Followers

Thursday, December 6, 2012

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 11






          Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

            Natutuwa po ako sa mga taong sumusupport sa akin sa story na ito. Kaya muli, maraming maraming salamat po. :)

            Pangalawa po ay, gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :)  http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!

              Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal,  at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.







Mangiyak ngiyak kong mabilis na nilakad ang daan hanggang sa tinakbo ko na ito. Sobrang nakokonsensya ako sa mga nangyari. I forgot who Cyrus was in my life. That very day na nagkakilala kami. At ang pakiramdam all throughout.

Halos madaliin ko na ang kahera sa botika para ibigay ang gamot na kailangan ko. Pagkakuha at bayad ko ay nagmamadali akong lumabas para maghanap ng makakain. Kaso dahil anong oras na din ay sarado na ang lahat. Buti na lang at may lugawan akong nakita kaya minadali ko rin ang tinder. Pagkabili ko ay nagtatakbo na ako pabalik sa bahay.

Halos hingal at kapusin na ako ng hininga ng makarating sa bahay. Ramdam ko ang butyl ng bawis sa mukha at buong katawan ko. Hindi ko alam pero sobrang kinabahan ako.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay parang gumuho ang mundo ko.

“Cyrus?!”, pagsigaw ng utak ko. Wala. Wala si Cyrus…

Agad ako napalingon sa kalsada. Wala ito. Nilapag ko ang mga binili ko at agad chineck ang gamit ni Cyrus. Andun pa ang lahat. Ngunit pagtingin ko sa kamay ay andun ang pinagbihisang pambahay nito. Wala na rin ang bag nito sa tabi ng hinihigaan nya. Pati ang sapatos nito ay wala na din.

Gusto ko biglang magsisigaw. Ano ba tong nagawa ko? Halos pagsusuntukin ko naman ang sarili ko sa sobrang pagsisisi. Kaso huli na, wala na si Cyrus.

Hindi ako nagsayang ng panahon. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagtatakbo sa labas habang pinaparing ang cellphone ni Cyrus. Ngunit hindi ito sumasagot. Tumigil ako sandali at nagtext.
“Asan ka? Please? Mag-usap tayo.”, pagmamakaawa ko sa text. Ngunit hindi ito sumagot. Nagtatakbo na ako ngunit wala talagang sagot.

Naisip ko na baka walang load si Cyrus kaya hindi ito sumasagot sa text. Alam ko na hindi mo kailangan ng load para sumagot ng tawag, pero malamang na ayaw ako nito makausap. Kaya magbabakasakali ako na baka sa text ay sumagot ito. Agad naman akong naghanap ng bukas na tindahan at pinaloadan ang number ni Cyrus.

“Please. Magreply ka naman. Alam ko mali ako. Sorry na. Pls. Txt back.”, naka ilang text ko.

Halos maikot ko na ang kalsada ngunit hindi ko nakita si Cyrus. Halos masiraan naman ako ng bait kakaisip kung saan kaya ito pwedeng magpunta.

Halos himatayin naman ako ng may naisip ako na mas nakakatakot na ideya. May sakit ito, naglayas, at walang kapera-pera. Shit! Asan kaya sya?

“Takte naman…”, sigaw ng utak ko.

Halos mapaluhod ako sa kinatatayuan ko. Kung di dahil sa selos ko. Kung hindi lang sana.

Agad kong tinawagan sila Geoff at Rovi. Kailangan ko ng lahat ng tulong na makukuha ko. Nakakahiya man ang dahilan ng pagaaway naming ay wala na akong paki. Kahit pa magkabukingan na ay wala akong paki. Ang mahalaga ngayon ay mahanap ko si Cyrus.

“Baka naman kung saan lang napunta yun…”, inaantok na sagot ni Rovi. Halatang nagising ko ito.

“Sinabi kong narinig ko na alam ko ng mahal ni Geoff si Cyrus.”, derecho kong sabi kay Rovi sa telepono.

“Ah, naglayas nga.”, simpleng tugon nito.

“Tutulungan mo ba ko?!”, aligaga kong tugon.

“Oh, sige. Sus! Mga pasaway!”, kalmadong tugon ni Rovi.





“ANO?! Asan sya?!”, alalang tugo ni Geoff.

“Hindi ko alam… Pumunta ka naman dito.”, pagmamakaawa ko.

“Oh, sige. Hintayin mo ko!!”, aligagang sagot ni Geoff.

Bigo at maluha luha akong umuwi sa amin. Pagkadating ko naman sa tapat ng tinutuluyan naming ay agad akong napaluha. Nakita ko ang mga nilabhan ni Cyrus. Pati kasi mga damit ko ay nilabhan na nito. Ngunit ang kanya ay hindi niya nilabhan lahat. Malamang nagkulang kasi sa sabon.

Pagpasok na pagpasok ko ay tinabi ko ang pinaghubaran ni Cyrus. Kitang kita ang linis ng tinutuluyan naming. Pati ang cabinet ko ay maayos na din. Lahat ng damit ko ay organisadong nakatupi.

“Kahit kelan ka talaga…”, umiiyak kong singhal.

Ganyan si Cyrus, laging inuuna ang kapakanan ko bago ang kanya. Noon pa man, hindi. Una pa man ay alam kong mahal niya na ako. Kaya nga ganun ang pinapakita nya.

Maya maya nga ay dumating na sila. Naunang dumating si Rovi ngunit nakasunod din agad si Geoff.

“Anong nangyari?”, alalang tanong ni Geoff.

Kinuwento ko ang nangyari. Buong buo. Walang kulang. Kita naman sa pagmumukha ni Geoff ang pagkahiya habang si Rovi naman ay kalmado lang.

Nang matapos ako magkwento ay tiningnan ko si Geoff at naghihintay ako ng sasabihin nito. Ngunit tahimik lang ito.

“Kasalanan mo to!!”, panunumbat ko kay Geoff.

“Paano ko naman naging kasalanan to?! Kalokohan mo kaya siya lumayas! Hindi ako!!”, sagot nito.

“Kung hindi ka sana umamin sakanya, edi sana hindi ako magseselos!!”

“Ako pa talaga ang may kasalanan, ha! Tsaka teka nga, atleast ako, umamin! Ano bang kinagagalit mo talaga?! Na ako, finally, nasabi ko sakanya? O dahil hanggang ngayon, hindi mo pa din maamin na  mahal mo din sya?!”, galit na sabi ni Geoff.

Natahimik naman ako.

“Kung asan ka man Cyrus. Ang ganda mo lang. Magjowa ang nag-aaway dahil sayo.”, pagsabat ni Rovi.

“Bat ba ang kalmado mo dyan?”, inis kong sabi.

“Hoy! Hoy! Ako, natutulog ako sa bahay, ha! Kaya wag mo kong sinisigawan! Itong lumapit para sa tulong.”, sarkastikong sabi nito.

Natahimik ako.

“Ano natahimik ka?! Kasi ano?! Totoo, diba?! Na simula pa man noon, si Cyrus na ang gusto natin. Pinilit lang natin dahil ayaw natin mapunta siya sa isat isa.”, panunumbat ni Geoff.

“Eh siraulo pala kayong dalawa, eh! Parehas niyong gusto si Cyrus, pero kayo nagkatuluyan. Tado!”, sarkastikong sabat ni Rovi.

Talagang tinamaan ako sa sinabi ni Geoff at Rovi. Tama sila.

Totoo ang lahat.

I’ve been inlove with Cyrus simula pa noon. Pero takot lang ako aminin ito kay Cyrus.

Hanggang sa nagtrabaho na kami sa bar. Nung una pa lang din ay alam ko na na minamata ni Geoff si Cyrus. Alam ko ng may gusto ito dito. Geoff was good looking, had a better job, at mas mataas ang probability na mas magustuhan ito ni Cyrus. So I had to make my move. Kailangan harangin ko si Geoff. Even if it means na mawawala ang chance ko sa pag amin kay Cyrus ng tunay kong nararamdaman.

Ngunit biglang dumating si Nikko. I was with Geoff kaya wala ng way para mapigilan ko pa si Geoff. Kaya naman halos pagsiksikan ko ang sarili ko. Gusto kong layuan niya si Nikko. Kahit pa alam kong napaka selfish nito.

Nagkatampuhan kami ni Cyrus. Pero nabawi din naman matapos ang ilang araw. Nakipag inuman ako sakanya at umamin ito na matagal na rin akong iniibig nito. Sising sisi ako. Kung sana, noon ko pa inamin. Kung sana, inamin ko na lang. Edi sana, masaya na lang ang lahat. Maayos ang lahat.

Inopen up ko ang stado nila ni Nikko at di ko naiwasan hindi magselos. Kaya naman nanghiram ako ng tapang sa alak at sinadya kong halikan ito. Gumawa talaga akong paraan para mahalikan ito.

Ngunit nang mahalikan ko na ito ay di ko na alam ang susunod na gagawin. I ended up saying na hindi kami pwede ng dahil kay Geoff. Ayoko namang isipin ni Cyrus na gusto ko siya gawing kabit lang. After all, siya naman talaga ang mahal ko at hindi si Geoff. At alam ko, ganun din si Geoff.

Nawala sa eksena si Nikko ng di ko inaasahan. Hindi naman sa hindi ko pinangarap na wag sila magkatuluyan. Oo, pinalangin ko yun. Pero hindi naman to the point para mamatay si Nikko. Pero nangyari ang nangyari.

Sa pagkawala ni Nikko ay nawala din si Tatang Berto na siya namang kinalugmok talaga ni Cyrus.
Nag offer ng tulong si Geoff. Wala akong choice kung di ang tanggapin ito. Para sa ikabubuti din naman kasi ni Cyrus ito. Ngunit mas naging malapit na ang dalawa dahil dito. Hanggang sa narinig ko na nga ang pa gamin ni Geoff.





Nung araw na din yun ay nagbreak kami ni Geoff.

Ilang araw na ngunit hindi pa rin naming nakikita si Cyrus. At araw araw pagkatapos ng trabaho ay direcho uwi ako at umaasang andun na si Cyrus. Ngunit araw araw din akong bigo. At araw araw ding pagtapos ko mabigo ay hahanapin ko ito sa paligid. Hoping na makita ko ito.


Isang araw pag uwi ko ay may kakaiba akong naramdaman. Paghawak ko palang sa door knob ko ay ramdam ko na agad na iba. Halos tumalon ang puso ko. Agad agad kong binuksan ang pinto.

Ngunit tulad ng nakagawian ay walang Cyrus akong nakita. Pero something was off. May nagbago sa bahay.

At doon, doon ko napansin na nagalaw ang upuan. Pati ang tinutulugan ko ay nagalaw. At sa ibabaw ng unan ko ay may sulat.

“Pasensya na sa lahat ng abalang nabigay ko sayo. At salamat sa lahat lahat ng bagay na binigay mo. Hinding hindi ko yun makakalimutan.

Tama ka, masyado akong pabigat na. Kaya naman gusto ko humingi ng tawad sayo doon. Siguro nga masyado akong umasa sayo. Hindi ko naisip na may sarili ka pang pamilya na iniisip. Sorry talaga.

Ito na nga pala yung kulang ko sa renta. Kasama na rin yung lahat lahat ng kulang ko sa mga nakaraan bwan. Andyan na din yung mga inutang ko sayo. Isinama ko na rin pati yung pinahiram sa akin ni Rovi. Paki sabi salamat.

Hindi ko man alam ang gagawin ko ngayon pero alam kong ito ang tama. Kakayanin ko to. Huwag mo na akong intindihin.

Tungkol kay Geoff… Hindi ako nabigyan ng pagkakataon magpaliwanag. Sinabi kong huwag ka niyang sasaktan. Kaya sana ay hindi niya ito ginawa. Umamin man siya ay walang kahulugan ito sa akin. Dahil noon pa man. Ikaw na ang mahal ko. Salamat.”

Wala akong nasabi. Parang namanhid ako. Nraramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko pero hindi ko na alam ang rason talaga kung bakit. Masyadong maraming ibig sabihin ang luhang pumapatak. Hindi na kaya pang imutawi o kahit isautak man ang mga salitang makakasabi sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa sulat ni Cyrus. Pero sigurado akong matagal. All I could think of is ang mga kamaliang nangyari at nagawa ko. At sa likod ng mga kamalian ko ay ang isang Cyrus pa rin ang lagging humaharap. I was tupid. Too stupid.

Nagdaan ang ilan pang bwan at wala na ngang Cyrus na bumalik. Hindi ko na din ito nakita. Kahit pa sa hanggang ngayon ay umaasa pa din ako. Umaasang isang araw ay makikita ko itong muli.

It was awkward for me and Geoff. We rarely talk. Nagkasakitan din kaming dalawa. Though I must admit na sa gitna ng pagkukunwari naming dalawa ay naging mahalaga din ito para sa akin. At dumadating sa point na nasasaktan ako pag nakikita ko itong may kausap na iba. It was weird. Pero dahil siguro yun ang mga suppressed emotions ko para kay Cyrus. Lahat nga lang ay nailalabas ko kay Geoff dahil siya ang acting boyfriend ko.

Kahit dinadagsa pa rin ang aming bar ay parang naging matamlay at walang kulay ito para sa akin. Though I meet new people everyday ay parang mga pangkaraniwang mukha lang ang mga ito sa akin.

Kapansin pansin din ang pagbabago kay Geoff. He was not as passionate with his singing like he used to. Noon ay kahit lampas na ang oras ng set nito ay kakanta pa ito lalo na kung may requests. Ngunit ngayon ay kung di sakto sa oras ay minsan mas madalian pang natatapos. The crowd didn’t notice. But I did.

Halos araw araw sa pagtulog ko ay binabangungot pa din ako. Ang kamalian na nagawa ko kay Cyrus. Paulit ulit na nagpplay sa mga panaginip ko. I would often see him smiling hawak ang baso na may mainit na tubig. Nagpapaliwanag ako ngunit nakatingin lang ito at nakangiti. Hanggang sa nakita ko na lang ang pagtulo ng luha niya kahit nakangiti pa din. Sinisimbulo ang mga ngiting pilit niyang ipinapakita sa mga sandaling nasasaktan ko siya.

I know I don’t deserve his love anymore. Kung asan man siya ngayon ay sana lang ay maayos siya. I don’t care kung hindi na kami magkatuluyan. Hindi sa ayaw ko ngunit ang tanging hiling ko na lang ay sana ligtas ito sa kung saan man siya naroroon ngayon.

Nagprogress ng nag progress ang aming bar at balak magkaroon ng branch sa Manila. At dahil ako ang pinakamatagal na staff na, ay isa ako sa napili para ilipat sa Manila. Isasama na rin ang banda dahil gusto ishowcase ang talent sa Manila.

Binalot ko na ang ibang gamit ko sa tinutuluyan ko. Halos gusto ko na lang magpaiwan dahil paano kung bumalik isang araw si Cyrus at hindi na ako maabutan dito? Paano kung wala na siyang madatanan at umalis pang muli?

“Magiisang taon na…”, paliwanag ni Rovi.

Alam ko. Na halos magiisang taon na wala si Cyrus. Pero hindi pa rin kasi nawawala ang pag asa ko na babalik ito. Nangangarap pa rin ako.

“Pero paano kung bumalik siya..?”, malungkot kong tugon.

“Ikaw bahala pa rin Cedric. Pero…”

“Pero ano?”

“Paano lang naman.. Paano kung ang hinihintay at hinahanap mo ay wala na pala dito?”

Tiningnan ko si Rovi. He gave me a quizzical look. Hindi ko alam pero parang nabuhayan ako ng loob. Meron nga namang chance na baka andun si Cyrus. Pero paano? Nung huling umalis ito ay wala man lang itong kapera pera. Pero hindi! Madiskarte itong si Cyrus.

Napapayag ako na sumama. At dahil ako nga ang pinakamatagal na staff ay binigyan ako ng amo ko ng magandang posisyon sa bar. Kung dati ay waiter lamang ako, ngayon ay manager na ako ng bar sa branch naming sa Manila.

Nakaraan pa ang dalawang bwan at oras na para umalis. Medyo nadelay kasi ang pag alis dahil nagkaroon ng kaunting problema sa permit pero nang ayos na ay agad na kaming umalis.

Pagdating naming ng Maynila ay doon ko lang nalaman na dito pala lumaki si Rovi. Kaya naman pala halatang sanay na ito sa mga daan. Yun pala ay dito naman pala sya lumaki. Nagkataon lang na gusto nito magsarili at kakilala nga nito si Geoff kaya niyaya nya ito.

Hindi ako sanay sa lugar sa Maynila. Napakaraming mga tao kahit pa anong oras na. Medyo magulo at nakakatakot din ito kumpara sa pinanggalingan ko. Hindi naman totally probinsya ang amin pero ibang iba talaga.

Dahil nga asensado na ang bar naming ay binigyan kami ng kanya kanyang apartment. Ang akin ay di kalayuan sa bar. Halos pwede mo nga itong lakarin kung gugustuhin mo. Mga 7 mins pag sumakay ka ng jeep at 15 mins pag nilakad mo.

Pagkatapos makapag ayos sa tinutuluyan ko ay pinapunta na kami sa bagong branch. Nagulat ako dahil tila mas malaki ito kaso sa branch namin. Mas maganda din ang stage, ang setting at ang ambience ay mas maganda talaga.

“Welcome to your new home!”, pagwelcome sa amin ng amo namin. Kita naman sa amin ang pagkamangha. I felt proud dahil ako ang Manager dito.

“Eyup! Manager ka na dito.”, pang aalaska ni Rovi. Tumingin lang sakin si Geoff at tumango.

“Kaya ayusin mo lalo ang trabaho ha Cedric! Ikaw ang aasahan ko dito!”, pagtapik sa balikat ko ng amo namin.

Makalipas ang dalawang araw ay nagopening na ang bar naming. Halos mashock naman ako sa dami ng taong dumagsa. Sobrang dami talaga. At ibang iba ang dating dahil parang mga sosyalin ang mga tao. Karamihan ay pamatay pa ang mga suto. Bali balita pa na may artistang pupunta dito mamaya.

Nakalipas ang isang linggo at madali naman akong nakapag adjust sa bagong set up. Dapat lang ay mas maingat ako. Hindi na rin ako halos umiinom dahil sa dami ng dapat asikasuhin sa bar.

“Pare, grabe dito, noh. Ang lupet!”, bungad ni Rovi.

“Oo nga, eh. Ibang iba sa atin.

“Oo nga eh. Mas gusto ko na dito. Sarap pa tumugtog dahil ang daming nakikinig. Tsaka bago lahat ng mga gamit.”

“Oo nga eh. Kaso di nako makainom. Mas busy kasi dito, eh.”

“Ay oo nga pala pare, since off ko bukas, inom naman tayo! Off mo din diba?”

“Ah..”, pagiisip ko.

“Sige na!!”, pamimilit ni Rovi.

“Eh, san naman tayo pupunta?”, tanong ko.

“Ah! Tumawag kasi yung tropa ko nung college. Eh, may bago daw siyang pinagtratrabahuhan.”

“Sige na nga!”, sagot ko.

“Good! Bukas, ah!”

“Oo na. Sige na. Bumalik ka na doon. Magsisimula na next set niyo.”, pag utos ko.

“Yes, sir! Manager na manager datingan ah!”, pagsaludo nito.

“Lol!”,  pagtawa ko.

Kapansin pansin ang sigla ng banda. Kahit papano ay kita na rin ang pagkasabik kay Geoff. Mas marami na kasing nakakapansin dito. Mapa babae man o lalake.

Pagtapos ng trabaho ay agad akong umuwi. Sobrang pagod. Hindi ko alam na pwede pala akong mapagod ng ganito. Palibhasa ay halos doble ang laki ng bar kaya doble din ang trabaho ko. Kaya naman pagkauwing pagkauwi ko ay agad akong nakatulog.




“Cedric..”, pagrinig kong bulong sa tenga ko.

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko. Madilim pa dahil na rin sa itim ang kurtina ko para walang makapasok na liwanag.

“Cedric…”, rinig ko ulit ng bulong.

Napaupo ako at nagulat talaga ako sa nakita ko. Si Cyrus!!

“Cyrus?”

“Cedric…”, pagtawag nito muli sa pangalan ko. Nakangiti pa ito.

“Cyrus. Paanong? Nagbalik ka na!”, tuwang tuwa kong sabi.

Nginitian ako ni Cyrus.

Tumayo ito at naglakad papunta sa harapan ng drawer ko. Ako naman ay pilit na tumayo at hawiin ang kurtina dahil na rin sa madilim.

“Cedric…”, pagtawag muli nito. Dahil hindi ko maabot ang kurtina ay tumayo na lang ako para buksan ang ilaw. Ngunit ng mabuksan ko ang ilaw ay nakita ko si Cyrus. Nakangiti ngunit namumutla, at mukhang dehydrated. Pawis na pawis din ito at ang payat payat na. May hawak ito ng baso ng mainit na tubig at uminom ng kaunti sabay tingin ulit sa akin at ngiti.

Agad agad, napaluha ako sa nakita.

“Anong nangyari sayo…?”, maluluha kong tanong.

Hindi ito sumagot at ngumiti lang. Nilapag nito ang kanyang baso at muling nginitian ako.

Hindi na ako nakapagpigil at agad agad akong lumapit at niyakap ito. He was cold. Malamig ang pawis, pero ramdam ko na may lagnat ito. Ramdam ko din ang panginginig nito sa panghihina.

“Sorry Cyrus.. Patawarin mo ko…”, humahagulgol kong paghingi ng patawad habang yakap yakap ito ng mahigpit.

“Cedric…”

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails