By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
Thanks to Jojimar Lachica for the image
------------------------------------------
Ako si ALVIN
Ito ang boyfriend kong si BRIX
At heto si KUYA ANDREI ko
At heto ang kuwento ko -
_______________________
Hindi agad ako nakasagot sa tanong na iyon ni kuya
Andrei. Mistula akong nabilaukan. Pakiwari ko ay iyon na ang pinakamahirap
sagutin na tanong sa tanang buhay ko.
Tiningnan ko siya, nagkasalubong ang aming mga
tingin. Ngunit ako na rin ang umiwas. Yumuko ako sabay sagot ng “O-ok…” bagamat
sa kaloob-looban ko ay mistulang piniga sa sakit ang aking puso.
Iyon lang ang isinagot ko. Ni hindi man lang ako
nagtanong kung kailan ang kasal, saan gaganapin ito, anong oras magsimula, sa
simbahan ba, ano ang motiff…
“Seryoso na talaga iyan, Andrei ha?” ang tanong ni
itay.
“Opo tay… seryosohan na po ito.” At baling sa akin,
“Di ba tol?”
Ngunit hindi pa rin ako kumibo.
“Saan ba gaganapin ang kasal ninyo?” ang tanong uli
ng itay.
“Sa chapel po, sa loob ng military base namin sa
Mindanao. Simpleng kasal lang po itay.”
“Darating ba ang mga magulang mo?”
“Opo… at ang plano nila ay dadaan dito sa inyo ng
isang linggo pagkatapos ng kasal. Namiss na raw nila kayo. Miss na miss na rin
daw nila si bunso…” sabay tingin sa akin.
Parang wala lang akong narinig sa mga pag-uusap
nilang iyon. Bagamat na-miss ko na rin ang mga magulang ni kuya Andrei, ang lungkot
na bumalot sa aking katauhan sa sandaling iyon ay napaka-overwhelming. parang
wala akong maramdamang excitement na makita ko muli sila. Masyadong malapit din
kasi sa akin ang mga magulang ni kuya Andrei. Lalo na sa kanyang inay,
paboritong-paborito kasi ako noon. At simula noong nagkaroon na muli kami ng
kontak ni kuya Andrei at nalaman na rin nila ang contact number ng inay ko,
palagi na siyang nagtitext, at minsan tatawag pa ang inay niya sa akin. Naalala
ko nga, noong bata pa kami, kung si kuya Andrei ay close na close sa itay ko,
ako naman ang close na close sa inay niya. Kapag inaasar ako ni kuya Andrei,
palaging pinaggalitan niya si kuya. At kung kaya raw parang tunay na anak ang
turing ng inay niya sa akin ay dahil noong sanggol pa lamang ako, ang inay ni
kuya Andrei na ang nagpapadede sa akin. Kasi, wala na raw gatas ang inay. Kaya
ganoon na lang ako ka close sa inay niya.
“Kailan ba manganganak si Ella, Andrei?” ang tanong
naman ng inay.
“S-siguro mga apat na buwan mula ngayon, nay.” ang
sagot naman ni Ella.
Biglang napatingin si kuya Andrei kay Ella. “Di ba
dapat mga limang buwan pa?” ang pagsingit ni kuya Andrei.
“Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko” sagot ni Ella sabay
tawa.
“Malapit na malapit na tayong magkaroon ng apo Sita…”
ang sambit naman ng itay kay inay.
“Oo nga eh…”
“At dahil napakaganda ni Ella at napakaguwapo ni
Andrei, sigurado, napakaguwapo rin ng apo natin.” sambit ng itay. At baling
niya kay Ella, “Alam niyo na ba ang kasarian ng bata?”
“Opo… lalaki po.”
“May lalaking apo na tayo Sita…” sambit uli ng itay
kay inay.
Ngumiti lang ang inay at agad inilihis ang usapan,
marahil ay naramdaman niya ang aking saloobin. “Uy… kain pa kayo, huwag mahiya
ha? Mayroon pa tayong ulam sa kaldero. Andrei, Ella, Brix…”
At doon na ako naimbyerna. Kahit inilihis ng inay
ang topic, pakiwari ko ay ako ang tinoturture ng itay. Para bang sa akin niya deretsong
ipinapatama ang salitang “apo”. Pakiramdam ko tuloy ay may mali sa pagkatao ko
na hindi niya matanggap-tanggap. Parang hindi ako karapat-dapat na maging anak
nila kasi, hindi naman ako puwedeng magkaanak, hindi ako puwedeng mag-asawa ng
babae, hindi ko sila mabibigyan ng apo. Dagdagan pa sa narinig ng itay na
pinag-usapan namin ng inay ang tungkol sa relasoyn namin ni Brix na maaaring
siyang dahilan ng malabnaw na pakikitungo ng itay kay Brix.
At hindi ko na nakayanan ang patutsada nilang iyon.
Tumayo ako at tinungo ang lababo upang maghugas ng kamay.
“Saan ka na anak?” ang tanong sa akin ng inay noong
tumayo na ako.
“Tapos na po ako nay…”
“Ambilis mo namang kumain tol…” ang pagsingit ni
kuya Andrei.
Hindi ako kumibo. Ipinagpatuloy ko lang ang paghugas
ng aking kamay. Wala ako sa mood na sumagot.
“E-excuse me po…” ang narinig kong sabi ni Brix.
Tumayo na rin pala ito.
“Saan ka na Brix?” ang narinig kong tanong ng inay.
“Tapos na rin po ako.” Ang sagot ni Brix na nakita
kong sumunod sa akin sa lababo at pumila sa likuran ko.
Agad kong tinapos ang paghugas ng aking kamay. Ni
hindi ko kinausap si Brix. Dumeretso ako sa kuwarto at noong nasa loob na, agad
akong humiga sa kama.
Sumunod din sa akin si Brix sa kuwarto, naupo sa
gilid ng aking kama. “M-may problema ka ba love?” ang tanong agad sa akin ni
Brix.
Syempre, mag-deny ako. “Wala ah… bakit?”
“Wala lang. Parang napansin ko lang.”
“Lika na lang, higa ka sa tabi ko.” ang sabi ko na
lang upang malihis ang topic.
Humiga si Brix na nakadapa, ang parte ng dibdib
niya ay nakapatong sa aking nakatihayang katawan, ang isa niyang kamay ay
nakalingkis sa aking dibdib. Hinalik-halikan niya ang buhok ko, ang pisngi. “Sana
ganito na lang tayo palagi no? Nagtatabi sa kama, nagyayakapan.” Sambit niya.
“Sana…” ang malabnaw kong sagot. Wala kasi sa isip
ko ang sinabi niya. Sa pagkakataong iyon, walang masyadong impact ang tungkol
sa kalagayan namin. Ang nasa isip ko sa sandaling iyon ay si kuya Andrei, si
Ella, ang kalagayan nila, ang nakatakdang pag-iisang-dibdib nila na
kinaiinggitan ko. At naroon din ang pagdaramdam ko sa aking itay na halatang
dry ang pagtanggap sa akin at sa aming dalawa ni Brix. “Basta uuwi ka sa inyo
pagkatapos natin dito ha? Manghingi ka ng tawad sa mga magulang mo.” ang
nasambit ko na lang.
Bigla siyang natahimik. Hindi na kumibo. Hindi ko
alam kung ano ang nasa isip niya sa sinabi ko. Nanatili siyang nakadapa, ang
mukha ay nakasubsob sa unan. Hindi na rin gumalaw kanyang braso na nakalingkis
sa aking dibdib.
“Love…” ang sambit ko noong napansing wala siyang
imik.
Ngunit hindi pa rin siya kumilos. Hindi sumagot.
Hindi pinansin ang aking tawag.
Tumagilid ako, hinawakan ko ang kanyang ulo at pilit
siyang na pinaharap sa akin. “Love…???”
Ngunit hindi pa rin siya gumalaw, hindi pinansin
ang paghawak ko sa kanyang ulo.
Doon ko na puwersahang hinila ang kanyang braso upang
mapatihaya ko siya. At noong nakatihaya na, doon ko na rin nakita ang mga
luhang dumaloy sa kanyang nakapikit na mga mata. Umiiyak pala siya.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ko sabay yakap ko sa
kanya.
“Wala…”
“Anong wala? Hindi ka puwedeng umiyak kung walang
dahilan. Bakit???” ang paggiit ko.
“Ayaw kong malayo sa iyo love, eh… Syempre, kapag
bumalik ako sa bahay, igigiit ng daddy na magpunta ako ng Amerika upang doon mag-aral...
upang mailayo niya ako sa iyo.”
Bahagya akong natahimik. Nag-isip. Ibang bagay ang
bumabagabag sa aking isip ngunit ibang bagay rin pala ang kinatatakutan niya. “Di
ba nag-usap na tayo tungkol d’yan?” ang sambit ko na lang.
“Kaya nga… Hindi ko naman mapigilan ang sariling
hindi umiyak. Mahal kasi kita. Masasaktan ako kapag magkalayo tayo”
Mistulang may sibat na tumusok sa aking puso sa
narinig. Niyakap ko na lang siya. Hinalik-halikan ang buhok, ang pisngi, naawa
sa kanyang kalagayan.
Nasa ganoon kaming pagyayakapan at paglalambingan
noong may narinig kaming, “Uhummm!”
Bigla kaming napabalikwas ng kama si Brix.
Si kuya Andrei, nasa may pintuan. Hindi pala namin
na-lock ang pinto. “S-sorry. Nakaistorbo pala ako.” Sambit niya.
“O-ok lang po.” ang sagot naman ni Brix.
“Tara… punta na lang tayo sa ilog. Maganda roon,
sariwa ang hangin, maganda ang mga tanawin. Hindi katulad dito na ang hangin na
nalalanghap mo ay may bahid polusyon na, may mga nakikita ka pang tanawin na
nakakaimbyerna, nakakasira ng mood.” ang sagot kong patutsada kay kuya Andrei
habang hinila ko ang kamay ni Brix upang tumayo ito.
Noong nakatayo na si Brix, hawak-kamay naming
tinumbok ang pintuan ng kuwarto kung saan nakatayo si kuya Andrei. Noong dumaan
na kami sa gilid niya, parang wala lang akong nakitang taong nakatayo roon.
Hila-hila sa kamay si Brix, dire-deretso lang ang tingin ko, kahit halos
nakaharang pa sa daanan si kuya Andrei.
Dali-dali ring nagbigay-daan si kuya Andrei.
Mabilis na inilag ang sarili niya at pumuwesto sa gilid ng pintuan na parang
may humaharurot lang na jeep at takot siyang masagasaan nito. At bagamat
dire-deretso lang ang aking tingin, kitang-kita ko siya sa gilid ng aking mata.
Habang nakabalandra siya sa gilid ng pintuan, nakatutok ang kanyang paningin sa
mukha ko at sinundan niya ng tingin.
Dedma lang ako. Kunyari wala akong nakita.
“Alis muna kami kuya…” ang narinig kong pagpapaalam
ni Brix kay kuya Andrei.
“Sige lang… Huwag kayong maligo sa ilog ha? Nagkakasakit
iyang si Alvin kapag nabasa.”
At doon ko na binitiwan ang kamay ni Brix at
mabilis na binalikan si kuya Andrei at pagkatapos, pinaulanan ko ng suntok ang
kanyang mukha. “Anong sabi mo? Nagkakasakit ako kapag nabasa? Takot ako sa
tubig? Hindi ako naliligo? Um! Um! Um!”
Ngunit syampre, magaling naman talaga siyang
umilag, takip-takip ng kanyang palad ang mukha, umiiwas sa aking suntok ngunit nagtatawa
na sumisigaw ng, “Aray kopo! Aray kopo! Hindi ko sinabi iyan ah! Biro lang iyong
sa akin! Biro lang!” Hindi ako pinatulan.
Ngunit hindi ko siya nilubayan hanggang sa naabot
ng aking kamao ang kanyang ulo at nabatukan ko ito... At hindi ko lang sya
nabatukan; sinambunutan ko pa siya at inuntog ang ulo sa dingding na kawayan.
“Arekopppp! Ansakit noon ah!” sambit niyang
nakatingin sa akin, haplos-haplos ang natamaang ulo ngunit nakangiti ng hilaw.
“Buti nga sa iyo!” at dali-dali na akong umalis, hila-hila
ko pa rin si Brix hanggang sa nakalabas na kami ng bahay.
“Alam mo… simula noong maliit pa ako, dito kami
palaging naliligo ni kuya Andrei” ang wika ko kay Brix noong naupo na kami sa
may pampang ng ilog sa lilim ng isang malaking puno ng talisay.
“Ay ganoon ba?”
“Oo… dito kami naghaharutan, dito kami
naghahabulan, dito ko rin palaging tinatago ang kanyang damit kapag naliligo
siya.”
Nilingon ako ni Brix. “Mahal mo talaga ang kuya
Andrei mo ano?”
Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti. Ngunit
inamin ko ko it okay Brix. “Oo. Sa kanya ko naranasan ang sarap na mayroong
isang kuya na nagmamahal; nangungulit, nagpoprotekta. At kahit na inaaway ko
iyan, hindi iyan papayag na lulubog ang araw na may galit pa rin ako sa kanya.
Pipilitin niyang tumawa uli ako at yumakap sa kanya. Kakargahin niya ako,
manghinig ng sorry... Kahit kasalanan ko. Ayaw niyang magtanim ako ng galit sa
kanya. At wala rin kaming sikreto. Lahat ng bagay sa kanya ay sinasabi niya sa
akin. Kahit saan siya pupunta, nagpapaalam siya sa akin. Kadalasan, isinasama
niya ako…”
Tahimik. Binitiwan ko ang isang malalim na
buntong-hininga.
“At noong lumayo na siya dahil nagpunta ng Maynila
ang kanyang pamilya, dito sa pampang na ito ako nagpupunta kapag na-miss ko
siya. Dito ko sinasariwa ang mga masasayang alaala namin ni kuya Andrei. At
kahit kasagsagan pa iyon ng aking kamusmusan, tandang-tanda ko pa ang lahat. P-parang
gaya rin ng ilog na ito. Halos walang ipinagbago. Parang walang kaubusan ang
tubig. Walang pagbabago ang direksyon na kanyang patutunguhan. Ang buong akala
ko nga, ganoon din si kuya Andrei na kagaya ng ilog ay hindi magbabago…”
Nanatiling tahimik lang si Brix.
“K-kaso… hindi pala. Simula noong nagkalayo kami,
nag-iba na siya… Na-miss ko iyong dating kuya Andrei ko na mahal na mahal ako,
na ako palagi ang unang taong naiisip niya kapag malungkot o masaya siya.” at
napayuko na lang ako pilit na pinigilan ang sariling huwag umiyak.
“B-bakit siya nagbago?”
“Ewan. Siguro dahil may babae na siya. Noong nasa
Maynila siya, nagkaanak siya. At noong nasa military naman siya, hayan… bigla
ko na lang nalaman na may babae na siya at magpakasal na.”
“Kaya ka ba galit sa kanya?”
“Oo…”
“Hayaan mo, love. Ngayon lang siguro iyan. Sa
katagalan, matatanggap mo rin iyan. Kasi, talaga namang sa buhay ay hindi
maiwasang may mga pagbabagong magaganap, di ba? At kung mahal mo ang kuya
Andrei mo, hindi mo papayagang habambuhay na magkimkim ka ng sama ng loob sa
kanya. Baka… kapag nagkaanak na ang kuya Andrei mo, matutuwa ka na rin kasi,
magkakaroon ka na ng pamangkin sa kanya.”
“Ewan ko lang. Parang hindi ko talaga matanggap.
Minsan nga naiisip kong mas mabuti pang mamatay na lang kaming pareho upang ang
tanging nasa alaala ko ay ang aming pagiging close sa isa’t-isa. At wala nang
ibang sisingit pa sa pagmamahal niya sa akin.”
Tahimik.
“Nakakainggit naman ang kuya Andrei mo.”
“Bakit mo naman naitanong iyan?”
“Ako kaya kapag lumayo sa iyo ay hahanap-hanapin
mo, hihintayin mo?”
Natahimik ako nang sandali. Napaisip. Parang
binatukan. Kasintahan ko nga pala si Brix ngunit hindi ko man lang naisip nab
aka nasaktan ko siya sa aking mga sinasabi. Pero totoo naman din talaga; mas
matimbang pa rin sa akin si kuya Andrei. “O-oo naman.” ang isinagot ko. Ayaw ko
ring masaktan ang damdamin niya.
Napangiti siya, inakbayan ako.
“Marami na rin kaya tayong pinagsamahan. Maraming
bagay ang natutunan ko sa iyo. Mabait ka, tinutulungan mo ako. Ipinaglaban. At
higit sa lahat… mahal mo ako. Paano pa kita malilimutan niyan?”
Na dahilan naman upang ilingkis na ni Brix ang braso
niya sa aking beywang at hinalikan ako sa pisngi. “Hindi lang mahal. Mahal na
mahal na mahal…”
“Mahal din kita.” ang sagot ko. “Pero huwag tayong
maglantad dito kasi… baka may makakakita sa atin.” ang dugtong ko rin.
Nasa ganoon kami ka seryosong pag-uusap noong mula
sa aming likuran ay may nagsalita ng, “Ay! Nandito sina Alvin!”
Halos magkasabay kaming napalingon ni Brix sa aming
likuran.
Si Ella. Kasama si kuya Andrei.
Feeling ko ay bigla na naman akong nawalan ng gana sa
pagkakita ko sa kanilang dalawa. Bigla akong napasimangot at ibinaling muli ang
aking paningin sa ilog.
“Wow! Sarap maligo! Ligo tayo tol!” ang sigaw naman
ni kuya Andrei. Hindi ko alam kung ako iyong sinabihan niya ng ‘tol o si Brix.
Noong nilingon ko uli siya, nakita ko ang dali-dali
niyang paghubad sa kanyang t-shirt at pantalon. Tanging ang puting brief na lamang
ang natirang saplot sa kanyang katawan.
Napangiti ako ng lihim. Naalala ko na naman kasi
ang dati niyang ginagawa kapag ganoong napapadayo kami sa lugar na iyon. Hindi
puwedeng hindi siya maligo kapag nakita niya ang ilog. At ganoon na ganoon lagi
ang reaksyon niya, magmadaling maghubad at magsisigaw habang tatakbuhin ang
pampang atsaka tatalon o da-dive. At hindi pa rin nagbago iyon. At dati kapag
ganoong wala ako sa mood na maligo, ang gagawin ko ay hahayaan siyang mag-isang
maligo habang itatago ko naman ang kanyang mga damit. At hahantong ang lahat sa
paghahanap niya nito at ang pagsambuno namin, paghahabulan hanggang sa
tatakutin ko na siyang isusumbong ko sa mga magulang namin kapag ganoong napipikon
na ako at ginigipit niya. Ang kaibahan lang noon sa sa sandaling iyon ay may
itinira pa siyang brief sa katawan. Dati kasi ay talagang hubo’t-hubad siyang
magtampisaw sa tubig. Siguro ay nahiya lamang siya kina Brix at Ella.
Nahinto ang aking pagbabaliktanaw noong nagsalita
si Brix. “Maligo na rin ako love?” ang tanong niya sa akin.
“Eh… S-sige, sige.” ang sagot ko. Nabigla man sa
desisyon niya, pinayagan ko na rin.
Naghubad si Brix. At kagaya ni kuya Andrei, brief
lang din ang naiwang saplot sa kanyang katawan. Kung hindi lang dahil sa hunk
nilang mga katawan, masasabi mo talagang mga paslit sila dahil sa kanilang pagtatawanan,
pagsisigawan, paghahabulan, paghaharutan. At mag high-five pa bago mag-uunahan
sa pag-dive.
Nakakaaliw silang pagmasdan habang nagtatawanan,
naghahabulan sa paglangoy, tila nagpasiklaban silang dalawa kung sino sa kanila
ang mas malakas, mas fit, mas karapat-dapat sa isang pa-premyo.
Nasa ganoon akong pagmamasid sa kanila noong, “Hi
Alvin…”
Si Ella. At umupo siya sa damuhan, sa tabi ko,
pareho kaming nakaharap kina kuya Andrei at Brix na enjoy na enjoy sa paliligo.
“Hi…” ang maiksi kong tugon, hindi ko na siya
tiningnan pa. Parang wala akong ganang kausapin siya. Parang gusto ko na nga
ring mag walk out sa paglapit pa lang niya sa akin. Di ko lang alam kung ang
naramdaman ko ay dahil sa selos o galit sa nangyari sa kanila ni kuya Andrei.
“Ang guwapo talaga ng kuya Andrei mo, no?” ang
sambit niya.
Mistulang nakita ko ang isang malaking question
mark na nakalambitin sa taas lamang ng aking ulo sa pagkarinig ko sa sinabi
niyang iyon. Parang may kakaiba. “Oo…” ang maiksi ko pa ring sagot.
“Walang taong hindi maiinlove sa kuya Andrei mo.
Ma-babae, ma-tomboy… kahit nga lalaki ay naiinlove sa kanya eh, di ba?”
Hindi ko talaga alam kung ano ang ibig niyang
tumbukin sa kanyang sinabi. Halos gusto ko nang mag walk out talaga at iwanan
siya sa pampang. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Hindi na lang ako
kumibo.
At doon na nagsimulang tumaas ang aking blood
pressure noong nagsalita pa ito ng, “Alam ko, Alvin, patay na patay ka sa kuya
Andrei mo. At alam ko rin kung paano mo siya bini-brainwash upang ang kuya
Andrei mo ay hindi mag-aasawa, at ma-solo mo siya, tama ba ako?”
Pakiramdam ko talaga ay pulang-pula ang aking mukha
sa sobrang galit sa narinig na pananalita niya. Hindi ko akalaing ang sinabi ni
kuya Andrei na mabait na babae ay makapagsalita sa akin ng ganoon. “Bakit mo
nasabi iyan? Sinabi niya sa iyo?”
“Well, not exactly. Paano kasi kapag nag-uusap
kami, puro Alvin, Alvin, Alvin ang aming topic. Nakakasawa na. Kapag may
tinatanong ako, ang isasagot sa akin ay, pareho kayo ni Alvin, makulit. Kapag
hindi ako nagtanong, magkukuwento tungkol kay Alvin. Kapag tinatanong ko kung
ano ang iniisip niya, sasabihin sa akin na namiss niya ang bunso niyang si
Alvin. Nakakasawa na. Alam mo bang ayaw na ayaw ko sanang pumunta rito. Kaso…
ang sabi ng kuya mo, manghingi raw siya ng consent at ipakilala niya raw ako kay
Alvin. Hay naku naku… kakainis. Pati ba sa mga bagay na iyan Alvin pa rin ang nasa
isip niya? Kulang nag lang magpaalam siya sa iyo kapag nasi-sex kami. Siguro,
sobrang bagsik ang ginamit monggayuma sa kanya no?”
“Pinagselosan mo ba ako?” ang naisagot ko na.
“Sasabihiin na nating oo… At halata sa kilos mo na
may pagmamahal ka sa kuya Andrei mo. Siguro ginamit mo lang si Brix para takpan
ang naramdaman mo sa kanya, ano? Alam mo... hinid ko talaga akalain na bakla ka
eh. Nice din naman pala na sumama ako rito. At least, may nadiskubre ako. At
ngayong alam ko na, hinding-hindi ako papaya na isang bakla lamang ang aagaw
kay Andrei sa akin.”
“Ang dumi-dumi pala ng isip mo. Akala ko mabait ka.
Sayang, iyan pa naman ang sinabi ni kuya Andrei sa amin, na mabait ka. Iyon
pala… may sa demonyo ka!”
At narinig ko na lang ang pagbitiw niya ng isang
tawang nakakaloka. Iyong pigil ngunit nang-aasar. Parang sa isang demonyo
talaga. “Alam mo Alvin, maraming tanga ang nabiktima dahil sa maling akala. Ang
iba pa nga ay nagpakamatay eh. Gusto mo, magpakamatay ka na rin? Ok lang sa
akin… Matutuwa ako!” at tumawa uli.
“Ang sama mo pala talaga, hindi ko akalain.
Na-deceive mo si kuya Andrei! Naloko mo siya! Demonyo ka!”
“Woi… ikaw naman. OA ka ah. Slight lang naman. New
recruit pa lang ako. Hindi pa full-pledged na demonyo. Maghintay ka kapag may
ginawa kang hindi maganda. Makikita mo ang bagsik ko. Marunong ka bang humawak
ng baril? Ako, marunong!” sabay tawa.
“Siguro itinago mo ang tunay mong ugali sa kanya
upang mahulog ang loob niya sa iyo ano? Siguro matagal mo nang pinagplanuhang
maangkin ang kuya Andrei ano?”
“Hindi naman matagal, ikaw talaga oh” ang sagot pa
niyang sarkastikong nakangiti. “Sandali ko lang naplano iyan. Hindi ko kasi
akalaing mabilis bumagsak sa bitag ang kuya mo eh. Paniwalang-paniwala sa mga
drama ko! Sabagay, tunay na babae ako, maganda pa, sexy, mahaba ang buhok. Paano
ba naman kasi, kung hindi ako gagawa ng paraan, malamang hindi ko maaangkin ang
kuya Andrei mo. Marami kayang nagpapantasya sa kanya. Guwapo siya, di ba? Ikaw
nga in love eh, kami pang mga babae… At syempre, magbait-baitan ako, iyon ang
mga type ng mga katulad ni ‘kuya’ Andrei, di ba?” pag-empahsize pa niya sa
salitang “kuya”.
“Oh my God! Ang sama-sama mo!” ang nasambit ko na
lang.
“Mas masama pa ako d’yan.” ang pabulong niyang
sabi. “Atin atin lang ha… alam mo ba, itong batang ipinagbuntis ko, hindi sa
kuya Andrei mo ito eh. Ginawa ko lang siyang salvador del mundo. Two-birds in
one stone kumbaga. Di ba swerte? Daig ko pa ang nanalo sa mega lotto!”
At doon na ako tumayo. Sa tindi ng galit ko, hindi
ko napigilan ang sarili kong hablutin ang buhok niya upang makatayo siya at
noong nakatayo na, pinagsasampal ko rin siya. “Hindi mo puwedeng lokohin ang
kuya ko! Hindi ka puwedeng magpakasal sa kanya! Demonyo ka! Manlolokoooooo!”
“Alvinnnnnnnn!!!” ang sigaw na narinig ko sa gitna
ng pagsasampal ko kay Ella.
Si kuya Andrei. Nakita pala niya ang nangyari at nagmadali
itong lumapit sa amin, sa kanyang likuran ay nakasunod si Brix.
“Ano bang ginawa niya sa iyo tol! Bakit mo siya
pinagsasampal?”
“Sinungaling siya ku--“
Hindi ko na nagawang tapusin pa ang aking sinabi
gawa nang niyakap na ni kuya Andrei si Ella at nagsalita na ito habang
nag-iiyak ng, “Sinabihan ko lang naman siya honey, na malapit na nga ang kasal
natin at malapit na rin siyang magkaroon ng pamangkin. Ngunit pinabintangan
niya akong pokpok at ginawa lang daw kitang salvador del mundo dahil ibang
lalaki raw ang nakabuntis sa akin. At iyon na… sinambunutan na niya ako at
tinadyakan at pinagsasampal.” at humagulgol na siya, sumandal sa dibdib ni kuya
Andrei.
Hindi ko talaga maipaliwanang ang tindi ng
pagka-shock ko sa mga kasinungalingang sinabi ni Ella. Parang hindi ako
makapaniwala na mayroon pala talagang taong akala mo ay sa pelikula mo lang
makikita ang tindi ng kasinungalingan at pagka-kontrabida.
Hinarap ako ni kuya Andrei at galit na galit na,
“Totoo ba ang sinabi ni Ella? Pinagbintangan mo siyang pokpok at ibang lalaki
ang nakabuntis?”
“Naniwala ka ba talaga sa kanya kuya?”
“Bakit hindi ako maniniwala? Ikakasal na kami at
anak ko ang ipinagbuntis niya!”
“Kuya, sinungaling ang babaeng iyan! Di mo ba
alam???” ang sagot ko.
Kumalas si kuya sa pagkakayakap ni Ella at
hinawakan ang aking kamay, “Halika nga rito at mag-usap tayo” at baling kina
Brix at Ella, “Sandali lang kami”.
Hila-hila niya ang kamay ko, nagmamadali niya kong dinala
sa malayo-layong bahagi ng pampang, sapat na hindi marinig ang kung ano man ang
sasabihin niya. “Tol… ikaw ang nanghikayat sa akin na pakasalan ko si Ella, di
ba? Noong una, ang sabi ko sa iyo na ayaw kong pakaslan siya. Dahil... dahil,
ikaw ang mahal ko, tangina! Bakit ngayon bigla mo na lang siyang sinaktan at
siniraan?!!” ang galit nag alit niyang panunumbat.
“Dahil noon... hindi ko alam na demonyo pala ang
babaeng iyon. Kung alam ko lang na ganyan pala siya ka sama, hindi ako papayag
na makasal ka sa kanya! Hindi mo alam na ginawa ka lang niyang panakip-butas?
Sabi mo sa akin, malakas ang pakiramdam, ang pang-amoy mo dahil sundalo ka!
Hindi mo ba napapansin? O hindi na gumagana iyang sinasabi mong pang-amoy? At heto
pa, hindi ko siya siniraan! Talagang sinungaling siya! Niloloko ka lang niya!
Buksan mo ang mga mata mo!”
“Ano ba nag pruweb mo na niloloko lang niya ako?”
“Sinabi niya?”
“Siya mismo ang nagsabi? Kasiraan niya, sinabi niya
sa iyo???”
Natameme naman ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko
kasi alam kung paano ipaliwanag. At kung bakit niya mismo sinabi sa akin, hindi
ko rin alam. Baka balak lang talaga niyang pag-initin ang ulo ko. Psy-war ba
ang tawag doon?
“Tol… naintindihan kita. Maaaring hindi mo lang
talaga matanggap si Ella. Pero huwag ka na lang magsalita ng ano mang nakasisira
sa kanya, at lalo nang huwag mo siyang saktan. Naintindihan mo ba ako? Ngayon,
mag-sorry ka sa kanya!”
At doon na parang gumuho ang lahat ng intensyon ko pa
sanang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Para kasing sarado na ang isip niya na
pakinggan pa ako. Kaya dali-dali akong bumalik sa pampang kung saan sina Brix
at Ella naroon. Sumunod naman siya.
Noong naroon na kami saka na ako nagsalita. “O sige…
maniwala ka sa kanya. Hindi naman problema sa akin iyan dahil kapag nakasal na
kayo, kayong dalawa lang naman ang maglolokohan, at ikaw ang kawawa dahil tanga
ka. Atsaka… tama naman siya. Nagalit nga ako sa kanya dahil una, hindi ko naman
pamangkin talaga iyang nasa sinapupunan ng babaeng iyan, eh. Dahil granting na
anak mo nga iyan, bakit… magkapatid ba talaga tayo? Hindi naman, di ba? At oo…
pinagbintangan ko nga siyang ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya. Sa mukha pa
lang ng babaeng iyan kasi ay hindi mo na mapagkatiwalaan. Di ba noong bata pa
ako, sinabi mo sa akin na marami akong hula na naging totoo? At ngayon,
huhulaan kong totoo ang aking mga sinabi sa kanya. Kaya kung ako ikaw, ipa-DNA
test ko kaagad ang bata paglabas na paglabas pa lang sa sinapupunan niyan. Ngayon,
doon naman sa pagsambunot at pagsasampal ko sa kanya, huwag mo nang igiit na
mag-sorry ako sa kanya. Ibalato mo na lang iyon sa akin. Parang talent fee ko
na lang. Ako ang best man mo sa kasal ninyo, di ba? Malaking trabaho kaya ang
magkunyari at umarte sa kasal. Kaya, ang pagsambunot at pagsasampal ko sa
kanya, iyon na ang talent fee ko. Kulang pa nga iyon eh! Pero dahil sa iyo,
discounted na lang iyon. Kasya na sa akin ang sampal at pagsambunot sa kanya!”
sabay talikod at hawak sa kamay ni Brix, “Tayo na love…”
Pinulot ni Brix ang mga damit niya na nakalatag
lang sa damsuhan at binitbit lang ang mga ito sa kanyang bisig habang hawak-hawak
ang kamay kong nakabuntot sa akin patungo sa bahay.
Hindi ko na sila nilingon. Siguro natulala silang
dalawa sa mataray kong sagot. Sa sarili ko lang, “Ba’t nga pala ako nakialam sa
kanila? May sarili na silang buhay at kahit maglokohan sila, mag-iputan sa ulo,
magpatayan, wala na akong pakialam.”
“H-hindi mo pala totoong kapatid si kuya Andrei
love?” ang tanong ni Brix sa akin.
Mistula rin akong binatukan sa tanong ni Brix na
iyon. Naalala kong never kong inamin sa kanya na hindi kami tunay na magkapatid
ni kuya Andrei at ang alam lang niya ay talagang tunay kong kuya si kuya Andrei.
“S-sorry love, hindi ko sinabi sa iyo. Magbest friends kasi ang aming mga
magulang at sa hangarin nilang magkaisa ang aming mga pamilya sa pamamagitan namin,
kung kaya pinalaki nila kami na isiniksik sa aming mga isip na magkapatid talaga
kami. Ang plano nga nila ay kung naging babae lang ako ay magiging arranged ang
pag-aasawa naming dalawa.
“G-ganoon ba?”
“Oo love. Ganyan ang kuwento namin. At simula noong
namulat ang aking isip, kuya ko na talaga ang turing, at pagtrato ko sa kanya.
Wala akong ibang alam na trato sa kanya kundi kuya.”
“Kaya pala ganyan mo siya kamahal. Walang
pinagkaiba sa tunay na kapatid…”
“Totoo iyan love.”
“Maiba tayo… bakit mo pala sinaktan si Ella?”
“Matanong kita, maniniwala ka bang ang babaeng iyon
ay makakagawa ng kalokohan?”
Nahinto si Brix, nag-isip. “P-parang mahirap isipin
love…”
“See? Talagang napakagaling niyang manloko. Sanay
na siguro ang babaeng iyon” ang sagot ko.
At ikinuwento ko kay Brix ang lahat. At si Brix man
ay hindi makapaniwalang sa ganda at inosenteng mukha ni Ella ay magawa nito ang
mga sinabi niya sa akin at manloko pa kay kuya Andrei.
“Sabihin natin sa kuya Andrei mo love...”
“Too late. Pinanindigan na niya ang babaeng iyon at
buo na ang paniwala niyang sa kanya nga ang batang dinadala nito. Ayokong
magmakaawa sa kanya. Matanda na siya at alam na niya ang kanyang ginagawa.”
Ewan… sa sobrang bilis ng mga pangyayari at sa
tindi ng galit ko pati na kay kuya Andrei, parang gusto ko na lang na makasal
na sila agad upang magkaalaman na, na niloloko lang siya ng babaeng iyon.
Parang napagtanto kong talagang compatible silang dalawa; custom-made for each
other kumbaga. Iyong isa, manloloko at iyong isa naman ay loko-loko.
Nasa loob ng kuwarto na kami ni Brix noong narinig
ko ang pagdating nina kuya Andrei at Ella. Nagpupuyos pa rin ako sa galit,
iniisip kung anu-ano na naman kaya ang isiunulsol ng babaeng iyon sa kanya.
At maya-maya lang ay narinig ko nang nagsalita si
kuya Andrei, “Nay, tay… aalis na kami. Iyon lang naman ang pakay naming dito;
na pormal kong ipakilala sa inyo si Ella at ang pagpapaalam naming sa takda ng
aming kasal. Pupunta po kayo ng itay nay ha?”
“Oo naman. Dadalo kami ng itay mo at si Alvin.”
“O siya nay, magpaalam na rin ako kay Alvin…” At
narinig ko ang mga yapak patungo sa kuwarto ko. “Tol… aalis na kami. Sa kasal
ha? Best man ka namin!”
Hindi na ako sumagot. Sa isip ko lang, “Nasampal ko
na kaya iyong babae mo kaya wala nang atrasan. Oo, dadalo ako.”
Hanggang sa narinig ko na lang muli ang mga yapak
palayo sa kuwarto ko.
Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman.
Parang nagkalabo-labo na ang mga emosyon. Kung dati ay gusto kong manghinayang
na mawala siya sa akin, sa oras na iyon ay sobrang nainis ako sa kanya. Nasabi
ko tuloy sa sarili ko na mas ok pala talaga si Brix kaysa kanya. Bobo pala siya
at tanga. Dapat lang na magsama sila ni Ella. Sa pagkatanga niya, he deserves a
demon.
Huling gabi na namin iyon ni Brix sa amin.
Maghahating-gabi na ngunit hindi ako dalawin ng antok. Ang naglalaro sa aking
isip ay ang kasal ni kuya Andrei sa babaeng iyon. Nilingon ko si Brix sa tabi
ko. Himbing na himbing siya.
Dahan-dahan akong tumayo at tahimik na tinumbok ang
pinto. Maingat ko itong binuksan at lumabas ng bahay. May bangkong kawayan sa
harap ng bahay namin at doon ako naupo. Maaliwalas ang kalangitan at nasa tuktok
ng kabilugan ang buwan.
Sa harap ko naman ay ang manggang itinanim para sa
akin ni kuya Andrei. Habang hinahampas ito paminsan-minsan ng marahang bugso ng
hangin, mistulang kumakaway ang kanilang mga sanga sa akin. Biglang nanumbalik
ang mga ala-ala ko kay kuya Andrei. Noong kabataan pa lamang namin kung saan,
ramdam na ramdam ko pa ang labis niyang pagmamahal. Naalala ko rin ang eksenang
pagtanim niya sa unang mangga, at pagkatapos, sa pangalawa. Ang sabi niya na
kapag nangungulila ako sa kanya, sa puno ng manggang iyon daw ako lalapit, uupo
sa lilim noon at kausapin ang puno. Sobrang ironic. Kasi… hindi na ako nangungulila
sa pagkatao niya kundi sa panahong nagdaan kung saan tila pag-aari ko ang buong
mundo dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin.
Walang ni isa mang tao sa paligid. Ni ang mga aso
ay tahimik nang natutulog. ang tanging naririnig ko na lamang ay ang mga ingay
ng kuliglig at insektong panggabi. Feeling ko ay parang nag-iisa lang ako sa
mundo, sa isang planetang tanging ako lamang ang nakatira. Sa tindi ng aking
kalungkutan, hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Pinahid ko
ang mga ito.
Nasa ganoon ako kalalim na pag-iisip noong mula sa
aking likuran ay mag nagsalita. “Anak… bakit hindi ka pa natutulog?”
Nilingon ko ang pinagmulan ng boses sa aking
likuran. Si itay. “Eh… h-hindi po ako makatulog eh.” ang malabnaw kong sagot.
Pakiramdam ko ay lalong bumigat pa ang aking pakiramdam sa pagsulpot niya sa
aking pagmumuni-muni.
Umupo ang itay sa dulo ng bangkong kawayang inupuan
ko. Tila may iniisip din siya, malalim.
“B-babalik na po ako sa kuwarto ko tay… Matutulog
na po ako” ang pagpapaalam ko. Hindi kasi ako ganoon ka close sa itay ko. Hindi
ako sanay na magtanong kung ano ang kanyang iniisip. Sa ganoon ka-awkward na
sitwasyon kung saan mabigat ang aking dinadala at nasa gilid lang ang itay na
tila nag-isip din ng malalim, hindi ko kayang makipagtagisan ng patagalan sa pag-upo
sa bangkong kawayan ng walang imik.
Nakatayo na ako at nakatalikod at akmang aakyat na
sa hagdanang kawayan patungo sa aking kuwarto noong, “Alvin… maupo ka muna, may
sasabihin ako sa iyo.”
Nagulat ako sa narinig. Hindi ko kasi alam kung ano
ang sasabihin niya. Bumalik ako at muling umupo sa bangkong kawayan, sa tabi
niya.
“P-pasensya ka na sa akin.”
“P-pasensya po saan?”
“Sa pagtrato ko sa inyo ni Brix.”
“O-ok lang po iyon, itay…” ang malabnaw kong sagot.
Hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin. Hindi ko kasi alam kung hanggang saan
ang alam niya tungkol sa amin ni Brix.
“Alam mo anak… Noong isinilang ang kuya Andrei mo,
sobrang saya ang aming nadarama. Kami ng inay mo ay sobrang masaya rin dahil
ang usapan namin ng mga magulang ni Andrei ay ang magkaroon din kami ng anak –
na babae na siyang gagawin naming magiging kabiyak ni Andrei kapag lumaki na.
Pangarap namin ng mga magulang ni Andrei ang pagdugtungin at pag-isahin ang mga
pamilya natin. Best friend ko ang ama ni Andrei at best friend din ng inay mo
ang ina ni Andrei at ang numero uno naming pangarap ay ang tuluyang magkaisa ang
ating mga pamilya… sa pamamagitan ninyo. Ngunit noong ikaw ay dumating sa amin,
tila gumuho rin ang aming mga pangarap. Kasi, hindi ka naman maaaring ikasal
kay kuya Andrei mo. Pinilit naming magkaroon ng anak muli, pati na ang mga
magulang ni kuya Andrei mo ngunit siguro, sadyang hanggang doon na lamang ang
kayang ibigay ng nasa itaas sa amin. Medyo nalungkot ako. Isiniksik ko na lang
sa aking isip na hindi na talaga matupad ang pangarap namin ng inay mo at ng mga
magulang ni kuya Andrei mo na magbigkis, magkaisa, madugtong ang ating mga
pamilya sa pamamagitan ninyong dalawa. Ang konsuwelo ko na lang ay na isang
araw, magtagumpay ka sa iyong pag-aaral, makapag-asawa, at magkaroon ng mga
anak na siyang magpatuloy sa aming mga pangarap. Ang kunsuwelo ko ay kung hindi
man sa inyo ni Andrei matupad ang gusto naming, sa inyong mga anak na. Iyan ang
palaging sinasabi namin kay Andrei.”
Napahinto ang itay ng sandali. Nagbalik din sa
aking isip ang palaging sinasabi ni kuya Andrei na mag-asawa ako, magkaroon ng
pamilya, ng anak. Mistulang nagkaroon ng kaugnayan ang mga sinasabi niyang iyon
sa sinabi ng itay.
“Noong nalaman kong iba pala ang katauhan mo, at
k-kasintahan mo si Brix… doon na naman ako nagdamdam. Nalungkot. Para kasing
pinaglaruan lang ng tadhana ang aming mga plano sa buhay. Kasi… siguradong
hindi na talaga matuloy ang aming mga mithiin. Kaya medyo nasaktan ako.”
Tahimik pa rin ako. Hinyaan ko lang siyang
magsalita. Sa isip ko, “Kaya pala ganoon na lang ang pagtrato niya sa amin ni
Brix”
“Nitong araw na ito lang, napag-usapan namin ng
inay mo ang kalagayan mo, ninyo ni Brix. At alam mo ba kung ano ang nasabi
naming dalawa ng inay mo?”
“A-ano po?”
“Kung talagang ganyan ka na rin lang, e di sana, si
kuya Andrei mo na lang ang naging kasintahan mo…”
“P-po?” Ang lumabas na kataga sa aking bibig.
Parang sobrang nagandahan ako sa kanyang binitiwang salita na siyang naging
dahilan upang masamid ako at napatingin na lang sa kanya. Parang gusto kong
yakapin ang aking itay at sabihin sa kanya ang lahat ng aking paghihirap dahil
sa pagmamahal ko kay kuya Andrei.
Ngunit pinigilan ko na lang ang aking sarili dahil
alam ko, wala na ring saysay ang lahat. Walang patutunguhan ang pagmamahalan
namin ni kuya Andrei dahil una, may Brix na ako at pangalawa, ikakasal na nga
siya.
Ngunit doon na rin tuluyang bumuhos ang aking mga
luha noong tinanong uli ako ng itay ng, “Ikaw ba ay kaya mong mahalin bilang
kasintahan ang kuya Andrei mo?”
Yumuko na lang ako, lihim na pinahid ang aking mga
luha. “Hindi naman po mahirap mahalin si kuya Andrei tay. Mahal na mahal ko po ang
kuya Andrei ko, higit pa sa kapatid… Ewan ko lang po kung kaya rin niya akong
mahalin na katulad sa pagmamahal ko sa kanya.”
Natahimik sandali ang itay. “May Ella na siya,
magkakaroon na ng anak, at ikakasal na rin...”
Hindi na umimik pa ang itay. At dahil doon, tuluyan
na akong nagpaalam upang matulog. Naiwan ko siyang nakaupo sa bangkong kawayan
sa harap ng aming bahay.
“Hayaan mo, anak... para sa iyo, pag-aralan ko ang
sariling matanggap si Brix.” Ang narinig kong sambit ni itay.
Huminto ako sandali. Tingininan ko ang itay sabay
bitiw ng isang pilit na ngiti sa kanya. “S-salamat po.” at dumeretso na ako sa aking
kuwarto.
Nakahiga na ako sa aking kama na dala-dala sa aking
isip ang mga sinabi ng itay. Natuwa na sana ako dahil wala na pala siyang tutol
na mahalin ko si kuya Andrei ngunit imposible namang matupad pa ito dahil
ikakasal naman si kuya Andrei. Pakiwari ko tuloy ay napaka-walang-awa talaga ng
tadhana. Puwede naman pala sanang magiging kami ni kuya Andrei pero bakit niya
pa kami pinahirapan…
At ang isang bagay rin na bumabagabag sa aking isip
bago ako nakatulog sa gabing iyon ay ang nalalapit na kasal ni kuya Andrei at
Ella. Hindi ko maitago sa sarili na hindi ko pa talaga ganap na natatanggap
ito. May isang bahagi ng aking isip na mistulang nag-udyok na harangin ko ang
kanilang kasal, tutal may dahilan naman ako; inamin sa ni Ella na hindi si kuya
Andrei ang ama ng bata na nasa kanyang sinapupunan.
Ngunit may isang bahagi rin ng aking utak ang
nag-udyok na mag move on na ako dahil may Brix na ako na sigurado namang mahal
na mahal ako.
Hindi ko talaga alam kung ano ang aking gagawin. Litong-lito
ang aking isip. Iyon ang huling natandaan ko sa gabing iyon.
Sumapit ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib ni
kuya Andrei at Ella. Bagamat hindi ako naging handa okasyong iyon, pinanindigan
ko pa rin ang pagdalo. Naroon ang mga magulang ko sampo ng mga magulang nina
kuya Andrei.
Pakiwari ko’y napakabilis lang ng mga pangyayari.
Ni kung paano ako napunta sa lugar ng kanilang kasal ay halos hindi ko na
maalala pa. Parang bigla na lang akong sumulpot doon at noong nandoon na ako,
maayos na ang lahat na parang ako na lang ang hinintay upang matuloy na ang
seremonya. Marahil ay dahil iyon sa sobrang pag-iisip ko na sana ay matapos na
lang ang kasal at wala na akong pakialam sa iba pang mga pangyayari.
Sa labas ng simbahan nakita ko si kuya Andrei
habang hinihintay ang pagdating ni Ella. Napaka-guwapo niya sa suot niyang itim
na coat at dotted lightbrown na tie. Noon ko lang siya nakita sa ganoong
kasuotan at hindi ko maiwasan sa aking sarili ang hindi manghinayang at
mainggit kay Ella.
“Tol… ang guwapo-guapo ng bunso ko!” ang sambit
niya sa akin noong nakita niya akong palapit na sa bungad ng pintuan ng
simbahan. Halos pareho kasi kami ng suot. Naka coat and tie rin ako, itim na
slacks, may puting rosas sa kaliwang bahagi ng dibdib. Ang kaibahan lang sa
aming suot ay ang kulay ng aming mga tie.
Hindi ko siya pinansin. Sobrang bigat ng aking
kalooban. Mistulang hindi ako makahinga sa tindi ng sakit na aking naramdaman
at ni pagsasalita ay hindi ko kayang magawa. Alam ko, kahit na pilit akong
ngumiti, bakas pa rin sa aking mukha ang ibayong lungkot na aking itinatago.
Nilapitan niya ako, niyakap. Ngunit hindi ako
gumanti sa kanyang yakap. Sa loob-loob ko lang, nilabanan ko ang aking sariling
huwag bumigay. Gusto kong maging manhid, gusto kong maalis sa aking puso ang
mga bagay-bagay na aking naramdaman.
“Tol… alalahanin mo palagi na kahit ilang beses man
akong ikasal, ikaw pa rin ang tunay na nagmamay-ari ng aking puso.” ang bulong
niya habang niyayakap niya ako.
Hindi ko alam kung sampalin ko siya o pagtawanan sa
kanyang sinabi. Ngunit pinili ko pa ring manahimik. Ang pagpunta ko roon ay
bilang respeto na lamang. Kung may ibang bagay man maliban dito, ayoko nang
sakyan pa ang mga ito.
Marahil ay dahil mga sundalo ang ikinasal, marami
ring naglipanang militar na nakauniporme pa. ang iba ay nakasuot sibilyan
ngunit lantaran ang pagdadala nila sa kanilang mga armas.
Maya-maya, dumating na si Ella, nakadamit
pangkasal, kumpleto sa kanyang suot na halatang ipina-customized ang cut na
lalo pang nagpatingkad sa kanyang angking ganda. Sa paglabas pa lamang niya sa
sinakyang kotse, agad siyang nilapitan ni kuya Andrei. Muli, hindi ko na naman
napigilan ang aking sariling hindi mainggit. Dali-dali akong tumalikod, pilit
na binura sa aking isip ang eksenang aking nakita.
Maya-maya, nag-ingay na ang trumpeta ng bugle corps,
pahiwatig na magsimula na ang kasal.
Naunang nagmartsa ang mga bridesmaid at groom’s
men, at ako, kasama ang bride’s maid ang huli. Pakiwari ko ay hinid lumapat ang
aking mga paa sa sahig ng pasilyo habang ako ay nagmamartsa. Kahit ang mga
taong nakatingin sa amin, ang mga magulang kong siguradong tiningnan ako, ay
hindi ko napansin. Abala ang aking isip sa paghanap ng paraan upang hindi ko
maramdaman ang sakit.
Noong narating ko na ang aking upuan. Naupo akong
mistulang wala sa sarili. Hanggang sa narinig ko muli ang mga trumpeta at ang ingay
na nanggaling sa mga swords na itinaas ng mga myembro ng isang platoon na
ginawa nilang arko upang dumaan si Ella sa gitna ng pasilyo ng simbahan.
Nanatiling nakaharap lang ako sa altar. Ayaw ko
siyang tingnan. Ayaw kong may makita akong eksenang lalong magpatindi lang sa pagdurugo
ng aking puso.
Noong silang dalawa na ang nasa altar, nagsimula
ang ang misa. Nagsitayuan ang mga tao, nagsimula rin ang paunang kanta.
Pakiwari ko ay napakasaya ng lahat ng mga taong naroon, maliban sa akin. Para
akong isa sa mga kandilang itinirik sa simbahang iyon, unti-unting nauupos
habang palapit na palapit na ang takdang oras ng kanilang pag-iisang dibdib. At
habang nasa ganoon akong kalagayan, kusa namang nanumbalik sa aking alaala ang
mga nakaraan namin ni kuya Andrei. Nakita ko ang sarili ko sa aking isip; isang
paslit na nasa bukid, walang kamuwangmuwang sa mundo, ngunit natutong magmahal
sa isang lalaking itinuturing niyang kuya. Tila isang talon ng mga alaala ang
kusang nagsilabasan, naroon ang kung paano nagsimula ang aming munting lihim,
ang kantang “Old Photographs: na inalay niya sa akin, ang aming litrato kung
saan yakap-yakap niya ako, ang singsing na ibinigay niya, ang ilog, ang puno ng
mangga, ang San Pedro City, ang aming munting away, munting tampuhan, ang mga
harutan, tawanan… ang aking kuwarto kung saan nagaganap ang lahat. Halos hindi
ko kayang kontrolin ang mga alaalang nagpa-flashback sa aking isip. Hindi ko
lang alam kung bakit. Ngunit ang nais na lang sana ng isip ko ay na hindi ko na
muling maalala pa ang mga iyon. Kumbaga, iyon na ang huling pagbalik-tanaw ko
sa aming nakaraan.
Ngunit ano ba ang magagawa ko? Bagamat alam kong
paminsan-minsan akong nililingon ni kuya Andrei na nasa altar, ngunit wala nang
halaga ang mga tingin niyang iyon para sa akin. Nanatili akong nakayuko,
paminsan-minsang pinapahid nang lihim ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.
At ang nag-iisang panalangin ko sa sandaling iyon ay ang matapos na sana ang
torture na iyon ng aking buhay sa loob ng simbahan.
Hanggang sa “I, Andrei Gomez, take you, Ella Florez
to be my wife. I promise ot be true to you, in good times and in bad, in
sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life…”
doon na tila gumuho ang aking mundo sa narinig na pag-exchange nila ng kanilang
mga vows.
Hindi ko lubos maintindihan ang aking sa sarili. Bigla
kong naalala ang sinabi sa akin ni Ella na hindi anak ni kuya Andrei ang
kanyang ipinagbuntis. Parang biglang may bumulong sa aking isip na gumawa ng
paraan upang hindi lubusang matuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.
Nilingon ko ang aking paligid. Sa isang sulok ay
may isang naka-unipormeng army na ang dalang armalite ay nakasukbit sa kanyang
balikat.
Hindi ko na nagawang mag-ipsip pa. Tila napakamakapangyarihan
ng boses na nag-udyok sa aking utak. Dali-dali kong tinumbok ang nasabing
militar at walang pasabing hinawakan ang kanyang armalite, itinutok iyon kay
Ella.
May mga nakakita pa sa akin na itinutok ang baril
sa bride at nagsimula nang sumigaw. Nakita ko rin si kuya Andrei na nakatutok
sa akin dahil sinundan pala niya ako ng tingin. Parang naka-slow motion lang ang
lahat sa aking isip. Sa pagkakita ko sa kuya kong nakatingin sa akin,
kitang-kita ko ang kanyang pagkagulat sa porma kong nakahawak ng armalite at
itinutok it okay Ella.
Ngunit buo na ang isip ko. Pinindot ko ang unlock
pin ng armas atsaka ipinutok ko. Tila narinig ko pang sumigaw si kuya Andrei
ng, “Tol, huwaaggggggg!!!” Ngunit naalipin na ako ng galit at malakas ang boses
na nag-udyok sa aking utak.
“Ra-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-tat! Ra-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-tat!”
ang narinig kong ingay na nanggaling sa armalite na aking kinalabit.
Naka-automatic pala ito.
Subalit kung gaano kabilis ang aking pagpapaputok
ng armalite, mas mabilis ang pagharang ni kuya Andrei sa katawan niya kay Ella.
At ang lahat ng bala ng armalite ay sa katawan ni kuya Andrei tumama.
Bagsak si kuya Andrei sa semento. At dinig na dinig
ko ang sigawan ng mga tao kasabay sa kanilang pagtatakbuhan.
“Kuyaaaaaaaaaaaaaa!!! Kuyaaaaaaaaaaaa!!!” ang sigaw
kong halos sasabog ang aking baga sa tindi ng aking pagsisigaw dahil sa hindi
inaasahang ang kuya ko ang aking matamaan.
At lalo pang nagliyab ang galit ko. Itinutok ko
muli ang armalite kay Ella, “Mamamatay ka demonya kaaaaaaaaaaaaaaaa!
Arrrrrrrrgggggggggg!!!”
Ngunit bago ko pa man nakalabit ang trigger, isang
armalite din ang narinig kong pumutok. “Ra-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-tat! Ra-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-tat!”
Isang sundalong nakakita sa aking ginawa at sa akin
niya ipinutok ang kanyang baril.
Tumama sa katawan ko ang lahat ng mga bala sa
armalite niya. Narinig ko pa ang pagpapanic at pagsisigaw ng mga tao.
Ngunit bumagsak na rin ako sa semento. At ang huling
katagang pilit kong isinagaw ay, “Kuyaaaaaaaaa!!!”
(Itutuloy)
sir mike, another great chapter..medyo morbid lang yung last part. ang sad lang if at the end of the day, si evil ella pa yung alive :(
ReplyDelete-m.dantes :)
so much drama... so wonderful... yet so bitin :)) next please :3
ReplyDeletePanaginip to.. Haha.. Kung totoo mn .. Haha tos na ang story haha...
ReplyDeletekorek ka jan ziero, cguro nga panaginip lng lahat ito dala ng sobrang pag iisip ni alvin sa kuya nya! he he he
ReplyDeleteparang panaginip nga kc diba after nung pag uusap ni alvin at nung tatay nya bumalik na xa sa kwarto at nahiga lang, iniisp nya c kuya andrei yun ang huling natandaan nya bago naka tulog taz kasal na agad yung next scene...
ReplyDeletesana nga!
galing galing kuya mike! sana magawa mong mag update neto weekly... isang buwan lage ina antay ko before ma post next chapter..huhuh
BEST STORY ko to at ikaw ang BEST WRITER!
sna mamaty na si ella..haha..sn na po si brix sir mike?
ReplyDeletegrabe nman po kuya sir, hehehe parang hindi kaya damdamin q eh
ReplyDeletei love you brix ko.. sna kau na lng ni alvin magkatuluyan :)
ReplyDeleteBrix♥Alvin
I hate you mister author hu hu hu
ReplyDeleteAnother instense yet breathtaking event...parang lumalabas ang muhi ko Sir Mike ahehehe. I do hope that things will still work out for the benefit of those who truely loved. its been awhile.
ReplyDelete/james banning
wew! Goosebumbs at nanginginig ako, ang lakas ng impact saken Shet lang! Nanggigilaiti ako kay Ella!
ReplyDeleteoh my god..nakakabitin tong story na 2 sir mike..next chap. please :)hehe
ReplyDeleteWow! Haha grabe, intense ng mga kaganapan, cgro nga panaginip lng ung barilan scene,, nakakapagpadala ng emosyon..
ReplyDeleteNice work Author :D da best story ^^
haiiiii,nako..panu na c alvin?????????anu ang sunod na mangyayari sa dalawa??????mabubuhay pa kea c alvin tps c andrei????????nxt chapter kuya mike.....excited na aq....
ReplyDeletehehehheeehe...action na action ung dating
ReplyDeleteang aga naman ng putukan, happy new year... kudos
ReplyDelete.nka2taas ng BP yang ELLA n yan ha!!...panira ng moment.
ReplyDeletepanaginip lang sana toh.. si brix umuwi na ba?? at pumunta na ng america? cguro nga panaginip lang.. bad trip yung ella.. edi sana hindi na bumitaw c alvin kay andrei.. at di narin masasaktan si brix.. sabagay wlang thrill par wlang ganyan..
ReplyDeletesir michael.. ang galing mo.. sana gawan mo ng indie film to..
kawawa si brix
Deletewhewwwwwwwwwww...grabe k kuya mike..ganda..
ReplyDeleteGaling talaga ni sir mike... you are unpredictable! what an imagination you have! grabe. saludo talaga ako sa angkin mong galing sa pag gawa mo iyong obra. Isa kang henyo!
ReplyDeletePanaginip lang ang lahat (hopefully). At ang susunod na chapter ay talagang kaabang-abang. Haha
_xtian
OMG!!!!! Next chapter na Kuya Mike =(
ReplyDelete-Toffer (charmedboy09)-
oo nga alvin,pwede naman pala kayo ni andrie sana pinahirapan kpa talaga ng tadhana,kc payag naman sana ang itay mo kaso my ella na xa,how sad naman,....sana may updated agad kc baka di ako makatulog sa kakaisip kung n panu n si alvin.....
ReplyDeletethanks po kuya mike.....
kagaling tlaga ni kua Mike. Happy New Year po. Shock lng, sna di totoo ang lhat s ksalan. Excited n po s next chap en final chapter ng ML.
ReplyDeleteChad Kurasaki
for sure panaginip ito, kasi nagtataka ako bakit biglang nawala si brix sa picture at napunta agad sa kasal..hayyyy nxt chapter nko habang wala boss ko ehehehe tnx kuya.. JhayL-Dubai
ReplyDeleteHala ndala na si alvin ng emotions nia...kawawa nman,,sna mkaligtas si alvin,,,
ReplyDeletesana ay panaginip lang... makakaya kayang pumatay ng tao ni Alvin... eh paglahat na bala ng armalite tumama sa katawan nilang dalawa d wala nang nxt chapter... patay na sila...
ReplyDelete