By: INARO
Email: avanon1988@gmail.com
First,
magpapasalamat muna ako kila ericka,
patryckjr at sa mga anonymous
readers. Tulad po ng laging sinasabi ng mga ibang authors sa inyo po kami
humuhugot ng inspirasyon para pagandahin ang aming kwento at makapagsulat pa
ng maring kwento para sa inyo. Feel free
po na mag-comment its either good or bad ayos lang po yan.
Second, eto
na po ang chapter 2 hehe sa mga susunod na chapter susubukan ko pong ipakita sa
inyo ang larawan ni Jek-jek para po may ma i-picture out kayo kung ano ba ang
itsura ng bida natin hehehe.
Guys hope
na mag enjoy kayo sa chapter na ito. So sit back, relax and spread your love.
---------------------------------------------------
LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 2
January 2010, 4:15pm
Dumating
ang order kong slice cake at espresso. Kasing pait ng kapeng iyon ang nakikita
ko sa mga mata ni Jek-jek habang nagoopen-up siya sa akin. Hindi ko akalain na
ganun kaseryoso pala ang sinsabi niyang problema.
Aaminin
ko na noong una hindi ako masyadong interesado sa kwento niya pero nang
maramdaman ko ang kalungkutan ni Jek-jek ay nakinig na lang ako ng mabuti sa
mga susunod pa niyang kwento.
“Hindi
pala naging maganda ang pagtira sa mga kamag-anak mo Jek-jek.” Pagsimpatiya ko
sa kaniya.
Tumingin
siya sa akin at binigyan ako ng tango bilang pagtugon sa aking sinabi.
“Tapos
anong nangyari?...” tanong ko sa kaniya. Humigop muna ito sa hawak niyang fruit
shake bago ulit nagsalita.
“Gabi na
ng ako ay dumating sa boarding house na tutuluyan ko, sa Dasmariñas…”
pagpapatuloy niya sa kuwento.
And again
I just found myself listening to his story….
----------------------------------
March 2006, Sunday, 7:00pm
Gabi na ng ako ay dumating sa
boarding house na tutuluyan ko, sa Dasmariñas. Nagsimba muna ako upang humingi
ng gabay at tawad sa mga Santo at sa Poong Maykapal. Nakatulong ang pagsimba
kong iyon sa problemang aking hinarap kanina sa bahay ng aking Tita Dely.
Habang
naglalakad hindi ko maiwasan maalala ang sermon ng pari kanina sa simbahan.
“Ang mga
pagsubok sa ating buhay ay nagkakahulugan lang na tayo ay mahal ng Diyos, dahil
kung hindi tayo bibigyan ng problema ng Diyos, ibig lang sabihin nun ay gusto
na niya tayong mamahinga o mamatay na. Kaya lagi niyong iisipin na ang lahat ng
pagsubok na ating haharapin ay may dahilan at alam ng Diyos na kaya niyong lampasan at solusyunan. Ganyan
tayo kamahal ng Diyos.”
Marahil ay
tama ang pari na yun, nasa mga kamay natin ang kasagutan sa lahat ng mga
problema sa mundo. Nasa tamang diskarte at tiyaga kung paano mo ito haharapin.
Kumatok
ako sa mismong bahay ni Mrs. Sanchez, ang Landlady. Ilang minuto lang ang
lumipas at pinagbuksan ako nito ng pinto.
“Pasensya
na po kayo at medyo ginabi ako, nagsimba pa po kasi ako diyan sa bayan.”
Pagpapaumanhin ko kay Mrs. Sanchez.
“Naku ayos
lang yun hijo. Halika at samahan na kita sa boarding house.” Pag-anyaya niya sa
akin.
“Salamat
po.” Magalang kong pagpapasalamat.
Pinayagan
ako ni Mrs. Sanchez na kahit isang buwan muna ang aking bayaran. May second floor ang boarding
house. Dalawang kuwarto sa ibaba at isang kuwarto sa itaas. Bawat kuwarto ay
dalawang tao ang rumerenta. Hiwalay ang paliguan sa palikuran. Ang sala ay
ginagawang dining area na rin.
