Pasensya na sa super-duper late update...
-----------------------------------------------------------------
”...Kami na ni Fonse...” ang
sabi niya habang nakangiti pa rin.
Biglang nawala ang sigla sa
mukha ni Brix. Napalitan ito ng pagkagulat na hindi mawari.
Biglang napalingon sa akin si
Fred. At ngayon, lalong tumulis ang tingin niyang kanina pa nag-aapoy. Parang
gusto na niya na ‘kong patayin sa mga tingin niya.
Dahan-dahang itinuon sa akin ni
Chong ang kanyang tingin, talagang ‘yung eyeballs lang niya ang gumagalaw. Pero
bigla niyang inituon sa akin ang kanyang ulo kasabay ng kanyang tingin.
Nakakatakot. Parang mas dapat pa akong matakot kay Chong kesa kay Grace…
PA….TAY....
Inalis ni Chong ang ngiti sa
labi niya. Napalitan ito ng...wala...walang pumalit...poker face...walang
reaksiyon...
“...Tumawa naman kayo...Joke
‘yun...” ang sabi niyang seryoso.
ANAK NG...
Shit! Anong gagawin ko!
Kailangan kong sumakay! KAILANGAN KONG SAKAYAN ‘YUNG JOKE NIYA PARA HINDI MAHALATANG HINDI JOKE ‘YUN!!!
“Wahahahahaha!!!
WAHAHAHAHAHA!!!” Eh kailangan kong tumawa eh! Joke daw ‘yun eh! Eh di kailangang
tawanan!
ANAK NG PATING OO! SASABOG NA
YATA ANG PUSO KO!!!
“Wahahahaha!!! WAHAHAHAHA!!!”
Para pa rin akong tangang tawa ng tawa, mali , halakhak pala ng halakhak.
Kahit na parang peke at pilit ‘yung pagtawa ko, kailangan ko pa ring tumawa.
Kahit na peke ‘yung tawa na ‘yun, pagtawa pa rin ‘yun...
Taydana talaga oo! Hindi naman
ako magmumukhang kung hindi ginawa ni Chong ‘yung mga ‘yun eh!!!
“Ha...ha...” Medyo nakitawa na
rin sila Brix at Lem, pero hindi tawang natatawa kundi tawang nag-aalangan.
Halatang halata sa mukha nilang hindi maipinta na nawiwirduhan na silang dalawa
sa amin ni Chong, parang mali, parang sa akin lang sila nawiwirduhan. Pero
mabuti na rin ‘yun, mas ,mabuting isipin nilang baliw na ako kesa malaman nila
kung anong nangyayari sa amin ni Chong.
Teka, tatawa na lang ba ako ng
tatawa? Baka isipin talaga nula baliw na talaga ako, ibang bagay na rin ‘yun...
“Wahahaha, ang galing magpatawa
diba!! Eh sino ba namang ‘di matatawa doon, wahahaha!!!” ang parang tanga kong
pagdadahilan. “Kaya nga lagi akong sumasama kay Chong eh, kasi kapag kasama ko
siya, walang araw na hindi ako tumatawa, wahahaha!!!” Teka, nagmumukha na
talaga akong baliw eh. Alangan naman ako at ako na lang magsasalita dito,
kailangan ko ng back-up. Shit, wala si Jenilyn! Si Chong kaya? Shit, parang
sasakay naman ‘tong taong ito. Baka mamaya tuluyan na talaga niyang sabihing
kami na talaga kina Fred. Eh mas mabuti ng makakuha ako ng sagot sa kanya kesa
naman magmukha akong baliw na gumagawa ng dahilan. Shit, bahala na! “Hanep, joker
talaga ‘tong Chong na ‘to! Wahahaha!!! Diba Chong?” saka ko siya hinarap at binigyan
ng ngiting sarkastiko, kasabay ng pandidilat ng mata ko.
Sasasakay ka hindi ba? Sasabihin
mong joker ka? Isesecond the motion mong mapagbiro kang tao? Kailangan ‘yun eh
at kung hindi mo gagawin ‘yun, malamang may magawa akong hindi maganda sa’yo.
Pero kung hindi mo pa rin gagawin ‘yun...SHET!!! PLEASE SUMAKAY KA NA! HINDI KO
NA ALAM ANG GAGAWIN KO KAPAG HINDI KA PA SUMUNOD!!! PLEASE!!! KAHIT NGAYON
LANG, PLEASE!!!
“Oo, joker ako...” ang sabi
niyang matamlay at walang reaksiyon habang nakatingin sa akin. “...haha...”
saka siya kumurap ng dahan-dahan at kampanteng-kampante.
TAYDANA NAMAN OO!!! PERO PWEDE
NA RIN!!!
“...Wahahahahaha!!! Oh, sinong
hindi matatawa doon? Hahahaha! Wahahaha!!!” saka ako biglang napatingin kay
Fred...
...At saka nagtama ang mga mata
naming magkapareho ngunit sa mata niya’y kitang-kita ang galit...
...At unti-unti binalot ng
katahimikan ang mesang kanina’y pinuno ng halakhak ko at wala akong ibang nagawa
kundi yumuko...
“...Kayo naman, hindi na kayo
mabiro. Pero alam niyo bang natatawa ako habang tinitingnan ko kayong gulat na
gulat. Nakapagtataka lang kasing nagugulat kayo sa mga bagay na dumadako sa
isipan niyo at pinag-uusapan habang NAGTATAWANAN...” Bigla akong napatingin kay
Chong. Nakangiti lang ito ng buo habang nakatingin sa mesang parang nandidilat
ang mga mata. Kahit na may ngiti sa labi niya, para siyang papatay ng tao
ngunit nagtitimpi lamang.
Biglang hindi mapakali si Lem
habang si Brix naman ay nagkunwaring inubo. Parang silang mga batang
nagpalingon-lingon sa aming tatlo nina Fred at Chong. Pero nanatiling tahimik
si Fred, nanatiling tahimik habang nag-aapoy ang mga mata. Pero ngayon ay kay
Chong na nakatuon ang mga mata niya.
“...Oh, bakit kayo naaligaga?”
Itinuon ni Chong ang kanyang tingin kina Lem at Brix. “...Kayo naman, parang sa
tingin niyo naman ay hindi ko malalamang pinag-uusapan niyo kung bakla ako o
hindi kapag nagkakasalubong tayo...” saka siya ngumiti ng buong giliw sa dalawa
na parang nasisiyahan pa. “...sa susunod kasi subukan niyong mag-usap ng
mahina, at kung hindi pa rin kaya, subukan niyong magbulungan. At isang bagay
pa, hindi dapat ipinaparinig sa taong pinagtatawanan ang mga halakhak na ukol
sa kanya, lalo na sa akin. Iyon...ay kung ayaw niyong...nababasa ko kayo ng
ganito kadali...” Lalo siyang ngumiti ng buong giliw at itinaas ang kanyang
dalawang kilay na parang handang pumatay ng tao.
Walang nagawa sina Lem at Brix
kundi umiwas ng tingin kay Chong.
“...Mauuna na ako...” saka siya
dahan-dahang tumayo at isinukbit sa kanyang kaliwang balikat ang kanyang body
bag.
Kailangan ko na ring tumakas,
kailangan kong maka-iwas. Bahala na bukas, basta ang importantem maka-iwas ako.
Makakalimutan rin naman nila ‘to. “Teka Chong, sasa...”
Saka siya dahan-dahang
lumingon. “Oo, Fonse, sasama ka...sasama ka sa kanila kung saan man kayo
magpupunta ngayong araw...” ang sabi niya habang pinandidilatan ako ng mga mata.
Parang gusto niyang sabihin na kahit gusto ko o ayaw ko, kailangan kong sumama
kina Fred.
Edi wala akong nagawa kundi
umupo na lang uli.
“Pakisabi na lang kay Jenilyn
na may gagawin ako sa library...” saka siya tuluyang umalis.
...Nabalot uli ng katahimikan
ang paligid namin...
Isang minuto.
Nanatiling seryoso ang mukha ni
Fred habang kumakain . Nawala na ang tila apoy sa mga mata nito at para na
itong nag-iisip ngayon.
Dalawang minuto.
Nanatiling aligaga sina Brix at
Lem, ni hindi sila makatingin sa akin ng diretso. At kapag susubo sila ng
pagkain at magkakasalubong ang mga tingin namin, agad silang iiwas dito.
Tatlong minuto.
Nanatili akong tahimik, ayokong
magsalita, baka lalo lang grumabe ang sitwasyon. Baka kapag nagsalita ako
tungkol kay Chong, baka mas lalo akong mahuli, at ayoko rin namang magsalita ng
kung ano-ano tungkol kay Chong, na kesyo sinusubukan ko lang kung bibigay
talaga ‘yung tao o hindi sa karisma ko. Magsisinungaling lang ako at baka
mahuli lang nila ako...
...pero hindi nga ba iyon ang
talagang gusto kong mangyari...
“Oh, bakit ang tahimik niyo?
Tsaka nasaan si Chong?” saka inilapag ni Jenilyn ang dala niyang inumin at
styro ng pagkain.
“Ah, nauna na. May gagawin daw
sa library eh...” ang sagot ko kay Jenilyn.
Alam naming nauna nang kumain
si Jenilyn sa amin, at ‘yung dala niyang pagkain eh pangalawa na niya. Pero
walang pumansin kina Brix noon, hindi pa rin sila makapaniwala sa kung anong
pinakita sa kanila ni Chong.
Eh ba’t hindi ko nga ba
pansinin para mabago na ‘yung takbo ng pangyayari at may mapagkuwentuhan kami?
“Hanep, Jen, ah. ‘Wag mong
sabihing pang-sampu mo na ‘yan...” ang tanong ko sa kanyang natatawa.
“Jen, baliw ba si Chong?” ang
biglang tanong ni Brix sa kanya.
ANAK NG BAKA NAMAN OO!!!
Inililigaw ko na nga ‘yung usapan, tapos babalikan pa!!!
“Seryoso ka?” ang nagtatakang
tanong ni Jen. Pero nawala rina ng pagtataka sa mukha niya ng makita niyang
walang nagbago sa mukha ni Brix at Lem. “Hindi, wala naman ‘yung sakit sa utak.
Ganoon lang talaga ‘yung tao na ‘yun. Paranoid lang talaga...” ang sabi niyang
parang natatawa.
“Pero, bakla ba si Chong?” ang
biglang tanong ni Fred habang nakasalumbaba at nakatingin kay Jenilyn.
Biglang napatigil sa pagkain
sina Brix at Lem at nakatingin na lang ng parang gulat kay Fred.
ANAK NG...
Biglang nabago ang mukha ni
Jenilyn.
“Wahahaha!!! Wahahaha!!!” ang
bigla niyang paghalakhak. “Naku, ganoon lang talaga ‘yun minsan. Minsan masaya,
minsan malungkot, minsan parang bata, minsan weirdo, pero hindi ‘yung bakla.
Ano ba kayo?”
“Ah, ganoon ba...” ang sagot ni
Fred na kalmante.
Wala akong magawa kundi
humiling na walang sagot na maglalagay sa akin sa alanganin...
...Teka, wala pa ba ako sa alanganin nito...
Nawala na rin ‘yung katahimikan
sa mesa namin. Dumating na kasi si Jenilyn at dahil kursunada ni Brix at Lem
ito, ginagawa nila lahat para makapagpasikat dito. Kaya puro tawanan ang
maririnig sa mesa namin. Nakitawa na rin ako, dahil kailangan kong tumawa.
Nakakatawa rin naman kasi ‘yung hiritan at pagpapasikat ng dalawa kay Jen, at
kailangan ko rin silang iligaw sa kung ano mang nangyari kanina. At kahit na
kursunada rin ni kambal si Jenilyn, nanatili pa rin itong tahimik na parang
nag-iisip. Kapag tinatanong kung anong nangyari sa kanya, sasabihin lang nitong
masakit ang pakiramdam niya. Hindi na rin siya kukulitin nung dalawa dahil
inaatupag nila ang magandang-maganda na si Jenilyn.
---------------------------------------------------------------
Day 2, Month 0, Year 0:
Tinginan. Tingingan dito.
Tinginan doon.
Mahirap man, pero kailangan ko
munang iwasan si Chong. Baka mamaya i-joke naman niya kay Fred na nagsex na kami.
Fuck. Kahit hindi ko alam kung anong gagawin ko bukas kapag nagkita kami at
gusto ko siyang lapitan, hindi ko rin naman alam ang gagawin ko kapag nalaman
ng ibang tao, lalo nila Fred, mama, at papa, kung anong kalokohan ang ginagawa
ko...
...kalokohan pa nga ba sa akin
‘to...
Bahala na, hindi pa naman siguro
kami hiwalay. Eh bakit kami maghihiwalay, eh sinusunod ko kaya ‘yung mga
kondisyon niya. Para akong tangang
sunod-sunuran sa mga kondisyon niya...
...pwera nga lang kahapon, kasi
dapat tatlong kilometro ang layo ko sa kanya...
Magkakasya muna ako sa
kakatingin sa kanya, kahit na kadalasan para lang akong hangin na iihip sa
balat niya.
Day 3, Month 0, Year 0:
Tinetext ako ni Grace. Hindi
pala niya ako tinetext, minumura niya ako. Hindi ko kasi siya sinipot sa usapan
namin noong isang araw. Edi magsawa siya sa kakamura sa akin sa text, hanggang
doon lang naman siya. Hindi naman niya ako makakasama sa kama
sa kakamura niya sa akin. Pake ko sa kanya! Ipagkakalat daw niya kung anong
meron sa amin ni Chong, eh anong ipagkakalat niya eh iniiwasan nga ako ng taong
kahit kami na. At maski ako, kailangan ko siyang iwasan kung ayaw kong
magkaheart attack sa edad na 19...
...At kahit meron namang
namamagitan sa pagitan namin ni Chong, parang wala rin naman eh...
Shit!!! Bakit ba nagkakaganito
dahil lang sa isang tao? At bakit sa lahat ng tao eh sa isang lalaki pa? Bakit
hindi ko naranasan kahit kailan sa kahit sinong babae anga ganito? Bakit!!!
Bakit!!!
Day 5, Month 0, Year 0:
Sinong nagsabing hindi ko
pwedeng makasama si Chong? Sinong nagsabing hindi ako pwedeng lumapit sa kanya?
Eh isang click ko lang, makikita ko na ‘yung FB niya! Wahahaha!!!
Tinype ko sa search box ‘yung
pangalan niya, at tatlong resulta ‘yung lumabas. Edi ayos! Pero wala akong
makitang picture niya sa kahit anong profile doon, kaya inisa-isa ko na lang. Clinick
ko ‘yung unang profile, weird lang kasi cartoons ‘yung profile pic non.
Lalaking kuba na may bukol sa mata, pero nakangiti, hindi ko kilala kung sinong
character eh, at dahil hindi ko nga kilala, sigurado akong luma na ito.
Eh sino namang tao ang
maglalagay ng pangit na cartoon character bilang profile pic niya?
Edi sino pa kundi si Chong.
Nakilala kong si Chong ‘yung
dahil nakitang kong friend niya si Jenilyn. Lalo ko pang nakumpirma ‘yung ng
makita kong parehas kami ng university. Tsaka weirdo nga ‘yung profile pic
diba, eh weirdo rin naman si Chong, hindi na nakakapagtakang sa kanya nga ang
profile pic na ito.
Unti-unti kong iscroll down ang
page niya. Hindi ko akalaing, nakikita ko sa harap ko ngayon ang FB ni Chong!
Shit! Hanep lang! Bukod sa hindi ko akalaing may FB pala ang taong ‘yun, hindi
ko rin akalaing magiging friend ko na siya. Pero dumating sa puntong wala ng
maibaba ‘yung mouse ko sa page...
Puta!!! Ngayon pa nasira ‘yung mouse
ko!!! Bwisit naman, papano kung hindi pa ito makaclick? Paano ko mai-aadd si
Chong? Tae naman...
Bumaba ka!!! BUMABA KA!!!
Teka...
Nakaprivate pala ‘yung profile
niya...
FUCK!!!
Day 32, Month 1, Year 0:
Halos isang buwan ko na ring tinitingnan
yung profile ni Chong kahit na basic information lang ang nakikita ko. Hindi ko
naman siya nakakasama, hindi nakakasama dahil iniiwasan ko talaga siya. Kailangan
ko siyang iwasan, eh baka mamaya ulitin na naman niya ‘yung ginawa niya noong
kumakain kami nila Fred. At baka mamaya hindi na niya sabihing nagbibiro siya.
Mahirap na, kaya mas mabuti na sigurong ganito, mas mabuting sumunod na ako sa
kasunduan namin para walang gulo.
Palagi na rin uli akong
sumasama kina Fred ngayon. Sa mall, sa paglalaro ng DOTA, sa kabulastugan, at
sa group dates, sumasama na uli ako sa kanila. Kaya humupa na uli ‘yung mga
pagdududa nila dahil sa ginawa ni Chong. Siguro alam nilang hindi ko magagawang
makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki, at kung magagawa ko man, dahil lang sa trip
at subok. Ganon naman talaga
diba...YATA...Kaya ko sinubukan makipagrelasyon kay Chong dahil gusto ko lang
subukan. Pero bakit ganito, hindi ko maintindihan. Kung gusto ko lang subukan,
bakit hindi ako makuntentong sinubukan ko lang? dahil ba gusto ko talagang
makarelas...Hindi, pero kung hindi bakit ko ginagawa lahat ito, bakit umaasa pa
rin ako.
At dahil nga group dates ang
pastime namin...o nila...hindi pwedeng wala akong date. At kung sino-sinong
babae lang ang idinadate namin. Pagkatapos sa isang babae, hanap na naman ng
bago, papalit-palit. Minsan nauuwi sa kama
‘yung mga dates nila Fred, Brix, at Lem, pwera lang sa akin. Hindi ko alam kung
bakit, dati, hayok na hayok ako sa hubad na babae, pero ngayon, hindi ko alam
kung bakit pero nawalan na ako ng gana. Ang dali-dali lang namang humanap ng
babae, lalo pa’t gwapo kami. Hindi, may itsura lang. pero bakit hindi ko makuha
sa itsura na ‘yun si Chong? Bakit?
Wala akong magawa kundi tingnan
sa malayuan si Chong. At dahil magkaklase kami sa limang subjects, medyo
madalas ko rin siyang makita. At kapag magkaklase kami, lagi lang akong
nakatingin sa kanya. Minsan mahuhuli ako ni Fred na nakatingin sa kanya, pero
wala akong paki. Sapat ng iniwasan ko si Chong ng halos isang buwan para lang
hindi niya malamang may namamagitan sa amin, pero titingnan at titingnan ko si
Chong kahit kailan ko gusto.
Minsan kapag tinitingnan ko si
Chong, makikita ko na lang itinataas ang kanyang kilay na parang gusto niyang
sabihing nakikita niya akong nakatingin sa kanya. Alam ko naman nakikita niya
ako, pero gusto ko pa rin siyang makita, makitang seryoso, makitang masaya, at
kung ano-ano pa. Kadalasan, dahan-dahan niyang sasalubungin ang tingin ko,
katulad ng dati niyang ginagawa na parang nagbabanta. Pero hindi katulad ng
dati kong ginagawang iiwas sa tingin niya, sasalubungin ko pa ito at saka ko
siya ngingitian na parang nagpapacute. Pero titingnan lang niya akong parang
naiirita, at hindi rin magtatagal, wala akong magagawa kundi ilihis ang tingin
ko.
Kung tutuusin pwede naman na akong
lumapit sa kanya dahil isa buwan na ang nakalipas at pwede na ang mga
“encounters na lalagpas sa public zone.” Pero anong silbing kasama ko siya kung
hindi ko naman siya pwedeng hawakan? Wala ‘diba, wala. Nakakainis. Nasa kamay
ko na siya, pero hindi ko siya pwedeng hawakan ng buo. Kapag hinigpitan ko ang
hawak ko sa kanya, mababasag siya. Pero kapag niluwagan ko naman, maaari siyang
mahulog.
Teka, bakit parang nasabi na
niya dati ‘yung mga salitang ‘yan.
‘Di bale, konting tiis na lang.
Konting tiis na lang , Alfonse. Malapit na rin naman...
Day 35, Month 1, Year 0:
AHHHHHHH!!!! ANG BAGAL NG
ARAW!!! BAKIT BA KASI HINDI NA LANG FEBRUARY 8 ANG DATE BUKAS!!! KAINIS NAMAN
EH!!!
Day 40, Month 1, Year 0:
January 13 pa lang
ngayon...TAE!!! Halos isang buwan pa!!! Anong gagawin ko sa isang buwan na
hindi ko kasama si Chong!!! FUCK!!!
Day 45, Month 1, Year 0:
...Kung sumuko na kaya talaga
ako...Seryoso...Tuluyan ko na. Ito naman talaga ang gusto niya eh. Kaya nga
siya nagbigay ng mga kondisyon sa “relasyon” namin eh para hindi ko siya
hawakan. Eh sa iyon ang gusto niya, eh di ibigay natin!!! Wala akong mahawakan
ng buo sa kanya, maliban sa trivia book na ipinahiram niya sa akin. Hindi ko na
kaya eh, paasa lang naman siya sa akin...
Day 46, Month 1, Year 0:
...Kung ‘wag ko kaya talagang
sukuan...Seryoso...Tuluyan ko na. Ito rin naman talaga ang gusto niya eh. Kaya
nga siya pumayag na maging kami, kahit na may mga kondisyon, dahil gusto niya
ako. Inamin rin naman niya ‘yun. Tsaka...tsaka...sandali...hindi ko rin yata
kayang gawin ‘yun. Kahit na may kasama akong babae, parang siya pa rin ang
lilingunin ko...
Day 56, Month 1, Year 0:
ANG TAGAL NG FEBRUARY,
TAYDANA!!! Nagsasawa na ako sa kakasamang mag-DOTA kina Fred!!! Nagsasawa na
rin ako sa kakatingin sa Facebook profile niyang naka-private!!! FUCK!!!
Day 63, Month 2, Year 0:
Eto na ‘yung araw na iyon, eh.
Eto na ‘yun...WAHAHAHAHA!!!
---------------------------------------------------------------
Medyo malamig-lamig pa dahil sa
nakaraang Pasko. Kahit na sikat na sikat ‘yung araw, hindi mo mahahalatang
sinusunog nun ang balat mo dahil sa lamig ng hangin. ANG LAMIG!!! Ang sarap
tuloy ng may kayakap...lalo na kung siguro kung sa kama ...SHIT!!!
At mukhang nakita ko na uli ang
taong yayakapin ko...’yung yakap muna, parang hindi pa kaya ‘yung sa kama ...
Nasa gitna siya ng kanyang
paglalakad kaya unti-unti ko siyang sinundan para hindi niya ako mahalata.
“Oh kamusta ang BA-BY ko...”
saka ko isinandal sa kanan niyang balikat ang braso ko. Talagang idiniin ko ang
pagtawag ko sa kanya ng Baby. Syempre, girlf...girl..gir...karelasyon ko siya.
At lalo na ngayong pwede ko na siyang hawakan ng hindi magugunaw ang mundo.
Kahit kailan pwede ko na siyang yapusin, pwede ng magdikit ang balat habang
naglalakad kami sa dalampasigan at tinitingnan ang paglubog ng araw. Pwede ko
na siyang subuan ng paborito niyang chicken roll kapag kumakain siya ng hindi
niya ako kakagatin. At saka ko siya lolokohin na kunwari eh isusubo ko sa kanya
inyo pero ako talaga ang kakain. Tapos magkukulitan at maghahabulan kaming
walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao...
Shit!!! Kinikilig ako!!!
Taydana!!!
“...Eto, parang gusto niya
uling biruin ang kambal mo na kayo na...” ang sabi niyang kalmante habang
naglalakad ng dahan-dahan.
Kakilig...grabe...kinikilig pa
rin ako...
“Ano ka ba!!! Maging sweet ka
naman ngayon, kahit minsan lang!!! Eh diba, pwede na kitang hawakan ngayon
kahit kailan ko gusto, pwede ng magdikit ang mga balat natin dahil second
monthsary kaya natin ngayon!!!” ang sabi kong pa-angal at padabog sa kanya nang
tinanggal ko ang braso ko sa balikat niya.
“Oh, gusto mo akong maging
sweet?” ang sabi niyang nakangiti at parang gulat.
“Syempre! Eh sino ba naman ang
gustong walang lambingan sa relasyon nila? Kahit sino naman, gusto ng landian
kahit minsan...” saka ko siya kinindatan.
Saka naman siya ngumiti ng
buong giliw at itinaas ang kanyang kilay na parang umaayon sa akin.
“Gusto mo akong maging
sweet...” ang sabi niyang malandi habang tinitingnan ako ng patagilid.
Shet ito na ‘yun eh! Ang tagal
kong hinintay nito, ang tagal kong nagtiis! Ang tagal kong hinintay na
maglandian kami!
Wala akong nagawa kundi kagatin
ang labi ko sa excitement.
“...GRACE!!!” ang pagsigaw niya
ng matuon kami sa canteen papuntang Engineering
Building .
Fuck! Andyan ‘yung babaeng ‘yun!
Ano na namang mangyayari nito!!!
Nagtago na lang ako sa likod si
Chong para hindi ako makita ni Grace.
“Bakit mo tinawag ang babaeng
iyan!!!” ang papigil kong pagsigaw sa likod niya habang hawak ang dalawa niyang
balikat.
“...Diba sabi mo, maging sweet ako
sa’yo...” ang sagot niya sa malanding tono. “...oh, gusto mo pa bang landiin
kita...”
Kung ganyang siya manlandi,
‘wag na lang!
Isang minuto akong nagtago sa
likod ni Chong.
Pero walang naghuramentadong
babaeng lumapit sa lugar namin. Wala rin namang babaeng may hawak na kutsilyong
sumugod sa amin. Mas lalo namang walang kumidnap sa amin.
Kaya dahan-dahan akong sumilip
mula sa likod ni Chong, at doon ko nakita si Grace. Ganoon pa rin naman siya,
makapal ang pulbos sa mukha at parang sinuntok sa labi sa sobrang pula nito.
Pero hindi katulad ng dati na kapag nakita ako eh ililingkis niya ang katawan
niya sa akin, at kung may kasama akong iba ay aawayin niya ito, nanatili lang
siyang nakatayo habang hawak niya ang platong laman ang pagkain niya. Nakatingin
lang ito sa amin ng patagilid habang unti-unting iginagalaw ang kanyang balikat
at ulo. Saka niya dahan-dahang iniiwas ang kanyang tingin sa amin at pumunta sa
umalis sa pinagbilhan niya ng pagkain. Parang ipinapamukha niya sa amin na wala
siyang paki sa amin at hindi naman namin siya nasaktan.
Siguro may bagong lalaki ‘tong
Grace na ‘to.
At hindi nga ako nagkamali,
pero nagulat ako ng makita ko ang bago niyang lalaki...
...yung guard na nakakakita sa
aming naglalampungan...
Nang magkatabi na silang naglalakad,
inakbayan ni Grace ‘yung guardiya at biglang lumingon sa amin at saka kami
inirapan.
“...Mukhang may bagong boytoy ‘yung Grace na
‘yun ah...seems like nakamove-on na siya sa iyo...” ang sabi ni Chong na parang
natatawa habang nagpatuloy sa paglalakad. “Sa tingin mo, anong meron ang guard
na ‘yun na wala ka, sa tingin mo mas magaling ‘yun sa kama
kaya nakalimutan ka na ni Grace...”
“Pinagseselos lang ako nun...” saka
ako napangiti at sumunod kay Chong. Eh sino ba naman kasing mag-aakalang
papatol ‘yung Grace na ‘yung sa security guard. Eh buti sana kung mas gwapo sa akin, eh hindi naman.
Siguro lagi lang silang nasa
SOGO.
“...Oh hindi ka naman ba
nagseselos?” ang kalamantenr tanong ni Chong.
“Bakit ako magseselos eh nasa
tabi ko ‘yung gusto kong makasama...” saka ko siya tiningnan ng nakangiti.
“Wow, eh kung ayaw kitang
makasama ngayon...” ang sabi niyang hindi ako nililingon.
Ang sweet lang. Sobra.
“Chong naman eh, maging sweet
ka naman sa akin kahit ngayon lang. Second monthsary natin ngayon ‘no, SECOND
MONTHSARY...”
Saka siya umupo sa bakanteng
bakal na bench at tiningnan ako ng pailalim na parang naiirita. “Alam ko...kaya
nga ang lungkot ko ngayon eh...”
Wala na bang mas lalambing pa
kay Chong. Sa sobrang lambing niya parang gusto siyang sakalin...
“...Well, I guess, I’ve
underestimated you. Akalin mong tumagal ka ng dalawang buwan, akala ko nga one
week lang maghahanap ka na ng babaeng mahahawakan mo ng buo sa leeg.” saka siya
ngumiti ng buong giliw na parang nanlalandi. “...at dahil second monthsary
natin ngayon, sige, pagbibigyan kita sa gusto mo. Magiging sweet ako sa’yo
ngayon.”
‘Yan ganyan! Pwede naman pa
lang ganyan eh, hinihintay pa niya akong magwala bago siya maging sweet...
“...At dahil second monthsary
nga natin ngayon at sweet rin ako sa’yo ngayon, gusto ko mayroon tayong regalo
sa isa’t isa...” ang sabi niyang nakangiti.
PA..TAY ...
Biglang nawala ang magiliw na
ngiti sa labi niya. “...’yung regalo mo...” ang sabi niya sa seryosong tono
habang nakatingin sa akin ng matalim at pailalim.
SHET!!! Oo nga pala,
nakalimutan ko siyang bilhan ng regalo. Sobrang excitement ko na rin na
magkasama kami, hindi na iyon pumasok sa isip ko. Eh kailangan pa ba niya ng
regalo? Bukod sa hindi ko alam ang ireregalo sa kanya, hindi pa ba sapat na
nandito sa harap niya ngayon ang isang gwapong lalaking sinusuyo siya ng halos
dalawang buwan kahit na halos ipahamak niya ako.
“Tsk, wala ka talagang bilib sa
akin. Sa tingin mo naman makakalimutan kong bigyan ka ng regalo? SYEMPRE
HINDE!!!” ang sabi ko sa kanyang parang nagyayabang at nagmamalaki.
“...Oh, talaga, eh nasaan ‘yung
regalo mo...” ang sabi niyang nanatiling seryoso at pailalim ang tingin.
“Nasa harap mo na...” saka ko
siya kinindatan at ngumiti habang kinakagat ang labi kong parang nang-aakit.
“...Ah ganon, so sarili mo ang
regalo mo sa akin...” saka siya kumurap ng dahan-dahan na parang inaantok at
parang naiirita. “...Sabihin mo nga sa akin, anong kapaki-pakinabang na bagay
ang pwede kong gawin sa’yo? Kunsabagay, pwede kitang ibenta sa mga hosto clubs,
malamang kumita ako ng 100,000 kapag ginawa ko ‘yun. Pwede rin naman kitang gawing
asong tagapagbantay para maging useful ka. Para
lubos-lubos na, gagawin na rin kitang alalay. Oh di kaya, para mabawasan naman
ang peste dito sa mundo, pwede kitang isako at tsaka itapon sa tulay. Galing
no, anong gusto mong gawin ko sa’yo...” ang sabi niyang nandidilat ang mga
mata.
“Ang dami mong sinabi, eh pwede
mo namang gawing teddy bear ‘tong matipuno kong katawan,” saka ko itinuwid ang
tayo ko para umumbok ang dibdib ko. “Oh kung gusto mo angkinin mo na lang ang
katawan ko ng walang pag-aalinlangan...” ang sabi ko sa kanya na kagat ang
labi.
“...Talaga...” ang sabi niyang
nakangiti ng buo, habang dahan-dahang itinatataas ang kanyang kaliwang kilay
kasabay ng pagtuon ng ulo niya sa kaliwa. Ginawa niya iyon na parang nanlalandi,
parang si Grace kapag gusto niyang ikama ko siya. Shet!!! Kalibog!!! Matagal na
rin akong hindi nakakaranas ng ganito. Kung ganyan ba naman siya palagi, edi
ang saya sana
ng pagsasama namin.
“...Pwede bang ‘yung dugo mo na
lang at atay mo ang angkinin, pwede na rin ‘yung puso. Mataas ang bentahan ng
lamanloob ng tao ngayon eh...”
Landi. Grabe. Sarap upakan.
“Ayan, ‘yan na ‘yung regalo ko
sa’yo...” saka ko inilagay sa harap niya ‘yung trivia book na ibinigay niya sa
akin sa Pangasinan. “Dadalhin na sana
kita sa mamahaling restaurant eh, o di kaya pupunta tayong Enchanted Kingdom,
eh kaso ang sweet mo masyado para sa second monthsary natin...” ang sabi ko sa
kanyang parang nagtatampo. “...pero iningatan ko ‘yang trivia book na ‘yan ah. Lagi
‘yang nasa bag ko, para kapag namimiss kita, hahawakan ko lang iyan tapos
sasaya na ako ulit. Saka ko maaalala lahat ng napagdaanan natin at kung paano
naging tayo. Hindi mo lang alam kung gaano ako nalungkot nung halos dalawang
buwan tayong walang usapan...”
“...Wow, ilang taon na ba
tayong magkakilala at parang napakarami na nating pinagdaanan? At sa tingin mo
naman napakadakilang gawain na hawakan sa loob ng dalawang buwan ang isang
libro. Ano ba ‘yung mga libro sa’yo, wrist supporter, virtual hand na pwede
mong kaholding-hands? At sasaya pa ako kung binasa mo ‘yan. Itago mo muna ‘yang
libro dahil mas marami pang araw na mamimiss mo ako...” ang sabi niyang parang
namamahiya.
Wala akong nagawa kundi tingnan
siya ng pailalim na parang nagtatampo habang ipinapasok sa bag ko ‘yung trivia
book.
“...Oo nga pala, kailangan kong
maging sweet sa’yo dahil second monthsary nating ngayon ang I also promised
that I would be. At dahil sobrang sweet ko sa’yo ngayon, kahit na wala ka
namang talagang matinong regalo sa akin at dapat eh magtatampo ako sa iyo
ngayon, ako ay mayroong regalo sa iyo...” saka siya parang batang ngumisi
habang binubuksan ang kanyang bag.
Wohohoho!!! May tago rin
talagang kasweetan ang taong ito eh. Tingnan mo talagang nag-eefort pa siyang
regaluhan ako para sa monthsary namin kahit na wala akong regalo sa kanya. Kung
ako siguro ‘yun, hindi ko ibibigay sa karelasyon ko ‘yung regalo ko sa kanya
dahil magaling siya. Ba, ano siya, siya may regalo ako wala? Nek-nek niya...
“...At ‘wag na ring maguilty,
makonsensiya, at mahiya dahil wala kang regalo sa akin, kahit na dapat eh
maramdaman mo lahat ‘yun, kasi ‘tong regalo ko sa’yo eh parang pang couple na
rin. So bale, isa sa iyo, isa sa akin...Eto nahanap ko na...” saka siya numiti
ng buo na parang batang ang sarap kurutin ng pisngi.
Woah!!! Shit!!! Ang swerte ko
namang lalaki!!! Kung ganito ba naman ang karelasyon mo, kahit na lalaki pa,
kahit sinong lalaki maiinggit sa akin!!!
Saka niya inilabas ang isang maliit
na box na kulay pula at inilagay ito sa gitna ng mesa. Shet!!! Ano kaya ‘yan?
Singsing? Kwintas? Parang masyadong maliit ‘yung box. Anklet? Eh sabi niya, isa
sa akin, isa sa kanya. Parang ang pangit naman kung anklet ‘yun. Parang mas
malaking tsansa na singsing eh, diba, isa sa akin, tapos isa sa kanya? Yes!!!
Wahahaha!!! Puta, ang sweet ng taong ito, parang gusto ko siyang yakapin at
halikan sa harap ng maraming tao...
...Hindi ko akalaing magiging
masaya ako ng sobra ng ganito. At hindi ko akalaing kay Chong ko pa mararanasan
ang ganito...
...Saka niya binuksan ‘yung
kahon...
...At sana hindi na nga lang niya binuksan. Shet...
“Ano ‘yan?” ang tanong ko sa
kanyang dismayado.
“Bakit, ngayon ka lang ba
nakakita ng ganito? Ano bang ginagamit niyong pandikit ng notes sa ref niyo,
rugby?” ang sagot niyang nang-aalaska at halos natatawa.
Saka niya tinanggal mula sa
kahon ang pahaba at maliit na bagay na iyon na nakakabit sa isang pabilog na
bakal sa dulo. Keychain ito actually at talagang dalawang ganoon ang nasa loob
ng kahon...
...pero kung ano ‘yung palawit
ng keychain, isa itong bagay na kapag nalaman ninuman ay matutunaw sila sa
kagalakan...
“...Talagang ang regalo mo sa
akin eh...” ang tanong ko sa kanyang sa sarkastikong tono.
“...MAGNET???”
Sweet no.
Fuck.
No comments:
Post a Comment