“...Talagang ang regalo mo sa
akin eh...MAGNET!!!” ang tanong ko sa kanyang sa sarkastikong tono.
SA LAHAT NG BAGAY!!! SA LAHAT
NG PWEDE NIYANG IBIGAY!!! SA LAHAT-LAHAT, MAGNET LANG!!!
“...Not just a magnet, but a
magnet keychain...” saka niya ito itinaas sa level ng kanyang ulo at
iwinagayway ito habang parang nagpapacute na nakasalumbaba.
“Eh ano na naman ang gusto mong
palabasin niyan...” ang tanong ko sa kanyang pasinghal.
“...Wow, good question...” saka
niya inilapag sa mesa ang hawak niyang magnet habang kinukuha ang isa pa na
nasa kahon. Pagkakuha niya dito ay dahan-dahan niyang inilapit ‘yung south pole
ng hawak niyang magnet sa south pole ng magnet na nasa mesa.
As expected, umikot ‘yung
magnet na nasa mesa at ‘yung north pole nito ang dumikit sa hawak niyang
magnet.
“...Same poles don’t attract,”
ang sabi niyang nakangiti at nangangaral. “...but if they do, the person
holding the magnets is definitely forcing them to be attracted, and such
attractions doesn’t last...” saka niya inabot sa akin ang hawak niyang magnet.
Halata naman ‘yung sinasabi
niya eh, halatang-halata. Na katulad ng sa magnet, hindi kami pwede
mag-attract, dahil parehas kaming lalaki. At kung ma-attract man kami sa isa’t
isa, hindi ‘yun magtatagal...
Kung patulan ko kaya 'yung sinasabi niya at hiwalayan ko
siya ngayon din...
“...oh, kunin mo na. ‘Wag mong
sabihin na hindi mo nagustuhan, nahirapan kaya akong maghanap ng store na
nagbebenta ng ganyang pure brilliance. Ingatan mo ‘yan ah. Bukod doon sa trivia
book, gusto ko maging trademark din ng relationship natin ang magnet...”
Wala akong nagawa kundi kunin
‘yung magnet at tingnan siyang nakakunot ang kay, parang nagtatanong kung
seryoso ba siya.
“Hanggang ngayon ba, ganon pa
rin ang tingin mo sa namamagitan sa atin? Hanggang ngayon, tingin mo hormones
lang ito, hormones na kapag tapos ng ilabas ng utak eh mawawala na? Chong hindi
lang ganon 'yun. Kung 'yun lang ang lahat ng ‘to, 'di sana
hindi na ako naghintay ng dalawang buwan para sundin 'yung mga kondisyon mo,'di
sana hindi kita
kasama dahil nagsawa na ako sa'yo...” ang sabi kong seryoso at malungkot.
Pero ganon nga ba talaga ang nararamdaman ko at ang gusto
kong mangyari? Pinapamukha ko sa kanyang seryoso ako sa kanya tapos tinatanong
ko 'yung sarili ko ng ganyan. Galing. Pero hindi nga ba 'yun ang gusto ko, ang
makasama siya habambuhay, 'yung gawin kasama siya 'yung mga bagay na ginagawa
ng mga normal na mag-asawa, 'yung naglalampungan, naliligo ng magkasama,
naghuhubad ng magkasama at sa harap ng isa't isa, naghahalikan, at nagse...
SHIT!!! ANG PANGIT ISIPIN!!! BAKIT KO BA NAIISIP 'YUNG
MGA BAGAY NA 'YAN!!!
Pinigilan ko na lang tumawa dahil dapat galit ako.
Tsaka...
...ang sarap din namang isipin eh...
Biglang nawala ang ngiti sa
labi niya. Napalitan ito ng pagkalito, ng awa. Iniwasan niya ang nagkasalubong
naming mga tingin, at saka nag-isip. Kitang-kita mo sa mata niya na parang
sinusuri niya kung tama pa ba ang ginagawa niya, kung tama bang paglaruan niya
ang damdamin ko ng ganoon. Kitang kita sa mukha niya ang pagsisi, ‘yung
hangarin niyang humingi ng paumanhin sa kung ano mang mali ang nagawa
niya. Para siyang bata hindi makatingin sa akin ng diretso dahil alam niyang
may kasalanan siya sa akin.
Sa unang pagkakataon, nakita ko
si Chong na nag-alala para sa akin.
“...Sabi mo eh...” ang sabi
niya sa masayang tono. Saka siya ngumiti ng buong giliw.
Nag-aalala nga siya sa akin.
Tangina.
“Ang dami mong iniisip, hindi
ka na lang magpasalamat sa regalo ko. Dapat ka naman talagang magthank you sa
akin dahil nag-effort ako para diyan. Ikaw nga walang gift sa akin.
I-appreciate mo na lang ‘yung kasweetan ko, diba, ang sweet ko...” saka niya
ako kinindatan.
“...Oo, thank you very much, at
sobrang sweet mo. Grabe. Babe...” ang sabi kong paputol-putol na parang robot.
Biglang nawala ang saya at
panlalandi sa mukha niya.
“...Well, another thing. Stop
calling mo baby, babe, at kung ano-ano pang kaletsehan, at kung ano-ano pang
terms of endearment. Kapag tinawag mo uli akong baby o babe, talagang
isusungalngal ko sa bibig mo ang isang sanggol, kahit na sanggol ng isda at
kung ano pang hayop...” ang sabi niyang parang sasagpang ng tao kahit anong
oras.
Bigla akong napangisi.
“Eh anong gusto mong itawag ko
sa’yo...”
Pero nanatiling seryoso ang
mukha niyang parang kakain ng tao.
“Christopher...”
“Christopher?”
“Oo, Christopher. Kung gusto
mo, Chris. The same goes for you. Hindi Fonse ang itatawag ko sa’yo kundi
Carl.”
Saka ako napasinghal, “Ano bang
problema mo sa Babe at sa iba pang terms of endearment?”
“Masagwa. Dumudugo ang cochlea
ko kapag nakakarinig ako ng mga ganoon lalo na kung mula sa iyo...” saka
biglang tumaas ang kanyang kilay.
“Eh kesa naman tawagin kitang
Chong. Eh para kayang Chong-go, hindi mo
ba narealize mo ‘yun? Ano, gusto mo tawagin kitang Chong-go...”
Biglang lumiit ang mga mata
niyang malalaki. “Sige, tawagin mo akong Chong-go, pero tatawagin kitang PUNSO.
Ano, okay ba sa iyo iyon?” ang sabi niyang pasinghal. "...hindi mo ba
naisip na para kang tirahan ng duwende sa palayaw mo. Siguro kaya ka naipagpallit
ni Grace ng ganoon kadali kasi tirahan ka naman talaga ng duwende..."
"Ha, anong duwende? Anong tirahan ng duwende?"
Ang gulo kaya ng sinasabi niya. Duwende, tirahan ng
duwende? Sinasapian na naman siya.
"...Wala..."
“Bakit kasi hindi na lang Fonse.
Eh ‘yun na ‘yung nakasanayan kong tawag sa akin ng mga kaibigan at pamilya ko,
ng mga kaclose ko...”
“Exactly my point...”
“Huh?”
“Bakit, ganoon na ba tayo
kaclose para tawagin nga kitang Fonse?” ang sabi niya habang parang nakayakap
sa kanya ang kanyang mga braso.
Nabilaukan naman ako.
“Eh pareho naman kaming may
Carl ni kambal eh...”
“Bakit, Carl ba ang tawag sa
kakambal mong si Alfred...” ang sabi niya habang nakataas ang kanyang kaliwang
bahagi ng kanyang labi.
EH DI, WALA NA ‘KONG SINABI.
“Wala naman sa kasunduan ‘yan
eh, kaya pwede ko pa ring suwayin...”
“Sige, pero pagkatapos lumabas
ng kung ano mang terms of endearment diyan sa bibig mo, asahan mo nang bumula
‘yan...” saka niya itinagilid ang kanyang mukha habang itinataas ang kaliwa
niyang kilay. “...at tandaan mo rin, magaling akong magbiro...”
“Eh may magagawa pa ba ako?”
“Meron...”
Ayan na naman siya sa walang
katapusang pagsasabing ‘yung lang ang natatanging solusyon sa lahat ng ito...
“Maghiwalay tayo...”
Tatadyakan ko na ‘tong taong
ito eh!
“Wow, galing. Oh, ano? Gagawin
mo na?” ang sabi niyang nandidilat ang mga mata.
Tiningnan ko na lang siya ng
matulis.
“Sige payag na akong tawagin
kang Chris, pero may hihingin akong pabor...” ang sabi kong tila nagmamaka-awa.
“Siguraduhin mo lang na hindi
‘yan sagot sa quiz...” ang sagot niyang nagmamataray.
“Hindi! Eto talaga, tanggalin
mo na nga ‘yang ganyang suspetsa sa akin. Hindi nga lang sagot sa quiz ‘yung
habol ko sa’yo...” ang sabi ko sa kanya habang ikinukumpas ko sa harap niya ang
kamay ko.
“Eh ano ‘yang hinihingi mong
pabor?”
“Pwede bang tulungan mo ako sa
International Dance namin sa Kinesthetic?” saka ako nagpacute sa kanya para
mapapayag ko siya.
Pero ngumiti lang siya ng
dahan-dahan na parang nang-iinsulto.
“...Yuck, ngayon ka pa lang
nagtatake ng Kinesthetics. Kadiri ‘to...” Alisin mo pala ‘yung “parang” kanina,
talagang nang-iinsulto siya.
“Eh full na kasi noon eh,
ngayon na lang ako ulit nagkaroon ng pagkakataon na itake siya ulit...” ang
sabi ko sa kanya habang tinitingnan siya ng diretso. Nagsisinungaling kasi ako.
Kung iiwas ako sa kanya ng tingin, mas mahahalata niya iyon. Kaya kailangan
kong umarteng ngayon ko pa lang talaga itatake ‘yung Kinesthetics.
“...Ngayon mo pa lang
itatake...o...bumagsak ka noong una mong tinake...” ang sabi niyang kalmante.
Tae lang. Tae.
Bakit pa kasi ako
nagsisinungaling eh alam ko namang malalaman ni Chong ‘yung totoo?
“Magsisinungaling ka na lang di
mo pa ayusin. Oo, nakatingin ka nga sa akin ng diretso, pero suriin mo ‘yung
logic mo. Sa tingin mo naman mapupuno ‘yung Kinesthetics ng ganoon, to the
point na wala ka ng slot na makukuha. Eh pwede ka namng magcross-enroll.
Imposible namang iwanan mo ‘yun, eh may barkada kang gagad na matapos sa
Physical Education dahil hassle magdala ng uniform...”
Tinulisan ko na lang ang nguso
ko.
“BInagsak ka ng prof mo no...”
ang sabi niya habang dahan-dahang umalis sa pagkakasandal sa mesa at itinuwid
ang upo niya.
“Oo na, oo na. Kaya nga
tulungan mo na ako dahil isa ring istrikto ‘yung prof ko ngayon. Kapag bumagsak
pa ako uli, wala na akong mukhang maihaharap...”
“Ganoon ba katigas ‘yang
katawan mo?” saka siya kumurap ng dahan-dahan na parang nag-aasar sa
pagkasarkastiko.
Iniwasan ko na lang ang tingin
niyang parang namamahiya. “Yata...”
“Talaga lang ha...”
“Kaya nga tulungan mo na ako.
Magpapractice kasi mamaya ng hapon ‘yung mga kagroup ko. Eh may quiz ako din
ako sa Statics kaya wala akong magagawa kundi huwag umattend sa practice.
Magkasabay kasi ‘yung oras nila. Kapag hindi ko alam ‘yung mga steps sa sayaw
sa Monday, patay ako. Bagsak na naman ako...”
“Oh, ano ang gusto mong gawin
ko?” ang tanong niyang naiirita.
“...Pakirecord ‘yung sayaw
nila...Sige na, please...” ang pagmamaka-awa ko sa kanya.
“Eh bakit hindi ka na lang
maki-usap sa mga ka-group mo?” saka niya muling pinagkrus ang kanyang braso sa
kanyang dibdib.
“Ehhhh, mahirap eh. Hindi ko
naman kasi sila masyadong kakilala, nagcross-enroll kasi ako,” napailing na
lang ako. “Tapos karamihan sa kanila mga bakla, lalo na ‘yung leader namin.
Lagi akong pinag-iinitan, parang may gusto sa akin...” saka ko siya tiningnan
ng patagilid na parang gusto kong sabihin na may kaagaw na siya sa akin.
Pero kumurap lang uli siya ng
may buong pag-iingat.
“Wow, galing ah. Kung makabakla
ka, parang hindi ganoon ‘yung kaharap mong hinihingan mo ng tulong...”
“Eh...iba ka naman sa mga ‘yun.
Ikaw, kilala na kita, kaya hindi na ako nahihiya sa iyo, kasi kare...” bigla akong natigilan.
Biglaan niyang isinandal ang
kaliwa niyang siko sa mesa habang ang kanyang braso ay nakaunat sa mesa. “Anong
‘ka’? ‘Ka’...” ang sabi niyang nakangiti habang parang baliw na nandidilat at
umiling pakanan.
Shit!!! Hindi ko maituloy!!!
“Dali, anong ‘ka’?” ang sabi pa
rin niyang nakangiti ng nakataas ang dalawang kilay.
“Ka...Ka...”
Sasabihin ko na ba? SHET!!!
“...Ka...relayon...” ang sabi
kong paangas sa kanya para bawiin ‘yung pag-iwas kong sabihin ‘yun. Sabihin pa
niya ikinakahiya ko ‘yung namamagitan sa amin. Pero...
...paano ko nasabi ‘yung
salitang ‘yun?
Saka niya dahan-dahang inilagay
sa kanyang harapan ang dalawa niyang braso parang niyayakap ang kanyang sarili.
“Eh kung naghahanap ka ng taong hindi ka mahihiya, nandiyan naman sila Brix,
Lem, at Fred...”
ANO BA!!! HINDI NA LANG KASI
UMO-OO!!!
“Pagtatawanan lang ako nang mga
‘yun. Nang malaman nga nilang bumagsak ako sa Kinesthetics halos mamatay sila
sa kakatawa, tapos sa kanila pa ako makiki-usap. Mas pagtatawanan pa ako ng mga
‘yun kapag nalaman nila kung sinong mga kagroup ko. Tsaka ayoko kasing
maka-abala sa kanila...” Talagang dinibdib ko ang pagpapaliwanag. Kahit na
magmukha akong desperado, kahit na desperado na talaga ako, kailangan ko siyang
mapapayag dahil siya lang ang makakatulong sa akin.
“Ohhhh... So sa tingin mo, ‘yang
hinihingi mo ay hindi makaka-abala sa akin?” Bigla niyang itinaas ang kanyang
kilay habang nakangiting parang nang-iinis.
“Grabe ka naman...” ang sabi
kong malungkot at parang batang nagmamaka-awa. “Talaga bang abala ang tingin mo
sa akin kahit na nagmukha akong tanga, kahit na halos ipahamak mo ako sa
kakahabol ko sa’yo?”
“...Kung sasabihin kong oo,
maghihiwalay na ba tayo?” saka siya ngumiti ng sobrang saya.
Fuck!!!
“Ang kulit mo talaga! Kung
hihiwalayan kita, dapat ginawa ko na ‘yun noon pa! Kaya pumayag ka na, kasi
diba ang dami ko ng ginawa para sa’yo, kahit konting tulong lang, tutal vacant
mo naman ng Statics namin eh...”
“...Wow, at talagang
tinitingnan mo na ‘yung schedule ko. ‘Wag mong sabihing may printed version ka
pa niyan...” Kumurap uli siya ng dahan-dahan habang nakatingin ng pailalim.
Bigla akong napangiti. “Tiningnan
ko lang para wala kang lusot, tsaka noon ko pa naman tinitingnan ‘yun eh. Kaya
sige na, tulungan mo na ako. Irerecord mo lang naman ‘yung sayaw nila, para
alam ko ‘yung steps eh. Please, kapag bumagsak pa ako uli wala na akong mukhang
maihaharap kila kambal, maski sa’yo ...” pagmamaka-awa ko sa kanya.
“...Okay lang. Ikaw naman ang
mawawalan ng mukhang ihaharap eh, hindi naman ako...” saka niya uli isinandal
ang mga braso niya sa mesa habang umiirap.
Kung wala lang akong
nararamdamang kakaiba sa taong ito, matagal ko na siyang sinuntok!
“Naman eh, Ch...” Bigla akong
nabilaukan, oo nga pala. Hindi ko na siya pwedeng tawaging Chong. Shit!!!
“Ano kamo?” ang tanong niya
habang pinandidilatan ako ng mata.
“Ch...Ch...Ch..Chi-ris...” ang
paputol-putol kong sabi. Buti na lang namalayan kong Chong na sinasabi ko,
kundi bumubula na ang bibig ko.
Ngumisi siya. “...Kung aayaw
talaga ako, anong gagawin mo?” saka siya
ngumisi.
Tinulisan ko ang nguso ko.
“Tatanggpin ko na lang na babagsak ako sa Kinesthetics kahit mahirap...” saka
ako tumingin sa baba. Gusto ko talagang ipamukha sa kanya na kawawa ako.
“...Edi tanggapin mo na ngayon
pala, dahil aayaw talaga ako...”
Tiningnan ko na lang siya ng
matulis at pailalim.
“...Kung tutuusin pwede ka
naman makiusap sa iba mong kaibigan. Tutal naman, napalakas ng karisma mo...,”
kumurap siya ng dahan-dahan na parang nang-iinsulto, “kahit sino naman
mapapayag mo. O sige sabihin na lang nating mas gugustuhin pa ng mga kaibigan
mong mag-DOTA kase magrecord ng napakapambabaeng sayaw, edi maki-usap ka sa mga
kagrupo mo na irecord ‘yung sayaw. Hindi ba ang dali lang gawin ng mga ‘yun.
‘Yung sinasabi mo namang ang dami-dami mo ng ginawa para sa akin kaya gawan
naman kita ng pabor, edi parang sinasabi mo na rin na kaya mo ginawa ang mga
bagay na iyon dahil may hinihingi kang kapalit mula sa akin. Hindi ba ganoong
ang labas non?”
Wala akong nagawa kundi
sumimangot at iwasan ang tingin niya sa akin.
Kung tutuusin tama naman siya.
Pwede naman akong maki-usap sa iba talaga eh. Kahit hindi na kila Fred, Brix,
Lem, at sa iba ko pang mga kaibigan, kahit sa mga kagroups ko lang, alam ko
naman magagawa nila ‘yun. Ang dali lang kayang magrecord. At kung gagawin ko
‘yun, hindi ko na maabala si Chong. Pero may plano kasi ako eh, hindi naman ako
basta lang magpaparecord sa kanya ng sayaw...
...MAGPAPATURO AKO SA KANYA NG
SAYAW!!!
Isipin mo ‘yun! Magsasayaw kami
ni Chong ng tango, ballroom, at kung anumang sayaw, basta ang importante,
talagang magdidikit ang mga balat namin!!! WAHAHAHAHA!!! Eh tutal, Pwede nang
magdikit ang mga balat namin, edi lasapin ko na. Talagang lalasapin ko dahil
sasayaw kami. Akalain mong naisip ko ang bagay na ‘to. Mukhang may mabuting
dulot ang pagsama ko kay Chong ah, nagiging ka-utak ko na siya.
“...at duda rin akong pagpaparecord
lang ng sayaw ang habol mo. Matigas nga kamo ang katawan mo diba, edi syempre,
maghahanap ka rin ng magtuturo at magpapalambot ng katawan mo. At hindi naman
ako siguro magiging garapal kung sasabihin kong ako ‘yung iniisip mong
magtuturo sa’yo dahil ako naman talaga ang naiisip mong gagawa nun para sa’yo.
Oh ano? Sa tingin mo, mas mahihikayat mo akong pumayag kung ‘yan ang gusto mong
mangyari?”
Shet!!! Pati ba naman ‘yun,
nalaman niya? PATI BA NAMAN ‘YUN?
“...nalaman ko ngang bumagsak
ka sa Kinesthetics ng walang ginagalaw na daliri, tapos inaasahan mong hindi ko
malalaman ‘yang madumi mong pinaplano, CARL...” Talagang dahan-dahan niyang
sinabi ‘yung pangalan ko, sinabi niya iyon na parang nang-aasar, na parang
nang-uuyam, na parang pagpapamukhang ni sa katiting ay wala ako sa kanya.
Oo na, sisimangot na lang uli
ako.
“...pero, in all fairness ah,
nag-iimprove ang planning skills mo ah. Alalahanin mo lang na hindi mo dapat
ginagamit ‘yan sa taong nagturo sa’yo nito...“ ang sabi niyang nakangiti habang
parang nagpapacute na umiling pakaliwa at tinitingnan akong patagilid.
Nakakainis, talagang
nakakainis. Wala na akong nagawang gusto ko para sa amin. Lagi na lang ‘yung
gusto niya. Lagi na lang niya akong nahuhuli. Lagi na lang. Gagawin ko pa lang
gagawin, malalaman na niya kaagad. Ano bang magagawa kong hindi niya mahuhuli,
ano bang magagawa akong hindi niya na mahihindian. Teka...
Tumayo siya’t isinukbit ang
body bag niya. “...Oh, I guess, this conversation is over. Till next time...”
saka siya nagbabye ng dahan-dahan gamit ang kamay niya habang nakangiti siyang
nang-aasar at nakatingin ng pailalim.
“...Kung isisigaw kong
magkarelasyon tayo, papayag ka ba sa pabor ko...” ang sabi kong seryoso.
Inangat ko ang tingin ko nakababa. Huminto siya sa paglalakad at nanatiling
nakatayo.
Mukhang eto na nga ‘yun, pre!!!
Bigla niya akong nilingon. Pero
nanatili siyang nakatayo at tiningnan akong patagilid. “Hindi mo ‘yun magagawa.
Hindi mo nga naamin kina Grace, kay Fred, at sa barkada mo, tapos masasabi mo
sa maraming tao...” ang sabi niyang nakangiting kampante habang tinitingnan pa
rin ako mula sa kanyang ilong. Sinabayan pa niya ito ng mahinhing iling.
Napakurap na lang ako. Tama
naman siya eh, tamang-tama. Hindi ko nga masabi sa kanila kung anong meron
samin ni Chong, tapos sasabihin ko sa maraming tao, sa building pa ng
Engineering. Ilang beses ko ng sinubukan pero hindi ko naman nagawa...
Ngumisi na lang si Chong at
saka dahan-dahang umikot para lumayo sa akin. Sinabayan ng mahinhin niyang
kilos ang halos pagsayaw ng body bag niya.
...Eh bakit hindi ko subukan
uli ngayon...
“MAGKARELASYON KAMI NI...!!!”
“FONSE!!!!” ang biglang
pagsigaw ni Chong habang tinatakpan niya ang bibig ko.
Biglang lumaki ang singkit kong
mga mata.
Naaligaga si Chong. Kahit hindi
na ganoon kahalata, tiningnan lang niya ‘yung mga taong nasa tabing hallway ng
Engineering Building. Talagang ‘yung eyeball lang niya ‘yung umiikot. Tiningnan
ko na rin ‘yung mga taong nakapaligid sa amin, dahil konti lang ‘yung upuan sa
hallway, konti lang lahat ng tao doon at hindi pa lahat ng upuan may naka-upo.
Pero lahat sila nakatingin sa amin.
“...Yuck...” biglang niyang
ipinunas sa balikat ko ‘yung kamay niya medyo nabasa ng laway ko. Talagang
diring-diri siyang ipinunas ito.
Wahahahaha!!! Akala mo kung
sinong laging kalmante, wahahahahha!!! Edi naaligaga rin siya! Akala niya ha,
akala niya hindi ko kayang gawin. Edi ginawa ko, muntik nga lang kasi pinigilan
niya ako. Wahahaha!!! Pero teka, tama ba ‘yung narinig ko...
“...Te...ka, CHRIS...”
dahan-dahan kong pagdidiin sa pangalan niya. “...ano uli ‘yung itinawag mo sa
akin?” saka ko ginaya ang pandidilat niya ng mata sa akin habang nakangiti,
kahit na pabiro lang at kahit na singkit ako.
...Para tuloy akong tanga...
Biglang umikot-ikot ‘yung mata
niyang parang nag-iisip matapos tumingin sa akin. Halata ‘yung kalituhan sa
tingin niya, ‘yung kalituhang hindi niya hawak ang nangyayari sa paligid niya.
Dapat lang. Wahahaha!!!
“...Fonse ang itinawag mo sa
akin diba...” Ngumiti uli akong nang-aasar habang tinitingnan siya. Talagang
ginaya ko kung ano mang ginagawa niya parang baliw siyang tinatakot ako, kapag
ipinapahiya niya ako, kapag ipinapamukha niyang alam niya lahat ng bagay, at
kahit na may mga bagay siyang hindi nalalaman, malalaman at malalaman niys iyon dahil siya si Chong.
Napapikit na lamang siya habang
umiiling pakanan. Ngumiti rin siyang parang hayop na sasagpang ng kakainin
nitong hayop, na parang may pinipigil na bagay.
Edi mukhang nanalo ako
ngayon!!!
Bigla niyang itinuon ang ulo
niya sa akin habang tinitingnan ako paibaba.
Napaiwas na lang ako ng tingin.
“..Ahemm...” ang kunwari kong
pag-ubo. Eh syempre, kahit na tingnan niya ako ng ganoon, ako pa rin ang nanalo
ngayon. Wahahaha!!! Hawak ko siya ngayon sa aking mga kamay!!! Eh, ano pa nga
bang isusunod ko?
“...Oh, paano ba ‘yan. Mukhang
hindi mo sinunod ang sarili mong utos.” Ang sabi kong nakatingin papalayong
parang nagmamayabang. Pero titingnan ko rin siya ng kaunti at malalamang kong
nakatingin pa rin siya sa akin kaya iiwas na lang ako. “Oh, anong gagawin natin
niyan. Diba parang unfair naman sa akin ‘yun kasi, kapag ako naman ‘yung hindi
tumutupad sa mga usapan namin, halos ilublob ako sa kumunoy ni CHRIS sa kaba eh. Hindi ba dapat may kabayaran
‘yun, kasi nag-effort akong tawagin kang CHRIS tapos kapag tinawag mo akong
FONSE, wala lang, ganoon lang...” ang parang nagtatampo kong sabi.
Inirapan lang ako ni Chong.
“...Eh paano ‘yun, hindi ko
naman kayang makapagpabula ng bibig ng isang tao, atsaka kahit na kaya ko,
hindi ko naman magagawa kay CHRIS kasi...” saka ako tumayo at bumulong sa
kanya, “...karelasyon ko siya...”
Ang bango niya, ang sarap
kagatin ng tenga niya, ang sarap haplusin.
“...paano kung irecord na lang
kaya ni CHRIS yung sayaw ko sa Kinesthetics atsaka turuan niya akong sumayaw sa
Sabado sa bahay namin...”
Pero patagilid lang niya akong
tiningnan ng matulis.
“...Ops, ops, ops. Syempre alam
kong proproblemahin niya ang daan papunta sa amin, kaya dito muna kami
magkikita sa campus. Okay na ba ‘yun sa kanya? ” ang sabi kong payabang habang
iniikot ko ang tingin ko. Nanatili siyang nakatayo pero hindi nakatingin sa
akin.
Wala siyang nagawa kundi
kumurap, pero hindi dahan-dahan, kundi parang naiinis dahil natalo siya.
“...pwede na ba ‘yun, ha,
righteous and fair CHRIS...” saka ko
siya tinapik sa kanan niyang balikat.
Bigla niyang itinuon sa akin
ang kanyang ulo at parang nananakot na itinaas ang kanyang kilay habang
nandidilat.
Eh, paano ba ‘yan, alam ko
‘yung iniisip niya.
“...Oo na, oo na...” ang sabi
ko habang umiiling, “...Condition number 3, hindi ba. Eh paano ba ‘yan,
magkaiba ang tapik sa akbay, hindi ba...” saka ako ngumiti ng nang-aasar.
Napakurap na lang siya ng
dahan-dahan at ngumiting pinaliit ang labing parang may pinipigil.
“...oh, bukas na lang uli ha.”
Ngumiti ako ng maaliwalas. “...pakisabi kay CHRIS, excited na ako sa sayaw
namin bukas, ha...” at saka ko siya tinapik uli.
Wala ng reaksiyon ang kanyang
mukha pero kumukurap pa ring siyang naiinis.
“...Tapik ‘yun ah, bye...” ang
bulong ko sa kanya saka ako umalis ng nakangiti.
SA WAKAS!!! MATAPOS NIYA AKONG
KAWAWAIN, PAHIRAPAN, PAKABAHIN, AT KUNG ANO-ANO PA, NAISAHAN KO RIN SI CHONG!!!
Akalain mong nagawa ko ang
bagay na ‘yun. Wahahaha!!! Edi naisahan ko rin siya!!! Ganoon lang pala
kadaling isahan si Chong eh!! Wahahahahahaha!!! Wahahaha!!!
WAHAHAHAHA!!!
NAISAHAN KO SI CHONG!!!
WAHAHAHAHA!!!
NANALO AKO SA KANYA NGAYON!!!
WAHAHAHAHAHA!!! WAHAHAHAHA!!!
WAHAHAHAHAHAHA!!! WAHAHAHAHAHAHAHA...HAHA ...AHEM...Ahem...
...Nabilaukan ako...
grabe naman magkarelasyon ba tlga sila.. bkit di na lng sila magpatayan.. di na ata sila magkakasundo.
ReplyDeleteEasy lang, dadaan rin sila sa sweet-sweetan. Kailangan lang idevelop ng maayos dahil matigas ang character ni Chong.
Deleteahahahahaha!sa wakas nakaungos din Fonse!grabe mag asaran ang magkarelasyon..ayy magkarelasyon nga ba?? :D
ReplyDeleteNyahaha!!Adik!!! Nakakatawa talaga si Fonse!Hitler ba naman kasi ang ginusto! Next chapter,sa bahay ni Fonse?Andun din si Fred xiempre!
ReplyDelete-caranchou
Nice..funny ung chapter na to..dami ko tawa mga 30....
ReplyDeleteWow, bilang...XD
Deleteang tagal naman ng next chapter nito nilangaw na kami kakahintay, excited na ko para sa sususnod :)
ReplyDeleteAy tae, pasensiya na... Nahihirapan kasi ako sa dance sequence nila eh...
ReplyDelete