Followers

Monday, October 1, 2012

He Cries: Chapter 2

He Cries: Chapter 2
By: Kurt Ian
Email: gkurtian@gmail.com


CHAPTER 2
Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari. Nagising na lang ako sa umagang naka lupaypay sa isang higaan. Masakit ang ulo ko kaya agad akong bumagon sa kama para makapag-ayos na at ako’y papasok pa sa eskwela. Agad na akong lumisan sa kwarto at bumaba patungo sa kanilang kusina para kumuha ng mainom para naman maibsan ang sakit ng ulo para makauwi na sa amin.
Nagulat na lang ako sapagkat naroon si Jess, tila abalang-abala sa paghahanda ng agahan. Agad naman nya akong napansin at binati ako.
“O bro! Gising ka na pala!” pambungad nya sa akin habang ako naman ay pagewang-gewang sa bigat ng nararamdaman.
“Oo nga eh. Buti naman at nagising ako ng maaga, para makapag-ayos na ako at ako’y papasok pa.” sagot ko naman sabay kunot sa noo.
“Magpahinga ka muna bro. Wag ka munang pumasok, wala pa naman sigurong mga teachers, sa ibang subjects. Kasi nung ako’y first day ko sa school, wala naman masyadong mga teachers sa unang lingo. Kadalasan, pumapasok na sila sa 3rd week of June.”
“Ganun ba yun?”
“Oo! Ganun yun bro, sa college kasi,maraming pagbabago, ibang-iba nun kesa high school. Kaya kung ako pa sa iyo, wag ka munang mag-alala, halika at samahan mo ako sa hinanda kung agahan.” Paanyaya nya sakin habang papunta sya sa mesa dala-dala ang mga niluto.
Hindi na ako nagdalawang-isip sa sinabi nya. Agad naman akung naniwala sa kanyang sinabi tungol sa kaibahan ng hyskul at kolehiyo. Pero alam ko naman na hindi sya nagsisinunggalin, sapagkat kadalasan din, yun ang palagi kung naririnig sa aking mga pinsan na nasa kolehiyo na.
Agad na kaming umupo sa mesa at nagsimula ng kumain.
“Tol, ano ba yung nangyari kagabi?” tanong ko sabay subo ng kanin.
“Wala naman, nalasing ka lang naman.”
“Lasing ako kagabi?!” gulat kung nasambit.
“Oo! Ba’t parang iba reaksyon mo huh? Natural naman iyong nangyayari sa umiinom.” Paliwanag nya habang ako naman ay
“Wala naman, first time ko pa kasing may nagsabing lasing ako. At parang totoo nga!”
Tumawa siya. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko. Tumigil naman sya sa kakatawa at nagsalita muli.
“Ano ba yang pingsasabi mo huh? Hindi ka pa ba nakainom ng alak noon pa?
“Hindi pa.”
“Eh di kung ganun, first time mo pa nakainum kagabi?” gulat nyang tinanong sa akin.
“Oo, bakit?”
“Ahhh… Wala naman.” yun lang ang sinabi nya.
Pagkatapos ng aming usapan ay kumain na kami na tila gutom na gutom na parang hindi kumakain ng isang araw. Ako naman din tsumibog na ng todo-todo upang magbakasakaling maibsan ang dinadala kung sakit sa ulo.
Dun ko pa talaga naramdaman ang ibayong uri ng sakit. Ganun pala pagkatapos malasing. Sakit sa ulo ang dulot pagkatapos ng pag-iinom ng alak. Hay! Isinusumpa ko na talaga, ayoko ng uminom ulit. Nagbibibgay sakit lang ng ulo pagkatapos.
Katahimikan.
Katahimikan.
Mga 5-8 minuto kaming hindi nag-imikan sa hapag kainan. Paano naman kasi, puno ang aming mga bibig ng kanin sapagkat gutom na gutom talaga kami. Ewan ko din ba at hindi ko rin naitanong sa kanya kung nalasing rin kaya sya kagabi. Napansin ko rin kasi kung gaano sya kalakas kumain. Kumain din ako sapagkat hindi rin naman nya pansin na minsan ay tumutingin ako sa kanya.
Tinitigan ko sya. Ang sarap nyang panooring kumakain. Para syang ewan, basta, hindi ko maipaliwanag. Nahuhumaling ako sa bawat subo nya sa kutsarang puno ng kanin. Ang ganda nyang tignan. Parang tumatatak din sa aking isip na, “Ako din! Subuan mo naman ako!” Hmmp! Basta, habang kumakain sya, tinititigan ko bawat lamon nya at pati na ang leeg nyang sumasabay sa pagkilos dulot ng kanyang pagnguya sa pagkaing isinubo nya kanyang bibig.
“Teka.., ba’t ba ganito ang iniisip ko?” tanong ko sa isipan ko.
Agad kung ibinaling uli ang mukha ko sa pagkain nung sya naman ang tila umidlip sa akin. Tiningnan ko sya at tinitigan nya rin ako. Ako naman ay tila nawalan ng isip at tinanong ko sya.
“Bakit mo ako tinititigan ‘tol?”
“Wala, bakit, masama bang titigan ka?” sagot nya sakin sabay ngiti.
“Ahh..” yun lang ang nasisagot ko. Natameme akung sumagot sa kanya nung tumingin sya sa akin at ngumiti.
Dun ko naisip na, ang kaharap ko pala ngayon ay sobra sa kagandahan este, kagwapuhan. Ewan, parang nakakahumaling ang bawat titig nya sa akin, o kahit tingin nga lang sa akin ay parang, nasisisyahan ako. Alam nyo ba yung feeling na, pag ngumiti sya, ay napapangiti ka na rin kahit di mo alam ang rason.
“Ano ba itong ginagawa ko?” mahina kung sambit sa sarili.
Hindi ko akalaing maririnig nya pala iyon. Agad syang nagsalita at nagtanong sa akin.
“Ano nga ba ang ginagawa mo?” wika nya sabay ngiti sa akin.
F*ck! Ngumiti na naman sya. At this time, natulala na ako. Hindi ko namalayang nagtatanong pala sya sa akin kaya bigla nya akong tinapik sa balikat.
“Hoy!” sigaw nya sa akin habang ako naman ay nagulat sa ginawa nya.
“Ano bang nangyayari sayo? May sakit ka ba? Huh?” paniniguro nya sa akin.
“Ahhhh, ok lang ako ako.Wala, wala akung sakit.”
“Siguradong ako ka lang?”
“Oo. Ok lang ako. Walang problema.”
Agad kung nilisan ang mesa at dinala ang pinagkainan ko sa lababo. Hinugasan ko ang pinggan habang sya ay kumakain. Iniwan ko sya doon mag-isa.
Pagkatapos ko namang naghugas ng pinagkainan ay tila nag-iba ang takbo ng tiyan ko. Para akung nausuka. Parang gusto kung sumuka. Nung maramdaman kung tila lalabas na sa bunganga ko ay agad kung pinuntahan ang cr malapit sa kusina. Sumuka ako sa toilet bowl. Tumitingkad naman sa kalinisan at kaputian ang bowl kaya wala akung karate-arteng tumungo at doon sa bowl sumuka.
“Ok ka lang Johnny?” tanong nya sa akin habang kumakatok sa pinto ng CR.
“Ok lang ako tol. Wag ka ng mag-alala, ok lang talaga ako.”
“Sigurado ka ba talaga na ok ka lang? Pag may kailangan ka tawagin mo lang ako, pupunta muna ako sa itaas.” Bilin nya sa akin.
“Sige, punta ka na dun, tapos na akong sumuka. Ok lang ako.” Paliwanag ko naman sa kanya.
Narinig kung papalayo ang mga hakbang nya kaya sigurado na akung wala na sya sa tapat ng pintuan ng CR. Ayoko kasing may nakakakita sa aking sumusuka, para kasing nahihiya ako pag may tumitingin sa akin. Iniisip ko kasi na baka, ayaw nilang makakakita ng ganun at ayoko din na may taong tumitingin sa akin, mas lalong hindi ko maipapalabas ang suka ko pag may taong tumititingin sa akin. Nade-distract ako at nawawalanng concentration sa pagsuka.
Lumabas na ako sa CR at tumungo ulit sa lababo para magmomog. Naghilamos muna ako at pagkatapos sy humakbang na ako patungo sa itaas ng kwarto ni Jess kung saan ako nakatulog. Ilang hakbang ko ay natapilok ako at nadulas sa isang door mat malapit sa may pintuan ng kusina. Nauna ang ulo ko sa pagbagsak kaya dali –dali naman akung bumango, pinuntahan ko ang salamin para tingnan kung nasugatan ba ako sa ulo o wala. Wala naman akung nakitang sugat na natamo sa ulo kaya bumalik ako sa kusina kung saan ako nadulas.
Nakita ko ang doormat ng kusina. Basa ito kaya pala iyon ang dahilan ng pagkadulas ko. Kinuha ko naman agad ang basa na doormat para palitan ng bago at tuyung basahan.
Pumunta ako sa taas para magtanong kay Jess kung may gamot ba sila para sa mga nagsusuka. Pumasok na ako sa kwarto at dun nakita kung wala pala si Jess doon.
“Tol, nasaan ka? May alam ka bang gamot para sa nagsusuka?”
Sumagot naman sya. Narinig ko ang boses nyang nanggagaling sa CR ng kwarto.
“Hindi ko alam bro, pero tingnan no na lang jan sa drawer ng cabinet. Wala akong alam sa mga gamot na ganyan.”
Pumunta agad ako sa drawer ng cabinet at ginalugad ang laman nito. Ang dami ngang mga gamot doon pero di ko naman alam kung ano yung dapat inumin ko. Wala talaga akong alam sa mga gamot gamot sapagkata si Yaya Angie lang naman ang nagdadala sa akin ng gamot sa kwarto noong nasa mansyon pa ako ni lolo nakatira.
“San ba dito yung gamot huh?” Tanong ko sa sarili. Habang tinitignan ko ang laman ng drawer, naramdaman ko na lang na tila may tao sa likuran.Dumampa kasi ang katawan nya sa katawan ko. Alam kung si Jess iyon. Hinawakan nya ng dahan-dahan ang batok ko patungo sa ulo ko. Hinimas-himas nya ang aking buhok habang ramdam ko naman ang pagsahid ng umbok ng kanyang pagkalalaki malapit sa likuran ko. Kinabahan ako. Kaya para maibsan ang kaba ay hinarap ko sya at sabay sabi ko na, “San ba dito tol yung gamot?”.
Tumambad sa akin si Jess. Bagong ligo at nakatuwalya lang. Kitang-kita ko ang matipuno nyang katawan na medyo basa pa ng tubig. Di ko akalaing, ganun pala kaganda at ka-matcho ang katawan nya. Hindi naman ito kamaskulado pero para sa akin, sapat na iyon para mabighani ang mga babae sa kanya. Pati nga siguuro ay mabibighani sa kanya lalong-lalo na sa killer smile nya.
Tinitigan ko ang buong katawan nya, simula sa mukha pababa hanggang sa kanyang dibdib, sa kanyang tiyan, hanggang sa kanyang puson na may balahibong-pusa. Tinitigan ko ito kung saan ito patungo at dun, umabot din ako sa sa aking dapat abutan- ang nakatapis nya na puting tuwalya.
Pero ang nakita ko sa lahat at nakatawag-atensyon ay ang bukol ng ari nya. Medyo malaki ito kung iyung titingnan na tila gustong magwala at pumasok sa kahit anong dapat pasukan. Ewan ko ba pero natulala na naman ako nung makita ito.
Agad ko inalis ang tingin ko sa kanyang parte ng pagkalalaki at ibinaling muli ang tingin sa kanya.
“Huh? Ewan ko jan bro. Teka Johnny, may dugo ata sa buhok mo.” Sagot nya sa akin.
Nagulat naman ako sa sinabi nya.
“Anung dugo tol?” tanong ko naman.
Tiningnan nya ang ulo ko. Tinignan nya kung may sugat ito at tama nga sya, may sugat ang ulo ko dulot ng aking pagkadulas kanina.Habang ganun ang posisyon naming, di maiwasan magkalapit an gaming mga katawan. Amoy na amoy ko ang bangong dulot ng kanyang pagkabagong ligo. Ang bango-bango nya talaga. Napansin ko rin ang kili-kili nya, amputi! Sarap dilaan. Hmmp!
Kumalas sya sa kinatatayuan naming at agad syang pumunta sa kama. Tinawag nya ako na doon na umupo at agad naman akung sumunod sa sinabi nya. Pinaupo nya ako sa kama habang sya namay bumalikwas para tumayo upang gamutin ang sugat sa ulo ko. Nasa harapan sya sa akin habang ako ay nakayuko para gamutin nga ang nasabing sugat. Sa posisyong iyon, di ko akalaing, habang ako ay nakayuko, tatambad sa akin, malapit sa aking mukha, ang umbok ng ari nya. Mas malaki pala ito sa malapitan. Ilang sentimetro na lang at tila maaabot nan g aking bibig ang kanyang ari kapag ang tuwalya nya ay bibigay. Pumikit na lang ako sa posisyong iyon. Inalis ko sa aking isipan ang mga ideyang iyon sapagkat alam ko sa aking sarili na hindi tamang magkagusto ang lalaki sa lalaki. Hindi tama ang lalaking makipagtalik sa kapwa lalaki. Isang malaking kasalanan iyon  sa mata ng Diyos. At isa pa, alam kung hindi ako magkakagusto sa isang lalaki sapagkat lalaki ako. Gusto kong maging ama sa mga anak ng aking asawa.
Ilang minuto din kaming ganun ang posisyon. Siguro kung may nakakita sa amin na ganun, siguro ay lalagyan iyon ng malisya. Pero imposible naman din na may makakakita sa amin sapagkat kami lang dalawa ang nasa bahay.
Natapos kami sa posisyong iyon. Agad kung kinapa-kapa ang sugat ko na ginamot nya.
“Malaki ba yung sugat?’ tanong ko sa kanya.
Umiling sya na pakiwari’y hindi naman daw kalakihan. Pagkatapos nun ay agad akong pumunta sa baba para maghanda nang umuwi sa bahay nila auntie. Nagpaalam na ako sa kanya at nung nasa labas na ako ng bahay nila, napabuntong –hininga na lang ako at nasabi ko sa sarili na, “Hindi dapat Johnny. Hindi dapat mangyari iyon.”
To be continued.

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails