Followers

Saturday, September 15, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 10



             Hi guys!! Kamusta po kayong lahat?! ^_^

            AT DAHIL BIRTHDAY KO NGAYON.. hahaha.. oo emphasize ko lang na bday ko.. ahahaha.. Ang maibibigay kong regalo sa inyo ay mas early posting.. hahaha!!

            Ngayong, gusto ko pasalamatan ang

aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.





           Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

           Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
            Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
           Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

           COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED




Si Andre.

Aligaga akong nag-ayos ng mga gamit na kakailanganin ni Ryan. Pagkaayos ng mga damit at mga kailangan pa ni Ryan ay lumabas ako pinasok muli sa box ang cake na binili ko para sa celebration sana naming ni Ryan. Umiiyak ako habang ginagawa ang lahat ng ito. Hindi ko napansin na nanginginig pala ako.

“Easy lang Andre…”, concerned na sabi ni Chelsea. Doon ko napansin na ang mga binaon kong mga gamit ay gulo gulo.

“Umupo ka na lang muna…”, pagkumbinsi ni Chelsea at inayos ang mga gamit na dadalhin namin. Nagiiyak naman ako habang pinapanood si Chelsea na mag-ayos.

“Hindi naman dapat nangyayari to eh…”, iyak ko.

“Look Andre, hindi ko din ang alam ang sasabihin para mapakalma ka. Miski ako ay nalulungkot sa mga nangyayari.. P-pero.. Kailangan nating magpakatatag para kay Ryan…”, mahinahong sabi ni Chelsea.

Matapos makapag ayos ay nagdrive kami pabalik ng hospital. Wala naman akong ginawa kung hindi ang mag-iiyak sa loob ng sasakyan.

Pagdating naming sa hospital ay agad kaming pumanik sa kwarto kung saan naka confine si Ryan. Pagpasok ko ay napabuntong hininga ako sa nakita. Totoo ang lahat. Totoo ang aksidente at totoong undercomatose si Ryan. At ang pinakamlungkot ay wala akong magawa kungdi ang maghintay.

Napansin kong tulog na si Aaron at si Karen naman ay pupungas pungas na rin. Malamang pagod na rin. Kaya sinabihan ko si Karen na magpahinga na lang muna at ako na muna ang bahala. Pinagpahinga ko na rin muna si Chelsea.

Umupo ako muli sa tabi ni Ryan. Muling hinawakan ang kamay nito at hinalikan.

Muli, agad tumulo ang mga luha ko.

Napatingin muli ako kay Ryan. Wala pa ding malay. Nilabas ko naman ang cake na ihinanda ko para sakanya.

“Di ka pa ba gigising mahal ko?”, luha kong sabi.

“Pasensya ka na wala akong magawa para sayo ngayon kundi ang bantayan ka at panoorin ka sa paghihirap mo… Noon, lagi kong sinasabi na gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang… Ang wag ka masaktan. Pero ngayon, wala akong magawa.. Wala…”

Muli kong hinalikan si Ryan sa kamay.

“Mahal ko, aalis pa tayo dapat mamaya eh.. Gagawin natin ang kinagawian nating pagpunta sa park at kakain ng fishball. Sabay ikkwento mo sakin ulit ang unang pagiging magkaibigan natin… Ikkwento mo sakin lahat kahit pa paulit ulit ko ng narinig yun.., habang ako… H-h-habang ako.. Makikinig ako habang halos mamatay sa kilig…. Hinding hindi ko kasi pinagsasawaan ang kwentong yun. Dahil yun ang pinakamagandang kwentong nangyari sa buhay ko…”, malungkot kong kwento habang umiiyak pa din.

“Mahal, kung hindi ka man magising ngayon… Gagawin at tutuparin ko ang sinabi mo na hintayin ka… Maghihintay ako Ryan… Maghihintay ako.”

Dahan dahan akong lumapit kay Larc at dahan dahan kong hinalikan ang mga labi ito. Sana katulad na lang sa fairytales na kapag hinalikan na ng isa ang mahal nito ay magigising na ito. Pero hindi, totoong buhay ito.

Mula sa pagkakaiyak ko ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ng mga magulang ni Ryan. Sa bukana pa lang ay umiiyak na ang Tito at Tita. Mas lalo tuloy akong naiyak.

“Anak, anak… A-andito na ang Nanay.. An..dito na ang N-nanay..”, umiiyak na sabi ng Inay. Wala naman akong nagawa kungdi ang umiyak. Nagulat na lang ako na nagising nap ala si Karen at agad niyakap si Tita.

“Anak, sabi mo diba, papasyal mo ko dito sa Maynila pag andito ako. Andito na ang tatay, oh.”, pilit na pagbibiro ng Tito habang dumadaloy ang luha mula sa kanyang mga mata.

“Anak…”

Hindi ko kinaya pa makipagsabayan ng iyak kaya minabuti ko munang lumabas ng kwarto. Maguumaga na. Kahit pa wala pang tulog sa maghapon ay di ko magawang antukin. Maya maya ay lumabas si Tito kasama si Karen.

“Ano bang nangyari dito?”, tanong ni Tito kay Karen.

“Kasi Tito, nakatanggap po ako ng tawag mga bandang bago mag alas dose. Nakita daw po ang calling card kaya ako ang tinawagan. Nagulat na lang ako ng sunod sunod sinabi ng kausap ko ang mga nangyari. Nagmamaneho daw si Ryan sa may intersection pero may bumangga daw na sasakyan dito. Malakas daw ang pagkakabangga kaya malala ang head injury ni Ryan. Maswerte na lang daw na may tumawag agad ng ambulansya kaya mabilis nadala ng hospital si Ryan. Nang tanungin ko naman ang nangyari sa bumangga sakanya. Ang sabi daw ay nasira ang brake ng kabilang sasakyan kaya hindi nakapreno sa may intersection. At ang isa pa ay lasing din daw ang driver. Dead on arrival po ang driver.”

“Bakit ang anak ko pa…”, malungkot at matigas na sabi ni Tito.

“Kasalanan ko to… Kung isinabay ko n asana si Ryan sa akin o hinintay ko na lang ito.. Edi sana…”, pagsabat ko. Nilagay naman ni Tito ang kamay nya sa balikat ko.

“Kilala ko ang anak ko at alam kong hindi ka nya sinisisi. At Andre, hindi mo kasalanan ang nangyari kaya wag mo sisihin ang sarili mo.”

“Pero….”

“Ipagdasal na lang natin na gumaling agad si Ryan…”


Lumipas ang isa, dalawa, tatlong linggo na hindi gumising si Ryan. Hindi daw nagrerespond si Ryan sa mga treatment na ginagawa sakanya. Umabot na as tatlong bwan pero wala pa ding pagbabago. Nawala man ang mga sugat at pasa nya ay nanatili pa din itong walang malay.

Hindi kami sumuko at nawalan ng pag-asa na isang araw, gigising si Ryan at magiging normal muli ang lahat.Kahit mahirap ay sinubukan ko ipagpatuloy ang buhay. Pagkatapos na pagkatapos ko sa trabaho ay dumadaan ako kay Ryan at kinakausap ko ito na tila ay gising ito. Ikkwento ko sakanya ang buong nangyari sa maghapon ko. Kapag off ko naman ay buong maghapon lang ako nasa hospital at nagbabantay. At syempre, twing monthsary naming ay nagcecelebrate pa din kami. Pumupunta ang tropa at sabay sabay naming ipinagdarasal na sana magising na sya bago tuluyang magcelebrate ng monthsary naming. Ngunit twing salubong ay mas doble ang iyak na ginagawa ko dahil namimis ko na talaga si Ryan. At ang isa pa ay tuwing monthsary naming ay ipinapaalala sakin ng panahon ang gabing maaksidente si Ryan.

Bukod sa akin at kay Karen at Kulas ay ang pinaka matyagang nagbabantay sa hospital ay ang kapatid kong si Aaron. Hanggang ngayon ay dala nya pa rin ang guilt na sya ang may kasalanan kung bakit naaksidente si Ryan. Kahit pa ilang beses ko na sya kinausap na hindi nya kasalanan ay sinasabi lang nito na hayaan ko na lang daw sya dahil ito na lang ang paraan nya para makabawi sa aming dalawa. Lalo na daw sa Kuya Ryan nya.

Kahit ganoon ay di ko masisi ang kapatid ko, naging close din talaga si Ryan kay Aaron. Mas madalas kasi na sumbungan ni Aaron si Ryan sa mga problema particular na sa buhay pag-ibig.  Mas matured din kasi si Ryan mag-isip kaya naman pag lumapalapit sakin ang kapatid ay ipanagkakatiwala ko to kay Ryan. Ganun siguro talaga, kahit pamilya mo na ay may isang tao pa rin talaga na kaya mong sabihan ng kahit ano.

Aside sa trop naming ay araw araw ding dumadalaw si Larc. Ipinagpaliban nito ang pagmigrate sa ibang bansa. Nang makausap naman naming sya ay hindi daw sya makaalis ng hindi man lang makapagpaalam kay Ryan. Gusto sana nya ito makausap bago ito tuluyang umalis. Kaya naman araw araw din itong naghihintay at umaasa. Hinayaan ko lang sya kahit pa may selos akong nadama. Nagmamahal lang din si Larc na tulad ko kaya alam ko ang nararamdaman nya.

Dumaan pa muli ang isang bwan at walang pagbabago. Madalas ako nagigising sa gabi dahil sa masamang panaginip. Paulit ulit kong napapanaginipan na naaksidente si Ryan. Sa panaginip ko ay nakasakay ako sa sasakyang minamaneho ni Ryan. Hanggang sa makita ko ang pagbangga at pagkabagok ng ulo nito. Habang ako naman ay walang galos at nanonood lang. Gusto ko man syang yakapin para hindi sya mabagok ay wala akong magawa sa panaginip ko. Makikita kong duguan si Ryan at titingin sakin sabay bigay ng isang ngiti. Doon, bigla na akong nagigising at nagsisigaw habang naliligo sa sariling pawis sabay muling iiyak. Parang totoo ang nangyayari dahil sa imahinasyon ko ay amoy ko ang gas ng kotse parang naririnig ko pa rin ang lakas ng ulan ng gabing yun.

Talagang apektado ang araw araw ko. Maski sa trabaho ay napapatulala ako. Ilang beses din sa isang araw ako tumawag a hospital at sa private nurse na kinuha naming para kay Ryan. Madalas akong tumawag lalo na pag nasa opisina ako o nasa coffee shop. Nakikibalita at umaasa na sasabihin sakin ng kung sino mang makausap ko na gising na si Ryan… Ngunit bigo ako lagi. Wala pa din daw pagbabago.


Minsang galing ako sa trabaho ay agad akong pumunta sa hospital. Pagdating ko ay andun pa din si Ryan at nakahiga. Tila natutulog lang ang porma. Muli akong nalungkot ng makita ko sya. Halata ang malaking pagkabagsak ng katawan nito.

“Hi, mahal ko.”, agad kong batik ay Ryan sabay halik sa labi nito.

“Nakakapagod sa opisina ngayon. Mas nagexpand kasi ang opisina. Marami ding mga bagong trainees kaya mas doble kayod. Ay! Dumaan din pala ako sa coffee shop. Mas maganda na ang business natin ngayon. Marami na tayong parokyano at suhestiyon nila na lakihan pa ang coffee shop at gawin ng restaurant ang place. Odiba, ayos?”, masayang kwento ko.

Ito na. Ito na ang panahon kung kelan malulungkot akong lalo. Pagka kwento k okay Ryan tungkol sa araw ko ay tatabihan ko ito.

“Mahal, kelan ka ba gigising? Di ka pa ba napapagod matulog?”, malungkot kong biro. At sa mga tagpong ito, lagi kong iniimagine na unti unti itong gigising at ngingitian ako. Ngunit lagi din akong bigo. Dahil tunog lang ng makina at ng aircon sa kwarto nya ang tangi kong naririnig.

Sa araw araw na pagddrama ko ay may isa sa mga kaibigan naming ang dadating at sasamahan ako magbantay kay Ryan. Sinugurado naming kahit hindi na kami magkakasama sa school ay hindi mabubuwag ang tropa naming kahit pa maging gaano kami ka busy.

“Andre…?”, narinig kong tawag ng may pumasok ng kwarto. Si Kulas at Karen.

“Uy, pasok kayo..”

“Balita?”, tanong nila.

Umiling lang ako.

“Ganun ba.. Gigising din sya. Huwag ka mag-alala..”, sabi ni Karen.

“Oo nga pre. Malaki tiwala ko kay pareng Ryan.”, dagdag ni Kulas.

“Sana nga.. Sana nga…”, tanging natugon ko.

“Pare, ano ka ba, nakalimutan mo nab a, ang laki ng tiwala ni Ryan satin. Sa akin na lang eh, kundi dahil sakanya, malamang di pa din ako nakagraduate o basagulero pa din ako. Pero pinagkatiwalaan nya ako when no one else would. Kaya pare, tiwala at dasal ka lang.”, seryosong sabi ni Kulas. Napangiti naman ako kay Kulas.

“Oo nga pare, tandaan ko pa noon, isa ka sa mga pinakabasagulero at talagang pasaway. Aastig astig ka pa nun at akala mo kung sino. Pero nagulat na lang ako ng biglang magbago ka. Hindi naming alam na ganyan pala ang tunay mong ugali. Sa kabila ng pagka astig mo, sensitive ka pala at maaalalahanin lalo na sa mga kaibigan mo.”, ngiti kong sabi kay Kulas. Ngumiti din  ito.

“Alam nyo, kung gising lang si Ryan ngayon. Malamang pinagtatawanan na kayo nung dalawa!! Ang ddrama nyo, eh! Alam mo namang ayaw nya ng mga ganyang ek ek.”, pagbibiro ni Karen.

“Nako! Malamang…”



Umuulan. Napakalakas na ulan. Malamig ang hangin. Napakalamig. Sa sobrang lakas ng ulan at lamig ay nagising ako. Pagmulat ko ng mga mata ko ay namalayan kong nasa kwarto ako sa bahay ng mga magulang ko.

“Dito pala ako natulog?”, unang pumasok sa utak ko.

Nakita kong nagvibrate ang cellphone ko. Number lang ang lumabas. Nagtataka ako dahil ng mapatingin ako sa orasan ay madaling araw pa.

Hospital!! Yan ang unang pumasok sa utak ko. Kaya dali dali ko itong sinagot.

“Hello?”

“Yes, hello po Sir. Pasensya nap o sa late call. Sa hospital po ito. Nagising na po ang pasyente.”, mahinahon na sabi ng kausap ko sa telepono.

“Hah?! I’m on my way!!” , madali kong sagot.

Halos lumundag lundag naman ang puso kong nagayos at nagbihis. Hinanap ko ang susi ng sasakyan ko pero hindi ko mahanap. Kaya taranta akong lumabas at kinatok ang mga kapatid ko pero wala ang mga ito sa bahay.

Agad akong lumabas ng bahay at nakita ko naman sakto ang driver ni Daddy at sinabihan ko na ihanda agad ang sasakyan. Nagmamadali naman itong sumunod din. Pagkahanda ay sumakay ako sa harapan at sinabi lang sa hospital ang punta.

Habang nasa daan kami ay bumuhos ang ulan. Pero wala na akong paki. Masyado akong excited para puntahan at makita si Ryan. Gising na sya! Gising na sya!!

Sa sobrang excitement ko ay nakuha ko pa ding isipin ang tropa. Total, tulong tulong kami nagpagod sa pagbabantay kay Ryan ay deserve nilang malaman din ang impormasyon.

“Shit! Lobat!”, biglang pagbattery empty ko ng tatawagan ko sana si Karen. Naalala ko naman na may charger si Daddy sa sasakyan kaya agad kong hinanap ito.

Nang makita ko naman ang charger ay bigla akong nasilaw. Isang napakalakas na ilaw ang halos bumulag sa mga mata ko.

“BBAAAAAAAAAAAAMMM!!!”, isang malakas na tunog ang umere sa tenga ko. Doon ko narealize na naaksidente na kami.

Halos tumaas naman ang balahibo ko at nagsisigaw ng mapatingin ako sa driver. Si Ryan. Duguan. Nakatitig lang ito sa akin sabay bigay ng isang ngiti. Nagsisigaw naman ako pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Tila hangin lang ang lumalabas dito.

Bzzzzzzzzzzz. Rinig kong pagvivibrate. Bzzzzzzzzzz. Naramdaman ko ang cellphone ko na nagvivibrate. Pero pano nangyari yun? Hindi ba, lobat na ako?! Nang tingnan ko naman ay nakita kong lumabas ang number ni Ryan. Kinakabahan man ay sinagot ko ito.

“H-he-hello?”, kaba kong sagot.

“Hi mahal ko. Happy monthsary sa atin. Mahal na mahal kita. Tandaan mong mahal na mahal kita… Hintayin mo ko ah..”, sabi ni Ryan sa kabilang linya.

Imbis na kilabutan at matakot ay naiyak ako. Dahil nakikita ko na ang duguang Ryan na nasa harap ko at nakangiti ay tila umiiyak din.

“Mahal, pasensya ka na ang tagal ko ha.. Pero hintayin mo ko ha…”, dagdag ni Ryan.

Tumingiin ako sa mga mata ng duguang si Ryan at dahan dahan tumango.

“Hihintayin kita Ryan… Hihintayin kita mahal ko… Mahal na mahal kita…”, umiiyak kong tugon. Muli, nakita ko ang pagngiti ni Ryan.

“Pauwi na ko… Malapit na..”, rinig ko sa kabilang linya.

“Oo, pinagluto kita…”, umiiyak kong tugon.



Umuulan. Napakalakas na ulan. Malamig na hangin. Napakalamig na hangin. Sa sobrang lamig naman ay nagising ako. Pagmulat ko ng mata ay namalayan kong nasa kwarto ako ng bahay naming ni Ryan. Nakatulugan ko na pala ang suot pangtrabaho ko. Doon ko narealize, panaginip lang ang lahat.

Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinilabutan ako. Kinuha ko ang cellphone ko at mas lalong kinilabutan ng makitang number lang ito. Umuulit ang lahat ng nangyari sa panaginip ko. Napatingin ako sa orasan. Madaling araw din. Nagtayuan ang mga balahibo ko.

Kinikilabutan at takot man ay sinagot ko pa din ang aking cellphone.

“H-hello?”, kaba kong tanong.

“Hello Sir? Pasensya na po sa abala. Pero nagkaroon na po ng movement ang pasyente.”, sabi ng kausap ko. Kinilabutan ako. Nauulit nga lahat ng sa panaginip ko!!

“Hah…?’, takot kong tugon.

“Sir? Ang sabi kop o nagkamalay po ang pasyente.”, takang sagot ng kausap ko.

“I’m on my way!!”, madaling sagot ko.

Nagpalit lang ako ng pangtaas sabay hinanap ko ang susi ng sasakyan ko, wala! Bigla ko naalala na nilagay ko nga pala sa lamesa sa dining. Agad akong tumakbo at nakita ko ang susi ko dun.

Umuulan pa din. Lalo akong kinakabahan. Pero wala na akong paki. Sinampal sampal ko ang sarili ko ng masiguradong hindi panaginip. Masakit. Totoo nga! Hindi isang panaginip!!

Kahit pa umuulan ay binilisan ko ang pagddrive. Pero bigla namang nagloko ang makina ko. Dahan dahan bumagal ang takbo ko sabay namatay ang makina. Buti na lang at wala ako sa main road kungdi malaking disgrasya sa akin.

Sinubukan kong paandarin muli ang sasakyan pero ayaw magstart. Shit! Bat ngayon pa?!!

“Sa lahat po ng nagmamaneho. Ingat ingat po! At madulas ang daan!!”, biglang pag-on ng radio ng sasakyan ko ng subukan kong magstart. Parang bigla akong natauhan at kinilabutan. Masyado akong excited makita si Ryan na nakalimutan ko ng mag-ingat. Bigla kong parang nakita si Ryan sa isip ko at pinapagalitan ako. Mas lalo tuloy akong kinilabutan pero at the same time, kumalma ako.

Gulantang man ay pinatay ko muli ang makina ng sasakyan at kinuha ang cellphone ko. Full bar pa ko. Agad kong tinawagan isa isa ang mga tropa at sinabing nagkamalay na si Ryan. Halata ang antok at pagod sa boses nila ng sagutin ang tawag ko pero agad nabuhayan sa balita ko. Susunod na daw sila agad at pinaalalahanan ako na magingat sa pagmamaneho.

“Oo, Sinabihan na ko ni Ryan.”, tanging sagot ko sa lahat. Mukha namang takang taka sila.
Muli kong pinaandar ang sasakyan at ngayon ay mas kalmadong pinatakbo ito. Maya maya din ay nakarating ako sa hospital ng ligtas.

Pagdating ko ng hospital ay nakita ko si Karen at Kulas sa lobby. Since malapit lang ang bahay nila ay nakapunta sila agad. Sabay sabay kaming umakyat. Pasara n asana ang pinto ng elevator ng biglang bumukas muli ito. Si Larc.

Nagsabay sabay kami ng punta at naabutan ang private nurse sa labas ng kwarto. Tila hinihintay din kami nito.

“Ano nangyari?”, agad kong tugon.

“Eh, kanina po kasi, narinig kong umungol si Ryan kaya tinawag ko ang doctor. Teka po, tatawagin ko ang doctor ulit at sasabihing nandito na kayo.”, paalam ng private nurse ni Ryan.

Pagpasok naming sa kwarto ay naabutan naming itong nakahiga at wala ulit malay. We were too late. Wala pang ilang minute ay pumasok ang doctor.

“Good news! Nagising nap o ang pasyente. Nakatulog lamang itong muli pero sigurado na ang paggising nitong muli.”, nakangiting sabi ng doctor. Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa doctor. Pagtapos ay yumakap ako kay Karen. Nakita ko namang tahimik lang si Larc at nakangiti habang nakatingin sa natutulog na si Ryan.

Maya maya ay isa isa na ring nagdatingan ang tropa. Pati sila Aaron ay dumating na din. Lahat ay excited sa muling pag gising ni Ryan.

Tumabi ako sa tabi ni Ryan at hinawakan ang mga kamay nito.

“Andito na ko mahal ko…”, buong pagasa kong sabi kay Ryan.

Maya maya… Naramdaman kong gumalaw ang mga daliri nito. Medyo nabigla ako. At tila agad pumatak ang mga luha ko. Nakita ko ito unti unting gumalaw. Napatayo ang lahat at pumalibot kay Ryan.

Lahat naman ay nasaksihan ang muling pagbukas ng mata ni Ryan..

Dahan dahan ito sa simula. Hindi pa bumubukas ang mata pero kita ang paggalaw nito. Bahagya ding gumagalaw ang ulo nito.

Sa una ay medyo grogy pa si Ryan, yung tipong feeling ng bagong gising at di pa nakaka adjust ang mata sa liwanag. Pero mamaya maya ay sinubukan nitong ifocus ang tingin. Nakita ko syang nakatingin sakin. Agad ko syang nginitian. Tumango naman ito. Hinawakan ko muli ang mga kamay nito..

“Ryan…..”






14 comments:

  1. Buti naman nagising na sya..para happy happy na ulit ang tropa..

    Get well soon ryan ..

    thumbs up author

    -Arvin of Taiwan-

    ReplyDelete
  2. Happy Bday!!!!

    Ganda ng story... Wag labg sanang magka amnesia si ryan... Huhuhu... Nagulat me may mga names na mali katulad ng paghalik ni Andre kay Larc instead na Ryan. Hahaha.... Pero galing....


    Queckenstedt

    ReplyDelete
  3. ayan gsising na si ryan at hahanapin nya si LARC...Happy Birthday pala author!! next chapter na agad..

    ReplyDelete
  4. buhay na buhay na ang character ni Larc! Mas masarap magbasa ngayon....update agad author! Hapi bday!

    ReplyDelete
  5. salamay aman at nagising na sya. . . kinilabutan aman ako dun sa nangyari sa kanya sa daan, talgang mahal nila ang isat isa at d sya pnabayaan ni ryan. huh! next chapter na po plzzzz.

    ReplyDelete
  6. RYAN: Sino kayo??

    Haha!

    Ang ganda sobra!!!

    Cge okay na saken ang Andre-Ryan..

    Kawawa naman si Larc. :'(

    Ganda ng chapter na 'to at ang pinaka nakakabitin sa lahat ng chapters.

    Thanks Ken sa update.

    ReplyDelete
  7. Mukha ngang babalik si Ryan sa dati nyang damdamin kay Larc...amnesia as they say will take you to your hidden past. tiyak na magdurugo na naman ang puso ni Andre nyan. sana sir Mike, things will change as in a twist will happen instead of the usual set-up. Salute to YOU!!!

    /james banning

    ReplyDelete
  8. aiizt! ka excite aman, pati aq naka abang sa pag gcng ni ryan. .


    galing mu talaga ken da best. . .

    dabest mambitin, haha!
    j0wk! :))

    ReplyDelete
  9. Happy Birthday Mr. Author at Happy din ang episode na toh.. galing... Salamat naman gising na si Ryan..

    ReplyDelete
  10. Yes gising n si Ryan!!!!!!!!!!!!!!

    Relax lang Larc don't be so excited..
    Alam ko kayo ni Ryan ang magkakatuluyan..
    Wagaahahah!!
    ^_^

    ReplyDelete
  11. Ganado n akong magbasa ngaun kxe andyan n ule si LARC..

    ReplyDelete
  12. Larc still not enough for Ryan... pero natakot aku sa panaginip ne Andrea..baka mron ibig sabihin nun..naku talaga nmn!!!kaka-excite ang susunod na mangyayari

    hello sa mga masugid na tagasubaybay..

    AtSea

    ReplyDelete
  13. may amnesia siya at si larc pa din ang mahal niya. hehe

    ReplyDelete
  14. hello kenji ...... keep up the good work. po nice..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails