Followers

Saturday, December 15, 2012

CHAKA (INIBIG MO'Y PANGIT) Chapter 15

CHAPTER 15
                Tinignan kami ng taxi driver mula sa salamin na alam ko kanina pa siya nagmamasid kung ano ang nangyayari sa amin. Hindi ako sanay makipag-away. Nahihiya akong nakikita sa ganoong sitwasyon. Napa-aray ako hindi lang sa sobrang sakit kundi sa gulat ko ding kaya pala niya akong pagbuhatan ng kamay kahit pa may ibang taong maaring makakakita sa pananakit niya.
“Are you fighting in my taxi?” tanong ng taxi driver.
                “We’re just joking my friend.” Pinilit kong ngumiti.  Kahit naninigas ang hita ko hanggang binti sa sakit ng suntok niya.
                Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Salita siya ng salita at kahit walang kasinsakit ay hinarap ko siya. Tinanggal ko ang earphone at pinatay ko ang iphone. Ayaw ko lang na suntukin niya akong muli. Iyon bang, parang nakikinig ako sa sinasabi niyang masasakit kahit walang katotohanan ang lahat. Pilit kong inilabas sa kabilang tainga ang mga masasakit niyang pagbibintang. Gusto ko na siyang sagutin pero kailangan ko lang magtimpi.
                Pagkabayad ko sa taxi ay binilisan kong bumaba. Pumasok ako ng elevator at nakabuntot parin siya. Nasa gym si Jasper at iniwan namin doon dahil sa biglang pagyaya niya sa aking umuwi.
                “Ano kayo ng lalaking iyon, Terence!” hindi na mahal ang tawag sa akin. Terence na lang. Mataas ang boses. Handang makipag-away.
                “Naka-drugs ka ba? Nagtanong siya, sinagot ko. Huwag mong sabihin na noong nagtanong siya at nang sinagot ko ay naghubad na agad ang inisip mo. Nandoon ka, mahal. Narinig mo ang napag-usapan namin. Walang dahilan na magkaganiyan ka. Ni hindi ko nga kilala yung tao.”
                 “Iba yung dating ng pakikipag-usap mo e.”
                “Anong iba doon, mahal?” nanatiling maalumanay ang aking boses.
                “Nakangiti ka. Nilalandi mo siya!”
                “So, anong gusto mong pagsagot ko sa kaniya? Iiyakan ko siya, magagalit ako at magsimangot e maganda naman iyong approach no’ng tao. Saka bakit ka ba insecure? Dahil ba mas guwapo yun sa iyo o wala kang tiwala sa akin?”
                “Tang-ina mo, huwag na huwag mong sabihing insecure ako ha dahil kahit kailan, di ko naranasang mainsecur!”
                “E, huwag kang magmura. Huwag mong isama ang nanay ko sa kakitiran ng utak mo.” Uminit na din ang aking ulo.
                “Ako makitid ha? Makitid ako! Insecure ako? Tang-ina mo. Naging ganyan lang ang hitsura mo dahil sa retoke. Akala mo na kung sino ka e, dati ka naman chaka.” hinawakan niya ang leeg ko. Hindi ako makahinga sa pagsakal niya sa akin.
                Sinuntok ko ang sikmura niya dahil desperado na akong makahinga. Ngunit nang binitiwan niya ako ay isang malakas na suntok sa tagiliran at isa sa pisngi ang ipinatikim niya sa akin. Sumuntok din ako pero nakailag siya at natumba ako.
                “Umalis ka dito! Wala kang karapatang saktan ako hayop ka!” sigaw ko sa kaniya.
                “Para iuwi mo siya dito ha! Tang-ina mo. Di mo ako mapapaalis ng ganun lang!” sinipa niya ako. sinuntok-suntok sa tagiliran at hindi ko na alam kung alin ang masakit. Siniko ko siya at tumama iyon sa kaniyang bibig. Basag ang kaniyang labi. Lalo siyang nagwala. Kinuha niya ang rope na ginagamit ko sa exercise  at malakas niyang tinali ang kamay ko patalikod.  Pinilit kong lumaban ngunit sa dami ng suntok niya sa katawan ko ay para akong lantang gulay sa sakit. Hinila niya ako sa kama. Hindi ko matanggal ang pagkakatali ng kamay ko. Tanging paa ko ang kaya kong gamitin para lumaban ngunit kulang ang lakas ko. Lalo pa’t kaya niyang gamitin ang kamay at paa para gawin ang gusto niyang gawin.
                “Malandi ka ha..tignan natin kung hindi ka madala ngayon sa gagawin ko, tang-ina mo!” paulit-ulit niyang sinabi ang pagbabantang iyon. Hanggang ibinaba na niya ang jogging pants ko. Mabilis niyang hinablot ang lotion sa drawer na katabi lang ng aking kama. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makawala. Tumihaya ako ngunit isang malakas na suntok sa sikmura ko ang siyang parang tuluyang humigop sa natitira kong lakas. Mas nanaig ang paninigas ng sikmura ko sa sakit kaysa sa kagustuhan kong lumaban. Nagawa niya akong muling padapain at naramdaman ko na lamang na tinutok niya sa likod ko ang may lotion niyang malaking kargada. Natakot ako. Nanginig ang buo kong katawan. Napaluha ako. Sana nagkamali ako sa aking hinalang gagawin niya sa akin.
                Walang kasinsakit ang naramdaman ko ng bigla niya iyong ipinasok sa likuran ko. Para akong natatae na hindi. Pero dama ko ang sobrang sakit na di ko maipaliwanag. Minura ko siya ng minura dahil pakiramdam ko ang sarili kong boyfriend ay pinagsasamantalahan ako. Sa iba at sanay siguro kakantahan pa nila pero sa tulad kong unang pagkakataong mapasukan ay sobrang hapdi ang karanasang iyon. Gusto kong matanggal iyon kaya ginawa ko ang lahat para mabunot. Naroong iginiling-giling ko ang puwitan ko para mawalan siya ng control ngunit lalo siyang nagngingit sa galit. Sinuntok niya ang batok ko dahil sa kaniyang inis…
                “Demonyo kang hayop ka! Manyak! Putang ina mo!” paulit-ulit kong sigaw ngunit parang wala siyang narinig. Sinabunutan ang likod ko at ang isang kamay naman ay lalong pinagbuti ang paghawak sa isang pisngi ng puwit ko.
                “Tang ina mong hayop ka! Tingnan natin kung lalandi ka pa sa iba ngayon sa gagawin ko!”
                Napakagat-labi na lang ako sa sakit. Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya kayang kontrolin. Umiyak ako. Umusbong ang galit. Natabunan ng galit ang naramdaman ko sa kaniyang pagmamahal. Hindi ko alam kung talaga bang nagselos siya doon sa kausap ko o gumawa lang siya ng paraan para makuha niya sa akin ang matagal na niyang gusto.
                Bumilis na bumilis ang kaniyang pagbayo. Namanhid na ang likod ko. Oo nga’t umiiyak ako ngunit nakikita ko ang repleksiyon ko sa salamin ang kakaibang galit na nabuo doon…
                Lumakas ang kaniyang pagmumura sa pagitan ng bumibigat niyang paghinga hanggang dama ko ang pagdiin ng ari niya sa puwit ko ng buong-buo kaya din dami ko ang pagpintig-pintig nito sa loob ko. Naroon ang sakit ngunit mas matindi na ang naipong galit sa dibdib ko. Nang makapagpahinga ay binunot niya iyon. Sumalampak siya sa tabi ko.
                Matagal na niya akong inaamong gawin naming iyon. Naiinis siya kapag tumatanggi ako. Nagiging isyu na nga iyon sa sex life namin. Di ko daw buong naibibigay ang gusto niya. Minsan sumusubok siyang ipasok nguit nasa bukana palang nag-iingay na ako. Takot ako sa sukat niya at hindi ko lang talaga gusto yung ganoon. Nadudumihan ako.
                “Sorry!” paanas niyang sinabi. Sinuklay suklay niya ang buhok ko at nang alam kong hahalikan ako ay binaling ko sa kabila ang aking mukha. Napapikit ako. Ayaw ko siyang makita. Kinamumuhian ko siya.
                Ilang saglit pa ay tinanggal na niya ang itinali niya sa akin. Umayos ako ng higa. Kinuha ko ang unan at itinapat ko iyon sa aking mukha. Isinigaw ko doon ang galit. Humahagulgol ako. Sobrang sakit sa akin ang ginawa niya. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang tunay kong nararamdaman sa kaniya.
                “Sorry mahal.”
                Hindi ako sumagot. Naramdaman ko ang masuyo niyang paghaplos-haplos sa likod ko.
                “Bitiwan mo ako. Kinamumuhian kita!”
                “Sorry na please? Ikaw naman kasi, nagpapaligaw ka pa sa iba e, akin na nga lang kita. Sorry na mahal. Anong gagawin ko para mapatawad mo ako?”
                “Umalis ka na! Iyon lang ang gusto ko. Iwan mo ako. Ayaw kitang makita.”
                “Mahal naman, puwede ba naman iyon? Di naman kita puwedeng iwan na galit ka pa sa akin. Ayaw kong umalis na hindi pa tayo okey. Promise ko sa iyo hindi na mauulit pa.” pagsusumamo niya.
                Naisip ko. May pagkasira-ulo ba ang napili kong katuwang? Kanina lang galit na galit na para bang kulang na lang ay patayin ako tapos nagawa pa niya akong pilitin sa ayaw ko at ngayon na nakapagparaos na ay biglang nag-iba ang ikot ng kaniyang mundo.
                “Anong gusto mong gawin ko ha? Matuwa ako sa ginawa mo sa akin? Pinagbibintangan mo ako sa alam mong hindi ko naman gagawin, binugbog mo na ako, pinilit mo pa ako sa ayaw ko.”
                “Sorry na. Ayaw ko lang kasi talaga na mapunta ka sa iba.”
                “Mapunta sa iba? Kinakausap lang ako. Nagtanong lang ‘yung tao. Saka sa tingin mo ba maglalandi ako na naroon ka? At may nangyari na bang kahit isang pagkakataong kinakitaan mo ako ng paglalandi. Niloko na ba kita? Sa siyam na buwang naging tayo, may ginawa ba ako para pag-isipan mo ako ng ganoon?”
                “Sorry na nga. Sige, ganito na lang, ano ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako. Gagawin ko para lang mapatawad mo ako.”
                “Kahit ano?” paninigurado ko.
                “Kahit ano, mahal.”
                “Umalis ka  dito ngayon din.”
                “Puwera naman iyon. Aalis lang ako kapag pinatawad mo na ako.”
                “Kaya nga. Kung gusto mong patawarin kita, umalis ka dito dahil kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kita.”
                “Sige na nga. Basta mahal, sorry ha? Mahal na mahal kita. Babalik ako kapag hindi na mainit ang ulo mo.”
                Hinalikan niya ang pisngi ko. Niyakap niya ako ngunit tinanggal ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Hindi pa kasi humuhupa ang nararamdaman kong pagkamuhi sa kaniya.
                Gabi ng dumating si Jasper at dinadampian ko ng yelo ang namaga kong pisngi. Nabigla siya sa nakita niya.
                “Anong nangyari diyan?”
                “Wala. Nadulas lang ako sa CR kanina.”
                “Sige, gawin mo akong tanga. O kaya paniwalain mo ang sarili mong nadulas ka lang. Kailan ka pa niya sinasaktan ng ganyan.”
                Hindi na ako makapagsinungaling. Alam kong hindi tanga ang kaibigan ko. Saka halata naman kasi ang nadulas sa sinuntok.
                “Galit lang siya kanina. Nagselos doon sa kumausap sa akin sa gym. Nauwi sa mainitang pagtatalo kaya nauwi sa sakitan. Pero okey lang ‘to. Huwag mo na lang intindihin.”
                “Anong huwag intindihin e, pinagbubuhatan ka na ng kamay wala pa kayong isang taon. Kailan kita intindihin kapag bangkay ka na?” seryosong tinuran ng aking kaibigan.
                “OA ka naman. Hindi naman siguro aabot sa gano’n ‘yun.”
                “’Yan ang sinasabi ko kasi sa iyo noon pa na napapansin ko. May OCD yata ang dyowa mo.”
                “Sus, sinuntok lang ako nagkaroon ka na agad ng sariling theory na may Obsessive- Compulsive Disorder ‘yung tao.” Sinabi ko lang iyon ngunit maaring may katotohanan ang sinasabi ni Jasper. Hindi lang maari, sa nakikita kong mga ginagawa niya, alam kong may sakit siya sa pag-uutak.
                “Ano ngayon ang balak mo? Kayo pa din?”
                Napabuntong-hininga ako. “May ayaw lang akong ginawa niya sa akin. Pinilit niya ako sa gusto niyang gawin namin noon pa. Pakiramdam ko, nirape niya ako.”
                “Bakla, tinira ka niya? Hindi ka na virgin! Gano’n ang ginawa niya sa iyo? Okey lang iyon e, bahagi iyan ng love-making sa mga katulad natin. Kung ako ang tatanungin mas malaking isyu yung pagbintangan ka at saka bugbugin.Kung ako siguro ang tinirang ganu’n na may kunyaring pwersahang nangyari, kinilig pa ako.”
                Tumaas ang kilay ko. Anong nakakilig do’n. Sapilitan kang titirahin? Sa’n ang nakakilig do’n?”
                “E, di ba sobrang sarap no’n. Yung pupuwersahin ka pa na parang babaeng titirahin. So exciting. Sarap kaya ng ganun?”
                Tinignan ko si Jasper. Hindi nga lang nagbibiro. Parang yung nangyari sa akin ay normal lang sa kaniya. “Nagpapatira ka?” diretsuhang tanong ko.
                “Naman. Bakla ka. Wala ka naman pekpek. Kung bunganga lang naman lagi ang gagamitin, boring din. Kaya kailangan mong gamitin yan bago magsara, bakla. Saka isa pa, mahal mo naman at boyfriend mo naman ang gumawa no’n sa iyo…so, anong isyu do’n? Ang isyu lang na nakikita ko na dapat mo sigurong pag-isipan ay yung pananakit at kakaiba niyang kinikilos na parang sobrang obsessed na sa’yo.”
                “Nalilito ako.”
                “Saan ka nalilito? Dahil mahal na mahal mo pa din siya kahit ganyan ang ginawa niya sa iyo?”
                “Oo. Hindi ko kayang magalit sa kaniya sa mahabang panahon. Mahal ko pa din siya e.”
                “Ikaw. Malaki ka na. Nasa sa iyo ang desisyon.”
                Lalo akong nalito ngunit kahit anong gawin ko, kahit hindi ko kayang tanggapin yung nangyari ay hindi ko maturuan ang puso kong tuluyan na siyang kalimutan. Ngunit sa tulad kong nasaktan, kailangan ko lang siguro ng sapat na panahon para mawala ‘yung galit. Isa, dalawa hanggang tatlong araw ay ayaw ko parin sagutin ang tawag niya. Sinasadya ko ding hindi pumunta sa Gym kung alam kong iyon ang schedule niya. Bago ako uuwi ay inaalam ko muna kay Jasper kung nasa bahay si Jc o wala at kung nagkataong kakatok siya na nasa kuwarto ako, kahit pa anong pakiusap niya ay hindi ko hinaharap. Hanggang dumaan ang isang Linggo. Kinatok ako ni Jasper.
                “Bakla ka. Maawa ka naman do’n sa tao. Kanina pa ‘yan na nakabilad sa araw. Alam mo naman kung gaano katindi ang init dito sa Dubai. Hindi raw siya aalis diyan kung hindi ikaw ang pupunta do’n at kausapin siya. Baka magkasakit pa iyan, konsensiya mo pa.”
                “Hayaan mo siya. Kung hindi niya makayanan, aalis din iyan diyan.”
                “Mahal ka siguro talaga niya kaya siya nagkakaganyan. Harapin mo na kasi. Kausapin mo ng matapos na yang problema ninyo. Kung ayaw mo na sa kaniya, mag-usap pa din kayo ng maayos. Tapusin ang dapat tapusin dahil nagsimula naman talaga kayo sa magandang simula. Sana marunong ka ding tumapos sa nasimulan ninyo ng maayos at hindi yung ganyang umiiwas ka. Hanggang kailan ka makakaiwas?”
                “So, ganun na lang ba iyon?” Ang tinutumbok ko ay ang ginawa niya sa aking pananakit at kababuyan.
                “Bakla ka, e ano naman ang gusto mo? Maglaslas muna siya o mamatay bago mo kausapin. Sige, tignan mo nga siya doon nang makita mo kung gaano kahirap ang ginawa niyang ‘yan.”
                “Ano naman ang sasabihin ko kapag nag-usap kami?”
                “Huwag ka ngang tanga. Kaya yan pumunta dito dahil gusto niyang makinig sa iyo. Gusto niyang makipag-ayos. Kung mahal mo siya at di mo pa kayang iwan kailangan mong sabihin sa kaniya ang ayaw mo na ginawa niya. Kung nawala na ang pagmamahal mo at gusto mo ng makipaghiwalay, kailangan mo parin siyang harapin at tapusin ng maayos.”
                Tatlumpong minuto din akong hindi mapakali. Alam ko kasi kung gaano katindi ang tama ng araw kapag ganitong summer sa Middle East. Nakadama ako ng awa. Nagdesisyon na lang akong lumabas at papasukin siya.
                “Anong ginagawa mo? Gusto mong masunog?”
                “Ayaw hu hu.” nag-iiyakan siyang parang bata.
                “E, bakit ka nandiyan.”
                “Kasi ayaw na ako kausapin ng mahal ko. Hindi niya ako patawarin kaya ko pinaparusahan ko na lang ang sarili ko.”
                “Sino ba yang mahal mo na iyan at anong naging kasalanan mo sa kaniya bakit ka niya iniiwasan.”
                “Kasi sinaktan ko siya. Kasi nagselos ako dahil natatakot akong makuha siya ng iba sa akin. Tapos, ginawa ko yung isang masarap na ayaw niya.”
                “Masarap? Paanong naging masarap ang masakit. Ikaw kaya tirahin ko para malaman mo.”
                “E, mas gustuhin ko namang tirahin mo ako kaysa mabilad sa araw no.”
                “Pumasok ka nga sa loob. Baka pulutin ka ng mga pulis dito dahil mapagkamalan kang nasisiraan nang tuktok. “
                Pagkapasok palang namin sa bahay ay bigla niya akong niyakap na parang hindi niya ako nakita ng ilang dekada.
                “Patawarin mo na ako. Please mahal?” pagsusumamo niya. Nakita kong kumislap ang gilid ng kaniyang mga mata. Pinigilan niyang mapaluha.
                Parang tuluyang nilusaw ng nakitang kong kumislap na iyon ang lahat ng pagkamuhi. Hindi man iyon bumulwak sa kaniyang mga mata ay sapat na para hugasan niya ang poot na bumalot sa aking puso. Niyakap ko siya. Hinila sa kuwarto at doon namin pinakawalan ang madamdaming pagbabalikan. Mas matinding halikan, mas mainit na yakapan, mas masarap na sex ngunit nang pinakiusapan niya akong ipasok niya ang ari sa akin ay nagprotesta ako.
                “Hayaan mo munang mawala ‘yung trauma na masakit. Ibibigay ko din balang araw. Hintayin mo lang.”
                Hanggang naging maayos kami ngunit naroon parin ang pagseselos niya. Lahat ng nakakasabay ko sa gym ay pinagsususpetsahan niya. Guwardiyado ako. Lagi siyang nakabuntot at nagmamasid. Kung magbasa ng mga text ko ay parang celphone niya. Lahat pati bagong add ko sa Facebook ay kailangan alam niya ang history kung bakit ko siya ini-add at kung ano ko ba siya. Di ko rin dapat ipagdamot ang password ko sa kaniya. Hinubaran na niya ako ng tuluyan. Hindi na niya iginalang ang aking privacy. Samantalang ako ay buo ang tiwalang binibigay ko sa kaniya. Nasasakal ako. Nahihirapan.  Napapagod.
                Simula na pala iyon ng mas matinding kaguluhan sa aking mundo. Napakihirap ko ng tumakas sa bilangguang hinabi ng mapaglaro niyang pagmamahal.
READ CHAPTER 16, CHAPTER 17 AND CHAPTER 18 IN MY BLOG. CLICK THIS LINK--http://joemarancheta.blogspot.com/

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails