Followers

Tuesday, December 11, 2012

Munting Lihim [16]


[16]

By: Mikejuha

Author’s Note:

Salamat po sa pagboto. Please DON’T SHARE this story.

Maraming salamat po.

TC

-Mikejuha-
-------------------------------------------


Nagising ako kinabukasan na medyo masakit ang ulo. Disoriented, masakit din ang katawan, pagod na pagod, antok na antok, at parang gusto ko na lang na huwag bumangon sa higaan.

Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding. Alas 9 na pala ng umaga. Kinapa ko ang aking katawan. Nakahubad ako at sa aking tabi ay si Brix, wala ring saplot sa katawan.

“Uhmmmmm!” ang pag-unat ni Brix sa kanyang mga braso. Nagising siya sa aking paggalaw. Noong nakita niya ang wall clock, bigla siyang napabalikwas sa higaan. “Shiiit! Late na tayo love!”

Ngunit hindi ako gumalaw sa aking pagkahiga. Tumagilid lang ako na parang wala akong pasok o mga responsibilidad sa araw na iyon. Pakiwari ko ay naroon na naman ang lungkot, ang sakit ng pag-iwan sa akin ng kuya Andrei. Parang ayaw ko nang lumaban pa sa buhay. Ayaw ko na ng pressure, ayaw ko na ng responsibility, ayaw ko nang humarap sa mga tao na wala namang maitutulong sa aking buhay.

“Love! Alas 8 ang pasok mo... hindi ka ba papasok?”

“Arrgghhhhh! Istorbo eh! Natutulog ang tao! Inaantok pa ako!”

“Oo naman. Pero may pasok ka pa, may pasok pa tayo!”

“Hayaan mo na... araw-araw naman iyang pasok. Iyang eskuwelahan, hindi umaalis iyan. Hindi ka iiwanan niyan. Nakatirik lang iyan sa kanyang kinatatayuan. Ano ba ang ikinatatakot mo?”

“Anong ikinatatakot...” napakamot siya sa kanyang ulo. “Nalimutan mo na bang nag-aaral ka? Bakit matatakot? E kung bumagsak ka?”

“Kaya ko iyan. Ako pa. Kahit hindi ako papasok ng ilang araw, pag nagtest iyan, mas pasado pa ako kesa mga kolokoy na mga estudyante d’yan.”

“Ang sa akin lang, gusto kong maging cum laude ka, magna cum laude, o kaya ay summa cum laude...”

“Lahat ng ‘laude’ na iyan, aangkinin ko. Malayo pa iyon, ilang taon pa. Don’t worry.”

“Hindi mo makukuha ang titulo na iyan kung ngayon pa lang ay magsimula ka na sa mga gradong mababa...”

“Dami mo namang sinabi...”

“Hindi naman sa ganoon love. Gusto ko lang na walang masira sa record mo sa school. Iyang record mo sa school ay pang habambuhay mong record iyan. Kapag na-print na ang grado mo, hindi mo na mabubura pa iyan sa iyong transcript. Kapag naghahanap ka ng work, titingnan iyan. At lalo na kapag ga-graduate ka pang may honors, sigurado tanggap ka agad.”

“Titigailan mo ba ako o hindi?!!!”

Natahimik siya.

“Gusto kong makatikim uli ng marijuana mamaya...” ang pagbasag ko sa katahimikan.

Hindi siya sumagot.

“Bibigyan mo ba ako o hindi? Dahil kung hindi, sa labas ako maghanap.” ang pagbabanta ko pa.

“O-ok, ok... bibigyan kita. Pero may hihilingin din ako sa iyo.”

“Ano?”

“Doon tayo magbreakfast sa bahay...”

“Bakit doon?”

“Ipakilala kita sa mga magulang ko.” ang casual niyang pagkasabi.

Nabigla rin ako sa aking narinig. Syempre, para sa isang taong nagmamahal, napakalaking bagay para sa minamahal ang ipakilala sa mga magulang. Nakakataba ng puso, nakakakilig, nakaka-proud.

Ngunit binalewala ko iyon. “Bakit kailangan pa tayong doon kumain? E, di mabubuking tayo na hindi pumasok? Hindi ka ba nag-isip? Next time na lang!” ang pagdadabog ko pa. “Gusto kong dito lang sa kuwarto matulog, magrelax, kalimutan ang pressures sa lintek na eskuwela at mga taong iyan.”

“Paano kung babagsak ka sa subjects mo? Hindi ka ba natatakot?”

Inabot ko ang isang unan na nasa aking paanan at niyakap iton, itinakip sa aking mukha. “Hindi ko pa naranasan ang bumagsak sa klase. Gusto kong maranasan iyan. Huwag ka nang makulit. Ayaw mo bang makasama ako sa kuwarto ng buong araw?”

Wala nang nagawa pa si Brix kundi ang bumalik muli sa higaan. Tumabi siya sa paghiga sa akin, nakatagilid paharap sa akin samantalang ako ay nakatagilid din patalikod sa kanya. Naramdaman ko ang braso niyang idinantay sa aking katawan. “Love... hindi ka naman ganyan dati eh. Dati-rati, eskuwela palagi ang priority mo. Natataranta ka kapag late na. At wala sa bokabularyo mo ang salitang absent. Mga assignments palagi ang laman ng ating pag-uusap, ang mga bagong natutunan mo sa mga subjects. Naalala mo dati, kahit hina-harass kita, binu-bully, inaagawan ng upuan, bale wala lang sa iyo iyon. Papasok ka pa rin, maghanap ng upuan, kahit sa pinakadulong puwesto pa, kahit sirang upuan pa, hindi mo alintana, basta naririnig mo ang guro, nakakapagsulat ka. Ni pagsusumbong sa ginawa ko ay hindi mo ginawa. Tiniis mo ang lahat basta wala lang gulo. At noong naging tayo na, lalo ka pang bumait sa akin. Tinuturuan mo na ako, tinutulungan sa klase, ini-encourage na huwag mag-absent o mag skip gaya ng nakagawian ko.”

“Noon iyon. Iba na ako ngayon.” Ang maiksi kong sagot.

Tahimik.

“M-may problema ka ba?” ang pagbasag rin niya sa katahimikan.

“Wala...”

“B-bakit ka nagkaganyan?”

“Puwede ba huwag na nating pag-usapan iyan? Basta ayoko lang. Tinamad na ako at pagod na sa pag-aaral.”

“Paano na lang ang scholarship mo? Paano ka niyan makatapos sa pag-aaral?”

At doon na tumaas ang boses ko. “Pwede ba tumahimik ka?!!! Letseng buhay naman ito o, daig mo pa ang magulang ko kung makapagbigay payo ka! Bakit ikaw ilang beses ka rin namang pabalik-balik ng pag-aaral ah! Di ba ilang beses ka ring bumagsak sa high school? Idol kita kaya pangarap ko ring sundan ang yapak mo!” ang sarcastic ko pang sagot.

“D-dati iyon love... At ayoko nanag maulit pa iyon. Mahirap ang ganoong sitwasyon. Oo nag-eenjoy ako, tumatawa, naramdaman ang tuwa ng mga ginagawang kabalabalan at kalokohan. Ngunit pagkatapos noon, parang wala na namang maramdaman. Parang may hinahanap pang iba, hindi alam kung ano. Parang napakababaw lang ng lahat. Kumbaga, skin-deep. Hindi kagaya ngayong nagbago na ako na proud ako sa sarili ko, dahil pinagsisikapan ko ang mga bagay na noon ay taken for granted ko lamang. Kahit sa simpleng pagpasa ko lang ng isang subject, sobrang saya ko na dahil nagawa ko ang tamang bagay. At ngayon ko lang din naramdaman ang saya na may mga tao palang nagmamahal sa akin, at proud sa ginawa kong pagbabago. Ang mga magulang ko... ang mga tunay kong kaibigan. At ikaw ang dahilan ng aking pagbabago.”

“Ako pala ang dahilan. e. Di bumalik ka sa dati! Hindi ko naman intensyon na magbago ka eh!”

“Mahal kita kasi eh...”

“Peste! Kung gusto mong pumasok sa eskuwela, pumasok ka! Huwag kang mandamay! Daming satsat!” sabay balikwas at tinumbok ko ang kusina.

Tiningnan ko ang mga kaldero kung may laman at noong nakitang walang laman ang mga ito, ibinagsak ko ang takip nito sa mismong mga kaldero. Nag-ingay talaga ako. Nagdadabog.

Dali-dali namang nagpunta ng kusina si Brix. Tiningnan ang kaldero at noong nakitang walang laman ito, mahinahon na nagsalita, “Magpa-order ako ng pagkain natin love...”

Hindi ako umimik. Padabog kong binuksan ang refregirator at noong nakita ko na may beer pa sa loob, iyon na ang kinuha ko, hinablot ang opener na naksabit sa gilid at binuksan ang bote. “Kung gusto mong pumasok, pumasok ka. Wala akong ganang pumasok. Ngayon, kung magpaiwan ka, gusto kong humithit muli ng marijuana... Nagustuhan ko ang epekto niya. Sumaya ako noong natikman ko siya...” sabay tumbok muli sa kuwarto dala-dala ang binuksan kong beer atsaka umupo sa gilid ng kama.

Alam kong nasaktan si Brix. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang ibayong lungkot. Walang imik na sumunod siya sa akin sa kuwarto at tumabi sa aking inupuan.

Hindi rin ako kumibo. Nakaupo siya sa tabi ko, malalim ang iniisip, nakababa ang balikat na tila hapong-hapo, nakatutok ang mga mata sa sahig.

Nakakabingi ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

Mayamaya, nilingon niya ako, “M-mahal mo ba talaga ako?”

Na sinagot ko naman ng padabog na, “Ano sa tingin mo?”

“P-parang hindi naman kasi...”

“Papayag ba akong dumito ka kung hindi? Puwede naman akong sa boarding house eh. At puwede rin akong nag-iisa lang dito. Kung ayaw mo, e di iwanan mo ako rito! Problema ba yan!”

Hindi na siya umimik. Tahimik na dinampot ang intercom at nag-order ng aming makakain. “Ano ang gusto mong kainin love?”

“Kahit na ano! Huwag lang lason!”

“Hot dog and scrambles eggs please.” Ang sabi niya sa kabilang linya ng intercom. “Pakidag-dag na rin ng fried chicken, noodles, one coffee and one milk...”

“I don’t want milk!” bulyaw ko.

Tiningnan niya ako. “Akin ang milk.” Ang mahinang sagot niya

Pagkatpos niyang maibaba ang telepono, tumayo siya at dinampot ang cp na nakalatag sa ibabaw ng mesa. Ako naman ay nahiga sa kama. May pinindot siyang numero at noong nacontact na ang tao sa kabilang linya, nag-usap sila. Narinig ko sa kanilang pag-uusap na nakisuyo siyang hanapan siya ng marijuana.

Noong natapos na silang mag-usap, humiga na siya sa kama, sa tabi ko. Ang kanyang mga mata ay nakatutok sa kisame na tila napakalalim ang iniisip.

Hindi ko siya pinanasin. Tumagilid ako patalikod sa kanya.

Hanggang sa dumating ang inorder niyang pagkain, at kumain kami. Gutom na gutom ako. Noon lang ako nakaranas ng sobrang pagkagutom. Siguro ay epekto iyon ng marijuana. May narinig kasi akong sabi-sabi na nakakagutom daw ang marijuana.

Wala kaming imik habang kumakain. Ramdam ko sa kanyang kilos ang lungkot. “Gusto ko sana love ay pumasok ka...”

Nahinto ako sa pagkain. Tinitigan siya ng matulis. “Gusto mo bang itapon ko itong pagkain? Siabi nang ayaw ko eh! Kulit...”

“S-sorry...” sabay yuko. “S-sasamahan na kita rito. Hindi na rin ako papasok.”

“Bahala ka...”

Natapos kaming kumain at kagaya ng dati, sinundo na naman niya ang naghatid ng marijuana. Ayaw kasi niyang matunton ang aming tirahan. Pagprotekta na rin daw ito sa amin kung sakaling magkahulihan.

Nang dumating siya, ganoon uli ang nangyari. Nag-inum muna kami. Kagaya ng dati, alak at noong medyo nalasing na, hinithit na namin ang dala niya.

Muli, naranasan ko ang ibayong saya. Parang wala talaga akong problema. Hindi ko na naisip pa si kuya Andrei. Parang isa lang siyang bagay na hindi na mahalaga sa akin at kung saan ay itinapon ko na. Ang tanging nasa isip ko ay ang hindi ko maintindihang sarap na aking nalalasap sa isip, ang mga bagay na tila nag-iiba sa aking paningin, ang nakakatuwang nakikita ko sa aking sarili, ang tila paglutang ko sa ere, at ang mistulang pabago-bagong anyo ng aking katawan.

At kahit nakaupo lang ako sa sahig, nakasandal ang likod sa dingding, parang hindi lumalapat ang aking puwet sa sahig na aking inuupuan. Para akong nakasakay sa isang flying carpet.

Nasa ganoon akong pag-eenjoy sa kakaibang naramdaman ko noong napansing wala si Brix.

Hinayaan ko na lang, iniisip na baka nag CR lang siya.

Ngunit nakalipas pa ang isang oras at hindi pa rin siya sumipot. Tumayo na ako. Paika-ika, hindi makalakad ng tuwid dahil sa tila pag-ikot ng aking paligid at sa tila paglipad ko sa ere.

Noong natumbok ko ang banyo, binuksan ko ang cubicle. At naroon si Brix na nagulat sa bigla kong pagsulpot. Nakita kong namilipit siya sa sakit, idinidiin-diin ang kanyang kamay sa kanyang tiyan at ngiwing-ngiwi ang kanyang mukha.

“Anong nangyari sa iyo?” tanong ko

“W-wala. natatae lang ako.”

“Ba’t ang tagal?”

“Wala eh... p-parang walang lumalabas. Sige na... balik ka na roon, susunod na ako.”

At bumalik ako sa aming kuwarto. Pinatugtog ko pa ang component.

Maya-maya lang bumalik na rin si Brix, hawak-hawak pa rin ang kanyang tiyan na parang nasasaktan. Hindi ko na iyon pinansin, iniisip na baka may problema lang siya sa kanyang nakain.

Humiga siya sa kama. Maya-maya lang ay nakisaya na siya sa akin. Nagsayaw kami, hubo’t-hubad. Hanggang humantong ang lahat sa halikan at... pagtatalik.

Kinabukasan, ganoon uli ang aming eksena. Hindi pa rin kami pumasok sa klase. Natutulog sa araw, at sa hapon at gabi, inuman muli. May isang bagay lang na naiba sa gabing iyon; nagbar-hopping kami. At hindi pa ako nakontento, hinikayat ko si Brix na pumasok kami sa gay bar.

Medyo natamaan na ako sa aming nainum noon. Pang-lima sa mga bar na napasukan namin ang gay bar na iyon. Lampas ala-una na ng madaling araw ngunit wala akong kapaguran. At sa gay bar na iyon, doon ako mas nae-excite.

Pagpasok pa lang namin ay nakita ko na ang mga lalaki sa entablado na rumarampa. Lumakas bigla ang kabog ng aking dibdib. Parang ang sarap-sarap nilang tingnan. Ang gaganda ng mga porma, karamihan ay macho talaga, halatang inaalagaan ang mga katawan. Matatangkad, makinis, may maputi, may moreno, may chinito. Halos walang maitatapon sa kanila.

Noong sinundan na namin ang crew na siyang naggiya sa amin patungo sa isang bakanteng mesa malapit sa entablado, pansin ko na sinundan kami ng tingin ng ibang mga customers na dinaanan namin. Siguro dahil bago lang kami, hindi pamilyar sa kanila na pabalik-balik na lang siguro roon. At syempre, si Brix din ay guwapo-guwapo, matangkad, macho. At sa suot pa niyang kahit t-shirt lang at maong, bakat ang porma ng katawan. At ako, kahit papaano, may dating din naman. Kung pisikal na anyo nga lang ang natatanging pagbabasehan ng compatibility sa pag-ibig, masasabi kong, match kami ni Brix.

Ngunit dedma kaming dalawa ni Brix sa mga tingin nila. At si Brix naman ay tila nananadya pa. Nandiyang idikit na ang kanyang bibig sa mukha ko habang nagsasalita, ililingkis ang braso sa aking beywang, tititigan ako habang nakatingin ako sa mga macho dancers na rumarampa at sumasayaw. Walang paki sa mga tao. Iyon bang kagaya lang kami ng straight na mga lovers na naglalampungan kahit sa harap ng mga tao, o kahit sa loob pa sila ng jeep na may maraming pasahero.

Unang pagkakataon kong makita ang ganoong mga lalaking rumarampa na naka-brief lang at mistulang mga ahas kung mahsasayaw sa galing nilang gumiling at flexible na katawan. May mga numero silang nakadikit sa kanilang mga brief, marahil ay upang ma-identify sila ng mga customers.

“Puwede bang i-table iyan sila?” Ang tanong ko kay Brix noong napansin kong may mga macho dancers na nakaupo sa ibang mga mesa.

“Oo... gusto mo?”

Napangiti ako. Syempre, ginanahan. “Puwede?”

“S-ige, pili ka...”

At dahil sa pagkapasok pa lang namin ay may natipuhan na ako, “P-pwede iyang #2?”

“Sure!” sagot ni Brix. “Type mo talaga ang balbon ha?” dugtong pa niya.

Napatingin na lang ako sa kanya. Nagkataon naman kasing balbon iyong gusto ko. Macho, matangkad, proportionate sa height niya ang laki ng katawang bilugin. Bigla tuloy pumasok sa isip ko si kuya Andrei na naman. Balbon kasi iyon. Mukha pa lang ay may balbas na. Lalaking-lalaki.

Tinawag ni Brix ang waiter at sinabi sa kanya na gusto naming i-table ang #2 na macho dancer. Wala naman daw palang bayad pero ililibre lang siya sa mga drinks at bibigyan ng tip.

Sobrang saya ko noong lumapit na ang nasabing lalaki. Tumayo si Brix kinamayan ang lalaki. “Brix pare...” ang sabi niya.

“JC.” Ang sagot naman ng lalaki habang tinanggap ang pakikipagkamay ni Brix.

“Partner ko, si Alvin.” Turo ni Brix sa akin. “Siya ang pumili sa iyo”

Ngumiti ang lalaki at inabot sa akin ang kamay niya. Tumayo ako at nakikipagkamay at pagkatapos ay umupo na kami.

“Doon ka sa kabila pare. Pagitnaan natin ang partner ko.” Sambit naman ni Brix.

Nagtabi kami ng itinable naming macho dancer. Sa kaliwa ko siya samantalang sa kanan ko naman ay si Brix. Umurder si Brix ng mainum ng macho dancer.

Dalawa ang pinagtuunan ko ng pansin sa oras na iyon. Ang mga nakahubad na mga macho dancers na nagsasayaw, ang iba ay sadyang ipapakita na ang kanilang pagkalalaki at si JC na siguro dahil alam niyang ako ang umurder sa kanya, ay paminsan-minsang hinihimas ang aking hita, na para bang nanunukso. Siguro ay ganyan talaga ang gawain nila; upang lalo kang mag-init, masiyahan, at bibigyan mo sila ng malaking tip, o di kaya ay upang ilalabas siya.

At si Brix, hindi ko alam kung ano ang naramdaman niya. Maaring nakaramdam ng selos ngunit simula noong tumabi na sa amin si JC, hindi na maalis ang kanyang braso na nakalingkis sa aking beywang. Siguro ay mensahe niya iyon kay JC na syota niya ako kung kaya ay huwag siyang magkamali.

Ngunit, sa pagkalasing ko na at dala na rin ng init sa nakikitang panunukso ng mga nagsasayaw sa harap na sa pagkaktaong iyon ay talagang lantaran nang hinihimas ang kanilang mga ari, napa-tsansing na rin ako kay JC. Nandyan iyong kunyari ay nasasagi ko ang kanyang harapan, ipapatong ko rin ang kamay ko sa kanyang hita, pipisilin ang kanyang baba o pisngi.

Hanggang sa tuluyan nang hinawakan ni JC ang aking kamay at palihim na ipinatong ito sa kanyang tigas na tigas na palang ari. Mistula akong natuyuan ng laway sa ginawang iyon ni JC. Kunyari ay nakatutok ang kanyang mga mata sa stage ngunit ang kamay niya pala sa ilalim ng mesa ay naglalaro na sa kamay ko. At ang kamay ko naman ay lihim at dahan-dahan kong ipinasok sa loob ng kanyang brief.

Ramdam ko ang malakas at mabilis na kabog ng aking dibdib habang ginagawa ko ang paghahaplos at pagpipisil sa kanyang pagkalalaki. Nagkunyari kaming parehong abala sa panonood sa mga nagpapasiklabang macho dancers sa stage ngunit sa ilalim pala ng mesa ay may nangyari nang karumal-dumal.

Hindi ko alam kung napansin iyon ni Brix. Maya-maya, nagpaalam si JC na mag CR.

“Cute talaga niya!” sambit ko kay Brix.

“G-gusto mo siyang ilabas?” sagot naman ni Brix.

Na siya ko namang ikinagulat. Hindi ko kasi inaasahang itatanong niya iyon sa akin. Ngunit dahil naglalaway na ako kay JC, “O-ok lang ba sa iyo?” agad ang sagot ko.

“Ok... ilabas natin siya.” ang deretsahan din niyang sagot. Hindi ko lang alam kung magaan sa kanyang kalooban iyon o napilitan lang. Ngunit wala akong pakialam.

Noong nakauwi na kami, dala-dala na namin si JC. Naka-casual na pantalon na sya, naka long sleeves na hatak ang dulo ng sleeves sa braso. Gwuapo.

Mahiyaing kasama si JC. Halos hindi nagsasalita. Siguro iyon lang talaga ang kanyang pagkatao. Pero syempre, cute at gustong-gusto ko. Feeling ko ay para lang siyang isang laruan o isang tuta na binili ni Brix para sa akin.

“Saan ka rito JC?” ang tanong sa kanya ni Brix noong nasa kotse na kami pauwi. Si Brix ang nasa driver’s seat, ako ang nasa tabi niya at si JC naman ay nakaupo sa likuran namin.

“Dayo lang ako rito boss.”

Tumango-tango si Brix. “Ah... Bakit? Taga-saan ka ba?”

“Sa probinsya...”

“Matagal ka na ba sa trabaho mong iyan?”

“Mag-iisang taon pa lang boss.”

“Ahh...” tumango-tango uli si JC.

“Paano ka napunta sa pagmamacho dancer?”

“Kahirapan boss... walang trabaho ang mga magulang ko, may mga kapatid na nag-aaral. At ako, wala namang natapos kung kaya heto, katawan ang puhunan.”

Nilingon ako ni Brix. Alam ko ang ibig sabihin ng tingin niyang iyon. Gusto niyang maisip ko na kapag ganyang hindi ako nakakatapos ng pag-aaral, wala rin akong choice kundi ang kumapit sa patalin kagaya na lang sa ginawa ni JC.

“Gabi-gabi ba ay may customer ka?” ang pagsingit ko upang malihis ang usapan.

“Minsan mayroon, minsan din ay wala...”

“Ano ang ginagawa mo sa mga customers na pinili kang ilalabas?”

Napangiti ng hilaw si JC. Si Brix naman ay napalingon sa akin, natawang napailing-iling.

“Bakit ka natawa?” ang tanong ko kay Brix.

“Syempre, tinatanong pa ba iyan...”

“Eh, ngayon nga lang ako nakaranas eh.”

“Maranasan mo mamaya. di ba pareng JC?” ang paglingon naman ni Brix kay JC.

Tumango si JC “Sure po iyan” At nginitian ako. “A-ano ba ang gusto mo?” Ang tanong niya sa akin.

“Anong ibig mong sabihin sa ano ba ang gusto ko?”

“Kung gusto mo ba ng hahalikan kita, roromansahin, sasalsalin, susuhin, tirahin sa likod. O kung gusto mo ba ng mahabang foreplay o may gusto kang ipagawang iba...”

Parang gusto kong matawa sa narinig. Deretsahan kasi, walang ka-kyeme-kyeme man lang. “A-ano naman iyong iba?”

“Kagaya ng sabay mga shower, o sa shower tinitira, o di ba sa kama, masahe muna...”

Noong narinig ko ang salintang “masahe” ay bigla na namang pumasok sa isip ko si kuya Andrei. Ang unang karanasan ko sa kanya kasi ay nagsimula sa simpleng masahe. “A-ayaw ko ng masahe. Foreplay na lang.”

Napangiti naman si Brix. Hindi ko alam kung para saan ang ngiti na iyon. Siguro na-imagine niya ang sinabi kong foreplay. Nilingon niya si JC. “Nagpapatira ka rin ba sa puwet, pare?”

“Ah... p-payag naman ako. Pero mas malaki ang price kapag ganoon. At lalo na kung dalawa kayong titira sa akin...”

“Walang problema. Gusto ko lang makatikim itong partner ko.”

Nagsalubong ang aming tingin ni Brix. Kinindatan niya ako sabay sa pagbitiw ng isang nakakalokong ngiti. Syempre, na-excite ako. Hindi pa kaya ako nakaranas na ako ang tumira sa puwet.

Noong nasa loob na kami ng aming kuwarto, dali-daling naghubad si JC. “P-puwede bang maligo?”

“Ok lang pare, may shower d’yan. Pasok ka.”

Nag-shower si JC. Kami naman ni Brix ay naupo sa gilid ng kama. May hinugot siya galing sa kanyang bulsa. Parang durog na tawas lang na nasa loob ng maliit na plastic.

“Ano iyan?” ang tanong ko.

“Wait lang...” ang sabi niya habang hinugot naman sa kanyang bulsa ang isang tin foil. Binuklat niya atsaka binaluktot, inilagay sa gitna ng nabaluktot na foil ang mga durog na tila tawas.

“Ano nga iyan???” giit ko.

“Shabu” ang maiksi niyang sagot habang inabot ang lighter na nasa ibabaw ng maliit na mesa na nasa gilid lang ng kama.

Noong nakasindi na ang lighter, “Langhapin natin ang usok. Kagaya ng marijuana, ang usok ang importanteng pumasok sa ating baga.”

Itinapat niya ang nakasingding lighter sa ilalim ng foil at noong naginit na, nakita kong tila natunaw ang mga ito at umusok, nag-evaporate.

“Singhot!” utos niya.

Kaya dali-dali akong tumalima. Ewan ko rin ba. Hindi ko rin lubos maintindihan ang sarili. Ni hindi man lang ako nagdadalawang isip na gawin ang pagsinghot sa usok na iyon. parang wala na talaga akong pakialam sa buhay. Sa isip ko ay nakasentro lang ang pagnanais na maranasan ang kakaibang mundo. Ang mundo kung saan ay wala si kuya Andrei...

Para kaming nag-aagawan sa paglanghap sa usok na nanggaling sa foil. Hanggang sa naabutan pa kami ni JC sa aming ginawa at inutusan siya ni Brix na sumali. At nakikita ko sa galaw ni JC na sanay siyang suminghot. Siguro nga dahil sa klase ng kanyang trabaho kung kaya natuto na rin siya.

Noong naubos na ang shabu na dala ni Brix, doon ko na unti-unting naramdaman ang saya sa aking isip. Iba pala ang epekto ng shabu. Parang hyper lang ang energy ko. Aktibong-aktibo ang utak ko at gusto kong may gagawin. Gusto kong magsalita nang magsalita, o may gagawin na kahit na ano. Parang may extra na lakas ako na gawin ang mga bagay-bagay. Kung sa marijuana ay parang lethargic ang aking isip, tila kabaligtaran ang epekto ng shabu. Hindi ako inaantok. Ang gusto ko lang ay ang gumalaw. At ang saya-saya rin ng isip ko. Kaya pala ito ang paboritong tirahin ng mga taxi drivers dahil aktibo pala ang isip nila kapag nakatira nito. At kaya rin pala pumapayat ang mga taong nagsa-shabu dahil hindi sila dinadalaw ng antok, hindi rin nagugutom.

At dahil naroon si JC, sa pagtatalik namin naipalabas ang enerhiyang dulot ng droga.

Si Brix ang tumira sa akin, ako naman ang tumira kay JC. Tinira rin ni Brix si JC, nagpatira rin ako kay JC. Walang tulugan. Halos hindi ko na mabilang pa kung nakailang ulit kaming nagtalik.

Hanggang sa madaling araw na. Hindi pa rin ako napagod. Ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Nakahiga kaming tatlo sa kama, hinid naman natutulog. Nagyakapan lang, naghahalikan, at kapag nalibugan uli, balik sa pagtatalik.

Alas 7 ng umaga noong nagpaalam na si JC. Binayaran siya ni Brix. “Maraming salamat Boss. Next time uli...” sambit ni JC.

Noong nakaalis na si JC, nagpaalam naman si Brix. “Love... uuwi muna ako sa amin ha? Pagkatapos nating kumain, aalis ako. Magpakita lang ako sa bahay.”

Hindi na lang ako kumibo. Iyon naman kasi ang usapan namin, na paminsan-minsan siyang uuwi sa kanila upang magpakita sa kanyang mga magulang. May apat na araw kaya simula noong nagsama kami sa villa na iyon. Hindi pa siya nakauwi. May apat na araw na ring absent ako sa klase.

“A-ayaw mo na ba talagang pumasok? Naka-ilang araw na tayong absent ah.”

“Ayaw ko nga! Kulit mo...” ang sagot ko naman.

Hindi na siya sumagot pa.

Umalis si Brix na walang man lang pahinga simula sa aming bar-hopping hanggang sa lovemaking naming tatlo ni JC. Naligo lang siya, kumain at hayun, umalis na naman.

Nahiga na lang ako sa kama noong ako na lang ang naiwan. Hindi pa nawala ang epekto ng shabu. Hindi pa rin ako dalawin ng antok at parang gusto ko pang gumala.

Ngunit pinili ko na lang na maghanap ng magagawa. At dahil iniwan ni Brix ang kanyang laptop, naglaro ako.

Alas 9 ng umaga noong may narinig akong nagta-“tao po”. Kilala ko ang boses na iyon. Si Noah.

Hindi ko sinagot ang kanyang pagta-tao po. Nanatili akong naglaro sa laptop ni Brix. Ayaw ko kasing maabala ng maraming tanong.

Ngunit, “Hoy! Bakit hindi ka na pumapasok? Andaming naghahanap sa iyo sa school! Pati ang mga propesor mo, mga kaklase nagtatanong kung ano na ang nangyari sa iyo!” bulyaw ni Noah noong bigla itong sumulpot sa kuwarto.

Nagulat din ako sa bigla niyang pagsulpot. Nahinto ako sa aking paglalaro. “At bakit ka ba nakapasok dito?”

“Bukas ang gate eh! Bukas ang pinto!” ang sagot niya.

Naalala ko, hindi ko pala isinara ang gate noong umalis si Brix. “At ano ang pakialam mo kung hindi ako pumasok?”

“Bakit ganyan ka kung magsalita? Wala ka na bang interes pumasok? Nalalapit na ang quarterly exams hindi ka pumapasok?”

“Ano kung nalalapit ang quarterly exams? Wala akong pakialam.”

“Sandali...” sambit niya noong napansin ang mga nagkalat sa sahig. “At bakit ba nagkalat ang mga bote ng beer at alak dito? Amoy sigarilyo ang kuwarto at nagkalat din ang mga upos ng sigarilyo? Naninigarilyo ka na ba?” Nahinto muli siya, “At... Diyos ko po? Ano ito???” Abot niya sa akin sa tin foil “Nagsa-shabu ka? At heto pa...” may pinulot muli sa sahig at ingat na hinawakan ng kanyang mga daliri, “Ito??? Sino ang gumamit ng condom dito???” Ang condom pala na ginamit namin ni Brix noong tinira namin si JC, at pati na rin ang condom ni na ginamit ni JC noong nagpatira ako sa kanya.

Hindi na ako sumagot. Hinyaan ko na lang siyang mag-isip. Obvious naman kung ano ang ginawa namin.

“Oh my God! Oh my God! Hinikayat mo si Brix na bumalik sa dating bisyo???”

“Ano ba yang Brix mo? Bata ba yan?”

“Hindi mo ba alam na may sakit iyan???”

“May sakit pala eh. Bakit siya nag droga uli??? Ang laking tanga niya!”

“Oh my God! Ang sama moooo!”

“Puwede ba, Noah, huwag kang OA. Lahat ng tao ay masama, ok? At huwag kang mag-inarte. Plastik ka rin na katulad ng iba d’yan. At ang ayaw ko sa lahat ay ang mga usisero, pakialamero. Hindi kita binigyan ng karapatang panghimasukan ang buhay ko!”

“Ang sakit mo namang magsalita. Nag-alala nga lang ako sa iyo eh!” ang sagot uli ni Noah na halata sa boses na umiyak na.

“Nag-alala ka sa akin o kay Brix?”

“Syempre sa inyong dalawa! Pinsan ko si Brix! Kaibigan kita!”

“Pwes hindi ko kailangan ang pag-alala mo! At ayaw ko ng kaibigang tulad mo, ok?” at tumalikod na ako, nagdadabog pa na itinuloy ang paglalaro sa computer.

At ang sunod na narinig ko ay ang pagtakbo ni Noah palabas ng kuwarto. “Ang sakit-sakit mong magsalita! Parang hindi mo ako naging kaibigan! Parang wala tayong pinagsamahan!” ang sigaw pa niya.

Binitiwan ko na lang ang malalim na buntong-hininga. Pinigilan ko ang sariling huwag bumigay. Matindi ang galit ko sa mundo. Matindi ang galit ko sa mga tao sa aking paligid. “Dapat lang na maging sintigas ng bato ang puso ko.” ang bulong ko sa aking sarili.

Ngunit maya-maya lang ay ako rin ang nagulat. Bumalik si Noah.

Tumayo ako, naramdaman ko ang inis noong nakitang bumalik siya. Tinumbok ko ang mesa kung saan nakalatag ang isang pakete ng Marlboro at hinugot ang isang piraso nito. “At bakit ka bumalik?” ang tanong ko, sabay harap sa kanya, inilagay ang sigarilyo sa aking bibig, ipinamukha ko talaga sa kanya na naninigarilyo na ako. Dinampot ko rin ang lighter sa ibabaw ng mesa upang sindihan ang sigarilyo na nasa aking bibig.

Ngunit biglang inagaw ni Noah ang sigarilyo at  ang lighter. “Akin na ang mga ito! P***** ina!”

Nagulat ako sa kanyang inasta. Bakas sa kanyang mukha ang ibayong galit at tipong palaban ang dating. Noon ko lang nakita sa kanya ang ganoon katinding galit sa mukha. “At bakit mo inagaw ang sigarilyo ko? Akin na... puta...!!!”

“Kung ganyan ka na ngayon, puwes hindi ako magpadaig sa iyo. Lalabanan kita! Haharangin ko ang lahat na gagawin mong alam kong makasisira sa iyo! At hindi ako aalis dito...” ang matigas niyang sagot na may pagbabanta ang kanyang boses.

Hindi ko siya pinansin. Bagkus humugot uli ako ng isa pang sigarilyo at inilagay iyon sa aking bibig. “Di huwag kang umalis. Welcome!”

At muli, inagaw niya ito.

“Ampota! Ano baaaaaa!” ang bulyaw ko na.

“O di ba? Sinabi ko na sa iyo na kung gusto mong magpakamatay sa bisyo, sasama akong magpakamatay sa iyo! Kahit sa impyerno, susundan kita roon at hahadlangan, kahit sa harap pa ni satanas!”

“Ah ganoon! Sige, bahala ka.” at tinumbok ko naman ang refregiretor at dinukot ang isang bote ng beer. Talagang ininis ko siya.

Ngunit dali-dali rin niya akong sinundan at muling inagaw ang beer. Doon na kami nagpangsambuno. At sa inis ko ay sinaktan ko siya. Sinuntok ko ang kanyang mukha dahilan upang matumba siya.

Nakabulagta siya sa sahig. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang ilong. “Gusto mo talagang masaktan ha?” ang sigaw ko sabay bukas uli ng refrigerator at kuha uli ng beer.

Ngunit sadyang ayaw akong tingilan ni Noah. Mabilis siyang bumangon at inagaw muli sa akin ang beer. Nag-agawan uli kami. At dahil ayaw niya itong bitiwan, sinuntok ko uli siya. Maraming beses; sa ulo, sa dibdib, sa tyan, sa mukha, sa bibig.

Noong tinigilan ko, nakahandusay siya sa sahig. Napuno ng dugo ang kanyang mukha. Pumutok ang kanyang labi, nagdurugo pa rin ang kanyang ilong.

“Hayan! Kng tigas kasi ng ulo!”

“Kahit patayin mo pa ako! Haharangan pa rin kita!”

“Ano bang problema mo???”

“Ikaw? Ano bang problema mo? Bakit ka nagkaganyan?”

“Wala kang pakialam sa problema ko. Huwag mo akong kulitin upang hindi kita masaktan!”

“Kahit ano pa ang gagawin mo, hindi ako aalis! Dahil alam kong tama ako! At bilang kaibigan ay may karapatan akong ilayo ka sa kapahamakan! Dahil kaibigan kita! Dahil ayokong mapariwara ang buhay mo! Dahil bilang kaibigan mahal kita! At para sa kabutihan mo, ipaglaban kita ng patayan!”

“Ako ba talaga ang ipaglaban mo? O si Brix? Drama mo...”

“Pinsan ko si Brix Kam... Mahal ko siya! At ikaw dahil kaibigan kita, mahal din kita. Ayaw kong masira ang buhay mo, Kam.” Ang sagot niyang bumaba na ang boses at pilit na tumayo, tinumbok ang lagayan ng kutsilyo. At noong nahugot na ang kutsilyo, iniabot ito sa akin at nagsalita, “Heto Kam... patayin mo na lang ako. Hindi ko kasi kayang tingnan kang ganyan eh. Napakasakit para sa akin na makita ang kanyang best friend na nagdusa, nag-iisa. Alam ko, may itinatago kang poot sa iyong puso. Alam kong kailangan mo ng kaibigang dadamay sa iyo. Kung ayaw mong sabihin sa akin kung ano iyang bumabagabag sa iyong isip, at least, huwag mong sirain ang buhay mo. Dahil kung ganyang sisirain mo lang ang buhay mo... mabuti pang patayin mo na lang ako. Dahil nasasaktan ako Kam. Ikaw lang ang nag-iisang best friend ko, tapos heto nakikita kitang nagdusa at wala man lang akong maitutulong... At paano rin ako? Wala na akong best friend? Mahal kita Kam. Bilang kaibigan, masasaktan ako kapag may nangyari sa iyong masama, o kaya ay mawawala ka sa akin...”

Natigilan ako sa aking narinig. Pakiramdam ko ay binatukan ako sa tindi ng mga salitang binitiwan niya. Hindi ko akalalin na handa niyang isakripisyo ang sarili niya para lamang sa akin. Pakiwari ko ay gusto ko nang bumigay. May isang bahagi ng aking utak ang nag-udyok na yakapin siya at manghinig ng tawad.

Ngunit nanaig pa rin ang galit sa aking isip. Ang ginawa ko ay tinumbok ang cabinet kung saan nakalagay ang aking mga damit, pumili ng iilan at mabilis na isinilid ang mga ito sa aking bag.

“At saan ka pupunta?” tanong ni Noah noong nakita niya akong naghanda sa aking bag.

“Walang kang pakialam!” sabay talikod, tinumbok ang pinto at tuloy-tuloy sa na sa paglalakad hanggang sa labas ng gate.

“Saan ka pupuntaaaaaa!” ang sigaw na narinig ko mula kay Noah.

Ngunit hindi ko na siya pinansin.

Mag-aalas 12 na ng tanghali noong nakarating ako sa aming probinsya. Habang naglalakad ako sa makipot na kalsada patungo sa aming baranggay, nakita ako ng inay na galing ding namalengke. “Anak... bakit ka napauwi? Tila ambilis ata? Wala bang pasok?”

“Eh... m-may seminar ang aming mga professors inay, kung kaya w-wala kaming pasok. At naisipan kong umuwi na lang muna. Isang linggo daw kasi ang seminar nila.” ang pagsisinungaling ko pa.

“Ay iyan ba si Alvin mare??? Ag laki-laki na! At ang guwapo pa!” ang sambit naman ng isang kaibigan ni inay na kasama niya galing sa pamamalengke.

Napangiti lang ang aking inay.

“Alam mo ba Alvin, proud na proud ang inay at itay mo sa iyo. At pati kaming mga kapitbahay mo ay proud din sa nakamit mong eskolarship. Ang tali-talino mo kasi. At masipag pang mag-aral! Sana katulad mo ang mga anak ko!”

Napangiti na lang ako ng hilaw. Siguro kung nagkataong alam kong alam niya ang nangyari sa akin, iisipin kong isang malaking insulto iyon kundi man sarkastikong kumento para sa akin.

Ngunit dahil alam kong wala naman siyang kaalam-alam sa mga pangyayari, feeling nasamid lang ako. May punto rin naman kasi siya. Maaring madali ko lang marating ang tuktok ng tagumpay. Ngunit, dahil sa nangyari sa akin at sa galit ko sa mundo, baka hindi ko na marating pa ang mga expectations nila sa akin.

Nakarating kami ng bahay na wala pa ang itay. Ang sabi ng inay ay nasa bukid pa siya at gabi pa ang uwi. Habang naghanda ang inay ng makakain namin sa tanghalian, tinungo ko naman ang tabing ilog.

Hindi ako naligo. Hindi rin ako lumusong. Hindi ko na sinubukang maramdaman pa ang lamig nito sa aking balat. Naupo lang ako sa isang tabi ng dalampasigan at tinanaw ang pag-agos ng tubig, sinariwa sa aking isip ang nakaraan kung saan sa lugar na iyon ay palagi kaming naghahabulan ni kuya Andrei, nag-aasaran, naglalampungan. Sa ilog na iyon niya ako unang tinuruan kung paano lumangoy, at sa ilog din na iyon ko palaging itinatago ang kanyang pantalon at brief at hahanapin niya ang mga ito hanggang maawa na ako at ihagis ang mga ito sa kanya. At ang kasunod noon ay ang paghabol niya sa akin hanggang sa makarating kami sa bahay. At pagkatapos, hahantong ang lahat sa pagbibigay niya sa akin ng utos: masahehin ko ang kanyang katawan...

“Alvin! Alvin! Halika na, kakain na tayo!!!” ang tawag ni inay. Tapos na pala siya sa kanyang paghahanda sa aming pananghalian.

Dali-dali kong pinahid ang aking mga luha at nagkunyaring wala lang nangyari, tumakbo pabalik ng bahay.

Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa noong nagpaalam ang inay na hatiran daw niya ng pagkain ang itay. “Akala ko po ay uuwi ang itay sa tanghali?”

“Hindi anak. Madalian ang ipinagawa ng may-ari ng niyugan. Kung kaya ay doon na lang din siya kakain. Doon na rin ako kakain ha? Para hindi na maghintay ang itay mo? Ang totoo ay sumaglit lamang akong mamalengke upang makapagluto. Tumutulong din ako sa itay mo kasi...”

“S-sige po inay.” ang sagot ko na lang.

Iyon ang eksenang nadatnan ko sa pag-uwi ko. Nagkandahirap ang aking mga magulang sa pagtatrabaho. Medyo tinablan din ako ng awa. Matatanda na sila ngunit parang kalabaw pa rin sila kung makapagtrabaho.

Alas 7 ng gabi na nakauwi ang itay at inay. At noong matutulog na lang kami, dinig na dinig ko sa kabilang kwarto ang matindi at tila walang patid na pag-uubo ng itay na parang iluluwa na lang niya ang kanyang baga sa sobrang pag-ubo.

Pinuntahan ko ang kuwarto nila. “Nay... wala bang gamot ang itay?”

“W-walang pera eh. W-wala pang ibinigay na suweldo sa copra dahil hindi pa naibenta.”

“Kasi naman... hanggang gabi ba naman kung magtrabaho kayo at ang bigat-bigat pa ng mga trabaho ninyo. Hindi na kayo bata... Kailangan na po ninyong maghinay-hinay sa trabaho” ang nasabi ko pa.

Ngunit tila ako rin ang nagsisi sa siabi kong iyon. “Hayaan mo anak. Basta, pag-igihan mo lang ang pag-aaral mo upang isang araw, isang araw anak... kapag may trabaho ka na, makapagpahinga na rin ang itay mo sa pagtatrabaho... Ikaw lang ang nag-iisang inaasahan namin na siyang mag-ahon sa amin sa kahirapan. Ha.. anak?” sambit ng inay sabay hawak niya sa aking kamay.

Parang isang sibat na tumama sa aking puso ang sinabing iyon ng inay. Para akong nasamid, halos hindi makasagot ng deretso. “E... opo. Opo...” ang naisagot ko lang. “E... b-bibilhan ko na lang ng gamot ang itay nay.” ang dugtong ko pa, paglihis sa usapan. May pera rin kasi akong dala tira sa bigay ni kuya Andrei.

“May pera ka ba anak?”

“M-mayroon po. B-bigay ni kuya Andrei po.”

“O sige. Pero kung masyadong mahal huwag na ha? Baka maubusan ka ng pera, wala kang allowance sa school mo.”

Nagmamadali akong lumabas ng bahay hindi lamang upang mabilis akong makabili ng gamot kundi ayaw ko ring makita ng aking inay ang mga luhang bumagsak galing sa aking mga mata. Feeling ko, sinampal ako ng maraming beses sa sinabi niya. Heto ang mga magulang ko, umaasa sa akin, na baling araw ay maiaahon ko sila sa kahirapan ngunit ako, sariling kaligayahan lamang ang aking iniisip, gustong sirain ang sariling buhay kasama ang kanilang mga pangarap nang dahil lamang sa isang taong hindi naman maaaring magiging akin.

Habang umaandar ang sinasakyan kong tricycle patungo sa palengke, hindi ko na napigilan pa ang tuloy-tuloy na pag-agos ng aking mga luha. “Napaka selfish ko...” ang sambit ko sa sarili habang tumatak sa isip ang nakakaawang kalagayan ng aking mga magulang.

Nakabili rin ako ng gamot. Nakauwi ng bahay at kahit papaano, sa nabiling gamut ay naibsan ang pag-ubo ng aking itay. Malaki ang kanyang pasasalamat sa akin. At maya-maya lang ay nakatulog na siya. Kahit papaano, may kaunting tuwa rin akong nadarama na nakatulong sa kanila sa maliit kong paraan.

“O... bakit ba ang aga-aga mo? Akala ko ba ay isang linggo ang seminar ng mga propesor mo?” ang tanong ng inay noong nakita niyang dala-dala ko na ang aking bag at nagpaalam sa kanya na babalik na ako sa aking unibersidad.

“M-may naalala akong mga assignements inay! Nalimutan kong kailangan ko palang tapusin ang mga iyon!” ang sagot ko na lang. At inabutan ko rin siya ng pera.

“Ay huwag na anak. Alam naming marami kang paggagamitan niyan! Huwag na!” ang matigas na pagtanggi ng inay.

“Nay, please... may pera pa ako. HUwag kang mag-alala sa akin. Tanggapin mo baka maubusan pa ng gamot ang itay.”

At dahil iginiit kong para kay itay iyon, tinanggap na rin ng inay.

Habang naglakbay ang bus na aking sinasakyan, ang mga eksenang naglalaro sa aking isip ay ang hirap ng kalagayan ng aking mga magulang. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha muli. At naipangako sa sarili na tuluyan nang mag move on na, at huwag hayaang masira ang kinabukasan, lalo na ang pinangarap ng aking mga magulang. Tuluyan ko nang turuan ang aking puso na tanggaping hindi para sa akin si kuya Andrei at na tanggapin ang lahat ng kung ano man ang ikaliligaya niya.

At pumasok din sa isip ko si Brix. “Sasabihin ko sa kanya ang lahat; na bagamat hindi ko sya mahal maaari magkaibigan pa rin kami, na maaari pa rin niya akong ligawan. Kasi, sa kabaitang ipinamalas niya, alam kong hindi siya mahirap mahalin.

Noong nakablik na ako sa villa, naroon pa rin si Noah. Doon pala siya natulog, naghintay sa akin. “O... mabuti naman at nakabalik kang buhay! Nakakapagod din ano?” ang sarkastiko niyang pang-iinis, nagdadabog pa.

“Oo... nakakapagod din pala. Lalo na kapag wala sa iyong piling ang best friend mo na handa kang ipaglaban huwag lang mapariwara ang iyong buhay.” ang sagot ko.

Napatitig sa akin si Noah. Nagtaka sa biglang pagababago ng tono ng aking pananalita.

Iniunat ko ang aking mga bisig, pahiwatig na gusto ko siyang yakapin.

At doon na bumakat ang ngiti sa kanyang mga labi. Dali-dali siyan lumapit sa akin. At agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Niyakap rin niya ako. Nagkyakapan kami.

“Hindi ka na galit?” sambit ko.

Bigla siyang kumalas sa pagyayakapan namin. “Anong hindi? Tingnan mo o...” sabay turo niya sa kanyang namamaga at pumutok na labi. “Kakainis ka! Sinira mo ang kissable lips ko!”

Natawa ako. “Sorry na. Ikaw kasi... halika, gagamutin natin.” At tinungo ko ang refrigerator, kumuha ng ice at inilagay iyon sa isang tela.

Sinundan naman niya ako. Nagdadabog pa, iyong naglalambing. “At ako pa ngayon ang may kasalanan! Kung hindi lang kita kamukha sinaksak na talaga kita.” Sabay bitiw din ng tawa.

Idinampi ko ang tela na may ice sa kanyang namaga pang labi. Habang ginawa ko iyon, tila may narinig naman akong bumulong sa aking isip, “Napakaswerte mo. May kaibigan kang handang magsakripisyo, huwag lamang mapariwara ang iyong buhay...”

Napangiti na lang ako. Totoo naman kasi. Napakabait ni Noah at sa ginawa niyang iyon mas lalo ko pang naappreciate ang kanyang kabaitan, ang kanyang katapatan bilang tunay na kaibigan.

“Bakit ka nakangiti? Hindi puwede sa akin ang ganyan Kam. May balak ka na namang masama ano? Siguro magdo-droga ka na naman ano?”

“Hindi na ah! Hindi ko na hahayaang masira pa ang buhay ko. Hindi ko na hayaang may best friend pa akong masaktan.”

“Dapat lang dahil dito na rin ako matutulog upang bantayan ka, samahan sa pagpasok mo sa school sa araw-araw. Iyan ang sabi sa akin ni Brix.”

“Huh! S-si Brix?” ang bigla ko ring tanong. “Bakit nasaan ba siya? Dito ba siya natulog kagabi?”

Bigla namang nahinto si Noah, lumungkot ang mukha at binitiwan ang malalim na buntong-hininga. “Nasa malaking syudad siya, Kam. Sa Makati Medical Center. At baka ilipat siya sa isang ospital sa Amerika sa darating na mga araw...”

“B-bakit?” ang gulat kong pagtanong.

“May matinding karamdaman siya, Kam. Cancer...”

(Itutuloy)

5 comments:

  1. Galing sir. Happy aq to have u and sir joemar ancheta... Mgkalevel kyo sa galing sa gnitong genre... Bilib dn aq kay sir joemar sa mga novels niya...parang kyo dn po

    ReplyDelete
  2. ang ganda ng storya

    ReplyDelete
  3. ang ganda ng storya

    ReplyDelete
  4. grabe ung una galit na galit ako sa inasta ni Alvin, at buti na lng natauhan sya sa pamamagitan ng parents nya, pero bigla rin akong nalungkot dahil sa nangyari kay brix..hayyyyy kakalungkot naman.. JhayL - Dubai

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails