Followers

Friday, September 21, 2012

Way Back Into Love (Chapter 3)








Rogue Mercado's


Way Back Into Love


Chapter 3

_____________________________________________________________________________



"Music is not a just a utility when you had your stupid break up or when you want to play a song along with your drunkard buddies. Music is a way of expression. Whether your sad, feeling dull, excited, exaggerating, stupid, wants to be a murder or perhaps horny. Music finds a way. Music is an art, literature and science in one. Music contains evolution on how the history has been." mahabang litanya ng propesor nila.



They took Conservatory of Music in a prominent University in their place. Ngayong first year pa lang sila eh wala pa silang majors. Red would like to major in Piano dahil gusto pa nitong hasain ang galing sa pagtugtog nito while Jake would major in Voice. Napagusapan na rin nila ito bago pa sila tumuntong ng kolehiyo.



"Hon anong balak mong kunin pag ka graduate natin" minsang tanong ni Jake sa kanya ng sila ay magrecess.



"Ahm... Hindi ko pa alam hon, ikaw?" tanong niya ulit dito.



"Gusto ko sanang kumuha ng Conservatory of Music hon.. pero mas gusto kong kunin kung anong course ang gusto mo?" seryosong saad nito.



"Huh? Bakit naman hon? Kung ano yung talagang gusto mo then you need to follow your heart"



"Well, alam mong utang na loob ko sa iyo ang lahat kaya natutunan kong kumanta. Ang galing kasi ng voice coach ko"wika ni Jake sa kanya sabay kindat at yakap. Nasa open field sila ng oras na yun at naglatag lang sila ng kapirasong tela para mahigaan.



"Bola!" saway niya dito habang itinatago ang pamumula ng mukha. Noong naging sila kasi ni Jake ay nadiskubre niyang magaling pala itong kumanta. Minsan pag tinatawagan siya nito sa telepono ay kinakantahan siya nito. And unexpectedly, laging "Way Back Into Love" ang kinakanta nito sa kanya.



And when he knew about this hidden talent eh kinumbinsi niya si Jake na sumali sa mga programs. From a single intermission eh unti-unti itong nakilala as "Singing heartrob" lumalakas kasi ang appeal nito kapag kumakanta. Minsan nga eh nagkakanda putol na ang ugat ng mga babae at baklang humihiyaw sa pangalan nito kapag nagsimula na itong kumanta sa entablado.



At siya naman, ayun. Kabilang sa mga audience at kapag napapadako ang tingin nito sa kanya eh bigla itong kikidat at ngingiti ng todo. Pag tapos nito ay pupunta siya sa back stage at siya ang taga dala ng tubig, taga punas ng pawis at taga dala ng kung anong kailangan nito. May isang beses nga rin na hindi ito nag perform sa isang programa nila sa paaralan dahil lang sa hindi siya naka panood. Isa yata yun sa matinding pinag awayan nila. At kapag ganung galit na ito ay tatahimik na lang siya dahil once in a blue moon lang talaga ito magalit.




"Alam mong pagdating sa iyo lagi akong seryoso" giit nito at saka siya niyakap. "Salamat at dumating ka sa buhay ko Adrian. Salamat at totoong may fairytale" pagpapatuloy nito na sinabayan pa ng kaunting hagikhik.



"Hon baka may makakita sa tin" asiwa niyang tugon dahil nasa open field sila at hindi naman yata nararapat na para silang normal na magkasintahan na nag P-PDA lang sa isang beach.



"Hayaan mo sila hindi sila kasali sa kwento natin" pagpupulilit nito na hinigpitan ang yakap sa kanya.



"Hon naman eh" reklamo niya.



"Wala naman tayong ginagawang masama hon diba?" tanong ni Jake sa kanya na kumalas ng konti.



"Eh kasi...." namumula na siya. Sa sobra ba naman kasing titig nito sa kanya.



"Oh baka gusto mo gumawa tayo ng masama hon? haha" makahulugang tugon nito at sinabayan pa ng nakakalokong tugon.



"Nakakapikon ka na Jake Marcos" kunyaring singhal niya dito at tumayo na akmang aalis.




Ngunit mabilis ang mga kamay nito na humila sa kanya para mapaupo siya ulit.




"Aray! ang sakit nun ah" wika niya dito




"Alam mong nagiging Hitler ako hon pag gusto kong gumawa ng masama" kinindatan ulit siya nito at niyakap ng mahigpit.




Kinakabahan siya sa susunod na mangyayari. Paano na lang kung may gawin ito doon at makita ng ibang tao? 



Dahan-dahang bumaba ang ulo nito para tawirin ang munting distansiya sa pagitan nila. Nakapikit ito. Napapikit na rin siya. Nahihintay sa kung anong gagawin nito.




"Moks! Time na. Balik na tayo sa room" biglang singit na Red na hindi niya namalayang nasa tapat na pala nila. Nakangiti itong naka nakatingin sa kanilang dalawa. Nakita naman niyang parang nadismaya si Jake. Ewan ba niya kung magpapasalamat siya kay Red sa panahong ito. Simula nung naging sila eh hindi naman siya nakarinig ng kahit anong pagtutol kay Red. Basta lang ito ngumiti at sinabi niyang masaya siya para sa kanilang dalawa ni Jake.




Dahil sa nakaugalian nilang pagbanggit sa fairy tale na yan eh minsan tinuturing na niyang witch itong si Red. Paano ba naman kasi eh saka lang susulpot bigla yan sa mga panahong nagsasarili sila ni Jake. Pambwisit lang eh. Ngunti sa kabila nito ay hinid niya minamasama ito dahil alam niyang kapakanan lang niya ang iniisip ng matalik na kaibigan.



So ngayon, narito na sila sa isang pamantasan para tuparin ng unti-unti ang kani-kanilang pangarap. Sinabi niyang Conservatory of Music rin ang gusto niyang kunin kahit na may isang parte ng katauhan niya ang gustong maging isang Nurse. Hindi niya alam kung bakit ngunit parang gusto niyang tahakin ang landas na hindi kasama ang musika. Ngunit taliwas sa kagustuhan ay una sa kanyang prioridad si Jake at dahil may alam naman siya sa musika eh yun na rin ang kinuha niyang kurso. 



Ngunit gaya ng ibang mga mag aaral na nakakaranas ng krisis sa kursong pinili nila ay hindi niya maitatangging nag-aalala rin siya sa sariling kapakanan. Gusto kasing mag major in Voice ni Jake at hindi niya ata kakayanin iyon. Siguro nga ay nabiyayaan siya ng boses ngunit hindi siya nabiyayaan ng kapal ng mukha para magpamalas ng galing sa harapan ng libo libong tao.



Ayon sa kaniyang propesor, na siya ring adviser ng NASUDI, grupo ng mga mang aawit. Iniluluwal daw sa kanilang klase ang mga susunod na tagapag tanghal, mga susunod na titingalain sa campus, mga susunod na babansagang the next big thing. Marahil ay totoo, dahil nung acquaintance party lang nila ay nagtanghal sa harap ng mga freshman ang isang graduating member ng NASUDI at para lang talaga itong artistang hinihiyawan dahil na rin sa kalibre ng boses nito. Napag-alaman niya rin na may nag alok na palang kumpanya para kunin itong talent at maging professional singer.



Naputol ang kanyang pagninilay nilay ng may lumapit sa kanyang grupo ng mga lalaking nakasuot ng pink na T-shirt. Kasalukuyan siyang nasa isang bench sa canteen.



"Ikaw ba si Adrian Dela Riva?" tanong ng isa sa kanila. Sa tantiya niya ay senior ito at isa ring binabae. Gayunpaman ay hindi mo mahahalata ito sapagkat napakalalaki itong kumilis. Yun nga lang malakas lang talaga ang pang amoy niya. Call it gaydar. sigaw ng isip niya. Ngunit ang mas malaking katanungan ay kung bakit nito alam ang pangalan niya at anong kailangan nito.



"A... ako... nga po" tugon niyang kinakabahan




"And you are GAY?" tila may halong sarkasmo ang tinig nito



"Yes" maikli ngunit sigurado niyang sagot. When he came out of the closet, he had never been sure in his life like this before. Kaya pinapanindigan niya ang sagot niya sa tanong na iyon.




"Ok great sumama ka sa amin para huwag ka ng masaktan" mabilis na sagot nito at saka siya pintalikod at pinosasan.



"What?" naguguluhang tanong niya ng sunggaban siya ng mga lalaking kasama nito at hawakan sa braso para hindi siya makagalaw. Matapos nun ay  piniringan siya sa mata para hindi niya makita kung saan man siya dadalhin.



"Saan niyo ko dadalhin" mangiyak ngiyak na sigaw niya rito.



"Basta"



At nakarinig siya ng tawanan sa ibat ibang sulok ng school canteen. Is this some kind of a joke? Or perhaps this is what they called bullying in college? tanong niya sa sarili habang lumalakad ng paunti-unti at inaalalayan ng dalawang kamay.



Makalipas ang ilang minuto ay pinahinto siya sa isang lugar. Pakiramdam niya ay parang maraming tao at malamig ang hangin na humahaplos sa kanyang balat.



Unti-unting kinalag ang posas sa kanyang kamay ngunit nanatiling siyang nakapiring ng panyo.




Ok guys, before I proceed I would like to welcome both of you to Pink Party.


Guys? Both? So hindi siya nagiisa dito? Sino na naman kaya tong tulad din niyang nabiktima ng kalokohang ito? sigaw ng isip niya.



"Guys..." agaw atensyon uli ng nagsalita kanina na siya ring hula niya na humuli sa kanya.



"Guys Pink Party is a Gender Sensitivity day which means celebrating the individuality of each student. Kaya naman we are here to witness a wedding as part of this celebration"



What? Wedding? At sino naman kaya ang papakasalan kuno niya?  sigaw ulit ng isip niya. Ngayon alam niyang isa itong mock wedding at ang lahat ay kunwa-kunwarin lang bilang parte ng selebrasyon Pink Party, isang university wide event kung saan ginigising ang indibidwalismo ng bawat kasarian lalo na ang Third Sex.



"Tang ina nyo makawala lang ako dito! lagot kayo sa akin!" boses na ito ng lalaki. Siguro ay gayan rin niya ay basta na lang hinuli tio at piniringan. Tanging mga halakhakan naman ang sinagot ng mga taong sa tingin niya ay nakapalibot sa kanila.





"Easy man! if you dont want this to be hard for both of you and would like to get out of this you need to finish the ceremony" boses ulit ito ng lalaking nagposas sa kanya. Waring kinakausap nito ang lalaking sumigaw kanina.




"So if you want to see what we have prepared for both of you, you can help each other to remove the scarf" pagpapatuloy ng lalaki kanina at iginiya ang mga kamay nila sa isa't isa. Nahahawakan na niya ngayon ang panyong nakapiring sa isang lalaki at ganun din ito sa kanya. Lumakas ang pagtibok ng dibdib niya.



Syet ano ba tong pinasok ko? sigaw ng isip niya. Kanina pa nga siya natuturete kung sino ang lalaking kaharap niya. At dahan dahan ay ibinababa na ng estrangherong lalaki ang panyong nakatabing sa mata niya. Kaya napilitan na rin siyang gumalaw para tanggalin ang panyo na nakatakip sa mata ng kaharap niya. Kasabay nito ay biglang pumailanlang ang isang kanta sa background:




Its a Colbie Caillat Song.



Take time to realize.... that your warmth is crashing down on in


Take time to realize.... that I am on your side didnt I, Didnt i tell you?



At unti-unti ay naaninag na niya ang misteryosng lalaking papakasalan niya.









"Moks?" pagkumpirma ni Red sa kanya.



"Moks?" sabay niyang tanong



Ilang munton rin silang tulala sa isa't isa habang ang mga tao ay nakapalibot sa kanila ay nagkakantiyawan. Lahat ng mga ito ay naka suot ng t-shirt na kulay Pink na may kanya-kanyang tagline lahat ay patungkol sa Gender Equality. Sa harap nila ay isang munting altar at may isang pekeng pari na nakangiti sa kanilang dalawa. Habang patuloym pa rin ang musikang maririnig sa kapaligiran.




If you just realize what I just realized....



Then we'd be perfect for each other...


And we'll never find another ....


Just realize what I just realized ...



We'sd never have to wonder if we missed out on each other now...




Lumapit ang lalaking sa may pakana ng lahat at ibinigay ang bouquet ng rosas kay Red.



"O pre ano pang hinihintay mo, ibigay mo na sa kanya" kantiyaw ng lalaki kay Red.



Dahan dahanng ibinigay ni Red ang bulaklak sa kanya. Naguguluhan man sa nararamdaman ay tinaggap niya ito. 



"O Red anong masasabi mo kay Adrian" bungad ulit ng lalaki.



Kinuha ni Red ang microphone at nagsimulang magsalita.




"Ahm.... Moks.. Hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay ang araw na to. Kahit alam kong pagkatapos nito masasaktan lang din ako" pagtatapos nito.




Namumula ang mga mata ni Red na nakatingin sa kanya samantalang hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsigaw sa sobrang kilig.



"Ok so wag na nating patagalin pa, seems like this is not a mock wedding after all" singit ng lalaki kanina at saka bumaling sa kunwa-kunwariang pari na nasa harap nila. "Father please proceed" pagbibigay senyales nito sa pari.




"Before I start this ceremony, Gustong kong malaman kung may nasasagasaan ba tayong tao dito? At kung sino man ang tutol ay maari ng magsalita at humakbang palapit dito' panimula ng pari na parang totoong kasal ang magaganap.




"Ako!" sigaw ng isang lalaki.





At unti-unting naaaninag ni Adrian ang taong tumatakbo papalapit sa altar.




Si Jake.






Itutuloy.....

5 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails