Followers

Wednesday, December 12, 2012

CHAKA (Inibig mo'y Pangit) Chapter 12


Chapter 12
                Dahil sa kagustuhan kong mapaganda ang katawan ko at mukha ay sa halos isang taon ko sa Dubai ay wala akong naitabing ipon. Kung hanapin mo kung nasaan ang pera ko, makikita iyon sa ipinagbago ng mukha ko, ng katawan at porma ko. Hindi na ako iyong dating si Terence na maitim, pango ang ilong, puno ng taghiyawat ang mukha at balyena. Dahil sa katabaan ko dati ay hindi din ako puwedeng magsuot ng kahit anong pamporma. Ngunit napansin ko ang malaking pagbabago nang nakita kong nagiging maputi na ako, kuminis na ang pisngi ko at tumangos na din ang ilong ko. Salamat sa agham, pera at ibayong sakrpisyo, naging isang guwapo na din akong nilalang.
                Kung dati kapag pumapasok ako sa isang Department Store, hirap akong maghanap ng damit na babagay sa kulay ko at sa katabaan ko, ngayon, madali na lang akong pumili at halos lahat ay sukat na sa akin. Hanggang naging adik na ako sa kabibili ng kung anu-ano kahit hindi ko na kailangan. Parang kapag gumasto ako sa pagshoshopping ay pinupulot na lang ang pera sa mga basurahan. Kung ano ang fashion na in, siguradong mayroon kami Jasper. Kahit mga simpleng house party lang hindi puwedeng hindi ako makapagsuot ng bago. Hindi puwedeng hindi ako mapansin. Tulad din pala iyan ng kasikatan na kung nasa taas ka na ayaw mo ng bumaba sa pedestal. Nabusog ako sa mga papuri ng iba, napakasarap palang pakinggan ang mga papuring hindi mo hiningi ngunit kusa itong sinasabi. Iyon ang kapalit ng bagong ako. Kahit marami ng nakakapansin sa malaki kong pinagbago ay parang uhaw na uhaw pa din ako.
                Tumaas ang pagtingin ko sa aking sarili ngunit hindi naman ako nagiging mayabang. Ngayon, hindi na ako umiiwas sa salamin ng CR kung may nakakasabay akong nagsasalamin. Hindi na din ako nakakaramdam ng pagkaasiwa kung may tumititig sa akin. Marunong na din akong makipagtitigan dahil batid kong hindi naman kahiya-hiya ang panlabas kong anyo. Ngunit kahit nakakalasing ang papuri ng iba ay hindi ko hinayaang mahilo ako at makalimutan ang dating ako. Ang isang pagiging mabuting tao ay ang kagandang hindi kukupas, hindi din ito kayang tugunan ng sensiya maliban na lamang kung may mga pinagdaanan na siyang magpapabago sa iyong kabuuan. Ngunit ako, hinding-hindi ko kailanman babaguhin ang pagiging ako. Sa loob ng maputi at kuminis kong balat, naroon ang dating si Terence at mananatiling si Terence hanggang sa ako’y nabubuhay.
                “Ganda naman ng damit mo, san mo nabili yan?… Ganda naman ng relo mo… wow, bagay sa iyo ang kulay ng suot mo…ikaw ang may pinaastig ng outfit ngayon…”
                “Grabe, blooming ka lagi gurl…sa ating lahat dito ikaw ang pinakamaganda ng katawan, pinakamatangkad at pinakamaganda.”
                Napapangiti lang ako sa mga papuring iyon. Kaya nga nagiging consistent ako sa mga ginagawa kong pagpapaguwapo dahil natatakot akong bumalik sa dating ako. Ayaw ko ng bumalik sa dating ako. Gusto ko yung ako ngayon. Iyon bang kapag papasok ka sa isang Mall ay alam mong lilingunin ka dahil guwapo ka at muli kang pagmasdan dahil sa kaaya-aya nilang nakita hindi iyong lilingunin ka nga pero parang hindi ka nakita dahil angkin mo ang ordinaryong hitsura kundi man parang dadaanan ka lang ng mga mata dahil hindi ka kaaya-aya.   
                Kung dati ako ang laging pumapansin sa mga nakakasalubong kong kakilala, ngayon kung hindi puwedeng hindi ako hihintuan at kakausapin. May magnet ba ang pagiging guwapo? May hindi ba nakikitang enerhiya para kahit nagmamadali ang makakasalubong mo na nakakikilala sa iyo ay mapapahinto para kausapin ka? Ngunit madami akong napansing nahihiya. Sila ‘yung mga taong hindi pa nila napag-iisipang may igaganda sila kung sana ay hindi lang makuntento sa kung ano ang hitsura nila. Iba’y ayaw magpapawis para gumanda sa katawan. Iba naman ay sasabihing bakit sila gagastos sa pagpapaayos ng hitsura samantalang iyon ang bigay ng Diyos sa kanila. Marmi din ang nagsasabing bakit nila sasayangin ang pera nila kung sa pagdaan ng panahon ay tatanda at papangit din ang lahat. May mga ilan din na kahit gustuhing magpaguwapo ay salat naman sa pera. Ngunit paano ang ngayon?  Iyong ngayon na dapat inieenjoy mo ang buhay.
Hindi ko alam pero parang biglang tumaas ang aking pagkatao, parang binago ng panlabas kong anyo ang pananaw ko sa lahat ng bagay. Hindi na lang ako simple, nagiging sosyal na ako. Hindi ko pinilit o pinag-aralang maging ganoon. Dahil sa pagsama-sama ko sa barkadahan namin nina Jasper, tuluyan akong nabihisan ngunit gusto kong manatiling ako yung dating ako. Pero sa ibang tao, alam kong ibang Terence na ang kanilang nakikita.  
                Pumasok ako sa gym isang araw ng Linggo. Hindi ko kasama si Jasper noon dahil may lakad siyang iba. Ako iyong tipong pagpasok ng gym ay iniiwasan kong makipag-usap sa iba. Pumunta ako doon para mag-exercise hindi para makipagkaibigan kaya nga hindi ko pansin kung sino ang bago at kung sino ang matagal na. Saka higit isang oras lang ako doon at pagkatapos ay aalis na din lang ako. Nagpapalit ako noon nang biglang may lumapit sa akin.
                “Ganda ng bicep saka abs natin tol ah.” Nakangiti ang isang guwapong lalaki sa akin. Kapwa kami walang pang-itaas noon. Nagpupunas din siya ng pawis sa katawan katulad ko. Nilingon ko siya ngunit parang hindi ako nakuntento dahil naguwapuhan ako sa kaniya. Mas matangkad ako ng bahagya ngunit napakaamo ng kaniyang mukha. May kaunti mang taba ang katawan ngunit maumbok naman ang dibdib niya. Taglay niya ang katawan na pangkama samantalang sa akin ay magandang tingnan dahil athletic ngunit parang kulang iyon sa libog dahil tanggal na halos lahat nang taba para sana sabihing yummy ito.
                “Salamat.” Matipid kong tugon. Tumalikod ako. Hindi ko matagalan ang pagsuyod niya ng tingin sa buo kong katawan. Kahit pala papaano ay medyo naroon parin ang hiya kung pinagmamasdan ng ibang tao ang kahubdan ko. Lalo na kung guwapo ito. Napakagat ako ng labi. Shet! Guwapo niya!
                Nang mailagay ko ang hapit na t-shirt ko at mabilis na humarap patungo sa pintuan ay bumangga ang basa sa pawis na katawan niya sa katawan ko. Nagkatinginan kami. Matagal siyang tumitig sa aking mga mata. Hindi din ako agad nakakilos lalo pa’t naramdaman ko ang magaang paghawak niya sa akin balikat at ang isang kamay naman niya ay sa aking boobs. Hayan na naman ako, dibdib pala. Nagulat kasi siya sa bigla kong pagharap kaya siguro ay sinikap niyang pahintuin ako para hindi kami tuluyang magkabangga.  Ngunit tumbok talaga na boobs ang hawakan? Doon talaga niya ako hinawakan? Pwede ba!
Amoy ko ang mabango niyang hininga at ang kakaibang halimuyak ng pawisan niyang katawan. Inaamin kong nag-init ako. Kakaibang init. Parang nilamon ng nangyaring iyon ang pangako ko sa aking sarili na pagkaraan ng sakit na nangyari sa amin ni Lando ay hindi na ako magmahal pa ng iba. Siya lang ang mananatili sa puso ko. Hinding-hindi ako magmahal pa ng iba kung siya parin ang tinitibok ng puso ko. Inaamin ko, sa higit isang taon na nagkalayo kami, siya parin ang buong may-ari ng aking puso. Siya parin ang pinangarap kong makasama. Marami na akong nakasex, ngunit hanggang sex lang naman iyon. Nawili akong gawin ang itinuro ni Jasper.  Ang maghanap ng bagong salta, kaibiganin ng ilang araw, kasex at kung sa tingin ko ay aabusuhin ako, iiwas ako ngunit kung manatling nagiging mabait sa akin ang isang tao, hindi ko naman yata masikmurang umiwas na lang. Ako yung taong marunong tumulong kung alam kong kailangan ng iba ang tulong ko. Ngunit alam ko din kung hanggang kailan ako puwedeng magbigay. Alam ko ang hangganan ng pagtulong bago pa man ako tuluyang abusuhin. Bagay na hindi sa akin maintindihan ni Jasper. Pinipilit niya sa akin ang kaniyang prinsipyong maghanap ng bago, kunin ang number, tanungin kung ano ang trip, makisex at tuluyang iwasan… Ngunit inaamin ko, masarap pala ang ganoon, walang commitment, walang expectation, walang emosyon dahil una pa lamang ay sinabi mo na sa sarili mong hindi kayo puwede. Iyon bang kinondisyon mo na ang sarili mo na sex lang ang lahat.
                “JC pare… JC Santos.” Maikli niyang pakilala, nakalahad na ang kamay niya. Humakbang ako ng isang paatras dahil kung hindi ko gagawin iyon ay baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at mag-init pa ako ng tuluyan.
                “Terence” tinanggap ko ang kamay niya. Bahagya niyang pinisil iyon. “Sige, mauna na ako.” pag-iiwas ko. Masarap magmahal ngunit walang kasinsakit kapag nasaktan. Pilit kong pinauunawa sa sarili ko. Baka kasi tuluyan na naman itong bibigay.
                Bago ako lumabas sa pintuan ng Dressing Room ay hinabol niya ako.
                “Pahingi naman ng number mo pare. Bago lang kasi ako dito sa Dubai. Malungkot pala kapag wala kang kakilala o mga kaibigan.” Ngumiti siya. Ngiting tuluyang gumapi sa akin. Napakaganda at napakaputi ng kaniyang mga ngipin. Hawig na hawig niya si Jake Cuenca. Mas maumbok lang kaunti ang pisngi ngunit ang puti at ganda ng katawan, hindi sila halos nagkakalayo.
                Naisip ko… bagong prospect. Bakit hindi patulan. Sinabi ko ang number ko saka nagpaalam. Kung itetext niya ako, doon lang ako sasagot.
                Nang nasa daan ako pauwi, panay ang tingin ko sa celphone ko. Excited lang? Panay ang labas ko sa celphone ko sa bulsa ko, baka lang may text at hindi ko narinig. Hanggang sa hawak ko na lang ito lagi. Napabuntong hininga ako. Sana pala kinuha ko din ang number niya para kung makalimutan akong itext ay ako na lang ang gagawa ng first move.
                Tatlong minute, isang oras, dalawang oras, tatlong oras? Tuluyan na akong pinanghinaan ng loob. Iniwan ko na lang ang celphone ko sa kama at naligo na lamang ako. Hindi na nga iyon magtetext.
                Lagpas nine o’clock ng gabi na noon ng may mareceive akong text. Bagong number. Alam kong si JC na iyon.
                “Mgkta nmn tyo tonight. Kung d k bc. Bored kasi ako. Treat kta kht san mo gus2.”
                Iba ang dating sa akin nu’n. Siya mismo ang naunang nagsabing i-treat ako. Kakaiba sa mga nauna kong nakilala. Nagyayaya ngunit nagpapalibre. Maraming mga ganun. Sasabihing, “labas naman tayo, treat mo ako he he.” Saan kaya sila pumakyaw ng pampakapal ng fezlak!
                 “Cge. Kita tyo ng quarter to 10 sa Chilli’s” maikli kong sagot.
                “Ok. See you.”mabilis niyang reply.
                “Ok.”
                Pagpasok ko ay nakita ko na agad siya. Nakasuot siya noon ng medyo hapit na skyblue na polo shirt na binagayan niya ng slim fit na kupasing pantalon. Simple ngunit iba ang dating sa kaniya. Guwapo nga talaga siya. Hindi mahirap mahalin kung handa kang magmahal. Kahit nga hindi mo turuan ang puso mo, alam mong mahuhulog ka agad sa katulad niya. Jake na Jake Cuenca ang dating pati sa porma.
                Sa dinner na iyon ay nalaman ko ang ilang importanteng bagay  sa buhay niya. 25 years old siya, isang Engineer ng Etisalat. Pumunta siya dito ng Business Visa sa tulong ng kafriendster niya. Nanggamit daw ng ibang picture ang kafacebook niya. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magchat with cam dahil nabuo ang tiwala. Tama na daw iyong mga tawag, text, private message sa facebook at chatting sa facebook. Paano daw naman kasi siya hindi maniwala e updated naman ang mga pictures niya. Saka di naman daw siya ang gagastos sa pagpunta niya sa Dubai kaya ni katiting ay hindi na siya nangulit pang magchat sila sa skype o ym with cam.
Tinotoo ng kachat niya na gastusan siya sa pagpunta niya ng Dubai ngunit nang magkita sila ay para siyang pingasakluban ng langit at lupa dahil ayon sa kaniya, pangit, maitim at mataba daw nung sumundo sa kaniya. Malayong-malayo sa nakilala niyang kafacebook niya. Isang posse rang pinagkatiwalaan niyang mahalin. Dahil alangan daw ang hitsura no’n sa kaniya at dahil daw mabait iyon ay pinakisamahan niya ng halos isang buwan. Binigay din daw naman niya ang katawan ngunit hindi daw niya masikmurang magmahal sa ganoong hitsura. Pagkaraan ng tatlong buwan na pakikisama, binayaran daw niya lahat ang nagastos ng kafacebook niya saka siya lumipat ng bahay. Ngayon ay apat na buwan na siya. Malungkot daw pala ang malayo sa pamilya at wala pang nagmamahal sa iyo. Nasaktan ako. Isa siya sa mga lalaking naghahanap ng pisikal na katangian. Kung ako pala yung dating ako, malayong iimbitahan niya ako ngayon. Ngunit iba na ako ngayon kaya okey lang na sabayan siya.
                Pagkatapos ng dinner namin ay nakiusap siya kung puwede daw bang magpalipas ng gabi sa akin dahil day-off daw naman niya kinabukasan. Bumilis ang tibok ng aking puso.
                “Akala niya siguro, magiging kami. Hindi na uyyy! Kahit pa siya ang tumulong sa akin para pumunta dito, di ko siguro papatusin ang kagaya niya. Pangit na antaba at ang itim pa.” pagsisimula niya muli nang nakapasok na kami sa kuwarto. Paulit-ulit niyang pagmamaliit sa taong tumulong sa kaniya. Nakaramdam ako ng hindi maganda. Hindi ako sumasagot na parang hindi ako interesadong pag-usapan ang ibang tao. Hindi kasi ako sanay na laitin ang kakulangan ng iba. Wala akong panahong pintasan ang ibang tao.  
                “Hindi siya dapat nanloloko para makapamingwit lang ng matitikman. Sino naman ang magkakagusto sa ganoong hitsura.” Pagpapatuloy niya. Nakaramdam na ako ng pagkairita.
                “Grabe ka naman. Huwag ka namang masyadong mapanlait. Isa pa siya din naman ang tumulong sa iyo para makapunta ka dito. Buti nga nagtiwala yung taong gumasto kahit di ka niya ganoon kakilala.”
                “E, ano naman. Natikman naman niya ako saka binayaran ko naman siya. Baka kung wala ako na nagpauto, hindi pa iyon makatikim ng guwapo, noh!”
                Naisip ko, mayabang nga. Minabuti kong huwag na lang siyang sagutin.
                Nang nakapasok kami ay walang kaabog-abog na basta na lang niya tinanggal ang polo shirt at pantalon.
                “Okey lang naman na maghubad ako ano? Nakita mo naman na ito sa gym di ba?” huli na ng humingi ng permiso. Nakahubad na siya.
                Muling tumambad sa akin ang maputi at masarap sa kama niyang katawan na binagayan pa ng maamo niyang mukha. Hindi ko napigilan ang matinding galit ni manoy na alam kong napangiti siya nang masulyapan niya ito.
                Tinatanggal ko ang pantalon ko at sinasabit ko ito sa likod ng pintuan ng kuwarto ko at nang nahubad ko ang t-shirt ko at tanging boxer short na lang ang suot ko ay bigla niya akong niyakap mula sa likod.
                “Game ka ba? Trip kita!” paanas ang pagkasabi niyon sa likod ng aking tainga kaya nagdala ito ng kakaibang boltahe. Lalo akong parang nanghina ng pinadaan niya ang dulo ng dila niya mula sa puno nito hanggang sa aking leeg. Napaiktad ako ng sinuyod niya muli ng halik ang aking batok hanggang nilalamas na niya ang matigas at maumbok kong dibdib. Napapikit ako sa kakaiba nitong sensasyon. Napakainit ng kaniyang hininga. Kinokontrol din ng mainit niyang katawan ang malamig na buga ng aircon. Hayuk na hayok ang kaniyang haplos at dumiin ng dumiin ang kaniyang halik sa aking likod. Hanggang kumilos ang kaniyang kamay para bahagyang iharap niya aking mukha at sinalubong ng kaniyang labi ang aking labi. Kapwa kami parang hindi makahinga sa tindi ng mainit na halikan nang humarap na ako sa kaniya. Wala akong magawa kundi sumandig sa pintuan ng aking kuwarto ng sinimulan niyang halikan ang aking mga utong at dilaan ang aking tagiliran. Nakadama ako ng kakaibang kiliti. Nang ibaba niya ang aking boxer short ay tumama ang galit na galit kong ari sa kaniyang mukha. Tumingin sa akin at napangiti. Napangiti din ako. Muli siyang tumayo at muli naming pinagsaluhan ang walang kasinsarap na halik. Nagtama an gaming mga dila. Parang may mga buhay na kusang nag-uusap. May ritmo ang kanilang mga galaw. May kakaibang pagsaliw ng kanilang paggalaw. Hanggang sa nagsimula na ding lumakbay ang aking mga kamay mula sa dibdib niya hanggang sa kaniyang alaga. Nagulat ako sa kaniyang sukat. Hindi iyon malaki lang, iyon ay malaking-malaki.
                “Anlaki ah.”
                “Mula ngayon, sayong-sayo ‘yan kung isusubo mo ng buung-buo.” Pilit niyang binaba ang aking ulo doon ngunit hindi ako sanay na nakaluhod sa hindi comfortable na lugar. Gusto ko sa kama lang ginagawa iyon. Nang yayain ko siya sa kama ay lalong naging mainit ang sumunod na eksena. Hindi lang ako ang sumubo, sabay kaming nakarating sa tugatog ng ligaya. Sa gabing iyon, hindi lang minsan nangyari ang lahat. Naulit pagkaraan ng dalawang oras, naulit sa madaling araw at kinaumagahan, ayaw na naming mahiwalay sa isa’t isa. Ngunit kahit anong pilit niya sa akin ay hindi ko ibinigay ang kaniyang hinihiling. Hindi ko yata kakayanin iyon. Iyon ko kayang ibigay sa kaniya ngunit naintindihan naman niya ako at alam kong hindi lang sa paraang ganoon maibigay ang ligayang gusto ng aking kapareha.
                “Tayo na ba?” simpleng tanong niya ngunit hindi ko pa alam ang isasagot ko.
                “Gusto mo ba?” tanong ko.
                “Ayaw mo ba?” pangungulit niya.
                “Ikaw?” balik ko.
                “E, ako yung unang nagtanong di ba?”
                Hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Takot akong masaktan. Hinalikan ko siya sa labi. Nanlaban siya.
                “Ano? Tayo na?” tanong niya uli.
                Hindi ko parin ang alam ang sagot dahil si Lando, siya parin ang nasa puso ko.

READ CHAPTER 13, CHAPTER 14 AND CHAPTER 15 IN MY BLOG. JUST CLICK THIS LINK....http://joemarancheta.blogspot.com/

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails