Way Back Into Love
Chapter 8
Author's Note: Thank You so much!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Yan exagg na ang punctuation mark para naman maipaabot ko ang gratitude ko sa mga nag co-comment at lalo na sa nagpe-predict ng susunod na mangyayari. You keep on challenging me to the max hehe. And I also appreciate those who make an effort to send me some Thank You emails. Grabe, nakaka-overwhelm at alam niyo na ngayon na mas tumatambay ako sa email ko kaysa sa fb. Hehe.
Sorry nga pala ulit sa mga typo. Kayo na talaga ang most understanding creature of all time! Hehe.
Contact me at: roguemercado@gmail.com
_____________________________________________________________________________
Shit! namura at nasapak ni Red ang sarili ng makita ang kanyang wristwatch, its almost 11:00. Ni hindi niya namalayan ang oras kanina ng pumasok siya sa klase. Ang sabi niya kay Adrian ay hahabol siya sa Auditions ngunit ang kaso nga lang ay nagbigay ng suprise quiz ang teacher niya and he cannot afford to lose an examination. Ngunit malas niya, dahil sa bawat tanong na nasa test paper ay wala siyang alam. Dagdagan pa ito ng paglipad ng isip niya.
Iniisip niya kung ayos lang ba si Adrian. Iniisip niya kung naka-kanta ba ito ng maayos. Iniisip niya ang tangang Jake na yan na boyfriend pa rin niya hanggang ngayon. Si Sabrina na wala pang alam sa nangyayari at nararamdaman niya. At kung ano-ano pa. Mababaliw na ata siya at kung hindi lang niya nakita kaagad, Adrian dela Riva na ang maisasagot niya sa patlang ng Test paper. Everything is killing him. Yung isiping laging kasama ni Adrian si Jake at hindi ito ligtas habang nasa kamay ng gagong iyon. Hindi niya maatim isipin na sa loob ng apat na taon ay nagawa niyang kunsentihin ang relasyon ng dalawa. Aminado na siya ngayon na nagseselos siya and he is more than sure na higit pa sa matalik na kaibigan ang tingin niya dito. And it kills every veins in his heart whenever he sees Adrian smiling in the arms of that asshole. Siya dapat yun. Ngunit kahit kailan, hindi niya maibibigay ang kaligayahang yun. Yun ang katotohanan. Ang katotohanang hindi siya ipinanganak na Jake Marcos... He is Red Antonio.
Humahangos na tumakbo siya papuntang Auditorium. Kung sino man siguro ang nagtayo ng mga building doon ay mapapatay niya ng di oras. Their building and the Auditorium are at both ends of the University. At napaka-imposible ng 5 minuto para makapunta dun. Time Check, its 11:05. Limang minuto na nga ang nakakalipas ngunit nasa kalagitnaan pa lang siya ng pagtakbo niya. This seems to be the longest run of his life. Parang life and death situation. Nangako siya kay Adrian na manonood siya and he cannot miss the event. Never. Gusto niyang ipakita kay Adrian na nandyan lang siya pag kailangan siya nito. Nandiyan lang siya sa tagumpay nito. Dahil kahit hindi siya ang itinitibok ng puso nito gusto niyang maging karugtong man lamang nito. Kahit isa lang siyang best friend. Kahit siya lang ang Moks nito.
"Moks" naibulong niya sa sarili.
Yun ang tawagan nilang magbest friend. Kapag tinatawag niya itong Moks. He felt a sense of possession. Kaya minsan dinadagdagan niya ito ng "ko". To make it "Moks ko". Hindi naman nagrereklamo si Adrian. Though hindi niya ito narinig na nagtawag ng 'Moks ko' sa kanya. But its alright, naiintindihan niya. But if Adrian only knew na lahat ng sweetness niya para dito ay may bahid ng malisya. When he will pull Adrian to hug him ay kuntentong-kuntento siya. Parang gusto niyang patigilin ang ikot ng mundo kapag yakap niya ito. He doesnt want to let go. No. He is afraid to let go. Dahil sa oras ng mangyari yun, hindi na uli sa bisig niya si Adrian. He already belongs to someone else. Someone he really loves.
Naalala niya ang mock wedding. Sobra siyang nasaktan ng lumabas sa bibig nito ang "Im Sorry". Para siyang na-busted right there and then. Gusto niyang aminin dito na na, Moks.. Mahal na Kita... Higit pa sa Kaibigan. Pero naumid ang dila niya. He was rejected, right at that moment. Paano pa kaya if he confessed his feelings to him? Talking about effects. Adrian doesnt only affected him emotionally but also sexually. May isang beses na he was seeing an FHM magazine but he wasnt able to have a boner, hindi katulad ng dati. He rested on his bed that day and all of a sudden, Adrian's image flashed in his mind. But this time, nakahubad daw siya and Adrian. And they are doing something more than he could imagine two bestfriends could. And slowly he had an erection. And that night he exploded in euphoria.
Shit. Minura niya ulit ang sarili niya. Tama bang tigasan siya habang tumatakbo papuntang Auditorium? Shit.
"So What now?" iritableng tanong ng Direktor sa kanya.
"Im sorry, my bad Sir.. Im really.." naghihinang sagot ni Adrian sa direktor. Hindi niya na alam ang gagawin. Siguro ay nagkamali lang si Jake sa nakuhang CD kaya nagkaganun ang lumabas sa sound system. He wont blame Jake because of what happened. Kailanagn niyang umisip ng paraan para matapos na ang Auditions na to.
"Oh please enough of your excuses. Your Sorry is a Shit. People on the world think that apology is a super glue when in fact it cant fix things that are already broken. Nakukuha mo ba ako? Your sorry cant fix the CD. If you are playing a prank on me you better...." hindi natapos ng direktor ang sinasabi ng dumepensa siya.
"No Sir. Hindi po. I thought na..." hindi na rin niya natapos ang sasabihin ng sumingit ulit ang Direktor.
"You thought? You thought na OK ang CD? .....Oh please.. Thats a pathetic excuse. Marami ang namamatay sa maling akala. Well in your case, babagsak ka sa maling akala. I can even tell now that you lost your chance without even bothering to listen to your equally pathetic voice."
"Sir...."
"Tell you what..... this day is the day you insulted the music industry.. You think that this is only..... ONLY I repeat... only an Audition? This is not an Audition honey... This is the first step to being famous... to being a celebrity. And for some God Damn obvious reason, this not just or only an Audition.. You... You dont care about Music.. You take your voice seriously that you thought a golden voice would only matter and a broken CD would just be a minor, superficial mistake. But you know what? being a singer requires more than a pair of mutant lungs. Its not just about vocal chords. But its how you show your emotions through lyrics and melody. You.... The Tardy 5th performer unprepared of his piece prides himself to pass this Auditions like its only an ordinary screening of an obscure barangay contest. Kung ganun ang akala mo bakit hindi ka na lang mag-Kristo sa sabong. They dont require a burned CD there?" mahabang insulto nito sa kanya... He was never insulted like that in his entire life.
Lahat ng tao sa Auditorium ay nakatingin sa kanya. At kung hindi niya pa napigilan ay talagang maii-ihi na siya sa pinaghalong nerbyos at pagkapahiya. He always cared about music. Ang kanyang ama ay isang pianista sa simbahan ng kanilang Barangay ngunit ng mamatay ito noong walong taong gulang siya ay nalugmok ang piano sa kanilang bahay bagaman marunong siyang tumugtog ay tumimo sa kanyang isip na gusto ng ama niya na maging isa siyang mang-aawit. Na ang musika ay ituring niyang kabigan dahil ito ang magliligtas sa kanya sa oras na wala na siyang kakapitan.
Nang silang dalawa na lang ng kanyang ina ang naiwan ay nagsanay siya ng husto upang maenhance ang voice quality niya. Hindi naman siya nabigo at nakapasok siya bilang isang choir member ng kanilang simbahan. Hindi naging mahirap ang pagsasanay dahil nandyan naman si Red na isa rin sa tumulong sa kanya na magsanay sa pag awit. Noong panahong iyon ay parang pagkain lang niya ang pageensayo at dahil rin dito ay tumimo sa kanilang magkaibigan na ang pagkanta ng sabay ay ang kanilang "bonding".
Ngunit heto siya at pinagsasabihan ng isang tao na wala siyang kwentang mang-aawit at itinatakwil siya ng musika. Gusto na niyang umiyak. Ngunit pinigilan niya dahil may gusto siyang patunayan sa Direktor. Gusto niyang kumanta. Gusto niyang ipakita dito na hindi siya basta susuko at gusto niyang patunayan na isa siyang mang-aawit. Sa isang iglap ay hinagilap ulit ng mata niya si Jake. Naka-sun glasses pa rin ito ngunit kagaya ng nauna niyang pagkakita dito ay wala pa rin siyang mabakas na emosyon sa mukha nito. Bagamat inukit niya sa kanyang isipan na walang kasalanan si Jake ay hindi niya maiwasan ang magtanong. Hindi niya maiwasan ang magtanong sa pamamagitan ng kanyang mga mata kung ano ang nangyari. Ngunit hinid na ito mahalaga, dahil alam niyang walang kasalanan si Jake.
Nahagip rin ng mata niya si Sabrina. Ang mukha nito ay puno ng lungkot na nakatingin sa kanya. Buti pa si Sabrina nakikitaan niya ng simpatiya ngunit ang Director na nasa harapan niya ay walang kagatol-gatol na ininsulto siya at kwinestyon ang pagibig niya sa musika. Hinagilap rin ng mata niya si Red ngunit wala ito, hindi nito tinupad ang pangako na manonood ito. Would it make a difference kung nandito si Red? Baka naman kasi kapag narinig nito ang sinabi ng Director ay bigla itong sumugod at atakehin ang Director sa mukha. Red is overprotective to him. Noong highschool pa sila at umiyak siya dahil sa hindi na tinanggap ng kanyang guro ang project niya sa Biology ay sinugod nito ang guro niya at nag demand na tanggapin ang kanyang proyekto. Hindi naman siya nabigo at tinanggap ulit ang kanyang proyekto. Yun nga lang nasuspendi si Red sa eskwelahan at nagka black eye ang kanyang guro.
"So you will just stand there? And make us wait like you are the most followed celebrity on twitter? What do you think of yourself? A star?" basag ng Director sa pagbabalik tanaw niya.
Kanina pa nakakuyom ang kamao ni Jake habang pinapakinggan ang mga salita ni Director Lee kay Adrian. Kanina pa niya ito gustong patikimin ng suntok niya. Kung pwede lang sana. But punching the Director on his face would mean jeopardizing his future. Nandito na siya, ilang hakbang na lang at sisikat na siya, initially in the campus and eventually the greatest singer in the country. But when he looks at Adrian, his imagination was different. Nai-imagine niyang masayang masaya daw sila ni Adrian na magkayakap. Nai-imagine niya ang mock wedding. Kung gaano ito katotoo ng mga oras na iyon. Parang sirang plaka na paulit-ulit ang theme song nila na Way Back Into Love. At habang paulit-ulit ito sa kanyang utak ay para siyang pinanghihinaan ng kalamnan, seeing Adrian almost fainting of shame. Ngunit ang pinakamasakit sa lahat.... ang pinakamasakit sa lahat ay wala siyang magawa... wala siyang magawa dahil wala ng pag-asa pang natitira para maging maayos ang lahat. Ito na ang katapusan ng pagpapanggap niya bilang boyfriend ni Adrian. He chooses fame kapalit ng totoong itinitibok ng pusok niya. Kanina pa niya gustong sabihing, Ako ang may kasalanan.. Ako ang nagedit ng CD. Sinadya ko yun.. Plano namin ni Sabrina iyon. But he just cant... He is powerless.
Liningon niya ng sandali si Sabrina and she is staring at him. Waring binabasa nito kung ano man ang dinidikta ng kanyang konsensiya. Parang walang silbi ang sun glasses para ikubli man kung ano ang iniisip niya. From the way she stares at him, alam niyang pinapaalala nito ang kasunduan.
And he will continue the plan as instructed.
"What is your name? Mr 5th Tardy Performer?" basag ulit ng Direktor sa katahimikan niya. Dahil hindi na talaga niya alam ang gagawin at kung ano ang isasagot.
"A..A...Adri-an p..po." pautal utal niyang sagot.
"Adrian? Im sorry I just remembered to ask for your name at this moment because I am too overwhelmed by the fact that you are tardy and the worst performer I encountered, Mr. 5th Tardy Performer"
Wala siyang isinagot dito ngunit unti-unti ng namumuo sa gilid ng mga mata niya ang luha. Hinugot niya ang kahuli-hulihang lakas ng loob sa katawan niya para pigilan lang ang pagbagsak nito.
"Ok so this will be the ultimatum and Im being nice because the previous neos did a great job and of course except you. If you cannot think of any decent response other than your apologies and your crumpled face then I suppose this Audition is over and you will bring home the loser's bacon"
"I will do an acapella" mabilis niyang sagot. Siguro ay nakipag-cooperate ang adrenaline rush niya at nailabas ang kahulihulihan niyang kumpiyansa sa sarili. His answer sounded confident enough para hindi siya mautal ulit. Ngunit matapos nito ay gusto niyang bawiin ang sinabi niya. Dahil kasabay ng binitiwan niyang sagot ay wala na ulit ang kanyang lakas ng loob. Acapella for a Pop Song? tanong niya sa sarili
"Acapella for a Pop Song?" ulit ng Director sa tanong niya sa kanyang sarili.
"Y..y..Es Sir" bumalik ulit ang pagkautal niya.
"Very Groundbreaking. But I'll give you a chance. Perhaps, you can still create a miracle out of your thick eyeglasses and that lumpy pants" pagayon nito sa kanya at sinabayan pa ng pangiinsulto sa kanyang suot.
Namayani ang isang katahimikan at pagkatapos ay ipinuwesto na niya ang mikropono sa tapat ng kanyang bibig. Pumikit siya at nagdasal sa maykapal na magkaroon siya ng atake sa puso pagkatapos ng gagawin niya. Dahil ang pag-awit ng isang pop song ng walang tugtog ay parang pagpapatiwakal. Sinimulan na niyang kumanta.
"Y....y...you kno.....kno..wWw d....da....be....be..bedd feel....ees war....mer.... Sle...Slee....epin...gggg he...re ..alo...ne.... You kno...wWw Im dr...dr..ea...ming colors.... And do the thi....ng I wa....nt..." hindi niya alam ang nangyayari. Hindi niya alam kung bakit siya nauutal at kung bakit wala sa tono ang kanta niya. Ngunit ang mas lalong hindi niya maintindihan ay kung bakit siya sumasayaw gayung wala namang tugtog at acapella version lang nag kanta niya. Ngunit pinagpatuloy niya at sa oras na ito.... Umiiyak na siya..
"Tttt..hinkk yy..yy.you ..gottt... t...the... best ooo..ff me.... " Pagkautal pa rin ang lumalabas sa bibig niya at ganun pa rin siya, mukhang tanga. Ang pinagkaiba nga lang ay umiiyak siya na kumakanta habang sumasayaw.
"Stop it" biglang singit ng Direktor sa kanya.
Tumalima naman ang katawan niya ngunit hindi ang mga mata niya. Patuloy pa rin siya sa pagiyak and its even worst. Gawa siguro ito ng sobrang pagpigil nya sa pagiyak. Tiningnan niya ang Direktor at bago pa man ito magsalita ay alam na niya sasabihin nito.
He's the Mr 5th Tardy Performer who lost.
Lakad-takbo na lang ang ginawa ni Red para makapunta sa Auditorium. Sumasakit na ang mga paa niya at bandang baba ng kanyang tiyan. Hindi na niya kayang tumakbo pa ng mabilis. Kanina pa rin niya minumura ang sarili niya sa sobrang inis dahil wala man lang silbi ang mga E-jeepney sa loob ng campus para masakyan. Dagdag pa sa bigat ng kanyang katawan ang bag at ang gitara na dala-dala niya.
Malapit na siya. Natatanaw na niya ang pinto sa Auditorium. Mabilis niyang tiningnan ang wrist watch at maga-alas dose na. Binilisan pa niya ang pagtakbo at alam niyang makikita na niya ulit ang matalik na kaibigan na kumakanta sa itaas ng entablado.
Binuksan nya ang pinto.
Sumalubong sa kanya ang katahimikan.
Wala ng tao. At napaka-klaro na hindi niya naabutan ang Auditions. Inaaninag niyang mabuti ang buong paligid. Sobrang dilim at ang tanging naiilawan lamang ay ang stage. Nang titigan niya ito ng mabuti ay may naaninag siyang nakatayo. Tiningnan niya itong mabuti at saka lumapit. Unang rumehistro sa isip niya ang isang hugis ng lalaki. Sa patuloy niyang paghakbang ay nakita niyang nakasuot ito ng eyeglasses. At ng malapitan niya ng husto ay nakilala na niya ang estranghero. Si Adrian.
"Moks?" bati niya dito. Tulala si Adrian ngunit lumuluha ang mga mata nito. Sa ganoong hitsura nito ay gustong gusto na niya itong lapitan at yakapin ngunit pinigil niya muna ang sarili niya.
Lihim na pinunas ni Adrian ang luha ng lubos na bumalik ang ulirat nito at ng makita siya. Nginitian siya ni Adrian. Bagay na sobrang kakaiba kapag umiiyak ito dahil kapag naabutan niya itong umiiyak ay mas iiyak pa ito ng todo.
"Moks anong nangyari" tanong niya ulit dito.
"Ang saya Moks. Ang saya! Sobrang saya! Ang bait-bait ni Director Lee.. Pinalakas niya ang loob ko tapos kumanta ako Moks.. Sobrang ganda nung CD Moks! Hindi siya sira! Tapos nagpalakpakan sila. Pero bago yun, kumanta si Jake... Ang ganda nung boses niya... Kumanta yung iba... May kumanta rin na iba.. Ang gaganda lahat ng boses nila. Pero siyempre mas maganda boses ko! kaya nga pumalakpak sila... Ang bobo ko talaga. Hahaha... Tapos Moks... Nakapasa ako Moks.. Ang galing galing ko talaga Sobra! at saka Moks..."
"Hindi ka pumasa." malamig niyang tugon dito.
Doon na umiyak ng todo si Adrian. At ng makita niya ito ay ibinalibag niya ang hawak na gitara. Tumakbo siya sa itaas ng entablado.. At hinawi ni Red ang mga kamay na nakatakip sa mukha ni Adrian. Tinitigan niya ito.
"Moks sorry... hindi ako pumasa." umiiyak pa rin ito kahit hawak-hawak na niya ang dalawa nitong kamay. Tinitigan niya ito ng mariin, ng may halong lungkot at galit sa nangyari sa matalik na kaibigan. Pagkatapos ay hinawakan niya ang pisngi nito. At ang susunod niyang ginawa ay hindi na niyang kailangan isipin pa kung tama o mali.
Hinalikan niya ito. Hinalikan niya si Adrian.
Ngunit matapos na magdampi ang kanilang labi ng ilang segundo ay bigla siya nitong itinulak ng malakas. Para siyang natauhan sa pagkakatulak nito at nakabawi sa bilis ng pangyayari. Lumapit si Adrian sa kanya at sinampal siya ng malakas.
"Im Sorry" tanging nasambit niya.
Itutuloy.
grabe aman ang nangyari kahihiyan sa kanya. maxado mo amang kinawawa ang main character mo d2 mr. author. pati ung part ng frend nyang c moks. parang pinoy teleserye lng na click na click sa probinsya. maganda na sana ung flow ng story, mejo naging oa ng unti sa gitna. . . hope wag ka sanang magagalit sa comment ko ha. hmm, opinion ko lng aman un. alam ko mas mapapaganda mo pa e2. . . tnx! peace po.
ReplyDeleteHi rob.. I hope its OK to call you Rob hehe.. Naiintndhan ko ang nararamdman bout Adrian but sumtyms it cant be helped. Reality bites, masyado tlgang OA minsan ang buhay. But i hoped you will hold on to Adrian's story because all of his pain wil make sense on d next succeeding chapters :-) I appreciate the constructive crticism. I hope lgi akong mkkakuha ng gnyang critical analysis
Deleteof course my frend. susubaybayan ko e2ng story mo. sana plage may update.
Deletehow sad.. bakit ganun c jake..
ReplyDeleteAy nakakabitin naman...
ReplyDeleteHaissssst...
Hi rogue,
ReplyDeleteCongrats on your first story! It's obvious na maraming sumubaybay at maraming nagkakagusto.
nalimutan ko palang sabihin sa yo na ang format ng posting natin ay may -
By:________________ (ikaw as auhtor nito)
Email: _________________________
Fb: (if you still want oyur fb to be mentioned)
agn tatlong yan ay dapat nasa top page.
Salamat rogue!
kuya mike
Yes po Sir Mike :-)
DeleteIm overwhelmed Sir Idol
A comment from a sir mike juha made my day hehe
HUuhuhuh..sobrang sad ng chapter na to..next na please...
ReplyDeleteI cant take it anymore. :D Next na po? :D Congrats kay sabrina.
ReplyDeletemake me the assassin of sabrina! i'll make sure of her death...ahaha..affected much...
ReplyDeletekeep up the good work Rogue!!!! Kahit ano pang comment marinig mo go lang..magaling kang writer.
ReplyDeleteanother good read here in the site... I really like the story :) I like the way how the emotions flow from each of the characters. And i must say, this chapter made me pissed off. Ultimate betrayal, plastic jealous girlfriend, sabotage!! Really now... talagang masasaktan ako if mangyayari sa akin or to anyone yung nangyari kay Adrian.. at dahil dyan i can say that this story is well written, maganda ang flow, interesting and the emotions are rich. Nadala ako ng story, I was able to step in to your character's shoes :) soo... kudos to the writer :3
ReplyDeletewell nakakawindang ang chapter n ito....siguro love ko lang bida scene....tnx
ReplyDeleteThe story was very more interesting. Parang complete package lng na hindi. lng naksentro sa love life ng bida kundi kabilang na rin sa mga kontribida ng storya. kung bakit ba kasi ang galing2x ng author.
ReplyDeleteThe story was very more interesting. Ung tipong nagbabasa ka lng pero para kang nanuod ng teleserye. So dramatic. Ang ganda sobra. Kung bakit ba kasi ang galing2x ng author nito.
ReplyDelete