“Hijo,
puro lalaki ang mga nakatira dito. Hangga’t maaari sana eh ayoko ng away at naninira
ng gamit. Hindi ka naman siguro basagulero?” pagkuwan ay tanong sa akin ni Mrs.
Sanchez.
“Naku
hindi po, wala nga ho akong bisyo,” sagot ko sa kaniya.
“Buti
naman kung ganun.” Nakangiting sabi ni Mrs. Sanchez.
Totoo naman kasi yun, sa edad
kong 17 hindi pa ako nakakatikim ng alak at nakakabuga ng sigarilyo. Minsan
lang ako nakipag-away ng matindi at yun ay kay Tita Dely at Tito Mando.
“May
girlfriend ka na ba hijo? Kung wala eh irereto na lang kita sa anak ko.”
Natatawang sabi ni Mrs. Sanchez.
“Wala po
eh, atsaka wala pa po akong balak makipagrelasyon.” Nahihiya kong sagot sa
kaniya.
“Bakit
wala? bakla ka siguro…ahaha joke lang.” pagbibiro sa akin ni Mrs. Sanchez.
“Ahahaha…
sa cute kong ito?” natatawa ko na ring sabi. Isa pang issue yan sa akin, kahit
kailan ay hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Kahit sabi nila na cute o guwapo ako
at habulin daw ako ng mga babae noong high school hindi ko pa rin pinapansin
ang mga nagpaparamdam sa akin.
Masyado akong dedicated sa pag-aaral marahil
iyon ang dahilan kung bakit hindi pa ako nakakapagrelasyon noon. Ang pangarap
ko lang naman kasi sa buhay ay makatapos ng pag-aaral ngunit dahil sa problema
ko sa pamilya ay hindi ko nagawa. Heto at pagtatrabaho naman ang aking
pinagkaka-abalahan.
Nerd,
suplado, torpe at minsan ay bakla pa ang tawag ng ibang babae sa akin kapag
hindi ko sila pinapansin. Sino ba naman kasi ang papatol sa mga ganoong klaseng
babae na hayagan kung ipakita ang pagkagusto sa isang lalaki. Flirt, yan naman
ang tawag ko sa kanila. Nakakaturn-off para sa akin ang mga ganoong babae.
“Oh siya,
ang kuwarto mo ay sa itaas. Yyung roommate mo umuwi sa kanila baka sa makalawa
pa ang balik.” Pagputol ni Mrs. Sanchez sa aking iniisip. “Pero bago ka
umakyat, ipapakilala muna kita sa mga ibang boarders.” Pagpapatuloy pa niya.
“Sige
po.” Tugon ko sa mga sinabi niya.
Ang mga
boarders sa ibaba ng bahay ay sila Andrew, Jay-ar, King at Noel na puro
kabataan din na tulad ko ay natatrabaho na rin. Naramdaman ko naman ang
masayang pagtanggap nila sa akin. Nagbiro pa nga si Andrew na ako raw ang bunso
sa bahay na iyon.
Masarap
silang kausap at madaling makagaanan ng loob. Isa na lang ang kailangan kong
kilalanin, ang aking roommate sa itaas na si Anthony.
Ayon kay
King, na pinsan pala ni Anthony, mabait at masipag raw ito. Ayaw ng makalat at
maingay. Kung anu-ano pa ang sinabi nila tungkol kay Anthony. Sa tingin ko nga
eh magkakasundo kami sa maraming bagay ni Anthony.
“Teka,
kung magpinsan kayo ni Anthony bakit hindi kayo ang magka-roommate?” tanong ko
kay King.
Ngunit
imbes na sagutin ako ni King ay hinawakan niya ang kamay ni Noel na karoommate
niya. Huli na ng maintindihan ko ang ibig sabihin ng paghahawak-kamay nila.
Nagtawanan naman sila Andrew at Jay-ar sa aking naging reaksyon dahil literal
akong napanganga sa rebelsyon na iyon.
“Kaya
masanay ka na Jek-jek sa dalawang iyan kapag naghaharutan sa harap natin.”
Natatawang sabi ni Andrew.
“Manyak
kasi pareho yan…ahahaha” pagbibiro naman ni Jay-ar na ikinatawa rin naming
lahat.
“Eh
kayong dalawa may relasyon din ba kayo?” inosenteng tanong ko kila Andrew at
Jay-ar.
“What? Over
my hot body, hindi ko yan papatulan ahahahaha..” sagot ni Andrew.
“Kapal
naman ng kalyo mo tsong, eh sino ba naman kasi ang papatol sa iyo eh mula ulo
muhkang paa ahahahaha.” Ganting pang-aasar naman ni Jay-ar na lubos ko talagang
ikinatawa.
“Aba at
nagsalita ang taong uling, tsk tsk try mo mag gluta baka Makita ka sa dilim.” At
talagang bumanat ulit si Andrew.
“Haysus inggit
na inggit ka nga sa kulay ko kasi yan ang pinaka sentro ng sex appeal ko.” At hindi
rin nagpatalo si Jay-ar.
“Oh tumigil
na kayong dalawa baka magkapikunan nanaman kayo.” Pagpigil naman ni King sa
banatan ng dalawa.
“Ahahaha
oh tama na yan gabi na masyado baka mabulabog na natin ang mga kapitbahay.”
Pagbabawal naman ni Noel sa malakas na tawanan namin.
Hindi ko
akalain na ganito magiging kasaya ang pagtanggap nila sa akin. Kung mag-usap
kami parang ang tatagal na namin na magkakakilala. Ngunit sa isang banda medyo
naiilang ako sa kasweetan nila King at Noel sa isa’t-isa. Oo nga at may mga
barkada akong bakla at tomboy noong high school pero ngayon pa lang ako
naka-encounter ng ganitong relasyon. Ang saya nila pagmasdan, malayang-malaya.
Matapos ang ilang kuwentuhan pa ay umakyat na
ako sa aming kwarto ni Anthony para mag-ayos ng gamit. Mayroong dalawang
kama, mga unan at kumot. May study table
sa tapat ng bintana at malaking cabinet
na lagayan ng damit.
Binuksan
ko ang cabinet, namangha ako sa linis at pagkaka-ayos ng mga damit ni Anthony.
“Tama nga
sila King, masinop at malinis sa gamit si Anthony.” Bulong ko sa aking sarili.
Parang
babae ang nakatira sa kuwartong iyon, dahil kapansin-pansin ang linis at ayos
ng buong paligid ng kuwarto. Umupo ako sa gilid ng kama.
Nilapag
ko sa kama ang dalawang unan at kumot na pinahiram sa akin ni Mrs. Sanchez.
Napapangiti ako sa sobrang kaligayahan dahil sa reyalisasyon na wala na talga
ako sa poder ng Tita Dely.
“Simula
pa lang ito Jek-jek.” Ang masayang sambit ko.
Humiga
ako sa kama na may manipis na foam at bedsheet. Napakasarap humiga, malambot at
tila makakatulog ako roon ng mapayapa. Andami
kong pinangarap sa gabing iyon. Ang magiging trabaho ko, at ang pagtatapos ko
sa kolehiyo.
At bago
pa ako makatulog ay hindi rin mawala sa isip ko ang roommate ko na si Anthony.
Andaming tanong ang gumugulo sa isipan ko noon. Hindi ko maintindihan pero
bakit parang excited akong makilala at makita siya.
“Matangkad
kaya siya o kalahi ni dagul?”
“Maputi o
maitim?”
“Ano kaya
ang itsura niya?”
Lumipas
ang ilang minuto, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako na may ngiti sa mga
labi.
-itutuloy
No comments:
Post a Comment