Followers

Friday, December 28, 2012

Aking artista. [Short story] Part 2/2

"I don't care how we met, I'm just happy we did."


--------------

Isang linggo nga ang nakalipas at nakarating dito si Parr sa Amerika. Sa San Francisco Airport ko siya sinundo, dahil na nga din sa kahilingan niya na ako't ako ang gusto niyang makita pagtungtong na pagkatungtong niya dito sa Amerika. Kasama niya ang mama niya, at isang babae na sa tingin ko ay manager niya.

"Tol!" ang sigaw ko nang makita si Parr na naka-Parka Jacket at maong na pantalong. Napakagwapo niya sa personal, at lalo pa siyang gumwapo sa hairstyle niyang pang-model talaga at sa suot niya.

"Kuya!" ang sigaw naman niya sabay takbo sa kinaroroonan ko. Mahigpit na yakap ang ibinigay niya akin.

"Woahhh," ang tawa ko dahil sa pagkabigla. "Hindi ka naman masyadong in love sakin niyan?"

"Shh, wag ka nga maingay. Nandyan si mama oh! Marinig ka niyan," ang kurot niya sa tainga ko habang nakayakap pa sakin.

"Good evening po, ako po si Dylan, boy-- I mean, bestfriend po ni Parr," ang pag-papakilala ko sa nanay niya.

"Good evening din, nice to meet you, hijo. Walang duda bestfriends kayo nito, pareho kayong gwapo," ang sabi ng mama niya sabay yakap sa akin. Napakabait ng mama niya, makulit, at nakakatawa. Ngayon alam ko na kung saan namana ni Parr ang ugali niyang 'yun. Hindi din nagtagal ay umalis na kami, magche-check in daw sila sa Hotel habang nandito sila sa Amerika.

"Teka lang wait, kailangan ko ding umuwi ngayon tol," ang pag-aalala ko dahil gumagabi na din.

"Ayy ganun ba kuya? Sige, i-drop off ko lang 'tong mga gamit namin sa hotel tapos sasama na akong ihatid ka. Ayos ba?" ang sagot naman niya.

"Ma," ang pagtawag ni Parr sa nanay niya.

"Oh?" ang sagot niya.

"Samahan ko lang umuwi si Kuya Dylan ah?" ang pagpapaalam ni Parr.

"Sige, basta mag-iingat kayo ah," ang pagsang-ayon naman ng mama niya.

Nakarating na nga kami sa hotel at tulad nga ng ipinangako ni Parr, sinamahan niya akong umuwi sa bahay at nagpa-drive kami sa manager niya dahil nag-prisinta naman ito.

"Kuya," ang pagtawag sakin ni Parr habang nasa sasakyan.

"Hmm?" ang pagsagot ko naman habang nakahiga ang ulo sa headrest at nakadungaw sa bintana.

Hinawakan ni Parr ang kamay ko sabay sabing, "Ang gwapo mo," at tumawa.

Ikinilas ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya sabay gulo sa buhok niya. Madalian ko din namang hinawakan muli ang kamay niya. "Ikaw talaga, makapang-bola ka. Kaya mahal kita eh." Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay tumingin ako sa salamin sa may driver's seat, at nakita kong nakangisi-ngisi lang ang manager niya. Ewan ko.

Hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa bahay namin. Nagpapaalam na ako nang biglang, "Kuya wait!" Hinawakan ni Parr ang kamay ko tanda nang pagtutol sa pag-alis ko.

"Oh tol, bakit? Magkikita pa naman tayo eh," sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

"I'm coming with you," sabi niya nang nakangisi.

"B-bakit?"

"Syempre, gusto ko namang ma-meet ang parents mo. Daya kaya, na-meet mo na si mama ta's di ko pa nakikilala magulang mo. Di ba?"

"Ah.. Eh sige. Isama mo na si Ate Jack, baka mainip eh. Pasok na kayo sa loob."

At ayun nga. Ewan ko na kung anong pinag-uusapan nina Parr at ng mga magulang ko gawa nang pagod ako at gusto ko nang maligo. Mga 20 minutes din siguro ang nakalipas pero nandun pa din sina Parr sa bahay.

"Kuya!" ang sigaw niya paglabas ko ng banyo. "Nakausap ko na sina Mama!"

"Mama?" ang naguguluhan kong tanong.

"Oo, mama mo," ang nakangisi niyang sagot.

"Wow ha, ba't Mama tawag mo sa lanya? Loko ka," ang tawa ko sabay kurot sa pisngi niya.

"Eh dun din naman pupunta yun balang araw eh. So yeah, mag-impake ka na. Pinaalam na kita. Sasamahan mo ko san lahat ng gagawin ko habang nandito ako sa Amerika," ang nakangiting sabi niya.

Nakakagulat. Dahil hindi agad mapapapayag ang mga magulang ko nang kung sino man. Pero hindi "kung sino man" si Parr, gawa nang artista ito at syempre, dahil Pinoy kami, may Filipino Channel kami dito sa bahay, sikat siya at kilala siya. Napangiti nalang ako.

At yun na nga. Kasama ko si Parr ng dalawang linggo. That was the beat two weeks of my life. Nasaksihan ko kung paano siya magphotoshoot at magmodel. Nakakafrustrate pala ang gawain na yun, kahit magpopose ka lang, it's more than that. Nagpunta din kami ng Disneyland sa Anaheim. Napakasaya. Naging close na din ako sa Mama niya at sa Manager niya. Napakadami naming ala-alang nabuo, mga litratong nakuha, at syempre, kung kaming dalawa lang, mga pag-iinit ng katawang ipinalabas. Dun ako lalong na-in love kay Parr. Parr's more than a model, he's more than being an artist, he's more than being my boyfriend. He's my life, my world, my axis, where my life revolves.

Balik nanaman kami sa LDR pagtapos ng dalawang linggo.

Nagpatuloy ang relasyon namin ng dalawa pang taon. Naging matatag kami. Ngayon 19 na ako, 18 na si Parr. Graduate na ko ng 12th grade dito sa Amerika.

Me: Tol, dyan na ko mag-aaral ng college sa Pinas! :D
Parr: Talaga kuya? Yessss! Same school tayo ah?
Me: Syempre naman! Papayag ba naman akong malayo sa utol ko.

Yun na nga. Architecture ang course ko, at siya naman Nursing. Same school kami, different Administration Buildings nga lang. Ok na din, at least magkalapit kami.

Kaya lang, napansin ko, simula nang umuwi ako ng Pilipinas, parang nag-iiba ang trato sa akin ni Parr. Yung parang itinataboy niya ako, parang naiilang tuwing magkatabi kami sa harap ng mga kaibigan niya. Ewan ko kung anong nangyayari. Pinipilit ko nalang ipasok sa sarili ko na pagod lang yung tao at exhausted lang. Hanggang isang araw, habang nagsurprise visit ako sa isa niyang photoshoot para sa isang clothing brand sa Laguna..

Nakita kong napakalapit ng mukha nila ng kapwa niyang model. Mahirap pala. Lalo na babae yun, at maganda. Samantalang ako, eto lalaki, at.. At. Haist. Break time na nila at napaksaya ko dahil papalapit sa akin si Parr, kita mo sa mukha niya ang pagod.

"Hi tol! I brought you fo---"

"Ba't andito ka?" ang tanong niya na parang hindi masaya ang tunog.

"Wait wait wha---"

"Hindi mo ba alam na bawal ang mga bisita dito sa shoot?" ang parang galit niyang tono.

"S-sorry wala namang nagsabi kasi sa akin," ang pag-aalala ko at tonong mababa.

"Umuwi ka na." ang matigas niyang pagkakasabi.

"Oh. S-sige. E-eto nalang pala yung pagkain mo at e-xtrang s-shirt. B-bye," ang sabi ko sa nasasaktang tono. Napakahina kong nagsalita nun. Parang nawalan ako ng lakas.

"Oh please kuya, don't act like that!" ang pagsigaw niya.

"Excuse me?!" ang sagot ko. Natahimik siya. Nakayuko lang siya. "Act what? Wag akong aarte na nag-aalala ako sa'yo? Wag akong aarte na inaalala ka? Wag akong aarte na mahal kita? Wag akong aarte na kahit future ko, isinacrifice ko para makasama ka? Yes, tol, madaming universities ang nag-alok sakin dun, pero tinanggihan ko para makasama ka dito. Wag akong aarte na parang hindi nasasaktan? Fine. I won't. Hindi na. It's December 20th today," at nakita kong tumingala siya at tumitig sa mukha ko, sabay biglang may tumulong luha, "Happy Anniversary nalang." Tumalikod na ko at tumungo sa kotse ko. Nagmadali akong marating ang aking sasakyan dahil parang isang talon kung dumaloy ang mga luha ko sa mata. Nag-drive ako kaagad palayi sa venue. Naaninag ko si Parr na tumatakbo at hinahabol ang sasakyan ko. Pero mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ko.

Isang buwan ang nakalipas. Pinilit kong wag pansinin ang mga dalaw, tawag, texts, peace offerings ni Parr. Oo, sa una mahirap, pero nasanay ako.

May kumakatok sa pinto ko. Ignore. Nagpatuloy ako sa panonood. Katok.

"Dylan?" kilala ko ang boses na yun. Si Ate Jack. Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto.

"A-ate Jack, ano pong ginagawa niyo dito?" ang sorpresa kong tanong.

"Hi Dylan. Sorry for not informing you about my visit. Can I come in?" ang nakangiti niyang tugon.

Pinapasok ko siya at naupo kami sa sala.

"Dylan, anong nangyayari sa inyo ni Parr?" ang tanong niya.

"P-po?" ang naguguluhan kong tugon.

"Oh come on, alam ko ang tungkol sa inyo. Lahat sinabi sakin ni Parr yan. Simula pa nung nanalo siya sa modelling contest. Hindi yan nahiyang ipakita ang tunay niyang pagmamahal sa'yo. Lahat ng nangyayari sa inyo ikinukwento niya sa akin. Palagi yang nakangiti habang nagkukwento. Makikita mo talaga sa mukha niya na sobra siyang in love. Except this one, ayaw niyang magkwento kung ano talagang nangyayari sa inyo. Ang last niya lang na naikwento ay tungkol kay Jake." Napatigil ako. Si Jake. "Nagseselos siya masyado kay Jake. Lagi kayong magkasama at nagkukulitan. Naikwento niya din sa akin ang sinabi sa kanya ni Jake. Gusto ka ni Jake, Dylan. Plano ka niyang agawin kay Parr.

"Kahit yun na ang last na nakwento niya, alam kong he's been acting so weird around you. Yun ay dahil takot siyang mawala ka."

"P-pero kung takot po siya, bakit parang itinataboy niya pa ako?" ang mangiyak-ngiyak kong tanong.

"Kilala mo si Parr, Dylan. Alam mong isa yang mahinang tao. Hindi niyan alam kung paano ihandle ang isang sitwasyon, lalo na't napansin ko noon na mas madalas kang makasama si Jake kesa kay Parr. Kaya siguro inassume nung tao na may gusto ko kay Jake. At dahil nga mahinang tao si Parr, hindi ka niya makompronto nang maayos, kaya ganun siya umarte," ang mahabang paliwanag ni Ate Jack.

Luha. Iyak. Yun na lang ang naisagot ko. Hindi ko mapigilan ang nararandaman ko. I was sobbing. That wasn't me. That wasn't the tough Dylan. That was the Dylan who, at the end of the day, is still in love with Parr.

"San ka pupunta?" ang pag-aalalang tanong ni Ate Jack.

"My dreams. My love. Bubuuin ko po ulit ang nabasag," sagot ko nang nakangiti bangamat may luha pa.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay at pinaharurot ang sasakyan patungo sa condo ni Parr. Hindi din nagtagal ay nakarating na ako sa tapat mismo ng condo niya. Kumatok ako. Kinakabahan ako. Bagama't masaya, nangangatog ang mga binti ko. Kumatok ulit ako.

Naghintay pa ako na may sumagot ng pinto.

Bumukas ang pinto.

Balde-baldeng luha ay dumaloy mula sa nasaktang mga mata.





Wakas.

10 comments:

  1. what the? What was that? Bakit ganun ang wakas? I dont get it. Basahin ko nga ulit.

    ReplyDelete
  2. hayyyysss un lang yun? naman.. binitin mo kami ng patiwarik! bad ka author

    ReplyDelete
  3. The story was a cliffhanger.

    Pwedeng may namatay.

    Pwedeng luha ng kaligayahan lang 'yun.

    Pwedeng may nakita siyang hindi kanais-nais. Example, naghahalikan o nagniniig si Jake (or someone) at si Parr.


    Style style din :)))

    Joey

    ReplyDelete
  4. Right. :))

    This story was a cliffhanger for you to reflect on your own definition of love. I left the very end blank for you, readers, to fill in depending on your choice of ending.

    The tears in the end CAN symbolize a lot of things. It may be for joy, sorrow, jealousy and whatnot, just like what you all are experiencing. That's why I left it that way depending on your mood.

    It may be confusing, but if you would dig deeper through your thoughts and emotions, the story will come in harmony.

    ReplyDelete
  5. anu yun short cut?????????????????
    kung kilan maayos na ang agos ng kwento tska naman nagbrown out ka mr writer....what happen your momentum,crashing the end.
    ganyan naba uso ngayon wag namna sana matulad ang site na ito sa mga madami blog na basta na lng nawawala sa online as in pansimula lang at kami n mga readers ang bahala mag daydreaming ng kanya kanya wakas,....we all know your efforts,so do (we) i.

    ReplyDelete
  6. really style un....
    kug ganun un style i mark the authur,at d ko n babasahin pa mga sulat nya db kc alam ko n sa wakas un eh
    'anu nga un tawag dun" cliffhanger....ikaw n.








    '

    ReplyDelete
  7. yun n yun ....... nkka bitin nmn =(

    ReplyDelete
  8. Sobrang bitin, Ang Ganda pa nman nang Story :(

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails