Author’s Note: Trivia: mas nauna ko pa itong matapos kesa sa part 15 at 16 hehehe. Hindi ko kasi maisip kung anong mangyayari sa 15 at 16 kaya gumamit muna ako ng time machine para magawa ko ito. LOL
Enjoy reading.
HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!!! 21 na ako hahaha :D
Email: watashioonheru03@gmail.com
By: oonheru
Facebook: http://facebook.com/oonheru
Twitter: http://twitter.com/oonheru
Here we go!
--------------------------
“KU-KUYYAAAA??? A-Anong gi-ginagawa mo di-dito?” ang pautal utal kong tanong sa kanya.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mga oras na iyon. Nakatingin ako sa kanyang mga mata, bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat sa pagkakakita sa akin na para bang nakakita ng multo.
“Ah eh…ah eh.. wa-wala..ikaw anong ginagawa mo dito? Si-sinong kasama mo?” ang pautal utal din niyang sagot sa akin.
Hindi ko alam ang aking sasabihin sa kanya, kelangan ko mag isip ng palusot kundi patay ako sa kuya ko.
“Ano po eh..” hindi ko maituloy nag aking sasabihin.
Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil baka dumating na ang ka textmate ko. May nakita akong isang lalaki na mukhang papalapit sa amin ni kuya, kaya naman agad kong kinuha ang kamay ni kuya at dali daling lumayo sa pwesto namin. Hindi naman siya nagtanong sa akin bagkus sumunod nalang siya sa akin.
Agad ko namang kinuha ang cellphone ko sa bulsa at pinatay ito, hindi ko na binasa pa ang text messages sa akin. Kelangan naming makalayo ni kuya doon baka kung ano-ano pa ang itanong ni kuya sa akin kapag nagkita kami ng textmate ko.
“Kuya, uwi na tayo, ang sama po ng pakiramdam ko eh” sabi ko sa kanya.
Sobrang init ko noon at para akong inaapoy ng lagnat. Bumuntong hininga ako na para bang nakatakas sa isang mamamatay tao. Agad kaming sumakay sa van pauwi ni kuya. Nang nasa byahe na kami tahimik lang si kuya hindi siya umiimik hindi gaya ng dati na kapag nasa ganoon kaming sitwasyon eh inuusisa niya ako. Pinagmasdan ko si kuya malayo ang kanyang tingin, mukhang may problema. hindi naman ako nakatiis kaya tinanong ko siya.
“Kuya okay ka lang po?”
Hindi niya ako pinansin, baka hindi niya narinig ang aking sinabi, nakatanaw siya sa malayo. Siguro na badtrip siya sa akin dahil dali dali ko siyang inakit pauwi ng boarding house.
“kuya galit ka po ba?” tanong ko ulit sa kanya
Tumingin siya sa akin, ang tagal mga dalawang minuto siyang nakatingin sa akin ganun din ako sa kanya, kinuha niya ang ulo ko at isinandal sa kanyang dibdib at hinalikan niya ako, hindi parin siya nagsasalita.
Makalipas ang 20 minutes nagsalita siya.
“Sorry bunso ah”
Nagtaka naman ako kung bakit siya ang humihingi ng sorry sa akin na dapat ako nga ang humingi ng sorry sa kanya.
“Wala po un kuya, ako nga dapat ang mag sorry eh kasi minadali kita kanina pauwi, sumama po kasi ang pakiramdam ko eh” ang palusot ko.
Nang nasa boarding house na kami agad naman akong nag palit ng boxer short at sando para magpahinga, grabe parang nag araro ako ng araw na iyon hindi ko alam kung bakit sobrang pagod ako. Si kuya naman hindi na nagpalit at dumeretso na sa kanyang kama at nahiga na. napagod din siguro si kuya kanina sa byahe.
Humiga ako sa aking kama, iniisip ko pa rin ang nangyari kanina sa SM.
“Ano kayang itsura ng textmate ko? Gwapo kaya siya? Masaya kaya siyang kasama? Pala kwento ba siya sa personal?”
Bumuntong hininga ako.
Galit kaya siya sa akin? kasi umalis nalang ako kanina ng hindi man lang niya ako nakita baka isipin niya na niloko ko lang siya. Baka hindi na niya ako itext.
Nakaramdam ako ng lungkot ng maisip ko na baka ganun nga ang mangyari. Binuksan ko ang cellphone ko, walang dumating na text, inisip ko nalang na baka late ang text messages. Lumipas ang isang oras wala parin akong natatanggap na text mula sa kanya. Kinabahan ako baka galit nga siya sa akin.
Kinabukasan tanghali na ako nagising, wala naman kaming pasok dahil holiday kaya kami lang ni kuya ang tao boarding house. Tiningnan ko ang cellphone ko ngunit wala pa rin text message na galing sa kanya. Inisip ko nalang na baka nawalan siya ng load o tulog pa kaya naisipan ko nalang na itext siya.
“Good Morning po! Pasensya nap ala kahapon kung hindi tayo nagkita, bigla kasing sumama ang pakiramdam ko eh, sorry talaga”
Makalipas ang 10 minuto wala pa ring reply. Nag-aalala na ako sa kanya, ano kaya ang nangyari sa kanya? Dinial ko ang number niya at sinubukan kong tawagan siya, nag ring ang number niya pero walang sumasagot, naka ilang dial ako ngunit wala talagang sumasagot,
“tulog pa yata siya” bulong ko sa aking sarili
Nakaramdam ako ng gutom kaya naman bumaba ako sa aking kama. Tiningnan ko si kuya sa kanyang kama tulog pa rin siya. Napansin ko ang kanyang cellphone na maraming text messages at miss calls, kinuha ko ito, nag dadalawang isip kung titingnan ko kung sino ang tumatawag sa kanya at baka importante ito, sandali pa akong nag isip napalingon ako sa may paanan ko at nagulat ako dahil may ipis kaya naman agad kong nilapag sa kama ni kuya ang kanyang cellphone at dali daling umakyat sa aking kama. Sumilip ako sa may ibaba wala na ang ipis.
“Hay! Badtrip na ipis nay un kauma umaga tinatakot ako” sabi ko sa aking sarili.
Kumakalam na ang aking sikmura gutom na talaga ako, alam ko may pagkain pa sa ref namin. Bumaba ako at inisantabi ko muna ang takot ko sa ipis. Binuksan ko ang ref at tamang tama may pagkain. Kumain ako at pagkatapos ko bumalik narin ako sa aking kama.
Nakatulog ulit ako at gabi na ako nagising dahil dumating na ang mga ka boardmates namin.
“Uy, Marky kumusta?” tanong si kuya Mandy sa akin
“Okay naman po, eto kakagising nga lang eh,” sabi ko naman
“Ang kuya mo pala nasaan?”
Sinilip ko sa kanyang kama ngunit wala siya doon.
“Hindi kop o alam kung saan pumunta eh, baka nasa labas”
“Wala, kakagaling ko lang dun kanina eh”
“Baka may pinuntahan lang” sabi ko naman
Saan kaya pumunta si kuya? Bakit hindi siya nag paalam sa akin?
Alas onse na ng gabi ngunit hindi pa rin si kuya umuuwi, nag-aalala na ako sa kanya. Tiningnan ko ulit ang cellphone, nag type ako ng text messages para itext si kuya, ng isesend ko na naalala ko na wala nga pala akong number niya kaya hiningi ko ito kay kuya Mandy.
“Kuya mandy may number kaba ni kuya? Pahingi naman Itetext ko sana siya kung nasaan siya at bakit di pa umuuwi, nag aalala na kasi ako sa kanya baka kung napano na siya”
“Low bat ang cellphone ko eh, nakalimutan ko dalhin yung charger ko, teka wala ka bang number niya?”
“Wala po eh”
“huh? Bakit wala? ”
Hindi ko nasagot ang tanong niya. Napaisip din ako, bakit nga ba hindi ko kinukuha ang number ni kuya? Tulad ngayon hindi ko siya ma text kasi wala akong number niya. Pag dating niya hihingi na ako ng number nya para maitext ko siya kapag wala siya sa boarding house.
“Sige po, hihintayin ko nalang siyang dumating”
Lumipas ang isang oras wala pa rin si kuya. Lumabas ako ng kwarto para tinggnan siya doon ngunit wala siya. Naisip kong umakyat sa rooftop naming baka sakaling nadoon siya. Tama baka nandoon siya kasi pwede kang tumambay kasi may resthouse naman doon. Umakyat ako ng hagdan, dahan dahan dahil baka madapa ako, mataas ang aakyatin ko dahil nasa ika-limang palapag pa ang aming rooftop. Ilang hakbang pa at malapit na akong makarating sa itaas. Sa sobrang pagod ko umupo muna ako sa hagdan malapit sa may pintuan ng rooftop.
Ramdam ko ang sobrang lamig ng hangin na nanunuot sa aking kalamnan. Maya maya pa may narinig akong may nag gigitara, alam ko na sa rest house galing ang tunong nay un. Tumayo ako para silipin kung sino iyon.
Nagsimula na siyang kumanta, nagustuhan ko ang kanta dahil paborito ko ang kantang iyon. Pinakinggan ko muna hanggang sa matapos ang kanta. Napaka ganda ng boses ng kumakanta, sino kaya ito? Hindi ko siya Makita dahil patay ang ilaw sa rooftop. Mas pinili yata niya na walang ilaw para makapag emote. Maya maya pa may kinanta pa siyang isa.
Pagdilat,
Ikaw agad ang hinahanap sa umaga
Nasaan ka na?
Malayo ka pa ba?
Kay tagal ng iyong pagbabalik
Minsan
Nahuhuli ko ang sariling nakangiti
Malayo ang tingin
Malalim ang isip
Kailangang magkita muli
Chorus 1:
Sa pagpatak ng bawat sandali (bawat sandali)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (ang aking mga labi)
Inaaliw ang sarili sa musika (sarili sa musika)
Nananabik makapiling ka
Makapiling ka
Pagdungaw,
Meron kayang mabuting balitang darating
Ihahanda ang pagngiti
Kasabay ng pagsambit sa ngalan mo
Pagdating ng sandali
(Repeat Chorus 1)
Lalong lumalapit
Araw ng pagsapit
Di magkukulang
Laging nag-aabang
Chorus 2:
Sa pagpatak ng bawat sandali (bawat sandali)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (ang aking mga labi)
Inaaliw ang sarili sa musika (sarili sa musika)
Nananabik makapiling ka (sa pagpatak ng bawat sandali)
Makapiling ka (nakatikom lagi ang aking mga labi)
Makapiling ka (sa pagpatak ng bawat sandali)
Makapiling ka (nakatikom lagi ang aking mga labi)
Pagdilat
Ikaw agad ang hinahanap
Sa umaga...
Napaisip ako sandal kasi parang narinig ko na ang kantang iyan at may kumanta nyan sa akin. Tama yung textmate ko ang kumanta nyan sa aking nung kausapin niya ako sa phone. Pero bakit parang ka boses niya ang kumakanta? Siya ba yung textmate ko? Taga dito din ba siya sa boarding house namin? Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko para itong binabayo. Kinapa ko kung nasaan ang switch ng ilaw para makita ko kung sino ang may ari ng boses na iyon. Nahawakan ko ang switch ng ilaw at agad ko itong ini-on.
Tumigil ang nag gigitara at tumingin sa aking kinaroroonan. Malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib. Nakilala ko na kung sino ang nag gigitara, si kuya mike ko pala. Lumapit ako sa kanya at umupo sa katabi nya.
“Kuya, nandito ka pala, kanina pa kasi kita hinahanap eh. Ano pong ginagawa mo dito?”
“Ah wala, nagpapahangin lang. ikaw bakit hindi ka pa natutulog may pasok ka pa bukas ah.”
“Hindi kasi ako makakatulog ng wala ka sa kwarto eh. Tara na po baba na tayo para makapag pahinga na tayo”
“sige mauna kana susunod nalang ako maya maya”
“Ganun po ba? Sige po sasamahan na muna kita ditto, sabay nalang tayong bumaba”
“okay sige”
“kuya, galit ka po ba sa akin?” tanong ko sa kanya,
“Hindi naman, bakit naman ako magagalit?”
“Wala naman po, kasi napansin ko na ang tahitahimik mo, di ka naman ganyan eh. Naninibago tuloy ako sayo”
“wag mo na lang akong pansinin okay lang ako”
“sige po kuya”
“Halika nga dito bunso ko, payakap ako,”
Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.
“teka kuya hindi naman ako makahinga eh. hehe”
“Basta bunso lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal na Mahal ka ni kuya”
“Mahal na Mahal din po kita kuya ko, teka bakit mo po sinasabi sa akin yan? Iiwan mo na ba ako? Mag aasawa ka na ba kuya? Sige ka Kuya pag nag asawa ka agad magagalit ako sayo. Hmmp! ”
“Hindi naman, bunso ko, hindi ako mag aasawa ng maagap bata pa ako noh! At ayaw kong magalit ka sa akin dahil kilala kita kapag nagagalit ka, nag tatanim ka ng sama ng loob”
“Buti po alam ko kuya, hehe”
Ibang klase kasi ako kapag nagalit sa isang tao, hindi ko siya papatawarin kahit lumuhod pa siya sa harapan ko o kahit lumuha pa siya ng dugo hindi talaga.
Natatandaan ko pa nung kinder palang ako may nakaaway ako sa aking kaklase dahil sa larong kikimbee(alam nyo un? Ung magkakahawak kayo ng kamay tapos kakanta at susuot ung pinakahuling tao sa pinaka unang tao at pag natapos na lahat tatakbo lahat at tatayain ng pinaka unang tao ang mga kasali. Ganito kasi ang lyrics nun eh hehe: Kikimbe ng kikimbe nag payag si amang Zalde palibhasay tugtugan ng ilaw abum abum abumbumbum.. hahaha yan ang natatandaan ko eh. LOL). Naglalaro kami noon tapos siya ang taya, nang matapos na lahat kanya kanyang takbo at ako ang hinabol niya, mabilis akong tumakbo ganun din siya, naghabulan kami sa may stage na corner niya ako at wala na akong kawala pero mabilis akong tumakbo pababa ng hanggan ngunit nahakawan niya ako sa may damit ko na dahilan para mahulog ako sa hagdan tapos pinagtawanan pa niya ako. Hindi ako nakapasok ng dalawang lingo dahil nabalian ako. Kaya ayon nagalit ako sa kanya na hanggang ngayon hindi naman na ako galit pero hindi ko siya pinapansin o kinakausap man lang. haha ansama ko talaga.
“Tara na baba na tayo bunso, inaantok na ako eh”
“Sige po kuya”
Nakapasok na kami sa aming kwarto, ako naman umakyat na sa kama ko para magpahinga na rin. Si kuya naman humiga na sa kanyang kama. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag para mag alarm dahil maaga pa ang pasok ko kinabukasan. Wala parin akong natatanggap na text message sa textmate ko. Baka bukas mag text na siya.
Humiga na ako sa aking kama at nag isip sandali.
"teka, kukunin ko nga pala ang number ni kuya"
Dumungaw ako mula sa aking kama, inilawit ko ang aking ulo sa ibaba para makita si kuya.
Nakahiga at nakapatong ang kanang kamay sa kanyang noo.
"Ah kuya, kanina nga palang umaga ang daming text messages at miscall sa cellphone mo. Sino ba un?"
Ngunit tila hindi niya narinig ang sinabi ko kaya kinalampag ko sa kama ko. Tumingin siya sa akin.
"Oh bakit?"
"Sabi ko po kaninang umaga nakita ko sa cellphone mo ang daming text messages at miscall. Sino ba iyon?"
"Tiningnan mo ba? Binasa mo ba ang mga text?"
"Hindi nga po eh kasi may ipis akong nakita kaya dali dali akong umakyat sa kama ko. hehe sino pala un?" pangungulit ko
"Ah..eh..Ano..Classmate ko. Oo tama classmate ko nga."
"Eh bakit ganun mag text saka ang dami nyang misccall sayo?"
"Ah...eh ganun talaga un.. Matulog kana nga, may pasok kapa bukas eh. Baka mapuyat ka."
"Sige po. Goodnight kuya ko."
"GoodNight din bunso ko"
"Wala bang kiss?" sabay ngiti ko
Ngumiti din siya. Tumayo siya sa kanyang kama at hinalikan niya ako.
"Goodnight ulit bunso. I love you. mwahhh"
"i love you too kuya ko. mwaaahhh"
"Oh sige tulog kana, basta lagi mong tatandaan, Mahal na Mahal ka ni kuya ha?"
"Opo kuya ko, mahal na mahal ka din ni bunso."
Humiga na ulit si kuya sa kanyang kama.
"Oh bakit nakatingin ka pa sa akin?"
"Ah kasi kuya, hihingin ko ang number mo, ano nga palang number mo, para maitetext kita pag wala ka dito."
(Itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Hahahaha
ReplyDeletebitin naman, sayang ung moment nila sa roof top...
ReplyDeletenagagandahan ako sa kwento nito, totoo kyang magkapatid sila ni mike...kambal yata sila nung bestfriend niya, mahaba pa ang tatahakin nito. kudos
edward
^°^ grabe bukingan na next chapter. Galing galing mo tlga mr. Prince sana my update agad lol.Happy birthday po.and godbless
ReplyDeletego go go lang go..heheh..magkaka alaman na kaya??hehehe
ReplyDeletenext chapter na...heheh and belated happy birthday pala marky...
Update nmn n po mr author.. ^_^
ReplyDeletepa send naman po sa akin ang chapter 5
ReplyDeletethanks again hanggang s muli....
ReplyDelete@ para more on kilig moments wag u n kunin number ng kuya mo
kelan pa kea ma ipo2st ang part 18, excited na coh eh!, hehe. . :))
ReplyDelete18 na plsss..
ReplyDeleteNxt plsease...
ReplyDeleteupdate naman po,, nakakabitin.. hehe .. salamat.
ReplyDeleteBadtrip wala pala muna talagang kasunod to nagmumukang tanga nako! HAHAHAHAHA
ReplyDeleteegg-sayted na ko mabasa ang next chapter amp :D
ReplyDeletemore power po sa author at sa MSOB ^^,
Kakabitin, Wew, Tagal ng update. Ahahaha. ngaun lang ako napagbasa ng ganitong kwento at ngaun lang din nahilig magbasa. ahahahahaha. astig.
ReplyDeleteala pa po ba yung part 18?
ReplyDeleteantagal ng update magiisang taon na hahah
ReplyDeleteatat>>>?? syempre maganda kwento ehh..
sana maupdate na
D!n6
Part 18 plzzz
ReplyDeleteNabitin ako lol
ReplyDeleteuntil now wala parin kasunod???? grrrrr
ReplyDelete