Followers

Sunday, September 23, 2012

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [15]


Email: watashioonheru03@gmail.com

By: oonheru
Facebook: http://facebook.com/oonheru
Twitter: http://twitter.com/oonheru


Author’s Note: Hello sa lahat. Kaway! Pasensya na ulit kung ngayon lang naka pag update busy kasi ako sa Thesis namin at mga gawain sa school eh. Hehehe tapos 2 weeks pa akong nagkasakit. :(

Salamat pala sa mga sumusubaybay ng kwentong ito. Mahal ko kayo ?

Enjoy reading. Sensya na kung may mga typo error :D


Here we go!




Lumapit si Francis sa akin.

“halika ka na Marky iuuwi na kita sa boarding house nyo lasing kana” sabay abot ng kamay niya sa akin.

Tiningnan ko ang maamo niyang mukha, wala pa ring nagbago sa kanya, gwapo pa rin ang bestfriend ko. Para na naman akong nahihiptonismo sa kagwapuhan niya.

“Ano ano ang ginagawa nya dito? Bakit niya ako inaakit pauuwi? Bakit siya nagpunta dito? Paano niya nalaman na nandito ako? Ano ang ibig sabihin nito? Miss na ba niya ako? Hindi na ba siya galit sa akin? Kakausapin na ba niya ako ulit?” ang tanong ko sa aking sarili.

Gusto ko siyang yakapin dahil sobrang miss na miss ko na siya pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa kanya kasi ako naman ang may kasalanan kung bakit kami naging ganito.

“Uy Marky uwi na daw kayo ng kapatid mo” sabi naman ng isang classmate ko na kainuman din namin.

“Magkamukha ba talaga kami ni Francis? Bakit ang daming nagsasabi na magkamukha daw kami, minsan may nagtatanong pa kung kambal daw ba kaming dalawa. Ganun ba talaga pag mag best friend nagiging magkamukha habang tumatagal?” tanong ko ulit sa aking sarili.

“Teka tol ako nalang ang maghahatid sa kanya” si EJ

“Ako nalang ang maghahatid sa kanya baka kung saan mo pa siya dalhin saka lasing kana din” sabi naman ni francis

“Hindi ako lasing nakainom lang saka wala ka bang tiwala sa akin?”

“Tinatanong pa ba yun?”

“Loko ka pala eh”

Sa tagpong iyon hinamon ni Ej si Francis ng suntukan.

“”Ano gusto mo? Suntukan tayo ano?” si EJ

“Pasensya kana tol hindi ako nakikipag away”

Ngunit sinuntok pa rin ni Ej si Francis pero naka ilag ito. Naka ilang suntok pa sila pero hindi niya ito matamaan dahil na rin siguro sa kalasingan.

“EJ tama na yan” pag awat ko sa kanya.

“Sige na Francis umuwi kana, kaya kong umuwi mag isa” ang pag tataboy ko sa kanya.

“Pero hindi mo na kaya ang sarili mo eh”

“Wala ng pero pero umalis kana para hindi na magkagulo pa. please lang”

Umalis na nga si Francis pero ang sinisigaw ng utak ko ay bumalik ka Francis. Pumunta ako sa CR para mag hilamos. Tumingin sa salamin.

“Ano ba ang nangyayari? Bakit pumunta si Francis dito? Bakit?”

Kinabukasan nagising nalang ako sa ibang kwarto. “Kanino kayang kwarto ito?” bulong ko sa aking sarili.

Iginala ko ang aking mga mata ang ganda ng kwartong tinulugan ko sobrang laki, may sarili itong Cr, may malaking flat screen na TV, ang laki ng salamin, may mga components at may Computer pa. napalingon ako sa aking tabi at napa wow talaga ako ng bonggang. Ang daming gadgets na nakapatong doon, may iPod, iPad, iPhone, Tablet, Laptop, PSP at kung ano ano pa. Sa kabilang gilid naman ng kama ay may nakita akong pagkain. Para sa akin kaya iyon? Breakfast in bed? Hahaha sosyal! Iginala ko pa ang aking mata at nakita ko may terrace sa kwarto. Napa wow ako kasi parang palasyo ang bahay na iyon.

Bumangon ako tiningnan ko ang sarili ko at nagtaka ako kung bakit sando at boxer nalang ang suot ko. Gosh! Sino kaya ang nag hubad ng suot ko? Baka pinag samantalahan niya ang mura kong kawatan. Hahaha charot! Tiningnan ko kung boxerbrief ko pa ang suot ko at nagulat ako dahil ibang brief na ang suot ko. Ibig sabihin nakita na ang ano ko? OMG! nakakahiya talaga. Nag isip ako sandali ang naalala ko na nag inom pala kami kagabi sa bar at si EJ ang kasama ko nun. So ibig sabihin si EJ ang nag palit ng suot ko? Haist!

“Kay EJ palang kwarto ito, pero teka bakit parang nag iba na ang kwarto nya? Lumipat ba sila ng bahay?” tanong ko sa aking sarili na alam ko namang hindi ko rin masasagot. LOL

Maya maya pa may narinig akong nag gigitara at nag simula na siyang kumanta.


Heto na naman
Sulyap ng ‘yong mata
Na nagsasabing, ika’y nag-iisa
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita

Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan

(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala ay ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana’y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana’y ako nalang

Lagi kitang, inaabangan
Baka sakali makausap man lang
Ngunit takot ang nadarama
Pag nariyan ka na
Pero naiinis pag may kausap ka ng iba

Laging nasa isip ka
Di na magbabago magpakailan pa man

May nagmamahal naba sayo?
Kung wala ay ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana’y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana’y ako nalang

Di na magbabago ang puso ko
Ako’y magmamahal sayo

May nagmamahal naba sayo?
Kung wala ay ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana’y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana’y ako nalang

Pagkatapos niyang kumunta parang nawala ang hang over ko dahil kilala ko ang boses na yun at alam ko na paborito niyang gitarin ang kantang iyon hindi ako pwedeng magkamali.

Unti unti kong hinakabang ang aking mga paa papunta sa may terrace, dahan dahan ngunit biglang pumasok ang nag gigitara sa kwarto at nakita niya akong naka ninja moves. Hahaha

“What are you doing?” sita niya sa akin

Napa nganga naman ako at medyo natawa sa itsura ko. Hindi ko alam ang aking sasabihin.

“ah eh.. ano kasi..” hindi ko maituloy ang sasabihin ko

“Kumain kana may pag kain dyan sa may table.”

Agad naman akong tumalima sa utos niya para siyang isang boss na nag utos sa secretary niya. Agad kong kinain ang tinapay at ininom ang gatas.

Tiningnan ko siya. Parehas ang suot naming boxer at sando. Bakit naman kaya parehas ang suot namin?

“Tapos ka ng kumain?” tanong niya

“Opo” ang mabilis kong sagot

“Okay, kung inaantok ka pa magpahinga ka ulit. Magpapahinga din ako napuyat ako kagabi.” Sabi pa niya.

Humiga siya sa kama at ipinatong ang kamay sa noo at humugot ng isang napaka lamim na buntong hinga.

“Galit ka pa ba sa akin?” tanong ko sa kanya.

Hindi siya umimik bagkos tiningnan lang niya ako sa ibinaling ang tingin sa kisame.

“Sorry na tol, alam ko kasalan ko ang nangyari, nag sisisi na nga ako eh kung bakit ko un nagawa, ang hirap pala ng ganito, nasanay kasi ako na lagi kang nandyan sa tabi mo tapos ganun pa ang nangyari sa atin. Alam mo nung mga panahong iniiwasan mo ako sobrang sakit noon para sa akin, pakiramdam ko ang sama sama kong tao. Mahirap pala, alam mo ung feeling na sobrang miss mo na ung isang tao tapos hindi mo magawang lapitan man lang kasi natatakot kang ipag tabuyan ka nya.”

Dumaloy na ang masaganang luha sa aking mata. Tiningnan ko siya at umaagos din ang mga luha niya.

“Francis sorry na please? Patawarin mo na ako oh, please lang, kapag pinatawad mo ako tapos hindi kana galit sa akin, kahit hindi mo na ako kausapin kahit kelan basta alam kong hindi kana galit sa akin.”

Patuloy pa rin ako sa pag hagugulhul ng iyak.

Inabot ng kamay niya ang katawan ko saka niyakap, humagulhul na rin siya ng iyak. Nakahiga kaming parehong magkayakap, nakapatong ako sa kanya. Patuloy parin kami sa pag iyak. Lalo pa akong napaiyak dahil sa pagyakap niya sa akin.

“Sorry Marky” patuloy pa rin siya sa pag iyak.

“sorry din Francis” umiiyak pa rin ako.

Nakatulugan namin ang pag iyak na dalawa. At sabay kaming nagising, hindi namin alam kung anong oras na at wala kaming paki alam basta ang alam ko bati na kami ni Francis.

Pag mulat ng kanyang mata nakangiti siya sa akin. Sinuklian ko naman ito ng ngiti. Umupo siya at umupo din ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Oh bakit niyakap mo ako ng mahigpit?”

“Wala lang, sobrang na miss kita eh.” Sabay ngiti at pisil ng ilong ko.

“ako din na miss kita ng sobra sobra.” Pinisil ko din ang kanyang ilong.

“Bati na tayo ha?” magkasabay naming sinabi.

“Opo”

“Hindi na ulit mangyayari yun ha? Pomise?”

“Promise”

Sabay taas ng kanyang kanang kamay at ng kanyang hinliliit. Ganoon din ang aking ginawa at pinaglapit namin ang dalawang hinlilit namin tanda ng hindi na kami magkaka galit pa.

“Teka Francis, Paano ako napunta dito?” tanong ko sa kanya

“Hinintay ko kayo matapos mag inom kagabi. Ang dami mo ngang naimom eh. Kaya ang ginawa ko binantayan kita hanggang matapos kayong uminom kasi ung mga kainuman mo lasing na lasing din pati ikaw, hindi mo na nga ako nakikilala kagabi eh.”

Na touch naman ako sa sinabi niyang iyon. Ang bait talaga ni Francis, binantayan pala niya ako, sa kabila ng pag tataboy ko sa kanya.

“Sorry pala kagabi ah.”

“Naku wala un. Ikaw pa ang lakas mo kaya sa akin. Saka hindi naman talaga kita iiwan ng ganun ganun nalang baka kung ano pa ang mangyaring masama sayo dun.”

“Paano mo pala nalaman na nadoon ako?”

Tumawa siya.

“bakit ka natatawa?”

“Wala. Tinanong ko si kuya mo kung nasaan ka.”

“Ah ganun ba. Eh bakit hindi mo ako hinatid sa boarding house kagabi?”

“Ah eh.. tinawagan ko si kuya mo kagabi sabi ko kasama kita at ipinag paalam ko na dito kana matutulog kasi nga sarado na ang boarding house nyo 10pm palang? Kaya no choice siya. hehehe”

“Ah” ang maikli kong sagot.

“Sino pala nagpalit ng suot ko?”

“Sino pa ba? Syempre ako. Sukang suka ka kasi kagabi tapos nasukahan mo pa ako at ung damit mo kaya pinunasan ko ng maligamgam na tubig ang buong kawatan mo tapos binihisan kita.”

“Eh bakit parehas ang suot natin? Para tuloy tayong kambal na si B1 at B2. haha ”

“Eh un kasi ang nakuha ko sa damitan ko eh.”

Napaisip ako, kung pinunasan nya ang buong katawan ko ibig sabihin nakita nya lahat lahat? Grabe! May nangyari kaya? Ano kaya ang ginawa niya sa akin? Gosh! Kelangan nya akong panagutan. Charot!

“oh bakit naka tulala ka dyan. Nahihiya ka? Sus wag ka ng mahiya sa akin. hihihihi”

“Bakit ganyan ang tawa mo?”

“Eh kasi nung pinupunasan ko ikaw nagagalit si JunJun mo. Magka size pala tayo hahaha”

“Loko ka talaga! hahaha”

Hinampas ko siya ng ulan, sabay tawa. Gumanti naman siya sa akin. Tawanan kaming dalawa parang mga bata. Sobrang saya ko ng araw na yun dahil finally nagkabati na kami ni Francis. Nag pambuno kaming dalawa sa kama. Kilitian, wrestling at kung ano ano pa. sobrang saya talaga. Habang nag wrewrestling kami napailalim ako sa sobrang lakas nya. Nanghihina na kasi ako sa kakatawa ko.

“Lalaban ka pa? hahaha”

“Hindi na po suko na ako hahaha”

Tawanan ulit. Umalis na siya sa ibabaw ko at nahiga na rin sa sobrang pagod. Tumagilid siya paharap sa akin at ganun din ang ginawa ko. Nag tama ang mga mata namin. Eye to eye contact kaming dalawa. Halos isang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha namin.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa pag titig niya sa akin. Tiningnan ko ang mukha niya, lalo pa siyang gumwapo, ang kinis ng kanyang mukha. Angelic face kumbaga. Pinagmasdan ko ang mapupungay niyang mga mata at ang kanya mapupulang labi na kay sarap halikan.

Lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. 2 pulgada nalang ang lapit ng mga mukha namin sa isat isat. Pumikit nalang ako at nag hihintay ng sunod na mangyayari, magpapaubaya ako kung ano man ang gusto niyang gawin. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakapikit na siya at 1 pulgada nalang ang layo ng aming mga mukha at maglalapat na ang aming mga labi.




Itutuloy...




Ano kaya ang mangayayari sa tagpong ito? Tuluyan na kayang magpadala sa bugso ng kanilang mga damdamin si Francis at Marky? Abangan….

6 comments:

  1. w0w sa wakas my update na! Sana p0 auth0r tul0y2 na ung updates.

    ReplyDelete
  2. waaaaaaah...nabitin ako heheh...sayangs..pero diba parang mgkapatid ata si Francis tsaka si Marky..hehehe

    anyways ganda..kakakilig hehehe


    next chapter na please Oonheru...:))

    ReplyDelete
  3. mmm tagal namn po ninyyong maka update sir author jejeje... pero infairnes kilig ako jejej.. nxt na po

    ReplyDelete
  4. HEHEHE thank you po sa pag babasa :D

    ReplyDelete
  5. thanks marky you make it again,kakamis n nga ito series n ito,gaya mo bc din kc me kya now ko palng din mababasa mga update mo, nice flow un bang para k lang kumakain ng banana split,ayos diba............

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails