Gusto ko po sana magpasalamat kila
kuya Mike Juha at Dark Ken for giving me an opportunity na magsulat sa blog
ninyo, salamat mga idol. Salamat na rin sa mga readers ng story ko namely:
Ericka, patryckjr, caranchou, Darkboy13, robert_mendoza, iChaenix, Frostking,
diumar, ThiSisMe, rascal, Melmar Jones, Josue Altoveros, ferdinand, riley
delima at sa mga anonymous readers maraming salamat po sa mga comment niyo
mapa-good or bad man ayos lang po yun!
So guys sit back, relax and spread
your love.
--------------------------------------------------
LOVE AT FIRST KISS
CHAPTER 11
January 2010, 5:00 pm
“Si
Ton-ton ang humahalik sayo, ganoon ba?” nabibitin kong tanong sa aking kaibigan
na si Jek-jek.
Ngumiti
lang siya sa aking naging tanong, tinawag niya ang waiter sa coffee shop na
iyon at umorder ng kape. Pinagmasdan ko si Jek-jek sa ilang taon na hindi ko
siya nakita masasabi kong andami ng nagbago sa kaniya. Kanina bago ako pumasok
sa coffee shop na iyon sobrang lungkot niya pero ngayon na binabalikan niya ang
mga sandali nila ni Ton-ton ay para itong bata sa school na nagkwekwento ng
memorable moments ng bakasyon niya. Malipas ang ilang minuto dumating ang kape
na inorder niya.
He
sip the cup of coffee and continue his story….
---------------------------------------------------
June 2006 12:00am, Wednesday
Wala
na akong kawala, palapit na siya ng palapit. Hindi ko maaninag ang mukha ng
lalaking gusto akong patayin. Sigaw ako ng sigaw upang humingi ng saklolo
ngunit wala atang nakatira sa lugar na iyon.
Nagmamakaawa
ako sa kaniya, halos maglumuhod ako sa kaniyang harapan. Nagkalat na ang luha
at sipon sa aking mukha ngunit hindi pa rin niya ako pinakikinggan. Itinaas
nito ang kamay niya na may hawak na patalim. Wala na akong nagawa sa sobrang
pagod ko sa pagtakbo hindi na ako nanlaban at hinayaan na lang siya na itulos
ng ilang beses ang patalim sa aking kawawang katawan.
Matapos
ang madugong eksenang iyon, naramdaman ko na lang ang labi na sobrang nasasabik
sa aking mga labi.
Matapos ang bangungut na
iyon, natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa isang halik.
Sobrang bilis ng halik na iyon. Parang hinahanap-hanap na ito ng aking mga labi
at puso. Nagmulat ako ng mata at nakita ko siya…. Si Ton-ton.
“Ton-ton?.....” pupungas-pungas
kong sabi sa taong nabungaran ko habang kinukosot ang aking mata.
“Jek-jek si Albert to, nasa
baba si kuya okay ka lang ba?” sagot ni Albert.
Napa-angat naman ako ng mukha
akala ko si Ton-ton ang aking nakita. Sabagay sobrang laki ng pagkakahawig ni
Albert sa kuya niya.
“Ha?.... oo okay lang ako,
ahm teka may ginawa ka b sa akin?... I mean… ano… ahm…” hindi ko maituloy ang
sasabihin ko na paghalik niya sa akin dahil kahit ako hindi sigurado kung
hinalikan ba talaga niya ako o nananaginip lang talaga ako.
“ Ano?... hindi kita
maintindihan…” napapakamot sa ulong sabi ni Albert.
“ Ahm ibig kong sabihin bakit
ka nandito? Diba nasa ojt ka sa hotel?” pag-iiba ko ng tanong kay Albert.
“Dinaanan ko si Albert sa
hotel eh sakto break niya kaya umuwi muna siya dito sa boarding house para
kumain, eto tubig oh…” sabay abot sa akin ni Ton-ton ng tubig.
Nagtaka naman ako kung para
saan yung tubig. Pero inabot ko na rin at ininom. Sobrang ginhawa ang
naramdaman ko sa tubig na iyon.
“Salamat…” sbi ko kay
Ton-ton. Ngumiti naman ito.
“Naabutan ka kasi ni kuya na
binabangungot kaya nagmamadali yang bumaba at kumuha ng tubig.” Pagpapaliwanag ni
Albert.
“Ganun ba, salamat ulit
Ton-ton” nahihiya kong pagpapasalamat kay Ton-ton.
“Wala yun. Tara na sa baba at
kumain na tayo.”
Bumaba na nga kami at
nakahanda na sa lamesa ang hapunan namin. Natutulog na ang iba pa naming ka
boardmate kaya kami-kami na lang ang kumain. Pinagmasdan ko ang magkapatid, umiral
nanaman ang pagiging inggitero ko kasi naman sobrang close nilang dalawa. Masasabi
ko na mapagmahal na kuya si Ton-ton, sabagay siya na ngayon ang tumatayong
padre de pamilya sa kanila. Puro tawanan at biruan ang nagyari sa aming tatlo. Hindi
lang pala itsura ang pinagkapareha ng magkapatid pati sa ugali parehong-pareho
sila.
Matapos ang masayang hapunan
na iyon ay nagpaalam na ulit si Albert para pumasok sa hotel. Samantalang kami
ni Ton-ton ay niligpit ang aming pinagkainan at saby na umakyat sa aming
kwarto.
Naging tahimik sa loob ng
kuwarto. Hindi ko alam kung paano magbubukas ng topic. Pero hindi rin ako
nakatiis at kinausap ko na siya.
“Kamusta ang paghahanap ng
trabaho?” tanong ko sa kaniya.
“Ayos naman medyo pagod. Pero
bukas may interview ako sa isang department store kaya worth it naman yung
pagod ko kanina.” Masiglang sabi nito sa akin.
“Buti naman kung ganun. Good
luck sayo bukas.”
“Salamat. Teka, anong oras
pasok mo bukas?” tanong ni Ton-ton.
“10am pa, bakit?” nagtataka
kong tanong sa kaniya.
“Wala naitanong ko lang, tara
tulog na tayo.”
Nadismaya naman ako sa naging
sagot niya akala ko sasabihin niya sabay na kami umalis bukas toinks. Pinatay na
niya ang ilaw at nahiga na sa kama si Ton-ton. Humiga na rin ako sa aking kama
pero hindi ako dalawin ng antok dahil sa dami ng gumugulo sa isipan ko lalo na
ang panaginip at ang halik. Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko na ang
paghilik ni Ton-ton. Sobra nga ata itong napagod sa paghahanap ng trabaho. Hindi
ko rin namalayan at nakatulog na rin ako.
Isang linggo ang mabilis na
lumipas at natapos na ang ojt ni Albert. Bumalik na ulit ito sa probinsya nila.
Samantala si Ton-ton naman ay nasa training na matapos itong matanggap bilang
supervisor sa isang department store. Sobrang saya namin sa mga lumipas na
araw.
Bumalik sa dati ang lahat. Minsan
kapag maaga ang pasok ni Ton-ton naabutan ko na lang itong may nalutong ng
almusal para sa akin. Sobra kong ikinatutuwa ang mga ito kaya naman kapag may
pagkakataon ay siya naman ang ipinagluluto ko.
Ngunit sa mga lumipas na araw
ay hindi pa rin ako tinatantanan ng aking panaginip. Pati na rin ang mahiwagang
halik na sobrang nagpapatuliro sa aking isipan dahil sa tuwing magigising ako
wala namang tao sa kuwarto para halikan ako. Minsan tuloy iniisip ko na baka
minumulto ako sa bahay na iyon. Hindi ko naman ma-ikwento sa mga ka-boardmate
ko ang nangyayari sa akin lalong-lalo na kay Ton-ton baka isipin nila si
Ton-ton ang humahalik sa akin gayung hindi ko naman talaga alam kung panaginip
pa rin ba yng halik o hindi.
Minsan nagising ulit ako sa
isang halik ay naabutan ko si Ton-ton na gumagayak para sa kaniyang trabaho. Gusto
ko sana siyang tanungin ko hinalikan ba niya ako pero sobra akong nahiya dahil
naisip ko bakit naman ako hahalikan nung tao eh wala naman kaming relasyon.
Dahil sa sobrang pag-iisip ko
na iyon ay hindi ako masyadong nakapag-focus sa pagtatrabaho. Puro palpak ang
ang mga niluluto ko kaya naman nilipat ako sa dining area para maging waiter.
June 2006, 11:30am, Sunday
Sobrang dami ng customer sa
Pizza Resto, halos mataranta ako sa paga-assist sa mga customer. Nakita kong
biglang pumasok sa restaurant si Ton-ton marahil ay doon siya kakaing ng lunch
niya. Kinuha ko ang order niya at ako pa talaga ang nagpresinta na mag-assist
sa kaniya. Ngunit tinawag ako ng isang customer na napakayabang kung umasta.
“Hoy waiter!!!!!” tawag sa
akin ng matabang customer. Dali-dali akong lumapit dito dahil napansin kong
parang galit na galit ito.
“Yes sir?...” tanong ko sa
customer.
“Nakikita mo ba ito, ang
order ko cheese and ham pizza hindi hawaiian!!!” paninigaw sa akin ng customer.
“Ganoon po ba, naku pasensiya
na sir sige po papaitan ko na lang po.” Pagpapaumanhin ko sa customer.
“Papalitan? Tapos paghihintayin
niyo nanaman ako ng matagal, aba eh gutom na gutom na ako.” Lalong nagalit ang
customer at lumilikha na ng eskandalo sa loob ng restaurant. Sasagot pa sana
ako ng bigla akong sabuyan ng softdrinks ng customer. Para akong tuod sa
kinatatayuan ko hindi malaman ang gagawin.
Napansin ko si Ton-ton
palapit sa amin ng nagwawalang customer.
“Boss hindi naman ata tama
yung ginawa mo sa waiter.” Pagtatanggol sa akin ni Ton-ton.
“Bakit sino ka ba?” mayabang
na tanong ng customer.
“Customer lang din napansin
ko kasi na nagkakagulo dito.” Mahinahong sabi ni Ton-ton
“Pakialamero ka pala eh. Bakit
hindi mo ba ako nakikilala?”
“Wala akong pakialam kung
sino ka at kahit anak ka pa ng presidente yuyuko ka rin kapag sinabi ng
barbero.” Matatag na sabi ni Ton-ton. Napabilib naman ako sa ginawang iyon ni
Ton-ton hindi ko akalain na sasaluhin niya ako sa oras na iyon. Bago pa
mag-amok ulit ang customer ay dumating na ang mga guard at manager namin. Sila na
ang umayos ng gulo samantalang si Ton-ton ay hinila ako papunta sa restroom.
“Okay ka lang ba?..”
nag-aalalang tanong sa akin ni Ton-ton
“Oo okay na ako, salamat ah..
kung wala ka si-“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil niyakap na ako ni
Ton-ton, sa ginawa niyang iyon ay kumalma ang aking katawan. Marahil ay
napansin ni Ton-ton ang panginginig ko kaya niya ako niyakap.
Matapos ang eksena iyon bumalik
na sa trabaho si Ton-ton. Parang sumama naman ang pakiramdam ko kaya nagpaalam
ako sa manager namin n umuwi ng maaga. Pag-uwi ko ay naglinis muna ako ng
katawan bago humiga.
Lumipas ang ilang oras na
pagtulog ay parang guminhawa na ang pakiramdam ko. May narinig akong yabag ng
mga sapatos papasok sa kuwarto namin ni Ton-ton. Pumikit ako at nagkunwaring
natutulog. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at naramdaman ko ang paglapit ng
isang tao sa tabi ng aking kama.
Nanatili akong nakapikit
hanggang sa maramdaman ko n lang ang paghawak ng taong iyon sa aking mga kamay
at pinisil-pisil pa ito. Naramdaman ko rin ang mga kamay niya sa aking noo at
leeg. Matapos noon ay narinig ko itong lumabas ng kuwarto. Nanatili akong
nakapikit at nagtataka kung sino ang taong iyon.
Ilang minuto pa ang lumipas
at nakarinig nanaman ako ng taong pumasok sa kuwarto namin ni Ton-ton. At naramdaman
ko naman sa mga sandaling iyon ang pagpupunas niya ng bimpo na may maligamgam
na tubig sa aking noo. Sobra akong na touch sa ginawa ng taong iyon.
Matapos ang pagpupunas niya
ay naramdaman ko naman ang kaniyang labi sat hinalikan ako sa noo. Sobra akong
natuliro, gusto ko na sanag dumilat para alamin kung sino yun. Pero iisang tao
lang ang naiisip ko na gagawa nun sa akin. Pero natatakot ako baka mali lang
ako ng akala. Naisip ko tuloy baka nananaginip nanaman ba ako pero ramdam na
ramdam ko ang halik niyang iyon sa aking noo.
Hinawakn ulit ng taong iyon
ang aking kamay at hindi nagtagal naramdaman ko ang hangin mula sa kaniyang hininga
at isang halik sa labi ang aking naramdaman. Dahil na rin siguro sa pagkatuliro
at kagustuhan kong malaman kung sino ba nag humahalik sa akin, kinagat ko ang
mga labi ng taong humahalik sa akin at sabay dilat ng aking mga mata.
Pagkagulat ang nakita kong
ekspresyon ng mukha ng taong kaharap ko ngayon. Sa sobrang gulat nito sa
pagkagat ko sa labi niya ay napaupo ito sa sahig. Gusto ko sanang matawa sa mga
oras na iyon dahil tila isang magnanakaw ang ang aking nahuli.
Tahimik kaming dalawa. Pero gulong-gulo
na ang isip ko kung bakit nya nagawang halikan ako kaya tinanong ko siya.
“Bakit?...bakit mo ako
hinalikan?...”
“Hindi ko alam Jek-jek kung
bakit, kahit ako nalilito na sa sarili ko…”
“Ngayon mo lang ba ako
hinalikan?”
“Hindi…”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sa tuwing binabangungot ka,
ginigising kita pero hindi ka magising at parang may nagudyok sa akin na
halikan ka.”
“Ikaw pala yun…”
“Im sorry…”
Tahimik.
“Mahal mo ba ako?”
“Hindi ko alam Jek-jek..”
“Siguro nga nalilito ka lang…”
“Ikaw ba mahal mo ba ako?”
“Oo mahal kita Ton-ton…”
-itutuloy
wow at last nalaman nya na kung sino ung nagnanakaw ng halik! he he he.aamin na kaya c tonton? abangan ang next chapter.
ReplyDeletewow nice, another chapter to wait for sir mike.
ReplyDeletehave a great day and keep on writing....
kailan kaya next chapter sana i post na plz nice story
ReplyDeletepki post naman na ung next chpater, maganda naman ung kwento sayang kong hindi matatapos. tnx!
ReplyDeletesna update agad nxt chapter nto mganda na umpisa ng story cant wait to read new chapter of the story.
ReplyDeletenext chapter plsssssssssssssssssssssssssssss.... mag 2014 na wala pa rin.......
ReplyDeleteHaayyyy!!!!!!!! biktima naman ako ng kwentong walang katapusan! sayang maganda pa naman ang story pero,... parang mesa na dalawa lang ang paa,, Walang silbi!
ReplyDeleteRIP
Ben