Hi, guys!
I know, right?! Bakit pre-finale na? Well, I did some thinking and bigla akong nakaisip ng mga ideas and well, here we are. Maraming-maraming salamat for going through this journey with me, at dahil kahit matagal akong mag-update palagi, ay nandito pa rin kayo at patuloy na binabasa 'to. You inspire me to continue hehe.
Anyway, marami na namang mangyayari dito, and to be honest, I had mixed emotions writing this.
Happy Reading!
--
Chapter 25 [Pre-finale]
Caleb.
“Caleb!” reaksyon ni Gab nang mapansin niya ang pagdating ko. Ramdam ko ang pagkailang niya ngayon sa akin, and I can’t blame him, dahil after ng mga ipinakita ko sa kanya at sa pabago-bago kong ugali ay marahil hindi na niya siguro alam kung paano ba talaga ako pakikitunguhan. Kaya naman tumahimik muna ako at pinakiramdaman ang paligid. Pinakinggan ko ang tunog ng hampas ng mga alon, dinama ko ang lamig ng hangin sa balat ko, at binaling ang tingin ko sa kanya bago ako nagsimulang magsalita.
“I know... na marami akong dapat ipaliwanag. Alam kong naiinis ka sa akin. Pero, Gab... mas naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kung paano kita tinrato nitong mga nakaraang linggo, dahil kung paano kita pakitunguhan ay ibang-iba sa nararamdaman ko para sa’yo.” malumgkot kong sabi dito. Tiningnan niya ako at masasalamin sa mga mata nito ang lungkot.
“Ano ba talagang nangyayari, Caleb? Bakit ka ba nagkakaganyan?” tanong nito sa akin.
Bumuntong-hininga ako.
“You won’t understand, Gab.” sagot ko dito.
“Iyon nga ang problema, eh. Hindi ko maintindihan kaya ipaintindi mo sa akin.” kalmado, ngunit seryosong pahayag nito.
“I’ve been living a lie, Gab. Lahat na lang ng pinapakita ko pawing kasinungalingan. Kahit sa sarili ko hindi ko kayang magpakatotoo... pero nang dumating ka sa amin, parang nabigyan ako ng pag-asa, pero lalo lang akong na-frustrate kasi dahil sa’yo, lalo lang akong nagtatago.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“I felt that... sa pagdating mo, masasaktan na naman ako gaya ng nangyari sa akin dati.”
“Kay Migs?” tanong nito na siyang ikinagulat ko.
“Paanong?—“
“Caleb, I know. Alam ko. Huwag kang matakot.”
“Sinabi ba sa’yo ‘to ni Sari?”
“That’s not what’s important. Ang gusto ko, malaman ko kung ano ba talagang nangyari sa’yo dati. Gusto kong malaman para maintindihan na kita, para maintindihan ko na kung bakit ka ba nagkakaganyan. Sino ba talaga si Migs at anong nangyari?” tanong nito Bumuntong-hininga na lamang ako ng malalim at sinimulang magkwento kahit pa labag na labag ito sa kalooban ko. At tila isang parang isang sirang plakang nagpaulit-ulit ang tanong niya sa utak ko.
Sino si Migs?
Flashback.
“Aminin mo na. Ako ang tama, Caleb. Ang pangit ng suggestion mo.” mayabang na saad ni Migs. Agad naman kumulo ang dugo ko dahil sa narinig ko. “Clearly ay ikaw ‘tong ayaw magpatalo. Lahat naman ng ideas ko may criticism ka. Wala na akong sinabing tama pagdating sa’yo!” bulyaw ko dito, at napansin kong tila natutulala na lamang sa amin ang mga groupmates namin.
This is the reason why us together in one group was never a good idea eversince.
“I’m sticking up to what I said, and that’s final.” dagdag pa nito.
“But I’m the group leader, kaya ako ang masusunod.” pagpipilit ko.
“Dapat ang isang leader ay nakikinig sa mga members niya.” sagot nito sa akin.
“Eh paano naman kung ang suggestion ng member niya ay hindi feasible? Ang tunay na leader, nag-iisip!”
“Which you aren’t doing at the moment.”
“Guys, stop! Please, for one second huwag na kayong mag-away. Magcompromise na lang tayo. Kaya hindi tayo matatapos sa project na ‘to dahil sa inyong dalawa eh.” iritableng pahayag ng isa naming groupmate na siyang nakapagpatahimik sa aming dalawa ni Migs. Oo, tinamaan ako sa sinabi nito sa akin, at alam kong ganoon din si Migs. Ngunit kahit natahimik kaming dalawa ay natinginan pa rin kami at tahimik na nagbangayan.
--
It’s been like that eversince. Since Freshman pa lamang kami ay ganito na ang tratuhan naming dalawa. It just seemed that we can’t get enough of each other, dahil madalas kaming nag-aaway sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Marami kaming pagkakaiba ni Migs at hindi na nakakagulat na dahil doon ay palagi kaming nagbabangayan nito. Dahil sa pagninilay-nilay kong ito ay hindi ko maiwasang alalahanin ang isa pang taong naging malaking bahagi na rin ng buhay ko.
Sino si Frankie?
Siya ‘yung taong after every fight with Migs, who consoles me: si Francesca, but I like to call her Frankie. Frankie’s like a little sister to me, dahil na rin noong mga bata pa kami ay ako ang nagtatanggol sa kanya laban sa mga bumu-bully sa kanya. Noon kasi ay para siyang batang sobrang hina—patpatin, at iyakin—kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming bully sa school namin ay lagi siyang tinatarget.
Ngunit ngayon ay iba na ang sitwasyon. Today, isa na siya sa mga pinakahabuling babae sa school namin. Nagtransform ito from an ugly duckling to one heck of a beautiful swan. Ang dating iniiwasan, ay ngayong siya ng gustong makasama ng lahat. But like what they say, some things never change. Si Frankie ang isa sa mga tipo ng magagandang babae na hindi alam na maganda siya. Napaka-humble at down-to-earth nito, and to be honest, ay kahit sinong lalaki ay magiging maswerte sa kanya.
Maraming nagsasabing bagay kaming dalawa, at bakit daw hindi ko pa nililigawan ito? Palaging sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na ang laki daw ng sinasayang ko at baka makawala pa siya sa akin. Palagi kasi kaming magkasama nito, at dahil doon ay nagkakaroon ng maraming issue tungkol sa totoong relasyon namin ni Frankie. Bagay na bagay daw kami, at sinasabi pa ng ilan na kaming dalawa na lamang daw ang hindi nakakaalam na mahal namin ang isa’t-isa, at naghihintayan lamang kami.
Ngunit may ilang bagay silang hindi alam. Mga bagay na kaming dalawa lamang ni Frankie ang nakakaalam, at isang partikular na bagay na ako lamang ang nakakaalam at wala akong balak ipagsabi kahit kanino magkamatayan man. May dalawang malaking dahilan kung bakit hindi kami pupwedeng magkaroon ng relasyon ni Frankie.
Unang-una, may iba ng gusto si Frankie: si Migs, at ako lamang ang nakaalam nito. Ito na rin ang dahilan kung bakit lagi niya akong pinapagalitan tuwing inaaway ko ito. Hindi sila close ni Migs, at ayon sa kanya ay isa iyon sa mga bagay na lalo pang nagpapatindi sa appeal ng lalaking iyon para sa kanya. Sabi niya ay may ‘air of mystery’ daw si Migs na siyang nakakabighani. At ako naman, kahit pa hindi ako boto kay Migs para kay Frankie dahil sa ayaw ko ang pag-uugali ni Migs, ay wala na akong nagawa kundi hayaan siyang mahalin si Migs ng patago.
Ang huli, at ang pinakamatinding dahilan kung bakit ang isang romantic relationship sa pagitan naming dalawa ni Frankie ay imposible ay... never akong nagkagusto sa mga babae. Oo, as much as it pains to say it, but I admit it. I’m gay, and I’ve always been one. Habang lumalaki ako ay unti-unti akong nagtataka kung bakit ako nagiging iba sa mga normal na lalaki. And as much as I tried to suppress the truth, sabi nga nila: “The truth shall prevail.”
And it sucks.
And you know what sucks more? Aaminin ko na, matagal na akong may gusto ako kay Migs. Matagal na akong attracted sa kanya, at lahat ng pang-aaway na ginagawa ko sa kanya ay parte lamang ng defense mechanism ko para hindi ako tuluyang mahulog sa kanya, para maiwasan ang sakit na kaakibat ng pagmamahal ng isang tao kung saan wala ka namang pag-asa. Ang isa ko pang ikinaiinis ay ang katotohanang pareho kami ni Frankie, ng bestfriend ko, ng gustong tao.
--
Flashback.
Retreat.
Kasalukuyan kaming nagre-retreat sa isang retreat house sa Baguio, at isa sa mga activities na pinapagawa sa amin ay may objective na pagpapatawad. However, medyo iniba ng aming facilitator na si Father Noel ang instructions.
“Para sa ating susunod na activity, ang goal nito ay forgiveness and reconciliation. Hindi ba nga’t mas magandang magpatuloy sa buhay ng walang hinanakit, ng walang bigat na dinadala? Kaya ang gagawin niyo, ay gamit ang mga kandilang hawak niyo, pupuntahan niyo ang isang taong matagal niyo ng nakaalitan, at dadalhin niyo siya sa isang tahimik na lugar kung saan maaari kayong mag-usap dalawa ng masinsinan... Pero bago iyon, hindi na bago sa akin na sa mga ganitong activity ay nagiging hadlang ang pride para ma-achieve ang purpose nito. Kaya naman, gusto kong tanungin ang klase, kung meron ba sa inyo, meron ba kayong napapansin na dalawang indibidwal na kailangang-kailangang mag-undergo sa activity na ‘to?” tanong niya sa amin.
Ikinagulat ko na lamang ang sagot ng karamihan sa amin.
“Si Caleb at Migs po, father.” sabat ng isa.,
“Opo! Sila pong dalawa. Ang tagal na nga po nilang nag-aaway, eh.” dagdag pa ng isa.
--
“Tapusin na natin ‘to.” inip nitong pahayag.
“Nandito na rin naman tayo. Ano ba talagang meron sa’yo at matagal ka ng ganito sa akin? Wala naman akong matandaan na ginawa ko sa’yo, kaya bakit ka ba nagkakaganyan? Lagi mo na lang akong inaaway, eh. Hindi ka naman ganyan sa iba, sa akin lang. May galit ka ba sa akin?” sunud-sunod kong tanong dito.
“Simple lang. Ayoko talaga sa’yo.” singhal nito sa akin na siyang nakapagpainit lalo ng ulo ko.
“What an absurd reason.” sagot ko dito.
“Gusto kong malaman ang totoo, Migs.” dagdag ko pa.
Lumakad ito sa papalapit sa akin, at kinorner ako sa isang puno. Amoy na amoy at ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa pwesto ko ngayon. Malaman niya akong tinitigan at tila nalunod ako sa pagtitig sa mga mata niyang nangungusap. Ngayon ay napansin kong wala na ang inis o ang galit sa mga mata niya, at napalitan na iyon ng hindi ko mabasang emosyon.
“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong nito.
Tumango ako.
“Gusto kita, Caleb... gustong-gusto.” at naramdaman ko na lamang ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
--
“Migs was my first love, and my first heartache. Who would’ve thought na kaya kami nag-aaway dahil pareho lang pala kaming takot?” sabi ko kay Gab matapos akong magkwento ng mga una naming karanasan. “Pero ano ba talagang nangyari sa inyo? Bakit kayo nagkasiraan?” tanong niya sa akin, at bigla ko na namang naramdaman ang sakit as I went back and recalled those memories. “Kasi sa tingin ko ay ‘yung nangyari after ang dahilan kung bakit ka na ganyan ngayon, Caleb.” saad pa ni Gab.
“Nagmahalan kami ng patago, pero may nakaalam na isang kaibigan niya. Natakot siya. Sobrang natakot siya kaya hiniwalayan niya ako. Marami siyang pangarap, at masakit dahil... hindi niya ako nakikita na kasama sa pag-abot niya ng mga iyon. Eventually, some people found out about it. Nagalit si Migs sa akin, kahit hindi ako ang dahilan ng pagkalat ng chismis. Imbes na ipagtanggol ako, kahit bilang isang kaibigan man lang, siya pa ang nanguna sa kanila sa pagbully sa akin. Ang sakit, Gab. Ang sakit-sakit. Kung sino pa ang taong minahal mo ay siya pa ang gagawa ng dahilan para maging impyerno ang buhay mo.
“My parents never found out, and I had it covered kasi akala nga nila may namamagitan sa amin ni Frankie that time kaya never silang nagtanong kahit noong mga panahong kami pa ni Migs. And si Frankie, niligawan siya ni Migs, at alam kong ginawa lamang niya iyon para lalo akong saktan. And doon ako napaisip, nakaramdam ako ng guilt na dahil sa pagpayag kong maging ka-relasyon si Migs, eh parang tinraydor ko na rin si Frankie ng palihim kaya lalo pa akong nafrustrate. Going back, syempre, dahil gusto siya ni Frankie ay...naiwan nila akong mag-isa sa ere. That’s how it’s been until the accident happened. Migs never apologized kaya never akong nagkaroon ng closure, never akong nagkaroon ng justice para sa side ko. Kaya hanggang ngayon ang sakit-sakit pa rin. Kaya sinusubukan kong huwag ng maging malapit sa kahit na sino dahil lahat naman sila iiwanan ako, lahat naman sila sasaktan ako. Kaya—“ naputol ang pagkkwento ko nang maramdaman ko ang pagpunas ni Gab sa pisngi ko gamit ang daliri niya. Umiiyak nap ala ako ng hindi ko namamalayan.
“Stop. You don’t need to finish. Ngayon naiintindihan na kita, Caleb.” sabi nito sa akin, and as if by instinct ay naramdaman ko na naman ang takot kaya lumayo ako sa kanya at tumayo. Akmang tatakbo na sana ako nang pigilan niya ako.
“Ano na naman bang problema mo?! Patuloy mo na lang bang tatakbuhan lahat ng taong gustong mapalapit sa’yo?!” galit nitong sabi sa akin kaya naman hinarap ko na siya.
“Tangina, Gab! Kundi dahil sa’yo, hindi ako nahihirapan ng ganito! Hindi sana ako natatakot kagaya ng dati. Bakit kailangan mong iparamdam sa akin na concerned ka? Na may halaga ako sa’yo? Bakit mo ako minahal?! Bakit ka pa kasi dumating sa buhay ko?” bulyaw ko dito.
“Anong—“
“Oo, Gab! Gusto kita! Simula pa lang ng dumating ka sa amin, I was instantly attracted to you! Pero magkapatid tayo, Gab kaya hindi pwede! Hindi na naman pwede, kaya ang sakit-sakit na. Lahat na lang ng taong piliin ng puso kong mahalin hindi pwede. Kaya naman lahat ginawa ko para layuan mo ako, para magalit ka sa akin. Pero mapilit ka kaya nahulog ako at nasasaktan ako ngayon!” pag-amin ko dito.
Nanatili siyang nakatunganga at hindi makapaniwala sa mga bagay na narinig sa akin.
“And alam mo ba kung bakit ko kinausap si Sari? Para pagselosin ka, dahil umaasa akong kapag mayroon na akong iba, tuluyan ka ng lalayo sa akin. Gusto kong matahimik mula sa pagmamahal sa’yo, Gab! Pero itong putanginang puso ko ayaw makinig!”
--
Justin.
Naalimpungatan ako at naramdaman ko na parang malamig ang kabilang side ng kama namin. Wala akong makapa, at pagdilat ko ay wala akong Gab na nakita. Naisip ko na lamang na baka nagbanyo lamang iyon o uminom ng tubig kaya naman naisipan kong matulog na lamang ulit... hanggang sa marinig kong parang may nagsisigawan sa labas. Tanging ang kwarto lamang namin ni Gab ang nasa ground floor ng resthouse kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit madaling ma-check kung may nangyayari ba sa labas o kung ano.
Bumangon ako at lumabas ng kwarto, and each step I took ay mas lalong lumilinaw ang pagpapalitan ng mga salita mula sa dalawang tao hanggang sa makilala ko kung kanino ang mga boses na iyon.
Bigla akong kinabahan. Gusto ko ng magmadali at tingnan ang nangyayari, at marahil pigilan man kung ano iyon. Ngunit ang isang parte ng pagkatao ko ay gustong magmasid, tingnan kung ano ang mga mangyayari, ang mga mangyayaring hinding-hindi ko malalaman kung hindi ako mananatiling tahimik. Kaya naman kahit labag sa kalooban ko ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinagmumulan ng mga boses.
Tahimik akong nagmasid mula sa isang gilid na tago mula sa balkonahe.
“Caleb, sigurado ka ba diyan sa mga sinasabi mo?” tila napansin kong nagulantang si Gab sa kung anuman ang narinig niya kanina mula kay Caleb na kamalas-malasan kong hindi napakinggan.
“Oo, Gab! Sa tingin mo ba, sa pag-uugali kong ito, gagawin ko ‘yung mga bagay na ginawa ko dati para lang i-please ka?! Hindi ba’t napaka-unlikely noon para sa isang taong katulad ko? Ibig sabihin, Gab... puta hindi ka lang isang ordinaryong tao para sa akin. Iba ‘yung pagtingin at pagpapahalaga ko sa’yo... at aaminin kong sobrang natuwa ang puso ko when I found out that you have the same feelings for me, pero dahil gago ako, napagsalitaan pa kita, nasaktan pa kita. ‘Yung taong mahal ko, hindi na nga kami pwede, sinaktan ko pa!” mahabang litanya ni Caleb, at nang mapagtagpi-tagpi ko ang nilalaman ng sinabi niya ay pakiramdam ko ay tila hinataw ako ng martilyo sa ulo ko.
“No... no!” sabi ng naghuhumiyaw kong damdami sa loob-loob ko.
Putangina, kung magbiro nga naman ang tadhana. Alam kong mahal pa ni Gab si Caleb, ngunit alam kong mahal na rin ako ni Gab, at ako... siguradong-sigurado akong mahal ko si Gab. Ngunit sapat na ba ang pagmamahal na meron sa akin si Gab sa maikling panahon namin bilang magkarelasyon para matawaran ang pagmamahal niya para sa kapatid niya? Tiningnan ko si Gab at nang makita ko ang naging reaksyon niya ay gustong-gusto ko na siyang lapitan at ilayo mula kay Caleb dahil halatang-halata sa kanya na hindi na niya alam ang gagawin niya mula sa natuklasan niya.
Hanggang sa magsalita ito.
“So anong gusto mong gawin ko, Caleb?” nanghihinang tanong ni Gab kay Caleb.
“Gab, just... tell me if you still have those feelings for me. Tell me you don’t love Justin. Tell me that I’m still the sole person who owns your heart. Gab... you gave me the ability to be brave, na magmahal muli at siguro panahon na para maging matapang na ako.”
“Caleb, kahit naman sabihin ko sa’yong mahal pa rin kita wala pa ring mangyayari. Hindi pa rin pwede dahil magkapatid tayo! Putangina, ito kasi ‘yung kinaiinisan ko, eh. Ayokong sirain ang pamilya niyo, Caleb. Mahal na mahal ko kayong lahat, at ayokong ako ang maging dahilan kung bakit kayo magkakawatak-watak. Ayokong sirain mo ang buhay mo dahil lang sa akin, Caleb.”
Nakita ko na lamang ang sarili kong umiiyak dahil sa narinig ko mula sa kanya. “Hindi man lang niya sinabi na mahal niya ako. Hindi niya ‘yun ginawang dahilan para ilayo si Caleb.” napapailing kong naisip habang patuloy sa pag-agos ang mga patak ng luha mula sa mga mata ko. Pilit kong kinontrol ang mga emosyon ko upang hindi nila ako marinig na nanaghoy sa isang sulok.
“Kaya nga magpapakatapang na ako, Gab! Sabihin mo lang sa akin na “oo”, sabihin mo lang sa akin na mahal mo pa rin ako at ako ang gusto mong makasama hanggang sa huli... handa akong iwanan ang lahat para sa’yo! At saka, wala na akong pakialam sa mga sasabihin nila. Pamilya ko nga sila, pero nagmahal lang naman ako at wala silang karapatang pagsabihan ako kung ano ang tama o mali sa pagmamahal, dahil hindi sila Diyos, Gab!”
Hindi ko ikakailang napahanga talaga ako ni Caleb mula sa mga salitang lumabas sa kanya, ngunit ang mas inaalala ko ay kung ano ang sasabihin ni Gab sa narinig niya.
Sadly, the answer I’ve waited for never came, at mukhang maging si Caleb ay nainip na mula sa paghihintay ng sagot kay Gab hanggang sa magsalita ito.
“Magkita tayo dito bukas, alas dos ng madaling araw. Hihintayin ko ang sagot mo, Gab. I’ll be waiting, and hoping.” sabi nito bago ito tumayo sa kinauupuan niya. At tila nahimasmasan naman ako sa nangyari kaya naman nagmadali akong makabalik sa kwarto namin ni Gab para hindi nila ako makita, at nang makapasok ako ay doon ko na pinawalan ang kanina pang nagbabadyang mga damdamin dahil sa mga narinig ko.
“Mahal pa rin niya si Caleb. Hindi pa rin pala sapat ‘yung mga ginawa ko. Akala ko ako na ang pipiliin niya.” sabi ko sa sarili ko.
Bigla ko namang naalala ang naging kasunduan ng dalawa at napagdesisyunan kong magmanman muli kinabukasan para malaman ko kung anuman ang magiging desisyon ni Gab.
“Ngayon ka pa ba papatalo, Justin?” sabi ng isang parte ng pagkatao ko na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang determinasyon para hindi ako matalo ni Caleb. Ang alam ko lang ngayon ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para ako ang piliin ni Gab sa huli.
Ako ang mamahalin ni Gab at hindi si Caleb.
--
Gab.
“Good morning, babe!” masiglang-masiglang bungad sa akin ni Justin the moment buksan ko ang mga mata ko mula sa pagkakatulog. “Pinapanood mo ba akong matulog?” susuray-suray kong tanong dito, at para naman isang batang tumango si Justin. “Yup! Maglinis ka na kasi magbbreakfast na tayo in 15 minutes. Ako na mag-aayos ng mga susuotin mo. Pumunta ka na sa banyo at paglabas mo ready na lahat hehe.” sabi pa nito na siyang ikinataka ko.
“Bakit? Anong meron? Bakit ka ganyan?” takang-taka kong tanong dito. Ngumiti naman ito at tinabihan ako. Umakbay ito sa akin at sinabing, “Syempre. Dapat masanay ka ng pinagsisilbihan kita, because we’re going to be together for a very, very long time. Hindi ako aalis sa tabi mo, kaya kahit nagsasawa ka na sa gwapong pagmumukhang ‘to, wala ka ng magagawa, because I’m not leaving!” kampante na sabi nito.
“Pfft. Ang aga-aga bumabanat ka na. Magto-toothbrush na muna ako.” pagdismiss ko dito, ngunit hindi ko lamang maamin sa kanya na natuwa ako sa mga narinig ko sa kanya.
“Kiss muna.” sabi nito. Napa-iling ako.
“Hindi pa nga ako nagto-toothbrush, Justin” pag-ulit ko.
Parang na-realize naman nito ang naging kamalian niya at napakamot pa siya sa ulo. “O, sige. Sa cheeks na lang hehe. Ako na lang ki-kiss.” sabi nito bago maglapat ng isang halik sa pisngi ko. “Sige. Toothbrush ka na para makakain na tayo.” nakangiti nitong sabi sa akin. Kaya naman pumunta na ako sa banyo para gawin ang mga bagay na dapat kong gawin.
Nang matapos akong magsipilyo ay tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Pinilit kong ngumiti kahit pa parang bigla-bigla na namang dumami ang mga inaalala kong problema sa buhay dahil mula sa mga narinig ko kay Caleb kaninang madaling araw. Totoo... ngayon naiinis ako sa sarili ko dahil bakit bigla-bigla akong nalito tungkol sa kung sino na ba talaga ang taong mahal ko? Hindi ba’t mahal ko na si Justin? Bakit kasi tila biglaan na lang akong hinataw muli ng mga damdamin ko para kay Caleb na akala ko ay matagal ko ng binangon sa hukay?
At saka, ang sabi pa nila, kapag daw sa tingin mo ay may dalawa kang taong minamahal, piliin mo ang pangalawa, dahil hindi ka naman magmamahal ng iba pa kung sapat na ang pagmamahal mo doon sa una. Hindi ko na rin siguro napansing napatagal na ako ng nilagi ko sa banyo kung hindi pa tinawag ni Justin ang atensyon ko.
“Gab, bakit ang tagal mo? May ginagawa ka ba diyan? Huwag ka namang magsolo. Sama mo ako para masaya.” biro ni Justin mula sa kabilang side ng pinto. Namula naman ako dahil sa narinig ko.
“Tangina. Bastos!” sagot ko dito at narinig ko lamang itong humagikgik.
“Iyan ang taong sasaktan mo kapag pinili mo si Caleb.” muling sabi ng konsensya ko na siyang naging dahilan kung bakit napabuntong-hininga na naman ako. Pilit kong inayos ang sarili ko bago lumabas ng banyo. Sinalubong ako ng isang nakangiting Justin at sinuklian ang ngiti niya sa akin. Doon ako napaisip na hindi ko kayang saktan ang isang taong tulad niya. Hindi man naging maganda ang nakaraan namin, ang importante ay ang kasalukuyan.
Ngunit hindi ko ikakailang sobra akong na-enganyo sa inaalok sa akin ni Caleb. Masaya ako, oo sobra. Masaya ako dahil sa hindi lang pala one-way o unrequited ang naging pagtitinginan namin ni Caleb. Lubusan talaga akong napapaisip, ngunit pinipigilan ako ng katotohanan ng pagiging magkapatid namin. Pero may punto si Caleb. Ano nga ba ang mali sa ginawa ko? Sa ginawa niya? Tao nga lang naman kami at nagmahal, hindi naman namin ginusto na sa sarili naming kapatid kami mahulog.
Gusto ko na talagang sabunutan ang sarili ko dahil sa lubusang pagkalitong nararamdaman ko ngayon. Idagdag mo pa na dapat na akong magdesisyon sa lalong madaling panahon nang hindi na ako makasakit. Alam kong sa desisyong gagawin ko ay hindi maiiwasang may masaktan akong isa sa kanilang dalawa. Ngunit dapat ay magdesisyon na ako habang maaga pa, para hindi maging malalim ang mga sugat na matatamo naming tatlo sa huli.
Dapat magdesisyon na ako.
--
For some unexplainable reason, ay biglaang nagkaroon ng tensyon sa hapag-kainan. Ngunit ito iyong klaseng tensyon na sa tingin ko ay ako lamang at ang dalawa pang lalaking kasama ko (maliban kay papa) ang nakakaramdam. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang tila nagkukumpitensya ang dalawa sa buong ikinatagal ng agahan namin. Don’t get me wrong, hindi ito ‘yung tipong tungkol sa akin. Ang nakakapagtaka kasi, lahat ng opinion nila sa mga pinakasimpleng bagay na pinagkukuwento ni papa ay hindi magkasundo ang dalawa.
Buong agahan silang nagtatalo tungkol sa kung anu-anong mga bagay. Kahit pa si daddy at tila na-entertain to the point na pati ilang mga problema sa company niya ay tinanong na rin niya ang mga opinion nila ukol sa mga iyon. Hindi naman kasi halata na nagkakayarian na ang dalawa sa kadahilanang mahinahon ang mga ito, at dahil nga ang tingin ng lahat ng tao sa hapagkainan ay simpleng kompetisyon lamang sa pagitan ng dalawang “magkaibigan” ang nagaganap, ay walang pumuna sa mga simpleng pasaring nila sa isa’t-isa.
Hanggang sa bigla na lamang akong nasali sa usapan.
“Ikaw, Gab? Ano sa tingin mo? Kaninong idea ang mas maganda? ‘Yung kay Caleb, or ‘yung kay Justin?... Sino ang pipiliin mo? Si Caleb o si Justin?” inosenteng tanong ni papa na gusto ko ng tadyakan dahil sinali pa ako sa isang unang simple at inosenteng usapan, ngunit ngayon ay nilagyan na niya ito ng totoong issue dahil sa pag-involve sa akin.
“Ah.. eh...” natatameme kong pagsisimula, ngunit sa totoo lamang ay hindi ko alam ang magiging sagot ko.
“Make your choice between the two. ‘Yung boyfriend mo? O ‘yung kapatid mo?” sabat pa ni papa, at doon ay ramdam ko ang dalawa pang pares ng mga mata na masuri akong tinitingnan, matiyagang naghihintay ng kung anuman ang magiging sagot ko, kung sinuman ang pipiliin ko sa dalawa. Hanggang sa makaisip ako ng isang magandang solusyon upang takasan ang sitwasyon ito.
“Kailangan kong magbanyo.” pag-arte ko na parang nasusuka at walang sabi-sabing nilisan ang hapag-kainnan namin.
--
“Gab, do you think five years from now, tayo pa rin?” tanong sa akin ni Justin ng gabi ring iyon na siyang ikinagulat ko habang siya ay nakayakap sa akin. “Ano bang klaseng tanong ‘yan, Justin? Bakit ba buong araw kang ganyan. Kanina ka pa nagpapapansin. Hindi ako sanay.” sabi ko sa kanya. “I just want to know.” simpleng sagot niya. Wala siyang sinabi hanggang hindi pa ako sumasagot kaya naman pinagbigyan ko na siya.
“Siguro naman.” simpleng sagot nito.
“Bakit hindi ka sigurado?” tanong niya, halatang dismayado sa naging sagot ko.
“Sigurado naman... pero you’ll never know, eh.” pagrarason ko.
“Okay, fine. Basta sisiguraduhin ko ‘yan, and hindi lang five years, kahit after death tayo pa rin. Magsasawa ka sa pagmumukhang ‘to whether you like it or not. Itong pagmumukhang ito lang ang pwedeng magmay-ari sa’yo, at ikaw lang ang owner ko... hehe, possessive boyfriend alert.”
“Isip bata ka talaga.” bara ko dito, ngunit sa loob-loob ko ay lubusan na akong nagui-guilty sa ginagawa ko kay Justin. Nakukunsensya kasi ako na talagang binibigyan ko ng konsiderasyon ang alok sa akin ni Caleb kagabi. Hanggang sa maalala ko na magkikita kaming dalawa ngayon para sabihin sa kanya kung ano ang magiging desisyon ko tungkol sa pag-ibig niya para sa akin.
“Hindi ka pa ba matutulog?” tanong ko dito, dahil usually ay maaga itong natutulog. Alas dose na rin kasi kaya naman nagtataka ako kung bakit ito nagpupuyat. Inaasahan ko kasi na magiging madali ang pag-alis ko sa kwartong iyon para puntahan si Caleb. Hangga’t maari ay ayoko ng idamay pa si Justin sa kaguluhang ito. He doesn’t deserve to be involved in something like this. Masstress pa ito, at malamang ay maiisip na naman niya ang mga issues niya patungkol kay Caleb, at ayoko ng gumawa ng dahilan para mag-away muli ang dalawa.
“Mamaya na. Bakit? May gagawin ka bang hindi ko alam?” naghihinalang tanong niya na siyang ikinatigil ko. Napaisip tuloy ako kung may alam ba siya sa mga nangyayari, ngunit nang maalala kong wala namang nakarinig sa amin ni Caleb kagabi ay medyo napanatag ako. Pagbalik ko rin naman ng kwarto namin ay nakita ko siyang himbing na himbing na natutulog kaya naman medyo nakahinga ako ng kahit papaano.
“Uy, joke lang ‘yun. Relax lang. Masyado kang hot. Sige, matutulog na ako. Inaantok na ako, eh.” sabi pa nito sa akin. Pilit kong ipinikit ang mga mata ko matapos niyang sabihin iyon. Sinubukan kong matulog, dahil sa totoo lang, gusto kong huwag ng puntahan pa si Caleb. Gusto kong takasan itong gulong pinasok ko. Pero naisip ko rin na someday in the future ay haharapin at haharapin ko rin ang bagay na ito kaya naman dapat ko ng ayusin ito habang maaga pa.
Narinig kong palalim na ng palalim ang paghinga ni Justin, hanggang sa maghilik na ito ng tuluyan, isang indikasyon na nakatulog na ito. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Napakaamo talaga niya habang natutulog, kung ikukumpara sa itsura niya kapag gising na mukhang seryoso. Dahil doon ay napabalik-tanaw ako sa mga bagay na pinagdaanan namin at wala ako sa sariling napangiti nang mapagtanto kong marami na talaga kaming pinagdaanang dalawa despite of the fact na sandali pa lang kami magkakilala.
Tiningnan ko ang wall clock sa kwarto namin at nakita kong limang minuto na lamang pala ay maga-alas dos na. Binaling kong muli ang tingin ko kay Justin at siniguradong tulog na ito bago ako lumabas. Nang masiguro ko iyon ay agad-agad akong bumangon mula sa pagkakahiga, lumabas ng kwarto, at tinahak ang daan patungo sa balkonahe.
--
Nang makarating ako sa balkonahe ay nadatnan ko doon si Caleb na tila nagmumuni-muni. Tinabihan ko ito. Sandali kaming hindi nagpansinan. Wala ni isa mang nagsalita sa amin. Patuloy kaming nagpapakiramdaman, pilit iniisip kung sino ang unang magsasalita, kung sino ang unang babasag sa nakakailang na katahimikan. Hanggang sa magsimulang magsalita si Caleb.
“So what’s your decision? Ako ba o si Justin?” diretsong tanong ni Caleb.
--
Justin.
Naalimpungatan ako, at napansin kong wala si Gab. Nang mapadako ang tingin ko sa orasan ay nakita kong lampas alas dos na pala ng madaling araw. Putangina nakatulog ako! inis kong sabi sa sarili ko at dali-dali akong bumangon at mabilis, ngunit tahimik na tinahak ang daan papunta sa balkonahe ng bahay.
Naisipan kong pumunta muna ng mabilis sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig para maibsan ang panunuyong kanina ko pa nararamdaman sa lalamunan ko, pati na rin ang kabang kanina pa dumadagundong sa dibdib ko. Nang makakuha ako ng tubig ay agad akong nagpunta sa may balkonahe. Habang tinatahak ko ang daan papunta doon ay nararamdaman kong bawat hakbang na ginagawa ko ay siyang dagdag sa kabang nadarama ko.
Maraming tanong ang sumagi sa isip ko. Again, lahat na naman ng mga insecurities ko sa sarili ko na dinulot sa akin ni Caleb sa simula pa lamang ay nagsimulang maglabasan. Napaisip ako paano kung si Caleb ang piliin ni Gab sa huli? Ako ang unang nanloko sa kanya, ako ang pangalawang dumating sa buhay niya, at posibleng sa pagdating kong iyon ay huli na pala akong talaga at isa ng talunan sa puso ni Gab kahit hindi pa nagsisimula ang laban ko.
Nang madatnan ko na ang balkonahe ay siya namang pagdating ng isang napakasakit na pakiramdam sa puso ko. Para akong tinusok ng paulit-ulit, para akong binaril ng isang milyong beses sa nakita ko. Naramdaman ko na lamang ang pagkabitaw ko sa basong hawak ko, ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha sa mga mata ko, at ang galit at sakit na matagal ko ng tinatago.
--
Gab.
Parang bumalik ako sa realidad dahil sa kadahilanang nakarinig ako ng tunog na parang may nabasag mula sa loob ng bahay, at nang madatnan ko ang pinaggalingan ng tunog na iyon ay nagulat ako nang makita ko si Justin na may hindi maintindihang ayos ng mukha. Kita dito ang galit, ang sakit, ang pagkagulat, at ang pagtataka. Dahil doon ay parang hinataw ako ng isang milyong beses nang mapagtanto ko kung ano nga ba ang nangyari.
Hinalikan ako ni Caleb.
“Justin, I—“ magpapaliwanag na sana ako nang bigla siyang sumugod. Ang buong akala ko ay si Caleb ang susugurin niya ngunit laking gulat ko na lang nang bigla akong makaramdam ng init sa kaliwang pisngi ko.
“Ang bababoy niyo! Ayan na. Napaikot niyo na ako! Nakaganti na kayo sa akin! Masaya na kayo? Ha?!” galit na galit na bulyaw sa akin ni Justin.
At doon ay narealize ko na kung ano ang naging desisyon ko.
“Justin, magpapaliwanag muna ako. Hindi iyon ang—“
“Stop it, Gab. Huwag na tayong maglokohan dito! Noong ako ang gustong magpaliwanag sa’yo, ni hindi mo man lang ako pinakinggan, eh. Akala ko totoo na ‘yung mga pinapakita mo tapos... tapos...” hindi na matapos ni Justin ang kanyang sasabihin at parang hindi na ito makahinga sa ayos niya ngayon. Lalapitan ko na sana siya nang bigla niya akong ipagtabuyan at ibinaling ang tingin niya kay Caleb. Sa oras na iyon ay umiiyak na ako, dahil hindi ko gusto ang mga nangyayari. Ayoko ng nangyari sa amin ni Caleb. Ayoko sa katotohanang hinayaan ko siyang halikan ako, ayoko sa sarili ko dahil ngayon ay nasaktan ko si Justin at ngayon ay ayaw nitong makinig sa paliwanag ko.
“Ikaw, Caleb! Sana maging masaya kayo. Puta, pare-pareho lang pala tayo dito, eh. Mga manloloko!” sigaw niya dito. Si Caleb, na akalain kong lalaban, ay nanatiling tahimik. Ako naman ay parang isang batang ngumangawa, naduduwag at nasasaktan dahil sa mga nangyayari.
“Justin, please pakinggan mo muna ako.” pagmamakaawa ko dito.
“Gab, sapat na ang nakita ko. Huwag mo ng ipamukha sa akin sa si Caleb ang mahal mo. Masasaktan lang ako.” umiiyak pa rin niyang sagot sa akin. “Gab, tama ka. Masakit ngang maloko. Maraming salamat dahil pinaramdam mo sa akin kung ano ang naramdaman mo sa ginawa ko sa’yo dati. Brilliant, Gab. Ang galing niyo ni Caleb!” dagdag pa nito.
“Hindi mo naiintindihan, Justin. Kasi—“
“Anong nangyayari dito?”
Napabaling kaming tatlo sa taong nagsalita, at doon ay lahat ng takot na kinikimkim ko ay naglabasan. Alam kong wala na akong takas, alam kong panahon na para malaman nila ang buong katotohanan.
Panahon na para umalis.
“Papa...”
--
Author's Note:
Comment below kung ano ang gusto niyong mangyari sa final chapter. Btw, please give me some time (siguro one to two weeks max) to finish writing the last chapter. I want it to be special kaya I'm taking my time hehe. Sana maintindihan niyo.
From the very start of the story gab & Caleb ako. But reading this chapter made me realize that I prefer Justin for Gab. Sobrang intense ng emotions. Sana Mr Author happy yung ending for all of them
ReplyDeletebeautiful story! nakaka-excite ang story na ito... GABRIEL-JUSTINE pa rin ako.
ReplyDeleteFirst of all i want to greet the Author a Happy Happy Birthday.. Wishing you all the best and success in life.. Thx for your update.. We really appreciate it.. Sana Mr. author happy ending s huli.. Ang gandabng twist and super bigat ng emotions.. I prefer Justin and Gab p rin.. Although im not sure kung magkapatid b tlga c Gab at Caleb.. Its your choice Mr. author kung sino tlga ang magkakatuluyan but im still hoping for happy ending and yung malapit s reality.. Good job Mr. Author.. Hugs and kisses.. Keep it up.. We will wait for your update and we will give you time for it because its special.. Especially for us readers..
ReplyDeleteAng ganda ng story. Kahit ako, di ko alam ang gagawin. Hehe. Kaw na bahala gab . Pero gab and justin din ako. Di ko alam pero mas pure at tapat ang pag ibig ni justin kay gab. Hoping marealize ni gab yun, i know sa nangyari sa kanina, gab realize that he loves justin kaysa kay caleb. Keep it up mr. Author. Thanks.
ReplyDelete-tyler
Ohmygod what the fuck! Waaaaa nakaka-ano naman to oh! Shit di ko maintindihan ang emotions ko dito! A very very great chapter. :333 ~Ken
ReplyDeleteHintayin ko yung finale! And I hope you'll write again another story after this.
Totoo bang birthday mo sir? Happy birthday po!
Hala. Hindi ko po birthday! :O :))
Deletetnx for the update, becoming more exciting. goodluck po.
DeleteSorry Sir Lim. May nakita along comment dito e. Birthday niyo daw. Huhuhu. ~Ken
Deletehayyyy.. e kung ibigay mo na lng kya sakin si caleb author.. ako pla si jhi sakin mo na lang ipartner para masya... hahaahah... joke..
ReplyDeletehayyy kung kelan kasi paok na dun pa nagpakiss (pero kht mka justin ako naisip ko pa rin ung pagkiss nla caleb at gab hahaa)
kasad nag lang po patapos na.. ganda pa man din
jihi ng pampanga
Kailan po ung finale??? :))
ReplyDeleteIt may sound strange .... siguro mag cross over ang characters ng magkaibang storya, si Andrei De Dios ng 'Final Requirement' kung hinde sila magkatuluyang ng gagong si Richard, para kay 'Caleb Tan' mas bagay pa sila. A new sequel of Caleb and Andrei. But it may never happen (?. Depende na lang kung mag agree ang 2 authors sa next sequel. Suggestion lang po mga chong .. something different & unusual. Vince
ReplyDeleteWhen I commented on another story that I only have 3 current faves in MSOB, this is actually one of them. And A. Lim is only one of the 2 current contributors I like the most. Sad to say the story is about to end. I hope the author will keep on churning lots and lots of good reads after this. Congratulations in advance for a really good run of Untouchable :) - Kris
ReplyDeleteFor the ending, I don't certainly want Gab, Justin or Caleb dying. Nor Justin giving way for Caleb and Gab or the other way around. I want Gab to end up with Justin and Caleb reunited with Migs. That'll be cool. Btw, I just learned that the author is also an Isko. Now I no longer wonder why this is so good and appealed to me :) - Kris
ReplyDeleteThe return of Migs, Caleb's final encounter. Everyone is happy. Jerk off ending (lol)
ReplyDeleteI can not see the point of predicting the ending to this beautiful story. Para sa akin, kahit anong maging ending ni Gab, okay lang. Ganun talaga kasi kapag nagmamahal ka. Hindi puro saya. May kasamang sakit din yan. At hindi lahat, happy ending.
ReplyDeleteFavorite ko po talaga kayo, sir. Sana may bagong story kayong gawin after nito. Again, I am looking forward to the finale of this great series! ~Ken
team justin ako...i hope maging sila sa huli...love it!..
ReplyDeleteMr. A. Lim,
ReplyDeleteUnang una sa lahat, nais ko magpasalamat sayo para sa kwentong ito at sa "unexpected'. Nalulungkot man ako na matatapos na ang "untouchable,' kahit sa tingin ko ay kaya pa naman (at sana) maextended kahit pano ang kwento, pero natutuwa ako isipin na baka may bagong kwento kaming susubaybayan mula sayo. :)
#TeamJustin pa din ako! Nakakarelate kasi ako sa kanya dahil sa isyu niya sa kanyang pamilya. Kung wala man na happy ending para sa kanilang tatlo, sana sa sunod na kwento andun na ako for Justin (LOL) :))
I agree with other readers that Migs should come back for Caleb (maybe that is what you're planning for the next story?? kung spoiler man 'to; OOOPSIE! :) ) I'm so excited for whatever the ending would be.
I would like to thank you again Mr. A. Lim for sharing your wonderful gift for writing with us. Hoping for more stories from you soon! :))
~R.L.
PS: I hope to meet you someday, kung mapadpad man ako sa Diliman.
Wow. Thank you dito! Haha about doon sa sinabi mo about kay Migs, we'll see. Abangan na lang ang finale haha. ;)
DeleteExpect the final chapter to be posted soon. I won't post it until I'm fully satisfied with it. Expect it this weekend or early next week. Sorry for the delay. I really want to do this right.
Thanks again for all the support! :)
sna may next pa...
ReplyDeleteAng ganda ng story! pero naguguluhan ako para kay Gab!. Marahil ay ampon lang si Caleb or anak ciya sa ibang lalaki ng Mommy nya kaya nagluko and Daddy nila, in that case pwede pa ring maging caleb at Gab. Pero kahit kanino man mapunta si Gab, happy pa rin ako. Nice story mr author!
ReplyDeleteBen
Great minds think alike. Choss hahahaha shet I knew it! Hahahahaha. Have had so much fun reading this chapter. 😁
ReplyDelete