Followers

Saturday, September 22, 2012

Way Back Into Love (Chapter 4)









Rogue Mercado's


Way Back Into Love


Chapter 4


Authors Note:   Thank You pala for your responses. Mahal ko na kayo hehe : D  Im inspired to continue and write more kahit dumadating sa point na nauubusan na ako ng creative juices and sometimes doubting my story if it would be an MSOB quality. But then Im here to inspire not to impress hehe. So i hope you enjoy reading my first story for this blog <drama>

And also, sorry kung ang daming typo ng each Chapter minsan since Im not really good in proofreading pag natapos ko na kasi gusto ko na kaagad ipost sa MSOB. Atat lang eh.


If you wanrt to contact me, you could email me at:   roguemercado@gmail.com

_____________________________________________________________________________



"Jake?" sigaw ko nang lubusang makita siyang humahangos. Nakasuot ito ng Pink T-shirt na may nakasulat na 'Will you marry me?'.



"Nakita kasi kita sa plasma TV kanina, hindi ko akalain na ikaw yung maisasali sa mock wedding" paliwanag nito ng tuluyang mabawi ang hininga matapos ang pagtakbo. "Hon, hiniram ko pa tong shirt makapasok lang dito sa venue ng Pink Party" pagpapatuloy nito.



Kasalukuyan silang nasa Del Pilar Bldg kung saan ang buong bulwagan ay nabahiran ng kulay Pink, pink balloons, pink curtains pati ata yung wedding cake ay kulay pink na nakahanda pa mismo sa loob ng bulwagan. Para talagang reception sa isang kasal. Hindi niya rin akalain na makikita pa yung event sa plasma TV. Siguradong bulong bulongan na ito sa unibersidad kinabukasan.



"Excuse me, pwedeng malaman kung sino ka? Ginugulo mo ang selection process namin. Napili namin tong dalawang to when we spotted them during the enrollment" singit ng lalaking may pakana ng lahat.



"My name is Jake Marcos ako po ang boyfriend niya"pag amin nito.



Nagsigawan ang lahat, dumami ang bulong bulungan at noon lang niya napagmasdan si Red na nakatitig sa kanya na parang nagmamakaawa ng sobra.



"So why are you here? That doesnt make any sense. This is only a mock wedding. Bakit sobra kang apektado?" sarkastikong tanong ng lalaki.



"Kasi po... ayokong palampasin ang pagkakataon na masabi ko sa kanya, sa harap ng maraming tao... na mahal na mahal ko siya at sa araw araw na nakikita ko siya, lalo akong naniniwala na totoo talagang may fairytale" sagot ni Jake sa lalaki.



Tila naman dumagundong ang buong bulwagan sa sigawan ng mga tao. Hindi siguro akalain ng mga ito na mas lalong magiging kumplikado ang sitwasyon sa pagdating ni Jake.




"Well I guess this is the most exciting mock wedding Ive ever seen" ngiting wika ng lalaki



"What can you say father?" baling ulit nito sa pekeng pari. 



"Kung ganun eh sundin natin ang tradisyon sa ganitong kasal. Adrian, sino nga ba ang pipiliin mo? " malumanay na tanong ng pari.



Sa pagkakataong iyon ay gustong gusto niyang batukan ang pari. Kung pwede lang sanang mag walk out sa event na iyon na hindi siya nagmumukhang bastos sa harap ng ibang tao. Pero bakit kailangan siyang mailagay sa posisyong ganito? Kung saan kailangan niyang pumili sa pagitan ng best friend at ng boy friend niya. Kung tutuusin ay dapat hindi siya mahirapan ngunit parang dinudurog ang kalooban niya kapag nakikita niya si Red, na sobrang lungkot at parang alam na alam na ang susunod na sasabihin niya.




Lumingon siya kay Jake at bakas sa mata nito na nagaantay rin ito ng sagot. Lumingon ulit siya kay Red at nakatitig pa rin ito sa kanya. Mistulang pinasakan ang bibig ng lahat ng mga tao sa Building at lahat nakatuon sa kanya ang atensyon. Naghihintay sa kung ano ang unang lalabas sa bibig niya.



"Im sorry" wika niya kay Red.



Yumuko ito at pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya. Ngumiti halata mong napipilitan lang. Napansin niya ring namumula na ang mata nito.



"Sabi ko na nga ba masasaktan lang din ako kasi.... kasi best friend mo LANG ako" pagbibigay diin nito sa sinabi sa kanya.



Lumapit ito para yakapin siya ngunit parang namanhid ang kanyang katawan sa mga sinabi nito. Niyakap siya nito ng sobrang higpit... sobrang higpit na akala mo ay iyon na ang huling pagkikita nila. Pagkatapos ay bumulong ito.



"Nga pala Moks... Naniniwala rin ako sa Fairytale.. pero ayokong maging kontrabida ng happy ending mo.." wika ni Red sabay alis sa kinatatayuan niya. Nakita naman niyang tinanguan ni Red si Jake na parang tanda ng pagpaparaya.



Masyado na siyang naguguluhan, parang may malabo. Hindi kay Jake kundi sa kanilang dalawa ni Red.



"Hon" agaw atensyon sa kanya ni Jake na abot tainga ang ngiti. Ngayon lang niya napagmasdan ang hitsura ni Jake kapag naka Pink na T shirt ito. Gwapong-gwapo. Nasanay kasi siya na lagi itong naka polo at kalimitang kulay gray lang ang kulay halos ng mga damit nito.




"Hon.." pinilit niya tumbasan ang ngiti nito. Ayaw niyang palabasin na parang nagsisisi siya sa desisyon nito.



Nagpalakpakan ulit ang mga tao, yung iba naman ay sumisigaw ng Aaaaawwww, tanda ng nakikisimpatiya kay Red. Gayunpaman, ay tinutukan pa rin ng lahat ang mga susunod na pangyayari.



Nakakatawa ngunit dapat sana ay masaya siya sa naging kinahinatnan. Una, straight ang best friend niya at may girlfriend. Pangalawa, boyfriend niya si Jake at Pangatlo, there's nothing romantic in between him and Red, sadya lang sigurong masyado siyang na-attach kay Red kaya naghahallucinate na tuloy siya na baka.... baka higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman nito. pagninilay nilay niya.





"Tang Ina!" sinuntok ni Red ang dingding ng makarating sa isang sulok na bahagi ng campus.



Anong nangyayari sa sarili niya. Hindi naman siya dating ganito. May girlfriend siya at si Adrian naman ay may boyfriend. Boyfriend nga ba? Aaaaaaarrgh! Bakit kasi hindi niya pa sinabi noon. para siyang tangang pinapagalitan ang sarili



At unti-unti ay tinangay ulit ng nakaraan ang kanyang diwa. Ilang taon na ang nakakaraan.



Sinundan niya si Jake ng lumabas ito sa clinic. Alam niyang gusto lang naman tumulong ng tao kay Adrian at ito pa nga ang nagligtas ng buhay ng matalik na kaibigan. Nandoon na sana siya ng mga oras na iyon, nahuli nga lang ng dating. Nakita na lang niya na buhat buhat ni Jake si Adrian. Marahil ay nawalan na ito noon ng malay. Kaya naman nagdesisyon siyang sundan ito para makapagpaumanhin sa inasal at pasalamatan sa kabaitan nito at pagligtas kay Adrian.



Nagtungo sa CR si Jake at tuloy tuloy na pumasok sa cubicle. Nagtangka sana siyang tawagin ang pangalan nito ngunit nauilinigan niyang kinuha nito ang isang cellphone at parang pasikretong tumawag kaya pumasok sa cubicle. Napagpasyahan niyang pumasok sa katabing cubicle nito. Dahan dahang idinikit niya ang tainga sa dingding at nakinig sa usapan ni Jake at ng tao sa kabilang linya. Ngunit dahil na rin siguro sa ingay sa labas ng banyo eh tanging boses lamang ni Jake ang naririnig niya.


"Oh Bakit ka napatawag.......?" bungad ni Jake sa kausap


".....Oo, nagawa ko na yung pinapagawa mo.. Sana naman maganda ang kalalabasan nito for both of us.....



....Makikinabang? Sigurado ka? Tingnan mo nga yung hitsura nung baklang iyon? Ang baduy pumorma, hati ang buhok sa gilid na parang si jose Rizal!" natatwang insulto ni Jake na patungkol kay Adrian.



"You better know what you are doing at hindi ko lang talaga alam kung makikinabang ako sa baklang iyan.. Tang ina .. Ano ako papatol sa kapwa ko.. Nakakdiri na nga lang tingnan yung pagmumuka niya at kung makikita mo lang kung paano namumula iyong mukha niyan kapag kilig na kilig sa kin. Sus... Matatawa ka na mandidiri" pagpapatuloy nito



"Sige.. sige, I'll call you for more updates. Bye babe"



Yun lang ang narinig niya mula rito at lumabas na ito sa banyo. Mula noon ay sumisidhi lalo ang pagnanasa niyang sabihin ang lahat ng narinig kay Adrian ngunit huli na ang lahat. Nalaman niyang nahulog na ng tuluyan sa bitag ni Jake ang matalik na kaibigan. Naging sila ng hindi siya tumututol. Muli ay unti-unti niyang naalala ang sinabi nito isang araw na pumunta ito sa bahay nila.



"Moks!! Moks!!" sigaw nito sa kanya.



"Oh Adrian Dela Riva! Anong problema!'" bati nito sa kanya



"Hoy! Red Antonio, hindi ako sanay na tinatawag mo ako sa buong pangalan ko ah!" singhal nito sa kanya



"Sorry naman Moks, gusto ko lang malaman kung hinahanap hanap mo yung lambing ko eh" nakangitng turan niya dito sabay kindat.



Pinamulahan ng mukha si Adrian. And he loves seeing his best friend like that. Gustong gusto niyang apektado ito lalo na kapag ganung nilalandi niya ang best friend niya. Simula nung nalaman niya ang lihim na plano ni Jake kay Adrian ay sinimulan niyang mas lalong lumapit kay Adrian para protektahan ito. Noong una ay gusto iya lamang ilayo ito kay Jake ngunit natagpuan niya ang sarili na nasasaktan sa bawat oras na magkasama ang dalawa at sa bawat atensyon ipinupukol ni Adrian kay Jake. Kung selos ang tawag dun hindi niya alam at ayaw niya nang malaman. Sapat na sa kanya ang pakiramdam na sobrang saya kapag nasa tabi niya ito.



"Nakakainis ka naman Moks eh" inirapan siya nito



"Biro lang! to naman eh, kinikilig ka na naman" tawang tawa siya habang inaasar ito



"Hindi na nakakatawa Red Antonio, bahala ka sa buhay mo aalis na ko, may importante pa naman sana akong sasabihin!" galit na sagot nito sa kanya.



Hinabol niya ito at niyakap. Nang nagpupumiglas pa rin si Adrian ay talagang kinarga na niya ito at itinapon sa sofa.



"Araykop.... Arrrrgggghh!! Nakakainis ka na Red Antonio!!!!' sigaw nito sa kanya at umuusok na ang ilong sa galit.



"Lambing ko lang naman iyan Moks" sagot niya dito sabay mabilisang pumunta sa sofabed at niyakap ito. "Wag ng magagalit ang Moks ko" patuloy niyang pagaalo dito.




"Ikaw kasi eh!" simangot nito sa kanya habang nakakulog sa mga bisig niya.


"O ano na ba kasi ang sasabihin mo Moks ko?" tanong niya kay Adrian.



"Paano ko masasabi ng maayos eh nakayakap ka sakin?" pagtataray nito sa kanya.



"Wag ka na nga choosy, swerte ka nga at may gwapong nakayakap sa iyo." wika niya dito at mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya dito



"Moks, seryoso na nga!" pikon nitong sagot sa kanya



"Eh seryoso naman akong nakayakap sa iyo ah"  pamimikon niya pa kay Adrian.



"Moks..."seryoso at matipid na sagot ni Adrian sa kanya



"Bakit Moks ko?" tanong niya dito



"Kami na ni Jake" pagamin nito sa kanya



Para siyang sinabuyan ng isang baldeng tubig sa narinig. Gustuhin niya mang kontrolin ang katawan ay bigla siyang kumalas sa pagyakap nia kay Adrian. Hindi niya napigilan ang sariling madismaya. Gustong gusto na niyang sabihin kay Adrian ngunit hindi niya magawa dahil simula ng makilala na nito si Jake ay kay Jake na umikot ang mundo nito, yung tipong lahat talaga ay ginawa nito para kay Jake. Mula sa pagpupurisge nito na maipasok si Jake sa bawat program para kumanta eh ginawa nito. nakinabang din ang moko dahil naging sikat ito sa campus nila. Kapag may mga assisgnments sa klase eh si Adrian na rin ang gumagawa. At tuwing recess, si Adrian ang bibili ng pagkain para sa kanila. May isa pang pagkakataon na  nagkasakit na at lahat si Adrian sa sobrang kapaguran, pinagsasabay sabay nito ang pagiging Presidente ng campus, pagiging top student at pagiging karelasyon ni Jake. At ng maospital ito, wala si Jake at kumanta daw sa kung saan. Ngunit naiintindihan ito ni Adrian at wala man lang siyang makitang bahid ng pagdududa kay Adrian. Dahil alam niya at nakikita niya, na mahal na mahal nito si Jake.



Hindi siya nakapagsalita ng marinig ang rebelasyon ni Adrian tungkol sa kanilang dalawa ni Jake. naumid ang dila niya at tila bigla siyang nawalan ng gana ng araw na iyon.



"Uy Moks.... Bat natahimik ka? Hindi ka ba masaya para sa akin?"



"Masaya" wala sa loob na sagot niya dito. 



"Parang labas naman sa ilong iyan Moks? Uyyy... Moks..."



"Mahal mo ba talaga si Jake?" paninigurado niya dito



"Oo Moks.. Mahal na Mahal.. Sa kanya na umiikot ang mundo ko"



Tagos sa buto lahat ng pinagsasasabi ni Adrian noong araw na iyon. Mahal na Mahal. Nakaramdam siya ng sobrang kalungkutan. Para siyang naputulan ng hininga.



"Hindi ko talga alam ang sasabihin Moks"



"Ang daya mo naman Moks eh... Ako nga todo suporta nung naging kayo ni Sabrina" maktol nito sa harapan niya



"Iba naman kasi kami Moks.. iba kayo" pagsalungat niya dito



"Ang labo mo naman Moks... Natitiis mo na ko ngayon" wika ni Adrian sabay simangot sa kanya



Tiningnan niya si Adrian ng araw na iyon at daig pa niya ang namama-alam dito habang inuukit sa memorya niya ang bawat detalye ng mukha nito. 



'Halika nga dito" yaya niya kay Adrian papunta sa tabi niya



Sumunod naman ito at tumabi sa kanya ngunit nanatili lang itong nakasimangot. Niyakap niya uli ito at ihiniga sa kanyang dibdib. Hugging Adrian satisfies him. Yung tipong gusto na niyang patigilin ang ikot ng mundo kapag magkasama sila. Sumunod naman ito sa gusto niyang mangyari ngunit alam niyang malungkot pa rin ito.



"Mahal mo ba talaga siya?" tanong niya ulit kay Adrian.



"Mahal Moks.. sobra"  pagkumpirma nito.


"Sige na nga.. You have my blessing" tugon niya dito



"Talaga Moks? Yes! Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh " wika nito sa kanya at napahigpit ang yakap nito.



"Yun na nga ang masama Moks eh... Hindi kita matiis" malungkot niyang tugon









Natapos na ang seremonya sa Pink Party kanina at talagang sobrang saya niya. Ikinasal na siya kay Adrian. At kahit pa peke ito ay hindi niya alam kung bakit ganun siya kasaya. Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni ng tumunog ang kanyang cellphone.



"Jake" boses ng babae ang unang sumalubong sa kanya.



"Oh napatawag ka?" sagot niya dito


"Nagustuhan ko iyong ginawa mo kanina. Ipagpatuloy mo lang iyan. Dahil mas magandang durugin mo ang puso niya sa pinaka masakit na paraan."



"Nakokonsensya na ko.." nagpakawala siya ng buntong hininga pagkasabi nito



"Oh cmon Jake, you dont play the game here... You know how much you will lose if you withdraw the contract besides wag mong sabihing nainlove ka na sa baklang iyan.. Alam nating dalawa na halos isuka mo siya noon"



Pinindot niya ang End button. 










Itutuloy...


9 comments:

  1. Astigen...kso wawa namn!hahay....well,me karma parin...bahala ka jake...kakarmahin ka din..
    -caranchou

    ReplyDelete
  2. Parang na fall na si jake kay adrian...

    Kilig..

    ReplyDelete
  3. it's an ordinary story. great anyway. i'm hoping for more twists.

    ReplyDelete
  4. Oh. Take care jake and one more thing, Fvck You also. :D

    ReplyDelete
  5. well sinabi naman ni Jake na nakkonsensya na xa.. He's in love with Adrian na... ang ganda naman ng story na toh...

    ReplyDelete
  6. BAD PEOPLE GO TO HELL....................

    ReplyDelete
  7. Kakaibang story nanaman ito napaka gagaling naman ng mga author sa MSOB kahit unang story palang ganda agad

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails