Followers

Wednesday, September 19, 2012

Way Back Into Love (Chapter 2)







Way Back Into Love


Chapter 2


By Rogue Mercado




Mabibigat ang yabag na nagsimula nilang lakarin ang daan papunta sa kanilang unibersidad. Hindi pa nga nagsisimula ang klase eh para atang sira na ang araw nilang dalawa. Jake Marcos is their high school campus crush, lahat ng babae at bakla nagkakandarapa na yata dito. Masyado siyang matangkad at matipuno sa kanyang edad at kung tutuusin eh magkakasing gulang lang sila nila Red, ang kanyang bestfriend. But the yummy beefcake was revealed to be a bisexual. Sinong mag-aakala na ang notorious na womanizer eh magkakagusto sa kagaya niya, sa kagaya niyang nerd daw at parang may sayad ang utak. Pero sinong mag-aakala na ang fairytale eh nagyayari sa totoong buhay. Kung saan ang damsel in distress eh nakasuot ng oversized na eyeglasses, laging naka loose na maong at walang korona samantalang ang knight and shining armor eh laging nakasuot ng V-neck na tshirt at spike ang buhok. Nasa ganoon siyang pagiisip ng unti-unting tangayin ng nakaraan ang kanyang pag-iisip.






"Hoy baklang ladlad, musta na buhay" bati sa kanya minsan ng isang estudyanteng siga sa kanilang eskwelahan.


Hindi niya ito pinansin at patuloy na naglakad. Kung bakit kasi eh hindi niya kasama si Red ngayon. He was the President of Supreme Student Council at kahapon lang siya naiproklama. When he won, he gave his thank you speech at kasabay niyon ang pag amin sa kanyang sekswalidad. Gusto niya kasing magbigay inspirasyon sa mga kagaya niya na hindi hadlang ang sekswalidad ng isang tao sa kanyang pangarap sa kahit anumang larangan.


Marami ang nadismaya syempre, akala nila kasi isa lang siyang mukhang lalampa lampa lang na naging Presidente ng campus dahil sa talino at pagpupursige yun pala may iba siyang pinaglalaban. Sa kabila nito, mas matimbang ang mga taong nagpakita pa rin ng supporta. At ang ibang kaibigan niya, ayun tinalikuran siya maliban na lang siguro kay Red, yung matalik niyang kaibigan na unang nakaalam ng lahat. 


"Hoy bakla kinakausap kita!" sigaw ng barumbadong estudyante at hinawakan siya sa braso. Tantiya niya eh 4th year student ito kaya ganun kaangas.


"Excuse me but this is not my thing if you have a complain about me lets talk in my office" malumanay niyang tugon dito. Hindi siya eskandaloso para patulan ito.



"Hanep ka pala ah, tangina mo tinalo mo yung kapatid ko sa presidency eh kung tutuusin wala naman magagawa ang baklang katulad mo sa school eh. Ano bang pinagmamalaki mo ah" umuusok sa galit na turan na lalaking kaharap niya. Kaya naman pala ganun na lang ang galit nito sa kanya dahil siguro sa pagkatalo ng rival niya sa kandidatura.



"You can always ask for a recount and I believe that the results are valid" giit niya dito ngunit sa malumanay pa ring boses



"Ah recount pala ah, recount mo yung mukha mo!!" sigaw nito sabay igpaw ng kamao sa mukha niya.



Naginit ang kanyang pisngi at nararamdaman niyang parang mahihilo na siya. Medyo nagdidilim na ang paningin niya nang maaninag niya ulit ang lalaki na pumatong sa ibabaw niya and was ready to give him again a punch on his face. Pumikit na lang siya, waiting for the next thing to happened. 



At ng ilang segundo ay nakita niyang bumagsak ang lalaki sa katawan niya. Naaaning niyang may dalawang kamay na bumuhat sa lalaking sumuntok sa kanya na ngayon ay nasa ibabaw niya at napahiga.



He heard a conversation.



"Pagbabayaran mo ng malaki ang suntok na ginawa mo sa kanya"



"Tangina! sino ka ba? huh?"



"Boyfriend niya! At tangina mo hindi mo alam ang kinakalaban mo" sigaw nito sa lalaki sabay suntok dito.




Yun lang ang natatandaan niya and the next thing he knew, nagising siya sa school clinic na  may pasa sa mukha. And someone is holding an ice bag and pressing it to his face. 



"Aray! Red dahan-dahan!"sigaw niya sa matalik na kaibigan, alam niyang ang matalik kaibigan niya ito pero ang weird lang kasi bakit kaya nagpakilala itong boyfriend niya. He remembered the last conversation



"Sorry! Ok ka lang ba? Masakit pa ba yung tama sa iyo?" sagot nito sa kanya.



And he was stunned when he realized na hindi si Red ang kausap niya kundi ang kaklase nilang si Jake. Jake Marcos is a silent student, sobrang tahimik nito sa klase nila and everyone regarded him as an anti social. Gwapo daw sana pero suplado.



"Ah yeah Ok na ko... Nandiyan ka na eh" mabilis niyang sagot. 



Saka lang niya na realize na he said a flirting line. Siya lang siguro ang may pasa na nagagawa pang makipag landian.



"Haha Yeah and Im glad na nakita ko yung mokong na sumuntok sa iyo, Mr. President" and he chuckled.



Yun na siguro yung pinaka magandang tawa na narinig niya. There is something in his laughter na parang ang gaan gaan sa pakiramdam.



"Ano na pala nangyari sa kanya?"



"Well, he was sent to the guidance's office, I reported him"



"Hindi ka na sana nag abala Jake, saka naiintidihan ko, galit siya kasi natalo yung kapatid niya sa Presidency, Im really thinking to withdraw on my post"



"Nagpapatawa ka ba? Eh di kung magreresign ka sa pagkapresidente sinayang mo boto ko" pangongonsesnya nito sa kanaya



Lihim naman siyang kinilig sa pag amin nito.



"Well thanks at least nakilala ko yung isa sa mga bomoto sakin. Im lucky enough na niligtas pa niya ako"



"Wala yun" pagpapakumbaba nito



Katahimikan.



Parang tinantantiya nila ang isa't isa nang may ilang segundong nakayuko ito at nang mag-angat ang mukha ay nagtama ang kanilang mata.



"May tanong sana ako sa iyo Mr. President"



"Mr. President ka ng Mr. President... Adrian na lang.. Parang hindi naman tayo magkaklase" tugon niya dito para maging kumportable sa kanya.



"Sorry hehe... Adrian may tanong sana ako"



"Sure ano yun?"



"Narinig mo ba ang lahat ng sinabi ko kanina bago ka nawalan ng malay?" 




Naalala niya ang huling usapan bago siya mawalan ng malay. "Boyfriend niya! At tangina mo hindi mo alam ang kinakalaban mo" .... Sasabihin niya kaya dito? Maybe not. Nakakahiya baka naman iba lang talaga pagkakadinig niya.




"Ahm Wa... Wala naman. Sobrang sakit na nung ulo ko nun eh" pagsisinungaling niya.



"Ah sayang naman.." sagot nito na medyo malungkot ata sa tugon niya



"Bakit ano ba iyon?" tanong niya dito



"Ah? Wala... Wala ... nevermind" sagot ni Jake at pagkatapos ay ngumiti ng makahulugan.



"O,k ako may itatanong sana ako" wala sa sarili na wika niya rito. Lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil wala naman talaga siyang itatanong. 



"Sure basta ikaw"



Namula ang mukha niya sa tinuran nito at mas lalo siyang kinabahan. Ano ba ang itatanong niya talaga, eh wala naman siyang maisip. Number ba? Fb account? Bago pa siya sa mundong ganito at hindi niya alam kung anong gagawin sa sandaling kinikilig siya. 



"Ah eh...Ahmmm ehh.." nauutal na sagot niya. 'Patay ... nahihilo pa ata ako' bulong niya sa sarili



Nakita niyang nakakunot lang ang noo nito na nagaabang sa susunod niyang sasabihin. 



"Ahm... Naniniwala ka ba sa fairytale?"



Huli na ng marealize niya ang pinagsasasabi niya. Tanga-tangahan lang. Epekto siguro ng sobrang hilo at sobrang review niya sa World Literature nila. Kakainis. Kaya kinakabahan na inaabangan niya ang magiging reaksyon nito.



Tumawa to ng malakas. He seems amused sa sinabi niya. Samantalang siyang pulang pula sa sobrang hiya.



"Oh huwag kang magblush and yes naniniwala na ko sa fairytale and I think nakita ko na yung makakasama ko sa happy ever after" seryoso nitong sagot sa kanya at bigla siyang kinindatan.



Kung sound system lang ang pagtibok ng puso niya malamang pwede na siyang magpatayo ng disco bar. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Gusto niyang sumigaw sa kilig ngunit tanging pamumula lang ng mukha ang senyales na tuwang tuwa siya sa sinasabi nito.



"Ahem!"



Nasa ganoon silang tagpo ng pumasok si Red sa clinic. Kahit kailan talaga panira lang ng moment ang best friend niya. Lihim niya itong inirapan ng pumasok ito. Magkakaklase rin sila at nasa iisang section.



"Moks Ok ka lang ba" nagaalalang tanong nito sa kanya ng makalapit sa kama niya.



"Yeah Ok lang ako, ahm buti dumating si Jake" sagot niya dito



"Masakit pa rin ba Moks?" tanong ulit nito na hindi pinansin ang sinabi niya. Sa eksenang iyon para ngang naa-out of place si Jake. Tiningnan niya ito at seryoso lang nakamasid sa kanila.



"Ok na ako, actually dapat pumunta na tayo sa klase natin at..." hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng akmang tatayo siya ay bigla siyang natumba. Sinalo siya ni Jake at akma naman sanang sasaluhin siya ni Red ngunit naunahan lang nito. Nagkatitigan sila ni Jake ng matagal. Sa di maipaliwanag na dahilan eh parnag kanina pa namamagneto ang mata nila sa isa't isa. 




"Huwag mo ng pilitin kung di mo pa kaya" nagaalalang wika ni Jake sa kanya. Pagkatapos ay inalalayan siya nitong humiga ulit. Pinili na lang niyang maupo kaysa ang humiga. Pakiramdam niya kasi eh mas lalo lang siyang mahihilo pag ganun ang ayos niya. 



"Kaya ko naman siguro.. Ahm inom na lang siguro akong tubig.. Mawawala rin to"



Nakita niyang pumunta si Red sa water dispenser para kumuha ng tubig at si Jake naman ay binuksan ang bag niya.



"Ito Moks oh" alok ni Red sa basong may tubig


"May energy drink ako dito kung gusto mo" nakangiting alok din ni Jake sa kanya



"Pre, tubig nga raw diba" baling ni Red kay Jake



"Bka naman kasi Pre mas gusto niya talaga ng energy drink" sagot nito kay Red.



"Bat, ano ba magugustuhan niya sa Energy Drink kung hindi naman iyon ang kailangan niya?"



"Sa tingin mo ba mapupunuan ng tubig lang ang pangangailangan niya?"




Nakita ni Adrian na pareho ng nakapwesto ang kamao ng dalawa. Halatang kanina pa nagpipigil sa isa't isa. At maling galaw lang ng isa sa kanila eh alam niyang gulo na ang kasunod.



"Tama na nga iyan, hindi na lang ako iinom. Maybe mamaya na lang ako lalabas. Pahinga na lang ako" tumagilid siya ng higa at hindi niya alam kung matatawa siya o hindi sa mga narinig niya. Parang baliw lang talaga tong si Red at kailangan pa talagang makipag away. Kung tutuusin nga eh hindi naman ito ganun ka over protective noon. Simula lang nung umamin siya sa kanyang kasarian. Sabi nito eh kailangan daw eh pag may manliligaw sa kanya kailangan pasado muna sa kanya.




And that was the start of it. Yun yung Once Upon a Time ng fairy tale niya. He and Jake have been in a relationship since 3rd year until now.



"You seemed enjoying kanina" basag ni Jake sa pagbabalik tanaw niya.



"Huh?" wala sa sariling tugon niya.



"I mean you and Red?" balik tanong nito



"Hon? Nagseselos ka ba?" tanong niya rin dito. Naglalakad sila papuntang school imbes na mag tricycle,  sabagay malapit lang naman medyo mabilis lang pag nag tricycle sila


Hindi ito sumagot at mabilis na lumakad. Humabol naman siya para maabutan ito.



"Uy hon!"



Tumigil ito at tinitigan siya sa mata.



"Yun na nga eh..." simula nito at sinabayan ng buntong hininga. "Alam kong best friend mo si Red pero hindi ko maiwasang magselos" pagamin nito habang nakatingin  ito sa malayo.



"Hon naman" medyo natatawa siya sa ikinikilos nito. Pag nagseselos kasi ito at inaamin sa kanya eh hindi makatingin ng diretso at parang nahihiya. Kaya hinawakan niya ang kamay nito at pinisil tanda na wala siyang dapat ipagalala.



"Ikaw kasi..." pinisil na rin ni Jake ang kamay niya..




"Wag ka naman magselos sa taong walang laban sa iyo" paninigurado niya dito



"Kung hindi lang kita mahal eh" ngiti ni Jake ng marinig ang sinabi niya.



"So tara na?" yaya niya dito.



Wala siyang nakuhang sagot dito at tinitigan lang siya nito ng marrin.



"Hon naman eh, alam mo namang ayaw ko ng tinititigan ako"



"Naniniwala ka ba sa fairytale?" bigla na lang tanong ni Jake sa kanya.




Hindi niya alam kung matatawa siya sa biglaang tanong nito o maguguluhan siya. Biglang bigla ay bumalik ulit ang eksena noong siya ang nagtanong ng ganun.



"Bat mo naman natanong at saka bakit ganyan ka makatitig hon?" tanong niya dito



"Gusto ko lang kasing i-ukit ang mukha mo sa isip ko para lagi kong maiisip na hindi lang Once Upon a time nagkita tayo at magkakatotoo ang happily ever after" sabay kindat nito sa kanya.




Sa isang sulok ay lihim na nagmamasid si Red at kung maaari lang sana niyang sabihin ang isang bagay tungkol kay Jake eh matagal na niyang ginawa. Lihim siyang napabuntong hininga.








Itutuloy....

4 comments:

  1. Yieh. Grabity, nice chapter. :D Kakilig.

    ReplyDelete
  2. Basta ako naniniwala sa sa fairytale...kilig much ako dun ah...love it..

    ReplyDelete
  3. Yup it really do happen... I have my prince charming... but i am hoping that will leave happily ever after...

    ReplyDelete
  4. secret agenda ba jake? lets find out, time check 1:15am cabuyao laguna

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails