By: Kurt Ian
Email: gkurtian@gmail.com
PROLOGUE
Malakas ang buhos ng ulan. Wala akung makita sa daan kundi ang malakas na agos ng tubig ulan na dumadaloy sa lupa. Ngunit ang pagkakalam ko, kailangan kung lumayo sa kanya, ayoko na syang makita pa ulit. Wala na kaming dapat pag-usapan pa. Ayoko ko ng maulit pa ang nakaraan.
Dali-dali akong tumakbo sa daan sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Basang-basa na ako sa kakatakbo upang iwasan lang sya. Ngunit isang nagulat ako nung may may naaninag akong taong nasa harap ko. At sya iyon. Katulad ko din, basang-basa sya sa ulan. Mabilis akong naglakad na tila hindi ko siya nakita pero bigla na akong hinigitan sa kanang braso.
Nagsimula syang magsalita, “Bakit ba ayaw mo akung mahalin?Medyo matono ang kanyang pagsasalita. Tila nagmamakaawa ito na para bang tumagos sa isip ko na seryoso sya sa ginagawa nya.
“Gumising ka Jess. Sapagkat ako ngayon ay gising na sa katotohanan na hindi pwedeng maging tayo.” Yun lang ang nasambit ko sa kanyang mukhang nakakaawa.
“Alam ko iyon at gising na ako sa katotohanan..sa katotohanang, kahit hindi tayo pwedeng magmahalan, ikaw pa rin ang aking mamahalin. Sapagkat ikaw ang mahal ko. Wala ng iba.
Napatulala ako sa sinabi nya. Binitawan nya ang braso ko at lumuhod sya sa aking harapan.
“Wag mo akung iwan Johnny. Mamamatay ako kapag wala ka.”
Hindi ako umimik. Pinipilit kung maging manhid sapagkat dapat hindi na matuloy ang ganitong bagay. Sa rason na din, na hindi ito tama, ito ay kasalanan, sa mata ng tao, at sa mata ng Diyos. Pero napagtanto ko rin sa isipang iyong ang tanong na, “Kasalanan bang magmahal?”
CHAPTER 1
It was the second week of June, definitely “Back to School” days. Excited talaga akung pumasok sa eskwela sapagkat, unang araw ko ito bilang isang college student. Pangarap ko talaga din itong makatungtong sa kolehiyo sapagkat malaking pahirap sa akin ang mag-aral, isa itong bagay na kailanmay sa nakaktatak sa iyo itong bagay na ito at kahit sino ay hindi makakabawi sa bagay na ito sa ating pagkatao.
Ako pala si Johneil Mendez, labing anim na gulang ako. Bata pa lang ako, sinanay na akong maging mabuting tagapagmana ng aming hacienda. Ang pamilya Mendez kasi ay isa sa mga maimpluwensyang pamilya sa aming lugar. It was even back in 1990’s ng maging tanyag ang mga Mendez dahil sa kabutihang ginagawa nito sa kababayan nila noon at kahit naman hanggang ngayon. Sabi ni papa, isa daw na prebilihiyo ang magka-apelyedo ng Mendez sapagkat nakaukit na ito sa aming lugar ang pagiging ma-impluwesya nito at matulungin sa kapwa lalo na sa mga mahihirap.
Pinagbubutihan ko talaga ang pag-aaral ko simula sa pre-school hanggang high school. First honor ako palagi sa aming klase hindi sa rason na ma-impluwensya ang pamilya namin pero taglay din siguro ng aming angkan ang pagiging mapursigido sa pag-aaral.
May mga araw din akong pinagagalitan ako ni lolo kapag malilit ang mga markang nakukuha ko. Paano naman kasi, ako na lang yung natitirang apo nya na magmamana sa hacienda. Ang iba kasi na mga apo nya, baleh, mga pinsan ko ay malalaki na at nagdesisyong magkapamilya na at magsarili na sa buhay. Tumanggi ang halos lahat ng pinsan ko sa paghawak sa hacienda na ikinabubuhay din ng mga kababayan ni lolo. Bilin kasi ng lolo ni lolo, na ipagpatuloy ang paggawa ng mabuti sa kapwa. Kaya sa bawat henerasyon, kailangang may magmana sa hacienda at para mapangalagaan ang negosyo at para na rin na mapagpatuloy din ang tila direksyon ng mga Mendez, ang magsilbing kaakibat ng mga tao sa pagtulong.
Ang papa ko ay isa din sa mga anak ni lolo na tumanggi sa alok bilang tagapagmana. Ewan ko ba at bakit inaayawan nila ang pagpapatakbo ng hacienda, na kung tutuusin, malaking halaga at malaking kabutihan ang dulot nito. Si papa ay isang piloto sa Singapore, habang si mama ay isang doctor sa Canada. Ewan ko ba sa kanila, para tuloy akung walang mga magulang. Yun din ang isa sa mga rason ni lolo kaya tila nagtatampo sya sa kanyang mga anak. Mas inuuna nila ang pangingibang bansa kesa magsilbi sa bayan nilang sinilangan.
At ngayong kailangan kong pumunta at mamuhay sa syudad para mag-aral, nalulungkot na naman si lolo tungkol dito.
Kanina pa kami nakarating sa bayan kung saan ako mag-aaral. At ngayon ay tapos na akong nakapaghanda para sa eskwela.
Naglalakad lang ako patungo sa unibersidad kung saan ako papasok sapagkat malapit lang naman ang distansya mula sa bahay namin at sa school. Talagang excited na excited ako kaya hindi ko napigilang tumakbo agad sapagkat nakikita ko na ang entrance ng university. Papasok na akong biglang may nakabanggaan ako.
“Woowh, Im sorry bro!”, ang sabi ng nakabangga sa akin.
“It’s ok. It was my fault. Nagmamadali kasi ako. Ako nga ang dapat mag-sorry.” Sagot ko naman.
“By the way, Im Jess, Jess Mendoza.” Sabay abot ng kamay nya sa akin.
“Johneil Mendez.”
That was instant. Nagkakilala lang sa isang banggan. Pero yun yung isa sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko. At hindi ko yun makalimutan.
Pagkatapos naming magkakilala, sabay kaming pumasok sa gate.
“So, first year ka lang dito ata sa university? Ngayon pa lang kasi kita nakita dito.”
“Oo, first year palang ako dito. Ikaw?”
“First year 2nd semester. Anong course kinuha mo?” tanong nya habang naglalakad kami sa lobby.
“Im an Aeronautic student. Ewan ko ba at tila ito yung nagustuhan kung maging paglaki ko, ang maging piloto. Bata pa kasi ako nung iniwan ako ng mama at papa ko dito sa atin. Nagtatrabaho kasi sila sa ibang bansa. At hayun, dahil sa gusto kung pumunta kung saan sila nagtatrabaho, gusto kung makapaglakbay sa iba’t-ibang lugar at puntahan sila kung saan sila nagtatrabaho.”
“Parehas din pala tayo ng kursong kinuha. Yun nga lang, nauna ako sayo ng kaunti.” Sabay ngiti nya sa akin.
“San ba punta mo at tila nagmamadali ka?”
“Wala naman, excited lang kasi akung pumasok. Pangarap ko kasing makapatapos ng pag-aaral para matupad yung mga pangarap ko. Nakakatuwa nga eh, para bang atat na atat akung maging isang professional. Para ata akung nagmamadali sa paglaki.” Paliwanag ko sa kanya habang naglalakad.
“Ang lalim non ha! Grabe ka tol, ang taas-taas ng pangarap mo. Eh sa akin, etong pag-aaral ko ay parang wala lang. Pero nung namatay si papa, huling bilin nya sa akin ay dapat daw na mag-aral akung mabuti. Kailangan kung mag-aral para sa kinabukasan ko at para na din maalagaan ng maayos ang mama. Kaya yun, ginawa ko ang gusto niya, ang mag-aral. Gusto ko din na maging katulad ni papa, maging isang piloto. Hindi lang isang piloto, kundi maging isa ring mabuting anak at mabuting ama kung saka-sakali sa takdang panahon.”
“Ahh, kaya pala. Ikaw ,,san ba punta mo?” tanong ko sa kanya.
“Sa library, mamaya pa kasi ang klase ko.”
“Sama mo na lang ako tol, hindi ko pa kasi kabisado itong school.”
“O sige.!”
Nagmamadali kaming tumungo sa library. Pagpasok ko sa university library, hindi ko inakalang napakalaki pala nito. Na-iimagine ko na yung library namin sa private school na pinapasukan ko nung high school ay maliit lang. Pero kahit maliit iyon, napakarami naming libro saka air-conditioned din. Pero itong university library, super lawak ng silid na tila ilang metro pa ang yung lalakarin upang mahanap mo ang librong hinahanap. Ang dami kasing bookshelves.
Pumunta kami agad sa table at umupo.
“Wala ka bang gagawin dito?” tanong ko sa kanya.
“Wala, tatambay lang dito. Papahangin. Ganito lang kasi yung ginagawa ko dito pa pumupunta ako dito sa library. Minsan, paggusto kung magbasa, kukuha ako ng libro, pero usually, tumatambay lang talaga ako dito at natutulog.”
“Ganun?Ginagawa mung silid tulugan itong library. Hahaha! Nagpapatawa ka ba?”
“Seryoso talaga ako.” Si Jess.
“So… Dito ka din nag-eemote for sure.?” Pabiro kung tanong.
“Ano ba yang klaseng tanong bro?”
“Tanong pa rin. Ano bang pinagkaiba sa tanong ko sa ibang tanong?” sagot ko.
“Kasi, may lalaking bang nag-eemote, tapos sa library pa. Nakakatuwa ka din noh?”
“Tao din naman tayo di ba? Umiiyak din naman ang lalaki,.Tapos, hindi rin naman maiiwasan ang maging emosyonal.”
“Teka, teka bro, ba’t parang naiba yung pinag-uusapan nitin?
“O sige na nga, wag na nating yang pag-usapan.”
“Ok lang bang magtanong sayo?”tanong niya.
“Ano namang klaseng tanong yan tol! Oo naman,. Tao din ako no! Joker ka ato tol!”
“Hindi. Napa-isip lang kasi ako. Recently kasi, gusto kong umiyak, pero ayoko.”
“Huh? Para kang tanga tol, ba’t ayaw mung umiyak?”
“Di ba hindi naman umiiyak ang mga lalaki.”
“Sino naman ang nagsabi yan? Para atang abnormal kung mag-isip. Syempre umiiyak ang mga lalaki, ang lahat ng tao, kapag nasasaktan.”
“Ganon ba yun?” pagtataka nya.
“Oo naman noh! Eto naman oh!, para lang tanga kung mag-isip.”
Ahhh. Teka, may freetime ka mamaya bro?” anyaya nya sakin.
“Oo, bakit mo natanong?”
“Yayayain sana kitang lumabas.”
“O sure tol, wala akong gagawin mamaya. Text mo na lang ako.” Eto yung number ko, 09*********. Text mo ko.”
Dali-dali nyang kinuha ang kanyang telepono sa bulsa. Pagkatapos ay nauna na akung magpaalam sa kanya sapagkat may klase na akung papasukan. Habang sya, doon sa library ay naiwan mag-isa.
Mag-aalas 6:30 na akong nakalabas sa paaralan. Madilim na at tila uulan. Umuwi ako kaagad sa bahay ng aking auntie Lolit kung saan ako nag-sstay.
Maya-maya pa ay pumasok na ako sa kwarto ko at inihagis ang buong katawan sa malambot na kama. Habang hinihintay ko ang mensahe ni Jess, nagpalit muna ako ng damit at pumunta sa banyo para maglinis sa katawan. Pagkatapos pumunta sa C.R., humiga muna ako at nag-isip. Natutuwa kong isipan na tinatawag akung "Bro" ni Jess. Feeling ko kasi, sya yung nakakatandang kapatid ko. Maya-maya ay narinig kung tumunog ang aking telepono. Alam kung siya na iyon.
Kinuha ko ang telepono at binasa ang mensahe.
“Nakapag-handa ka na bro?” text niya sa akin.
“Oo, tapos na akong nakapaghanda. Ikaw?” reply ko naman.
“Sige, susunduin na kita.”
“Huh? Susunduin?Ba’t naman? Saka, alam mo ba address ko?’”
“Oo! Sinundan kita kanina. Medyo nagkasabay lang tayong lumabas sa gate. Di mo lang ako napansin.”
“Ahh, ganun ba? Sige, kung yan ang gusto mo. Sunduin mo ako, Dalian mo ha?”
“Ok bro.”
Ilang minute pa ay dumating na sya agad. Ako naman ay nasa labas na ng aming bahay nung dumating sya.
“Tagal mo naman tol!”p abiro kung sabi sa kanya.
“Huh? Napaghintay ba kita ng matagal? Awh, sorry bro!”
“Eto naman, di mabiro. Ang bilis mo kaya pumunta rito.Para atang kabisado muna ang lugar dito.”
“Oo naman,syempre! Magkapitbahay lang naman kasi tayo.”
“Biro nga? Sabay sapak ko sa likod nya.
“Oo naman, gusto mung Makita bahay namin? Halika ka at tuturuan kita kung saan bahay namin.”
Hinigit nya ako sa kaliwang kamay at dali-dali kaming pumunta sa bahay nila sa may kanto na malapit lang talaga sa bahay ni auntie kung saan ako tumutuloy. Pumasok kami doon at napansin kung tila walang tao.
“Wala bang tao dito tol?” tanong ko sa kanya.
“Wala,. Ako lang mag-isa dito. Pumunta kasi si mama sa Davao. A-attend ng isang seminar.
“Wala ba kayong katulong dito?”
“Wala tol.”
“So, kaw lang dito mag-isa palagi?” pangungulit ko sa kanya.
“Oo.” Pasimpleng sagot niya sakin.
“Akala ko ba lalabas tayo tol?”
“Eh, ba’t ba tayo nandito to bro?”
“Naglolokohan ba tayo tol? Eh, kaw nga nagdala sa akin dito.”
“Makulit ka kasi. Ayaw mo pang maniwala na magkalapit lang bahay natin. Wag na nga lang tayong lumabas. Magpapa-deliver na lang tayo ng makakain tapos, magmo-movie marathon na lang tayo. Tutal, wala naman masyadong klase bukas, wala pa yung mga teachers natin sa ibang subject.”
“Sige-sige tol, wag na lang tayong lumabas. Medyo tinatamad din kasi akung lumabas dito sa syudad. Maalikabok tapos nakaka-stress yung ingay dun. Hindi kasi ako nasanay sa mataong lugar.” Sagot ko sa kanya.
Pumunta muna si Jess sa isang sulok kung saan nakalagay ang telepono nila na landline. Tinawagan nya ang isa sa mga fastfood chain para magpadeliver ng mga kakainin namin. Pagkatapos nitong umorder sa linya ay agad naman nyang ibinababa ang telepono at pumunta malapit sa tv at doon ini-on nya ang tv habang ako naman ay nagmamasid-masid sa mga picture frames sa isang divider.
“Nag-iisa ka lang pala na anak tol?" tanong ko sabay tingin sa kanya.
Nung ibinaling ko ang tingin ko sa kinaroroonan nya ay tila natulala ako. Nakita ko kasi syang hinuhubad ang kanyang pantalon habang wala na syang pang-itaas na kasuotan. Kitang-kita ko sa dalawang mata ko ang kagandahang hubog nyang katawan. Malalaki ang muscles nya sa dibdib na tila nagpapahiwatig na nag-gygym sya. Merun syang abs na tila pandesal kung ilalarawan. Wala na akung magawa kundi ang tumalikod nung malapit nan yang mahubad ang buong pantalon at naka-brief na lang sya.
“Oo, tol, nag-iisa lang akong anak nila mama at papa.Wala akung mga kapatid. May deperensya kasi si papa sa kanyang pagkalalaki. Maliit lang daw ang sperm count nya at sa ganung kaso, maliit lang ang tsansa nyang mag-kaanak. Peo buti na lang, at bago pa man lumala ang karamdamang iyon, naisagawa na nila ako ni mama at papa. Pati din si mama ay may deperensya sa kanayang matris. Malimit daw itong makapagbuntis sapagkat mababa ang matris nya. Delikado kung magbuntis sya. Ayaw naman din nilang mag-ampon sapagkat matatanda na sila. Kaya palagi talagang sinasabi ni papa na, pag nag-asawa daw ako ,dapat, medyo damihan ko raw ang paggawa ng mga bata. Natatawa naman ako kapag palagi ko yung naririnig sa kanya.”
“Ahh… ganun ba tol?” pasimple ko naman na sagot na tila nag-aalangan na humarap sa kanya.
“Oo, ganun nga tol .Parehas pala tayo. Only one sa pamilya.”
Titingin na sana ako sa kanya ngunit nabigla na lang ako nung nasa likod na pala sakin. Di ko yun inakala kasi baka nakahubad pa sya. Pero mali ang inakala ko, bihis na pala sya. Nakasandong itim at naka boxer briefs na kulay abo.
Nagsimula na kaming manood ng pelikula sa kanilang sala. Hindi ko rin naman inasahan na ang bilis dumating ng inorder naming mga pagkain. Kumain kami ng pizza, burger at spaghetti habang umiinom ng light beer.
Tila natablan ako sa beer na iniinom namin. Light nga lang iyon pero iba yung tama sa akin. Parang nalasing ako agad-agad.Hindi naman kasi ako sanay uminom ng ganun. Paano naman kasi, hindi ako yung umorder. Yung iniinom ko kasi yung mga healthy drinks tulad ng fresh milk, fruit juices at tea.
Medyo nakatulog na ako sa kinauupuan ko ng biglang naramdaman kung may umaalalay sa akin. Antok na antok na ako kaya di ko na namalayang kinarga na pala ako ni Jess patungo sa kanyang kama. Basta yung natatandaan ko ay, antok na antok at natulog ako sa kama. Kahit gulay na gulay ako sa kalasingan ay tila nararamdaman ko pa rin ang mga nanyayari sa paligid. Tulad na lang na may nararamdaman akung parang di ko malaman-laman na dumadampi sa aking bibig. Ewan ko ba kung ano iyon bastaang importante sa akin nung mga oras na yon ay makapagpahinga sapagkat di ko na makayanan pang bumangon at umuwi sa amin. Pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay. Hindi ko alam ang sumunod pang pangyayari sa gabing iyon.
Ok,nice story!!!
ReplyDeleteingat lang sa paggamit ng words:)
Please edit your post. Include "Written by:", blog link (if any), email. And pls. label your post. Thank you.
ReplyDeletewow!!!!next epsode pls!!
ReplyDeleteheheheheh!!