Unang-una, gusto kong
magpasalamat sa mga bumili ng IDOL KO SI
SIR sa Central Book Supply noong nakaraang Manila International Book Fair (MIBF), Sep 12
– 16, 2012. Sold out ang lahat ng Idol Ko Si Sir display at marami pa ang
naghanap, hindi nakahabol. Anyway, para po sa mga hindi p anakabili, either you
can buy the book at Central Book Supply, heto po ang link ng list of outlets
nila. Or, maghintay na lamang po sa release ng book namin sa National
Bookstores within this week na po ang target namin. Muli, maraming-maraming
salamat po. Sobrang inspired po ako sa nakitang suporta ninyo. At dahil d’yan
ay ipursige ko na talaga ang pagsasalibro ng iba ko pang akda upang magkaroon
kayo ng kopya ng mga ito, at mapipirmahan ko pa kung sakali. :-)
At speaking of book, malapit na
po ang release ng aming MSOB anthology book project. Sampong authors, 14 na
kuwento sa pinag-iisang libro. Iba’t-ibang emosyon ang ihahatid namin sa inyo
sa librong ito: kilig, saya, lungkot, inis, takot, pagkadismaya, pagtitiis,
ngunit puno naman ng pagmamahal, pag-asa, at aral sa buhay. At dahil
iba’t-ibang writers ang kalahok nito; makikita ninyo sa librong ito ang iba’t-ibang
atake ng kanilang pagsusulat. Excited po kaming lahat, sampo ng mga sponsors sa
pagrelease nito.
“Michael’s Shades Of Blue Anthology: Love, Paranoia, and Hunger”
October 14 po ang aming target release. Ang mga writers ay sina Mikejuha,
Dalisay, Rovi, Benedict, Kenji , Pa trice, Dhenxo, Lui , Jon
Dmur (guest writer), Akosiaris (guest writer). At ang aming mga illustrators ay
sina Mimi, Joji, Marlon, Mark, at Patrice. Aba ngan!
At speaking of book pa rin,
gusto kong ipaabot, on behalf of the MSOB Anthology Team ang taos - puso
naming pasasalamat sa mga donors na kung hindi sa financial support at
inspirasyon na ibinigay nila ay hindi kami makapagpursigeng i-materialize ang
project na ito. Napa kalaking
tulong po ang kanilang generosity na ibinahagi sa amin. Isa silang dahilan kung
bakit nabuo ang, “Michael’s Shades Of
Blue Anthology: Love, Paranoia, and Hunger” Palakpakan po natin ang ating
mga sponsors: Mr. Mister. (Ph) Mr.
Ga zeebo (Ph), Mr. Dadi J (Ph),
Mr. Arvin S. Antolin (KSA), Mr. Blue (Can), Mr. Oliver Allorent (Bur), Mr Ric
(KSA), Mr. Patryck (Ph), Mr. Neil Cristian Oleriana, Mr. Ian, and Mr. Anonymous
“B”. Maraming maraming salamat po sa inyo! Kasama po kayo sa aming tagumpay.
Masaya ko rin pong i-announce
na ang MSOB ay kasali na naman sa PEBA contest sa taong ito. Eto po ang entry
natin, http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search?q=si+angelo. Kailangan ko po
ang suporta ninyo sa: (1) Kumento sa entry: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search?q=si+angelo, (2) Boto sa poll
(ibigay ko ang link later), (3) Like at kumento sa fb page (later na rin po ang
link). Sana
ikumpanya natin na makasali ang MSOB sa top 10 na entry. Maraming salamat in
advance.
Tungkol naman po sa ALSB at ML,
pasensya na po na del ayed
ang mga posting. But I am workign now on the next update of AL SB at later, ang ML.
Muli, maraming salamat sa
inyogn suporta at inaasahan po namin, on behalf of MSOB family ang paltuloy pa
ninyong pagsuporta.
More power!
-Mikejuha-
----------------------------------------------------
Intermission
muna:
Siya: Ala m mo, love talaga kita Mikejuha. Gustong-gusto
ko ang mga kuwento mo.
Ako: (Feeling inosente) Talaga?
Siya: Oo naman. Kaka-inlove
kaya mga gawa mo. Kaya heto ako, in love na in love.
Ako: Ganoon ba? Buti ka pa...
Siya: Gusto mo, ligawan na
kita?
Ako: (Nagulat. Cute kasi ang
mokong at ang ganda pa ng katawan sa picture) Huh! Bakit ako???
Siya: Sa iyo kasi ako in love
eh...
Ako: (Kinilig to the balls).
Weeeeeh! Bola!
Siya: Di bola yan ah! Totoo
iyan!
Ako: Hmmmmm.
Siya: So tayo na?
Ako: Huh! Ambilis naman...
(Feeling demure talaga ang lola ninyo)
Siya: Huwag mo namang pahirapan
ang puso ko please...
Ako: (Nag-precum na ang lola
ninyo sa sobrang kilig) A, e.... s-sige, tayo na.
Siya: Yeeeeeeeesssssss!
Yeeeeeeeeessssssss! Taman g-tama! Birthday ko
sa Sept 30!
Ako: (Nalito ang imakuladang
kagandahan ko). Bakit?
Siya: Syempre, hihingi ako
pambirthday, hehehe.
Ako: (Feeling binatukan) Ay,
sorry.... hindi pa pala handa ang puso kong umibig.
Siya: Huh!!!
Ako: Gipit na gipit kasi ako
eh. Sa Sep 30 ko rin babayaran ang mga naninigil sa akin ng utang.
Siya: Paano na ngayon yan love?
Ako: (At love pa talaga ang
tawag niya) Ligawan mo na lang uli ako pagkatapos ng birthday mo.
Sya: Ngek!
Ako: Hanggang gipit pa ako,
wala pa akong karapatang ma in love.
Moral lesson para sa akin:
1. Hindi ako dapat magpaligaw
hanggang may mga utang pa akong babayaran.
2. Hindi pa handa ang puso kong
umibig hanggang wala pa akong pandatung.
Haissst. Saklap.
:-)
Ahahaha... Natawa naman ako dun kwento mu Sir Mike... Kasi, inlove din ako ngayon at ambilis lang din kung paano naging kami... Pero tapos na sya magbirthday bago naging kami.. Hehe I am new to this kind of relationship. I was inspired by especially by your stories. More than a week palang kami. Malayo kami sa isa't isa. Nasa qatar sya at nandito ako sa k.s.a. Pinanghahawakan ko lang, ang pangakong nakakapaloob sa bawat pagbanggit nya ng I love you sa tuwing mag-uusap kami. I've never been this happy. I was afraid. But you're stories inspired me that there is hope, love and happiness sa ganitong relasyon. I could write my own stories now. The story of my life. A new life. A life that I know will not be that easy... Pero sa mga kwento at inspirasyon mu Sir Mike, patuloy akong aasa at gagawing makabuluhan ang buhay kasama ang taong nagbibigay sa akin ngayon ng lubos na kaligayahan. Salamat sayo Sir Mike at sa iba pang resident writers. You are truely a blessing.
ReplyDeleteAnyway, excited na po ako sa paglabas ng bago ninyong libro though I never get a chance na magkaroon ng kopya ng Idol ko Sir kasi dito ako sa ibang bansa... Goodluck po sa inyo at More Power po sa MSOB.
_ian of k.s.a