Labintatlong kwento ng pag-ibig, pag-asa at pag-iisa na tumatalakay sa buhay ng isang bading. Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa bawat kilos at galaw ng isang modernong bakla sa panahon ngayon, mga kwentong magpapatibok ng puso ng mambabasa, magpapaisip at magbibigay tuwa literal man o metaporikal. Bagamat ang mga karakter, hindi man laging tama sa mata ng lipunan, ay nagagawa pa ring gumalaw ayon sa sariling kagustuhan ng walang ibang inaapakan.
Inihahandog ng libtong ito ang...
Si Igor At Ang Kanyang Prinsesa
ni: Michael Juha
Paano kung iniwan kayo ng inyong ama nang dahil lamang sa isang lalaki? At paano rin kung nagiging paranoid ang iyong ina sa “kabaklaan” na tinatawag dahil sa matinding galit niya sa pag-iwan sa kanya ng iyong ama; iyong galit at takot na ang bawat kilos at galaw mo ay pinagsusupetsahan niya na, tinatanong, pinaghihinalaang isang bakla ka na rin na katulad ng iyong ama?
Sa pagkawala ng kanyang ama, batas ng kanyang ina ang nasusunod sa kanilang pamamahay.
Hindi problema ang lahat. “Hinding-hindi ko susundin ang yapak ng aking ama; hindi ako magiging bakla...” ang matigas na pangakong binitiwan niya sa sarili.
Ngunit iyan ay kung siya ang nasusunod. Sa buhay ng isang tao, tanging tadhana lamang ang makapagsabi kung ano ang maaaring mangyari pagdating ng bukas.
Kaninong batas ba ang nararapat na piliin? Ang batas ng magulang, o ang batas ng puso?
Si Joel. Siya lamang ang tanging nakakaalam kung paano sagutin ang katanungang ito.
abangan...
Super like Sir Mike... :)
ReplyDeleteKailan po ito mag-umpisa,,,pamagat,,,pamatay n,,,igor astig,,parang tunog ita,,
ReplyDelete