Kamusta po sa lahat? ^_^
Una sa lahat, ay gusto ko munang bumati sa inyo ng advance Merry Christhmas!! ^_^ Sobrang thankful din po ako dahil 2nd Christhmas na po natin itong magkakasama. Kaya naman po lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat. ^_^
Reminder lang po sa mga hindi nakabasa ng aking teaser. Hindi po nagka amnesia si Ryan dito. At ang set up po ay kakagraduate lang nila Ryan at Andre from College. So ayun. Ahehehe. Sa mga di makagets agad, basahin po muna ang teaser. ^_^
Oh sya, hindi ko na po pahahabain pa. Ito na!! ^_^
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
It has already been over a year ng sagutin ko si Andre. At masasabi ko na ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko. We celebrated life together. He showed me love na hindi ko inaakalang kayang ibigay ng isang tao. Minsan nga napapaisip ako, what if kaya kung hindi ko nilambutan ang puso ko sakanya noong araw na pumunta sya sa bahay ng may bagyo. Tandaan ko, nagkasakit pa sya dahil sa pagsugod nya sa bagyo. So kung hindi ko sya pinatuloy noon, baka may nangyari sakanyang hindi maganda at patay ang storya ng buhay ko.
Sa isang taon na lumipas ay ang dami din naming naging memories. Minsan masaya, minsan, nakakainis at nakakalungkot. Lalo na pagnagkakatampuhan kami sa isa’t isa. Opo, nagaaway din kami minsan. Wala naman kasing perfect relationship. Tsaka parte na talaga ng isang relasyon ang mga munting awayan. Ang kagandahan lang, hindi naming matiis ang isa’t isa. Kaya naman hindi naming pinapatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. At tsaka! Actually, minsan nagaaway lang kami na parang alam mo yung tipong pag tinopak ka. Yung feeling na gusto mo lang na may susuyuin ka o susuyo sayo.
Bago ko ituloy ang kwento naming ni Andre as lovers, ay magbalik tanaw tayo ng kaunti. Ang parte ng buhay ko na nagturo sa akin kung paano nga ba ang umibig. Si Larc, ang bestfriend ko.
May mga times na namimiss ko ang kaibigan. Kahit gaano pa kasaklap ang alaalang meron ako sakanya. Hindi ko maitatanggi na kahit anong bura ko sakanya sa isip ko, ay hindi naman sya nawalan ng lugar sa puso ko. After all, we spent 14 years of friendship. At nainlove pa ko sakanya for 12 years. Hindi madaling kalimutan yun. I mean, yung samahan bilang magkaibigan, ha.
I’ve always looked forward sa araw na magkabati kami. Syempre, gusto ko man lang sana maisalba kahit man lang sana ang pagkakaibigan naming dalawa. But I guess, hindi na mangyayari yun. Ngayon pang nabalitaan ko kay Karen na aalis na ng bansa si Larc.
Well, back to our story naman. Si Andre ang pinaka sweet na taong nakilala ko. Kung noon ay sweet sya nung hindi pa kami, ay mas naging sweet sya nitong naging kami na.
Alam nyo ba, hindi kami nagmintis na magpunta sa park sat wing 4th of the month na syang monthsary naming? Andun kami lagi at doon naming unang cinecelebrate ang mga unang oras ng monthsary naming. Pumupunta kami doon at kumakain ng aming trademark na fishball at gulaman.
Naalala ko nung first anniversary naming, maaga kaming nagpunta sa park dahil nga sa nakagawian. At doon ay nagpasiklab nanaman ng mga korning banat si Andre na hindi rin naman nagmintis sa pagbibigay ng ngiti sa akin.
Pero what made that day special was yung pinagluto nya ako kinagibahan. Opo, natuto na din syang magluto dahil sa kasama ko sya sa bahay. Gusto nya daw kasi ay pagsilbihan din naman daw nya ako at hindi na lang daw yung ako yung nagluluto para sakanya. Wag na kayo kumontra, pangatlong book ko na ito. Babae na ako dito. Hahahhaha! Ayaw ba naman kasi akong pahingahin ng author nito! Hahahaha!
So ayun na nga, pinagluto nya ako ng kaniyang mga natutunan sa akin. Halata sa mukha nya ang kaba dahil ito ang first time na talagang nagluto sya ng walang tulong ko. Pag nagluluto kasi sya ay lagi syang may text o tawag kung ano na nga ba ang susunod na gagawin sa lutuin nya. But this time, he did everything on his own.
We were about to have dinner ng biglang magsalita si Andre. Kapansin pansin naman ang pagkataranta nito. Natawa ako dahil basa ko na ang galaw nyang yun. Alam kong may pakulo nanaman ito.
“Hmmmm. Tikman nga natin!”, kunwaring taas ng kilay ko. Yung tipong eestimahin kung anong lasa ng luto nya.
“Oh! Teka!”, tarantang sabi nito.
“Bakit?!”, gulat kong tanong.
“Pikit ka muna!”, nahihiya ngunit pasigaw nitong sabi.
Napangiti naman ako agad.
“Eh bat galit ka?!”, bitaw ko ng biro.
“Basta! Pikit ka muna!!”, demanding na sagot nito.
Fine. Ako naman si pikit.
Katahimikan.
Nagtaka ako.
“Ano na?!”, tanong ko habang nakapikit.
“Dilat na!”, biglang galit nitong sabi.
“Eh bat galit ka nga?”, natatawa kong biro.
Tatawa na sana ako ng iminulat ko ang mata ko ngunit biglang parang naurong ang mga tawa ko.
Hindi ko maintindihan o masabi ang eksaktong naramdaman ko. Alam mo yung parang gusto mong himatayin sa sobrang saya na ayaw mo kasi masspoil yung moment. Ito yung tipo ng moment na hindi mo akalaing mangyayari sayo kasi feeling mo sa pelikula lang nangyayari ito.
There it was.
Singsing.
There was a ring on top of my plate.
Agad akong tumingin sa mukha ni Andre at kitang kita sa mga mata nito ang fulfillment. Pagkakurap naman ng mata ko ay agad kong naramdaman ang pagtulo ng kaunaunahang luha ng kasiyahang nadarama ng dahil sa pagkakataon.
Our eyes met and it was like magic. Ramdam na ramdam mo ang spark sa aming dalawa.
Hindi ako nakapagsalita o kilos. Ayaw ko lumipas ang sandaling ito. It was too romantic.
Kaso hindi pa natapos doon. Dahil napansin nito ang hindi ko pagkilos ay tumayo ito mula sa kinatatayuan at kinuha ang singsing na nasa ibabaw ng plato ko.
He took my hand.
Kissed it.
Sabay dahan dahan na isinuot ang singsing na bigay nya sa akin.
“I once sealed us with a kiss. Now it’s time to tie it with this ring. I love you so much.”
His words melted my heart. It was as if kinasal kami that moment. Let’s face it. Marriage here in our country is not possible. Pero sa ginawa nyang yun ay katumbas o baka nga mas nahigitan pa nito ang pakiramdam ng kasal.
“I will always love you more.”, tanging naisagot ko.
I felt his lips against mine. It was warm. Passionate. Yung tipong parang nag fade out to black na lang ang lahat ng dahil sa sobrang magical ng sandali.
Sweet, diba? Pero hindi lang yan ang kasweetan nya. Actually after naming magpunta sa park twing monthsary ay dinadala nya ako sa isang simbahan na di pa naming napupuntahan. One time nasa simbahan kami sa Las Pinas, then sa Dagupan, ang sumunod naman ay sa Cebu o kaya pati hanggang isang mini chapel na matatagpuan kung saang baranggay kung saang lunsod. Take note, madalas uwian kami nyan. Palibhasa ay busy nga pareho ang aming scheds. Sinisiguro lang naming na we have time for each other.
Kung iniisip nyo na monthsary lang naming ang special, dyan kayo nagkakamali. Pati ang valentines, birthdays at Christmas ay ginagawa nyang special.
Naalala ko, magbbday ako nun/ Medyo expected ko na magpapasurprise party sa akin si Andre. So kunwari dedma ako. Ngunit parang nakatunog yata ito na may hinala ako. Kaya naman, ayun. 3 days before my bday ay nagpasurprise party na ito sa bahay. Nagulat naman ako talaga kasi inaasahan ko na sa bday ko pa talaga. Alam ko namang may party. Pero hindi naman 3 days bago ako magbday.
Kaso di pa dyan natapos ang surprise! Kinabukasan paguwi ko ay may surprise party nanaman! This time, genuine na gulat na ang naramdaman ko. Hindi ko naman kasi inaasahan na uulitin nya uli ito.
Kaya ayun, nung bday ko, medyo nagexpect na ako na may party na talaga ulit.
Pero I was worng. He never failed sa pagsusurpresa sa akin.
It was the day of my bday na. Nasa review center ako noon at nagaassume na may party mamaya sa bahay. I even invited some of my classmates sa review na naging kaibigan na din ni Andre kahit papano.
So ayun na nga, we were having our discussion at kasalukuyang todo focus ako sa pagaaral ng biglang may kumatok sa pinto ng room naming. Nagulat na lang ako ng pumasok si Andre na may dalang cake at isang puting rosas na kagat kagat nya pa. Kinunchaba pala ang prof ko at buong klase. Pagpasok kasi ni Andre ay biglang nagsiusugan ang mga kaklase ko.
Kilig? Oo naman! Halos mapaluha lang ako. Wala nanamang nasabi. Sabi ko sayo, babae na ko dito, eh.
Noong Christmas naman, cinelebrate naming ito sa bahay nila Andre. Sinundo nya ang parents ko ng hindi ko alam. Ang plano kasi ay sabay naming susunduin ang parents ko. Kaya nagulat ako ng paguwi ko sa bahay ay andun na ang mga magulang ko.
Nakakatuwa na talaga namang pinagsisilbihan ni Andre ang parents ko. Hindi lang ako ang niligawan nito kundi pati talaga ang mga magulang ko. Kaya naman wala na talaga akong mahihiling pa.
Akala ko ay okay na ang lahat sa amin ng manyari ang isang araw na hinding hindi ko makakalimutan.
I remember one time. Off ni Andre sa trabaho at ako naman ay walang pasok sa review. Kaya mataas ang expectation naming na bonding time naming itong dalawa.
“Mahal, gising na. dadaan pa tayo sa shop ngayon.”, pag gising ko kay Andre.
“Mamaya na mahal. Namiss ko matulog ng matagal.”, reklamo nito. Agad akong umupo sa tabi nito.
“Sige na. Nakapag luto na ako ng breakfast.”, ngiti ko.
Tumingin sa akin si Andre kahit aandap andap pa.
“Hindi ba pwedeng ikaw na lang almusalin ko?”, malokong sabi nito.
“Ikaw talaga! Gising na!”, ngiti ko lang sabay tayo ngunit bigla ako nitong hinugot at dinaganan.
“Hindi ka pa nagtotoothbrush, oh.”, kunwari kong pandidiri at pangaasar kay Andre.
“Aba! Ang arte mo ngayon, ha!”, pag ngiti nito sabay buga ng hininga sa mukha ko. Impernes, kahit morning breath nya ay mabango. Hygienic kasi sya.
Sa sobrang kulitan naming ay nagpagulong gulong kami sa kama hanggang sa napagod kami at ang posisyon naming ay nakapatong sya sa akin.
“Hala! Ano yun!!”, pag ngiti ko.
Tumingin naman sakin si Andre at tila nahiya bigla.
“Umaga kasi ihh…”, pagmula ng mukha nito. May nakapa kasi ang binti ko na “something.”
“Hahaha!!”, sabay bigay ko ng malakas na tawa. Nakita ko na lang na nakatingin ito sakin at nakangiti habang todo tawa ako.
“I love you.”, nakangiting sabi nito. Napangiti ako at napakagat ng kaunti sa labi.
“I love you more.”, sincere kong sabi. The next thing was too romantic for words. I just felt his lips against mine. It was our heavenly morning kiss… without the toothbrush.
So everything was going well nung umaga pa lang. We had breakfast together at sabay pa kaming naligo. Akala mo ay mga bata kaming naglaro habang naliligo. Andyan yung lagayan ng shampoo sa mata na di masyado nakakatuwa dahil masakit talaga sya, paglalagay ulit ng shampoo sa ulo kahit kakabanlaw pa lang, paglalagay ng shaving cream sa mukha, at pagsasabon sa likuran ng isat isa. I don’t know, usually sa iba, pag ganitong magkasabay maligo, sex agad ang naiisip. Pro honestly, kahit sabay kami maligo minsan, hindi automatic yung sex. Alam mo yung tipong nag eenjoy lang talaga kami. But yes, we do it sometimes.
Hanggang sana kaalis kami ng bahay at nasa sasakyan na kami ay todo kulitan pa rin. Pilit sinasabayan ni Andre ang mga kanta sa radio kahit halos maputulan na ng litid kakabirit. It would always make me smile kahit pa sintunado sya.
“Ahm, mahal…”, nahihiyang sabi ko.
“Oh ano yun?”, taka nitong sagot.
Napatingin ako. Hindi alam ang sasabihin. May gusto akong sabihin kaso hindi ko masabi sabi.
“Huy, ano na po?”, curious nitong tanong.
“Hah..”
“Ano na?”
“Wa-wala.”, tanging nasagot ko.
“Good Morning Sir Andre, Sir Ryan.”, bati ng aming isang staff pagpasok naming ng aming coffee shop.
“Good Morning.”, bati naming.
Kitang kita na ang improvements ng coffee shop naming at soon ay pinaplano naming gawin itong restaurant at gawan ng isa pang branch. Surely, both our dreams are coming true.
Kasalukuyan kaming nasa office ng shop ng biglang pumasok ang ang isang staff. May naghahanap daw sa akin.
“Sir Ryan, may naghahanap po sa inyo sa labas.”, sabi ng staff.
“Sino daw?”, tanong ko.
“Tinanong ko po, kaso sabi lang nya na kaibigan ninyo daw po sya.”, marahang sagot lang nito.
Tiningnan ko si Andre.
“Baka si Karen.”, sabi ko lang.
“Lalake po, eh.”, sabat ng crew.
Nagkatinginan kami ni Andre. Napaisip ako bigla. IF sila Kulas yun ay malamang kilala ng crew naming yun dahil madalas tumambay ang tropa dito sa shop namin. Lalo na pag alam nilang andito kami.
Wait…
Don’t tell me…
Napatingin ako sa orasan.
“Shit, masyado pang maaga!”, sabi ko sa sarili.
Sabay kaming lumabas ni Andre para alamin ang taong lumabas.
Pagkakitang pagkakita naming ni Andre kung sino ang sinasabi ng crew na naghahanap sa amin ay agad napatingin sa akin si Andre. Napatungo lang ako.
It was him.
After a year and a half.
It was Larc.
“Sorry, napaaga punta ko.”, nahihiyang sabi ni Larc. Napatingin ako kay Andre. Halatang nagulat ito. Patay…
“A-ah.. Upo tayo. Billy, magdala ka ng coffee para sa amin and slice na rin.”, utos ko sa crew.
Hindi lang kumibo si Andre at sumunod sa amin sa upuan. Alam ko Andre was trying to keep his cool. Besides, kaibigan naman din nya si Larc noon kaya hindi naging masyado mahirap ito para sakanya.
Katahimikan.
“K-kamusta?”, nahihiyang pambasag sa katahimikan ni Larc.
“We’re good. Ikaw?”, sagot ni Andre.
“Okay naman. Ito paalis na next week. Tuloy na tuloy na ang punta ko sa States.”
“Congrats..”, tanging nasabi ko.
“Salamat.”, maikling sagot nito.
Ngumiti lang ako.
“Long time no see, ha.”, biglang sabi ni Larc.
“Yeah..”, sagot ko. Hindi ako masyado mapakali. Ang totoo kasi ay nagkita kami ni Larc by chance sa isang mall at nakiusap ito na kung pwede ba kami mag usap. Eh, total, mahigit isang taon na rin naman at namimis ko na din ang kaibigan kaya pumayag ako. Kaso hindi ko masabi sabi kay Andre dahil kung hindi tulog na ako paguwi nito, ay mainit ang ulo nito sa trabaho. Hindi ko nahanapan ng timing hanggang kanina.
“You look good, pre.”, sabi ni Andre kay Larc.
“Kayo din. Going strong kayo, ha.”, ngiti ni Larc. I know that smile. Yun yung smile na ginagawa ko noon. Ang ngiting kunwari na okay lang ako kahit ang totoo ay nasasaktan na ako.
“Oo naman! Ikaw? Sino partner mo ngayon? Baka naman kinasal ka na, ha! Hindi mo man lang kami nasabihan!”, pagbibiro ni Andre. Gusto ko sana basagin yung joke ni Andre kaso alam kong may tampon na ito sakin di ko nga pagsabi about Larc.
“Wala pa, ah!’ ,ngiti ni Larc.
“Oh, eh bakit naman?”, pabirong sagot ni Andre.
Hindi sumagot si Larc. Tumango lang ito sabay lihis ng tingin. Bigla naman itong nagbigay ng isang malamang tingin sa akin.
Katahimikan.
Awkward.
Alam ko din ang ibig sabihin ng mga titig na yun. Alam naming tatlo actually. Hindi naghanap talaga si Larc ng dahil sa akin.
Sobrang awkward.
“Anyway, pumunta lang ako dito para makipag ayos. Bago man lang ako umalis ay makahingi ako ng tawad sa nagawa ko…”, malungkot na sabi ni Larc.
“Larc.. About that. Wala na sak..”, pagsagot ko ngunit sumabat ito.
“No, siguro sayo, okay na. Pero hanggang ngayon ay kinakain pa din ako ng kunsensya ko sa nangyari ng gabing yun.”, guilting sabi ni Larc.
Kinabahan ako. Hindi kasi alam ni Andre ang nangyari at ginawa sa akin ni Larc ng gabing umuwi ako sa condo nya upang kunin ang mga gamit ko.
“Huwag mo na isipin yu..”, sagot ko muli ng mabilis ngunit sumabat nanaman si Larc. Napatingin ako kay Andre at tila sobrang naguguluhan na ito.
“No, Ryan. I need to get this out of my chest! That night.. ng umuwi ka sa condo at may nangyari sa atin, hind..”, ngunit hindi na natuloy ni Larc ang sasabihin dahil si Andre naman ang sumabat.
“Nangyari?”, may tonong sabat nito.
“Look pare, let me explain…”, kabadong sabi ni Larc kay Andre.
“Im listening. Sige, sabihin mo sa akin what happened!”, galit na sabi ni Andre.
Kinabahan ako.
“Andre…”, pagpakalma ko dito.
“Let him talk. Im okay.”, matigas na sabi nito.
“Look, hindi ako pumunta dito para manggulo.”, defensive na sagot ni Larc.
“Gulo? Sino ba may sabi sayong magugulo mo kami?!”, mas lalong pagtigas ng tono ni Andre.
“Andre!”, tawag ko dito muli. Ngunit tumingin lang ito sa akin sabay tingin muli kay Larc.
“TALK!”, sigaw ni Andre kay Larc.
“Ma-may nangyari samin ni Ryan…”, pahina ng pahinang sabi ni Larc.
“ANO?!”, biglang pagtayo ni Andre.
“Look pare..”, pagpapaliwanag ni Larc.
“No Larc. You listen to me. Kung gusto mo pang matuloy sa States o kahit pa makalabas ng buhay sa shop ko ay umalis ka na!!”, pagsigaw ni Andre ng todo.
“Andre making ka muna…”, pilit na pagpapaliwanag ni Larc. Lumapit pa it okay Andre.
“Tol, lumapit ka pa ng kaunti, sasamain ka na talaga sa akin!!!”, sigaw ni Andre.
“Mahal makinig ka muna…”, taranta kong sabi kay Andre.
“What do you have to say for yourself?!”, galit na sabi ni Andre sakin. Halos sigawan pa ako nito.
Sa pagsigaw naman sakin ni Andre ay parang doon na din di nakapagpigil si Larc. Sa sobrang lakas naman ng sigaw ni Andre sakin ay natulala lang ako. Unang beses nyang gawin ito sa akin. Napatungo na lang ako.
“HUWAG MO SYA SIGAWAN!!!”, sigaw na sabi ni Larc kay Andre.
“PUT*NGI…”, mumurahin na sana at susugurin ni Andre si Larc ng sumigaw uli si Larc at nabalot ng katahimikan sa buong shop.
“HINDI NYA KAGUSTUHAN!! PINILIT KO SYA!! NIRAPE KO SYA!!!”
Itutuloy...
taray.. e di ba hindi naman talga nirape ni Larc si Ryan?
ReplyDelete