Followers

Monday, September 24, 2012

LOVE AT FIRST KISS





By: INARO
Email: avanon1988@gmail.com

First of all, i would like to thank Sir Mike at pinayagan po niya akong magpost sa kaniyang Blog, SALAMAT PO!

Sa mga Followers, Readers and Bloggers ng MSOB sana po ay suportahan niyo ako sa aking unang akda. Ang kwentong ito ay hango po sa tunay na buhay, lahat po ng ipopost ko na kwento ay Semi-Fiction. Hayaan niyo pong ipakita ko sa inyo ang tunay na kulay ng buhay pag-ibig sa pamamagitan ng aking kwento. This stories are not my life story, ang mga kwentong isusulat ko ay kwento ng mga taong nasa paligid ko. i hope you guys would enjoy everything on it so just sit back, relax and spread your love. SALAMAT PO!
---------------------------------------------------------------------------------

LOVE AT FIRST KISS PROLOGUE

            Hindi ko makita ang daan dahil  sa mga luhang nag-uunahang lumabas sa aking mga mata. Nakakakilabot ang katahimakan ng gabi, tanging paghikbi at kalampag ng tibok ng aking puso ang aking naririnig. Napakadilim, sa sobrang dilim halos madapa na ako sa aking pagtakbo. Oo, tumatakbo ako sa mga oras na iyon na hindi alam ang patutunguhan.

            Isang lalaki ang humahabol sa akin na may hawak na patalim. Nakakatakot ang kaniyang anyo na tila sinapian ng dimonyo. Ang mga mata ay nanlilisik sa sobrang galit. Galit na galit ito na parang gusto akong katayin tulad sa isang baboy ramo at himay-himayin ang aking kalamnan.

            Sobrang gulo ng pangyayari, hindi ko siya kilala at hindi ko rin maintindihan kung bakit ibig niya akong patayin.

            Pumasok ako sa madilim na eskinita. Huli na ng malaman kong wala na pala akong lulusutan doon. Naabutan ako ng lalaki at palapit na ito ng palapit sa kinatatayuan ko. Natuliro ako sa mga oras na iyon. Gustuhin ko man lumaban ngunit siguradong ako lang din ang mahihirapan. Lumingon ako sa paligid upang makahanp ng kahit katiting na pag-asa ngunit bigo ako. Napaluhod ako at pilit na kinausap ang lalaki. Hindi ko na pinansin ang magkahalong luha at sipon sa aking mukha. Nagmakaawa ako sa kaniya ngunit tila nabingi na ang lalaki.

            Nanlaki ang mga mata ko sa takot ng akmang itutulos na niya sa akin ang patalim.

            “ HUWAAAAAAAG!!!!!” sigaw ko sa katahimikan ng gabi.

            Isa.

            Dalawa.

            Tatlo.

            Hindi ko  na mabilang kung ilang beses bumaon sa aking katawan ang patalim na hawak niya. Napahandusay ako sa eskinitang iyon na puno ng sarili kong dugo. Ilang minuto pa ang lumipas at unti-unting nilamon ng kadiliman ang aking kamalayan.

            Patay na ba ako? Hindi ko alam.

          
            Hindi ko alam kung ilang oras, araw o buwan na akong natutulog. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga labing tila sabik na sabik sa aking mga labi at tuluyan na akong nagkamalay.

            Pagmulat ng aking mga mata ay mukha niya ang aking unang nakita. Ang lalaking una kong minahal ng higit tatlong taon. Sa kaniya ko unang naranasan kung paano magmahal ng tapat, mag-sakripisyo, tumawa, umiyak, mabigo at magalit.

            Ang lalaking pinaglaanan ko ng lahat-lahat. Ang lalaking naging sentro ng buhay ko. Ang lalaking naging inspirasyon ko. Ang lalaking nakasama kong bumuo ng aking mga pangarap. Ngunit siya rin ang lalaking nagparamdam sa akin ng lahat ng sakit at kabiguan sa buhay pag-ibig. Ang lalaking sa kabila ng lahat ng aking paghihirap ay hindi man lang natutunan na ako ay ibigin.

            “Anong ginagawa mo rito?” walang emosyon na tanong ko. Marahil napagod na ang puso ko sa lahat ng nangyari kung kayat wala man lang akong madama na kahit ano para sa kaniya.

            “Ssshh wag ka muna magsalita, saglit lang at tatawag ako ng-“

            “Ayoko ng makita ka pa!” pagputol ko sa kaniyang sasabihin.

            “Patawarin mo na ako Jek-Jek, mahal na mahal kita” umupo ito sa aking tabi.

            “ Mahal? Sarili mo lang ang mahal mo.” Sumbat ko sa kaniya

            Umiyak siya. Alam ko tinamaan siya sa mga huling salitang aking binitawan. Makasarili siyang tao. Kaligayahan lang niya ang iniisip niya.

            “Ano ba ang kailangan kong gawin upang maramdaman mo ang pag-ibig ko Jek-Jek?” pagmamakaawa niya sa akin.

            “Kalimutan mo na ako Ton-Ton!” ang diretsahang sabi ko sa kaniya.

            Napahinto ito sa pag-iyak. Pinagmasdan niya ako sa mata. Nagtitigan kami ng mga oras na iyon. Marahil ay tinityak niya sa aking mga mata kung tama ba ang kaniyang narinig na kalimutan na niya ako. Hindi ako kumarap at sa bandang huli sumuko rin si Ton-ton. Napayuko siya at unti-unti akong tinalikuran. Hindi na ako nagtaka pa, simula’t sapol wala na siyang paninindigan.

            “Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin.” Sabi pa niya.

            “Sana noon mo pa ginawa, pagod na ako Ton-Ton, gusto na kitang kalimutan kaya kalimutan mo na rin ako.”

            Tumayo siya at dun ko lang napansin na may saklay pala ito at mga benda sa braso at katawan. Naglakad siya papunta sa pintuan ng kwartong iyon ng umiika, paminsan-minsan ay umaaray at ng mahawakan ang door knob ay  bigla itong lumingon sa akin na may ngiti  sa mga labi na sobrang kong ipinagtaka hanggang sa nagsalita ito.

            “Paano kita kakalimutan Jek-Jek? Kung sa bawat paggising ko sa umaga ikaw agad ang aking iniisip at sa bawat gabi sa aking pagtulog ay ikaw pa rin ang laman ng aking panaginip. Ngayon mo sabihin sa akin, paano? Paano ko kalilimutan ang iyong………… HALIK!



                                          

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails