Followers

Saturday, December 8, 2012

Anino Ng Kahapon 14




Photo by: Justyn Shawn



Una po sa lahat ay gusto ko pong humingi ng paumanhin sa matagal na pag-aupdate ng kwento sa kadahilanang may mga bagay po na inaasikaso ako ngayon and gusto ko na rin pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:




_____


Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!




I started thinking how will I win back Ron.  Kailangan bago  pa kami magkita dapat malinaw na ang utak ko at dapat handa na ako sa maaaring mangyari sa aming pagkikitang muli.  I want this day to be very special that he may not forget. 


"I need to prepare a wonderful dinner for me and Ron.  Tama, magpapaluto ako sa mga kasama ko dito sa bahay then I will fetch him from work.  I need to do this para magkaayos na kami hindi ko kayang patagalin pa ang pangungulila ko sa kanya.  Mali, baka hindi sya sumama if gawin ko yun.  I need to think of something na pwede syang mapapunta dito."  Ito ang mga katagang sinasabi ko sa sarili ko habang nag-iisip kung ano nga ba talaga ang gagawin kong approach kay Ron.


"Christian, I want this file to be double checked."  Napatigil ako sa pag-iisip dahil na rin sa nagulat ako at nasa harapan ko na pala ang boss ko habang ako ay tulala.


"Huh! What is it Sir?" Ang naguguluhan kong tanong.


"I said, I want this file to be double checked.  And I want it on my table tomorrow morning.  Did you get me?" Ang pag-uulit ng utos ng amo ko.


"Y-es Sir." ang utal kong tugon at sinimulan ng trabahuhin ang papeles na ibinigay sa akin.


Habang nagtatrabaho ako ay patuloy pa rin ako sa pag-iisip kung ano ang tamang moves na gagawin ko para mapaamo kong muli si Ron.  Mahaba pa ang linggo upang mapaghandaan ko ng sobra ang plano kong pakikipagbalikan.  Kailangan plantsado at walang bulilyaso.


Halos hindi ako makapag cocentrate ng maigi sa trabaho ko.  It is much more of excitement and anticipation of what will happen kapag nagkita kaming muli ni Ron.  Sobrang miss ko na talaga sya.  Lagi akong tulala sa table ko.  Minsan nagugulat na lang ako nasa harapan ko na pala ang boss ko at may inutos pala sa akin.  Lutang na lutang ako ng araw na iyon.


Natapos ang duty ko ng hindi ko alam kung tama ba ang pinaggagawa ko o kung mali ba sa trabaho ko.  Walang ibang laman ang isip ko kundi paano ba kaming magkakabating muli ni Ron.


Tatlong araw pa ang dadaan bago ang day off ko.  Tatlong araw pa rin ang pipilitin kong itawid ng maayos ang trabaho ko.  Tatlong araw na lang pero tila isang taon.  Dahil bawat segundo at minuto ay aking binibilang.   


Walang araw na hindi ako natututulala sa kakaisip.  Minsan nga napagalitan na ako dahil wala ako sa huwisyo.  Oo nga at nagtatrabaho ako pero ang isip ko ay wala dito kaya naman minsan palpak ang report na naipapasa ko sa amo ko.  Naninibago ang amo ko sa kinikilos ko.  Kung dati pag nagbigay sya ng instruction hindi nya na kaylangan pang ulitin ngayon yata kahit pa makailang ulit nyang ibigay may mga mali pa rin syang nasisilip.  Ganito ako kaapektado ngayon.  Kung dati kahit pa lasing akong papasok ay maayos kong nagagawa ang trabaho ko.  Ngayon kahit pa maaga akong matulog puro palpak ang kinakalabasan.  I really need to talk to Ron.  I need to settle things between us.  And most of all I need to win him back.


“Bukas half day ako.”  ang mahina kong bulong sa sarili habang nakangiti at nagluluto ng ulam.  Oo nakangiti ako dahil sa wakas magagawa ko ng harapin ang tinalikuran ko or should I say sinadya kong talikuran.  Si Ron.  Sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil hindi ko alam ang kahihinatnan ng pagkikita naming muli.  Kung magkakaayos ba kami o sadyang maghihiwalay na ng tuluyan ang aming landas.   Handa ko na kayang tanggapin ano man ang maaaring maging desisyon ni Ron?  Sana.


 Nasa harapan ako ng bahay nila Ron.  Wala na akong pinalagpas na minuto, agad akong nagdoorbell.  Bumukas ang pintuan at hindi ko inaakalang si Ron ang nasa likod nito.  Namayat sya.  Bakas sa kanyang mukha ang lungkot kahit pa kaharap nya na ako ngayon.  Hindi ko nakita sa kanyang mga mata ang pag-aasam na muli akong  makita.  Bagkus, walang ekspresyon ang kanyang mga tingin tila nanlalamig na pakikitungo ang aking haharapin.  Ito na yata ang kinakatakutan ko.  Ang manlamig ng tuluyan sa akin ang pinakamamahal ko.  Pero ito na to.  Kailangan kong subukan or else baka lalo kong pagsisihan kung tatalikod na naman ako ngayon lalo’t kaharap ko na sya.


“Ron… ahmm… kasi…” ang halos hindi ko maituloy na pangungusap.


“Tara dito na lang tayo sa loob mag-usap.”  Ang malamig na tugon nito.


Nasa loob na kami ng kanyang kwarto at nanatili ang kanyang katahimikan.  Samantalang ako hindi ko alam ang mga susunod kong magiging hakbang.  Kinankabahan ako.  Pinagpapawisan ng ng malamig.  At ang higit sa lahat hindi ko magawang tignan sya ng diretso sa kanyang mga mata.  Gusto kong gawin ngunit hindi ko kaya. Gusto kong masilayan muli ang kanyang magagandang mata.  Yung mga matang punung-puno ng saya.  Hindi ko magawang magsimula ng pag-uusapan.  Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.


“Kamusta ka na?” ang halos sabay naming wika.


Tila umurong naman ang aking dila ng marinig ko na kamustahin nya ako.  Bigla akong nablanko, yung tipong alam mo naman ang dapat mong maging tugon pero hindi mo magawang maisatinig.  Kaya naman huminga ako ng malalim upang kumuha ng lakas ng loob at ng masabi ko na sa kanya na matagal na akong nangungulila sa kanya.  Na hindi ko sya kayang mawala sa buhay ko.  Sana kayanin ko.  Sana…


“Ron, kasi…” hindi pa man ako nakakatapos ng aking sasabihin ay bigla nya akong pinutol.


“It’s been a month since the last time we saw and talked to each other.   I’ve been trying to call you but you weren’t answering.  I’m sending you messages yet you did not reply even once.  I want to explain things to you but you keep your distance to me.  I want to patch things up but it’s very impossible to do because you were not listening.” ang pagsasaad nito habang nakayuko.  Bumaon sa puso ko ang lahat ng kanyang sinabi.  Totoo naman kasi.  Naging bato ako sa kanyang mga paliwanag.  Hindi ko naisip na nahihirapan na rin pala sya.  Ang tanging nasa isipan ko noon ay masasaktan lang ako sa lahat ng maaari kong marinig.  Hindi ko sya binigyan ng pagkakataong majustify nya ang kanyang sarili.  Naging makasarili ako.


“Ron, it’s not that…” 


“I’ve been miserable since the day you turned your back on me.  Bumalik ako sa dating buhay kung paano mo akong pinulot.  Nawalan akong muli ng pag-asa sa buhay.  At ngayon ito ako.  Nananatiling miserable kahit pa gustuhin ko ng bumangong muli.  If you had just listened to my explanations, things would not be like this.  And you know what?  The most difficult thing to accept, is yung isarado mo ang puso at isipan mo sa mga paliwanag ko.” Mula sa aking kinauupuan ay kita ko ang pagbagsak ng kanyang mga luha.  Nadurog ang puso ko ng mga sandaling iyon.  Nakita ko na lang ang sarili ko na lumuluha na rin.  


“I am just afraid of what I am going to hear.  Naging duwag akong harapin ang problema.  Mas inuna ko ang sarili ko kaysa pakinggan ang mga paliwanag mo.  I jumped into conclusion without hearing your side.  Inaamin ko Ron, kinain ako ng selos kaya ko nagawang tiisin ka.  Pero hindi kita kinalimutan kahit pa sabihin mong nagkalayo tayo.  Walang araw na hindi kita iniisip.  Walang araw na hindi ako nahihirapan dahil wala ka sa aking tabi.  Walang araw na hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.  At ngayon nandito ako upang harapin ng lahat at umaasang magkakaayos tayong muli.  If you will just give me second chance.  Let’s start all over again and forget all the things that happened between us.  Let’s make a new memory.” Ang mahabang pagsasaad ko ng damdamin kay Ron.


“I don’t know how to react now.  Hindi ko rin alam kung kaya ko bang magbigay pa ng isa pang pagkakataon.  Durog na durog na ako.  Nasaktan na ako noon pero hindi pa rin ako natuto.  Pinilit kong buuin muli ang sarili ko dahil alam kong wala na akong masasandalan pa ngayon kundi sarili ko na lang.   Sa totoo lang,  mahal pa rin kita…” alam kong may sinasabi pa si Ron ng mga sandaling iyon ngunit ng marinig ko mula sa kanya na mahal pa rin niya ako ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.  Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at dagling lumapit sa kanya.  Iniangat ko ang kanyang mukha at pinahid ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi.  Matapos niyon ay agad ko syang niyakap ng ubod ng higpit.


“We will forget all the bad things that happened.  Isipin na lang natin na isang masamang panaginip lang lahat ng iyon.   Magsimula tayong muli.  Mahal na mahal kita Ron mahal na mahal.”  Nanatili akong nakayakap sa kanya habang patuloy ang pag-agos ng luha sa aming mga mata.


Ilang minuto rin ang tinagal ng pagkakayakap ko sa kanya.  


“Sorry for all the pain that I’ve caused you.  Hindi ko kakayaning mawala ka sa buhay ko Ron.  Ngayon ko lang napatunayan kung gaano talaga kita kamahal.  Kaya ako nandito dahil gusto kong magkaayos na tayo.  Ron, please come back to me.” Matapos kong sabihin ang lahat ng ito ay muli akong humarap sa kanya at hinawakan sa magkabilang pisngi.


“Mahal na mahal din kita Christian pero natatakot ako sa maaaring mangyaring muli.  Paano kung kainin kang muli ng selos.  Baka magpadala ka na lang dito at maiwan akong muli.  Natatakot na ako dahil baka isang araw hindi ko na kaya pang magmahal.  Natatakot ako dahil baka isang araw hindi ko na kayang buuin ang sarili ko.  Natatakot ako kasi baka kahit sarili ko di ko na kayang mahalin.  Natatakot ako.”


“Hayaan mong tulungan kitang tanggalin muli ang mga takot na nararamdaman mo.  Pagtutulungan nating matanggal yan. Magtutulungan tayo.”


Sa puntong ito hindi ko na napigilan pa ang aking sarili kaya naman inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha. At dahan dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi.  Naging banayad ang pagtatagpo ng aming mga labi.  It was the sweetest kiss ever.  Kahit pa humahalo dito ang aming mga luha.  Still, it was the sweetest kiss I ever tasted.


Pinagsaluhan naming ang gabi na tulad ng dati.  Gabing nilalasap ang tamis ng aming pagmamahalan. Ang sarap ng pakiramdam na kasama at kapiling ko ngayon ang taong mahal ko.   At katulad ng napagkasunduan naming gagawa kami ng bagong alaala at lilimutin na namin kung ano man ang nangyari sa kahapon.  Sobrang sinulit naming ang gabing magkasama kami.  Nag-usap kung ano ang mga bagay na ginawa naming habang malayo kami sa isa’t-isa.  At napagtanto ko na labis na sakit pala ang naidulot ko sa kanya.  Ngunit sa puntong ito naging magaan na ang usapan naming dalawa.  


Ang sarap magbaliktanaw sa mga alaalang nabuo naming dalawa.  Maganda o hindi kagandahan.   Napapangiti na lang kami habang napagkukwentuhan ang nakaraan.   Habang nakahiga kami at nakatingin sa kisame.


Tumagilid paharap sa akin si Ron samantalang ako ay nanatiling nakahiga at nakatanaw sa kisame habang ang isang braso ko ay nakadantay sa aking noo.  “Hindi ko alam kung bakit pinagkatiwala kong muli ang puso ko sa yo.  Isa lang ang alam ko.  Mahal na mahal kita.  Hiling ko lang na sana bago ka kainin ng selos mo sana matuto ka munang makinig sa paliwanag at sana wag init ng ulo at pride ang paiiralin.”  Matapos sabihin ang mga salitang iyon ay bigla ako nitong hinalikan sa pisngi nagulat ako at the same time kinilig.  Ang sweet kasi ng pagkakadampi ng labi nya sa aking pisngi.  Banayad ngunit dama ko ang init nito.  Matapos iyon ay humarap ako sa kanya patagilid at kinuha ang kanyang mga kamay at inilapit sa aking labi upang hagkan.  


“I will try my very best para mag work na ang relasyon nating dalawa.  Maraming salamat sa second chance.  I love you and I trust you.”  Ito ang mga salitang binitawan ko matapos hagkan ang kanyang mga kamay.  Kitang kita ko ang kislap ng mga mata ni Ron.  Ang kislap na matagal ko ng hindi nakikita ay muli kong nasilayan.  Ang sarap sa pakiramdam na makita ang taong mahal mo na masaya sa piling mo.


Inilatag ko ang bisig ko upang gawing unan ni Ron habang nakayakap sya sa akin at hinahagod ang kanyang buhok.  Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala kami.  


Sa wakas nagawa ko na ring makipagkasundong muli kay Ron wala na akong iisipin pang iba.  Panatag na ang kalooban ko dahil alam kong hindi na sya mawawala sa piling ko.  Hindi ko na sasayangin ang pangalawang pagkakataong ito.  Iingatan ko ito gaya ng pag-iingat ko sa kanya.  Hindi ko na hahayaang kainin ako ng selos ko at ng pride ko.  I will try to lessen those feelings dahil ayaw ko ng magkasira pa kami.


Ang sarap matulog ng wala kang iniisip na problema, yung panatag ang kalooban mo.  Dahil alamg mong kinabukasan ay gigising ka ng maaliwalas na pag iisip at malawak na ngiti sa mga labi.  Natapos na rin ang problema ko at sana makayanan na namin ang mga susunod pang pagsubok.  Nawa ay maging aral na sa amin ang aming pinagdaanan.  At sana lalo pang tumatag ang aming pagmamahalan at tiwala sa isa’t-isa.


TOK! TOK! TOK!  





itutuloy...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails