrie sa buhay nya na magkaroon ng isang tinatawag na pamilya nya..

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  4. Sir Mike.... sobrang nakakalungkot ang chapter na ito.. :((:((:((:(( pero tama na rin ang ginawa ni Alvin kasi if he will keep this up it will be too complicated for the both of them. Kumbaga oras na para mag-move on sila at hanapin ang kanikanilang buhay.. though if ever sila talaga para sa isat-isa then things will just fall into place without forcing them. Malay natin.. :))
    so im a bit excited what will happened next... job well done :)

    ReplyDelete
  5. magkakasakit yta ako s puso sa sobrang emosyon ds chapter npk-dramatic!! no doubt ds one of most fave stories.. ang ganda po tlaga..

    pero teka..8 days left to vote?panu yan lamang prin Andrei-Alvin anung dskarte kya ne otor 2 fulfil d votes of madlang followers..hehehe..panalo kya manok ko sa darating na halalan?? countdown starts..wait and see..

    AtSea

    ReplyDelete
  6. good luck to alvin and andrei, kakalungkot, ang bigat ng chapter na 'to.

    Thanks kuya mike.

    P.S.
    buti na lang naibalik yung daliri. Haha!

    ReplyDelete
  7. sana c andrei at alvin pa rian ang magkatuluyan.. dahil kung cla talaga ang itinadhana walang sino mang makapagpipigil sa kanilang na raramdaman...

    andrei at alvin parin ako

    ReplyDelete
  8. kapag ikinasal na si andrie kay ella dapat wag na lang maging bestman si alvin.... masasaktan lang si alvin...bakan di matuloy kapag ganun... masakit kapag nakita mong ang mahal mo ay ikakasal na sa iba... tama na lang na bigyang laya ni alvin si andrie para sa ikakabuti nilang dalawa...

    aries

    ReplyDelete
  9. the story is kinda great. i can,t hardly wait for the next chapter. good job.

    ReplyDelete
  10. haist grabe kaiyak ito habang binabasa ko ito kagabi nung kakapost lang.siguro kung ako yun ganun din ang gagawin ko hindi lang dahil sa mahal ko sya kundi yun ang tama.haist.

    ReplyDelete
  11. Ganyan talaga...kaylangang may bumitiw upang magbigay ng kaluwagan..para parehong makahinga...at matapos ay makangiti..pero sana maganda ang susunod na chapter...ang bigat kasi eh :)
    -caranchou

    ReplyDelete
  12. hayyy... bakit ganyan ang pag-ibig?

    Ramm

    ReplyDelete
  13. Hindi madali ang magparaya lalo na't may mga bagay na nakasanayan mo na siya lang ang nakapagbibigay. Masakit... at nakakapangulila, ngunit gaya ng madalas sabihin - kung mahal mo ang isang tao o isang bagay ay dapat handa kang magparaya para sa ikabubuti ng mahal mo. Higit dapat ispin mo siya kesa sa sarili mong buhay at kaligayahan. Iyan ang hiwaga ng pag-ibig...

    Alvin - bata ka pa, marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo. Just enjoy your life honey. (tntnt as if totoong nag eexist si Alvin haha)

    ReplyDelete
  14. I think twist heto na ang ng kwento!
    60% Naniniwala akong si Alvin and andrei pa rin ang magkakatuluyan sa hulI! .. :]..
    40% naman na si Alvin and brix ang magkakatuluyan?..

    sana may next na! ...
    wala pa ring Kupas sa ganda idol! gaganda ng lines!
    sana movie naman ang gawin ni idol after ng book! hehe :D
    sure akong patok na patok ang mga gawa mo idol! :]

    ReplyDelete
  15. Masasabing tunay na pagmamahal ang pagpaparaya, gaya ng nabanggit ng ibang nagkomento sa kwentong ito. Bibihira na lang ang mga taong ganito ngayon. Kahit na gaano pa kasakit ito para sa atin pero ito naman ang magpapaligaya sa taong ating minamahal, ito ang nararapat gawin, pagkat hinde matatawag na pagmamahal kung hinde mo hangad ang kabutihan at kasiyahan para sa taong mahal mo....

    - Toffer (charmedboy09) -

    ReplyDelete
  16. ang lungkot naman nito...sana d nalang naramdaman ni Alvin yun

    ang sakit ng nararamdaman nya ngayon..alam ko yun...ang hirap...kahit na kinakaya nya, pero sa kaibuturan ng damdamin nya alam kong masakit at mahirap...

    sana si brix nalang ang pagtuunan nya ng pansin..hehe

    next chapter please..

    ReplyDelete
  17. Chapter 11, 12 and now this(13)...

    Yang huling tatlong chapter na yan ang nagpaiyak saken habang binabasa ko... Lalo na itong chapter na toh(13).. Sabayan pa ng mga sad love song tulad ng "where do broken hearts go", "nagmamakaawa" and "bakit ba minahal kita" na bigla nalang nagplay sa computer ko kahit pa nakashuffle sya.. Kaya tuloy sobra yung emosyon na nakuha ko sa storya...

    Kudos for you Kuya Mike.. Kaabang abang talaga mga gawa mo.. :)

    ReplyDelete
  18. Sir Mike,

    ito tlga ang iniiwasan ko eh...to fall again sa mga kwento mo. sakit na naman tuloy ang damdamin ko. i for one agree kay Alvin. bakit mo kailangan ipaglaban ang isang taong alam mong talunan kana hindi ka pa lumalaban. masakit tlga ang letting go pero if you have to para lang makalipad ka ulit gogogo. i have waited for the continuation of this chapter kahit na alam ko na sa bandang huli masasaktan din ako tulad ni Alvin because i feel the hurt and i believe a lot of your readers symphatizes with me. having true feelings for one another will never change a fact. you can never get used with the feeling of letting go. laging may bahid yan ng pait at sakit na para bang binabalatan ka ng buhay habang may tumutulong suka sa iyong bukas na sugat. hindi ba talaga kayang pagtagumpayan ang laman kapag tapat na pagmamahalan ang pinag-uusapan? napakadaling sumuko kapag alam mong hindi ka kayang ipaglaban eh. pero kapag patuloy kang winawasak ng iyong kahapon at kasalukuyan...isipin mo rin naman ang iyong kalagayan. pinagtaksilan ka na nga...pababayaan mo pa ba ang iyong kinabukasan. I agree with one of the readers and commentator na huwag nalang siyang pumunta sa kasal dahil hindi mo tlga maiiwasang sumariwa ang sakit na dulot ng paghihiwalay. lalung lalu na kung ang isang tao ay hindi lang naging bahagi ng buhay mo kundi isang patay na ugat na mananatili sa katawan mo habangbuhay. napakasarap isipin kapag may tunay na nagmamahalan kahit pa ito ay ipinagbabawal ng mundong ginagalawan. pero napakasakit ring isipin na hindi ito panghabangbuhay dahil lamang sa ligaw na pangangailangan. Sir Mike, pasensya sa aking kapangahasan. subalit ako ay lubahang naapektuhan dahil ito ang aking pinagdadaanan sa kasalukuyan. sana maging daan ito upang ang sakit na aking nararamdaman ay lubusan ng maibsan nang makalakad na muli sa landas ng karaniwan. Maramaning Salamat Sir.

    /james banning

    ReplyDelete
  19. Shades of PNP - PaRaffle Ng Pag-Ibig - And Pag-ibig na wagas... ay mapag-paraya... ako 50-50 ako kahit kanino... nung mabasa ko ang side ni Brix... kung papaano siya lumaban at maipakitang Si Alvin ang tangging dahilan ng kanyang pag-babago... kahanga-hanga pero balik-pag-ibig pa rin ang kasagutan eh... Minahal ni Alvin si Andrei ng buong-buo --- hanga rin ako ke Alvi kasi naging mapag-paraya siya... sana man lang maging makatotohanan.... na hindi na dapat siya ang maging best man sa kasal... para talagang hindi na dapat... sa PNP pa lang - tutol na rin ang kaoooban kona nandoon siya sa kasal(at first - pero at the end nandoon ang flow and continuity ng story) - pero sana dito wag na lang siyang dumating o um-attend ng kasal kung mangyayari man... At least Ke Brix tunay na pag-mamahal at hindi AWA... mahirap ang relasyon ng dahil lang sa AWA... pero ksi... mukhang mas nasasarapan si Alvin ke Andrei ... ha!ha!ha - California Closet - Paano nga pala ang mga nasa ibang bansa na makakabili ng libro? please?

    ReplyDelete
  20. Super doper touch ako sa gawa mo kuya mikeذط..

    Your the number 1..

    ReplyDelete
  21. silent reader lng aku before,., mula ng nakita at nabasa ku etong story ng magkuya,., di man tugma sa nararamdaman ku ngayun,., pero naroon yung pakiramdam na parehas n nramdaman ni alvin na pilit pinakawalan ang taong mahal nya kahit deep inside sobrang sakit,.,,,, T_T

    ReplyDelete
  22. away bati asot pusa sila andrie at alvin pero un ang kwento db,sweet naman talaga ni alvin like they said kahit sobra sakit ng dinaramdam ng kalooban nya tuloy parin ang buhay...
    thanks po,kakamiss lng bc lang kc me....

    ReplyDelete
  23. haaaayy... idol alam mo ang dami ko nang gawa mu ang nabasa ko na, and i must admit, madalas akong ma-carried away... madalas akong na-iinlove, at madalas na ma-heart broken with a span of one day just by simply reading your creations, your stories...

    i am a fan, i used to write stories like this before pero masyado akong nalulungkot, parang malulungkot kasi lagi ang tema ng mga nagagawa ko, pati na rin sa mga poems na nagawa ko na, gumawa nga rin ako ng blog to post them pero binura ko rin dahil halos malulungkot lang yung nilalaman,


    i will send you my story soon, which really happened to me...

    James Villegas - fb dummy account..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails