Author: Chris Li
mydenoflions.blogspot.com
Cover Photo By: Erwin Joseph Fernandez
Author's Note:
Hello MSOB
Community!!
Maraming
maraming salamat po Sir Mike sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na maisama sa
inyong blog ang aking unang likha. Truly, it’s a dream come true!
Salamat
din po kay Kenji na gumagabay sa akin sa pagsusulat at sa mga bagay sa labas
nito. Maraming salamat po sa mga sumusuporta po at nag-eencourage sa aking ipagpatuloy ko lang ang aking pag-susulat.
Ito
po ay ang pinaka-una ko pong likha kaya po mapapansin niyong hindi pa ito
pulido. Ang mga karakter at pangyayari ay mga likhang-isip lamang po, kung may
katulat o hawig ito ay hindi ito sadya at nagkataon lamang.
Sana
po ay magustuhan niyo po ito at makapagbigay kumento o mga suhestiyon.
Maligayang pag-babasa po sa inyong lahat!
"Bakit… ", retorikang tanong sa kanyang sarili.
Patuloy ang paglalakad sa hindi
malaman patutunguhan. Hindi alintana ang panganib sa paglalakad sa dis oras ng
gabi. Walang pakialam sa lamig at gutom. Ang alam lang niya ay ang sakit na
dulot nang hindi mapaniwalaang pangyayari.
Mahigit isang oras na simula
nung iwan niya sa paborito niyang lugar ang taong sobra nyang pinahalagahan.
Nakaramdam na rin siya ng pagod at tumigil, nagpalinga-linga ito sa paligid
ngunit hindi na niya alam kung anong lugar na siya napadpad. Naawa siya sa
kanyang sarili at pinilit iwinawaksi ang mga alaala gusto na nyang burahin.
-----------------Mikael
"Nasan ka na pare? Kanina pa kami inuugat dito
kakahintay sayo."
"Jun pasensya na ,naliligaw kasi ako pero pabalik na
ko sa main road. Sorry talaga."
"Ano ba naman yan Mikael! Anlaki laki mo na pre
naliligaw ka pa?Tang...”,
Hindi na nito naituloy dahil may umagaw sa kanyang
cellphone.
"Bunso,saan ka ba banda? Puntahan kita."
"Kuya Jaime ok lang po ako, kaya kong pumunta dyan sa
resort, mali lang ako nang nilikuan kanina from the toll gate."
"Wag ngang matigas ang ulo mo Jan Mikael, nagugutom na
kami kaya kung hinintayin pa namin matunton mo ‘tong resort baka abutin pa ng
bukas bago pa kami makakain!", sarkastikong sagot nito.
Napangiwi ako sa pagbikas
nito sa aking buong pangalan, batid ko na naiinis na ito sa akin dahil dalawa
lang ibig sabihin nang pagtawag nito sa akin ng ganito. It's either
naglalambing ito dahil may pabor or naiinis na.
"Hay naku Jaime! Ikaw lang naman ‘tong nagsabi na wag
tayo kumain hanggang wala iyang si Mikael eh. Hahahaha!", panunuya sa
kanya ni Coleen.
"Ah, basta nasan kana?", seryosong sabi ni Kuya
Jaime.
Matapos na sabihin ang mga
bagay na nakikita ko sa paligid dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan na
ako. Napagkasunduan na lang naming sa nadaanan kong bayan na lang ako maghintay
para mas safe daw ako at hindi na sila mag-alala.
Masaya ako at nakilala ko ang
mga taong ito, dati wala ako sinasamahan na kaibigan. Loner kung baga, maybe
because I don't want to get too close sa mga tao dahil I don't want them to
hate me/ If they'll come to know the real me but now, I'm taking chances and
risks. Bahala na, ang mahalaga ngayon ay sulitin ko ang bawat pagkakataon na
kasama ko pa sila.
"Hay, si Kuya Jaime talaga ang kuliiiiit!", inis
na sambit ko pero may halong kilig ‘pag naalala ko ang pambubuking ng aming
kaibigan kay Kuya Jaime.
Dati rati hindi kami malapit
sa isat isa. Marahil sa iba ang interes naming dalawa. Ako, tahimik lamang at
mahilig lang mag-basa, makinig ng music at manood ng horror movies, super home
buddy. Samantalang si Kuya Jaime ay outgoing, isa ito sa sikat na tao sa aming
college hindi dahil sa gwapo ito kundi dahil sa mga kalokohan nito.
Nariyan ang pagdadala nito ng
alak habang nagkakaklase, pakikipagpustahan habang naglalaro ng baraha sa may
library at kung ano ano pa. Palibhasa, APO LANG naman siya ng may-ari ng
eskwelahan kaya walang palag ang sinuman sa kanya.
-----------
"HOY!ikaw! Hindi mo ba ko naririnig?Ang angas mo
ha!""
Napatigaga ako sa tinuran ng
lalaking nasa harapan ko na. Hindi ko namalayan na dito ko natuon ang aking
pagkakatulala sa lalim ng iniisip. Malaking tao ito ngunit hindi man kalakihan
ang katawan masasabi mong matigas ang mga muscle nito. Maputi ang kanyang balat
na mamula-mula, mestisong arogante sabi ko sa sarili ko.
"Nakakaloko ka ha, nababakla ka ba sakin at kanina ka
pa nakatitig sakin?!”, sabay tulak nito sa kaliwang balikat ko.
Nagpintig ang tenga ko sa
narinig na salitang iyon, oo alam ko. Pero ayokong tinatawag ako ng ganun.
Bakit? Kasi naging ganito lang naman ako dahil sa taong piniling mahalin ng
puso ko.
Tama, alam ko na ang gagawin ko
sabay ngisi sa aking sarili.
"Bakit pare, ang yabang mo ha! Sino ka ba sa tingin mo
at akalain mong ikaw tinitignan ko?! Baka ikaw ang bakla, pare! Hahaha…",
namula ito, senyales na galit na galit na ito sa akin. Ayos!
"Oh, bakit natigilan ka? Nabahag ba ang buntot mo at
nakita mo ang kagwapuhan ko?BAKL...", napabulagta ako sa sahig at
naramdaman ko ang pag-init ng mga labi ko. Pinahid ko ang aking mga kamay sa
lugar na iyon, tama ako dumudugo na ito. Hindi pa man ako nakakabangon ng
tuluyan ay sunod-sunod na akong pinaulanan ng suntok at tadyak ng mestisong
arogante.
Hindi na ako lumaban, nanghihina
na rin ako sa gutom at pagod. Ito naman talaga ang gusto ko. Baka sakali mawala
na ang sakit. Tatahimik na ang mundo ko, mas mabuti pa kesa mabuhay na kada
pag-gising ko, laman kaagad ng isip ko ang pagkabigo.
"Tama na yan Homer! Pare, baka mapatay mo po yan.",
pag-aawat ng isa ata sa mga kaibigan ng aroganteng mestiso.
"Stay out of this, Zach!", pagpiglas nito
sa kasama at ambang babalikan pa ako habang nakahandusay ako sa kalsada.
Narinig ko itong sumigaw pero hindi ko na maimulat ang mga mata ko dahil namamaga
na ito at mahapdi.
"Walang hiya ka Zach! Ano itong tinusok mo
sakin?!", sabi ni Homer, hindi ko sigurado kung ano ang nangyayari pero
tingin ko may bumagsak na ito. Minulat kong pilit ang isa kong mata, tama nga
ako, nakadapa na sa sahig at wala ng malay ang mestisong arogante na si Homer.
"Pampakalma…", kalmadong sambit nung Zach sa
ngayon wala nang malay na kaibigan, sabay hugot nito sa kanyang cellphone.
"Migz, pare napaaway si Homer. Pakidala naman dito sa
entrance ng bar yung sasakyan nya. Titignan ko pa yung napuruhan ng gagong ‘to.
Sige pre…"
----------------Zach
Nilapitan ko ang lalaking
nabugbog ng pinsan ko. Kaawa-awa ito at sobrang napuruhan. Puro galos at dugo
na ito, tinignan ko kung may pulso pa ito. Ngunit ano ito… Luha??
Tinignan muli ni Zach ang mukha
ni Mikael at kinilatis. Hindi nito mawari kung bakit tila kinurot ang puso
niya. Naisip niyang hindi dahil sa sakit ng katawan ang pagtangis ng lalaking
nasa harap niya ngayon. Unti-unti niya itong binuhat para dalhin na sa ospital
ng makasalubong nito ang kanyang mga kaibigan.
"Migz kayo na lang muna maghatid kay Homer, dalhin ko
lang ang isang ito sa ospital, baka hindi na abutin sa grabe ng pagkakabugbog
ni Homer sa kanya.”
"Sige pare, kami na bahala sa gunggong na ito.",
napapalatak na wika ni Migz habang tinitignan si Mikael at Homer. "Ok pa
ba yan? Parang hindi na humihinga ah.", dagdag pa nito.
Agad tumakbo si Zach papunta sa
kanyang kotse ng makita nga nitong hindi na humihinga ang taong karga-karga
niya.
"’Wag kang bibitiw please! Kailangan mong mabuhay!
‘Wag mo kong bigyan ng sakit ng ulo!", tulirong sambit nito sa taong
karga-karga niya.
----------------Mikael
"Ang sakit na ng buong katawan ko pero bakit ganun?
Wala pa rin ito sa sakit na dinulot mo sakin Kuya Jaime…", mapait na
nasambit nito habang dumaloy ang luha sa gilid ng kanyang mukha.
"Kunin niyo na lang ako Diyos ko! Kung ganito lang din
pala mararanasan ko… Binigyan Niyo nga ako ng taong magpaparamdam sakin na may
HALAGA AKO. Pero ano!! Ano ang nangyari! Siya pa itong nagdudulot sakin ng
ibayong sakit ngayon. Bakit pa?? BAKIT PA KITA MINAHAL JAIME!", pilit niya
itong gustong isigaw ngunit wala na siyang lakas para mag-salita pa. Gusto niya
mag-wala pero hindi na nito mai-kilos ang kanyang katawan.
“Marahil, ito na huli kong sandali,” pagtangis pa nitong
muli sa kanyang sarili. “Marahil wala nga talaga akong karapatan lumigaya dahil
BAKLA ako. Marahil, lahat ng naranasan kong pag-mamahal ay awa lang… Dapat
hindi na lang ako nabuhay. Bakit kasi ang TANGA TANGA mo Mikael?! Sinabi ko na
sa iyo diba lumayo ka na, pero ang tigas ng ulo mo at umasa ka pa rin na
mamahalin ka niya.”, patuloy ang kanyang paghihinagpis sa kabila ng kalagayan
ng katawan. Lungkot at pagka-awa ang nararamdaman nito sa sarili.
Naramdaman nalang niyang may
bumuhat sa kanya, mainit sa pakiramdam ang mga bisig nito. Hindi niya
maintindihan kung bakit kumportable siya dito at ligtas siya sa mga bisig nito.
Sinubukan niyang imulat ang mga mata niya ngunit hindi na niya magawa. Hindi
niya maintindihan ng may sinabi ito pero alam niyang takot ang boses nito.
"Stay with me please!", narinig niyang nagsalita
muli ito bago siya tuluyan nawalan ng malay.
Ang hirap paniwalaan na
magkakasundo kami ni Kuya Jaime. Kung tutuusin sa unang pagku-krus ng aming
landas akala ko magiging mortal na kaming magkaaway. Siga ito at walang sinuman
ang hindi mangingimi kapag nakita siya. Lahat nang gustuhin nito nakukuha niya.
Siya ang tinaguriang “campus bully”.
"Nerd! Gawin mo nga ‘tong project ko kung ayaw mo
masaktan.”, sabay hagis sakin ng mga materials sa paggawa ng lamp shade.
Nagpanting ang tainga ko nun,
"Nerd?! Gago ka pala eh! Bakit hind ikaw gumawa niyan? Kaliit-liit na
bagay lang hindi mo magawa? Anong silbi ng malaki mong katawan?? Ano yan panay
hangin lang laman?!", singhal ko sa kanya.
Halong kaba at excitement ang
nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Oo, inaamin ko na. May gusto ako kay
Kuya Jaime noon pa man. Kahit marami ‘tong kalokohan eh may nasaksihan din
naman akong kabutihan nito. Iyon ang nagpabago sa tingin ko sa kanya. I don't
know what happened to me at sinagot ko siya nung mga oras na yun. Marahil gusto
ko din makita at makausap siya ng matagal. Yun nga lang nag-away kami.
"Tarantado ka pala eh!!", ambang susuntukin na
niya ko ng pinigilan siya ng kaibigan niyang si Jun.
"Pre, tama na yan. Tara na, kain na lang tayo. Mikael,
pag pasensyahan mo ‘tong si kolokoy ha. May pinagdadaanan kasi. Hahahaha…
Nireregla ata. Nyahahaha.", malokong tawa nito na siyang dahilan kung
bakit siya nabatukan ng una at umalis ng walang pasabi.
"Naku, patay na. Nagtampo na. Pre, sandali
lang!", pinigilan ko si Jun habulin ang kaibigan nito. Hindi ko alam kung
ano ang nagtulak sakin para gawin yun. Ang alam ko lang gusto kong kausapin si
Jaime lalo na nung nakita ko ang mukha niya noong binuking siya ni Jun. Galit,
pero ubod ng lungkot ang mukha niya bago ito tumalikod at umalis. Kinurot ang
puso ko na makita siyang ganun. Ang masayahin at malokong si Jaime hindi ko
akalain na may ganito siyang side, napapahiya rin pala siya.
"Jun, ako na kakausap sa kaniya. Napasobra ata yung
sinabi ko din kanina."
"Naku, ‘wag na baka magrambol pa kayo.",
napakamot sa ulo nitong sabi.
"Sige na Jun, oh… Don't worry I won’t provoke him,
pleeeease.", sabay bitiw ng matamis na ngiti.
"Haynaku Mikael, gamitan ba ako ng pamatay mong ngiti?
‘Wag ganun pre!," sabay kamot sa ulo ng makitang hindi pa rin ako
tumitigil sa pag ngiti, "Hahaha… Sige na nga! Malamang nandun yun sa may
tree house."
Dali-dali akong nagpunta sa
Mini Park kung saan nakatayo ang Tree House ng school. Gawa ito sa kawayan kaya
napaka-presko doon at paboritong puntahan ng mga estudyante. Tuwing hapon lang
ito binubuksan para na rin hindi ito gawing lugar para sa mga nagka-cutting
classes.
Pagdating ko sa lugar, hindi
ko maiwasang hindi kabahan. Habang umaakyat lalong tumitindi ang pagkabog ng
dibdib ko, baka kasi ihulog ako ni Jaime pag nakita niya ako. Hahaha! Isa pa,
hindi ko rin alam kung ano sasabihin ko, bahala na nga! Nasa huling baitang na
ako nun at tinignan ang paligid ng Tree House.Malamig ang simoy ng hangin sa
loob dahil na rin sa bukas ang bawat bintana nito. Ayun siya, nakaupo at
nakaharap sa veranda ng Tree House. Maganda ang tanawin sa mga oras na iyon
dahil papalubog na ang Haring Araw.
"Jaime… Pwede ka bang makausap?... Hihingi lang sana
ako ng tawad sayo sa mga nasabi ko kanina.", hindi ito umimik kaya
nagpatuloy lang akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi nito.
"Pasensya ka na ha, nasobrahan ako sa pagsasalita
sayo. Ikaw naman kasi eh, tinawag mo kong nerd. Pwede naman kita tulungan sa
project natin pero ‘wag mo naman ipagawa sakin lahat.", payuko akong
nagsalita ngunit, narinig ko siyang humikbi kaya naman napatingin ako sa kanya.
Tama nga ako, nakita ko siyang umiiyak. Nakonsensya ako at ganito pala naging
epekto ng mga sinabi ko sa kanya.
"Jaime, I’m really so...."
"Don't say sorry.", impit niyang sabi. "I'm
not crying because you've embarassed me.", malungkot nitong sabi.
Seryoso ito at puno ng
lungkot ang kanyang mukha. Tila bang sobra-sobrang sakit ng nararamdaman nito
ngayon. Ano ba kasi nasabi ko at naging ganito na lang ang paghihinagpis nito.
"Ok, but still, I’m sorry sa mga sinabi ko kanina,
alis na ko Jaime…", akmang tatayo na ko at aalis ng hawakan niya ang aking
kamay at marahang hinatak.
"Huwag ka muna umalis… Please… Samahan mo muna ako
dito. Ayoko na mag-isa.", paputol-putol ito nagsalita habang nakatingin
sakin at parang batang nagmamakaawa ang mga mata nito. Naramdaman kong
nadudurog ang puso kong makita ang mukha niya, sobrang lungkot nito.
Umupo ako at inilabas ang
panyo ko. Ito ang pinaka-paborito kong puting panyo. Bigay sakin ito ng
namayapa kong ama noong paslit pa ako at umiiyak sa tabi ng kanyang kama.
Naalala ko pa ang huli naming pag-uusap ng mahal kong Itay.
“Itay, ‘wag mo kaming iwanan ni Inay. Hindi ka ba naawa sa
amin, Itay?”, patuloy ang pagsinghot ko sa tumutulo kong sipon noon at
ipinampapahid ang aking isang braso sa aking mga mata. Habang si Inay nasa
bandang ulo ni Itay at hinahaplos ang kamay nito.
"Mikael… ”, sambit ni Itay habang hinahaplos ang aking
buhok.
“…anak ko, ok lang ang umiyak ka pero sana siguraduhin mo
na kapag umiiyak ka eh may kasama ka, para panatag si Itay... Na kahit wala na
ako… Merong umaalalay sayo sa bawat hirap ng buhay." Lumuluha na rin ang
itay noon dahil ito ang isa sa mga huling sandali niya sa mundo. Malakas na ang
iyak ko nun at humihikbi na parang hindi na makahinga pati si Inay hindi na
mapigilan ang pag-iyak niya sa kalunos-lunos na kalagayan ni Itay.
"Kunin mo ito anak," sabay abot sakin ng panyo.
"Kapag nalulungkot ka at wala kang kasama, sana itong panyong ito… ang
maging simbolo na narito pa rin ako para sa iyo. Anak… ayokong nakikita kang
nasasaktan, alam mo ba iyon. Pero ako pa ngayon itong dahilan ng mga luha mong
iyan. Paalam na muna anak ha… Patawarin mo ko at hindi kita masasamahan sa
paglaki mo. Mahal na mahal kita anak..." Pumikit na ito at unti-unting
kumawala ang hawak nito sa kamay ni Inay. Hindi magka-mayaw ang paghagulgol
namin ni Inay noong mga sandaling iyon. Ang kwartong iyon ang nagging saksi sa
aming panaghoy at pag-iyak sa pagkawala ng haligi n gaming tahanan… ng aking
Itay.
Hindi ko maiwasan maluha
habang naalala ko ang mga sandaling iyon. Palihim kong pinahid ng aking mga kamay
ang mga kumawalang luha sa aking mata, tsaka ko iniabot kay Jaime ang panyo.
Takang tingin ang binigay
niya sa akin habang umaagos pa rin ang mga luha nito sa kanyang mga pisngi.
"Bigay sakin yan ni Itay, sana mapatahan ka niyan tulad ng ginagawa nito
sa akin kapag nalulungkot ako at umiiyak."
"Sabi niya sa akin hindi ko daw kailangan mag-isa sa
bawat hirap kaya na rin siguro binigay niya sa akin yan. Jaime… I know I’m not
in the position to ask you what you're going through right now. But, I'm
willing to listen kung yan ang ikakagaan ng pakiramdam mo.", pagpapatuloy
ko sa pagsasalita habang kinuha na nito ang panyo at tinignan.
Right there and then, from
his tearful eyes he let out a scream of agony. Itinago niya ang kanyang mukha
habang umiiyak sa panyo ko. Lumapit ako at hinaplos ang kanyang likod habang
patuloy siya paghagulgol.
"I feel empty Mikael…”, humihikbi nitong sabi habang
nakasubsob ang mukha sa aking panyo. Para itong bata kung ipahid ang mga mata
nito. “Alam ko you're surprise to see me like this. It hit me hard when you say
those words to me kanina. Tama ka naman eh, useless ako. I actually envy you,
kasi kahit na loner ka sa school, you seems to be fine and peaceful. Eh ako??
Ang dami ko ngang kabarkada, but none of them are true."
Na-guilty ako sa sinabi niya.
Hindi ko akalain na yung panunuya ko ay may malalim na impact sa kanya. Words
are really powerful, nasabi ko nalang sa sarili ko.
"Jaime, I'm sorry… At ano ka ba, akala mo lang yun na
ok lang ako sa lahat, nakakalungkot din kaya mag-isa no. Hehe", pilit kong
pagpapatawa sa kaniya.
"Then don't be. At hindi mo naman kasalanan na masabi
mo yun kasi may katotohanan naman lahat ng sinabi mo. I should be the one to
say sorry kasi ang angas ko sayo."
Pinahid na nito ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Tumigil na siya sa
pag-iyak. Gabi na rin noon kaya naman ang mga hand-made lamps na lang ng Tree
House ang ilaw sa paligid.
Suddenly, he looked at me.
Dahil sa magkatabi kami, ilang pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha.
Maaliwalas na ang mukha nito. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit.
Bumilis ang tibok ng puso ko, halong kaba at hindi ko malamang pakiramdam ang
nangyayari sa panahong iyon. He's really handsome, ganito pala ang itsura niya
kapag hindi siya nag-aangas. Maamo at napakaganda ng kanyang mga mata. Ilang
Segundo rin kami sa ganoong ayos ng nagsimula siyang magsalita.
"Thank you." Garalgal niyang sabi sa akin.
"Hindi ko inexpect na ikaw pa ang makakaintindi sakin."
"Wala yun,no.", sabay tingin ko sa malayo dahil
hindi parin matigil ang puso ko. ‘Ano ka bang puso ka tumahimik ka na nga,
isasako kita sige ka!'
"At alam mo, hindi totoo na wala kang tunay na
kaibigan, nandyan si Jun. Nag-alala kaya siya nung umalis ka! Pero, nagpumilit
na ako nalang kakausap sayo, para na rin personal na humingi ng paumanhin."
"Tama ka, kahit gago yun si Jun eh kaibigan nga turing
niya sakin, ako lang itong bulag-bulagan sa kung ano ang tunay sa hindi. Ikaw
din naman diba? Kaibigan kita."
Napalingon ako sa mga sinabi
niya, dahil hindi ako makapaniwala na si Jaime Serafin ay gusto ako maging
kaibigan! Ang tamis ng ngiti niya sakin, wah para akong matutunaw.
"Ako? Gusto mong maging kaibigan? Sigurado ka? Hindi
mo ko kilala baka pagsisihan mo lang sa huli." Malungkot kong sambit,
dahil batid ko pag nalaman niya ang aking pagkatao eh itatakwil niya lang ako.
"Oo naman, sigurado ako. Sa ginawa mo pa lang ngayon,
I'm sure I would not regret this. At isa ito sa mga desisyon na alam kong tama
at proud akong gawin. I can see you are a great person Mikael. Hindi ko nga
alam sayo bakit aloof ka sa mga tao but, it seems that you have a lot to say,
so much ideas. Malalim kang tao Mikael and I know marami akong matutunan sayo.
Right, bunso?hahahaha …"
"Bunso?”, taka kong tanong.
"Yep and I'll be your Kuya from now on. Ipagtatangol
kita sa mga mangbu-bully sayo at ikaw naman bunso ang takbuhan ko kapag ako
naman ang inaaway ng sarili ko." ngingisi-ngisi nitong sabi.
"Ah. Tama na nga yan gutom na ako, tara na baka
maabutan pa natin si manong magtataho sa gate."
"Thank you ulit bunso, can I keep this for now?",
patukoy sa panyo ni itay.
"Opo, sige Kuya sayo muna yan hanggang kailangan
mo", ngumiti ito at bakas sa mga mukha ang tuwa. “Oh, bakit ka nakangiting
bulldog dyan?", pang-aasar ko sa kaniya dahil ito nanaman ang lintik kong
puso titibok-tibok na naman. Imp!
"Kasi ang sarap pakinggan nung tinawag mo kong Kuya,
bakit ba!?", sabay alis at tinungo ang hagdan pababa.
"Ang mahuli, MANLILIBRE!", sabay takbo nito.
“Hoy, bungol! Bakit ka napapangiti dyan, para kang baliw."
Dumating na pala si Jun at
Kuya Jaime, ang lalim ng pagbabalik tanaw ko ni hindi ko namalayan ang oras.
Wow! Ang gwapo ni Kuya Jaime sa suot niyang board shorts at sanding pinatungan
niya ng polo, ang yummy!
"Wala kuya, nakita kasi kita. Ang gwapo natin ah."
pangiinis ko sa kaniya at nakita kong namula ito pero itinago kunyari habang
hinatak ako palabas.
Tok!Tok!tok!
Nagising ako sa isang kwarto na
hindi ako pamilyar. Inilibot ko ang aking mata at pumasok ang isang nurse. Nasa
ospital pala ako.
"Good morning po Sir Jan, kukunin ko lang vital signs
po ninyo. May masakit pa po ba sa inyo?", magalang na salita nito.
"Ok naman ako Miss.", hiya kong sambit habang
chini-check ang blood pressure ko. "Sino po nagdala sakin dito?",
umaasa akong si Kuya Jaime ang nagdala sakin dito. Bumalik ang sakit na hindi
ko pa rin siya makalimutan at sobrang namimiss ko na siya.
"Hindi ko rin po alam yung details eh, pero sige po
itatanong ko sa Nurses' Station, balikan ko po kayo sa susunod kong pag-check
po sa inyo. Sir, kung sakali po may sumakit po sa inyo pindutin niyo lang po 0
sa ating telepono para makpagrequest po kayong mabigyan ng pain killer.",
ngumiti ito at bago siya umalis nagtanong ulit ako. "Miss, pwede niyo na
ba ako ma-discharge? Kasi hindi ko kaya magbayad para dito."
"Tanungin ko po si Doc. Pahinga ka na muna Sir,
lumabas lang po saglit yung bisita niyo para bilhan daw po kayo ng pagkain."
"Sinong bisita?"
"Si Ms.Coleen po. Sige Sir check ko po muna yung ibang
pasyente. Tawag lang po kayo ‘pag may kailangan po kayo.", at sinara na
nga nito ang pinto.
Si Coleen ang isa sa mga
kaibigan namin na talagang malapit sakin. Siya din ang nakakaalam ng tunay kong
nararamdaman at ang tunay kong pagkatao. Bumukas uli ang pinto at inasahan na
si Coleen ang iluluwa nito, ngunit laking gulat ko kung sino ang nasa pintuan.
"Ikaw? Ano ginagawa mo dito?!"
............itutuloy
hehehe parang hindi ko masyadong nagetz ang umpisa sa dami ng pagbabalik tanaw.. pero mukhang maganda naman.. susubaybayan ko rin to
ReplyDeleteHello josue! Hahaha sorry naman, first timer eh. Nabasa mo na yung chap 2?pacomment po kung magulo pa din. Salamat po sa feedback ha!
Delete