Una po sa lahat ay gusto ko lamang po kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon? Medyo nalate po ang posting ko ngayon naging busy po kasi ulit kaya naman po humihingi po ulit ako sa inyo ng paumanhin at sana po ay naintindihan po ninyo.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to. Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.
Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
Enjoy reading!
“Hello po good afternoon si Christian po?” Ito ang tanong ko sa mga kasamahan nito sa bahay nung pagbuksan ako ng pinto.
“Ay ikaw pala. Wala na si Christian dito lumipat na sya ng bahay. Hindi ba nasabi sa 'yo?” ang paliwanag sa akin ng isa sa mga tao sa sala.
“Ay ganon po ba? Kaylan po ba sya dumating? Hindi po kasi sya tumawag sa akin eh.”
“Last week pa. Last Thursday sya lumipat kaya lang di ko alam saan sya nakatira ngayon eh.”
“Sige po maraming salamat.”
Agad akong umalis dahil dama ko na anumang saglit ay bubuhos ang luha ko at hindi nga ako nagkamali. Nakakailang hakbang pa lang ako ay malaya ng dumadaloy ang tubig sa aking mga mata tungo aking pisngi. Halos manlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang dumadaloy sa aking mga mata. “Bakit nagawa nyang maglihim sa akin? Bakit hindi nya sinabi na nakabalik na sya? Nasan na kaya sya ngayon?” ang paulit ulit na tanong na tumatakbo sa aking isipan. Katanungang hindi ko pa alam ang kasagutan. Huminto ako sa isang taxi stand at agad kong kinuha ang aking telepono sinubukan kong tawagan ang number ni Christian ngunit not working number na ito. Makailang ulit kong sinubukan ngunit wala talaga, hindi na gumagana ang number nya. Nawawalan na ako ng pag-asa hanggang sa naisip ko na puntahan ang opisina kung saan sya nag tatrabaho kaya naman agad akong pumara ng nagdaang taxi at tinungo ito. Kinakabahan ako sa aking gagawin hindi ko alam kung ano ang maaari kong madatnan sa aking pupuntahan pero lakas loob pa rin akong tumuloy.
Bago pa man ako bumaba ng taxi ay inayos ko muna ang aking sarili upang hindi mahalata ni Christian na umiyak ako. Ito ang muli naming pagkikita, kaya kaylangang maayos ako. Miss ko na sya. Ilang minuto pa ay narating ko na rin ang opisina nila.
“Hi! Good afternoon, may I talk to Christian? Christian del Rosario.” Ang magiliw kong tanong sa receptionist na naabutan ko.
“I’m sorry to tell you Mr. Christian left the company. He filed his immediate resignation last week.” Ang tugon nito sa akin.
“Do you know why did he resign?” ang curious kong tanong.
“I think it’s too personal to discuss. Sorry sir.” Ang simpleng tugon nito.
Muli ay pinipigilan ko ang mga luha na namumuo na sa aking mga mata.
“Thank you for the information.”
Agad akong tumalikod at umalis. Lutang ang aking isipan sa kadahilanang madaming bagay ang nangyari ngayon na hindi ko alam kung bakit nya iyon nagawa. Una na rito ang hindi nya pagtawag sa akin na dumating na sya mula sa bakasyon. Sumunod ay ang hindi nya pagsasabi na lilipat na sya ng bahay. At ang huli ay ang hindi nito pagsasabi sa akin na magreresign pala ito sa kanyang trabaho. Ano bang pahirap ang ginagawa sa akin ni Christian? Bakit ba ganito ang nangyayari sa amin? Hahayaan nya na lang bang magkahiwalay kami? Kung magakakahiwalay kami kaylangan ba walang formality? Halos pumutok na ang utak ko sa kaiisip sa mga bagay bagay na nangyayari sa akin, sa amin ni Christian.
Malakas na pag-ihip ng hangin ang sumalubong sa akin habang ako ay naglalakad na lutang pa rin ang isip. Nagpatangay na lang kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Hanggang masumpungan kong nasa isa akong parke at umupo na lang sa bench na naroon. Habang nakaupo ako ay inaaalaala ko ang mga masasayang sandali na nasa tabi ko siya. Ang mga katangang "Nandito lang ako...mahal na mahal kita" ay paulit ulit na umaalingawngaw sa aking isipan. Nangako siyang hindi niya ako hahayaang mag-isa at masaktan ngunit ano itong ginagawa niya sa akin ngayon?
Siya ang nagturo sa akin upang kalimutan ko si Lee. Siya din ang taong nagturo sa akin kung paano magmahal muli; na buksan muli ang puso ko at magmahal ngunit asan siya ngayon? "Mahal na mahal kita Ron" umaalingawngaw pa rin na pagsingit sa aking isipan sa mga binitawang salita sakin ni Christian. Hindi talaga ako makaapuhap ng dahilan kung bakit niya ito sakin ginagawa. "Kung mahal niya ako, bakit niya kailangang gawin ang ganito? Bakit niya ako pinahihirapan ng gusto? Bakit wala siya dito sa tabi ko gaya ng kanyang pinangako sa akin? Bakit niya ako nagawang iwan? Asan siya?"mga katanungan sa aking isip habang patuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha. Tila wala na akong pakialam sa makakakita sa akin na umiiyak ako. Gusto ko lang maipalabas ang sakit na nadarama ko sa oras na iyon. Hindi ko alintana kung pagtawanan ako ng mga nagdaraan. Maski ang oras ay hindi ko na napansin. Madilim na ang paligid gaya ng nararamdaman ko sa mga panahong iyon. Umiiyak pa rin ako sa bigat ng nararamdaman ng may biglang tumawag sa akin.
"He-llo" ang pilit kong pag-aayos ng boses ko ngunit halata pa rin ang pagkagaralgal nito.
"Ron, umiiyak ka ba? Bakit ganyan ang boses mo?” ang nag-aalalang tinig ng nasa kabilang linya.
“Ok lang ako. Nandito ako ngayon sa Dubai.”
“Gabi na bat parang nasa daan ka pa rin?”
“Ha? Anong oras na ba?”
“It’s almost twelve midnight at nasa daan ka pa at mukang problemado. Kasama mo ba si Christian?” hindi ako makasagot sa huling sinabi ni Lee hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya kung ano ang tunay nangyayari sa amin ni Christian at kung dapat ba nyang malaman pa matapos ang mga sakit na naidulot nya sa akin. Nanatili lang akong walang imik.
“Ron are you still there?”
“Huh, Oo dito pa ako. Hindi ko sya kasama ngayon. Mag aalas-dose na pala sige balik na ako ng Abu Dhabi.”
“It’s too late para umuwi ka pa ng Abu Dhabi at isa pa wala ng bus pabalik. Kung pipilitin mo namang umuwi mag tataxi ka it would be costly. Dito ka na lang sa bahay alam mo naman ang papunta dito diba? Hintayin kita and I will not take no for an answer.” Ang utos nito sa akin na tila naging sunud-sunuran ako.
Agad akong pumara ng taxi upang magtungo sa bahay nila Lee. Dahil sa totoo lang pagod na ako kakaisip at gusto ko ng magpahinga. Ilang saglit pa ay narating ko na rin ang bahay nila. Agad kong tinawagan si Lee.
“Lee dito na ako sa baba ng building.”
“Ok, sige I’ll be there in a minute.”
Ilang minuto ang lumipas at nakita ko agad si Lee gusto kong ayusin ang sarili ko ngunit huli na. Nakita agad ako ni Lee at agad niya akong niyakap. Alam niyang umiyak ako dahil pa pamumugto ng aking mata na hindi ko na natago pa.
"Okay ka lang? Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya sa akin ng may pag-aaalala.
Agad niya akong inaya papasok sa building. At ng makapasok kami sa loob ng elevator hindi na niya napigilan pa ang sarili nya, hinawakan niya ang aking kamay. Pinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa sa mga panahong iyon; na may karamay ako. Hindi ko tuloy maiwasang pumatak na naman ang luha sa aking mga mata. Nakita niya iyon. Masuyo naman niya itong pinahid ng kanyang mga kamay. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Sa mga narinig kong salita galing sa kanya gusto kong muli syang sumbatan ngunit wala na akong lakas para makipag diskusyon pa ang tanging nasa isip ko ng mga sandaling iyon ay gusto ko ng magpahinga. Ngunit habang ninanais ko yun tila parang napaka bagal ng oras.
Nakarating na kami sa loob ng bahay nila Lee at katulad ng sabi nito walang tao sya lang mag-isa. Wala ng paalam at nagtungo agad ako sa sofa upang makaupo at makapagpahinga. Alam kong nakatingin lang sya sa mga kilos at galaw ko. Nagmamatyag lang kung ano ang susunod kong gagawin. Habang nakaupo ako ay tumabi ito sa akin.
"You seemed problematic. What’s this all about? Come on Ron spill it.”
Ngunit nanatili akong tahimik at walang imik. Dahil hindi ko talaga alam kung paano sya sasagutin sa tanong nito sa akin.
"Alam ko it’s about Christian. Tama ba ako?”
At ng marinig ko ang pangalan ni Christian. Automatic na pumatak ang mga luha ko. Parang itong may sariling buhay na pag narinig ko ito ay kusa ng pumapatak ang mga luha ko. Nang makita ni Lee ang mga luha na dumadaloy sa aking mga mata ay muli niya itong pinunasan.
“Sssshhhh… tama na diba sabi ko sa yo ayaw ko na nakikita kitang umiiyak. Tama na yung ako na lang ang huling tao na iniyakan mo. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo ngayon dahil mas nasasaktan ako.” Ito ang salitang kanyang binitawan sabay yakap sa akin ng mahigpit. Wala akong ginawa kundi ang umiyak sa kanyang mga balikat habang yakap nya ako.
“Bakit kung kaylan minahal ko na sya tsaka naman nya ako iniwan mag-isa? Sobrang sakit Lee alam mo ba yun? Kung kalian nakalimutan na kita dahil sya ang laging nariyan para sa akin tsaka pa kami nagkaganito. Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa kanya. Dahil kahit pa kami na ikaw pa rin ang laman ng isip ko kahit na ang laman na ng puso ay sya na. Mas nanaig ang sigaw ng utak ko mas naging focus pa rin ako sa nangyaring paghihiwalay natin. Iniisip ko pa rin bakit mo nagawang ipagpalit ako. Pero lahat ng iyon inintindi nya dahil nga mahal nya ako. At ngayong hindi na nya kinaya pa ng malaman nya na may konting puwang ka pa rin para sa akin. He gave me time and space to think over the things that confuses me. Pero hindi na ako confused I know what I want, and it is him.” ang mahaba kong pahayag habang patuloy pa ring umaagos ang mga luha sa aking mga mata.
“Ron everything happens for a reason. You might not know now. But time will come, you will realize why it happened to you. As of now try to divert your attention on something which will make you productive. I know you’ve been through heartache before and that was because of me, I admit. And now you are experiencing it again and still it is because of me. I know Ron kahit hindi mo sabihin sa akin ako ang dahilan bakit ka nagkakaganyan ngayon and I can feel it. Is it because of the text message I sent to you before? Tama ba ako? Sorry I ruined your life. Babawi ako sa yo and I will do my very best to make your life better.”
Wala na akong lakas pa upang sagutin pa ang pahayag ni Lee. Sinabi ko na lang sa kanya na gusto ko ng magpahinga kaya naman inalalayan na niya ako papuntang kwarto. Hindi ko na nagawa pang magpalit ng damit dumiretso na ako sa kama at natulog. Hindi ko na alam kung saan natulog si Lee dahil paglatag ng katawan ko sa kama ay tila binayo ako at biglang nakatulog. Marahil ay dala na rin ng pagod at pag-iyak simula ng malaman kong wala na si Ron sa bahay na tinutuluyan nya.
Nagising dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Tanghali na pala ng ako ay magmulat. Agad akong bumangon at hinanap si Lee. Nakita ko itong nakaupo sa sala at nanonood ng show sa TV.
“Gising ka na pala. Sarap kasi ng tulog mo kanina kaya hindi na kita ginising. Tara kain na tayo.” Ang bungad nito sa akin.
Tila isang robot ang kinausap ni Lee walang ginawa kundi sumunod lang sa kung ano ang sinabi niya. Nasa hapag na kami, masarap ang ulam, favourite ko pero wala akong gana. Sumubo lang ako ng konti at hinintay na lang na matapos si Lee sa kanyang pagkain. Masigla syang nagkukwento. Alam kong ginagawa niya ito para gumaan ang loob ko ngunit hindi mababago ng pagiging masigla nya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Doble pa sa sakit na naramdaman ko ng iwan nya ako. Walang pagsidlan ang sakit ngayon dahil sa tuwing matatahimik ang kapaligiran naalala kong muli ang mga alaala naming dalawa ni Christian.
Nang matapos na si Lee sa pagkain ay pinapunta na niya ako sa sala upang makapag pahinga daw ako. Agad ko naman itong sinunod. Hinintay ko lang matapos si Lee sa ginagawa nya upang makapag paalam na ako na uuwi na ako ng Abu Dhabi.
"Lee balik na ako ng Abu Dhabi. Hindi ko rin naman alam kung saan ko hahanapin si Christian." ang malungkot kong pagpapaalam dito.
"Bakit hindi ka na lang muna magpahinga mukhang di mo pa kaya magbyahe sa itsura mong yan. Mag-aalala lang ako para sa yo."
"Hindi na. Kaya ko ang sarili and you don't have to worry about me."
"Hindi ihahatid na lang kita sa Abu Dhabi. Sige na maligo ka na para maihatid na kita."
Nang makapag-ayos ay agad naming tinungo ang station papuntang Abu Dhabi. Halos wala akong nasa isip ng mga oras na nagbabyahe ako kundi si Christian. Hindi pa rin maalis sa akin ang ginawa nya. Ang hindi pagsasabi sa akin kung nasaan na sya at kung bakit biglaan ang pagreresign nya sa pinagtatrabahuhan nya. Bakit?
Nakatayo ako sa pintuan marahan ko itong binuksan, and to my surprise I saw him standing in front of me.
"Buddy, Saan ka ba galing? Alalang-alala ako sa yo, kanina pa kita hinihintay dito sa room mo. Buti na lang nakita ako ni Jane sa labas kaya nakapasok ako."
Natulala ako sa aking nakita si Christian nakatayo ngayon sa harapan ko wala akong ibang naging kilos kundi ang pagmasdan ang kanyang mukha na matagal kong ng inasam na makitang muli. Natulala ako ng mga sandaling iyon, pawang patak lang ng luha ako ang tugon sa kanyang mga tanong.
"Buddy hindi mo ba ako namiss?" ang tila malungkot na tanong nito.
Wala na akong inaksayang oras agad ko siyang niyakap dahil sobrang miss ko na sya. "I miss you so much Budz. Bakit mo ko pinahirapan ng ganon? Hindi mo ba alam na hindi ko alam ang gagawin ko nang nawala ka. And now you are here. I won't waste even single moment na maiparamdam ko sa yo kung gaano kita kamahal. I Love You Christian!"
"Buddy, Saan ka ba galing? Alalang-alala ako sa yo, kanina pa kita hinihintay dito sa room mo. Buti na lang nakita ako ni Jane sa labas kaya nakapasok ako."
Natulala ako sa aking nakita si Christian nakatayo ngayon sa harapan ko wala akong ibang naging kilos kundi ang pagmasdan ang kanyang mukha na matagal kong ng inasam na makitang muli. Natulala ako ng mga sandaling iyon, pawang patak lang ng luha ako ang tugon sa kanyang mga tanong.
"Buddy hindi mo ba ako namiss?" ang tila malungkot na tanong nito.
Wala na akong inaksayang oras agad ko siyang niyakap dahil sobrang miss ko na sya. "I miss you so much Budz. Bakit mo ko pinahirapan ng ganon? Hindi mo ba alam na hindi ko alam ang gagawin ko nang nawala ka. And now you are here. I won't waste even single moment na maiparamdam ko sa yo kung gaano kita kamahal. I Love You Christian!"
"Don't worry nandito na ako at hindi na kita iiwan pang muli. Mahal na mahal kita Ron at hindi magbabago ang feelings ko para sa yo." ang sarap pakinggan ng mga salitang ito.
"Ron... Ron... Ron..."
No comments:
Post a Comment