Followers

Sunday, December 9, 2012

CHAKA (INIBIG MO'Y PANGIT) CHAPTER 8

CHAPTER 8
                Hindi ko alam kung ano ang meron sa paghawak niya ng aking kamay nang hinatid ko siya. Hindi ko din alam kung bakit hindi ko na nakalimutan pa ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi. Dahil ba noon lang ako nakaranas na halikan ako ng lalaking mahal ko? Hindi na naging madali sa akin ang magiging masaya. Hindi na katulad noong una kaming nagkahiwalay. Parang sa akin, napakabilis ko siyang tanggalin sa aking utak at harapin ang pag-aaral ngunit ngayon, bakit kahit anong gawin ko ay paulit-ulit lang iyong tumatakbo sa isipan ko. Kung dati sakop niya ang bahagi ng aking puso at kaya iyon na kontrolin ng aking utak, ngayong nakasilip na ako ng kaunting siwang ng liwanag ay buo na niyang inangkin ang aking pagkatao. Mahal na mahal ko na si Lando ngunit hindi ko siya maaring makita. Hindi ko siya maaring makausap. Wala akong ibang puwedeng gawin kundi ang hintayin siyang magpakita.
                Ganoon pala ang pagmamahal, kung hinayaan mo lang na nadiyan sa puso mo, hindi binibigyan ng pag-asa, hindi nagkakaroon ng kahit katiting na pagsaling sa kaniyang katahimikan, hindi iyon mag-uumalpas at hindi iyon magkakaroon ng kahit anong expectation. Oo nga’t mahal mo ang isang tao, pero alam mong imposibleng maging kayo kaya mananahimik ang puso, nakokontrol ng utak ang sigaw nito at ang tanging naiisip mo ay gawin ang tama at alam mong makapagpapasaya sa taong itinitibok nito. Ngunit kung ang pusong nananahimik at nakukuntento sa takbo ng pangyayari, kapag ito ay sinaling at binigyan ng pag-asa ng taong pinag-uukulan, mag-uumalpas ito, matutong ipaglaban ang katiting na pag-asang iyon at ang masama, doon na din lalabas ang hindi kontrolado ng utak na puwedeng gawin n gating puso. Kung nabigyan ng kaunting liwanag ang nananahimik na puso at hindi nito nakukuha ang gusto, magsimulang mangulit, gawin ang bawat tibok nito na kadalasan ay nauuwi sa pagkasawi at pagkawasak ng pagkatao kung hindi ito ginagawa sa tamang dahilan at makatwirang pamamaraan.        
                Iyon ang naramdaman ko at napagdaanan ko kay Lando. Gustong-gusto ko siyang sundan, sirain ang usapan na huwag muna akong makipagkita sa kaniya. Gusto ko siyang kunin sa probinsiya at pag-aralin dito sa Manila nang muli kaming magkasama. Marami din namang magagandang university sa probinsiya at kaya ko siyang hanapin ng isang araw lang ngunit sinikap kong paglabanan ang lahat. Pinilit kong tiisin ang sigaw ng aking puso. Kahit medyo nawawala ang atensiyon ko sa trabaho ko ay pilit kong hinarap ang dapat. Balikan ang mga araw na hindi ko na siya kasama at nangarap na balang-araw, kung kailan handa na siya ay magkikita kami. Iyon ang pangarap na ginamit ko para sumunod ang nagwawalang puso sa tamang diskarte ng utak.
                Pinigil ko ang sarili ko, sa una, pangalawa at pangatlong buwan na sadyang nagtiis ako ngunit nasasanay din ang puso, natatahimik sa patuloy na bulong ng utak hanggang nagbalik sa normal ang takbo ng araw ko. Tinutukan ko ang trabaho ko, nagkaroon ng promotion after 1 year and 3 months at mas lalo na akong naging abala. Ang rating ko sa career, 95% and still drastically improving, lovelife, still waiting and sexlife, as in ZERO. Tinatanong ko nga ang sarili ko kung tao pa ako. Natatakot kasi akong magkaroon dahil ayaw ko ng idea na makikipagsex ako tapos babayaran ko yung kasex ko. Natatakot din ako ng rejection lalo na yung nakahubad na ako at nakikita ang katabaan ko sa katawan tapos may ibang expression sa mukha ng kasex ko na kahit hindi man magsasalita ay alam kong nauumay siya sa nakikita niya. Siguro dahil din naghihintay ako kay Lando. Isang paghihintay na walang katiyakan. Nababago ng panahon ang tao. May mga pangakong tuluyang tinatangay ng hangin sa katagal ng pagkapako.
                Dalawang taon ang matuling nagdaan. Nagsimula akong maghintay. Nagsimula akong muling nangarap. Nagmamadali akong umuwi galing sa trabaho dahil iniisip kong baka naroon na si Lando at matiyagang naghihintay sa aking pag-uwi. Kapag nasa bahay naman ako ay ayaw kong umalis dahil baka bigla na lamang siyang kakatok sa aking pintuan. Kung may kakatok ay nagkukumahog akong magbukas ng pintuan ngunit madidismaya lamang ako kung hindi siya ang aking mabubungaran. Kung tutunog ang telepono o ang celphone ko ay mapapakislot akong maisip na yayain na ako para kami’y magkita ngunit walang Lando ang dumating. Walang Lando ang nagparamdam. Nang dumaan pa ang ilang buwan ay nagsimula nang gumuho ang aking pag-asa. Nanamlay muli ang aking puso at tuluyang tinanggap ang katotohanang may sarili na sigurong buhay ang lalaking minahal ko.
                Galing ako sa birthday party noon ni Jasper. O huwag na munang atat saka, na natin pag-usapan ang tungkol sa kaniya sa tamang panahon. Medyo nakainom din dahil sa nagkayayaan. Pagbukas ng elevator ay nakita ko ang isang lalaking may dalang isang malaking bag na nakatalikod na para bang naiinip na sa kakapindot ng buzzer. Bumilis ang pintig ng aking puso. Biglang parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahilan para manginig ang buo kong katawan. Ang lalaking muli kong hinintay. Ang lalaking minahal ko sa buo kong buhay. Ang kaisa-isang lalaking nagsasabing ako na ang pinakaguwapong nakilala niya sa kaniyang buhay.
                “Lando?” maingat ngunit puno ng kasiyahan kong pagtawag sa kaniya mula sa kaniyang likuran.
                “Terence, kumusta na!” maluwang ang kaniyang pagkakangiti. Binitiwan niya ang kaniyang bag at muling nagdampi ang maskulado niyang katawan at ang lumba-lumba kong katawan.
                “Anong oras ka pa nandito? Kumusta na! Anong nangyari sa iyo?” sunud-sunod kong tanong ngunit mabilis na naglakbay ang aking mga mata sa kaniyang kabuuan. Bakit ganun, habang siya ay pabata ng pabata sa paningin ko at paguwapo ng paguwapo, ako naman yata ay nagiging pataba ng pataba an din a tinatantanan ng pimples ang buo kong mukha.
                “Papasukin mo kaya muna ako ng makapagkuwentuhan tayo. May dala akong alak for us to celebrate.  Siguradong mahabang balitaan ito.”
                Pumasok kami, kumain at nagshower siya. Nakasuot lang siya noon ng puting boxer short at puti ding sando. Bakat ang magandang hubog ng kaniyang lalaking-lalaki na tindig at ang bumubukol niyang pagkalalaki. Ilang ulit din akong napalunok na para bang gustung-gusto ko na siyang dakmain at ikulong sa aking mga bisig. Oh God! Sobrang namiss ko siya.
                “Pagkatapos kong nakuha ang mga subjects ko dito sa Manila ay tinanggap naman ako sa University of Saint Louis at nacredit naman ang mga subjects na natapos ko.” Pagsisimula niya habang umiinom kami ng alak na dala niya. “Wala akong sinayang na pagkakataon. Ginugulgol ko ang lahat ng oras ko sa pag-aaral. Pagkaraan ng dalawang taon, nagtapos din ako ng Management. May business si Lolo na gusto niyang ipahawak sa akin. Sinubukan kong pumasok ngunit alam kong kulang pa ako ng experience para patakbuhin iyon. Walang silbi ang mga theories pare kung hindi ko aralin kung ano ang tunay na nangyayari. Gusto kong makapagtrabaho muna sa iba, makakuha ng experience saka ko lang siguro mapapatakbo ang negosyo ni lolo kung ako ay handa na. Puwede mo na akong ipagmalaki ngayon pare!” natutuwa niyang pagbabalita habang tumutungga ng alak.
                Nanatiling tikom ang aking mga labi. Napakasaya kong narito siya sa tabi ko ngayon. Nagtagumpay siya. Nakatapos siya.  Sana masaya na muna ako doon. Sana makuntento na ako na pinutahan niya ako at tinupad niya ang kaniyang pangakong babalik siya kung nakahanda na siya. Ganoon lang naman dati kasimple ang takbo ng puso ko. Ngunit bakit ngayon iba. Mas marami akong gustong malaman, hindi lang sa pagtatagumpay niya, hindi lang sa kung ano na siya ngayon kundi kasama na din kung sino na ang nagmamay-ari sa kaniya. Dalawang mahabang taon ko ding pingarap na tanungin siya kung ano ang kahulugan sa kaniya ng halik na iyon noong nagkahiwalay kami. Ang halik na gumulo sa nananahimik kong puso.
                “Congratulations! Ngayon sadyang masasabi kong tuluyan ka na ngang bumalik sa dating ikaw. Sobrang saya kong makita kang muli mong nahanap ang tama para sa iyo. Kumusta naman ang naiwan mo sa atin. Huwag mong sabihin na sa dalawang taon mong pag-stay sa probinsiya ng lolo mo ay puro aral lang ang inatupag mo. Ikaw pa!” pagsisimula ko sa mas seryosong usapan.
                “Babae ba?” tanong niya.
                Gusto kong sabihin babae o lalaki basta karelasyon. Ngunit nagpigil ako. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan.
“Alam ba niyang nandito ka?” malayo ang tanong ngunit gusto ko lang ikumpirma kung meron na nga ba talaga. Hindi mahalaga kung lalaki o babae, ang gusto kong malaman ay kung may magagalit na ba.
                “Lolo ko at ilan sa mga pinsan ko, alam nilang nandito ako. Buong address, kahit telephone number mo. Ayaw kong maging ingrato sa kanila na pagkatapos nila akong tulungang makatapos ay saka ako aalis na hindi nila alam kung saan ako nagpunta.”
                “E, siya, alam ba niya?”
                “Sino ba kasing siya?” tanong niya.
                “Wala ba?” tanong ko uli.
                “Naku ha. Uminom na nga lang tayo. Huwag nga nating pag-usapan ang mga bagay na wala naman at mga bagay na kailangan lang kalimutan.
                Nakailang tagay kami hanggang nang medyo lasing na ako dahil dati na akong nakainom ay hindi na kayang kontrolin ng utak ko ang lumalabas sa labi ko.
                “Huwag kang maooffend Lando ha. Dalawang taon na kasing gustong gusto kong tanungin ang tungkol dito eh.” Lakas loob kong pagbubukas.
                “Bakit kaya ang salitang offend na ‘yan. Ginagamit lang panangga bago saktan ang taong tatanungan. Iyon bang alam na nating nakaka-offend ang tatanungin ngunit ginagamit lang natin bilang panangga. Hindi ba dapat huwag na lang tayong magbigay ng babala kung ang labas ay itutuloy parin naman nating gawin ang alam nating nakakasakit sa iba. Iyon bang naroon ung babala na “Huwag tumawid dito, nakamamatay!” pero itutulak natin yung iba para dumaan kahit alam nating ikamamatay niya.”
                Natawa ako. Natawa din siya. May punto siya. Iniba ko ang pagsisimula ko.
                “Tanungin kita. Bahala na kung masaktan ka o hindi basta gusto ko lang malaman kung ano ang totoo dahil naguguluhan ako.”
                “Iyan ang tanong.” Tumawa siya. Tumingin siya sa akin. Mukhang naghihintay. “Ano yun?”
                Tumingin ako pero hindi ko matagalan kaya mabilis din akong yumuko ngunit nagtanong parin ako. “Yung nangyari noong hinatid kita sa bus terminal… yung ginawa mong…”
                Hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin ay tinaas na niya ang baba ko.  Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko…
                “Anong ginawa ko? Yung hinalikan ba kita sa labi? Yung ganito?”
                Parang napakabilis ng pangyayari dahil naramdaman ko na naman ang labi niya sa labi ko. Ngayon ay mas matagal…ngayon ay nagawa kong lumaban. Tigang ako na matagal ng naghihintay ng pag-ulan. Parang sakahan na naghihintay sa pagdating ng ulan pagkatapos ng mahabang tag-init. Amoy ko ang mabango niyang hininga. Sobrang nanginginig ang buo kong katawan na parang hindi ko maipaliwanag. Hanggang unti-unti siyang lumapit. Nilapit ko din ang aking katawan. Nagsimulang lumakbay ang aking mga palad. Mula sa kaniyang makinis na mukha hanggang sa kaniyang leeg at batok. Sabik ako sa halik na iyon at hindi ko binalak na ilayo ang mukha niya sa mukha ko. Patayin na ako huwag lang mailayo ang labi niya sa labi ko. Sinuksuk ko ang mga palad ko sa kaniyang dibdib. Dinama ko ang tigas nun. Ang maumbok niyang dibdib at narinig ko ang pag-ungol niya. Hanggang inalalayan kong pinahiga sa sofa. Tinaas ko ang puting sando niya at hinalikan ang buong katawan. Napakabango niya. Bangong parang dumikit sa kaniyang balat. Naglakbay ang aking dila at labi. Bago sa akin ang ganoong karanasan kaya nanginginig ako. Ginagawa ko lang ang mga napapanood ko. Matagal ko ng ginagawa pala iyon. Matagal na naming ginagawa sa aking pangarap. Akala ko ganoon lang kadaling gawin din sa totoong buhay ngunit hindi pala dahil tensiyon na tensiyon ako. Nanlalamig ako. Hindi ko makuha ang tamang ritmo. Hindi ko kayang isaliw sa kung paano ko ginagawa sa aking panaginip hanggang sa siya na mismo ang nagbaba ng kaniyang short kasama ng brief. Noon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapasaya at makukuntento lalo pa’t di ko pa talaga iyon nagagawa. Ganoon pala iyon, may bangong hindi ko maipaliwanag. May igting na matigas na kayang tusukin ang aking lalamunan. May saktong laki na kung hindi maingat ay mabubulunan. May dapat saliw ng bibig at dila pati na din ang mahusay na pag-iingat na masaling ng ngipin. Ilang labas masok. Hanggang kaya ko na itong isaliw sa tamang ritmo. BumIlis ng bumilis. Dumiin ang paghawak niya sa aking ulo. Naramdaman ko ang paninigas ng kaniyang binti at ang kaniyang kakaibang pagmumura hanggang sa masaganang katas ang bumulwak sa aking labi. Gano’n pala iyon, ang amoy, ang lasa, ang unang karanasan sa taong matagal mo ng pinapangarap, sa lalaking pinakamamahal mo.
                Sandali kaming nagpahinga. Hindi parin ako makapaniwala. Sinubukan kong kinurot ang tagiliran ko. Gising ako. Di lang iyon nangyayari sa aking pangarap tulad dati. Tumingin ako sa kaniya. Nakatitig din siya sa akin. Nakaramdam ako ng hiya. Kinuha ko ang kumot saka ko nilagay sa mukha ko.
“Bakit ka ba masyadong conscious sa hitsura mo.” Pilit niyang tinatanggal ang kamay kong may hawak sa gilid ng kumot.
“Nahihiya ako e.”
“Tagal ko ng nakikita mukha mo. Lumaki na tayong sabay, tapos ngayon ka lang nahiya?”
“Dati na akong nahihiya no.”
“Ano bang kinahihiya mo? Oo nga’t taghiyawatin ka, moreno, pinagkaitan ng tamang tubo ng ilong ngunit di mo ba nakikita ang pungay ng iyong mga mata at ang tamang hulma ng iyong labi? Iyon dapat ang pinagtutuunan mo ng pansin bago ang mga kapintasan mo.”
“E, taba ko kaya. Chaka ako alam ko yun.”
“Chaka?”
“Oo chaka, salitang bakla na patungkol sa pagiging pangit.”
“At kailan ka pa natuto ng salitang bading aber?”
Di na ako sumagot. Kung alam lang niya na kahit ganito ako ay may mga kaibigan din naman akong kauri ko.
“Salamat ha?” nahihiya kong sabi sa kaniya. Kinuha niya ang kumot na nakatakip sa aking mukha. Hinayaan ko lang siya.
“Salamat? Para saan?”
“Wala lang. Dito. Sa pagtupad mo sa pangako mong balikan ako.”
Ngumiti siya sa akin. Hinawi niya ang mataba kong baywang saka niya ito pinupog sa halik. Nakiliti ako. Naisipan akong kilitiin ng kilitiin hanggang sa pinuno na ng tawanan ang dating tahimik kong bahay. Biglang parang lumiwanag ang lahat ng sulok nito. Bago kami pumikit sa gabing iyon ay mala-anghel siyang natulog sa aking bisig.
                Hindi ko siya tinanong kung ano kami. Hindi ko siya matanong kung ano ang kahulugan ng nangyari. Basta masaya ako, alam kong masaya din siyang pinaglilingkuran ko. Hanggang naulit pa iyon, ng naulit at naulit. Isang Linggo na siya sa bahay nang magdesisyong lumabas para sa kaniyang unang job interview. Wala paring I love you ngunit naipaparamdam ko iyon sa kaniya. Hindi man kami ngunit para sa akin hindi lang sex ang nangyayari sa amin. Hindi lang libog kundi iisa na kami.
Nang may nagbuzz sa pintuan. Sinilip ko. Babae, maganda, mukhang sopistikada. Ngunit lalo akong nagimbal nang pagbuksan ko siya..buntis…at hinahanap si Lando.

BASAHIN ANG CHAPTER 9, CHAPTER 10, CHPATER 11 AND CHAPTER 12 SA AKING BLOG. JUST CLICK THIS LINK--- http://joemarancheta.blogspot.com/

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails