Followers

Saturday, September 8, 2012

Bahay-bahayan [1]


By: Mikejuha

Author's Note:
Intermission lang po muna. Hanggang 2 chapters lang ito kuwentong ito.

-------------------------------------------------

(Thanks to Joji for the image)

Kapitbahay namin si Manuel, isang magsasakang kasing edad ko, labing-anim na taong gulang.

Actually, med’yo may kalayuan na ang kanilang bahay sa amin dahil ang kinatitirikan ng aming bahay ay nasakop sa isang ektaryang pag-aaring lupa ng aking mga magulang bagamat sa harapan din nito ay ang daanan ng mga taga-sitio kapag tumungo sila sa palengke o sa sentro ng bayan.

Hindi naman sa pagmamayabang, ang pamilya namin ay med’yo nakakaangat sa aming sitio. Ngunit hindi rin naman iyong mayaman talaga na may kotse o magarang mala-mansiyon na bahay; iyong sapat lang na makakakain ng tatlong beses sa isang araw at nakakabili ng mga simpleng bagay-bagay. Sa aming sitio, kami lang ang may kungkretong bahay na may dalawang palapag at may kalakihan din siya sa para sa aming tatlo ng aking inay at itay. Kami lang din ang may TV bagamat dalawang channel lang ang nasasagap ng signal at malabo pa. Hindi pa naman kasi uso dati ang mga vcd at dvd kaya wala kami noon. Ni selpon nga ay hindi pa naimbento sa panahong iyon. Mga VHS pa lang at betamax ang uso. Ngunit wala rin kami noon. Ayaw ng inay at itay. Ewan. Sa panahong iyon ay associated kasi ang VHS at betamax sa mga x-rated na pelikula. Ayaw raw nilang maimpluwensyahan ako.

Anyway, matangkad na binata si Manuel. At dahil sa klase ng kanyang trabahong mabigat at bilad sa araw, medyo sunog ang kanyang balat. Ngunit matikas, at maganda ang hubog ng pangangatawan. Taglay niya ang malalaking braso, matipunong dibdib, malalaking hita. Sa hirap ba naman ng kanyang trabaho, daig pa ang naggi-gym araw-araw.

Mahirap lamang ang pamilya nina Manuel. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Ang masaklap, namatay ang kanyang itay noong paslit pa lamang siya. Kung kaya ay sa kanyang murang edad natuto na siyang magbanat ng buto. Sa kanyang murang balikat ay nakasalalay na ang responsabilidad na sana ay pasan ng kanyang ama.

Hindi talaga kami magkaibigan ni Manuel. Ito ay dahil malayo-layo na nga ang bahay nila sa amin, wala pa kaming pagkakataon na magkausap o magsama. Paano, noong nag-aral ako ng elementarya, sa private school ako na pag-aari ng mga madre samanatalang siya ay sa public. At ang alam ko pa, hanggang grade 4 lang ang kanyang natapos gawa nang tumutulong na nga siya sa mga gawaing bukid kung saan ay ikinabubuhay nila. Habang siya ay huminto sa pag-aaral, ang dalawang kapatid naman niyang babae ang kanilang pinapag-aral.

Ngunit may isang kuwento ang aking inay tungkol sa amin ni Manuel noong kapwa anim na taong gulang pa lang kami. Napadayo ang inay ni Manuel sa bahay naming isan garaw. Ang inay ko kasi ay may isang sewing machine sa bahay. Kami lang din ang may ganoon sa sitio namin. Kaya kapag may mga nagpapatahi ng damit o napapaayos, sa inay ko pumupunta ang mga kapitbahay.

Dala-dala si Manuel ng inay niya noon. Habang nagkukuwentuhan daw sila ng aking inay, kami naman ni Manuel ay pumasok sa kuwarto ko at doon naglaro ng bahay-bahayan.

“Junjun! Anong ginawa ninyo!” ang sigaw raw ng inay noong nakitang ang mga kumot ay isinabit ko at sa loob ng nakasabit na kumot ay naroon kami ni Manuel, nakahiga at nagyayakapan daw kami.

“Nagbahay-bahayan po!” ang inosenteng sagot daw ni Manuel.

“Nagbahay-bahayan kayong dalawa?”

“Opo...”

Napangiti raw silang dalawa ng inay ko at ang inay ni Manuel. “Aber, kung nagbahay-bahayan kayo, sino ang tatay at sino ang nanay?” ang painosenteng tanong naman ng inay ko kay Manuel.

“Ako po ang tatay...” at turo sa akin, “...siya po ang nanay”

Napangiti raw silang dalawa ng inay.

“Totoo bang ikaw ang nanay-nanayan, junjun?” tanong ng inay sa akin.

Tumango raw ako at nagsalita pa ng, “Wala pa lang kaming anak...”

At doon na raw pumutok ang tawanan nilang dalawa.

Sabay singit naman ni Manuel ng, “Pag malaki na kami, siya na ang asawa ko.”

Hindi raw maaawat sa katatawa ang mga inay namin ni Manuel sa aming mga ka-enosentehan. At dahil natuwa rin ang inay ko kay Manuel, talagang kinunan pa niya kami ng litrato na nag-akbayan. May lumang camera kasi ang inay, isininagla sa kanya ng kapitbahay.

Ngunit hindi ko na nakita ang litratong iyon. At dahil 6 na taong gulang nga lang ako, wala akong natandaan tungkol sa kuwentong sinabi ng inay o sa ginawa naming iyon ni Manuel.

Hanggang sa naglalabing-apat na taon na ako. Isang araw habang nagbubuklat ako sa mga lumang family album, nakapa ko ang likod ng isang litrato. Makapal kasi ito at kung kaya ay sinuri ko.

Noong nakita ko na, nagtatakbo akong lumabas ng kuwarto at kinulit ang inay na abala sa kanyang pagtatahi. “Nay! Di po ba ako ito?”

Hininto ng inay ang kanyang pagtatahi at inusisa ang dala-dala kong litrato. “Iyan, ikaw...” turo niya sa isang mas maliit na bata. “...at ito naman ay si Manuel.” turo rin niya sa ka-akbayan ko. “Iyong batang ang bahay ay nasa dulo ng sitio na ito; ang nagsaka sa lupain ni Mang Tonio at minsan ay sila rin ang inanatasan nating mangopra sa ating niyugan d’yan sa may tabing ilog?”

“Ah, o-opo. Kilala ko po siya sa pangalan, at nakikita ko palagi kapag dumadaan siya sa bahay natin. Paano pong nagkaroon kami ng litrato?” ang tanong ko.

At doon na niya ikinuwento ang nangyari.

Simula noon, lihim kong itinago ang litrato sa aking wallet. Pinaliitan ko pa talaga ito upang magkasya. At iyon din ang simula kung saan ay tila may sumundot na kung ano sa aking puso na siyang pumukaw ng aking damdamin para kay Manuel.

Iyon ang simula kung saan ay naging curious ako kay Manuel. Hindi nga lang niya alam ito. Kapag ganyang nakikita ko siya, inoobserbahan ko siya, pinakiramdaman. Napagtanto kong isa siyang mabait na tao; masipag, may pagka mahiyain, ngunit lalaking-lalaki ang dating. Dahil dito, humanga ako sa kanya.  At dito na rin ako nagsimulang magtanong kung ano ang aking tunay na pagkatao; kung bakit ako nagkaroon ng kakaibang atraksiyon kay Manuel.

Palagi ko siyang nakikitang dumadaan sa harap ng aming bahay na nagpapasan ng mga niyog sa kanyang balikat gamit ang mahabang kawayang pinagbalanse upang masabit sa magkabilang dulo nito ang tig-lilimang pares ng niyong. Minsan din, nakikita ko siyang nagbubuhat ng sako ng mais o palay. Minsan din nakasakay siya sa kalabaw. Halos palagi siyang nakashort lang, tagpi-tagpi pa; nakapaa, basa sa pawis, at walang damit pang-itaas. Masasabi kong mabigat talaga ang trabaho niya... at marumi. Ngunit sa nakita kong sipag at tibay ng kanyang loob, lalo pa akong humanga sa kanya.

At kapag ganyang nakita kong dumadaan na siya sa harap ng aming bahay, parang natatae na ako sa sobrang excitement. Hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili. Lalo na kapag lumilingon na siya sa aming bahay na tila sinusuri ito o may hinahanap. Simula kasi noong naikuwento ng inay ang sinabing iyon ni Manuel na paglaki raw namin ay ako na ang asawa niya, hindi na mabura sa isip ko ang hitsura niya.

At tinablan din ako ng awa sa kanya. Kasi, hindi na nga siya nag-aaral, puro mabibigat na trabaho pa ang kanyang naranasan. May isang beses, napadaan siya sa amin at may kumausap sa kanya na kapitbahay namin. Ewan ko kung nakita niya akong nakatingin sa kanya, tinitingnan-tingnan kasi niya ang direksyon ko, panay ang ngiti niya habang kinakausap ng aming kapitbahay. Parang iba tuloy ang aking naramdaman. Iyong assuming ba na dahil sa akin kung kaya siya ay ngiti nang ngiti. Parang nangarap lang na siya ay nagpapacute sa akin. Pero, pilit ko ring iwinaglit iyon sa aking isip. Panay rin kasi ang ngiti ng kausap niyang isang sexy at magandang dalaga na kapitbahay rin namin, si Flor.

Ngunit hindi ko rin basta-bastang nabura sa aking isip ang ngiti niyang iyon. Noon ko pa lang nakita ang ganoong klaseng ngiti sa mukha niya. Bakas ang kasayahang hindi ko maintindihan. Kitang-kita ko ang dimples sa kanyang pisngi at ang mga mapuputi at pantay niyang mga ngipin. Nakakabaliw. Kahit hindi para sa akin, para rin akong naapektuhan, nakoryente, nawala sa sarili at lumulutang na sa ere. Ewan... sobrang kinilig ako.

Ngunit hanggang tingin lang ako kay Manuel. Kumbaga, hanggang pangarap lang. Hindi ko naman kasi alam kung paano siya kakaibiganin. Parang awkward naman kung pupunta ako sa kanila upang magtanong-tanong ng kung anu-ano. Hindi rin puwedeng bibigyan ko siya ng sulat. Hindi naman kami mag-pen pal? Hindi rin ako puwedeng pumunta sa bukid kung saan siya nagtatrabaho. Kasi wala naman akong dahilan upang gawin iyon.

Isang araw noong nakita kong parating si Manuel at dadaan sa harap ng bahay namin, may nabuong plano sa aking isip.

Dali-dali kong kinuha ang aking bola sa basktball at tinungo ko ang aming hagdanan. Kunyari ay nakatalikod ako at noong natantiya kong malapit na malapit na siya sa aming harapan, ipinagulong ko ang bola sa aking likod, iyong pakunyaring aksidenteng nabitiwan ko ito at gumulong na lang ito sa daan kung saan dadaan ang kalabaw na sinakyan niya. Tinantiya ko rin talaga na sa harap ng kalabaw niya mismo hihinto ang bola.

Noong lumingon na ako, kunyari ay nagulat akong ganoon, napanganga ang aking bibig at lumaki ang aking mga mata. Pero syempre, char lang iyon. Sobrang lakas kaya ng kalampag ng aking dibdib. Para akong aatekehin ng sakit na vertigo, kung ano man iyon.

Naghintay ako sa resulta. “Freeze!” sa isip ko lang.

At nakita ako na lang na tiningnan niya ang dahan-dahang gumulong na bola sa harap ng kanyang kalabaw. At pati ang bola ay naki-cooperate rin talaga sa moment na iyon. Mabagal ang kanyang paggulong.

Mahinahon namang pinahinto niya ang kalabaw. At kalmanteng-kalmante ang lolo ninyo, ha.

“Ay sorry...!” ang sambit kong nakatingin sa kanya noong huminto na ang bola.

Binitiwan naman niya ang pamatay na ngiti. At, “Ok lang...” ang maiksi niyang sagot. “Sige kunin mo na.” dugtong din niya.

Pakiramdam ko ay bigla kong nakalimutan kung paano ang tamang paglalakad habang nilapitan ko ang bola. Sobra ang pagka-conscious ko na kahit ang paggalaw ng aking paa ay tila hindi ito naaayon sa normal na paglalakad. Pakiwari ko ay iyon ang pinakamahabang paglalakad ko sa layo na galing sa bungad ng pintuan ng aming bahay patungo sa gitna ng daan na wala pang sampong metro ang pagitan.

Pagkatapos kong damputin ang bola, tumayo ako sa gilid ng daanan na parang isang tagahanga lang na kinawayan ang dumaang iniidolong artista sakay sa kanyang float.

Nanatili siyang nakangiti siya sa akin habang nakikaway rin.

Iyon ang isang eksenang hindi mabura-bura sa aking isip. Lalo na ang kanyang pamatay na ngiti.

Isang araw, binagyo ang aming lugar. Sobrang lakas ang bagyo na iyon na tinagurian nilang isang super-typhoon. Noong una normal na buhos na ulan lang naman ang pumapatak. Ngunit sa kalaunan, patindi nang patindi na ang buhos ng ulan.

Nagtatanghali na noong naramdaman na namin ang pagtaas ng tubig hanggang sa hita at ang aming mga kapitbahay ay nagsimula nang magsilikasan. Dahil kungkreto naman ang aming bahay at may pangalawang palapag pa, nagdesisyon ang itay na huwag kaming lumikas. Ang siste, pupuntahan daw nilang dalawa ng inay ang aming bukirin upang isalba ang mga alagang manok at baboy ni itay.

“Jun-jun, dito ka lang sa bahay. Huwag na huwag kang umalis o bumaba ha? Delikado baka mapaano ka!” ang bilin sa akin ni itay at inay.

“Opo...” sagot ko.

Sa isip ko naman ay hindi naman iyon delikado kasi, mahina ang agos ng tubig at nasa tatlong baitang pa lamang ito ng aming hagdanan. Bumaba pa nga ako sa ground floor namin at dinala sa second floor ang mga gamit na delikadong mabasa kagaya ng TV, radyo, ang makina ng inay, mga gamit sa kusina, at iba pang puwede kong dalhin sa itaas.

Ngunit nagsimula ang aking takot noong unti-unti ko nang naramdaman ang palakas na palakas ng bugso ng hangin. Hanggang sa sobrang lakas na nito na pakiramdam ko ay pati ang bubong na yero ng aming bahay ay ililipad na ng hangin kung hindi man ay ang buong bahay. Sa bawat pagragasa ng malakas ng hangin, ramdam ko ang paggalaw ng buong kabahayan. At dahil dito, pati ang buhos ng ulan ay nakakapasok na rin sa loob ng bahay. Naririnig ko pa ang paisa-isang pagsibagsakan ng mga puno ng kahoy sa paligid.

Sobrang natakot ako, hindi lang para sa aking sarili kundi pati na rin sa aking mga magulang na lumusong pa patungo sa aming bukirin. Ngunit wala rin akong magawa dahil sobrang taas na ng tubig at hinid pa ako marunong lumangoy. Hanggang sa tumaas pa ang tubig na isang baitang na lang at maaabot na nito ang pangalawang palapag ng aming bahay.

Hindi ko talaga alam ang gagawin.

Sinilip ko ang bintana at kitang-kita ko ang napakalalim ng putiking kulay na tubig na rumagasa patungo sa direksyon ng baybayin. Walang katao-tao sa paligid. Parang ako lang ang nag-iisang tao sa mundo.

Sa buong buhay ko, noon lang ako nakaranas ng ganoon katinding pagkatakot. Noon ko lang din naranasan ang ganoon katinding delubyo sa aming lugar. Sumagi nga sa isip ko na baka iyon na ang katapusan ng mundo, kagaya ng iyong tinatawag na great flood sa bible kung saan iilang tao at hayop lamang ang pinalad na makaligtas. Kaya wala na akong nagawa kundi ang manalangin na sana ay kung iyon na nga ang katapusan ng mundo, mapatawad ako sa aking mga kasalanan. Ipinalangin ko rin ang aking inay at itay na sana... sana lang ay ligtas sila at hindi sila napahamak. Sa aming bukirin kasi ay maraming mga kahoy. Siguradong nagsibagsakan na rin ang mga iyon at kung nandoon sila, nakakatakot na maliban sa baha, baka matamaan sila, kundi man ay maaanod sa baha.

Ilang pulgada lang at maabot na ang sahig ng pangalawang palapag. Sobrang takot ko na at inihanda ko na ang aking sarili na baka iyon na ang aking katapusan. Nasa ganoon ako katinding takot noong sa gitna ng malakas na ingay ng paghahampas ng hangin sa atip at dingding ng bahay ay may narinig akong isang boses na tila tinatawag ang aking pangalan. “Junjun! Junjun!”

Bigla din akong nabuhayan ng loob. Tinakbo ko ang balkon ng aming bahay at nakita ko roon si Manuel.
Nakaakyat na pala siya. Halos ka-level na lang kasi nito ang tubig.

Sa sobrang tuwa ko na may kasama na ako, napayakap ko siya. “Manuel!!! Mabuti at dumating ka! Ang inay at itay ko, nasa bukid pa!” bulalas ko.

“Ligtas na sila!” ang pasigw niyang sagot sa akin gawa ng ingay. “May bali sa paa ang iyong ama, natamaan daw ito ng palaspas ng bumgsak na niyog noong nasa burol sila ng inyong bukid! May mga tanod na nakakita sa kanila doon kung kaya idineretso na sila ng iyong ina sa evacuation! At huwag kang mag-alala dahil nagamot na siya. Naroon kasi ang lahat ng taga-sitio, at naroon din si Mang Damian, ang hilot. Lahat ng mga taga-sitio ay naroon, naka-evacuate na. Ikaw na lang ang naiwan dito! Kaya noong hinahanap ka ng iyong ama at ina, ako na ang nagvolunteer dahil alam ko, delikado ang itay mo sa kalagayan niya!”

“P-paano ka nakarating dito???”

“Ang kalabaw ko!” at lingon niya sa labas. “Sandali! Pwede bang papasukin ko ang kalabaw ko? Mapapagod siya at baka mamatay kapag hindi nakapagpahinga!”

Tiningnan ko ang kalabaw na naglalangoy pa rin pala. Tinablan din ako ng awa. “Paano natin paakyatin iyan sa terrace. May harang na barandilya!”

“P-pwede bang gibain natin ang isang bahagi para makaakyat ang kalabaw ko?”

“P-paano? Semento iyan?”

“May palakol ka ba?”

At iyon. Dali-dali kong hinanap ang palakol. Mabuti naman at naisama kop ala ito sa aking paglilipat ng gamit galing sa ground floor. Dali-dali ko itong ibinigay kay Manuel na agad ding sinimulan ang pagpalakol sa isang bahagi ng terrace.

At habang pinalakol niya ang terrace, napatitig na lang ako sa kanya. Nakahubad siya ng pang-itaas, naka-short lang, nakapaa. Sobrang hanga ako sa ipinakita niyang tatag at lakas. Alam kong sa paglusong pa lang niya sa baha at bagyo patungo sa bahay namin ay katakot takot na enerhiya na ang kanyang inilabas. Ngunit tila wala siyang kapaguran. Malakas pa rin ang kanyang hataw. Para siyang si superman.

Noong nasira na ang parteng iyon ng barandilya, saka niya hinila ang kalabaw na kusa sing umakyat sa terrace. Noong tuluyan nang nakaakyat ang kanyang kalabaw, tinapik niya ang pisngi nito na para bang pinuri ng, “Good job!” at baling sa akin. “Pagod na pagod ang alaga ko...” sambit niya.

“P-paano iyan?” Ang tanong ko. “H-hindi na tayo makaalis dito?”

“Magpahinga muna siya, kahit 30 minutos lang... tapos dadalhin na kita sa evacuation center.” sambit niya.

Pinapasok pa talaga namin ang kalabaw sa loob ng bahay habang dinala ko naman si Manuel sa kuwarto ko. “Pahinga ka muna...” sambit ko.

“Ito pala ang kuwarto mo?” sambit niya.

“Oo...”

“Pati pala dito ay basa na rin.” Wika niya noong napansing basa na rin halos ang buong kuwarto.

“Oo, sa lakas ba naman ng hampas ng hangin ay pumapasok ang tubig sa mga guwang sa kisame at bintana at hayan...” turo ko pa sa kisameng basang basa at patuloy ang pagpatak ng tubig-ulan.

Nahiga ako sa ibabaw ng kama. Tiningnan ko siya. Noon ko lang napagmasdan nang malapitan ang kanyang anyo; ang kanyang matipunong dibdib na tila sa isang rebolto ng machong si Adonis ng Greek mythology. Makipot ang kanyang beywang kung saan ay makikita ang mga balahibong nakahilera galing sa kanyang pusod patungo sa ilalim ng kanyang short.

Noong ibinaling ko ang aking paningnin sa kanyagn mukha, tinitigan niya pala ako. Ewan ko kung para saan ang titig niyang iyon. Ngunit nakipagtitigan rin ako. At sa gitna ng malakas na kalampag ng aking dibdib ay hindi ko nilubayan ang pagtitig sa kanya. Noon ko lang din napagmasdang mabuti ang angkin niyang kakisigan. Moreno, makinis ang balat, makakapal ang kanyang mga kilay, matungis ang ilong, at ang mga mata ay mistulang nakikipag-usap.

“Halika, tabi ka sa akin...” sambit ko. Ewan kung bakit ko rin nasambit iyon.

At parang isang taong naalipin ng kapangyarihan, dahan-dahan siyang lumapit sa aking kama at humiga. At noong nakahiga na, agad akong tumagilid sa kanya. Niyakap ko ang basa niyang katawan.

Tumagilid rin siya paharap sa akin. hinawi niya ang aking basang T-shirt at agad kong tinanggal ito. At pagkatapos kong tanggalin ang aking t-shirt, naalimpungatan ko na lang ang paglapat ng aming mga labi.

Unang pagkakataon ko iyon na makatikim ng halik. Alam ko, iyon din ang una niya. Pareho naming hindi alam ang gagawin. Ngunit dahil wala naman talagang taong nagpraktis muna ng halikan sa totoong labi ng kanyang mahal bago sila natuto, hinayan na lang namin na ang bugso ng aming pagnanasa ang siyang maggiya sa amin upang malasap ang sarap ng unang halik.

At sa gitna ng ingay ng paghahampas ng hangin sa aming bahay at pagbuhos ng matinding ulan; at sa kabila ng nagyeyelong lamig, ipinalabas namin ang nag-aalab na bugso ng aming pagnanasa. Inangkin namin ang bawat isa. Sabay na inabot namin ang rurok ng kaligayahan. Iyon ang pinakaunang karanasan ko sa kamunduhan; kay Manuel.

At noong nakaraos na kaming pareho atsaka rin humupa ang bagyo. Humina ang hampas ng hangin at humupa na ang ulan.

Parang isang napakalaking coincidence. Bumagyo, bumaha, na-trap ako sa gitna ng baha, iniligtas ni Manuel, at may nangyari sa amin. At sabay sa paghupa ng init ng aming katawan, humupa rin ang galit ng kalikasan. Siguro ay kung isang taong mapamahiin lang ako, iisipin kong ang bagyong iyon ay sinadyang isaboy sa aming lugar upang magkrus ang aming landas ni Manuel. Napaisip tuloy ako ng, “Hindi kaya siya sadyang itinadhana para sa akin?”

Noong bumalikwas na kami sa higaan, doon lang namin napansin na halos nasa tuhod na pala ang lalim ng tubig sa ikalawang palapag nga aming bahay.

“Humina na ang bagyo.” sambit ni Manuel habang isinuot niya muli ang kanyang maong na short at isinara ang zipper ng kanyang harapan. Wala siyang brief kung kaya deretso na siyang nagsuot nito.

“H-hindi na tayo pupunta pa ng evacuation center?” sagot ko habang isinuot ko na ran sa aknig brief atsaka ang short.

“Babalik pa rin. Naroon ang mga magulang mo, naroon din ang dalawa kong kapatid at ang inay. Atsaka, may pagkain doon. Dito wala.”

Napaisip ako. “Oo nga pala. Nasa ibaba ang kusina at siguradong hindi tayo makapagluto ng pagkain dahil sira ang mga lutuan.”

“At wala ring koryente...” dugtong din niya.

Kaya lumusong muli ang kanyang kalabaw sa baha na nagsimula nang humupa. At habang nakaangkas kaming dalawa sa likod ng kanyang kalabaw na lumalangoy, siya ang nasa unahan at ako ang nasa huli, mahigpit naman ang pagkakayakap ko sa kanyang katawan. Pakiwari ko ay ayaw ko na lang makarating sana sa evacuation center. Parang gusto ko na lang na palaging may bago at baha...

Iyon ang pinakaunang saya na nalasap ko sa piling ni Manuel.

(Itutuloy)

7 comments:

  1. galing kuya..bahay bahayan pa talaga..gawain namin noon hehe..

    ReplyDelete
  2. hahaha!!astig to!!sna mablis pagupdate ng next episode kung meon pa tlga hehehehe!!!




    good job!!

    ReplyDelete
  3. hahaha..natatawa talaga ako sa bahay-bahayan scene nila manuel at junjun!!haha...pero ung sa bagyo scene grabe,,parang mag-asawa lang!?hihihi...unang chapter plng kaka-adik na!excited nko sa susunod na chaps.^^

    -monty

    ReplyDelete
  4. ang galing nagsulat nito, kudos at next chapter na agad...

    ReplyDelete
  5. natawa talaga aq sa bahay bahayan scene. galing

    ReplyDelete
  6. ang alam kong tawag sa kawayang pang balanse ay pingga. at nung mga panahon na uso na ang beta at vhs ay meron ng celpon. may kamahalan nga lang from 15,000 pataas, dipende sa model. konting ingat lang po sa paghalo or sahog. ng istorya. maganda naman po ang istorya, kinilig nga ako sa 2 eh, pati dun sa laro nilang bahay-bahayan.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails