Followers

Saturday, May 3, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 18: Confrontations



The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 18
“Confrontations”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz








Author’s Note:

Ohayou! Pasensya na talaga sa sobrang delayed na updates. Nakakahiya no pong magpahintay sa inyo. Sorry po talaga. Huhuhu. Pero yaan nyo po, di naman po tayo katulad nung iba na nang-iiwan nalang ng basta-basta sa ere. Mas mabuti na pong ma delay kesa sa wala talagang updates. At isang malaking THANK YOU po para sa inyong tumatangkilik at nag-aabang sa updates ng istoryang ito. Maraming salamat!

Salamat ng marami kina Kuya Vienne Chase at Alex Chua (na member na rin ng MSOB Family. Guys, please do watch out for their stories J), kay Jihi ng Pampanga, kay Sir Dave,  kay Jayver Flores, at kay Kuya Airis at Papa Kirk na mahal na mahal ko, at sa iba pang minions. At lalong-lalo na sa mga kapatid kong sina Hao Inoue, Ken at si Mr. CPA, dahan-dahan kayo ah? Wag maglaro ng apoy. Kundi susunugin ko kayo. Nyahaha. Ang haharot sa FB. Di ako nakapag-concentrate nung isang gabi dahil sa tatlong ito. Thursday night pa sana to natapos eh. Nyahahaha! Nanisi ba?

Eto na. Hope you guys will like it. The 18th Chapter. Enjoy!



===================================


== The TREE ==

“So..” Narinig ko pa siyang humugot ng isang malalim na buntong-hininga. “Kumusta kayo ni Jayden?”

“Bakit mo ginawa yun kaninang umaga?” Agad na pag-iiba ko sa usapan. Hindi ko talaga maintindihan ang inakto nito kanina. “Dude.”

“Wala lang. Masama ba?” Ngumiti pa si Yui sa akin. Ano ba talaga ang tinatakbo ng isip nito? Hindi ko talaga siya maintindihan minsan eh. Kahit noon pa man.

“Dude, why?”

“Wala nga. Ang kulit mo eh.” At uminom siya ng beer na dinala ko kanina nung nilapitan ko siya.

Kasalukuyan kaming nandidito sa lanai. Tulog na siguro ang iba pa naming kasama. Na-tyempuhan  namang nakita ko sila kanina ni Karin na nag-usap, kaya sinulit ko na ang pagkakataon upang alisin sa aking ulo ang mga katanungang bumabagabag sa akin buong araw.

Oo. Inaamin ko. Kahiya-hiya yung pagiging estatwa ko nang kamuntikan ng malunod si Jayden kaninang umaga. Tas hanggang ngayon, di ko man lang maamin kay Jayden na nagsisinungaling si Yui. Haaay! Bakit ba ako naiipit sa sitwasyong ito? Siguro, I deserve this. Kasi naging mahina ako. Hindi ko man lang natulungan ang mahal ko kanina.

“That was not a joke dude. Kamuntikan ng mamatay si Jayden, pero bakit mo sinabing ako ang nagligtas sa kanya?”Tumungga nalang ako ng beer at medyo tumataas na naman ang dugo sa utak ko. Naiinis na ako sa pangiti-ngiti ni Yui.

“Trip ko lang.”

“Wag mo kong pinagloloko Yui. Answer me!” And there goes my ego. Sumabog na. Kinukutuban na ako kay Yui eh. It feels like we’ve been in the same situation a long time ago.

Hindi naman ito nagsasalita. Panay lang ang tingin nito sa paghampas ng alon sa may dalampasigan. Sana naman hindi totoo ang kutob ko. Sana naman, nagkakamali lang ako.

“Yukito!” Tawag ko pa dito, pero nangingiti lang siya.

Hindi pwede to. Kelangan ko na ring malaman ang tinatakbo ng isip ni Yukito, at kung totoo man ang naging hinala ko sa inaakto ni Yui. Haaay. This is it! The truth.

“Mahal mo ba si Jayden? Mahal na mas higit pa sa pagkakaibigan? Tell me the truth Yui.” Diretsahang tanong ko dito. Tyempo namang tumingin ito sa akin. Nabigla sa tinanong ko. Mata sa mata.

“Tss.” Tanging naisagot nito at tumawa pa ng mahina. Inilapag lang nito sa may lamesa ang gitarang hawak-hawak niya. Tsaka ito tumungga ng beer. Bakit ba nakukuha pa nitong maging mahinahon sa sitwasyong ito? Is he inlove with my new boyfriend?

“ Yui. Are you inlove with Jayden?” Napabuntong-hininga nalang ako. “Are we on the same situation again?”

“Pano kung sabihin kong oo? May magagawa ka ba?” Sarkastikong saad lang nito, tas pumasok sa may kusina at kumuha pa ng beer. But this time, bote na ang kinuha niya.

“Wag na nga tayong maglokohan dito dude! Sabihin mo nalang kasi.”

Di lang ito umimik. Umiinom lang ito ng beer, habang nakatingi pa rin sa malawak na dagat.

Kakayanin ko ba ang laban, kung malaman kong si Yui na naman ang magiging karibal ko? Alam kong mas malalim na ang pinagsamahan nila ni Jayden eh. Mukhang wala na akong laban dito.

Pero bakit ganun? Bakit hindi lumalaban ng patas si Yui? What is he thinking? Kung mahal niya si Jayden, bakit hinahayaan nya lang itong maging parte ng buhay ko?

Isang malaking palaisipan ang mga nangyayari. Si Yui, mahal niya si Jayden. Si Jayden naman, sinagot na niya ako, pero totoo ba talagang ako ang nasa puso nito?

“Dude. Mahal ko si Jayden. Alam mo naman yun diba?” Seryosong saad ko dito.

“Oo. Alam ko. At sana lang, mapanindigan mo yan.” Nakatungong sabi ni Yui. “Jayden holds a very special place in my heart dude. Pero maswerte ka’t ikaw ang napili niya.” Nag-angat lang ito ng mukha saka mapait na ngumiti. “Ingatan mo siya Al.”

“Pero bakit ba kasi nagsinungaling ka pa kanina? Ako ang napepressure sa pinagagawa mo eh. Di naman kita pinagbabawalang lumaban dude.”

“Hayaan mo na yun dude. Atleast diba? Pogi points na din yun para sa babe mo.” Ngumiti pa siya. I hate that smile. Alam kong nagpapaka-plastic lang si Yui, sakin at sa kanyang sarili. Bakit ba sya ganyan?

“Dude, siguro kung hindi ko pa nakilala si Jayden, aakuin ko na yung ginawa mo. Pero, ngayon, mali na eh. Maling-mali. Hindi bagay si Jayden na pinaglalaruan. Kung gusto mo lumaban, lumaban ka. Wag kang maging talunan!” Asik ko dito.

“Bakit Alfer? Sa tingin mo ba may magagawa ka kung aagawin ko sayo si Jayden? Alam mo ba ang kinalalagyan mo ngayon?” Ngisi pa nito.

“May the best man wins nalang. As long as fair ang kompetisyon nating dalawa, wala akong magiging problema.” Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Alam ko kung magiging seryoso si Yui sa sinasabi nito ngayon, wala akong kalaban-laban dito.

“Naaah.” Pag-tanggi nito. “I am just a brother and a friend to him anyways.”

Hindi ako nakaimik. At pagkatapos ng naging diskusyon namin, katahimikan lang ang namayani. Si Yui, umiinom pa rin ng beer, mukhang lasing na ata ito.

“Basta dude. You better take care of him. Magpaparaya ako sa iyo this time. Pero wag na wag ka lang magkakamaling saktan si Jayden. Ako ang makakaharap mo.”


== The LEAF ==

I really don’t know what got into me. Basta nung nagkamalay ako’t nakita ko si Alfer na nakatunghay sa aking harapan, na-engkanto ako. I was unconcious nung kamuntikan na akong malunod.

Pero sa panahong nawalan ako ng malay-tao, may naramdaman akong kakaiba. Weird at alam kong imposible, kasi nga unconcious ako, pero parang may iba eh. May pagmamahal na bumalot at gumising sa akin at humila sa kaluluwa kong nasa bingit ng kamatayan. At nung makita ko si Alfer nang magka-malay ako, I thought it was him. At sa bilis ng mga pangyayari, napa-oo agad ako. Haaay.

Pero may mali eh. Alam kong nadala lang ako ng bilis ng mga pangyayari kaya ko sinagot agad si Alfer, pero may iba akong pakiramdam eh. May mali talaga. Pero ano yun?

Si Yui. Parang may mali din sa kanya. Nung kinompronta ko sya kanina dito sa kwarto, mukhang iwas na iwas ito. Sa tatlong buwan naming pagkakilala, medyo gamay na gamay ko din naman ang bespren ko. Pero bakit may mali sa kanya? Mukhang may tinatago.

At si Alfer. Nung sinabi ni Yui na si Alfer ang nagligtas sakin, pilit na pilit naman ang ngiti nito. Arrrgh! Nakakafrustrate lang kasi bakit ganito ang nararamdaman ko kay Alfer, eh dapat masaya ako ngayon? Tss.

Haaay. Ewan. Pagod lang siguro ako. Nadadala lang ako sa sobrang takot kanina kaya kung anu-ano na iniisip ko.

Rough day. Kamuntikan pa akong mamatay. Haaay. Talagang mapaglaro ang buhay. Minsan, tine-take-for-granted lang natin ito. Pero di natin alam. Sa isang iglap lang, pupwedeng maglaho sa atin ang lahat.

Pero isa ba itong senyales na may isang malaking misyon pa akong dapat gampanan sa mundong ibabaw kaya ako binigyan ng pangalawang pagkakataon?

Pero sino ang nagligtas sa akin?

The first instance na minulat ko ang aking mata, akala ko si Alfer eh. Pero bakit may ibang binubulong ang puso ko?

Bakit kinu-kwestyon nito kung si Alfer ba talaga ang naramdaman ko noong mga oras na nawalan ako ng malay-tao?

Bakit ngayon ay nagdadalawang-isip ako kung tama bang sinagot ko si Alfer?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nakita ko lang si Yui habang may hawak na bote ng beer at pasuray-suray na lumapit sa may kama. Napabalikwas naman ako ng bangon ng makita itong nakatayo lang sa may paanan ng kama.

“Yoh. Tulog ka na.” Pilit na ngiti ko dito.

Di lang ito umiimik. Kinuha lang nito ang dalawang unan at ang isang kumot na nasa kama. Nagtaka naman ako sa inaakto nito.

“Yoh, asan ka pupunta?”

“Matutulog.” Malamig na tugon nito.

“Bakit mo yan dinala?”

“Di ba syota mo na si Alfer? O di magsama kayo ngayon.” Tas ngumisi sa akin. Ano ba nangyayari sa kanya.

Nilalakad na niya ang papuntang pinto ng dali-dali ko siyang pinigilan at hinawakan sa balikat. “Yoh.”

“What? Di na ako dapat matulog dito. May syota ka na. Baka magselos pa yun sakin.” Sabi nya na di man lang tumitingin sa akin.

“Y-yoh.. Aminin mo nga sa akin. I-ikaw ba ang nagligtas sa akin?”

“Eto na naman tayo. Si Alfer nga ang nagligtas sayo. Ano ba problema mo?” At nabigla alng ako ng sapilitan niyang kinuha ang mga kamay kong nakahawak sa balikat nito. Napaluha naman ako sa ginagawa niya.

“Y-yoh?” Ang sakit ng ipinapakita niya. “S-sabihin mo Yui. Bakit mo pa ba itinatago sa akin ang katotohanan?” Tumutulo na ang mga luha ko. Ewan ko lang kung napapansin nya, kasi nakatalikod pa rin sya sa akin. Pinipilit ko namang wag mag-crack ang boses.

“Why are you making this complicated Jayden?” Mahinang tugon ni Yui. Lumingon ito ng bahagya sa akin habang nakatalikod pa rin. “Sige. Oo, ako nga ang nagligtas sayo. So ano ngayon?” Sabay alis at tinungo ang pinto, at lumabas.

“Yui?” Nasasaktan ako sa sinabi nito.

Alam ko namang wala akong karapatang mag-inarte. Ako na nga itong tinulungan, ako pa ang gagawa ng issue?

Pero bakit naman kasi hindi? Pakiramdam ko, isa lang laro ito kay Yui eh. Bakit ba niya tinatago ang katotohanang siya ang nagligtas sa buhay ko? Ano ba ako sa kanya? Isang laruan na pupwedeng ipasa sa iba?

“Yui, ano bang nangyayari sayo?” Nasasaktan ako. Sa unang pagkakataon, nasaktan ako ni Yui. Tumutulo na ang luha ko ng biglang bumukas ulit ang pinto. “Yui?”

Si Alfer pala. Pinahid ko lang ang mga luha ko. At ngumiti ng pilit. “B-babe, I wanna talk to you.” Umupo naman ako sa kama. Pero imbes na tumabi ito sa akin, nagulat lang ako ng lumuhod ito sa harap ko at hawakan ang mga kamay ko. “B-babe. I-I’m sorry.”

“Why?”

“Y-yung kaninang umaga. That was Yui. Am really sorry, babe. Di ko intensyong magsinungaling sayo. Na-pressure----“

“Shh.” Putol ko sa sasabihin pa sana nito. “Alam ko.”

“Huh?” Ang mga tingin nito’y nagtataka.

“Alam ko na hindi ikaw yun. Ayos lang.” Sabay ngiti ko dito.

“B-babe, m-maiintindihan ko naman kung babawiin mo ang pagsagot sakin kanina eh.” Bumuntong-hininga lang siya. “Alam ko namang, n-nadala ka lang sa mga pangyayari.”

This really confirms everything, except for the question, “Why did he lie to me?” Ganun lang ba ako kay Yui? Parang wala lang? Akala ko ba bespren kami? Pero bakit ganun? Haaay. Kakausapin ko nalang siya bukas.

Pero tama naman si Yui eh. Bakit ko ba to ginagawang issue? Kung ako ang tatanungin, isang malaking ewan lang ang isasagot ko. Siguro, at the back of my mind, I was still hoping for us two. Pero imposible eh. Magkaibigan kami. Mag-bespren. Siguro nga, mas makakabuti narin ang ganitong set-up.

“Babe.” Tawag ko kay Alfer na nakatungo. Kitang-kita ko naman ang sinsiredad sa mga mata nito ng katagpuin nito ang mga mata ko. “Let’s give this a chance. Malay mo, diba?” At nakita ko lang siyang ngumiti.

“Salamat babe. I love you so much!” Sabay halik nito sa mga labi ko. Tinugon ko lang ang mga halik nito. Kinuryente naman ako sa buong katawan ng naglalapat na ang aming mga labi. And then he broke our first kiss. “Babe, di kita sasaktan. Promise ko yan sayo. Mahal na mahal kita.”

That kiss. It was lesser than the stolen kisses me and Yui shared.

Haaay. Bakit ko na naman kinokumpara sina Alfer at Yui? Tss. Siguro pagod nga lang ako, kaya kung anu-ano na naman ang dumadaan sa isip ko.

Nakatulala lang ako na nakaharap kay Alfer. Niyakap naman niya ako. And that hug was so reassuring. Pakiramdam ko, napaka-safe ko.

“Babe. Matulog ka na. Last day na natin dito bukas.” Ngiti pa nito. Hmmmn, ang gwapo pala talaga ni Alfer no? Ang lakas ng karisma. Lalo na pag ngumingiti. “Dun nalang ako sa may sala. Si Y-yui kasi, pinilit akong tabihan daw kita.”

“Bakit sa sala?”

“Kasi dun sya natulog sa kwarto namin ni Paul.” Napapakamot nalang ito sa ulo. Napangiti naman ako sa inakto ni Alfer. Imagine? Ang spoiled at rebeldeng anak-mayaman, matutulog sa sala? Ang laki na nga ng ipinagbago nito.

Hinila ko naman ang mga kamay nito at humiga na sa kama. “B-babe, d-dito ka nalang, please?” Nahihiya man, pero inimbita ko nalang si Alfer. Dapat di na ako mahiya dito eh. Boyfriend ko na siya.

Nakita ko namang nagliwanag ang buo niyang mukha at ngumiti ng abot-tenga. “Thanks babe. Tulog na tayo?” At humiga na nga siya sa tabi ko. “I love you so much babe.”

“I love you too.”

Siguro ang pagmamahal ay isang malaking sugal. Minsan matatalo ka, minsan nama’y pwede ka ding manalo. At itong sa amin ni Alfer, ay ang pinakamalaking sugal na ginawa ko sa tanang buhay ko. Sana nga lang mapanindigan namin ang mga ito.

Nakasandal lang ako sa dibdib ni Alfer nang mga oras na iyon, pilit kinakalma ang isipan para di na maligaw kung saan-saan. Di ko man alam ang mangyayari sa kinabukasan, pero, alam kong magiging okay din ang lahat.

 Si Alfer. Ang bago kong boyfriend. Haaay. Bakla na nga ako. Pero sa mga nangyari, ewan pero may nagsasabi sa aking bigyan ko ito ng chance. Siguro out of curiosity na rin. At inaamin ko naman talagang may attraction ako for Alfer. Ay ewan! Makatulog na nga.

Dun ko palang naalalang may katabi pala ako, si Alfer. Kung anu-ano nalang kasi ang naiiisip ko eh. Pero sige. Bahala na si Batman. Boyfriend ko na tong mokong na yumayakap sa kin ngayon. Tapos.

 At natulog na nga lang kaming magkayakap.




Kinabukasan, pagkagising ko, wala na si Alfer sa tabi ko. Nadismaya naman ako sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Siguro nga, masyado lang akong nai-inclined sa mga love story na nababasa at napapanood ko sa TV na pagkamulat mo ng mga mata sa umaga, mukha ng mahal mo ang bubungad sayo. Haaay.

Pero mahal ko nga ba si Alfer? Ang alam ko lang sa mga panahong ito ay naa-appreciate ko ang lahat ng effort at ka-sweetan nya sa akin.

And one more thing. I believe that love is a learning process. Kaya ayun! Go, fight, win, Jayden.

Kakagising ko pa lang at nakahiga pa sa kama ng mapansing pumasok si Yui sa kwarto at kinuha ang bag niya. Isa pa to eh. Hindi man lang ako pinansin. Haay. Ano ba kasi nangyayari sa kanya?

Pagkatapos ng ilang minutong pag-uunat pagkatayo ko sa kama, nagbihis lang ako at bumaba na sa may kusina. Naabutan ko lang si Karin at si Yui na masayang nagkukwentuhan sa may kusina. Pareho lang silang napatingin nang nakita nila akong pababa sa hagdanan. Pero wala man lang umiimik sa aming tatlo.

Awkward.

“Good morning bro!” Masiglang bati sa akin ni Kira na kakapasok lang sa bahay mula sa lanay. “Kumusta tulog nyo ni Alfer? Magkaka-pamangkin na ba kami ni Karin?” Sabay bunghalit ng tawa.

“Baliw.” Simangot ko dito at umupo nalang sa may breakfast table. “Gutom na ko Yoh. Kain na tayo?” Pinilit ko namang gawing normal ang sitwasyon. Kahit nasaktan ako sa ginawa nito kagabi, ayos lang. Wala naman akong dapat ipaghimutok diba? Isa pa, bespren kami, kaya kaya namin tong ayusin ng walang usap-usap.

“Oo eto na.” Ngumiti lang ito ng pilit. “Karin, lika. Tulungan mo kong mag set ng table.” Baling nito kay Karin. Agad namang tumalima ang EX ko, na may kasamang ngiti sa mga labi. May nangyayari bang hindi ko alam sa kanilang dalawa?

“Wushu! May susunod na ata kela Jayden at Alfer ah?” Panunukso pa ni Paul sa dalawa. Kakarating lang nito sa kusina. Puupungas pungas pa rin, halatang bagong gising.

“Kayo na rin ba? Sis?” Ayun! Si Kira. Nagpanting lang ang mga tenga ko sa mga narinig. Aray!

“Gutom lang yan Kirara. Tulungan mo nalang kami para makakain na tayo.” Irap ni Yui dito.

“Deffensive! Hahahaha.” Tawa pa ni Kira.

Pero posible nga ba? Si Yui at si Karin? Simula pa nung dumating kami dito, mukhang may napapansin na din ako kina Yui at Karin eh. Well, kung sila na nga, masaya ako para sa kanila. Atleast, di na magiging kumplikado ang sitwasyon naming apat nina Alfer diba? Haay. Mga iniisip ko na naman! Asar!

Nakaupo lang ako sa may breakfast table nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod. “Good morning babe!” At humalik pa ito sa pisngi ko.

“San ka galing babe?” Tanong ko kay Alfer.

“Nag-jog lang ako. Gigisingin sana kita kanina, pero tulog ka pa eh.” Sabay kuha ng face towel at pahid sa pawis nito sa mukha. Umupo naman ito sa silyang katabi ko. Kinuha ko mula sa kanya ang face towel nito at ako na mismo ang nagpunas sa mga pawis nito.

“Aray! Kinagat ako ng langgam.” Narinig ko pang sabi ni Kira. “Ang sweet lang eh. Ano ba meron sa araw na ito’t mukhang sweet ang mga tao?”

“Ang swerte ko sa kapatid mo Sis.” Ngiti ni Alfer dito.

“Sis talaga?” Sabat ko naman sa sinabi nito.

“Ui Alfer, wag mong kalimutan habilin ko sayo ah? Oras na saktan mo kapatid namin, may pektus ka sa singit sakin. Sinasabi ko sayo.” Banta pa ni Kira. Natawa lang sina Alfer at si Karin.

“O siya, kumain na tayo.” Si Yui.

Pagkakain namin ng breakfast, sabay-sabay lang kaming naligo ulit sa dagat at naglaro ng kung anu-ano pang mga laro. Mukha kaming mga bata sa mga pinaggagawa namin. This is the our last dip, kaya inenjoy nalang namin.

Maya-maya, nakita kong umahon muna sa tubig si Yui at umupo dun sa may dalampasigan habang nakatingin lang sa amin. Nakaramdam naman ako ng kapaguran sa kakalangoy kanina nung naglaro kami ng taya, kaya umahon muna ako at umupo sa tabi ni Yui sa may dalampasigan.

“Ui.” Bati ko sa kanya ng papa-upo na ako sa may buhanginan.

“Hey.” Sagot nito. Nakatingin pa rin ito sa apat na masayang naglalaro sa tubig, habang yakap-yakap ang mga tuhod.

Wala namang umiimik sa aming dalawa. Kapwa nagpapakiramdaman lang sa mga susunod na mangyayari. Nag-eenjoy lang kaming pareho na nakatanaw sa apat na nagkukulitan.

“Sorry nga pala sa nangyari kagabi.” Nabigla lang ako sa sinabing ito ni Yui. Nang makabawi ako’y ngumiti lang ako at tumingin sa kanya. “Sorry Yoh.”

“Ayos lang. Iinom-inom ka pa kasi eh.”

“Yoh. Nagsinungaling ako sayo. Sorry.” Nakatungong sabi ni Yui. “Sorry Yoh, I’ve been a jerk.”

“Asus Yoh. Sabi mo nga kagabi, wag na nating palakihin ang issue na ito. Okay? We’re good. At isa pa, ako pa nga dapat magpasalamat sayo Yoh eh. Thanks for saving my life.”

“Yoh. Bespren nga diba? Siguro naman kahit sinong bespren ay gagawin din yun. Pero sorry talaga. Pati babe mo, dinadamay ko pa sa kalokohan ko.”

Umusog naman ako palapit dito at inakbayan ko lang siya. “Okay nga lang. Ang drama nito!” at tumawa nalang ako.

Haay. Salamat at naging ayos na rin kami ni Yui. Siguro nga mas makakabuting maging magkaibigan kami. Walang intimate na relasyon, purong pagkakaibigan lang, at walang problema. Hayahay ang buhay!

Alas tres ng hapon ng lisanin namin ang beach house nila Alfer. Nag-enjoy naman ako sa mga sandaling inilagi namin dito.

Andaming nangyari.

May kamuntikan mamatay. May nag-aminan. May nabuong relasyon. At mukhang may nagkakamabutihan. It was all worthwhile. Nag-enjoy ako.

Gabi ng makauwi kami sa kanya-kanyang bahay. Pagod ako sa byahe, pero mabuti nalang nanjan ang Babe ko na ubod ng kasweetan at sa pagiging thoughtful. Yakap-yakap ako nito sa buong byahe. At pag nakakatulog ako, sinasandal lang nito ang ulo ko sa dibdib niya. Inlababo na nga ako kay Alfer.

Pagkarating ko sa bahay, dumirecho nalang ako sa kwarto. Pagod at mag-isa kasi wala pa si Nanay Nimfa. Haaay. Nahiga agad ako sa kama ko. At nakatulog na nga..


..


Kinabukasan ng hapon, sinundo ako sa bahay ni Alfer. Dun daw kami magdidinner sa kanila. Kinakabahan ako dahil mukhang di pa talaga alam ng parents niya yung tungkol sa amin.

“Babe, relax. Stop looking so tensed.” Saway ni Alfer sa akin habang sakay kami sa sasakyan niya papunta sa kanila. Tagaktak na ang malalaking butil ng pawis sa aking noo, kahit may aircon naman. Haaay. “Babe, chill.”

“B-babe, s-sinabi mo na ba sa M-mom mo?”

“Relax ka nga lang babe.” Bumuntong-hininga ito. “Hindi pa babe eh. Hindi ko alam kung pano sisimulang sabihin sa kanila.” Napakamot pa ito ng ulo at napangiti ng pilit.

Naiintindihan ko naman ito. Siguro nga, andidito kami sa sitwasyong ito, at oo, inaamin naming ginusto namin to. Mahirap, pero kakayanin.

“Hijo. How are you? Na-miss kita.” Masiglang bati sa akin ni Tita Diana habang nag-aantay kay Tito Raphael na makauwi. “Kumusta bakasyon nyo? Ang itim itim nyo na ah? In-enjoy nyo talaga ang araw at ang beach.”

“Oo nga po tita eh. S-salamat po pala sa pagpayag na magbakasyon kami dun.” Ngiti kong pilit. Kinakabahan ako. Alam ba nila ang mga nangyayari? Ang hirap mangapa sa dilim.

“Naku hijo. I hope di naging sakit sa ulo tong anak ko. Alam mo naman.” Baling ni Tita kay babe.

“Mom naman.” Nagkamot lang ito ng ulo. “I’m a changed man now.” Sabay sulyap sa akin ng isang makahulugang tingin at isang matamis na ngiti. Nakita ko namang nakita ni Tita Diana ang tingin sa akin ni Alfer. Patay! Baka mabuko kami nito.

“Okey. Mukhang enjoy na enjoy nga kayo ah? Si Alfer kasi, kahapon pa yan nakangiti. Sabi nina Brent dapat na daw namin ipatingin sa isang Psychiatrist si Alfer. Mukhang nasisiraan na ng bait.” At nagkatawanan pa kami ni Tita. Si babe naman, sumimangot lang na nagmukhang kamatis sa pamumula.

“Stop it Mom. Nakakahiya sa bisita.”

“What? Eh kung dati, inaaway at inaasar mo pa tong tutor mo ah? Ngayon, ganyan ka. Anyare anak? Are you sick?” Tawa lang ng tawa si Tita kay babe. Napapatawa na rin ako sa mag-ina. Ang cute nila.

Nung gabing iyon, sabay lang kaming kumain ng pamilya ng bago kong boyfriend. Na-o-awkward na ako sa sitwasyon namin ngayon, unlike before. Kasi dati, puro tawanan lang ang ginagawa namin nina Tita at Tito, pati na sina Brenna at Brent. Pero ngayon, nate-tense talaga ako sa mga nangyayari.

At pag napapansin ni Alfer na medyo asiwa ako sa usapan, he would secretly hold my hands, sa ilalim ng mesa syempre. At dahil sa mga gestures nyang yun, napapanatag ako.  Haaay. Alfer. I’m falling fast for you.

“So hijo, how are you? How is my son doing?” Tanong sa akin ni Tito Raphael.

Nung time na yun, kakatapos lang namin mag dinner at inaya ako ni Tito sa may pool area ng bahay nila to grab some beer. Si Alfer naman, hinatid muna sina Brent at Brenna sa bahay ng kaklase ng mga ito para mag group study. At habang hinihintay makabalik si Alfer, sumama muna ako kay Tito. May iba din kasi akong pakay dito.

“Okay naman po Tito.Masaya naman po kaming mga barkada niya na unti-unti na syang namumulat.” Ngiti ko dito.

“Napansin ko nga na may naging iba na sa anak ko. I’m glad for him.” Tsaka ito sumimsim sa baso ng inumin. Brandy kay Tito, pero beer nalang ang sa akin. Hard masyado ang iniinom nito eh.”Masaya akong natagpuan na niya ang natagpuan ko noon. Nakwento naman namin sa inyo kung ano ako dati diba?”

“Opo. Nakwento nyo nga po.” Ngiti ko dito.

“I was pretty much like Alfer before hijo. Egoistic. Matigas ang ulo. Rebelde. Pasaway. I thought the world was only mine for the taking. Pero nagkamali ako. At na-realize ko ang mga maling akala ko, noong nakilala ko ang Mama mo. Si Gary.”

 Napangiti naman ako sa pag-alala ni Tito Raphael kay mama. Siguro nga history is repeating itself. This time, it’s me and babe. Pero with a much intriguing twist sa dulo ng istorya.

“Pero sa ngayon hijo, nagi-guilty ako. I lost sight of what Gary taught me before. That is to appreciate life, family and friends. Nawawalan  na ako ng time sa pamilya ko. Naging workaholic ako’t nararamdaman ko ang lahat ng ito ay bumabalik sa akin. Si Alfer.” Bumuntong-hininga lang si Tito.

Naawa naman akod ito. Mukhang mabigat talaga ang dinadala nito. Guilt. Sadness. At longingness sa panganay nitong anak.

“Hindi ko na natutukan ang mga anak ko. Well, swerte ako sa Tita Diana mo’t napaka-maunawain niya. Sina Brent at Brenna, alam kong nagtatampo na rin sila sa akin pero mas pinili nilang intindihin ako. Pero si Alfer, hindi ko na alam kung papano ako babawi sa batang iyon.” Malungkot na saad ni Tito Raphael.

“Tito, hindi pa huli ang lahat.” Inalo ko ito, inakbayan at tinapik-tapik sa balikat upang kahit papaano’y mabawas-bawasan naman  ang bigat na nararamdaman nito. Tas kumalas din ako. “Alfer was being rebellious nang dahil sa pagiging estranged niya sa inyo po, pero alam kong hindi pa huli ang lahat para sa inyo.”

“Sana nga hijo.”

“Hindi ko po intensyong mangi-alam sa inyo po Tito. And with all due respect po, alam kong ganun din ang nararamdaman ni Alfer sa inyo. He wanted to mend your relationship Tito, but he just don’t know how. Kaya nyo pa po yan. Hindi pa huli ang lahat Tito. Alfer needs you. He loves you.”

At napatingin lang sa akin si Tito Raphael at ngumiti. “Salamat hijo. Maraming salamat for making me realize one thing. Hindi pa huli ang lahat. Babawi ako sa anak ko.”

“Good for you tito. Ganyan nga. Win him back po. Kaya nyo yan.”

“You really are Gary’s son. Maraming salamat.” Ngumiti naman ako sa kanya at nag cheers pa kami at uminom ng beer.


..


Lumipas pa ang mga araw at buwan. Nagsimula ang Second Sem ng taon. At ngayon, Christmas break na namin. Excited ang lahat na magbakasyon.

Dalawang buwan na ang relasyon namin ni Alfer at masaya kami. Napaka-sweet pa rin ni Alfer. Palagi kaming nagkakasabay kumain at nagmemeryenda. Pag may practice naman sila ng Varsity team niya, nanonood lang ako pag wala akong klase. Every now and then, he would take me to dinner. Masaya lang.

Pero ang lahat ng ito ay ginawa namin ng patago. Ang pagmamahalan namin ay lingid sa kaalaman sa mata ng publiko. Pareho pa kaming hindi handa sa mga magiging mangyayari pag inamin namin ang espesyal naming pagtitinginan.

Ewan ko lang. Pero may konting pagka-bother sa utak ko. Alam ko naman kasing masyadong perpekto tong relasyon namin. Sa loob ng dalawang buwan, hindi pa kami nagkaka misunderstanding. Sana nga lang, kung magkaroon man kami ng hindi pagkakaunawaan. Hindi ko pa nakita ang other side ni Alfer nang naging kami. Pero sana naman, maging okey lang kami.

The best part is that naging maayos na si Alfer at yung tatay nya. Simula noong gabi na nagka-usap kami ni Tito Raphael, naging masayahin na talaga si Babe. Kinwento niya sa akin kung papano sila nagkaayos ng Dad niya. Masaya ako apra sa kaniya. Kasi finally, na-let go na nya yung matagal na niyang dinadamdam sa tatay niya.

December 17. 2nd Monthsary namin ni babe. Nagkayayaan lang ang buong barkada na tumambay dito sa bahay. I was thinking of preparing something special for this special day. Una kong tinawagan si Yui. Magpapatulong ako sa kanya na mag prepare ng konting salo-salo dito sa bahay.

“Yeah?” Mahinang sagot ni Yui nung tumawag na ako. Mukhang kakagising niya lang.

“Yoh. I need your help, and fast.” Direchahang demand ko sa kanya.

“Hmm. Natutulog pa ang tao eh. Ang kulit mo.” He’s in his bedroom voice. Tss. Kelan pa natuto si Yui na mag puyat at gumising ng tanghali? He was never like this.

“Yoh. Dali na. Punta ka na dito sa bahay. Please?”

“Dalawang oras pa lang tulog ko eh. Mamaya nalang hapon.”

“No. Ngayon na Yoh. Please naman o?” Pagmamakaawa ko pa.

“Ano ba kasi ipapagawa mo sa akin?”

“Yoh. Second monthsary namin ngayon ni Babe eh. Gusto ko maghanda ng espesyal na kainan para sa ating lahat.”

“Tss. Yun lang naman pala eh.” Malamig na tugon nito sa kabilang linya.

“Lang? Grabe ka naman Yoh. Suportahan mo naman ako dito.”

“Si Kira nalang ang hingan mo ng tulong. May lakad pa kami ni Karin mamaya eh.” What? Why is he prioritizing Karin over me?

“Kelan mo pa inuna si Karin sa akin Yoh? Kayo na ba? Bakit di ko to alam?”

“Simula noong inuuna mo na si Alfer kesa sa akin.” At naputol ang linya.

Nagtatampo na nga si Yui sa akin. Kasi naman, di ko na sya masyado nabibigyan ng panahon simula noong maging kami ni Alfer. Haaay. Ewan. Babawi nalang ako sa kanya sa susunod.

Pero tama nga ba ang hinala ko? Sila na nga ba ni Karin? Masaya naman ako sa kanila eh. I mean, kung maging sila man, bakit hindi diba? Pero sa likod ng puso ko, may kung anong bumubulong na nagseselos ako. Haaay.

“Stop it Jayden!” Saway ng utak ko. “May Alfer ka na.”

Oo nga naman. Haaay. Sige na nga. Bahala na si Batman.

Ala una ng tanghali nang dumating si Kira sa bahay. Agad kaming nagplano kung papano gagawin ang magiging handaan mamayang gabi. Kami-kami lang naman ang kakain. Sina Paul, Yui, Karin at syempre, ang Babe ko.

Agad kaming tumungo sa palengke ni Kira upang mamili ng mga lulutuin. Pagkarating namin sa bahay, division of labor na. Si Kira, sa cake at sa iba pang sweets. Kami naman ni Nanay Nimfa sa mga lulutuing dishes.

Alam na pala ni Nanay Nimfa ang tungkol sa amin ni Alfer. Noong una, nagulat ito. Di ko naman siya masisisi. Pero kinalaunan ay naunawaan naman ako nito.


..


“Happy Monthsary!” Bati nilang apat sa amin. Alas syete ng gabi ng makumpleto ang barkada. Huli at magkasabay na dumating sina Yui at Karin na halatang-halata ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.

“Happy Monthsary babe!” sabay halik ni Alfer sa aking pisngi. “I love you!”

“Happy Monthsary din babe. Mas mahal kita.” At binigyan ko lang si babe ng isang pamatay na ngiti.

“Awwwh ang sweet nyo, dude. Baka ma-bakla na rin ako nyan.” Kantyaw pa ni Paul sa amin. Nagkatawanan naman kami ni Alfer sa sinabi nito.

“Speaking of sweet..” Napalingon naman kaming tatlo ni Paul kay Kira. “Ayun o.” Tas may ininguso sya sa amin. Nung tinunton namin ang ininguso nito, nakita lang namin na nagkukulitan at nagpapahiran ng icing ng cake sina Yui at Karin.

“Ay sweet nga! Mas sweet pa sa inyong dalawa!” Si Paul.

“Sila ata may Monthsary eh.” Tawa pa ni Kira.

Sabay namang napatingin sa aming apat sina Yui at karin nang mapansin nilang sa kanila kami lahat nakatingin.

“Kayo na ba dude?” Tanong ni Alfer kay Yui.

“Ha?” Napakunot-noo pa si Yui.

“H-hindi. Friends lang kami.” Nakatungong sabi ni Karin. Nahiya ba?

“Wow! Lakas maka KathNiel ah? Showbiz na showbiz ang sagot ah.”

Nagkakatuwaan pa kami nung gabing iyon. Kwentuhan, kantahan, at kung ano-ano pang mga kalokohan. Nag-iinuman kami nun nang biglang tumunog ang cellphone ni Yui. Natahimik naman kami nang makitang naging seryoso ang mukha ni Yui.

“Yes hello?” Sagot ni Yui sa tawag. “Yes, this is Yukito Fujiwara speaking.”

Fujiwara. Ang apelyido ng biological na ama ni Yui.

“Hai. Wakarimashita.” Sabi pa ni Yui, at nakita lang namin siyang ibinaba ang phone na hawak-hawak.

“Ui, sino yun dude? Mukhang taga Japan ah?” Tanong ni Paul.

Ngumiti lang si Yui sa amin ng pilit. At ang ngiting iyon ay nagbigay sa akin ng isang hindi magandang pakiramdam.


- Itutuloy -


23 comments:

  1. nice story..

    Hayss pano na si papa Yui..

    basta team YUKITO pah rin ako!

    ReplyDelete
  2. haist! YUKITO FUJIWARA..
    basta Yui pa rin ako.
    thnx. jace sa update!
    red 08

    ReplyDelete
  3. Yukito pa rin ako, Jace.
    Confused pa si Jayden! May pag-asa pa si Yui. Konting push pa Jace para kay Yukito. Bakit kasi hindi pa umamin eh?

    Ang relasyon na perfect n'ung dalawa, magkakalamat `yon. (Evil laugh)

    ReplyDelete
  4. Basta kay yui parin ako hahahaha


    Boholano blogger

    ReplyDelete
  5. team Yui parin ako, :p Great Chapter.. Keep it up Jace :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po Sir Alex. hehehe. i'll be reading your work tonight. hehehe.

      Delete
  6. Yui pa din ako mr. Author. You did it well. Ang galing. Malakas talaga ang hatak sa akin ni yui e kahit sweet at thoughtful si alfer. Hehe. Baka pinag siselos lng nila karin si jayden. Lol. Thanks sa update.

    -tyler

    ReplyDelete
  7. wahhh... bastat yui pa rin dapat hindi dapat alfer..hahaaa
    mahaba pa nmn ang story wag lang sanang magkalamat
    ang relasyon nila ni jayden at yui.. baka ma FZ cla,,
    yie author bawal yan... wahhaha adik lang

    ganda ule.. nkkdal

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  8. Tss. Yui's Martyrdom. #TeamYuJay pa rin ako.

    -- Rye Evangelista

    ReplyDelete
  9. Pag di talaga nagkatuluyan si Yui at Jayden, ewan ko na lang.

    ReplyDelete
  10. Pag hindi pa nagkatuluyan si Yui at Jayden, malulungkot ako. Team YUI!

    ReplyDelete
  11. nyemas....yoko nang gantong feeling yun nagaantay nng next chapter...ehehe...ngyn araw ko lang nabasa lahat...work-it naman ang di pag gimmick ngyn sabado..nyahehe...kudos again sa isang great author..

    JED of
    cavite

    ReplyDelete
  12. Ei Alex, same to you...update nadin nang STARTING OVER...nyahehe

    JED of
    cavite

    ReplyDelete
  13. Haaayyy.. Anu bayan nakaka bitin.. Kawawa namana ako ako lang ang fan ng #teamAlDen dito.. Go push pa din.. Go fight win!! :)


    - dave :)

    ReplyDelete
  14. update na please... :)

    ReplyDelete
  15. ang tagal naman....

    ReplyDelete
  16. San n po next chapter ng finalrequirements?

    ReplyDelete
  17. jace ,, saan na yung next chapter?
    miss kuna si YUI.... plsssssss!
    red 08

    ReplyDelete
  18. go...go...go... YUKITO - JAYDEN TEAM!

    pushhhhhh!!!! He..he...he...
    jace sayo lang ako nag cocoment!
    Kay alex Hindi, ha..ha..ha...
    love you alex idol!
    red 08

    ReplyDelete
  19. tagal naman ng update... :(

    ReplyDelete
  20. iba na nga lang story babasahin ko..... tagal ng update,,,

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails