Followers

Monday, November 11, 2013

blue chapter 23




                             kinabukasan pagpasok halos hindi matigil yung paghihikab ko..bakit ba hindi maalis sa isip ko si irene..napabuntong hininga lang ako pagbaba ng motor ko. "Sarap mo suntukin aldred." batok ko sa sarili ko.. " si blue lang..sya lang naiintindihan mo." pinuno ko lang ng hangin yung dibdib ko saka nagsimulang maglakad papunta sa room namin.. Malayo palang tanaw na tanaw ko na si irene na nasa harap ng room namen.. Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad ako Pinilit ko naman ngumiti sa kanya.. Ano bang gagawin ko.. Hindi pwedeng ganito..

                 " morning crush." matamis na ngiti nito.

                 " morning din anong ginagawa mo dito.?"

                 " wala lang.. Here oh.?" ngiti niya saka inabot sakin yung sandwich na hawak niya. Kumunot naman yung noo ko.

                 " bakit mo ko binibigyan niyan.?"

                 " eh kasi di ba sabin mo ayaw mo ng chocolate or flowers.. Kaya sandwich nalang..? Tanggapin mo na saka kaibigan mo nanaman ako di ba.?"

                 " irene kasi.. Hindi mo kailangan gawin to."

                 " sige na please..?"

                 " ok sige.. Pero last na to huh.. ?"

                 " ayoko.. Tomorrow anong gusto mo.?" ngiti niya napakamot naman ako sa ulo skaa muling inabot sa kanya yung sandwich

                 " irene kasi alam mo naman di ba na may syota ako.?"

                   " yeah pero sabi mo understanding naman sya.. Sige na.. Napapasaya mo kasi ako kaya gusto ko lang suklian yun.?"

                   " yeah understanding sya.. Pero hindi ko naman sinabi na hindi sya seloso di ba... Kasi nagseselos sya sayo eh.?"

                    " ganun ba.. Sige na nga last na to.. Tanggapin mo na yan.."

                    " tatangapin ko to.. Kung ipapromise mong last na to.. "

                    " ok sige promise."

                    " wala naman tong gayuma right.?" pilit na ngiti ko.. Natawa naman sya sa sinabi ko.

                    " hindi naman ako ganun.. Grabe ka aldred huh.. Crush kita pero hindi naman ako marunong nun.. Pero effective ba yung ganun.?" kunot ang noong tanong niya kaya napangiti lang ako.

                    " malay ko.. Bakit mo tinatanung.. Hindi na talaga ko tatangap ng kahit na anong food from you." ngiti ko sa kanya.

                    " ay grabe.. Joke lang hindi ko gagawin yun.."

                    " ok sige.. Pasok na ko.. See you around."

                    " ok alis na ko..bye aldred.." ngiti niya saka tumalikod at naglakad.. Pinagmasdan ko lang sya habang papalayo sakin.. Napabuntong hininga lang ako.. Papasok na sana ako ng may napansin ako sa sahig.. Agad ko naman tong dinampot.. I.D niya.. Irene Sebastian..? Kaapilido pa niya si blue..nababaliw ka na aldred.. Saad ko lang saka nilagay sa bulsa ko yung I.D ni irene.

                    Reccess na nun. Naglalakad na ko papuntang canteen ng lumapit sa akin si lyka.. Isa sa mga namumuno sa ginagawa naming stage play.

                    " aldred... Wala tayong praktis mamaya huh."

                    " bakit.?"

                    " eh sa absent yung princess mo.. Kaya pano tayo magpapraktis.. May sakit daw eh.?"

                    " ganun edi ba lyka.. Malapit na yung play natin.. Ano daw sakit ni karen.?"

                    " duengue daw eh.. I hope gumaling sya agad.. Kailangan natin maperfect yung play natin eh.. malapit na pa naman yung anniversary ng school."

                     " hindi naman siguro sya malala.. ?"

                     " sana.. Pupunta ko dun after class.. Gusto mo sumama.?"

                     " uhm lyka kasi may lakad ako mamaya eh.. Pakasabi nalang kay karen get well soon.."

                     " ok sure.."

                     " uhm wait lyka.. What if kung hindi na kaya ni karen magperform pa sa play. Anong option natin.?"

                     " ahh..  Iniisip ko na din yan eh.. Nakausap ko si irene.. Kilala mo sya di ba.?"

                     " yeah.. Bakit.?"

                     " hindi mo ba napapansin lagi syang nandun kapag may praktis tayo.. Lalo na kung yung scene mo yung pinapraktis natin.. Lage syang nasa gilid.. Well if and only if lang naman.. Mukha naman bagay sa kanya yung role eh.."

                      " eh anong sabi niya.?"

                      " ok daw sa kanya. Mukha ngang natuwa pa eh.. Laki ng gusto sayo nun.."

                      " ah ok.."

                      " sige prince aldred.. Una na ko.. Mukhang gutom ka na eh." ngiti ni lyka kaya natawa lang ako.

                      " eh ikaw hindi ka pupunta ng canteen..?"

                      " dami kong kailangan gawin eh.. Lunch nalang ako babawi. Alis na ko.." saad niya..

                      " ganun.. Sayang ililibre sana kita eh.?" saad ko saka tumalikod.

                      " teka.. Ililibre mo ko..?" harang niya sa dinadaanan ko..

                      " joke lang.. Ang yaman yaman mo.. Dapat nga ako ilibre mo eh."

                      " hoy aldred.. Mas mayaman kayo.. Ilibre mo na ko.."

                      " eh kala ko ba may gagawin ka pa.?"

                      " ah oo nga pala.." kamot niya sa ulo.. " uhm ganito nalang since ililibre mo ko.. Dalhin mo nalang din sa room ko..?" ngiti niya.

                      " ate lyka ililibre na nga kita.. Tapos dadalhin ko pa sa room mo.. Abuso ah..?"

                     " anong ate..? Gusto mo batukan kita.?"

                     " joke lang.."

                     " basta dalhin mo nalang huh,. Ganyan dapat ang prinsipe.. Mabaiittttt.. Una na ko." ngiti niya saka tumalikod.. Napakamot lang ako sa ulo saka nagsimulang maglakad. " mapapagastos tuloy ako.

                     Hangang maguwian na.. Tinatahak na ng motor ko yung papuntang school ni blue ng makita si irene na naglalakad.. Hininto ko naman yung motor sa tapat niya saka tinagal yung helmet.. Kita ko naman yung gulat sa mukha niya dun ko nakita yung patak ng luha sa mata niya.

                     " bakit ka naglalakad.?"
         
                     " ah eh.. Wala lang..?"

                     " anong wala lang.. Umiiyak ka ba.?"

                     " no hindi...uhmm san ka papunta.. Hindi naman to yung way mo di ba.?"

                    " ah susunduin ko kasi si blue sa school nila.. Bakit ka naglalakad.?"

                    " uhmm.. I lost my wallet.." nakatungo niyang saad.
               
                    " huh nawala.. ? Bakit hindi ka nalang nangutang sa mga classmates mo.. Wala ka bang kaibigan.?"

                    " meron naman kaso nahihiya ako eh.. Sige na sunduin mo na si blue.. Baka nagaantay na yun.?"

                    " maaga pa naman.. Hatid na kita."

                    " no.. Wag na.. Baka makita tayo ni blue..saka malapit nanaman ako eh.. Una ka na.?"

                    " sakay ka na.. Maaga pa."

                    " aldred kaya ko na.. Sige na." ngiti niya lang sakin.

                    " i insist.. Tara na sakay na.?"

                    " makulit pala yung crush ko.." natatawa niyang saad. " ok lang talaga ko.."

                    " ok ka jan.. Eh nakita kaya kitang umiiyak habang naglalakad.. Yun ba yung ok.?"

                    " uhm napuwing lang ako.. Ang alikabok kaya."

                    " lokohin mo pa ko tara na.. Hatid na kita.. Mejo maaga pa naman eh saka kung sumakay ka na kanina pa.. For sure andun na tayo sa inyo."

                    " aldred ok lang talaga ko.?"

                    " irene.. Wag ka ng makulit.. Hindi ako aalis hanggang hindi kita naihahatid.. Hindi kaya bagay sayo na naglalakad lang.. Tara na please.?"

                    " pero aldred..?"

                    " please.?"

                    " ok.. Mapilit ka eh.. Kung hindi lang kita crush.. Ang totoo kasi takot ako sumakay sa motor.?" pilit na ngiti niya sakin.

                  " takot ka sa motor.. Eh yung tricycle? Motor yun di ba.?" ngiti ko sa kanya.. Natawa naman si irene sa sinabi ko.

                  " iba naman yun... Yang motor mo single lang.. Walang sidecar.. Kaya nakakatakot saka madami kayang naakasidente sa motor.. Hindi ka ba natatakot.?"

                  " nasa pag-iingat naman yan.. Saka yung mga naaksidente kadalasan mga lasing eh.. Hindi naman ako lasing so bakit ka magtatakot..sakay ka na..?"

                  " eh di ba.. Naaksidente ka na before.. Hindi ka naman lasing nun."

                  " pano mo nalaman yun.?"

                  " nakita kita before.. Paika ika ka maglakad.. Tapos tinanong ko yung classmate mo.. Sabi naaksidente ka daw sa motor." irap niya sakin napangiti lang ako.

                  " minor injury lang naman yun.. Sakay ka na promise mag-iingat ako.?"

                  " natatakot talaga ko eh.?"

                  " irene kasi.. Uhm baka uwian na nila blue.. Sakay ka na.?" kita ko naman na natigilan sya saka humugot ng malalim na hininga pagkatapos ay tumitig lang sya sakin.. " sasakay ka na ba.?"

                  " ok.. Pero please magingat ka sa pagdadrive huh.?" napangiti lang ako sa sinabi niya. " aldred kahit crush kita.. Takot akong mamatay.. May mga gusto pa kong gawin.?"

                  " don't worry... Akong bahala sayo.. Sakay ka na miss beautiful"

                  " bolero ka pala huh.." saad niya lang pagsakay sa likod ko.. Natigilan lang ako ng maramdaman yung kamay niya sa bewang ko. " aldred ok lang ba kung dito ako humawak.?"

                  " yyyeeaah.. Kapit ka huh." saad ko nalang saka pinaandar yung motor... Sinabi niya naman sakin kung san sya nakatira hanggang makarating kami sa tapat ng isang malaking bahay bumaba naman sya pag tigil ng motor..

                  " hindi ka naman pala nakakatakot magdrive eh.." ngiti niya lang sakin.

                  " sabi sayo eh.. Bakit parang iba yung way mo kanina...eh malapit lang pala bahay niyo.?" napansin ko naman na natigilan sya saka kinuha yung phone niya sa bag.

                  " ahh ehhh.. Kasi may dadaanan pa sana ako..?"

                  " oo nga pala kinausap ka ni lyka.?"

                  " yeah.. Sabi niya kung hindi kaya ni karen.? Na magperform pa.. Kung pwede daw ako..?"

                  " yeah.. Nasabi niya nga sakin.. Ok lang sayo.?"

                  " oo naman.. Kabisado ko kaya yung mga lines nung princess mo.. Eh parang mas magaling pa ko dun eh.."

                  " wehh hindi nga.?"

                  " oo nga.. Hindi ko nga alam kung bakit yun ang napiling princess .. Wala man lang kabuhay buhay.. Maganda nga. Kaso parang hindi naman marunong mag-act."

                  " grabe ka naman.. Magaling naman si karen ah..?"

                  " hindi kaya.. Pero syempre sana gumaling sya..  Pero kung hindi.. Tingin ko mas bagay tayo."

                 " tingin mo.?"

                 " yeah.. Mas sobrang bagay tayo.."

                 " ah ok.. Una na ko huh.. Sunduin ko pa pala si blue eh." ngiti ko lang.

                  " sige.. Ingat ka crush." saad lang niya tinanguan ko naman sya saka pinaandar yung motor.. Tama ba tong ginagawa ko.. Naawa lang ako sa kanya.. Hindi naman siguro iba yung nararamdaman ko..

SI IRENE

                 ilang sandali akong nakatayo sa labas ng bahay ng makita yung sasakyan ni daddy sa di kalayuan.. I know nakita niya si aldred..napangiti lang ako habang nakatingin sa sasakyan Binuksan ko naman yung gate saka pumasok maya maya narinig ko na tumigil yung kotse sa harap ng bahay.. Muli lang ako humarap dito.. bumaba lang si daddy mula sa sasakyan saka pumasok sa gate.

                 " bakit kasama mo sya.?" galit na saad nito . " irene sumagot ka bakit kasama mo si aldred.?"

                 " bakit anong masama kung kasama ko sya.?" sarkastiko kong ngiti kay daddy saka pumasok sa loob ng bahay pero sumunod lang sya sakin saka hinawakan ako sa braso.

                 " ilang beses ko bang sasabihin na wag mo ko tinatalikuran.. ako pa rin ang daddy mo.?"

                 " daddy.? Talaga lang huh." sinamaan ko lang sya ng tingin ramdam ko naman na humigpit yung hawak niya sa braso ko.

                 " bitiwan mo ko . "

                 " anong gagawin mo huh.?"

                 " Dun ka na sa asawa mo. Ano bang ginagawa mo dito.?" agad ko lang tinggal yung kamay niya sa braso ko.

                 " alam mong may relasyon sila ng anak ko.?!"

                 " i know dad.." ngiti ko lang.

                 " irene anong pinaplano mo.?!"

                 " wala.?? ano naman tingin mong pinaplano ko... Hindi ka ba magtatanong kung nasan si mama..?.. Alam mo bang dinadala niya na dito yung lalake niya..?"

                 " irene please layuan mo si aldred.."

                 " at bakit ko sya lalayuan..ahhhh dahil sa syota sya ng bakla mong anak..? Manigas ka.!"

                 " irene anak.. Ako nalang.. Wag si blue..?"

                 " tingin mo ba dad mahal ko si aldred.. HIndi.!.. Kasi galit ako sayo.. At si blue ang gagantihan ko..!"

                 " Lalayuan mo sya."

                 " bakit.. Hindi ko gagawin yun.. Di ba ang saya.. masasaktan yung anak mo.. Ang saya di ba.?.. So lumabas ka na daddy baka hinahanap ka na ng asawa mo.. "

                  " irene.."

                  " daddy may tanong ako.. Kahit konti ba minahal mo kami ni mama. Kahit konti ba nagkapuwang ba kami jan sa puso mo.? O talagang kabit lang ang tingin mo kay mommy.. At sakin.. Isang dakilang anak sa labas.?"

                  " irene binigay ko lahat ng pangingilangan mo.. Hindi ako nagkulang."

                  " binigay mo lahat..? Hindi.. Kasi kahit kailan hindi ko naramdaman na minahal niyo kami ni mama... Narinig ko pa nga last time nung nagaaway kayo ni mama.. Di ba sabi mo.. Kami yung pinakamalaking pagkakamaling nagawa mo sa buhay mo.? At pinapangako ko sayo.. Ako ang pagkakamaling sisira sayo."

                  " anak mahal kita..?"

                  " talaga.. ? Hindi.. Hindi mo ko mahal daddy.. Bata palang ako ramdam ko na yun.. Di ba gusto mo pang ipalaglag ako ni mama.. Pagmamahal ba ang tawag mo dun.? Ganun ka ba magmahal..? Huh ganun ka magmahal..?" duro ko kay daddy.. Pinigilan ko naman pumatak yung mga luha sa mata ko.. Aya kong makita niya kong umiiyak hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako.. Hindi ako papayag.

                  " irene.. Wag mo idamay si blue.. Anong kailangan mo sabihin mo lang.?"

                  " si aldred lang ang kailangan ko.. Sya lang.. Alam mo kasi kung hindi mo naman binuntis si mama nuon at hindi ka nagtaksil sa asawa mo.. Edi sana wala kang problema ngayon at hindi ako nasasaktan ngayon..."

                  " hindi mo aagawin si aldred." natawa naman ako ng payak.. Hinawakan naman ni daddy yung braso ko sinimaan ko lang sya ng tingin. " hindi.. Naiintindihan mo ba huh."

                  " nasasaktan ako dad.!"

                  " binabalaan kita irene.."

                  " tingin mo matatakot ako dad.. Ikaw ang matakot.. Pasalamat ka wala akong ginagawa para masira yang pamilyang pinakaiingatan mo.. Kaya kong gawin yun ..oo kaya ko..pero anong ginawa ko Lumipat ako ng school para iwasan si blue.. Di pa ba sapat yun.. Daddy hindi ako nangulo.. Kahit si mama walang ginawa.."

                  " wag si aldred.. Madaming lalake jan.. Wag sya naiintindihan mo.!"

                  " dad.. Binigay ko na kay blue lahat.. Hindi ako humingi ng atensyon sayo..uhmm oo nga pala Kahit naman humingi ako.. Hindi mo parin ibibigay di ba.. Dad si aldred aagwin ko sya."gigil na saad ko tinagal ko naman yung kamay ni daddy sa braso ko kita ko lang yung pagnganngalit ng ngipin niya..

                  " hindi mo gagawin yun.."

                  " aagawin ko sya daddy.." gigil na saad ko. " Tandaan mo yan.. At si blue..? Sinusurado kong sya ang iiyak.. Tama na. Sya naman ngayon ang iiyak."

                  " hindi ko hahayaang mangyare yun."

                  " anong gagawin mo dad..?"
 
                  " mahal ni aldred si blue.. Kaya hindi mangyayare yang gusto mo.."

                  " talaga daddy..?" ngiti ko lang.. " si aldred.. I think nagkakagusto na sya sakin.. Konti nalang.. Mapupunta na sya skain.."

                  " kakausapin ko si aldred,"

                  " subukan mo dad.." gigil na saad ko.. "pag ginawa mo yun hindi ko lang aagwin si aldred.. Wawasakin ko pa yang pamilya mo..! Ang gusto ko lang naman ngayon.. Makitang nagdudusa yung anak mo.. Katulad ng pagdudusa ko ngayon.!" kita ko naman yung sama ng tingin sakin ni daddy. " parang gusto mo ko patayin dad ah."

                  " irene binabalaan kita..!"

                  " aagawin ko sya kay blue..! Aagawin ko yung nagiisang taong pinakaiingatan ng anak mo." isang sampal naman ang dumapo sa pisnge ko.. Napangiti lang ako pagkatapos ng sampal na yun saka tumitig sa mata ni daddy. " bakit parang humina yung sampal mo dad.. Tumatanda ka na.. Malapit ka na mamatay... At sana mangyare na yun soon" saad ko lang saka tumalikod. " pakisara yung gate." sigaw ko saka pumasok sa kwarto.. Dun naman tumulo yung luha sa mata ko.. " ihanda mo na ang sarili mo blue.. Mapupunta na sakin si aldred.!"

8 comments:

  1. ang ganda ng story this is my frist time to comment, well job mr author, nakakainspire maging author :D

    ReplyDelete
  2. kumplikado na mga sitwasyon, medyo gumugulo na. maagaw kaya ni irene si red? diko nmn masisisi si irene sa inasta nya sa daddy nya. ganun talaga pag nagtanim ng galit. pero mawawala din nmn yan pag nagkaayos.

    0309

    ReplyDelete
  3. Awwwww. Bad ni irene.. Sana hindi maagaw ni irene si aldred kay blue. Kawawa na naman si blue.. Kawawa din si aldred. Walang kaalam alam.. Aldred focus lang kay blue. Hehehehe..

    ReplyDelete
  4. thanks sa update nasaan na c gio a c jeff to

    ReplyDelete
  5. Oh my G! Aldred wag kang papatukso kay irene. Dapat kay blue ka lng. Makakatikim ka sakin pag nangyari un (may ganun talga?!)

    -hardname-

    ReplyDelete
  6. ano ba yan? Pinapagulo nman ang kwento eh

    ReplyDelete
  7. Taena tagal magupdate

    ReplyDelete
  8. Wow, ang lalim ng pinanggagalingan ng mgs characters

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails