Followers

Thursday, September 27, 2012

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [16]

Author’s Note: Hello ulit sa lahat. hahaha
Ito na ang karugtong ng kapanapanabik na eksena ni Marky at Francis..
Enjoy reading. Sensya kung may typo error.

Email: watashioonheru03@gmail.com

By: oonheru
Facebook: http://facebook.com/oonheru
Twitter: http://twitter.com/oonheru


Here we go!
--------------------------------------------------------------
“Teka Francis mali ito.” Pag awat ko sa kanya.
“Paanong mali?”
“Diba may Girlfriend ka? Ayaw kong ako ang maging dahilan ng pag aaway nyo.”
“Wala naman talaga akong Girlfriend. Hindi ko totoong Girlfriend si Ana. Pinagseselos lang niya ung dating boyfriend niya pero hindi talaga naging kami. Nagkabalikan na rin silang dalawa last week lang. May iba kasi akong mahal.”
Tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Pinahid ko ito.
“Tahan na, wag ka ng umiyak”
“Marky, mahal kita.” At humagulhol na siya ng iyak
“Mahal din naman kita eh. Tahan na wag kanang umiyak.”
“Hindi mo naman ako naiintindihan eh”
“Paanong hindi?”
“Marky mahal kita ng higit pa sa isang kaibigan”

Nawindang ako sa kanyang mga sinabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayaw ko naman siyang biruin na baka gutom lang yan kasi baka magalit na naman siya. Seryoso ang kanyang mukha, nakatingin sya sa akin, hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya. Inangat niya ang baba ko at tiningan ang aking mga mata. Nangungusap ang aming mga mata na animoy nagkakaintindihan ito. Unti unti papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit siya at pumikit na rin ako. Naramdaman ko na lumapat na ang kanyang mga labi sa aking labi.


TOK TOK TOK...

Isang lamakas na katok sa pintuan ang nagpatigil sa aming dalawa, nagulat kami parehas, nabitin ako sa tagpong iyon.

“Sino yan?” sigaw ni francis
“Sir kakain na raw po ng dinner sabi ng Mama nyo. Bumaba nalang po kayo”
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Sige kain kana at uuwi na rin ako.”
“Dito kana kumain ng dinner”
“Hindi sa bahay nalang ako kakain”
“Dito na! Okay? Pinag handa pa naman kita ng masarap at paborito nating ulam”
“Wow talaga? Yehey!”

Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanya.

“Sige na una kana sa baba, CR lang ako.”

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hanggan. Infairness ang taas ng hagdanan nila nakakatamad bumaba. Pagka baba ko iginiya ko ang aking mga sa buong kabahayan. Sobrang ganda talaga ng bahay nina Francis, ang swerte naman niya kasi pinanganak siyang mayaman.

“Oh Hijo, kakagising mo lang ba? Ang gulo pa ng buhok mo hindi ka pa nag suklay man lang.” sabay yakap sa akin ng isang babae.

Napayakap na rin ako sa kanya. Nung niyakap ko siya kakaiba ung pakiramdam sobrang saya ko. Siguro sobrang miss ko na ang mama ko kasi ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita.

“Ma..” si Francis
Napa HA naman ang Mama ni Francis.
“Naku Hijo pasensya kana napagkamalan kitang si Francis. Ikaw pala yan Maky. Sorry hijo.”

Ngumiti nalang ako. Si francis naman lumapit sa Mama nya ang humalik sa pisngi. Nakaka inggit naman.

“Lika na sa dinning room kakain na tayo. ” akit sakin ni francis
Habang kumakain kami para naman akong nasa hot seat dahil sa dami ng tanong ng mama ni francis.

“Kumusta kana Marky?” Mama ni Francis
“Okay naman po ako. Kayo?”
“Mabuti naman Hijo. Kumusta ang pag aaral nyong dalawa?”
“Okay lang din po.”
“Taga saan ka nga pala?”
“Taga Island po ako.”
“Saan yun?”
“Malayo po somewhere in blue pacific.”
“talaga? Wow mukhang maganda mag bakasyon dun.”
“Oo nga po eh.”
“Si Mama ang daming tanong hindi tuloy makakain ng maayos si Marky.”
“Hindi okay lang Francis”
“Oh Okay lang naman pala eh. Saka minsan lang naman mapadpad si Marky dito.”
“Teka po, bakit nyo po alam ang pangalan ko?”
“Lagi ka kasing kinekwento sa akin nitong si Francis eh”
“Ma naman...” si Francis
“Naku Hijo wag kang maingay dyan nag uusap kami ni Marky” sabay tawa
Tumawa na rin ako. Napailing nalang si Francis sabay tingin sa akin. Kinilig naman ako dun, ano kayang ikinikwento ni Francis sa Mama nya tungkol sa akin?
“Nangungupahan lang kayo dito?”
“Opo”
“Bakit di nalang kayo dito tumira sa bahay, tutal ang laki laki naman nito saka may mga kwartong bakante dyan. May maghahatid na din sa inyo sa school. Di ba anak?”
“Ah. Oo nga po mama, malaki naman kwarto ko eh. Saka may bakante pang kwarto sa kabila kaya pwede dun ang kuya nya. Sama nalang kami ni Marky sa kwarto ko. hehehe”
“naku wag na po, nakakahiya naman.”
“Naku Hijo wag ka ng mahiya, ituring mo na kaming pamilya mo”

Ngumiti nalang ako. Marami pa kaming napag usapan na kung ano-ano. Magaan ang loob ko sa kanya kahit noon lang kami nagkita. Kasi pag pumupunta ako sa bahay nila laging wala ang mama nya kasi busy sa trabaho. Palakwento ang mama ni francis kung ano ano ang kwento nya tungkol kay francis. Hiyang hiya naman si francis dahil binubuking siya ng kanyang mama, kinukwento nya sa akin kung ano ang mga kalokohang ginawa ni Francis nung bata pa siya.
Pagkatapos naming kumain umakyat na ulit kami sa kwarto ni Francis.

“Francis uuwi na ako”
“Uuwi kana agad?”
“Oo baka pagalitan na ako ni kuya eh”
“Oh sige, teka lang”
Kumuha siya ng damit sa kanyang Locker at ibinigay sa akin.
“Ano ito?”
“Magpalit ka ng damit. Uuwi ka bang naka ganyan lang?” sabay ngiti

Natawa din ako kasi naka boxer at sando lang pala ako.

“Sige salamat ha. Soli ko nalang sayo ito pag nalabhan ko na”
“Wag na sayo nalang yan”
“Sige salamat ulit.”
“Ipapahatid na kita sa driver. Wag kana umangal kasi delikado gabi na”

Napa Oo nalang ako.

“Sige kita tayo bukas. Pumasok kana ha?”
“Opo papasok na po ako” sabi naman niya
“Okay good! See you tom.”

Kinabukasan pumasok nga si Francis, kinausap niya ang aming mga instructor dahil nga madalas siyang absent. Naging okay naman ang lahat. Back to normal kaming dalawa dating gawi ulit.

Alas kwatro na ng hapon ng magkaroon kami ng urgent meeting sa PEP Squad. Hindi na daw tuloy ang Cheerleading Competition dahil may na aksidenteng taga ibang colleges. Sobra naman kaming nalungkot sa balita.

(Note: Sa totoong buhay natuloy ang aming Cheerleading Competition tinatamad lang akong mag type. Hehehe nalimutan ko na kasi ung buong routine namin eh saka di na upload sa youtube ung video namin. LOL Nitong 2012 lang walang Cheerleading kasi nga gawa nung naaksidenteng taga ibang Colleges. )

“Paano ba yan Francis hindi na tuloy ang CDC natin”
“Okay lang un, atleast may natutunan tayo sa pag sayaw.”

Umuwi na ako sa bahay at umuwi na rin si Francis sa kanila pagkatapos nya akong ihatid.

Humiga ako sa aking kama. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Ngayon okay na ulit kami ni Francis, pero bakit nya sinabing Mahal niya ako? Saka hindi pala nya tunay na girlfriend si Ana. Kaya pala parang iisa ung lalaki sa may Jollibee at labas ng school nung hinug ni Ana si Francis, kaya pala may tinitingnan siya noon dahil pinag seselos lang nya ang ex nya. Hay buhay nga naman.

“Okay na ulit kami ng bestfriend ko.” Text ko sa textmate ko.
“wow! Congrats! Masaya ako para sa inyo.”
“Salamat ha ?”
“Naku wala un.”
“Salamat ulit. Mwuaaa! :*”
“Wow may kiss pa talaga. Hehehe Mwuaaa!”

Kinilig naman ako sa reply niyang iyon. Grabe kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya Mahal ko na yata ang textmate ko.

“I love you hehe” text ko
“bakit may i love you pa?” tanong niya

Para naman akong napahiya noon.

“ahmm. Wala sobra lang akong natutuwa.”
“wow ha. Naku baka tuluyan na akong ma inlove sayo nyan.”
“Sana nga hehehe joke.”
“Hehehe alam mo, parang mahal na yata kita eh.”
“weehh?” reply ko
“seryoso ako”

Nagulat naman ako sa text nyang iyon. Grabe kahapon lang may umamin sa akin tapos ngayon meron na naman. Eh bukas kaya? Hahahah ang haba ng hair ko. Charot!

“ah eh...” ung lang reply ko.
“Mahal na yata talaga kita eh kasi tuwing ka text kita sobrang saya ko nawawala ang stress ko, ang pagod ko, problema, alam mo un ang sarap sa pakiramdam”

Bumuntong hininga ako. The feeling is mutual. Kung alam mo lang mahal na din kita.

“Pwede ba tayong magkita sa linggo?”
Kinabahan ako sa text niya. Hindi agad ako naka reply. Ito na ba ung pagkakataon na makikita ko na ang textmate ko sa personal. Im so eggzited! LOL
“Sige okay lang kung ayaw mo. ?”
“Ah sige magkita tayo sa linggo sa SM nalang.”
“Talaga? Sige ako bahala sayo. Sagot kita”

Para akong lalagnatin sa text nyang iyon. Grabe pinag pawisan ako ng malalagkit. Ano kaya ang ibig niyang sabihin na sagot niya ako at siya bahala sa akin? Gosh! Bahala na si batman sa linggo.

After namin mag palitan ng text messages. Natulog na rin ako.
Dumating ang araw na pinakahihintay ko. After lunch naligo na ako para pumunta na sa SM.

“Saan ang punta mo? Bihis na bihis ka ah?” si kuya
“Sa bahay lang ng classmate ko. Gagawa daw kami nung project namin sa database” pag sisinungaling ko
“ah okay”
“Ikaw saan ka pupunta?” tanong ko naman sa kanya
“Dyan lang sa tabi tabi”
“Ah okay. Sige kuya alis na ako.”
“Okay mag iingat ka bunso.” Sabay kiss sa akin

Alas dos ng hapon nasa SM na ako. Hindi ko mapakali ng mga oras na iyon. Grabe sa tagal naming mag textmate ngayon ko lang siya makikita sa personal. Ano kaya itsura niya? Hay!

“Nandito na ako sa loob ng SM kakapasok ko lang.” Text ng textmate ko
Hindi ko alam ang pakiramdam ko noon para akong matatae o maiihi at para akong lalagnatin. Para namang binobomba ang aking dibdib.

“Okay sige.”
“Nasaan ka ba? Ako nalang pupunta sayo dyan.”
Sinabi ko naman kung nasaan ako. Habang nakaupo ako. Palinga linga ako hinahanap ko ang textmate ko baka nandyan nya. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko.
“Malapit na ako”

OMG! Hihimatayin na yata ako sa sobrang nerbyos! Nanginginig ang aking mga kalamnan hindi dahil sa lamig kundi dahil sa magkahalong excitement at kaba. “This is it” sabi ko sa aking sarili.

Maya maya pa may humawak sa aking balikat. Hindi agad ako lumingon alam kong siya na un. Hindi na ako naka tiis nilingon ko na siya. At labis akong nawindang ng bonggang bongga sa di inaasahang pangyayari.
“KU-KUYAAAAA????”

(Itutuloy)


Abangan sa October 5 ang pagpapatuloy ng kwentong "SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO"... :D

12 comments:

  1. hahahaha weew ano kaya ang next scene nito.. nakaka excite namn po jejeje.. nxt na agad mr author

    ReplyDelete
  2. ano ba yan magkapatid at mag kasama naman sa bahay di nila alam ang cp # ng bawat isa

    ReplyDelete
  3. wahahah...OO nga..heheh wala ba sila number ng isa't isa??eh dba mg kuya sila??baka naman ibang number ginamit ng kuya nya wahahaha


    grabeh..mag utol ng mamahalan at ibang pagmamahalan..heheh

    pero feeling ko d magkapatid si marky tsaka yung kuya nya...ang mgkapatid, felling ko...feeling ko lang naman is si Marky and Francis...hehehe


    OCT 5 pa ang update..parang ang tagal naman ata heheh

    ReplyDelete
  4. alam nio ung nakakakilig ,., pero ung may halong nkakadiri kasi may pag ka incest ung story,., pag iniisip ko plang nndidiri na ako,., hahahah,., pero mganda nman ang story,.,parang ang rami na atang story na mag kuya or something,., haha

    ReplyDelete
  5. haha tawa lng ako, next chapter na po. gusto ko malaman ung pagkikita ng magkapatid..

    edward

    ReplyDelete
  6. Baka hinde sila tunay na magkapatid talaga at ampon lang si Marky (malay natin diba?)

    - Toffer (charmedboy09) -

    ReplyDelete
  7. wew ako din nga excited na din sa next chapter hehehe ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa?

    ReplyDelete
  8. honestly lakas ng tawa ko dito kakatawa kc i cant imagine kung ngyari skin to sa personal bka m wish ko sana panaginip nlng.....
    thanks marky keep it up

    ReplyDelete
  9. HI POH..NOVEMBER NA POH DBA...bkt la paung nxt xhapter nito...sayng ang ganda pa naman...haha

    ReplyDelete
  10. Bakit hindi na po nadugtungan ito?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails