Way Back Into Love
Chapter 9
By Rogue Mercado
Contact me at: roguemercado@gmail.com
Author's note: Salamat ng marami sa mga taong sumusubaybay at tumututok sa updates ng Way Back Into Love, napaisip ako nung may nagtanong sa akin through email kung ilan pang Chapters daw. I honestly dont know. Basta I'll let you know kung magtatapos na ang serye. Ngunit sa ngayon hayaan niyo munang ipakilala ko kayo sa mas malalim na mga karakter sa kwento :). Here you go Chapter 9.
Forgiveness again sa typo errors :-*
____________________________________________________________________________
Sabrina Malvarosa is one of the kids in town who doesn't like bringing cash in their wallet. She always have her credit cards with her. Dahil wala siyang panahon na humawak ng mabahong pera at magbilang pa nito sa kanyang wallet. She was always used to swipe the card on machines. Kaya nga kung sino man raw ang mapapangasawa niya ay tiyak na jackpot sa kanya. And it was indeed a fact. Her father is a business tycoon while her mother, an acclaimed socialite was once a ramp model who earned so much reputation in the showbiz industry. She was quite popular because of her family's prestige. Kaya nga marami ang nagbabalak kaibiganin siya dahil sa kanilang koneksyon at dahil sa kapangyarihan.
She thought everything is perfect. She is living like a queen. Lahat ng kailangan niya ay nakukyha niya with just a snap. Laki sa layaw, sunod ang luho. But at some point in her life, she met a guy named Red Antonio. In their high school years, isa itong magaling na mang-aawit at talaga namang nahulog siya ng husto dito. She was always there. Sa mga amateurs na sinasalihan nito, sa mga programs kung saan ay may intermission numbers at kumakanta rin ito. She collected many of his photos. Lahat yun ay araw-araw niyang tinitingnan and silently, she knew to herself that she was in love with the guy. The turning point of her fantasies happened when they were introduced in a program being held in their campus. Siya ang Presidente ng Women's Circle at kailangan nila ng estudyanteng aawit sa programang inihanda nila. Syempre, si Red agad ang pumasok sa isip niya kaya hindi siya nagsayang ng panahon at agad siyang nagpakilala dito. hindi niya sinayang ang panahon na mapalapit dito sa kalagitnaan ng preparasyon nitong kumanta. Lagi siyang nakaantabay kapag nageensayo itong kumanta. She's always there to offer him sandwiches, water, energy drink, whatever. Gusto niyang inaalagaan nito.
But then she also met that faggot, Adrian dela Riva. At first, he likes the idea na ang baklang ito ang best friend ni Red. Kung ganun, hindi siya mahihirapan na mas lalong mapalapit kay Red. The dorky gay was a blessing at first. Totoong tinulungan siya nito na mapalapit kay Red at ganun din naman ang ginawa ng Adrian na iyon kay Red. He made Red see her as Ms Perfect, ang pinaka perpektong girl friend para kay Red. Kung tutuusin ay talagang nakakatawa ang baklang iyon sa mga pinag-gagagawa nito para lang maplease si Red nung nililigawan siya. Hindi niya makakalimutan ang pagsuot ng costume ng baklang iyon at sumayaw-sayaw sa harap niya. Adrian was the best utility ever. Talagang na-maximize niya ito ng husto para maging matagumpay ang relasyon niya kay Red.
But she noticed one thing.
Hindi kayang pabayaan ni Red si Adrian. May mga oras na hindi siya sinisipot nito sa napagusapan nilang date dahil lang daw may emergency sa bahay nila Adrian, hindi ito sumipot sa birthday niya noon dahil daw may sakit si Adrian, hindi ito sumipot ng 1st anniversay nila dahil daw may performace si Adrian sa simbahan. Dinagdagan pa ito ng picture ng baklang Adrian na yan sa wallet ni Red, picture ni Adrian sa cellphone ni Red at picture ng Adrian na yan sa kwarto ni Red. Nalaman niya rin na bumili ng singsing si Red at akala niya ay sa kanya ito ibibigay ngunit ibinigay niya ito kay Adrian noong graduation nila. At ang hindi niya maatim sa lahat ay ng marinig niya mula sa mga labi nito na mahal nito si Adrian isang araw habang natutulog ito sa kandungan niya. Tangina!!! Napapamura siya pag naiisip niya yun. Puro na lang Adrian.. Adrian.. Adrian.. Paulit-ulit. Nakakasira na ng tainga.
Kaya naman she deviced a plan. Hindi niya masasaktan si Red dahil mahal na mahal niya ito and of course Red was her property. Pagaari niya ito at hindi ng baklang Adrian na yan. Walang magagawa ang baklang iyon para agawin ang pinakamamahal niya. Never. So she carefully used her brains para planuhin ang pagbagsak ng Adrian na yan. Gusto niyang masadlak ito sa putik, yung tipong hindi na ito makakabangon para naman mawala na ito sa eksena at siya na lang ang pansinin ni Red. She thought of hiring a killer para maisagawa ang plano ngunit its too speedy. She wanted a torture first before Adrian's epic downfall. Yung unti-unti itong mamamatay sa sakit na nararamdaman nito.
She thought of several options kung paano niya maisasagawa ang plano. And there came Jake Marcos, isang ambisyosong estudyanteng nangangarap maging NASUDI member. Nililigawan siya nito noong high school pa lang sila but she declined. People like Jake are parasites that would suck the blood out of her. Kaya naman she decided to use the same medication. Gagamitin niya ito para kay Adrian. Gays have one sole weakness. Lalaki. Yun ang pagkaka-alam niya. Oh how she hate gays! Kung tutuusin, mga trying hard na babae lang naman sila na hindi kailanman magkakaroon ng magkamatris. Nakiki-agaw sa mga lalaki na kahit kailan ay hindi magiging kanila. Kung siya lang ang Diyos, pinatamaan niya na ng kidlat ang mga bakla sa mundo.
As expected, Jake Marcos succumb to the plan. Ang unang offering ay ang pagiging kabit nito while she is in a relationship with Red syempre ang pagiging miyembro ng NASUDI ay susunod na lang pag nakatuntong na ito ng kolehiyo. Revenge is best served when its cold, ika nga nila. Kaya nga isasakatuparan ang lahat ng plano as soon as tumuntong sila ng kolehiyo at makapasok si Jake sa NASUDI. They made it. Nagawa nilang ipahiya si Adrian. Her Tito was the perfect person para matanggap nito ang pinaka nakakahiyang mga salita sa tanan ng kanyang buhay.
"Ano iyang iniinom mo?" tanong ni Jake sa kanya ng makita siyang uminom ng dalawang malalaking kapsula ng gamot. They just finished their casual sex session. Yun ay isa lamang sa mga ordinaryong pagtatagpo nila ni Jake para palabasin ang init nila sa isa't isa.
"Its none of your business." tugon niya dito.
Sa totoo lang hindi niya rin alam ang iniinom niya. Their family doctor said that it is an emotional stabilizer. She was diagnosed with Pyromania. Mahilig kasi siya sa apoy. Hindi niya alam kung bakit. When she was 10 years old ay siya ang may kagagawan kung bakit nasunog ang kusina nila. She also have a burn in her feet ng tangkain niyang lutuin ang sariling paa sa kandila. No one knows about this except her family at siya. No one has to know. Lalong-lao na si Red dahil baka layuan siya nito sakaling malaman nitong may deperensya siya. Pero walang diperensya sa kanya. Wala. Si Adrian, ito ang baliw. Dahil gusto nitong agawin si Red.
"Jake, I want you to proceed to the 2nd plan" agaw pansin niya dito
"What? Kakatapos lang natin ng unang plano. Can you at least give it a break"
"Break? Bakit ano ba pinaplano natin? Prayer Meeting? Kailangan ng break? At saka kakatapos lang din naman ng oath mo sa NASUDI ah. Can you just, look around you?"
Kasalaukuyan silang nasa kuwarto ni Jake. Kuwarto niya ito sa NASUDI Bldng. Lahat kasi ng miyembro nito ay may sariling kuwarto. May mga pagkakataon kasi na may late rehaersals sila at hindi na nila kailangan pang umuwi o mag commute dahil mayroon silang tutulugan sa loob mismo ng campus. Kung iisipin nga ay pwede na silang tumira dun.
"Pero parte to ng napagusapan" salungat ni Jake
"Oo nga.. at napagusapan natin na gagawin mo ang lahat lahat pag nakuha mo na ang gusto mo"
Wala na naman siyang nagawa kundi tumango sa gustong mangyai ni Sabrina. Its a point of no return. Hindi siya pwedeng sumagot ng "Hindi" dapat puro Oo. Sa totoo lang ay hindi siya makapag concentrate kanina pa dahil sa nangyari sa Auditions. Ito lang ang laman ng ulo niya. Paulit-ulit na bumabalik ang eksena sa Auditorium. Sa kanyang imahinasyon, binabago niya ang mga nangyari. Nakapasok siya sa Auditions, Nakapasok din si Adrian, Napahiya si Sabrina. Nakapasok si Adrian, Nakapasok siya sa Auditions, Hindi nakakanta si Sabrina ng maayos. Nakapasok siya sa Auditons, Nakapasok din si Adrian, Hindi nakakanta si Sabrina dahil sira ang CD.
Ngunit alam niyang kahit anong pagbabago pa ang gawin niya walang mangyayari. Dahil nangyari na ang dapat mangyari.
"Oo sige.. gagawin ko ang susunod na ipagagawa mo"
"Good." wika ni Sabrina sabay humalakhak ng parang demonyo. Humiga siya sa tabi ni Jake at niyakap ito.
"Demonyo" wala sa loob na wika ni Jake sa kanya. Huli na para bawiin niya ang sinabi niya rito.
Umupo ulit si Sabrina katabi ni Jake at kumalas sa pagkakayakap niya dito. Ngunit ng tingnan ni Jake si Sabrina ay parang wala naman itong kaemo-emosyon.
"Tama ka demonyo nga ako, kaya wag mong subukan ang kademonyuhan ko" wika ni Sabrina sa kanya.
She reached again her medicine at pagkatapos ay uminom ng dalawa pang kapsula.
Kanina pa siya tulalang tulala sa harapan ng piano. Nakauwi na siya ng bahay ngunit hindi niya alam kung paano nga siya eksaktong nakauwi roon. Suot pa rin niya ang damit niya kanina ngunit wala siyang pakialam dahil masyadong busy ang utak niya sa pag-alala ng mga naganap kani-kanina lang.
"Tell you what..... this day is the day you insulted the music industry.. You think that this is only..... ONLY I repeat... only an Audition? This is not an Audition honey... This is the first step to being famous... to being a celebrity. And for some God Damn obvious reason, this not just or only an Audition.. You... You dont care about Music.. You take your voice seriously that you thought a golden voice would only matter and a broken CD would just be a minor, superficial mistake. But you know what? being a singer requires more than a pair of mutant lungs. Its not just about vocal chords. But its how you show your emotions through lyrics and melody. You.... The Tardy 5th performer unprepared of his piece prides himself to pass this Auditions like its only an ordinary screening of an obscure barangay contest. Kung ganun ang akala mo bakit hindi ka na lang mag-Kristo sa sabong. They dont require a burned CD there?"
"Do you know why I gave you a chance kanina? I always shut the door to people who doesnt know the word punctuality. But you came with a biggest speech saying that you wont disappoint me. I also admire people who are brave enough to tell that. So I made an exception, I let you join the other four TALENTED neos to fight your way to NASUDI. You disappointed me more than anybody else in this stage. It turns out that you are not a singer after all. Youre pretentious and uhm.... stupid"
"You lost and I am admitting all of the four candidates in NASUDI. Congratulations guys"
Nagsilabasan ang lahat ng kalahok sa Auditions at nakita niyang nauna si Jake na lumabas ng bulwagan. Nakita niya rin si Sabrina na lumabas kasama nito. Ngunit wala siyang kakayahang humakbang para lumabas na rin. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakatayo pa rin sa entablado habang tuloy-tuloy ang pagiyak.
Pumasok ang isang tao sa Auditorium. Alam niyang si Jake iyon at babalikan siya. Ngunit si Red ang naaninag ng dalawa niyang mga mata. Naging mabilis ang mga pangyayari. Hawak ni Red ang katawan niya at bigla siya nitong.... hinalikan.
Naubos na siguro ang luha niya kanina kaya tulala na lang siya ngayon. Hindi na siya makaiyak. Gustuhin niya man ay hindi na kaya ng magang-maga niyang mga mata. Bigla siyang bumalik sa sariling katinuan ng makita niya ang kanyang nanay na pumasok sa kuwarto kung saan nakalagay ang piano ng yumao niyang ama.
"Anak" tawag nito sa kanya at sabay pag upo nito sa tabi niya.
"Ma, andyan ka pala"
"May problema ba tayo anak? Nandito lang si Mama, makikinig sa mahal na mahal niyang anak"
Napangiti siya. Konting pag-aalo lang nito sa kanya o kaya paglalambing ay natatawa na agad siya at hindi mapigilang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Dalawang tao lang naman ang nakakagawa nun, ang nanay at si.... si Red.
"Wala naman Ma, ayos lang po ako"
"Anak alam kong hindi ka ayos, isang tingin ko pa lang sa iyo alam kong may mali na"
"Hindi .... Hindi po kasi ako nakapasa Ma....sa NASUDI" nag-aalangang sagot niya dito. Alam kasi ng Mama niya ang plano niya na sumali sa NASUDI
"Yun lang ba ang problema nak?" tanong uli nito
Bumuntong hininga siya. At pagkatapos ay inihanda ang sarili na aminin ang isa pang problema.
"Si Red po Ma.."
"Bakit may ginawa ba sa iyo si Red anak?" tanong nito na wari ay nababasa ang kanyang isip.
Patay. Hindi naman niya masasabi na hinalikan siya ni Red. bulong niya sa sarili
"May hindi lang po kami napagkasunduan Ma." pagpapalusot niya
"Ano ang balak mo ngayon? Hindi mo ba siya kakausapin?"
"Gusto ko na po siyang iwasan Ma"
"Yun ba talaga ang gusto mo anak?" tanong nito ulit sa kanya.
Katahimikan.
Hindi siya nakasagot. Dahil hindi rin siya sigurado kung yun din ba ang gusto niya. Hanggang ngayon hindi niya pa talaga alam kung bakit hinalikan siya ni Red.
"Alam mo anak. Yang piano na natin kahit kailan hindi yan pinapabayaan na Papa mo dati" biglang basag ng Mama niya sa katahimikan na namayani. Gunit hindi niya alam ang motibo nito sa pagsingit ng ganung paksa.
"...Sabi ng Papa mo nun, hindi pwedeng masira kahit isa man lang sa keys ng piano.. Kasi makagawa ka man ng musika mula dito... parang may kulang.. parang may nawawala.... Kayo ni Red anak... ganun kayo... alam mo bang noong bata kayo halos hindi na kayo mapaghiwalay kung asan ka, andun din itong si Red. kapag kumakanta ka.. kumakanta rin itong si Red... Alam mo ba nung kinder kayo, yung nursery rhyme na 'chikading' ....ang sarap nyong pakinggan nun.. Kasi ikaw kinakanta mo yun tapos magra-rap itong itong si Red ng parehas na kanta..." matamis na ngiti ng kanyang Mama.
Hindi na rin niya napigilang tumawa sa kwentong iyon ng kanyang Mama. Hindi niya ma-imagine kung anong hitsura nila nun.
"Anak... Hindi mo napapansin pero parehas kayong nkakagawa ng magandang musika... Kung may nagawa man siya sa iyo at hindi mo nagustuhan alam ko madadaan naman ang lahat sa maayos na paguusap.. Anak, kapag magdesisyon kang iwasan si Red.. Kailangan mong ihanda ang sarili mo sa posibilidad na baka isang araw may hanap-hanapin kang kulang sa pagkatao mo" pagtatapos ng kanyang ina.
Sa mataman niyang pakikinig sa kanyang Mama ay lubusan siyang naliwanagan. Oo nga at hindi niya inaasahan ang paghalik nito sa kanya pero hindi naman siguro sapat iyon para pahirapan niya si Red sa pamamagitan ng pagiwas dito. Kapag nagkaharap sila ulit ay alam na niya ang sasabihin dito.
Tumayo na ang kanyang Mama sa kinauupuan nito at pumunta sa kanyang likod at niyakap siya. Ganun siya kamahal ng kanyang Mama. Kaya naman kahit gaano nababagabag ang isip niya o kanyang damdamin, isang yakap lang nito, nawawala na ang lahat ng suliranin niya at bigat ng dibdib.
Lalakad na sana ito palayo ng bigla itong magsalita.
"Anak.... tungkol pala dun sa NASUDI, hayaan mo na muna. Saka hindi lang naman iyon ang huling Audition diba? At kung ano man ang nasabi sa iyo, wag mong didibdibin dahil kahit hindi ka natanggap dun, hindi iyon malaking kabawasan sa pagiging mang-aawit mo at lalo na sa pagkatao mo. Hindi ka man naging miyembro ng NASUDI, ikaw pa rin naman si Adrian Dela Riva, yung naging choir member, presidente ng paaralan niyo nung high school, yung best friend ni Red at syempre yung nagiisang anak ko" malambing nitong tugon sa kanya.
Nginitian niya ito ng matamis. Siya na siguro ang the best Mama in the world. Napaka-maunawain at napaka-maalagang na Ina. Parang nawala lahat ng bumagabag sa kanya ng marinig niya ito.
Tinitigan niya ang piano. Pumikit siya at kinapa kung nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari sa kanya. Ngunit wala siyang mahagilap. Parang kusang loob din na kinapa ng kamay niya ang piano at pagkatapos ay tinipa ito ng kanyang mga daliri.
"Ang ganda naman niyang tinutugtog mo" boses ng lalaki na nanggaling sa kanyang likuran.
Hindi niya piniling lumingon dahil alam niya kung sino ang nagmamayari ng boses na iyon. Ilang segundo lang ang lumipas at naramdaman niyang may dalawang kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran.
"Moks ko... Sorry na.. please" bulong nito at naramdaman niyang umiyak ito sa balikat niya.
Itutuloy.....
Ohh men. Its kinda bitin. Lol. Hahaha. Hm, atleast now I can really understand what sabrinas doing, may eng-eng pla ng konte. kaya ganun. Hahaha
ReplyDeleteay bitin! sorry late repz ako! busy kasi sa school..xD
ReplyDeleteheto na ! mag aaminan na ba sa susunod? ...
hindi ko parin matanggap na hindi natanggap ang bida sa audition! sana hindi sumuko si adrian na ipakita at patunayan sa buong mundo ang kanyang talento sa pagkanta!
We willsupport you idol! haha :]..
next next! keep it up!